Anda di halaman 1dari 9

ARTS

Agosto 15, 2017 Martes

6:30-7:10 IV-Diamond
7:30-8:10 IV-Sunstone
9:10-9:50 IV-Ruby
10:00-10:40 IV-Amethyst

I.Layunin
A. Natatalakay ang iba’t ibang tanawin sa pamayanang kutural
B. Naiguguhit at naipipinta ang tanawin ng komunidad ng mga Pamayanang kultural (A4EL-IIA)
C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng tanawin sa pamayanang kultural sa pamamagitan ng likhang
sining

II. Paksang Aralin


Aralin Bilang 1: Landscape ng Pamayanang Kultural
A. Elemento ng Sining: Espasyo (foreground, middle ground, background)
B. Prinsipyo ng Sining: Balanse
C. Kagamitan : Lapis, papel, watercolor, brush, water container
D. Sanggunian : www.wikipedia.com
CCP Collection: The Philippine Tribesmen
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik – aral
Tukuyin ang mga disenyong etniko na makikita sa mga likhang-sining.

2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng isang komunidad. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan ang katangian
ng bawat isa.
(Hal. tahanan, tao, hayop, kagamitan sa paghahanapbuhay, at iba pa.)
Hayaan din silang magkuwento ng makikita sa kanilang komunidad.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin sa mga bata na maraming komunidad ng mga pangkat-etniko ang makikita sa iba’t ibang
rehiyon sa bansa. Ipakilala ang ilan sa mga ito sa tulong ng larawan.
Itanong:

1.Anong bagay sa larawan ang pinakamalapit sa kanila? Ang pinakamalayo?


2.Anong bagay ang pinakamaliit? pinakamalaki?

3.Hayaang magbigay ang bata ng sariling kaisipan tungkol sa pagkakaiba ng ayos ng mga bagay sa
larawan. (Sumangguni sa ALAMIN.)

2.Gawaing Pansining (Sumangguni sa GAWIN.)

3.Pagpapalalim ng Pag-unawa
1.Ano ano ang mga bagay sa iyong likhang-sining ang makikita sa foreground? middle ground? at
background?
2.Paano mo maipakikita ang wastong espasyo ng mga bagay sa larawan ng iyong likhang sining?

C.Pangwakas na Gawain

1.Paglalahat

Naipakikita sa pagpipinta ng tanawin ng komunidad ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan sa
pamamagitan ng pagguhit ng foreground, middle ground, at background.

2. Replekisyon

Paano mo maipagmamalaki ang ang mga komunidad ng mga pangkat-etniko sa ating bansa?

IV. Pagtataya

(Sumangguni sa SURIIN.)

Ipagamit sa mga bata ang rubrik sa pagsukat ng sariling kakayahan sa pagguhit.

V. Takdang Aralin

Magsaliksik sa magasin, libro o internet ng mga larawan ng komunidad ng iba pang pangkat-etniko sa
bansa. Idikit sa kuwaderno at lagyan ng maikling paglalarawan tungkol sa larawan.
ARTS

Agosto 22, 2017 Martes

6:30-7:10 IV-Diamond
7:30-8:10 IV-Sunstone
9:10-9:50 IV-Ruby
10:00-10:40 IV-Amethyst

I. Layunin
A. Natatalakay ang kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa isang pamayanang kultural sa
bansa. (A4EL-IIb)
B. Nakakalikha ng sariling disenyo ng isang katutubong kasuotan.
C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kasuotan ng mga pangkat-etniko sa pamayanang kutural
sa pamamagitan ng pagsusuot ng likhang-sining na kasuotan.

II. Paksang Aralin


A. Elemento ng Sining: Hugis at Kulay
B. Kagamitan : lapis, manila paper, gunting, watercolor, crayon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Balik-aral
Ipatukoy ang foreground, middle ground, at background sa sumusunod na larawan.

2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga batang Pilipino na may iba’t ibang palamuti sa katawan. Ipatukoy
ito sa mga bata at ipalarawan ang katangian ng mga palamuti sa kaniyang katawan.
(Hal. kuwintas, hikaw, damit, singsing, at iba pa.)

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin sa mga bata na ang bawat pamayanang kultural ay may kani-kaniyang kasuotan at
palamuti.
Ang bawat pook o komunidad ay may produktong likhang-sining na maipagmamalaki ng kanilang
mamamayan dahil sa taglay na kagandahan at pambihirang uri nito.
Ipakita ang makukulay na kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko.
2. Gawaing Pansining (Sumangguni sa GAWIN.)
3. Pagpapalalim ng Pag-unawa Itanong:
Paano nagiging kaakit-akit ang mga disenyong pangkat-etniko?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Ang paggamit ng pagpapatong patong ng mga hugis (overlapping) at matitingkad na kulay ay
nakatutulong upang maging kaakit-akit ang disenyo sa paglikha ng disenyo ng kasuotan
(Sumangguni sa TANDAAN.)
2. Repleksyon
Paano mo maipagmamalaki ang mga kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa mga
pamayanang kultural sa ating bansa?
IV. Pagtataya
(Sumangguni sa SURIIN.)
Ipasuot sa mga bata ang kasuotan na kanilang ginawa at magkaroon ng munting parada sa loob
ng silid-aralan.
Itanong:
1. Ano ang mga kulay na kasuotan na maganda sa paningin?
2. Ano-anong hugis ang magandang gamitin sa bawat disenyo?
3. Ipatukoy ang mga overlap sa disenyo ng kanilang kasuotan.
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng disenyong kasuotan ng iba pang pangkat-etniko. Gumupit sa magasin o kumuha ng
larawan sa internet at idikit sa kuwaderno.
ARTS

Setyembre 5, 2017 Martes

6:30-7:10 IV-Diamond
7:30-8:10 IV-Sunstone
9:10-9:50 IV-Ruby
10:00-10:40 IV-Amethyst

I. Layunin
A. Natatalakay ang kultura ng mga pangkat-etniko sa pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIC)
B. Naiguguhit at naipipinta ang larawan ng kultura ng mga pangkat- etniko sa pamamagitan ng
watercolor
C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kultura ng mga pangkat-etniko sa pamamagitan ng
watercolor painting

II. Paksang Aralin


A. Elemento at Prinsipyo ng Sining: Kulay (Katangiang Value – o kapusyawan o kadiliman ng kulay)
B. Kagamitan : Lapis, papel, watercolor, brush, tubig, basahan, lumang diyaryo, mixing plate o
recyclable container
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga gawain sa kasalukuyan. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan
ang katangian ng bawat isa. Hayaan din silang magkuwento ng kanilang karanasan kapag ginagawa nila
o nakikita ito.

B.Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Magpakita ng kultura ng pangkat-etniko
Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito.

2. Gawaing Pansining (Sumangguni sa GAWIN.

3. Pagpapalalim sa Pagkaunawa Itanong:


Paano naipakikita ang value ng kulay sa pagkulay?
Paano mo nagagawang madilim at mapusyaw ang disenyo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Naipakikita ang tamang value sa pagkulay gamit ang watercolor sa mga bagay sa larawan sa
pamamagitan ng pagdadagdag ng tubig upang maging mapusyaw at konting tubig upang maging mas
madilim ang kulay ng likhang sining.
(Sumangguni sa TANDAAN .)
2. Repleksiyon
Itanong:

1. Ano ang nakatutuwang karanasan mo habang isinasagawa ang watercolor painting?


2. Ano ang kakaibang epekto ng paglalagay ng mapusyaw at madilim na kulay sa paglikha ng larawan sa
pamamagitan ng watercolor?

IV. Pagtataya
(Sumangguni sa SURIIN.)
Ipagamit ang rubrik sa pagsukat ng sariling kakayahan sa pagguhit.

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang gawain o tradisyon na ginagawa sa inyong paaralan.
Pintahan ito sa pamamagitan ng watercolor
ARTS

Agosto 28, 2017 Lunes

6:30-7:10 IV-Diamond
7:30-8:10 IV-Sunstone
9:10-9:50 IV-Ruby
10:00-10:40 IV-Amethyst
ARTS

Setyembre 12, 2017 Martes

6:30-7:10 IV-Diamond
7:30-8:10 IV-Sunstone
9:10-9:50 IV-Ruby
10:00-10:40 IV-Amethyst

I. Layunin
A. Napaghahambing ang iba’t ibang pagdiriwang sa mga pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIF)
B. Nakalilikha ng isang myural ng isang selebrasyon o pagdiriwang
C. Naipagmamalaki ang pagdiriwang ng mga pamayanang kultural sa pamamagitan ng likhang sining

II. PaksangAralin
A. Elemento : Kulay
B. Kagamitan : lapis, papel, watercolor, cardboard, gunting, goma
C. Sanggunian : Sining sa Araw-araw 6, DECS PRODED

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ipaliwanag ang value sa pagkulay.
Paano nagiging mapusyaw ang isang kulay? Madilim?
2. Pagganyak
Magpahula sa mga bata tungkol sa sumusunod na bagay. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan
ang katangian ng bawat isa.
Itanong sa mga bata kung saan nila ito madalas makita. Hayaan din silang magkuwento tungkol sa
kanilang karanasan pag may ganitong okasyon.

1. 2. 3.

4.
5.

B.Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin. Nakakapagbuklod tayo dahil sa mga selebrasyon at
pagdiriwang tulad ng panahon ng pagtatanim at pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samang
nagsasaya, nagbabatian, at gumagawa upang maisakatuparan ang layunin ng kanilang pagdiriwang.
Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito.

Itanong sa mga bata kung anong pakiramdam nila tuwing may mga ganitong pagdiriwang. Ipapansin din
sa mga bata ang mga kulay na nangingibabaw kapag may mga pagsasaya tulad ng pista.

2.Gawaing Pansining (Sumangguni sa GAWIN.)


3.Pagpapalalim sa Pagkaunawa Itanong:

1.Paano nagagawa ng isang pintor na maipakita ang damdamin sa kaniyang sining?

2.Ano-anong mga kulay ang nagpapahiwatig ng kasayahan na kadalasang ginagamit sa mga pista?

C.Pangwakas na Gawain

1.Paglalahat
Naipakikita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng kulay. Ang mga kulay tulad ng
dilaw, dalandan, pula, at iba pa ay ginagamit sa mga masasayang pagdiriwang o selebrasyon tulad ng
pista.
(Sumangguni sa TANDAAN .)

2. Repleksiyon
Paano mo maipagmamalaki ang mga tanyag na pista sa ating bansa?

IV. Pagtataya
(Sumangguni sa SURIIN.)

Anda mungkin juga menyukai