AP GRADE 10 – REVIEWER
EDUKASYON:
C. KASAYSAYAN NG EDUKASYON
Ayon kay Encarnacion Alzona sa aklat na “A History of Educaton in the Philippines, 1565 – 1930:
Pagdating ng Kastila:
Ang mga prayle ay nagtayo ng iba’t-ibang paaralan upang madaling mapalaganap ang Katolisismo
Balakid sa misyon ng mga prayle ang hindi pagkakaunawaan ng mga Espanyol at katutubo kaya’t naglabas
ng kautusan ang Hari ng Espanaya:
1) Kautusan ni Emerador Charles V noong Hulyo 1550 – pag-uutos sa paggamit ng wikang Espanyol sa
pagtuturo ng doktrina ng Katolisismo at ang pagtatalaga ng mga sakristan bilang mga guro.
2) Kautusan ni Haring Philip IV noong Marso 2, 1634 – utos sa mga arsobispo na ituro ang wikang
Espanyol at mga doktrina ng Katolisismo sa mga Katutubo.
pag-aalis ng katutubong tradisyon at paniniwala upang mapabilis ang paglaganap ng kulturang Espanyol
Gamit ang pondo mula sa pamahalaang kolonyal, nagpatayo ang iba’t-ibang orden ng mga prayle ng
paaralan sa bansa:
Heswita 1585: Colegio de San Ignacio sa Maynila Unang sekondaryang paaralan sa bansa
1599: Colegio de San Ildefonso sa Cebu ang Colegio de San Ignacio.
1601: Colegio de San Jose sa Maynila
Dominikano 1611: Colegio de Nuestra Seniora del
Rosario sa Maynila. Kalaunan, pinalitan ang Ang mga paaralang ito ang mga
pangalan at naging Kolehiyo ng Santo naunang sekondaryong paaralan na
Tomas. itinatag ng mga prayle.
1630: Colegio de San Pedro y San Pablo sa Ang mga asignatura ay teolohiya,
Maynila. Naging Colegio de San Juan de pilosopiya, gramatika, at lohika.
Letran noong 1706 at hanggang sa
kasalukuyan
----------- 1591: Kumbento ng Santa Potenciana sa Paaralan para sa kababaihan
Maynila
Confraternity 1632: Kolehiyo ng Santa Isabel sa Maynila Kilala bilang pinakamagaling na
of Holy Mercy paaralang sekondarya para sa kababihan
Noong ika – 19 siglo, isinulong ang sekularisasyon ng edukasyon ng mga intelektwal na sina Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar, at Graciano Lopez Jaena.
AP – KONTEMPORARYONG ISYU / EDUKASYON 5
Ocotber 1898 – ipinag-utos ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ang pagtatayo ng
Literary University of the Philippines, isang pampublikong unibersidad na pinangangasiwaan ng
rebolusyonarong pamahalaan at binubuo ng mga Pilipinong guro.
Ang Literary University of the Philippines ay itinatag sa Barasoain Bulacan, inilipat sa Tarlac. Hindi ito
nagtagal dahil sa pagsuko ng pamahalaan sa mga Amerikano.
Pagdating ng Amerikano:
March 1900 – inilabas ng Amerikano ang Organic School Law of the Philippines (Act No. 74). Layunin nito
na ayusin ang pampublikong paaralan sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Education.
Enero 1901 – inorganisa ang Bureau of Education bilang Department of Public Instruction.
Thomasites – ang unang grupo ng mga Amerikanong guro na dumating sa bansa noong August 1901 sakay
ng barkong USAT Thomas.
September 1901 – Itinayo ng mga Amerikano ang Philippine Normal School sa Maynila na may layuning
sanayin ang mga Pilipino sa pagtuturo gamit ang wikang Inggles.
Binigyang halaga sa pampublikong paaralan ang pagtuturo ng wikang Inggles, matematika, agham,
heograpiya, at kasaysayan at ang pagtatangggal ng asignaturang Relihiyon.
1908 – itinatag ng mga Amerikano ang Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Ang unibersidad ay
pampublikong pamantasan na pinapangasiwaan ng pamahalaan at malaya sa pamumuno ng Simbahan.
Hanggang sa kasalukuyan, itinuturing itong pambansang pamantasan na nagtataguyod ng pampublikong
tersyaryong (tertiary) edukasyon.
Itinaguyod din ng Department of Public Instruction ang paglago ng mga pribadong paaralan at kinilala ang
ilan katulad ng Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo de manila, De La Salle College, Colegio de San Juan
de Letran, San Beda College, St. Theresa’s College, at St. Scholastica.
1901 – itinatag ang Silliman Institute sa Dumaguete na kilala sa kauna-unahang Protestanteng paaralan ng
mga Amerikano sa bansa.
D. ISTRUKTURA NG EDUKASYON
TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) – nangangasiwa sa mga teknikal at bokasyonal
na kursong walang diploma. Ito ay nasa ilalim ng ahensiyang Department of Labor and Employment (DOLE).
ISTRAKTURA:
Preschool – edukasyong opsyonal para sa mga batang may edad na 3 to 4 years old. Saklaw nito ang
daycare centers.
Kindergarten – ginawang kompulsaryo upang mahulma ang maagang mga taon na bata upang maging
mas handa sa primaryang lebel.
Elementarya – umaabot sa anim na taon
o Primarya – Grades 1 – 4
o Intermedya – Grades 5 – 6
Sekondarya - umaabot sa anim na taon
o Junior High School – Grade 7 – 10
o Senior High School – Grade 11 to 12
Tersyaryo – higher education, na may layuning maghandog ng specialized programs and courses na
maghahanda sa mag-aaral para sa kanilang karera o propesyon. Nahahati sa tatlong antas:
a. Programang Batsilyer (Bachelor) – karaniwang apat na taon, maliban sa engineering at pre-medicine na
tumatagal ng limang taon.
b. Programang Masterado – opsyonal na kinukuha ng mga nagtapos ng programan batsilyer; karaniwang
tumatagal ng dalawa hanggang apat na taon.
AP – KONTEMPORARYONG ISYU / EDUKASYON 4
c. Programang Doktorado – opsyonal na kinukuha ng mga nagtapos ng programang masterdo. Kadalasang
dalawa hanggang apat na taon.