Anda di halaman 1dari 4

Ang mga PANGATNIG ay ginagamit sa pag-

uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay.


Sa pamamagitan nito,napagsusunod-sunod
natin nang tama ang mga pangyayari sa isang
kuwento ayon sa tamang gamit nito.
PANGATNIG ang tawag sa mga salitang nag-
uugnay sa dalawang salita,parirala, o sugnay at
TRANSITIONAL DEVICES naman ang tawag sa
mga kataga na nag-uugnay sa pagkasusunod-
sunod ng mga pangyayari,(naratibo) at
paglilista ng mga ideya,pangyayari at iba pa sa
paglalahad.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig
at Transitional Devices.
1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
gawain
 Sumunod, pagkatapos, una, saka, at
saka, pati.
Halimbawa
Unang dumating ang mga
binate,sumunod ang mga dalaga,pagkatapos
ang mga bata
2. Pagbabagong lahat-sa ibang salita,sa
madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang
sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako.

Halimbawa
Si Gng Masambong ay isang babaing
mapagkawangga sa mahihirap at lagging
handing tumulong sa nangangailanagan . Sa
madaling salita,bukas-palad siya sa
mahihirap.
3. Pagtitiyak-tulad ni, tulad ng, katulad,
gaya, sumusunod, kahalintulad
Halimbawa
Maraming magagandang lugar na
maaaring puntahan ng mga turista, tulad ng
Boracay,Baguio, tagaytay at iba pa.
4. Paglalahat-bilang pagtatapos, bilang
pagwawakas,sa wakas, sa di kawasa,anupa’t
Halimbawa
Bilang Pagtatapos,hinahamon ko
kayong kabataan na tumulong sa paglilinis
at pagpapaganda ng pamayanan.
5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng
nagsasalita o sumusulat-sa aking
palagay/opinion bagaman,subalit.
Halimbawa
Sa aking palagay,makapapasa ako sa
pagsusulit sapagkat nag-aral akong mabuti
kagabi
6. Pagsalungat-
ngunit,datapwat,subalit,samantala at iba
pa.
Halimbawa
Umuunlad nga ang agham at teknolohiya
ngunit nawawala naman ang magagandang
kulturang minana natin sa ating ninuno.
7. Pananhi-kaya,dahil sa,sapagkat
Halimbawa
Dahil sa sobrang traffic hindi ako
nakadalo sa miting naming.
Kaya hindi natututo ang tao dulot ng
kaniyang kapalaluan.

Mga Pangatnig
1. Subalit-ginagamit lamang kung ang
dapat at ngunit ay ginamit na sa unahan
ng pangungusap.
2. Samanatala,saka-ginagamit na
pantuwang
Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
Abala ang lahat,samantalang ikaw ay
walang ginagawa.
3. Sa wakas,sa lahat ng ito.-panapos
Sa wakas,natuwa ang ama dahil sa
kabaitan ng anak.
Sa lahat ng ito,napagtanto ng mga anak
na sila’y mahal na mahal ng kanilang
ama.
4. Kung gayon-panlinaw
Malinaw ang paalala ng ina sa
kaniya,kung gayon kailangan niyang
pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

Anda mungkin juga menyukai