Anda di halaman 1dari 3

TABUK CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


MGA KONTEMPORARYONG ISYU
I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natatalakay ang pagkabuo ng karapatang pantao batay sa
kontekstong historikal;
b. napahahalagahan ang pag-unlad ng konsepto ng karapatang
pantao batay sa kontekstong historikal; at
c. nakagagawa ang mga mag-aaral ng malikhaing gawain.

II. NILALAMAN:
Paksang Aralin: Karapatang Pantao ( Kontekstong Historikal)
Sanggunian:
Kagamitan:

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
a. Panimulang Gawain
- Pagtsek ng atendans
- Pagsasaayos ng mga
upuan
b. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating
bagong aralin ngayon
magkakaroon muna tayo ng
isang gawain.
Panuto:
1. Punan ang mga sanga ng
mga salita o ideyang may
kaugnayan o kinalaman sa
KARAPATAN.

KARAPATAN

Iba’t- ibang kasagutan ng mga mag-aaral.

c. Pagpapakilalala
Base sa mga isinulat ninyong
mga salita, paano natin ngayon
mabibigyang-kahulugan ang - Sir, ito ay ang mga karapatan na tinatamasa
karapatang pantao? ng isang tao sa sandaling siya ay isinilang.
- Sir, ito ay mga pangangailangan o karapatan
na dapat taglayin ng isang tao mahirap man o
mayaman.
d. Pagtatalakay
Taglay ng bawat tao ang mga
karapatang nakabatay sa prinsipyo
ng paggalang sa isang indibiduwal.
Lahat ng nabubuhay na indibiduwal
ay may taglay na mga karapatan
dahil bawat isa ay nararapat na
tratuhin nang may dignidad.
Paano nga ba nagsimula ang
konsepto ng karapatang pantao? Presentasyon ng mga mag-aaral sa kanilang
pangkatang gawain.
Panuto:
1. Suriin ang kalakip na teksto TIMELINE CHECKLIST
tungkol sa pagkasunod sunod Panahon:
ng kasaysayan ng karapatang Mahalagang Dokumento Mga
pantao Pangyayari: Nakapaloob
2. Punan ang isang Timeline na Karapatang
Checklist ayon sa mga Pantao
hinihinging impormasyon.
3. Bawat grupo ay mabibigyan
ng limang (5) minuto para sa
inyong paghahanda.

Pagbibigay Komento ng Guro

e. Paglalahat
Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalaga ang mga
binanggit na dokumento sa
pag-unlad ng konsepto ng
karapatang pantao?
2. Ano-ano ang pagkakatulad sa
nilalaman ng mga dokumento
batay sa nabuong timeline
checklist?
3. Ano ang iyong nabuong
konklusyon tungkol sa pag-
unlad ng karapatang pantao
sa iba’t-ibang panahon? (iba’t –ibang kasagutan ng mga mag-aaral)
f. Paglalapat
Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod
sa isang-kalahating papel.
1. Para sa iyo, ano ang
kahulugan ng karapatang
pantao?
2. Bakit mahalagang pag-
usapan ang ang
karapatang pantao?
3. Ano sa inyong palagay
ang kalagayan ng mga
karapatang pantao sa
kasalukuyang panahon?

IV. TAKDANG-ARALIN
Basahin at Unawain ang mga probisyong nakasaad sa Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights
o UDHR)

Anda mungkin juga menyukai