Anda di halaman 1dari 2

Hydra ang Diyosa ng Karagatan (Mitolohiya)

May isang nayon na malapit sa dagat na kung saan ay masaganang naninirahan ang mga mamamayan
dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila nang dyosa ng karagatan na nag-ngangalang Hydra. Maayos rin
na pinamumunuan ng dyosa na si Hydra ang buong karagatan ipinanatili niyang maayos at malinis ang
kanyang kaharian. Pinapalago nya ang mga lamang dagat at sinisiguro niyang may sapat na pagkukunan
ang mga mangingisda para sa kanilang ikabubuhay.Kasangga ng dyosa ang kanyang nag-iisang anak at
tagapagmana na si Zalle.

Sa mahabang panahon ay mapayapang namumuhay ang mga taga-lupa at mga nilalang sa karagatan
dahil na rin sa respeto na ipinamalas nila sa isa’t-isa. Batid din ng mga tao na mahigpit na ipinagbabawal
ng dyosa ng karagatan ang sino man na tumuntong sa isang bahagi sa silangan na kung saan may iba’t-
ibang uri ng isda. Ngunit hindi nila alam kung anong dahilan nito dahil wala pang tao na nakakapunta sa
isla na ito. Hindi nila alam na ito ay may malawak na lawa sa gitna na pinalilibutan ng mahabang
bulubundukin na malulusog.Sa banal na lawangito nag titipon-tipon ang mgalamangdagatupang mag
parami, kaya ito ginagawang sagrado ni Hydra at tinatawag itong Isla Beiri.

Ngunit sa paglipas ng panahon sumaba yrin ang pagbabago ng sistema ng pamumuhay ng mga
tao.Maging ang kanilang disiplina ay nagbago na din.Karamihan sa mga mangingisda ay hindi na
kuntento sa kanilang nakukuhang mga lamang dagat, at dahil sa pagiging makasarili nila nilabag nila ang
patakaran ng dyosa at nanguha sila ng lamang dagat na higit pa sa pinapayagan ng dyosa ng
karagatan.Dahil sa kagustuhan nila na mag karoon ng maraming pera napagdisisyunan ng grupo ni Evan,
isa sa mga mangingisda, at mga sakim na tao na pumalaot patungo sa Isla Beiri.Habang papunta sila sa
Isla Beiri namangha sila sa malinis at magandang tubig na kinalalagyan nila ngayon.Mas lalong nabighani
ang gruponi Evan pagkatapak palang nila sa Isla Beiri.Kitang-kita nila ang buhangin na pinong-pino at
kulay puti.Bago man sila makarating sa lawang nasabi marami muna silang pinagdaanan.Sa pagtawid nila
sa bulubundukin ,nagalak ang mga ito sa gubat na may malulusog na bunga at ang mga kakaibang
insekto at hayop ang kanilang natuklasan.Bago sila maka dako sa nasabing lawa na ipinagbabawal ng
dyosa may tinahak silang mahabang kweba at napangiti ang mga ito dahil sa nakitang mga krystal na
halos napapalibutan na ito sa buong kweba.Nang maka-labas sila sa kweba naantig sila sa lawang nasabi,
mas malinis at malinaw ito kesa sa nakita nilang tubig bago makarating dito, talagang nakikita ang
pagkilos ng iba’t-ibang uri ng isda sa lawang iyon.Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang grupo nila Evan sabay-
sabay nilang inilabas ang mga dinamita nilang dala upang mapabilis ang kanilang paghuli ng mga lamang
dagat. Hindi nila alam na nakamasid si Zalle, anak ng dyosang si Hydra, si Zalle ang nangangalaga sa Isla
Beiri na ipinagkatiwala sa kanya ng Ina. Agad itong pumaroon sa kanyang ina at sinabi ang mga nakita. At
dahil sa sinabi ni Zalle nagalit si Hydra at pinatawag ang mga alagad niyang mga sireno at sirena at
pumunta kung saan nandoon ang grupo nila Evan. Nagulat ang grupo nila Evan dahil hindi nila ito
inaasahan. Napaatras sila at nangatog dahil sa hindi nila inaasahan, nang biglang magsalita ang
dyosa,”Dahil sa pagsuway nyo sa patakaran ko na panghihimasok sa lawang ito at ang paggamit ng
dinamita kayo ay parurusahan ko.Simula ngayo nhindi na ako mag bibigay pa ng sapat na lamang dagat,
kung ano nalang ang natitira sa inyong isla na lamang dagat ay inyong pararamihin.

Habang tumatagal ay nawawalan nang mga isda sa dagat. Sa kadahilanang pagsuway ng mga
mangingisda sa patakaran ng diyosa ay napatawan sila ng parusa at ito na nga ang kinakatakutan nila ang
pagbibigay ng sapat na huli para sa kanilang pamilya. Makalipas ang isang buwan tuluyan nang nawala
ang mga sa isda sa dagat, umabot sa puntong wala nang makain ang mga pamilya ng mga mangingisda,
gutom na gutom na sila at nagkakasakit, kinakain na lamang nila ay ang mga tira-tirang isda sa karagatan
na hindi karaniwang kinakain ng mga tao.

Hindi na kaya ng mga tao ang walang mga isda kaya lahat ng tayo ay nagtipon at nag-usap para humingi
ng kapatawaran sa dyosa, gumawa sila ng isang ritwal para sa pagbibigay tawad sa mga dyosa, dahil sa
ginawa nila ay nagpakita ang diyosa sa dalawang batang tiga isla at sinabihan sila na sa pinapatawad na
sila ng diyosa at ang dalawang bata ay agad agad itong tumakbo sa kanilang mga magulang at sinabi nila
ang sinabi sa kanila ng diyosa ito ay agad ibinalita sa buong isla.

Makalipas ang mga araw ay unti-unting nagkakaisda sa kanilang isla at ito ay ikinatuwa ng mga
mangingisda at mga tiga isla, muling nagpasalamat ang buong tiga isla at lagi na silang gumagawa ng
isang ritwal ng pasasalamat para sa diyosa, at nagpapasalamat sila sa pagbigay ng pangalawang
pagkakataon na binigay ng diyosa.

Anda mungkin juga menyukai