Anda di halaman 1dari 5

Awit at Korido

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madalingmapalaganapatmaipamulatang Kristiyanismosamga
katutubo. Upang matugunan namanangkanilang hilig namasmaaliw. Pumasok ang mga anyong panitikanna tinatawag naawitat Korido. Naging kilala ang mga ito, at
naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa.Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhannaang mga itoayligtas at nakakatuwang libangan.Ang
awit at korido aymga akdang nasa anyong patula. Ang sasaknong ng mga itoaymaynatatanging bilang o sukat atmaymagkakasintunog omagkakatugmang mgapantig. Ang Korido
aysalaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ngkababalaghan. Ang awit namaíy salaysay
sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mgatauhan atwalang sangkapna kababalaghan.Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa
sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siyamarahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang
kaniyangsubversivework aysaanyong Florante at Laura. Ang Floranteat Lauraay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga
Kastila. Nakatakas ito sa mgascensura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoongmambabasa ito'y
maymaraming tema una laban saKristiyanismoat pangalawa ang labansa imespanya.Isa samga halimbawang korido ay ang Ibong Adarna.Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito
aytumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral satotoong buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung
sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong
sumulatnito. Sinasabing ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito,ang Ibong Adarna ay tinawag
na sanaysaying-bayan.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang
awit aymay labindalawang pantig at inaawit
na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”
3. Ang ikinagandang awit ay samgaaral na ipinahihiwatig samantala sa koridoang ikinawiwilingmga mambabasaay ang kuwentoo kasaysayang napapaloob ditto
Kategorya ng Awit at Korido
Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas.Karaniwang nakasaadang lagom [summary] ng akda, ang halaga
niyon sapanitikan, at ang mgakritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.
Katangian ng awit at korido
Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.
Mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, MariangAlimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz,
Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, PrinsipeFlorennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, DocePares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz,
Salita at Buhay ni Mariang Alimango, PrinsipeIgmidio at Prinsesa Clariana

Si Francisco Baltazar (ipinanganak na Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril 1788—20 Pebrero 1862), mas kilala
bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at malawakang itinuturing na isa sa mga pinakadakilang
Pilipinong pampanitikan na laureate para sa kanyang epekto sa panitikang Filipino. Ang sikat na epiko, ang Florante at Laura, ang
kanyang pinakakilalang obra maestra.[1]

Mga nilalaman
1Talambuhay ni Balagtas
1.1Unang mga taon
1.2Buhay bilang isang manunulat
1.3Trabaho at Pamilya
1.4Huling mga Araw
2Ang kaniyang mga sinulat
3Mga sanggunian
4Mga kawing panlabas
Talambuhay ni Balagtas[baguhin | baguhin ang batayan]
Unang mga taon[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 02 Abril 1788 sa Panginay, Biguaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag
rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina
Felipe, Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya
una sa paaralang, Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang
makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de
Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.
Buhay bilang isang manunulat[baguhin | baguhin ang batayan]
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang
nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at
Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa
pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni
Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay
Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.
Trabaho at Pamilya[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito
niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa. Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman
ay 54. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng apat na
anak kay Juana Tiambeng. Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de semantera.
Huling mga Araw[baguhin | baguhin ang batayan]
Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas.
Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Bago
mamayapa, ibinilin niya sa kanyang asawa na "Huwag mong hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga anak.
Mabuti pang putulin mo ang mga daliri nila kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula." Namayapa siya sa piling ng
kanyang asawa, Juana Tiambeng at mga anak noong 20 Pebrero 1862. Namatay siya sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya
at dahil narin sa kanyang katandaan.
Sinasabing ang mga pagsubok sa buhay ni Balagtas, at ang kaniyang pagsusumikap upang malagpasan ang mga ito, ang
pumanday sa kaniya upang maging isang mabisa at matagumpay na makata.
Ang kaniyang mga sinulat[baguhin | baguhin ang batayan]
Orosmán at Zafira – isang komedya na may apat na bahagi
Don Nuño at Selinda – isang komedya na may tatlong bahagi
Auredato at Astrome – isang komedya na may tatlong bahagi
Clara Belmore – isang komedya na may tatlong bahagi
Abdol at Misereanan – isang komedya
Bayaceto at Dorslica – isang komedya na may tatlong bahagi,
Alamansor at Rosalinda – isang komedya
La India elegante y el negrito amante
Nudo gordeano
Rodolfo at Rosemonda
Mahomet at Constanza
Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin)
Florante at Laura, isang awit ; pinaka-tanyag na gawa ni Balagtas
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
↑ Quirino, Carlos. Preface for Apolinario Mabini’s Hand-Written Version of Francisco Baltasar’s “Florante at Laura” (Pambungad
para sa Kopya ng “Florante at Laura” ni Francisco Baltasar na nasa sulat-kamay ni Apolinario Mabini), nasa wikang Ingles, ang
kopya ni Mabini ay isinalin sa Ingles ni Tarrosa Subido (nasa kaliwa ang Tagalog samantalang nasa kanan ang katumbas sa
Ingles), National Historical Commission, Bureau of Printing, Manila, 1964 (unang paglilimbag), at Vertex Press, Lungsod ng
Quezon, 1972 (pangalawang paglilimbag), may 119 pahina, nasa bukod na mga pahinang v-xx ang pambungad (preface) at
paunang-salita ng tagapagsalinwika (translator’s foreword)
Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat
lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:

“ Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o pinturang
nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa
bersong Tagálog. ”

Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido[1] (corridos[2]) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon,
ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto[3] at pilologo[4][5]

Mga nilalaman

 1Kasaysayan
o 1.1Unang Paglimbag
 2Paglalarawan
 3Buod
 4Mga tauhan
 5Ang akda at mga bayani
 6Mga sanggunian
 7Mga kawing panlabas

Kasaysayan
Ayon kay Epifanio de los Santos, isang mananalaysay, nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. 50 taong
gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni
dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa
mag-anak ng huli.[5]
Unang Paglimbag
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong
1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon,
nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los
Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang
Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa
tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na
magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.[5]
Nalilimbag ang pamagat ng bersiyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay:[5]
PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG ALBANIA.
QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG
PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA.
at tinula nang isang matouain sa versong tagalog.

Paglalarawan
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante,
habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling
karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at
kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa
pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.

Buod
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang
puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na
mapasakamay ng kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na
naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas
ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa manumbalik
ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya
makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang
ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa
kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng
pagmamahal at kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang
mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya
ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca –
sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa
bayan ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang
anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at
pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang
nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas
ng isang taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang
si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florantesa Albanya. Sumama
si Menandro kay Florante. Sa pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula
kay Florantehinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persa (Persian). Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo
niya ang hari ng Krotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura,
ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.
Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persiya na si Osmalik. Tumagal
ang tunggali ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng
limang buwan bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang
mapagmasdan ang watawat ng Persiya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang
Persa (Persian). Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang
mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at
katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan
ni Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap
si Florante ng isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa pangangalaga
ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng
30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman
ni Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at
itinali sa isang puno ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at
maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng
ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persa (Persian) – ang katotohanan na katulad rin
ng kay Florante ang kaniyang kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang
kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin.
Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin
na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang
pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan,
isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak
ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng
naglalahad na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang
kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan
naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng
Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang
kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag,
patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik
si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persiya, kung saan
naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.

Mga tauhan

 Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo


 Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
 Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante
 Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
 Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
 Sultan Ali-Adab - sultan ng Persiya, ama ni Aladin
 Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
 Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
 Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
 Konde Sileno - ama ni Adolfo
 Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre
 Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
 Antenor - guro ni Florante sa Atenas
 Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
 Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona
 Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
 Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.

Ang akda at mga bayani


Sinasabi na nagdala ng kopya ng Florante at Laura si José Rizal noong kapanahunan ng kaniyang mga paglalakbay sa Europa.
Samantalang pinaniniwalaan na sumipi si Apolinario Mabini naman sa kopyang nalimbag noong 1870 o 1853 para malalang ang
isang kopya ng Florante at Laura na nasa sarili niyang sulat-kamay. Ginawa ito ni Mabini, habang nasa Guam noong 1901, ayon sa
mungkahi ng isang kapitan ng hukbong-katihan ng Estados Unidos. Walang pahintulot na makabalik pa sa Pilipinas si Mabini noong
panahong ginawa ito ni Mabini.[5]
May ginawang mga pagbabagong may kaugnayan sa ortograpiya si Mabini sa kaniyang isinagawang kopya, ayon na nga sa
mungkahi ni Jose Rizal. Isang kopyang holograpo – isang kopyang kalarawan ng orihinal na nasa sulat kamay ni Mabini – ang
ipinagbili sa pamahalaan ng mga kaanak ni Mabini. Unang nalimbag ang 700 kopya ng gawang-kamay na ito ni Mabini noong 1964,
sa ilalim ng pamamahala ng The National Heroes Commission ng Pilipinas, bilang parangal kina Francisco Baltasar at Apolinario
Mabini. Muling naglimbag ng 1,000 kopya ang komisyon noong 1972.[5]

Mga sanggunian

1. ↑ "Korido". Literal na salin ng corrido [isahan], corridos [maramihan].


2. ↑ Nagmula ang salitang corridos sa occurridos ng wikang Kastila, happenings sa Ingles, mga pangyayari o kaganapan;
ayon kay Quirino, Carlos. Preface for Apolinario Mabini’s Hand-Written Version of Francisco Baltasar’s “Florante at
Laura” (Pambungad para sa Kopya ng “Florante at Laura” ni Francisco Baltasar na nasa sulat-kamay ni Apolinario
Mabini), nasa wikang Ingles, ang kopya ni Mabini ay isinalin sa Ingles ni Tarrosa Subido (nasa kaliwa ang Tagalog
samantalang nasa kanan ang katumbas sa Ingles), National Historical Commission, Bureau of Printing, Manila, 1964
(unang paglilimbag), at Vertex Press, Lungsod ng Quezon, 1972 (pangalawang paglilimbag), may 119 pahina, nasa
bukod na mga pahinang v-xx ang pambungad (preface) at paunang-salita ng tagapagsalinwika (translator’s foreword).
3. ↑ "Rekolekto". Literal na salin ng Recollect [Ingles], kongregasyon ng mga pari.
4. ↑ "Literal na salin ng philologist [Ingles], isang dalubhasa sa pag-aaral ng wika at mga dokumento, philology [Ingles] o
pilolohiya [literal na salin din] ang tawag sa larangang ito". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang
Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.
5. ↑ Jump up to:5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Quirino, Carlos. Preface for Apolinario Mabini’s Hand-Written Version of Francisco Baltasar’s
“Florante at Laura” (Pambungad para sa Kopya ng “Florante at Laura” ni Francisco Baltasar na nasa sulat-kamay ni
Apolinario Mabini), nasa wikang Ingles, ang kopya ni Mabini ay isinalin sa Ingles ni Tarrosa Subido (nasa kaliwa ang
Tagalog samantalang nasa kanan ang katumbas sa Ingles), National Historical Commission, Bureau of Printing, Manila,
1964 (unang paglilimbag), at Vertex Press, Lungsod ng Quezon, 1972 (pangalawang paglilimbag), may 119 pahina, nasa
bukod na mga pahinang v-xx ang pambungad (preface) at paunang-salita ng tagapagsalinwika (translator’s foreword)

Mga kawing panlabas

Mayroon aklat sa Wikibooks ng patungkol sa Florante at Laura.

 Florante at Laura kopya sa internet mula sa Proyektong Gutenberg. Mayroon din sa ibang anyo
 Baltazar, Francisco. Pinagdaanang Buhay Nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya (bersiyong Pilipino). Mula
sa Filipiniana.net Online Digital Library, nakuha noong 7 Marso 2008.