Anda di halaman 1dari 4

3K: Kahulugan, Kalikasan at Katangian

Bilang Anyo ng Akademikong Sulatin

Kahulugan ng Akademikong Sulatin


Masasabing akademikong ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isnag tiyak na
disiplina o larangan na maaaring interdisiplinari o multidisiplinari mula sa disiplinang
siyentipiko, pilosopikal, agham, humanistiko, at iba pa.

Narito ang mga akademikong disiplina kung saan maaaring umikot


ang paksa at paraan ng akademikong sulatin.

A. Humanidades
HUMANIDADES

Wika Literatura Pilosopiya Mga Pinong


at Teolohiya Sining

Arkitektura Teatro Sining Sayaw at


Musika

Pahina 1 ng 4
B. Agham Panlipunan

Agham Panlipunan

Kasaysayan Sikolohiya Ekonomiks Antropolohiya Heograpiya Abogasya

Sosyolohiya Administrasyong Arkeolohiya Agham


Pangangalakal Politikal

C. Agham Pisikal

Agham Pisikal

Eksaktong Agham Agham Biyolohikal

Matematika Kemestri Inhenyeriya Biyolohiya Botanika Soolohiya

Medisina Agrikultura
Pisika Astonomiya

Pagsasaka Pangingisda Pagmimina

Paghahayupan Paggugubat

Pahina 2 ng 4
Bawat larangan na pinagmulan ng akademikong sulatin ay mayroong tiyak na
terminolohiya o register na wika. Bagama’t may iba’t-ibang hati o debisyon ang bawat
larangan, nasa kakayahan ng isang manunulat ng akademikong sulatin na ipahayag ang
wika ng bawat disiplina o larangan upang maunawaan ito.

Kalikasan ng Akademikong Sulatin

Likas o taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu’t saring kaalaman.


Marapat na ang makilalang kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga.

Mga Hulwaran sa Akademikong Pagsulat

1. Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang


pormal na depinisyon ng salitang “kalayaan,” mga salitang kasingkahulugan nito,
at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito

2. Enumerasyon – itinatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa


paksang tinatalakay. Ginagamit ang mga signal na bilang panimula, una, ikalawa,
susunod, pagkatapos, bilang pagwawakas, gayundin, sa katunayan, halimbawa, at
iba pa.

3. Pagsusunod-sunod ayon sa Panahon – pagsasaayos ng mga pangyayari o


proseso batay sa wastong sequence. Halimbawa, kronolohiya ng mga pangyayari
sa Pilipinas mula 1896 hanggang 1898, o ang proseso ng pagluluto ng adobo.

4. Paghahambing at Pagtatambis – paglalahad ng pakakatulad at pagkakaiba ng


mga tao (PNoy, PDigong), lugar (Gabu at La Paz), pangyayari (Pasko, Bagong
Taon), konsepto (pagmamahal, pagseselos), at iba pa.

5. Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang


kaugnay na epekto nito. Halimbawa, dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon
ng basura ay lagging bumabaha sa kalakhang Maynila.

6. Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga


posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa, edukasyon ang sagot sa kahirapan.

7. Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa


o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari. Halimbawa, mga kalakasan at
kahinaan ng mga programang K-12 sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Pahina 3 ng 4
8. Pagbuo ng Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyom – paglalagom o
pagbubuod ng impormasyon sa mas makabuluhang kaparaanan at pagbibigay
tibay sa mga ideyang inilahad kaalinsabay ng pagbibigay payo o
pagrerekomenda sa mga bagay na makakatulong upang mapagtagumpayan ang
isang gawain.

Katangian ng Akademikong Sulatin


Hindi na maaaring alisin ang pagiging sining at agham ng akademikong sulatin. Taglay
na katangian ng isang akademikong sulatin ang pagiging malikhain ng isang manunulat
sa pagsasalansan ng mga konsepto na umiikot sa paksa.

Ano-ano ang katangian ng akademikong sulatin?

 Makatao, sapagkat naglalaman ang akademikong sulatin ng mga makabuluhang


impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan ng mamamayan.
 Makabayan, sapagkata ang kapanginabanagang hatid ng akademikong sulatin
ay magtutulay sa kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi
ng pamayanan at bansa.
 Demokratiko, sapagkat ang akademikong sulatin ay walang kinikilingan o
kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng katotohanan.

Halimbawa ng akademikong teksto:

Abstrak Talumpati
Bionote Sintesis
Panukalang Proyekto Repleksibong Sanaysay
Posisyong Papel Katitikan ng Pulong
Photo Essay Lakbay-Sanaysay

Pahina 4 ng 4

Anda mungkin juga menyukai