Anda di halaman 1dari 6

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATO

Ikapitong Baitang
Unang Markahan
Ikatlong Linggo

Modyul II: Mga Talento at Kakayahan

I. Layunin
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa talento at
kakayahan.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa
pagpapaunlad sa kanyang talento at kakayahan.

Mga kasanayang Pampagkatuto.


Natutukoy ang kanyang ng talento ay kakayahan.
Code: EsP 7 PS-1C-2.1

II. Nilalaman:
Paksa: Mga Talento at Kakayahan

Kagamitang Panturo:

A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum, EsP-7 Mayo 2016 p. 93


Modyul para sa Magaaral p. 21-51
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Larawan ni Risa Hontiveros Baraquel
Sipi ng talaan ng mga nagawa ni Risa Hontiveros Baraquel
C.Integgrsyon: Araling Panlipunan

III. Pamamaraan:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin:


Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakyahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin:
Itanong sa mga mag-aaral:
1. Sino ang iyong iniidolong newscaster sa television?
2. Sino pa ang inyong kilala na sikat na personalidad sa larangan ng:
A) Show biz?
B) Palakasan?
C) Politika?
3. Alam nyo ba na sa ating bayan ng Tangalan ay meron din tayong kilala
na magaling na newscaster at politician?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
KKaaKaalaman
1. Pasimulan ang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong ng guro ng mga
sumusunod:
a . Ano ang katangian ng isang tao na naging dahilan upang siya ay
tumanyag at naparangalan?
b. May alam ba kayong isang tao na kilala dahil sa kanyang talent at
kakayahan?
2. Basahin ng guro sa mga mag-aaral ang mga nagawa ni Risa Hontiveros
Baraquel.
3. Magkakaroon ng maikling talakayan tungkol sa binasa.
a. Ano ang mga talento at kakayahan ni Risa Hontiveros Baraquel?
b. Ano ang kanyang karangalan na nakamit?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Paghinang ng kaalaman, kakayahan at pag-unawa

1. Pasimulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagsagot sa Multiple


Intelligence Survey ( McKenzie 1999.)

Unang Bahagi. Sagutan ang sumusunod na aytem ayon sa kaangkupan


a iyo.
Isulat ang bilang ng kaukulang pagpipilian.
4- Palagi
3- Madalas
2- Paminsan-minsa
1- Bihira
0- Hindi
1. Pinanatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang basahin.
3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
4. Madali akong makasunod sa mga patterns.
5. Nasisiyahan akong mag ayos ng silid.
Sagutang Papel

Pangalan_____________________ Kasarian___________ Edad_______

Bilang Palagi-4 Madalas-3 Paminsan- Bihira-1 Hindi-0


minsan-2

1.
2.
3.
4.
5.

Ikalawang Bahagi. Ilapat mo ang iyong sagot sa angkop na kahon at kunin


ang kabuoang bilang ng iyong sagot sa bawat hanay at isulat espasyo sa
dulo.

Logical/ Mathematical
Linguistic
Spatial
Musical
Bodily Kinesthetic
Intrapersonal
Interpersonal
Naturalist
Existentialist

Ikatlong Bahagi.
Isulat mo ngayon ang kabuuang bilang na nakuha mo sa bawat kategorya
sa bargaph.

50
40
30
20
10
0
L L S M B I I N E
I P U O N N A X
O
N A S D T T T I
G G T I E U S
I R
I U I C L R A R T
C I A A Y P P A E
A S L L E E L N
T R R I T
L
I S S S I
C O O T A
N N L
A A I
L L S
T
Talakayin ang ka buoang resulta ng iyong mga sagot sa Multiple Intelligence Survey.
Itanong ang mga sumusunod:

1.Batay sa resulta, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili?


2.Naayon kaba sa iyong inaasahan ng iyong mga natuklasang kakayahan?
3.Nasisiyahan ka ba sa iyong natuklasan?
4.Bakit mahalaga ang kaalaman sa taglay mong talento at kakayahan?

E. Paglinang sa Kabihasaan:

Pagpapalalim

Pagpapakita ng mga larawan ng iba’t –ibang talento at kakyahan ng tao.

Itanong:

1. May talento ba ang bawat tao?


2. Magkasingkahulugan ba ang talento at kakayahan?
3. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit dapat paunlarin ang ating talento at kakayahan?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-arawn na buhay

Pagsasabuhay
Pangkatang Gawain:

Panuto:

Magpangkat ang may magkaparehong talento at kakayahan at ipakita sa klase.

Isahang gawain:

Gumawa ng Tsart ng Pagpaunlad ng mga Talento at kakayahan gamit ang iyong mga
natuklasansa iyong sarili.

Mga Mga Panahon Mga Mga Mga


talento at layuni g ilalaan pamaraa taong kakailanganin
kakayaha n n tutulon g kgamitan
n na g
kailangan
paunlarin

G. Paglalahat ng Aralin:
Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga
sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung paunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo
sa pagkakaron ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga
tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan.
Itanong:
1. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking
talento at kakayahan?
2. Paano ipinakita ni Risa Honteviros Baraquel ang kanyang talento?

H. Pagtataya ng Aralin: Ibigay ang tamang sagot:

________1. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.

________2. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.


________3. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa
pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin.

________4. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng


pag-uulit, ritmo, o musika.

________5. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin,


halaga, at pananaw.

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin.

Magtala ng pangalan ng mga tao sa inyong lugar na kilala at naging


matagumpay sa kanilang buhay.

Isinulat ni:

EDNA A. SILVERIO

Teacher III
Tangalan National High School

Pinansin at iniwasto ni:

MA. CORAZON R. PANALIGAN


Pansangay na Superbisor sa ESP

Anda mungkin juga menyukai