Anda di halaman 1dari 2

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na

kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon
o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang
kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya
sa alamat at kuwentong-bayan.

Ang elemento ng kwento ay nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang mas


maintindihan nila ang kwentong binasa.

1. TAUHAN Ito ang mga tao/bagay/hayop o mga tauhan kung kanino nakasentro ang
mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

2. TAGPUAN/PANAHON Ito ang iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at
kailan nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa


pagkilala sa mga pagsubok o sulirannin na darating sa buhay ng mga tauhan sa
kwento.

4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan


at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao
laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.

5.KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng


bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa


kasukdulan. 7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay
humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos
naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga kababaihan dahil sa


ugali ng mga ito. ang kanyang oras ay iginugugol niya sa paglililok hanggang
makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang babae na nagtataglay ng
mga katangian na nais niya para sa isang babae. Pinangalanan niya ito ng Galatea at
minahal ng totoo. Hindi niya inalintana ang opinyon ng iba. Hanggang sa dumating
ang araw ng pista at napag-alaman ni Aprodite, ang diyosa ng pag-ibig at
kagandahan ang tunay na pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea. Siya ay naantig at
kanyang binigyang buhay ang babaeng pinakamamahal ni Pygmalion. Sina
Pygmalion at Galatea ay nakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang kanilang
mga anak na sina Paphos at Metharme. Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa,
ang kanilang pamilya ay taon-taon na nag-aalay sa templo ni Aprodite.

Buod

Banghay

Sa kuwentong sinuri, masasabing naging matalino ang may-akda sa pagsasaayos ng


mga pangyayari rito. Ang bawat senaryo ay konektado sa isa’t-isa at hindi naging
mahirap para paghambing-hambingin ang mga ito, maging ng mga mambabasang
nasa murang edad pa lamang. Organisado ang daloy nito sapagkat magaling na
napagkasunud-sunod ang mga pangyayari magmula sa umpisa hanggang sa wakas.
Nakapagdulot ito ng kasabikan sa mga mambabasa at hindi pagkabagot. May
kasiguraduhan ang mga hakbang na ginawa sa pagsulat kaya’t hindi ito kakikitaan ng
anumang pagmamadali upang matapos.

Tagpuan
Ang tagpuang (lugar at panahon) ginamit sa kwento ay bumagay sa temang
tinalakay dito. Mabilis na nailarawan ng may-akda kung anong klase ng tema
mayroon ang kwento. Sa pamamagitan ng tagpuan agad na malalaman ng mga
mambabasa na isang makaluma at tradisyunal na tema ang ginamit sa kwento.
Angkop din ang tagpuan sa karakter ng mga tauhan. Naaayon ang mga katangian at
pamumuhay ng mga tao sa ginamit na tagpuan. Maayos at naging maganda ang
daloy at koneksyon ng bawat isa.

Tauhan

Sa kuwentong si Pygmalion at Galatea, iba’t-ibang katangian at pag-uugali ang


pinanghawakan ng mga karakter. Si Pygmalion na pangunahing tauhan sa akda, ay
isang bihasa at mahusay na iskultor na hinahangaan ng maraming kababaihan ngunit
sa kabila nito, ay naging pihikan siya sa mga babae. Para sa kanya, ang pakikipag-
mabutihan sa mga kababaihan ay pag-aaksaya lamang ng oras at pare-pareho ang
kaniyang pananaw ukol sa mga ito. Iginugol niya ang kanyang oras sa paglililok
hanggang sa isang araw ay maiukit niya ang isang estatwang nagpakita ng lahat ng
katangiang inaasam niya sa isang babae. Ipinangalangan niya itong Galatea. Si
Galatea ang estatwang lubos na minahal ni Pygmalion at itinuring isang tunay na
kababaihan. Si Galatea ay nabigyang buhay ni Aphrodite. Si Aphrodite ang
ikinikilalang Diyosa ng pag-ibig sa akda na nagbigay daan sa wagas ng pagmamahal
ni Pygmalion para kay Galatea sa pamamagitan ng pagbibigay buhay nito sa estatwa
upang ang labis na pagmamahal nito ay masuklihan din ng pagmamahal na
nararapat lamang para sa kanya.

William S. Gilbert

Si Pygmalion at Galatea

SIMPOSYUM

Dransen Alcantara

ST. FRANCIS

Estilo ng Pagsulat

Sa kwentong, Si Pygmalion at Galatea maayos na naiparating ng may-akda ang mga


kaganapan sa kwento. Naaangkop ang mga salitang kanyang ginamit upang
ilarawan ang kanyang mga tauhan at ang mga pangyayari sa kwento. Gumamit siya
ng mga bantas upang maiparating ang diyalogo ng kanyang mga tauhan.
Naaangkop din ang mga salitang ginamit niya upang maipakita na ang kwento ay
nangyari noong unang panahon. Maayos ang naging takbo ng kwento, nagkaroon ng
magandang interaksyon ang mga tauhan sa isa't isa . Hindi rin nagkahalo-halo ang
diyalogo ng mga tauhan sa pagsasalaysay ng may-akda sa mga pangyayari.

Konklusyon

Ang bawat tauhan sa akda at nagpakita ng malinaw na karakter/pagkatao upang


maintindihan nang maayos ang kwento base sa kanilang pagganap. Angkop ang
tagpuan, lugar at panahon sa gustong ipahiwatig ng akda. Sa daloy ng pangyayari,
madaling maintindihan ng mambabasa ang kwento. Maayos na naihabi ang bawat
elemento at emosyon sa akda. Bagama't hindi na magkapareho ang panahon natin
sa noon, ang akdang ito galing sa mitolohiya ng mga Griyego, ay mabilis pa rin nating
maiintindihan at maiaangkop sa kasalukuyang panahon dahil sa nakapaloob na
mensahe nito. Ang magmahal nang lubos at totoo kahit anuman ang balakid na
kahaharapin ay ang aral na matutunan at matatandaan ng bawat mambabasa ng
akda.

Anda mungkin juga menyukai