Anda di halaman 1dari 5

Department of Education

Region III
DIVISION OF MABALACAT CITY
MARCOS VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL
Mabalacat City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 4


Table of Specification

NUMBER
WEIGHT
OBJECTIVES OF ITEM

ITEMS PLACEMENT
1. Natatalakay ang konsepto ng bansa 3 1-3 7. 5 %
2. Nakapagbubuo ng kahulugan ng bansa 3 4-6 7.5 %
3. Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa 3 7-9 7.5 %
4. Natutukoy ang relatibomg lokasyon (relative
location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito 3 10-12 7.5 %
gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon
5. Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa
3 13-15 7.5 %
rehiyong Asya at mundo
6. Nakapagsasagawa ng interpretasyon tungkol sa
kinalalagyan ng bansa gamit ang mga batayang 3 16-18 7.5 %
heograpiya tulad ng iskala, distansya at direksyon
7. Natatalunton ang mga hangganan at lawak ng
3 19-21 7.5 %
teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa
8. Naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng
4 22-25 10 %
bansa sa mundo
9. Naipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang
3 26-28 7.5 %
bansang maritime o insular
10. Nailalarawan ang bansa ayon sa mga
katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal 5 29-33 12.5 %
nito
11. Nailalarawan ang kalagayan ng Pilipinas na nasa
3 34-36 7.5 %
"Pacific Ring of Fire" at ang implikasyon nito
12. Nakagagawa ng mga mungkahi upang
mabawasan ang masamang epekto dulot ng 2 37-38 5%
kalamidad
13. Nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa
kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad 2 39-40 5%
ng bansa
TOTAL 40 100%
Department of Education
Region III
DIVISION OF MABALACAT CITY
MARCOS VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL
Mabalacat City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 4

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.

1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika,
pamana, relihiyon, at lahi?
A. teritoryo B. bansa C. pamahalaan D. lalawigan

2. Ano ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at


kalawakan sa itaas nito?
A. teritoryo B. bansa C. lalawigan D. mundo

3. Ano ang samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na


naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan?
A. bansa B. pamahalaan C. departamento D. organisasyon

4. Alin ang tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman
ng ibang bansa?
A. soberanya? B. tao C. pamahalaan D. bansa

5. Sino ang mga grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon
ng bansa?
A. pamahalaan B. tao C. soberanya D. bansa

6. Anu-ano ang mga salik ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
A. may tao C. may tao, teritoryo at pamahalaan
B. may tao at teritoryo D. may tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya

7. Alin sa mga sumusunod na ang nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na
isang bansa?
A. May mga mamamayang naninirahan sa bansa
B. Pinamamahalaan ng iba pang bansa
C. May iba’t ibang wika, pamana, at lahi
D. May magkakaibang pananampalataya

9. Kompletuhin ang tula.


Pilipinas, isang bansa
Tao’y tunay na Malaya
Mayroong namamahala
May sariling teritoyo
Para talaga sa ______
A. pangulo B. senado
C. kongreso D. tao

10. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?


A. Timog-Kanluran C. Gitnang-Silangan
B. Timog-Silangan D. Pinakatimog ng Mundo
Gamit ang mapa sagutin ang mga katanungan sa
bilang 11-15.

11. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nasa


Hilagang bahagi ng Pilipinas?
A. Taiwan C. Malaysia
B. Borneo D. Indonesia

12. Saang direksiyon ng Pilipinas matatagpuan ang Pacific Ocean?


A. Hilaga B. Timog C. Silangan D. Kanluran

13. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Borneo?


A. Hilagang-Kanluran C. Hilagang-Silangan
B. Timog-Kanluran D. Timog-Silangan

14. Anong anyong tubig ang makikita sa Hilagang-Kanluran ng Pilipinas?


A. Java Sea B. Indian Ocean C. Pacific Ocean D. South China Sea

15. Nasa Hilagang-Kanluran ng Pilipinas ang mga isla ng Paracel. Ano ang isinasaad ng
pangungusap?
A. Tama B. Mali C. Hindi kapanipaniwala D Minsan totoo

16. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?


A. 4° – 20⁰ H latitude at 116⁰-127⁰ S longhitud
B. 4⁰-21⁰ H latitude at 116⁰-126⁰ S longhitud
C. 4⁰-20⁰ H latitude at 116⁰-127⁰ S longhitud
D. 4⁰-21 H latitude at 116⁰-127⁰ S longhitud

17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop na paglalarawan sa Pilipinas?


A. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng lupa.
B. Ang Pilipinas ay ang may pinakamataas na populasyon.
C. Sa Pilipinas matatagpuan ang lahat ng uri ng hayop.
D. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng tubig

18. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 50 kilometro, ang 3 sentimetro ay
magiging katumbas ng ________
A. 200 km B. 150 km C. 100 km D. 300 km

19. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 100 kilometro, ang 1000 kilometro ay
katumbas ng________
A. 20 sm B. 5 sm C. 10 sm D. 1 sm

Gamit ang mapa sagutin ang mga katanungan sa bilang 20-21.

20. Mula Pilipinas paano mo mailalarawan ang distansya ng Estados Unidos?


A. malapit sa Pilipinas C. katabi ng Pilipinas
B. napakalayo sa Pilipinas D. napakalapit sa Pilipinas

21. Kung ihahambing mo sa kapuluan ng Indonesia, ano ang masasabi mo sa lawak ng


teritoryo ng Pilipinas?
A. kasinlaki B. mas maliit C. mas malaki D. malaking-malaki

22. Ilarawan ang Pilipinas.


1) Malapit ito sa ekwador.
2) Nasa mabababg latitude ito.
3) Nasa pagitan ito ng ekwador at Tropiko ng Kanser.
4) Pahilis ang natatanggap na sikat ng araw nito.
A. 1,2,3 B. 2,3,4 C. 1 at 2 D. 3 at 4

23. Malamig ang klima sa Baguio kaya maraming ________


A. mansanas B. ubas C. strawberries D. lansones
24. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperature?
A. Lungsod ng Tuguegarao C. Lungsod ng Baguio
B. Lungsod ng Tagaytay D. Metro Manila

25. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperature ng isang lugar?
A. Kainaman ang temperature sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan.
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitude ng mga lugar sa temperature.

26. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa?


A. napapaligiran ng mga dagat at karagatan
B. napapaligiran ng mga bansa sa Asya
C. kakikitaan ng maraming baybayin
D. mayaman sa yamang-dagat

27. Alin ang hindi kapakinabangan ng pagiging isang bansang insular?


A. Ang kainaman ng mga daungan sa bansa na nagsisilbing daanan ng mga sasakyang
Pandagat.
B. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin
nito.
C. Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal mula sa ibang bansa.
D. Madaling masasakop ng ibang bansa ang ating bansa

28. Saang direksiyon sa Pilipinas naroroon ang kinaroroonan ng Dagat Kanlurang Pilipinas?
A. timog at kanluran C. timog at silangan
B. hilaga at kanluran D. hilaga at silangan

29. Ang kapatagan ay malawak na lupain na patag at mababa. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamataas na anyong lupa?
A. bundok B. burol C. talampas D. lambak

30. Ang mga sumusunod ay katangian ng Karagatan maliban sa isa. Alin ito?
A. pinakamalalim B. pinakamalawak C. pinakamahaba D. pinakamalaki

31. Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog na bukal sa Laguna. Saan naman matatagpuan
ang mainit sa singaw na nangagaling sa hotspring at maaaring pagkunan ng lakas geothermal
na makatutustos ng elektrisidad sa Bicol?
A. Masbate B. Albay C. Catanduanes D. Sorsogon

32. Paano ka makatutulong sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman sa iyong


pamayanan?
A. Hindi ko papansinin ang batang nagtapon ng basura sa tabing-dagat.
B. Babalewalaen ko ang anumang napag-aralan naming tungkol sa kalikasan.
C. Ilalagay ko ang aking basura sa aking bag.
D. Aalagaan ko at pagyayamanin ang halaman sa aming bakuran

33. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?


A. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon ditto upang makapag-aral at kumita
B. Dahil maraming naggagandahang gusali rito
C. Dahil nasa sentro ito ng bansa
D. Dahil makabago ito

34. Ano ang tawag sa isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong
bulkan at kung saan nagaganap ang madalas namga paglindol?
A. Pacific Ring of Fire B. PHIVOLCS C. DRRMC D. Circum Pacific

35. Kung ikaw ay nasa loob ng paaralan o gusali at biglang lumindol, alin sa mga sumusunod
ang dapat mong gawin?
A. lumayo sa mga puno C. Duck, cover & hold
B. umalis sa mga lugar na mataas D. Lumayo sa poste
36. Alin sa mga sumusunod na babala ng bagyo ang nagtataglay ng katangiang dapat mong
gawin kapag Signal No. 2?
A. Tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng inyong tahanan sakaling lumakas ang bagyo
B. Manatili sa loob ng bahay
C. Lumayo sa tabing-dagat at mga lugar na malapit sa ilog
D. Lahat ng mga outdoor na Gawain at mga paglalakbay ay dapat kaselahin

37. Anong uri ng mapa ang nagpapakita ng mga lugar na mapanganib sa baha, bagyo, at
storm surge?
A. climate map B. physical map C. demographic map D. hazard map

38. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa mga paparating na bagyo at iba
pang kondisyon o kalagayan ng panahon?
A. PAGASA B. PHIVOLCS C. DRRMC D. DSWD

39. Ayon sa datos ng Kagawaran ng Turismo, tumaas ng 15% ang kinita ng bansa sa taong
2013 kung ihahambing sa taong 2012. Ilang turista ang nahikayat dumayo sa Pilipinas noong
2013?
A. 1,609,651 B. 2,061,135 C. 2,011,520 D. 1,819,781

40. Anong magandang tanawin ang nasa larawan na matatagpuan sa Palawan?

A. Underground River B. Bangui Windmills


C. Mayon Volcano D. Banaue Rice Terraces

Anda mungkin juga menyukai