Anda di halaman 1dari 4
as Taon'32Big.43 ST PAULS MEDIA pastoral ministr | SUNDAY ©* TVYMARIA © 8:30AM © 7:00PM re scons Hl itel (cine) LIVE DAILY TV MASS ONLINE ae Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) — Berde FOLLOW US ON 4ACEBOOK Enero 27,2019 Ang Salita ng Diyos Ay ‘Espiritu at Buhay a Linggong ito, ipinag- diriwang natin ang Pambansang Araw ng Bibliya. Sa araw na ito, sinasariwa natin ang pagtatalaga natin ng sarili sa pagbabasa, pagsusulong, at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos. Para sa ating mga Kristiyano, ang Salita ng Diyos ay hindi lang yaong mga titik at tintang nakasulat sa papel at ginawang aklat. Ang Salita ng Diyos ay walang iba kundi si Jesukristo, ang buhay na Anak na Diyos na nagkatawang-tao (Jn 1:1), Sa pamamagitan niya, ganap nang naipahayag sa atin ang puso at kalooban ng Ama (Ef 1:9) upang makalapit tayo sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu Santo (Ef 2:18). Samakatuwid, ang pananampalataya at pagmamahal kay Jesukristo ang daan upang makilala at makaugnay natin ang Ama (Un 8:19). Paano natin makikilala at makauugnay si Jesu- kristo? Makikilala natin siya at makakaugnay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu Jn 15:13) na bumaba sa mga tagasunod niya noong araw ng Pentekostes, at tinanggap din natin noong tayo’y binyagan. ‘Ang Espiritu Santo rin ang nag-udyok at gumabay sa mga unang tagasunod ni Jesukristo, katulad nina Lucas at Pablo, upang maisalaysay, maitala, at matipon bilang Kasulatan ang mga karanasan nila sa pagtanggap ng Mabuting Balita (2 P 1:21). Higit sa lahat, siya ring Espiritu Santo ang naghirang at nae sa Mesiyas at bumuhos sa kanyang diwa upang tuparin ang naisulat na propesiya ni Isaias: "ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila’y makakikita; bigyang kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon’ Ang Espiritu ni Kristo ang hininga na umiihip at nagbibigay-tinig sa Banal na Kasulatan. Sa tuwing ipinahahayag ng Simbahan ang nasusulat sa Bibliya, hinahaplos at pinupuspos ng Espiritu Santo ang kalooban at katauhan natin upang maunawaan at maisabuhay natin ang Salita ng Diyos. Sa gayong paraan, nabubuo, napalalalim, at napagtitibay ang pagkilala at ugnayan natin sa Diyos nating Ama. Ito ang talagang layunin ng Bibliya—pananampalataya at pakikipagkaibigan kay Jesukristong Anak ng Diyos (bas. Jn 20:31). Ang pagbabasa at pagsasaliksik sa Bibliya ay hindi lamang pagsasaulo ng mga talata at pakikipagtagisan ng talino. Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi lang pagpaparami ng taglay na kaalaman (information). Sa halip, ito'y pagbubukas sa Espiritu ng Diyos na humuhubog sa ating buong pagkatao at kalooban (in-formation). Ang mapanlikhang pag-uukit na ito ng Espiritu Santo sa puso ng tao ay naaaninag sa buhay ng Kristiyano na matuwid ang aral, mabuti ang asal, at malalim ang dasal. Sa paglaon, ang taong malimit magbasa at makinig sa Salita ng Diyos ay higit na tumutupad sa kalooban ng Amaat nagiging alingawngaw ng kanyang tinig. Halina, Espiritu Santo! Puspusin mo ang aming mga puso upang sa buhay namin ay “matupad ngayon ang Kasulatan.’ Amen. —Padre Joseph Don Zaldivar errr Ti Seen Gee Tet ees eee) mula Antipona sa Pagpasok {sim 96:1, 6] (Basahin kung walang pambungad na awit) Panginoo’y papurihan, bagong awit s'ya’y awitan. Umawit ka, sanlibutan, sa dangal n’ya't kabanalan, at ganda sa dalanginan. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P —Sumainyo ang Panginoon. B-At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring basahin ito o isang kahalintulad na P—Sa arawna ito, ipinahahayag sa atin ni Jesus ang Mabuting Balita na minamahal ng Diyos ang mga aba, mga bilanggo, mga may kapansanan, at mga namimighati. Ang pagmamahal na ito ay makikita natin sa lahat ng ginagawa at sinasabi ni Jesus na siyang katuparan ng pangako ng Diyos na kaligtasan sa sangkatauhan. Ipinagdiriwang din natin ngayon ang Pambansang Linggo ng Bibliya na may temang Ang Bibliya: Usapang Totoo. Maging daan nawa ang aie pagbasa at prosreby ay ng Salita ng iyos tungo sa isang mas makahulugang pagbabago sa ating buhay at sa ating bayan Pagsisisi P— Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat sa pagdiriwang ng banal ng aghahaing nagdudulot ni; ‘apatawaran ng Maykapal. (Tumahimit) P ~ Panginoon, kami'y nagkasala sa iyo. peace accent P - Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas B - Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas. P = Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo se ating mga ‘asalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B-Amen. Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya, Pinupuri ka nai inarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan, Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Jesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anal ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibut i ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Jesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen. Pambungad na Panalangin P—Manalangin tayo. (Tomahimik) Ama naming maka- pangyarihan, itaguyod mo ang aming ginagampanan alinsunod sa iyong kalooban upang sa ngalan ng Anak mong mahal kami'y maging marapat magkaroon ng Teregceean sa aming paggawa ng mga kabutihan sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan B-Amen. Unang Pagbasa [Neh 8:2-4a, 5-6, 8-10] (Umupo) Matagumpay na nakabalik sa Israel ang mga Judio mula sa pagkakatapon sa Babilonia. Ipinagdiwang nila ang dakilang araw na lyon sa pakikinig sa mga utos ng Diyos. Pagbasa mula sa aklat ni Nehemias NOONG mga araw na iyon, kinuha ni Ezra na saserdote ang aklat ng Kautusan. Dinala niya ito $a kapulungang binubuo ng mga lalaki, babae, at mga batang may sapat nang gulang at pang-unawa. Mula sa umaga hanggang tanghali, binasa niya ang Kautusan sa harapan ng mga taong natitipon sa liwasang bayan. Ang lahat naman ay nakinig na mabuti Si Ezra’y nakatayo sa isang entabladong kehoyna sadyang itinayo sa Baal ketaons « On. Siya ay nakikita ng Tahat sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan. Ang lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat, “Burihin ang Panginoon, ang dakilang Diyos!” ang wika niya. Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot, "Amen, Amen,” Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang sa Panginoon. Binasa ng mga Levita nang maliwanag ang batas na ito ng Diyos at ipinaliwanag na mabuti ang kahulugan. Nang malaman ng mga tao ang mga dapat nilang gawin ayon sa Kautusan, nabagbag ang kanilang kalooban, anupat sila’y napaiyak. “Ang araw na ito ay dakila sa Panginoon na inyong Diyos,” wika nina Nehemias, at Ezra at mga Levita. Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya’t sinabi nila, “Huwag kayong umiyak." Wika pa nila, “Umuwi na kayo at magdiwang! Ang walang pagkain at inumin ay bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito'y dakila sa Panginoon. Ang kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo.” — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Sim 18) T-Espiritung bumubuhay, ang salita ng Maykapal. to ng Mayka - pal —. 1. Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,/ ito'y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay:/ yaong kanyang mga batas ay mapagtiwalasn,/negbibigay poalaaeateta a aisipan. 2. Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,/ liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod,;/ ito'y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,/ pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot. (T) 3. Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,/ isang banal na tungkulin na'jiral na Bales pa mga hatol niya'y matuwid na kahatulan,/ kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantey. (T) 4. Nawa'y itong salita ko at ang ating kaisipan,/ sa iyo ay makalugod, Panginoon ko't kanlungan,/ O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan! (T) Tkalawang Pagbasa (1 Cor 12:12-14, 27) Hinihikayat ni San Pablo ang mga taga-Corinto na magpahalaga sa sari-saring kaloob ng Diyos sa kanilang pamayanan samantalang itinataguyod nila ang pagkakaisa ng lahat kay Kristo. Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto MGA KAPATID: Si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba't bang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, glipin man 0, malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang ketawan Teyong lahat ay pinzinom sa isang Espiritu. Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng isang bahagi lamang Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Kristo at bawat isa’y bahagi nito. — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Aleluya [Lc 4:18] (Tumayo) B - Aleluya! Aleluya! Ikaw, Kristo, ay sinugo upang sa dukha'y magturo, magpalaya sa bilanggo. Aleluyal Aleluyal Mabuting Balita (Le 1:1-4; 4:14-21) P — Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas B - Papuri sa iyo, Panginoon. KAGALANG-GALANG na Teofilo: Marami naipo ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa gitna namin. Ang kanilang sinulat ay ayon sa sinabi sa amin ng mga nakasaksi nito buhat sa pasimula at nangaral ng Salita. Matapos na ako’y makapagsuri nang buong ingat tungkol sa lahat ng bagay na ito buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat ng isang maayos na salaysay para sa inyo upang lubusan ninyong matiyak ang katotohanan ng mga bagay na itinuro sa inyo. Nogng panahong iyon, bumalik si Jesus sa Galilea, at sumasakanya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kumalat sa palibot na lupain ang balita tungkol sa kanya. Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga; at dinakila siya ng lahat. Umuwi si Jesus sa Nazaret na kanyang nilakhan. Gaye n kanyang kinagawian, pumaso! siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa; at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta isaias. Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusula- tan ng ganito: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya, at sa mga bulag na sila’y makakikita; upang bigyang- kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.” ilulon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.” — Ang Mabuting Balita ng Panginoon B - Pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpahayag ng Pananampalataya (Twmay) B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amangmakapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit atlupa. Sumasampalataya ako kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pil inako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan P - Sj Kristo ang katuparen ng pagliligtas na hinahenged ng Ama para sa ating lahat. Sa tulong ng Espiritu, manalangin tayo sa ating Ama. Sabihin natin T - Panginoon, dinggin mo kami. L - Maipakita nawa ng Santo Papa, mga obispo, pari, diyakono, at relihiyoso ang Mabuting Balita ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mabuting pamumuhay. Manalangin tayo: L-Tulad ni Jesus, sikapin nawa ng mga pinuno ng pamahalaan na maging tagapaghatid din ng Mabuting Balita sa mga dukha, nagugutom, at nangangailangan. Manalangin tayo: (T) L- Maging kaugalian nawa sa bawat tahanan ang pagbasa at pag-aaral ng Bibliya, at maging daan ito tungo sa pagpapanibago ng ating lipunan. Manalangin tayo: (T) L - Basbasan nawa ng Panginoon ang mga gawain ng Episcopal Commission for the Biblical Apostolate (ECBA) atng iba pang mga samahang nagtataguyod sa Salita ng Diyos. Manalangin tayo: (T) P —Dakilang Ama, magbunga nawa ng kabutihan ang eer eeaie sa aming buhay. Puspusin mo kami ng iyong Banal na Espiritu upang masigasig naming maipahayag ang Mabuting Balita para sa lahat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. B-Amen.

Anda mungkin juga menyukai