Anda di halaman 1dari 3

Johanna Marie J.

Abalos
7 St. Scholastica

Alamat ng Bundok banahaw


Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay
hindi pa kilala sa pangalang Banahaw ay meron ng
maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na
pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.

Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang


ang mag-asawang Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang
lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa tapang at
sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo,
unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi
nagtagal, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay
natanyag ang pangalang Limbas. Siya ang naging
hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay
dumating ang kabayanihan ni Limbas.

Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang


panimdim ng mag-asawa. Hindi sila makakain at
makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak. Makalipas
ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si
Limbas. Dala niya ang isang balutan na sari-saring damit
at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila
nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang
damit at nagsasarapang pagkain. Pakinggan natin ang
balita ni Limbas.

"Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na


isang 'enkantado'. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatok
ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon, ang lahat ng
hayop ay puti ang balahibo, di lamang ang mga manok
pati ang mga usa. Ang hardin ay napakalawak at humihitik
sa mga bunga ang mga puno. May sasakyang hinihila ng
dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa
paglalakbay sa buong Luzon. At sumama lamang ako sa
pag-uwi ng bahay ay hindi nawala ang dulot."

Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni


Limbas sa kanyang mga magulang ay unang dulot ng
maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang dulot ay
dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga
magulang. Anupa't ang hindi paghalik sa kamay ay
makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi minsan mang
nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang
pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkain ang dala ang
nakasisiya sa kanyang mga magulang.

Minsan pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng


maliit na bolang ginto ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni
Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa
kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang
balot at sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga
bolang ginto!"

Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas


kundi mga bunga ng Anahaw.

Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba!


Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!"

At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking


bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan
ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang
Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.

BAKIT MO ITO NAPILING ALAMAT?


: Kaya ko po ito nagustuhan at napili ko po ito ay dahil,
marami kang matutunan at mapupulot na aral dito sa
alamat na ito. At napaka interesado poi tong ikwento
kaya naipili ko po ito. Sobrang ganda po at nakakaaliw
yung kwento.

Anda mungkin juga menyukai