Anda di halaman 1dari 8

Ang mabuhay nang nag-iisa ay labag sa kalikasan at hilig ng tao.

Sa katotohanan,ayon kay Aristole, ang


layunin o tunguhin ng bawat nilikha ay matatamo lamang sa likasng kaanyuang lumaki o umunlad
hanggang sa dumating ang sapat niyang gulang omaturidad at matamasa ang kaligayahan ng tao sa
lipunang kanyang ginagalawan.May pagka-tradisyonal ang pamagat ng kwento. Payak, at saisang sulyap
aymababanaagan na agad ang dalawang karakter na gagalaw sa kabuuan ng banghay. SiIngkong Gaton
at si Kalakian. Isang

tao’t

isang hayop. Isang panginoon at isang alipin.

Parang pinagtiyap ng pagkakataon, ang dalawa’y maibibilang sa panahon ng

pangungulimlim. Ng pagdadapit-hapon. Kapwa nagbibilang ng mga araw ng paglisan sadaigdig. Paano


inilarawan ni Guinigundo ang panginoon at ang alipin? Ganito ang simulang kwento.Si Ingkong Gaton,
gaya ng tawag sa kanya ng lahat, ay buhay na saksi ng maramingtaon. Kabilang siya sa mga matatandain
at mga mapagmahal sa mga araw na nakararaanat humahanga siya sa kanyang sariling
katangian.Paghanga sa sarili. Ito ang tinatawag na narsismo. May mga pagkakataon kasinghumahanga
ang tao hindi dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan kundi sa kanyang mganagawa sa lipunan o sa
bayan. Si Ingkong Gaton at ang panahon ay magkasabay nainiluwal ng kahapon.Hindi nakatuntong ng
paaralan si Ingkong Gaton ngunit nagsikapsiyang sumulat at bumasa. Parang sumanib sa katauhan ni
Ingkong Gaton ang pilosopiyani Pilato na ang mga idea ang dalawang uri ng phenomena ng tao. Ayon sa
pilosopiyangito, kinikilala ang tao bilang sukatan ng lahat ng bagay dahil taglay niya ang pangdaigdigna
simulain, konsepto o idea na batayan ng lahat ng kaalaman ng isang nilikha. Mahalagasa matanda na
makapag-aral sa sariling pagsisikap kahit di siya kinupkop ngpaaralang-bayan, kahit walang
tagapagturong puti ang balat, asul ang mga mata at maywikang binibigkas na di niya ganap na
maunawaan. Ibinuhos na lamang ng matanda angkanyang panahon sa pag-aalaga kay Kalakian dahil
ayon na rin kay Guinigundo angkalabaw ay mabait at mainam gamitin, bukod sa napakatuling tumakbo
sa suyod at araro.Ganito pa ang paglalarawan ng may-akda kay Kalakian:

Kung mayroon siyang pahilang kariton na may lulang palay upang dalhin sa Naric,maaaring sabayan ng
tulog ni Ingkong Gaton ang pagsakay niya sa kariton at siKalakian ay hindi lilihis ng landas na patungo sa
kabayanan.

May kaisa-isang anak na lalaki si Ingkong Gaton si Ciriaco na ang tungkulin ay angpagsasakati ng barit at
ang paggamit dito.

Maingat si Ingkong Gaton at tanging siya lamang ang “nakahihimas” sa kalabaw na

parang itinuturing niyang dalagang dapat pag-ukulan ng pagmamahal, pag-aalaga


atpaggalang.Maituturing na kasamang tauhan lamang si Ciriaco sa kwento. Ang pangunahinglayon ay
ang maging kapalagayang-loob ng tauhan.Ang kahalagahan ng ksamang tauhanay matatagpuan sa
tungkulin nitong ginagampanan kaugnay sa malayang pagsulong ngkwento. Si Ciriaco ay itinuturing ni
Guinigundo na tauhang sunud-sunuran sa magulangdahil isinalang-alang niya ang kanyang tungkuling
mapaglingkuran ang magulang sa loobng nabibilang na araw nito. Maihahambing tuloy si Ciriaco kay
Conrado, ang kaisa-iang

anak ni Impong Sela sa kwentong “Impong Sela” ni Epifanio Matute. Kapwa biktima ng
sinaunang panahon na nakakunyapit sa bitag ng nilulumot nang tradisyon.Ayon kay Landicho sa kanyang
Manwal sa Pagsulat at Pag-aaral ng MaiklingKwento.

Ang damdamin ay isang sangkap na malaki ang bahagi sa pagbubuo ng kintal samambabasa, apagkat ito
ang tagapagkulay ng mga pangyayari sa loob ng isang maiklingkatha. Maaaring ang mga tauhn ay
kumikilos, nagsasalita at may nilalayon ngunit hindiito sapat upang makatugon sa hinihingi ng sining.
Kailangang ang mga iyon aymagkaroon ng buhay at damdamin upang ang mga galaw, pangungusap at
nilalayon ngtauhan ay magkaroon ng kulay.

Isang araw ay sinagian ng pagkalungkot si Ingkong Gaton. Hinihila ni kalakian angisang hulihang paa
nito. Hindi ito maitapak sa matitigas na tiningkal. Tiningnan
ni Ingkong Gaton ang talampakan ng alagang hayop. Inaninaw niya ang siwang ng mgakuko nito at
nakita siya ng isang kalawang na pako. Naging matamlay ang matanda attuluyang nagkasakit.

At bago sumapit ang huling sandali sa buhay ni Ingkong Gaton. Buhay na sinuhayanng bisig at puso, ng
makapangyarihang lakas, ng dakilang pagmamahal. At kung sakabilang buhay ay ipagkaloob kay Ingkong
Gaton ang anumang nais niyang hilingin, siKalakian ang unang masasambit na pangalan ng matanda
upang mapasama sa hulingaklat ng kanyang buhay.

PAMANA

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin


at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.

Pamana (Maikling Kwento)


ni Lamberto Gabriel

Dapit-hapon na. Sa pagkahiga sa papag ay nakikita ni Mang Karyas ang anino ng malabayna akasyang
sumasablay sa dingding na sasag ng silid. Dapithapon na nga. Naririnig na niya ang sunud-sunod na
pagkukukiya ng asawa sa kanilang alagang mga manok.

Kruuuuk. . . kiya. . . kruuk. . . tikatik. . . tik. . . tik. . .

Makasandali pa ay narinig na ni Mang Karyas ang tila naghahabulang mga paa ng


nagsisipanakbuhang mga sisiw, inahin, at katyaw. Nakinita –kinita niya ang asawa, si Aling Asyang, na
nakaupo sa nakahigang lusong at may kandong na bilao ng mais.Mabubuudbod na si Aling Asyang.
Naging ugali na nitong patukain ang mga manok bago iyon magsipag-hapunan sa kanilang masinop na
silong.

Hiyuu… hiyu. . .hiyuuuu. . .

Mandi’y binubugaw ni Aling Asyang ang kapong baboy na gayong kapapakain pa lamang ay nanginginain
pa ng mais na ibinubudbod sa mga manok.

Maya-maya’y narinig ni Mang Karya ang sunud-sunod na kahol ni Sagani. Alam ni Mang Karyas kung sino
ang kinakahulan ng aso. Iyo’y ang kanyang matandang kalabaw, si Pugante, na umuwi buhat sa
pakawalaan. Magkaaway na mahigpit ang kanyang kalabaw at aso.

Inut-inot na bumangon si Mang Karyas sa pagkakahiga sa papag. Nais niyang makita si Pugante. Parang
may isip ang kalabaw niyang iyon. Itataboy iyon ni Aling Asyang kung umaga, manginginain sa pastulan,
at uuwi iyon kung ganoong magdadapithapon.Hindi na kailangang saklawan pa si Pugante. Nalalaman
nito kung anong oras dapat umuwi.

Kapag nakikita ni Mang Karyas ang kalabaw ay hindi niya napipigilang kahabagan iyon. Matanda na si
Pugante. Payat. Wala na ang dating laman sa dalawang hita. Kung wala lamang siyang sakit ay hindi
magkakaganoon ang kanyang kalabaw.

Mabagal nang lumakad si Pugante. Kung nadadala niya marahil ito sa higit na madaramong pastulan ay
hindi mananalim ang dati nitong bilugang likod. Naihambing ni Mang Karyas ang sarili sa kalabaw.
Kapwa na sila matanda. Subalit malaki ang kanilang pagkakaiba. Laya si Pugante samantalang siya’y
namamalagi sa papag na iyon., nasasabik makabangon, makapanaog. . .

Matagal nang hindi nadadalaw ni Mang Karyas ang bukid. Malapit lamang sa kanila iyon. Kung
durungaw siya’y matatanaw niya iyon. Kung gabi’y dinig niya ang ingay ng traktorang gumigiik ng ani ng
kanyang mga kahangga. Lihim na naiinggit si Mang Karyas sa kanyang mga kahangga. Kung hindi niya
marahil napabayaan ang bukid ay kabilang siya sa maliligayang magsasakang nagbibilang ng mga kaban
ng palay.

“Tssk. . . tssk. . .tssk. . . Aba’t lalo pang binagalan . . . “

Napahawak nang mahigpit si Mang Karyas sa palababahan ng bintana nang Makita niyang pabiglang
hinatak ni Aling Asyang sa paghapon ang nagmamabagal na kalabaw. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa
matandang kalabaw. Nagpumiglas at tila naghimagsik ang nakabalatay na mga ugat sa kanyang mga
bisig.

Nang makaradam ng pangangawit si Mang Karyas ay itinukod niya ang bisig sa papag upang huwag
mabigla ang kanyang paghiga. Ilang sandali lamang siyang naupo subalit sumasakit na ang kanyang likod.
Nakagat ni Mang Karyas ang labi nang sumayad ang katawan sa papag.

“Darating na raw ang anak mo, Karyas. Dumaan kanina si Pablo at sinabi sa akin. Mamayang gabi raw,”
narinig niyang pagbabalita ng asawang nagluluto sa dapugan.

“Ngayon pang gabi ay humuli ka na ng dumalaga, Asyang,” habilin ni Mang Karyas.”Ipagpatay mo si


Kiyel.”

Malalim ang bunting-hiningang hinugot ni Mang Karyas sa dibdib. Naisaloob niyang matutupad na rin
ang kanyang pangarap na mahango sa bukid ang anak. Sumingit sa kanyang kamalayan ang nangyari
nang minsang tangkain ng anak na tulungan siya sa pag-aararo.

“Kiyel, Anak.” Natatandaan pa niyang sinabi sa anak, “mag-aral ka sanang mabuti. Sa kabila n gating
kahirapan ay itataguyod ka naming ng iyong ina.”

Napadiin noon ang ugit ng ararong hawak ni Kiyel.

“Hindi ka sadyang laan dito sa bukid, Kiyel. Hindi ganyan ang pag-aararo. Patag ang kailangang
paghawak sapagkat sa minsang magkamali ka ng diin aay mababali ang sudsod.”

Natitigan siya noon ni Kiyel. Alam niyang sa titig na iyon ay kinahahabagan siya ng anak.
“Matanda na kayo, Tatang. Ipaubaya na ninyo saa akin ang paggawa rito sa bukid. Kailangan na ninyong
mamahinga.”

“Hindi mo ako nauunawaan, Anak. Tingnan mo ako. Ilang taon na akong naging alipin ng araro? Tingnan
mo ang aking kamay, kulay sunog. Isa akong magsasaka, Kiyel. Kaya lamang ako nasisiyahan sa paggawa
sa bukid ay sapagkat dito ako nakalaan. Kailangang mag-aral ka, nang hindi mo malasap ang hirap na
aking dinaranas, nang maging higit na maganda ang iyong kinabukasan. Magsikap ka, Anak, at sa
pamamagitan ng bukid na ito’y igagapang ka naming ng iyong ina.Kaligayahan naming Makita kang
Malaya sa ugit ng isang araro.”

Hindi kumibo si Kiyel nang sabihin ni Mang Karyas iyon sa kanya. Nalalaman ni Mang Karyas na
nahihirapan an anak sa pagtatakwil sa buhay-magsasakang kinagisnan. Subalit na kay Kiyel ang lahat ng
katangiang mapupuhunan sa pagtatagumpay. Hindi siya nangangambang mabibigo si Kiyel.

Nang minsang umuwi si Kiyel ay ganoon na lamang ang galak ni Mang Karyas nang isalaysay nito ang
ginagawang pagsisikap sa pag-aaral. Nagmamalaki ang kanyang puso. Ngayo’y may karapatan na siyang
magmalaki sa nayon: mayroon na siyang anak na nakapag-aral.

Mamayang gabi ay darating si Kiyel.Maligayang-maligaya si Mang Karyas sa pagkakahiga sa papag. Sa


wakas ay malalagot na rin niya ang tanikalang nag-uugnay sa kanilang mag-ama sa bukid. Malalagot na
niya iyon- sa pamamagitan din ng bukid na sinasaka.

Parang nag-iinit ang katawang napaupong muli si Mang Karyas sa papag. Isinaklay niya ang kamay sa
palababahan ng bintana at tinanaw ang dakong pagbubuhatan ng anak. Naramdaman ni Mang Karyas
ang malamyos na dapyo ng amihan sa kanyang pisngi. Naramdaman niyang parang nasabukay ang
maputi na niyang buhok.

Gumagala ang kanyang paningin sa bukid. Sa kumakalat na kadilima’y nababanaagan pa niya ang
punong manggang naghuhumindig sa kalagitnaan ng kanyang bukid. Napangiti si Mang Karyas. Bukid din
niya ang magpapalaya sa kanyang anak. Nagbangon sa kanyang alaala ang paggawa sa saka. Sa silong ng
ulan at liwanag ng kidlat ay nahuhukot siya sa pag-aararo at pagsusuyod ng putikang linang. Sa
panahon naman ng anihan ay tila natatayantang pati ang kanyang mga labi sa tindi ng sikat ng araw.
Isang pagpapakasakit ang buhay ng isang magsasaka, isang walang katapusang pagpapakasakit.

“Ano ba, Karyas, Kumusta an gating palay?” Kung hindi ko naalagaa’y baka inaksip.” ”Ano ba, Karyas,
kailan ang paggaas?” “Kung hindi gagapasin ng kabisilya ay papayukin naming mag-asawa!” “Ano ba,
Karyas, kailan ang giik?” “Mamayang alas dose ng gabi, pag nagdaan ang traktorang galing sa ibayo.”

May panahong uhaw ang lupa. May panahong tigang na tigang. May panahong maraming bitak dahil sa
pagsasalat sa bukid. May panahong mabulas ang palay, walang sakit, at nangangako ng mabuting
ani.Naranasang lahat iyan ni Mang Karyas.Nangakakintal ang mga karanasang iyon sa lapad ng kanyang
tila mga luyang mga paa, sa putik ng kanyang hinahalas na binti, at sa pangangapal ng dalawa niyang
palad.

Sa pagsisikap na mapaunlad ang ani sa ginagawang pagpapaaral sa anak ay lalong humigpit ang
kaugnayan ni Mang Karyas sa sinasakang lupa. Naging bahagi sa buhay ni Mang Karyas ang bukid at sa
dakong huli’y tuluyan naman siyang inangkin nito. Nang minsang dinaramuhan ni Mang Karyas ang mga
puno ng palay ay inabot siya ng malakas na ulan.Doon nga nagsimula ang kanyang sakit.
Nang lumalangitngit ang sahig na kawayan ay napalingon si Mang Karyas. Nakita niyang nagpapasok na
ang asawa ng pagkain. Dagli niyang itinukod ang kanang kamay upang maalalayan nito ang kanyang
paghiga.Subalit huli na. Nahuli siya ni Aling Asyang sa kanyang pagkakapanungaw.

“Sinabi ko naman sa iyong huwag ka munang mag-uupo, e,” may paninising lumangkap sa tinig ni Aling
Asyang.”Ikaw nga ang dumadaing na masakit ang iyong likod.”

“Tinitingnan ko lamang, Asyang, ang ating bukid,: dahilan ni Mang Karyas at tiningnan ang asawang
nakakunot-noo.

“Siya, siya kumain ka na, Karyas. . .,” wika ni Aling Asyang at inilapag ang mangkok sa papag. Tinanganan
ang kutsara at sinimulang subuan si Mang Karyas.

“Sipag nitong anak ni Ba Kayong, oo!” pagbibiro ni Mang Karyas sa asawang may salit-salit na ring puti
ang buhok.

“Sulong. Kumain ka’t darating ang anak mo!” Marahan pang dinunggol ni Aling Asyang ang baywang ni
Mang Karyas.

Nalarawan ang kasiyahan sa mukha ni Mang Karyas. Kay bait ng kanyang asawa! Hindi pa rin nagbabawa
ang kanyang si Asyang. Ito pa rin ang dating masuyo, masipag, at mapagmahal na anak ni Ba Kayong.

“Ano ang pakiramdam mo?” mayamaya’y nausisa ni Aling Asyang.

“Parang namimigat ang aking katawan, Asyang.”

“Kasi’y bangon ka nang bangon. Hala, ubusin mo ito, o . . .”

Walang imik na kumain si Mang Karyas. Wala siyang gana. Pinipilit lamang niya ang pagkain ng nilugaw
at ng malambot na tapang inihaw.

“Inggit na inggit sa iyo si Kiko, oy,” ani Aling Asyang kay Mang Karyas,

“mabuti ka pa raw at nakapagpatapos.”

“Paggaling na paggaling ko’y lilibutin ko ang buong nayon at ipagsisigawan kong tapos na ang ating anak,
Asyang!” nagmamalaking nawika ni Mang Karyas.” “Paggaling ko ay lilibot kami ni Kiyel at tingnan mo
kung hindi nila ako hangaan!”

Nasa gayon silang pag-uusap nang makarinig sila ng halinghing ng aso. Hindi hahalinghing si Sagani kung
kilala nito ang pumapasok. Tatahol ito.

“Bakit si Kiyel na ‘yan, Asyang !” nausal ni Mang Karyas at nagsikap na makaupo upang makadungaw sa
bintana.

Marahang diniinan siya ni Aling Asyang sa balikat.Pagkaraa’y dumungaw ito at inaninaw kung sino ang
sinasalta ni Isagani.
“Tatang, Inang!” Narinig nilang dalawa ang tinig ni Kiyel, Nagmadaling sinalubong ni Aling Asyang ang
anak. Noo’y wala na ang sakit na naramdaman ni Mang Karyas sa likod. Dumating na si Kiyel! May
dumadaloy na panibagong lakas sa mga ugat ni Mang Karyas.Waring para siyang biglang sumigla.

“Naku, ang dami-dami mong dala, Kiyel!” Narinig niya ang tinig ng asawa.

“ Ang Tatang, kumusta?” Noon pa ma’y nais na ni Mang Karyas na iwan ang papag na kinauupuan at
salubungin ang anak. Sabik na sabik si Mang Karyas. Sa sinabi ni Kiyel na “Ang Tatang, kumusta?”ay nais
niyang isagot na “Narito ako!”

Nang makapanhik na si Kiyel ay tila tumaas pa ito sa paningin ni Mang Karyas.Mabulas ang katawan ni
Kiyel.Matitipuno ang mga bisig, masiglang-masigla ang pusong-ama ni Mang Karyas.

“Tatang!” ani Kiyel at hinalikan ang kamay ni Mang Karyas.

Makapal ang palad na nadama ni Mang Karyas nang tangnan ng anak ang kanyang kamay. Subalit hindi
niya pinansin iyon. Sa wakas ay narito na si Kiyel!

“Magaling na ako!” Naisaloob ni Mang Karyas. :Lilibot tayo sa buong nayo! Ipakikita k okay Kiko ang
aking anak na aking napagtapos! Lilibutin ni Kiyel ang buong nayon. Ipagmamalaki ko si Kiyel!”

“Maghubad ka muna, Anak,” anang ina ni Kiyel at ibinigay sa anak ang tsinelas na malapad ang dahon.
“Pagod na pagod ka marahil sa biyahe.” Pagkawika niyo’y nagtungo sa labas si Aling Asyang upang
maghanda ng hapunan.

“Paparito bukas ang mga kaibigan mo, Kiyel,” pagbabalita ni Mang Karyas sa anak.”Marahil ay babatiin
ka.”

Piit ang ngiting nakita ni Mang Karyas na sumilay sa mga labi ng anak. Nakita niyang napatungo si Kiyel.
At naramdaman na lamang niya ang pagpisil ni Kiyel sa kanyang palad.

“Ikinalulungkott ko, Tatang, na sinuway ko kayo,” marahang sabi ni Kiyel sa ama.

Nabaghan si Mang Karyas. Piit nitong sininag sa mukha ng anak kung ano ang ibig ipakahulugan nito sa
sinabing iyon.

“Sinikap kong sundin, Tatang, ang iminungkahi ninyong kurso ngunit hindi ko iyon naipagpatuloy.”

Sinalat ni Mang Karyas ang palad ni Kiyel.Parang binubuhawi ang kanyang kalooban.

“Makapal ang iyong palad, Kiyel.”

“Agrikultura ang kinuha ko, Tatang, sa Los Banos.”

Nakuyom ni Mang Karyas ang dalawag palad. Gumapang sa kanyang katawan ang init. Nang pagdaupin
niya ang mga palad ay naglitawan ang mga ugat sa kanyang mga bisig.

“Sinuway mo ako, Kiyel,” mariin niyang sabi sa anak. Sinuway mo kami ng iyong ina. Sa kahirapan natin
ay sinikap ka naming mapag-aral upang mailayo ka sa bukid. Ayaw kong maging magsasaka ka. Ang
pagsasaka, Kiyel, ay panghabambuhay na pagpapakasakit. Ang bukid na dati kong sinasaka’y minana ko
pa sa iyong mga ninunong nangamatay na mga magsasaka, Kami’y binhing natanim saa bukid. Sa
pagnanais ko na lamang na hindi ka rin makaugat sa bukid kaya pinapag-aral ka naming ng iyong ina. . .
Binigo mo kami, Kiyel.”

“Kung kayo’y aking sinunod ay hindi ko maituturing na ako’y inyong anak,” pagpapaliwanag ni Kiyel sa
ama.

Nanlalim ang mga guhit sa noo ni Mang Karyas sa itinugong iyon ng anak.

“Ako’y anak ng isang magsasaka, Tatang. Anak ninyo.Nananalaytay sa aking mga ugat ang tubig na
dumadaloy sa mga linang. Nakahasik sa aking puso ang mga binhing inyong isinasabog kung panahon ng
punlaan. . .”

Naramdaman ni Mang Karyas ang pagpisil ng anak sa kanyang kamay. Hindi niya namamalaya’y
namalisbis sa kanyang kulubot na mga pisngi ang luha. Napabaling siya sa bintana upang ikubli iyon sa
anak. Pinilakan ang liwanag ng sumisikat na buwan sa kanilang bukid.Mayaman ang liwanag subalit ang
kanilang lupa’y pagas, tigang, mabitak.Mandi’y naghihintay ng ulan.

“Kayo’y matanda na, Tatang. Tulad ng ginawa ng aking mga nuno’y hinihiling ko sa inyong ipaubaya
ninyo sa akin ang paggawa sa bukid. Ipagmamalaki ninyo ako, Tatang!”

At nayakap ni Mang Karyas ang anak. Ang binhi ng kaligayaha’y muling sumibol sa kanyang puso.
Mayabong ang kaligayahang iyon.

“Ang pagsasakang aking natutuha’y di tulad ng pagsasakang ating ginagawa sa kasalukuyan dito sa atin,
Tatang. Iyo’y pagsasakang pag-uugatan ng pag-unlad. . .”

Naghuhumindig sa bughaw na liwanaga ng buwan ang punong mangga nang tanawin ni Mang Karyas at
Kiyel ang kanilang bukid.