Anda di halaman 1dari 9

Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal:

Jose Rizal
Marcelo H. del Pilar
Graciano Lopez Jaena
Mariano Ponce
Jose Ma. Panganiban
Pedro Paterno atbp.

LAYUNIN NG KILUSANG ITO:

1. Magkaroon ng pantay-pantay
na pagtingin sa mga Pilipino at
Kastila sa ilalim ng batas.
2. Gawing lalawigan ng Espanya
ang Pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng
kinatawang Pilipino sa Kortes ng
Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga kura
paroko.
5. lbigay ang kalayaan ng mga
Pilipino sa pamamahayag,
pananalita, pagtitipon o
pagpupulong, at pagpapahayag
ng kanilang mga karaingan.

JOSE RIZAL

Ginamit ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang bilang sagisag panulat.

1. NOLI ME TANGERE

Ito ang kaunahan at walang kamatayang nobela na nagpasigla nang malaki sa Kilusang
Propaganda at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya.

Inilantad ang mga kasamaang naghahari sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas.

Tumalakay sa mga sakit ng lipunan.

2. EL FILIBUSTERISMOO

Karugtong ng Noli.
Naglalantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na
makapangyarihan, ang simbahan.

3. MI ULTIMO ADIOS

lto ay kanyang isinulat nang siya ay nakakulong sa Fort Santaigo.

Ipinalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.

4. SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS


FILIPINOS

Hinggil sa kasamaan ng mga Pilipino.

Isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino
ay tamad.

5. FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS

"ANG PILIPNAS SA LOOB NG SANDAANG TAON"

Ito ay sanaysay na nagpapahiwatig na ang panahon ng interes ng Europa ay mababawasan,


samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos mararamdaman.

Hula ni Rizal, "kung may sasakop muli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estdos unidos.

6. A LA JUVENTUD FILIPINO

"SA KABATAANG PILIPINO"


lsang tula na inihandog niya sa mga kabtaang Pilipinong nag- aaral sa Pamantasan ng Santo
Tomas.

7. EL CONSUEJO DE LOS DIOSES

"ANG KAPULUNAGN NG MGA


BATHALA"
Ito ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.

8. JUNTO PASIG

"SA TABI NG PASIG"

lsinulat niya ito nung siya ay 14 taong gulang.


9. ME PIDEN VERSOS

"HINILINGAN NILA AKO NG TULA" (1882)- "A LAS FLORES DE HEIDELBERG" (1882)

Ang dalawang tulang ito nagpapahayag ng mga di pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

10. NOTAS A LA OBRA SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS POR EL DR. ANTONIO DE
MORGA

"MGA TALA SA AKDANG PANGYAYARI SA PILIPINAS NI DR. ANTONIO DE MORGA"

11. P. JACINTO: MEMORIAS DE UN ESTUDIANTE DE MANILA

"P. JACINTO: MGA GUNITA NG ISANG ESTUDYANTE SA MANILA"

12. DIARYO DE VIAJE DE NORTE AMERIKA

"TALAARAWAN NG PAGLALAKBAY SA HILAGANG AMERIKA"

MARCELO H. DEL PILAR

ltinatag ang "diyaryong tagalog" noong 1882, na pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa
hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila.

Nang dumating siya sa Espanya ay hinalinhan niya si Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad na
naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa
pamahalaan ng mga Pilipino.

MGA AKDA:

1. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA- salin sa sa tulang "amor patrio" ni Rizal na napalathala


noong Agosto 20, 1882 sa "Diaryong Tagalog".

2. KAlIGAT KAYO-ito ay isang pabiro at pauyang tuligsa sa tugon ni P. Jose Rodriguez sa Noli ni
Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888.

3. DASALAN AT TOCSOHAN
- akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888.

"Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning
iyong inarao- arao at patawarin mo kami sa iyong pag- ungal para nang taua kung kami'y
nacucualtahan, at huwag mo kaming ipahintulot sa inyong manunukso at iadya mo kami sa
masama mong dila. Amen

4. ANG CADAQUILAAN NG DIYOS - isang hawig katesismo subalit pagtuya laban sa mga
prayle na inilathala sa Barcelona. Nagtataglay ng Pilosopiya sa kapangyarihan ng Poong Lumikha,
pagpapahalaga, at pag-ibig sa kalikasan.

6. DUPLUHAN...DALIT...MGA BUGTONG- ito'y katipunan ng maiiksing tula at pang-aapi ng


mga prayle sa Pilipinas.

7. LA SOBERANA EN FEILIPINAS- isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di


makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino.
8. POR TELEPONO
9. PASIONG DAPAT IPAG-ALAB NG PUSO NG TAONG BABASA

GRACIANO LOPEZ JAENA

Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng mga


makabagong Pilipino na tinitipon at inililimbag sa imprenta ni Remegio Garcia, dating may-ari ng
tindahan ng aklat, "Manila Flatica".

MGA AKDA:
1. ANG FRAY BOTOD- tinulligsa ang mga Prayle na masiba, ambisyoso at immoral ang
pagkatao.

2. LA HIJA DEL PRAILE at ang EVERYTHING IS HAMBUG- Ito ay ipinaliwanag ni Jaena ang
mga kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.

3. SA MGA PILIPINO- isang talumpati na ang layuning mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Malaya, maunlad, at may karapatan.

4. TALUMPATING PAGGUNITA KAY KOLUMBUS- noong ika-391 anibersaryo sa


pagkakatukals ng Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.

5. EN HONOR DEL PRESIDENTE MORAYTA DELA ASUNCION HISPANO PILIPINO-


pinuri ni Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay- pantay niya sa mga tao.

7. EN HONOR DE LOS ARTISTAS LUNA Y F RESURRECCION HIDALGO- matapat na


papuri sa kanilang mga iginuhit na mga larawan ng mga kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng
mga Kastila.

7. AMOR A ESPANA O ALAS JOVENAS DE MALOLOS (Pag- ibig ng Espanya sa mga


kababaihan ng Malolos). Pag- aral sa mga Kastila ng mga babae na ang guro ay Gobernador ng
lalawigan ang magbibigay.
8. EL BANDOLERISMO EN PILIPINAS- ipinagtanggo niya na walang tuklisan sa Pilipinas at
dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailanagang (Pilipinas) baguhin upang
hindi mahirapan ang Pilipinas.

9. HONOR EN PILIPINAS (Karangalan sa Pilipinas)- ang pagwawagi sa mga eksposisyon nina


Luna, Resurreccion, at Padro de Tavera na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa
Pilipinas.

10. PAG-AALIS NG BUWIS SA PILIPINAS


11. ISANG PAGLINANG SA "INSTITUCION NG PILIPINAS"
13. MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS-tinutukoy ang maling pamamalakad at edukasyon sa
Pilipinas- 1887.

IBA PANG PROPAGANDISTA

ANTONIO LUNA

1. NOCHE BUENA- naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino.

2. SE DIVIERTEN (naglilibang sila)- isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila halos di-maraanang
sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.

3. LA TERTULIA FILIPINA (sa piging ng mga Pilipino)- naglalahad ng isang kaugalian Filipino
na ipinalalagay niyang lalaong Mabuti kaysa kaugaliang Kastila.

4. POR MADRID- tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng


Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisilangan ng selyo.

5. LA CASA DE HUESPEDES (Ang pangaserahan) - naglalarawan ng isang pangaserahan na ang


kasera'y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumite, kundi upang maihanap ng
mapapangsawa ang kanyang anak.

6. IMPRESIONES- ito'y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag- aaral
na naulila sa amang kawal.

MARIANO PONCE

Ay nagging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng Kilusang


Propaganda.

Ang kanyang mga sagisag panulat ay: TIKBALANG, KALIPULAKO at NANING.


MGA AKDA:

1. MGA ALAMAT NG BULAKAN-naglalaman ng mga alamat at kwentong-bayan ng kanyang


bayang sinilangan.

2. PAGPUGOT KAY LONGINO - isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos,


Bulakan.

3. SOBRE FILIPINAS

4. ANG MGA PILIPINO SA IND0-TSINA

PEDRO PATERNO

lsang iskolar,dramateryo, mananliksik, at nobelista ng Kilusang Propaganda.

1. NINAY- kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino.

2. A MI MADRE (Sa Aking Ina)- nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malingkot
ang isang tahanan kung wala ito.

3. SAMPAGUITA Y POESIAS VARIAS- Katipunan ng kanyang mga Tula.

JOSE MA. PANGANIBAN

Ikinubli ang pangalan sa sagisag panulat na JOMAPA

ANG LU PANG TINUBUAN

SA AKING BAHAY

SU PALAN DE ESTUDIO

EL PENSAMIENTO

ANG PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK

Hindi ipinagkaloob sa mga Pilipino ang hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging
bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala at naging mahigpit pa ang
pamahalaan at simbahan.

TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK:


Ang kinilalang taluktok o pinakalider ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario
Mabini.

ANDRES BONIFACIO

Kilala bilang "ama ng demokrasyang Pilipino" ngunit higit sa lahat, bilang "Ama ng Katipunan"

Umanib sa "La Liga Filipina"

MGA AKDA:

1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN- nahahalintulad sa sampung


utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilayang ito.

2. HULING PAALAM- salin sa tagalog ng "Mi Ultimo Adios"

3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA- isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay
Marcelo H. del Pilar.

APOLINARIO MABINI

EL VERDADO DECALOGO (Ang Tunay na Sampung Utos) ito ang ipinalalagay na kanyang
pinaka "obra maestra" na ang pinakahangarin niya rito ay magpalaganap ng nasyonalismong
Pilipino.

EL DESAROLLO Y CAIDA DE LA REPUBLIKA FILIPINA- (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng


Republikang Pilipino)

SA BAYANG PILIPINO

PAHAYAG

EMILIO JACINTO

Ay kinilalang "Utak ng Katipunan", sapagkat tumayo siya bilang kanang-kamay ni Bonifacio.

Sagisag panulat: DIMAS ILAW

MGA SINULAT:

1. KARTILYA NG KATIPUNAN

2. LIWANAG AT DILIM- kalipunan ng kanyang mga sanaysay na may iba't ibang paksa, tulad ng
kalayaan, paggawa, paniniwala, pamahalaan, at pag-ibig sa bayan.

Buhat sa liwanag at dilim:

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata,


upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagningning; ngunit sumusugat sa
kamay ng nagaganyak ng dumampot.
Ang ningning ay madaya.

JOSE PALAM Y ELASQUEZ

Ang kanyang mga tula ay tinipon sa isang akalat na pinamagatang "MELANCOLICAS"

Siya ang may titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

PAHAYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN:

1. HERLADO DE LA REVOLUCION- naglalahathala ng mga dekreto ng pamahalaang


mapanghimagsik, mga balita, a at mga akda sa Tagalog na pawing gumigising sa damdaming
makabayan.

2. LA INDEPENDENCIA-pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng


Pilipinas.

3. LA REPUBLIKA FILIPINA- itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.

4. LA LIBERTAD- pinamatnungutan ni Clemente Zulueta.

Anda mungkin juga menyukai