Anda di halaman 1dari 3

Pagsulat ng Kontemporaryong Anyo ng Sulatin (Anekdota)

Anekdota ni Rizal

Pauwi si Jose Rizal sa Calamba mula sa Maynila na lulan ng isang lantsa. Bata pa siya
noon. Naglalaro siya sa may hulihan ng lantsa. Nahulog sa tubig ang kanyang kabiyak na
tsinelas. Maliksing inihulog ni Jose ang isa pa niyang tsinelas sa tubig na malapit sa
kinahulugan noong una. “Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong ng isang lalaking katabi niya.
”Maaaring ang kabiyak na tsinelas na nahulog ay matagpuan ng isang maralitang
mangingisdang may anak na kasin laki ko. Iyo’y hindi niya pakikinabangan kung wala ang isa
pang kabiyak,” ang tugon ni Rizal.

Ano nga ba ang Anekdota?

Ito ay isang maikli at kawili-wiling kwento nahinango sa mga dating karanasan. Ito ay payak na
katotohanan ng buhay na kinagigiliwang pakinggan. Walang nakaaalam kung bakit ,pero ang
alam natin na nasisiyahan tayo kapag naiuugnay natin ang ating mga karanasan at natututo tayo mula sa mga
kuwento.

Paano mo magagamit ang anekdota? Magagamitmo ang anekdota sa:

1. Pagsulat upang manghikayat.


Maaari mong itong gamitin bilang pagpapatunay sa iyongmga pananaw nang sa gayon ay madali mong
mahikayat ang mga tagapakinig o mambabasa.
2. Pagsulat ng kuwento upang mang-aliw.
Sa paggamit ng anekdota magiging interesante at kapani-paniwala ang iyong kuwento na makapagdudulot
ng aliw sa mambabasa.
3. Pagsulat para magbigay ng impormasyon.
Ang pagbibigay ng mga opinyon at katotohanan ay isang susing aspekto ngpagsulat para
makapagbigay impormasyon..
4. Sa pagsulat para magpaliwanag, magsuri omagkomento.
Sa uri ng pagsulat na ito,madalas kinakailangan itong maging payak at malinaw ang isyu. Sa pamamagitan
ng paggamit ng personal na kuwento na maaaring gamitin sa paghahambing ng isyu,magagawa
nating mas maging interesante at kapaki-pakinabang ang iyong sinulat.
5. Pagsulat para magpayo.
Kinakailangang maging maingat sa pagbibigay ng payo perosa pamamagitan ng anekdota na
nagpapakita kung paano haharapin ng isang indibidwal angisang pangyayari na kailangan niyang
malagpasan.
Katangian ng Anekdota
Ito ay maikli at payak na kuwento.
Nagsasalaysay lamang ng isang pangyayari.
Nagsisimula ito sa malapit at pinakasentral naideya.
Kinapapalooban ng mahahalaga atkongkretong detalye.
Nagtataglay ito ng maraming sipi (quotes).

anekdota
anecdote

Ano ang anekdota?

What is an anecdote?
Ito ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang
tao. It is a short tale of an amusing incident in the life of a person.

Ang anekdota ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-


wling insidente o pangyayari.

Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang


magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang
mga pangungusap lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay maging
kapanapanabik. Ang isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga
mambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota.

Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyang
kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay
ng kahulugan sa ideyang nais ipadama.

Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa


kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di-dapat mag-iwan ito ng
anumang bahid ng pag-aalinlangan na may mga susunod pang mangyayari.

Anda mungkin juga menyukai