Anda di halaman 1dari 8

Ang Sto.

Rosaryo
(AWIT) CDM

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak (+) at ng Espiritu Santo. Amen

N: Buksan mo Panginoon ang aming mga labi


B: At Pupurihin ka ng aming bibig

N: Pagpasakitan mo Panginoon ang Pag-ampon at Pag-saklolo mo sa amin


B: Panginoon Magmadali ka sa Pagtulong sa Amin

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


B: Kapara noong unang una, ngayon at magpasawalang hanggan Amen.

SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,


na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay


Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat;
nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,


sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo,
sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.
At sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka,
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo,
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa Langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Aba Ginoong Maria


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

Luwalhati sa Ama
Luwalhati sa Diyos Ama, Diyos Anak, at sa Diyos Espiritu Santo.

Kapara nang sa unang-una,


ngayon at magpakailan man,
magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Ang Misteryo ng Liwanag

Unang Misteryo
Ang Pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan

(AWIT) MYC

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong Panahong Iyon, Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay
Juan. Ngunit tinangka ni Juan na pigilan siya at sinabi, “Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo!
Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?” Subalit sumagot si Jesus, “Hayaan mong ito ang mangyari
ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” Kaya't
pumayag din si Juan. Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang
langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa
kanya. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong
kinalulugdan!”

(1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati, O Hesus ko)


Ikalawang Misteryo
Ang Kasalan sa Cana

(AWIT) CFC

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan,

Noong Panahong Iyon, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Si Jesus at ang
kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Naubos ang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa
kanya, “Anak, wala na silang alak.”
Sinabi ni Jesus, “Ipaubaya na lang po ninyo ito sa akin, Ginang.[a] Hindi pa ito ang aking tamang
oras.”
Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon.
Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa rituwal ng mga Judio. Sinabi ni Jesus sa mga
tumutulong doon, “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.”
At pinuno nga nila ang mga banga na halos mag-umapaw. Pagkatapos, sinabi niya, “Kumuha kayo
ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.”
Dinalhan nga nila ang namamahala, at tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung
saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking
ikinasal at sinabi, “Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga
tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!”
Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito'y
inihayag niya ang kanyang kaluwalhatian at naniwala sa kanya ang mga alagad niya.
Pagkatapos nito, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga
alagad. Sila'y nanatili roon nang ilang araw.

(1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati, O Hesus ko)


Ikatlong Misteryo
Ang Pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos

(AWIT) TPC

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo,

Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang
kanyang mga alagad at siya'y nagsimulang magturo sa kanila.

“Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,


sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
“Pinagpala ang mga nagdadalamhati,
sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
“Pinagpala ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.
“Pinagpala ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
“Pinagpala ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.
“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,
sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
“Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan
[na pawang kasinungalingan][a] nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang
inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”

(1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati, O Hesus ko)


Ika-apat na Misteryo
Ang Pagbabagong Anyo ni Hesus

(AWIT) APYC

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Makalipas ang halos walong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga ito, umakyat siya sa bundok
upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago. Habang siya'y nananalangin, nagbago
ang anyo ng kanyang mukha at ang kanyang kasuotan ay nagningning sa kaputian. Biglang may
lumitaw na dalawang lalaki na nakikipag-usap sa kanya, sina Moises at Elias, na nagpakitang may
kaningningan. Pinag-usapan nila ang pagpanaw ni Jesus na malapit na niyang isakatuparan sa
Jerusalem.

Natutulog sina Pedro noon at paggising nila ay nakita nila si Jesus na nakakasilaw ang anyo at may
dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya. Nang papaalis na ang mga lalaki, sinabi ni Pedro,
“Panginoon, mabuti po at nandito kami. Magtatayo po kami ng tatlong tolda, isa para sa inyo, isa kay
Moises, at isa kay Elias.”—ngunit hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi. Nagsasalita pa siya
nang liliman sila ng ulap, at natakot sila nang matakpan sila nito. May isang tinig na nagsalita mula
sa ulap, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Pakinggan ninyo siya!” Nang mawala ang tinig,
nakita nilang nag-iisa na si Jesus. Hindi muna ipinamalita ng mga alagad ang kanilang nakita.

(1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati, O Hesus ko)


Ika limang Misteryo
Ang Pagtatag ng Banal na Eukaristiya

(AWIT) CMM

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Habang kumakain sila, si Jesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos,


kanyang pinaghati-hati ang tinapay at iniabot sa mga alagad. Sinabi niya, “Kunin ninyo ito; ito ang
aking katawan.” Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos ay iniabot din niya
iyon sa mga alagad, at uminom silang lahat. Sinabi niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang
tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami. Tandaan ninyo: hinding-hindi na
ako muling iinom pa ng katas ng ubas hanggang sa araw na inumin kong panibago sa kaharian ng
Diyos.”

Umawit sila ng isang himno, at pagkatapos ay nagpunta sila sa Bundok ng mga Olibo.

(1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati, O Hesus ko)

Aba Po Santa Mariang Hari

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.


Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.


R. Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Manalangin tayo:

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit namin ng


kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao,
pagkamatay at pagkabuhya mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilay-nilay
namin nitiong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan
namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin
ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristo Panginoon namin; na kapisan
Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

(AWIT) SSC

Litanya sa Mahal na Birheng Maria

Panginoon, maawa ka sa amin.


Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,

Santa Maria, Ipanalangin mo kami.


Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann
Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Hari ng mga anghel,
Hari ng mga patriarka,
Hari ng mga propeta,
Hari ng mga apostol,
Hari ng mga martir,
Hari ng mga confesor,
Hari ng mga Birhen,
Hari ng lahat ng mga santo,
Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Haring iniakyat sa langit,
Hari ng kasantu-santosang Rosaryo,
Hari ng kapayapaan.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Patawarin mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Paka-pakinggan mo po kami,


Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Maawa ka sa amin.

Memorare

Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria,


Na kailan ma’y di-narinig na may dumulog sa iyong pag-aampon, Humingi ng Iyong tulong at
nagmamakaawa ng Iyong saklolo, Na Iyong pinabayaan.
Dala ng pag-asa na ito,
Dumudulog ako sa Iyo oh Birhen ng mga birhen,
aking Ina, sa Iyo ako’y lumalapit,
Sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.
Oh Ina ng walang hanggang berbo,
Huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog,
Bagkus, sa Iyong habag,
Pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

Anda mungkin juga menyukai