Anda di halaman 1dari 7

Aralin 1

Doon Po sa Amin: Pagluluwal sa Konsepto ng “Malikhain”


Pag-unawang  Pagiging Malikhain Bilang isang Kasanayan sa Ika-21 Siglo
Dapat *Ang Pagiging Malikhain ay isang kasanayan na dapat taglayin
Linangin ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Taglay ng isang malikhaing
(Susing- mag-aaral ang kakayahang mag-isip sa mapanuring paraan.
Kaisipan) Kadikit ng pagiging mapanuri ang kakayahan ng mag-aaral na
mag-isip ng bagong ideya o konsepto na makatutulong upang
mas palakasin ang mga ilang mga kasanayan na taglay at maari
niyang taglayin sa mga susunod na lente ng panahon.
 Malikhain Bilang isang Kasanayan na may Proseso
*Ang Pagiging Malikhain ay may prosesong pinagdadaanan.
Malawak kung iisipin ang konsepto ng pagiging malikhain .ngunit
maaari itong ikonteksto sa lahat ng laranga. Ang Kasanayan na
ito ay maituturing na hindi agarang matatamo. Kinakailangan ng
masigasig at masikap na pageensayo at pagsasanay upang
direktang mabatid o matamo ang nasabing kasanayan.
 Malikhain bilang isang Konseptong ibinatay sa teorya ng
mga Dalubhasa
*Mahalagang napatitibay ang mga konsepto sa tulong ng mga
teorya at ilang mga pananaw mula sa mga eksperto o dalubhasa.
Mas lumalawak at napatatag ang ideya kung ito’y sistematikong
napag-aralan at nasaliksik ng mga dalubhasa.

Mga Layunin Sa pagtatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 matukoy ang kahulugan, kahalagahan at kapangyarihan ng


malikhain;
 masuri ang mga konsepto tungkol sa malikhain
 magamit ang pagiging malikhain sa paglikha ng mga produkto.
Hindi
sMagmamali “Malikhaing Pag-iisip ay linangin, panahon may saglit, tiyak na di ka
w na Pang- mabibitin.”
unawa

Panimulang LIKHanay
Gawain/Pang
ganyak Panuto: Mula sa salitang MALIKHAIN kailangang punan ang mga
blanking kahon na maaaring kumatawan sa iba’t ibang aspekto ng
pagiging malikhain. Sa bawat aspektong mailalagay sa bawat
blangkong kahon, kailangan makapagbigay ng halimbawa kung paano
maipapakita ang pagiging malikhain. Gawing padron ang nasa ibaba.

Pagtalakay

I. Kahulugan ng Malikhain

Sa pagbibigay kahulugan sa salitang malikhain maraming


mga kadikit na konsepto ang salitang ito. Dahil ito’y ginagamit
sa iba’t ibang larangan nagiging iba’t iba ang kahulugan nito
batay sa larangang kinabibilangan.

Kung sisipatin ang katumbas na salita ng malikhain sa Ingles


lulutang ang salitang “Creative” kaugnay ng salitang Creative
ang Creativity. Ayon kay Robe Pope (2005) ang kahulugan ng
Creativity ay ang kakayahang makabuo, makalikha ng bago
at ang kakayahan na maibahagi ang bago na magiging
kapaki-pakinabang sa iba. Itinuturing ito ng ilan na isang
kakayahan o kasanayan na maaaring makuha o matamo
kung itong sinasanay o nililinang., Kadikit ng pagiging
malikhain ang konsepto ng proseso. Nagiging makabuluhan
ang isang kasanayan kung ito’y dumadaan sa tama at
siyentipikong proseso.

Dagdag pa ni Pope (2005) ang malikhain ay maaaring


kumatawan sa mga bagay at gawi o kilos. May nagiging
kapakipakinabang ang kasanayan na ito kung ito’y inilalabas
o napapakinabangan ng iba. Sinasabi ang kasanayan na ito
ay may malaking dulot upang matuto ang mga mag-aaral
maging ang guro na maging tagalikha o tagabuo (producer)
at hindi na lamang basta tagasalo o tagatanggap (consumer).

Naging pangunahing lunsaran ang mga asignatura na inaaral


sa paaralan para malinang ang iba’t ibang kasanayan na
kadikit ng programang K to 12. Pangunahin na ngang
nililinang ng guro ang kakayahan ng mag-aaral na maging
malikhain. Sasapat lamang ang ganitong adhikain kung ang
nagpapasinaya ng proseso ng pagkatuto at pagtuturo ay
mayroon ding kasanayan sa pagiging malikhain.

II. Kahalagahan ng Malikhain

Ayon kay Belvez, (2000) nagiging masining ang pagtuturo


dahil may pinag-uugatang itong prinsipyo. Ang pagiging
malikhain lagpas sa isang kasanayan, tumatawid din ito sa
konsepto ng pagtataya sa kritikal o mapanuring pag-iisip.
Pangunahing tagapagtaguyod ang mga guro sa paglilinang
ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Pangunahing
nagiging kasangkapan ng guro sa pagtataya ang kakayahan
ng mag-aaral na maging malikhain.

Ayon Pope (2005) sinasaklaw ng pagiging malikhain ang


kasanayan na mag-isip sa mapanuring paraan. Pangunahing
kasangkapan ng mag-aaral upang maging isang malikhain
ang kakayahan nito na mag-isip ng bago o hindi
pangkaraniwan. Sa puntong ito, mapapantunayan na
tuwirang nag-iisip ang isang mag-aaral.

Mahalagahang matutuhan ng mag-aaral ang kasanayang ito,


dahil hinahantad ng globalisadong mundo ang mga ilang
asersyon kung paano mapapaunlad ang gawaing
pampagtuturo marapat na magsimula ito sa paglilinang ng
pag-iisip ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagiging
malikhain.
III. Kapangyarihan ng Malikhain

Ang pagiging malikhain ay isang manipestasyon ng isang


mag-aaral na nag-iisip. Ang kasanayan na ito ay hindi lamang
isang kasanayang naglalayongt mapalakas ang gawaing
pampag-iisip. Pangunahing nagiging lunsaran din ito ng mga
ambag o produkto mula sa pag-iisip ng mga mag-aaral.
Sangkap ng isang pagiging malikhain ang kakayahan na
magsuri at mag-analisa sa mga malalaki o maliliit na bagay.
Nagiging pangunahing bentahe ito ng taong malikhain.

Kung sisipatin ang makasaysayang pinagmulan ng salitang


malikhain makikita ang maigting nitong koneksyon sa
pagiging mapanuri. Salik ng pagiging malikhain ang
kakayahang makabuo o lumikha. Samakatuwid, ang pagiging
malikhain bilang isang kasanayan ay dapat taglayin ng mga
mag-aaral para sa epektibong pagkatuto.

Pagsusuri Sisidlan ng Konsepto

Mula sa grapikong pantulong na makikita sa baba, punan ang mga


puwang na makikita. Sundan lamang ang mga gabay na tanong na
makikita rin sa ibaba.

Paglilinang
Kasanayan
Pagtataya
Malikhain
Mapanuring
Pagbuo
Pag-iisip
Gabay na Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng malikhain? Bumuo ng isang


pangungusap gamit ang mga konsepto mga salitang nakikita sa
itaas.
2. Paano ka magiging malikhain? Sa paanong paraan?
3. Bakit kailangan taglayin ng isang mag-aaral ang kasanayan na
maging malikhain?
4. Ano-anong mga kadikit na kasanayan ang nalilinang pag ikaw ay
malikhain?

Pagsasanay LIKHASALITA

LIKHA

BUO SURI

TALINO AMBAG

Mula sa mga salitang makikita sa taas. Kumuha ng dalawang salita at


pag-unayin ito. Gumawa ng isang maikling paliwanag sa kung ano ang
kaugnayan nito sa salitang malikhain.

Paglalahat ISIP-SALITA: Umisip ng isang konsepto, Ideya o kaaalaman at


tapatan ang mga letra na na makikita sa ibaba.

M
A
L
I
K
H
A
I
N
Paglalapat Paano ka magiging malikhain?

Bumuo ng isang dibuho tungkol sa kung paano ba nagiging malikhain


ang isang indibidwal. Gawing padron ang ribriks na makikita sa baba.

Rubrik sa Pagtataya sa Paggawa ng Maikling Kwento

Pak Pak!
Pak na Pak! Ganern!
(Medyo Push mo Pa!
Pamantayan (Napakahusay)
4 (Mahusay) Mahusay) (Nangangailangan
3 2
pa ng Pag-unlad)
1

Nilalaman

(Kaangkupan
ng dibuho at
ilang mga
simbolo sa
hinhinggi ng
paksa)
Disenyo

(Naging
makulay at
maayos ang
pagkakagaw
a ng dibuhoi)

Kalinisan
(Malinis ang
pagkakagaw
a)

Kabuoang
Iskor

Anda mungkin juga menyukai