Para saan nga ba ang papel? Ano nga ba ang papel ko … Ito lamang ang tumatatak sa isip ko. Isipang puno ng katanungan. Bakit ganto? bakit ganyan? Kailangan ko bang magsulat? O dapat ko bang sulatan? Paano kung pangit ang sulat ko, Mabubura ko pa ba ito? Dapat ko bang may kurba Dapat ba maraming marka Marka ba ang kagandahan Kahusayan, kalinisan? Maaari bang marka ng katangahan, Kamangmangan, at kagaguhan? Para kanino nga ba ako ngsusulat? Imulat Mo sana ang isipang d pa mulat Bakit Mo ko binigyan ng papel? Mapapatawad Mo ba ako, Kung pangit ang naisulat ko, Kung madumi ang pagkasulat ko Babawiin Mo ba ang binigay Mo? Papabayaan mo lang bang ganto Ganto lang ang nasulat ko Mapapatawad mo pa ako, Kung mgsawa na akong magsulat, Kung sa tagal ko ng ngsusulat d pa rin mulat Mulat sa katotohanang itoy hiram Hiniram ko lamang munting papel Sana bigyan mo pa ako ng rason Rason para magsulat Magsulat ng halakhak Rason para gumuhit Gumuhit ng kurba ng ngiti Ngunit, kung pagod ka na Pagod ka ng Makita Madumi kong papel, Sana bawiin mo na. Ngunit kong kaya mo pa, Kung kaya ko pa, Turuan mo kong magsulat, matutunang ikurba muli Sa gitna ng makurbang papel… Gusto ko ng tumakbo Tumakbo lang ng tumakbo Papalayo sa mundo mo Mundong hindi para sakin Mundo mong tinuring na akin Ngunit hindi mapapasakin Kaya pangarap ko’y nais nang wasakin At tuluyan ng palayain. Ngunit kada hakbang ko Lalo lamang lumalapit sayo Sayo, ikaw na nagturo Tinurang humakbang, malakad… Ngunit bakit d mo tinuro Tinuro kung paano tumakbo Hayaan mo n lang sana Pwede ba? Baka pagod na ako Pagod ka na, pagod na tayo…