Anda di halaman 1dari 2

Ang Batang si Aurangzeb nang Lumaban sa Elepante

Nang si Emperador Shah Jahan ay nanatili sa Lahor, madalas siyang makakita ng kombat ng mga
elepante sa hardin ng Shalamar. Minsan, ang gobernador ng Bengal ay nagpadala ng apatnapung
kahanga-hangang pandigma sa mga elepante. Naupo ang emperador sa balkonahe habang ang
kanyang apat na anak na prinispe ay natatanaw niyang nangangabayo. Isang elepante ang
nakawala sa kanyang kalaban at nakatakbo papunta sa mga prinsipe. Ang tatlong prinsipe ay
mabilis na kumanan at umalis na. Tanging si Muhammed Aurangzib, na noon ay labing-apat na
taong gulang pa lamang ang nanatiling nakatayo at walang kagalaw-galaw. Ang tumatakbong
elepante ay dumaan sa kanya. Inundayan niya ng sibat na hawak niya sa kanyang kamay. Ang
malakas na atungal ng elepante ay nakasugat sa kabayo nang masuwag ito ng sungay ng elepante.
Lumundag ang prinsipe at hinagilap ang sibat upang asintahin ang anggulo ng elepante. Sa
ganitong pagkakataon, nagmamadali ang mga tagapagsilbi na dumaluhong upang tulungan ang
panginoon at ang Emperador ay nag-aalalang bumaba sa balkonahe. Dahan-dahang pumunta si
Aurangzeb sa kamahalan.
Si Timid Khan, ang nazir na lumalapit bilang pinakamatandang tagapaglingkod, naglilingkod na
siya mula pa sa angkang Asaf Khan-ina ng kanyang ama, habang umiiyak ay nagsabi na “Umalis
ka nang malumanay samantalang ang iyong ama ay nagdudumali sa matinding pag-aalala.
Sumagot ang prinsipe sa mababang tinig, “Kung ang elepante ay naririto, maglalakad ako nang
napakabilis. Pero ngayon wala nang dahilan para magmadali ako.”
Nang malapitan ni Aurangzeb ang ama, ibinigay ng Emperador ang isang lakh ng rupee bilang
handog sa paghingi ng pabor (nisar) sa prinsipe at sinabing, “Anak ko, salamat sa Panginoon at
natapos nang maayos! Kung (Hwag naming itulot ng Diyos!) kung naiba ang nangyari noon,
napakalaking kahihiyan kung nagkataon!”
Yumukod si Aurangzeb at sumagot, “Kung natapos iyon nang kabaligtaran man walang
kahihiyang naganap. Ang kahihiyan ay nangyari sa ginawa ng aking mga kapatid.”
Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa ginamit na panlapi at gamitin sa sariling
pangungusap.
1. Natapos
2. Kahihiyan
3. Tagapaglingkod
4. Matindi
5. Pag-aalala
6. Nangangabayo
7. Malumanay
8. Kagalaw-galaw
9. Pinakamatanda
10. Umalis

Pagpapahalaga:
Kung ikaw ang sumulat ng anekdota, paano mo ito bibigyan ng wakas? Ipaliwanag.

Anda mungkin juga menyukai