Anda di halaman 1dari 10

Mga gumaganang pamamalakad ng mga Pribadong Ahensiyang

Pang-kaligtasan sa Lungsod ng Baguio

(OPERATIONAL PROCEDURES OF PRIVATE SECURITY AGENCIES

IN BAGUIO CITY)

KABANATA 1

Ang Suliranin

Karamihan ng mga tao kapag naririnig ang mga

salitang Pribadong Ahensiyang Pang kaligtasan ay

pumapasok agad sa kanilang isipan ay ang mga Sekyu na

nakakatandang mga mamamayan o ang mga senior citizens na

nag papatrolya sa mga extablishimento sa gabi. Ang mga

Pribadong Sekyu ay nag bibigay nang Seguridad sa ating

mga Negosyo at mga pribadong establishimento, hindi

katulad ng mga Pampublikong ahensyiyang pang Seguridad

katulad ng mga Militar o Pulis. Maraming mga epektibo at

productibong mga propesyonal ang nag tratrabaho sa

larangang ito. Sa katunayan, ang Propesyonal na

Organisasyon na ASIS International ay nag bibigay nang

mga Programang katibayan para sa mga kawani ng mga

Pribadong ahensiyang pang kaligtasan.

Kapag nag gumamit ka ng isang Pribadong Ahensiyang

pangkaligtasan para bantayan ang iyong negosyo, sabihin

mo sa ahensiya na gusto mo nang isang sekyu para

protektahan ang iyong establishimento laban sa


pagnanakaw, bandalismo, apoy at iba pang illegal na

aktibidad. Mayroon kang hirang upang magtanggap ng mga

sekyung armado nang baril o hindi. Sa usapang

pangkalahatan, ang mga armadong Sekyu ay mas nararapat

na kunin sa mga negosyong hindi bukas sa publiko gaya

nang mga bangko. Ang mga hindi armadong sekyu ay pwedeng

tumawag nang tuong sa mga ahensiya nang gobyerno gaya

nang BFP (Bureau of Fire Protection), PNP (Philippine

National Police) at iba pa sa mga panahon nang kalamidad

o kagipitan. Sa pag sisimula nang isang negosyo maganda

ang pagpapatayo nang isang Pribadong Ahensiyang

Pangkaligtasan, lalo na sa mga retirado sa pagpapatupad

nang batas dahil mayruon na silang mga kaalaman at mga

nararapat na kahusayan para magtagumpay ang negosyong

ito. Kahit ang mga Sekyu ay walang kapangyarihan o legal

na autoridad katulad nang mga pulis, responsible naman

sila sa kaligtasan nang kanilang kliyente at ang mga

ariarian nang kanilang kliyente. Ang mga Sekyu ay

nakakatulong din sa mga pampublikong ahensiyang pang

seguridad sa pag bibigay proteksyon sa mga bagay na hindi

saklaw nang mga pulis. Maraming mga bagay na dapat

intindihin sap ag sisimula ng negosyong pang kaligtasan,

ang mga negosyo ay legal na inaatasang bumili nang

insyurans upang tumalima sa Batas pang-Bansa,

protektahan ang kanilang mga empleyado at mga kliyente


at protektahan ang kanilang sarili sa pagnanakaw. Ito ay

katotohanan sa mga negosyong may kinalaman sa may mga

matataas na presyong bilihin. Sila ay kinakailangang

kumuha nang Sekyu para magbantay ng bente-quatro (24)

oras. Halimbawa nang mga kumpanyang ito ay ang mga nag

bebenta ng mga sasakyan, alahas, at mga matataas na

apartment. Mahalaga ang pag-kakaruon nang mga Karaniwang

Gumaganang Pamamaraan (SOP- Standard Operating

Procedures) sa iba’t ibang lugar bago kumuha nang mga

Kliyente. Ito ay nagpapakita sa iyong mga Kliyente na

ang iyong Pribadong Ahensiya at ang iyong mga Empleyado

ay handa sa anumang mga sakuna o kaganapan na pwedeng

mangyari. Sa pag tatatag nang magandang reputasyon sa

pamamagitan ng isang talipuspos at mabutingting na

Karaniwang Gumaganang Pamamaraan ikaw ay magkakaruon ng

maraming kliyente. Gayundin sa pagkukuya ng mga kliyenta

sa Gobyerno, nangangailangan rin na mayruon kang

Karaniwang Gumaganang Pamamaraan. Halimbawa, kapag ikaw

ay nag hahanap nang trabahong pang Seguridad, ang

tagapamahala ng seguridad ay manga-ngailangang suriin

ang iyong SOP upang makatiyak na angkop ito sa kanilang

pangangailangan. Siguraduhin na idagdag lahat ng iyong

mga naiisip patungkol sa kung paano mo gusting

patakbuhin ang iyong kumpanya. Ang mga ibang bagay na

dapat pagtuunan nang pansin ay ang tamang pag gamit nang


iyong mga tauhan, kodigo pang moralidad, mga patakaran,

pag-gawa nang Ulat at ang tamang pag kokolekta ng mga

ebidesiya.

Nagsimula ang Seguridad nuon pa mang unang panahon

nuong ang tao ay kailangang protektahan ang kanyang

sarili laban sa mga mababangis na hayop at masungit na

Kaligiran. Nuong una, ang pangangailangang pang

seguridad ay simple lamang ngunit nuong lumago ang

kabihasnan pati na din ang panga-ngailangan ng mga tao

sa seguridad. Ayon sa kasaysayan ang pinaka unang

nakolektang datos patungkol sa Seguridad ay nuong

panahon nang pyudal na Sistema, nag organisa ang mga tao

upang makabuo nang pangkat Militar upang ma protektahan

ang kanilang mga ariarian. Nang naging pabagobago ang

buhay ng mga tao, umunlad ang teknolohiya, kalakalan,

transportasyon at comyunikasyon ay napalawig, pumaligid

ang salitang Seguridad. pangangailangan ang nag udyok sa

pagpapagawa nang mga mas malalaki at mas matibay na mga

istraktura. Maraming klase ng mga gamit pang seguridad

gaya nang mga armas pang dipensa, kandado at iba pang

gamit sa pagpapantili nang seguridad ng mga ariarian ang

naimbento ag naglitawan.

Seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan at ng

kanilang mga ariarian ay naging isang pangangailangan sa

mga iba’t ibang Gobyerno/bansa sa mundo kasunod ng


mabilis na paglago at pag unlad ng agham at teknolohiya.

Ngunit, ilang mga bansa ang naghudyat ng pagbabago at

pagrebisa sa mga batas at patakaran para mapuna ang mga

pagunlad na ito. Ngunit, ang pangunahing responsibilidad

ng isang Gobyerno sa Seguridad ay ang panatilihn na may

kapayapaan at seguridad para sa lahat ng mga mamamayan

at sa kanilang mga ariarian. gaya ng pinupunto sa itaas,

ang mabilis na pagbabago na nag sisimula sa iba’t ibang

aspeto ang gumawa ng isang pangangailangan ng susuporta

sa pagbibigay ng Seguridad sa mga tao ito ag nagbigay

daan sa pag litaw ng mga Pribadong ahensiyang pang

Seguridad.

Ayon sa isang artikulo sa isang ng diaryong

Philippine Daily Inquirer ni Raul J. Palabrica (abril

25, 2016), ang bilang ng mga rehistradong Sekyu sa

Pilipinas ay umabot na ng mahigit 500,000. Ang bilang

lamang ng Militar ng pilipinas ay humigit kumulang

160,000 at 160,000 naman na bilang ng mga Pulis. Upang

maitaguyod ang kapakanan ng mga Sekyu, ang Department of

Labor and Employment (DOLE) kamayaklan lamang ay nag

labas ng Department Order Bilang. 150-16, Series of

2016, na nagsasaad ng mga alituntunin at polisiya sap ag

kuha at sa tamang kundsyon sap ag tatrabaho ng mga Sekyu

sa indutriya ng mga Pribadong Ahensiyang pangkaligtasan.


Ang mga Polisiyang ito ay nagsasaad na ang mga sekyu

at iba pang mga pribadong tauhan na nag sisilbi sa tao

o kumpanya (Principal) ay kinukunsiderang empleyado ng

Private Security Agency o ang PSA.

Kapag may kontrata o kasunduan ang PSA at ang

Principal, ang DOLE Regional Office na may saklaw ay

pwedeng mag utos sa dalawa upang maglabas at magbigay ng

kopya ng kontrata o kasunduan sa DOLE. Ang kasunduan ay

dapat nag lalaman ng mga probisyon tungkol trabaho na

gagampanan, mga tuntunin at mga kailanganin, at

pangunahing mga kagamitan na dapat ipagkaloob sa mga

Sekyu.

Karagdagan, ang Pribadong ahensiya ay Obligado na

direktang mag huhulog kada buwan ng bahagi ng employer

at contribusyon ng empleyado sa Social Security System

o ang SSS, Employees Compensaton Commission, Philippine

Health Insurance Corp., at Home Development Mutual Fund.

Ang obligasyong ito ay importante sapagkat sa mga huling

talaan maraming mga Pribadong Ahensiya ang nagging

pabaya sa usaping ito dahil wlang nakukuha ang mga Sekyu

kapag may nangyari sakanila o kapag sila ay nag retiro

o nabaldado.

Ang kritikal na kanakailangann sa kasunduan ay ang

“automatic crediting provision”, sinasaad na kung ang


DOLE ay mag papanukala ng pagtaas ng sahod at iba pang

benepisyo, ang principal o ang employer ay dapat sumunod

sa Pagtaas at ang mga pinagkasunduan ay ituturing na na

rebisa.

Batayang Teoretikal

Ayon kay davies J. Et al (2002), ipinaliwanag niya

na ang teoryang Human Motivation ni Abraham Maslow na

nag lalaman ng mga kinakailangan upang makuntento ang

isang tao kapag ito ay mag tatrabaho upang maging masaya

at komportable sa trabaho. Sa huling parte nito nabangit

ang Sikolohiyang pangangailangan o ang tinatawag na

“Drives” na dapat masiyahan, ang una naman ay ang pag

preserba ng sarili at pag iwas sa sakuna nan aka lagay

sa pangangailangang pang kaligtasan.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga Pribadong

Ahensiyang Pangkaligtasan para sa taong 2016-2017.

Ayon sa mga impormasyong nakalap mayroong dalawampu

(20) na Ahensiyang Pangkaligtasan sa Lungsod ng Baguio,

ito ay: 1. King Mike security agency, 2. New JP Blues

Security Agency, 3. New power Man Security Agency, 4.

Northern alliance security agencies. 5. Baguio

investigation security agency inc. 6. Casaldo

Lyndon Bacmor Security Agency 7.carlos maximum agency,


8. Philippine private detective security agency 9.

Sidekick security agency 10. Online security services

incorporated. 11. Baguio's Finest Security Agency 12.

Amicus Security Agency (ASA) 13. Star Force Security And

Allied Services Incorporated 14. Recon Security Agency

15. Sincala Investigation Security Agency 16. Atlantic

security and investigation agency. 17 Abra superior

security and allied services 18. Quality guards services

investigation agency 19. Interlink electronic security

solutions incorporated 20. Steelshield Security Agency.

Konseptwal na balangkas ng Pag-aaral

Ang pang kalahatang konsepto ng pag-aaral na ito ay

naibase sa konsepto ng pagsusuri sa mga Gumaganang

kasanayan ng mga Pribadong Ahensiya ng Kaligtasan sa

Lungsod ng Baguio. Ang mga Pribadong Ahensiyang ito

nabuo sa ilalim ng Batas Republika No. 5497 (Sec. 17, RA

NO 5487) mas kilala sa tawag na “Private Security Agency

Law”. Ito ay binubuo ng mga opisyal at mga di-

unipormadong miyembro ng Pribadong Ahensia Pang-

kaligtasan. Pinagkakalooban ito ng kapangyarihan at

tungkulin upang protektahan at panatilihin ang

kaligtasan ng kanilang kliyente sa kanilang destino o

lugar.
Karangdagang saklaw nito ang orihinal na

pagpapahayag ng mga alituntunin at palatuntunan upang

gawing propesyonal ang industriya ng pagbibigay

Seguridad. katulad nito, ang mga programang pagsasanay

para sa mga Sekyu ay iniukol at pinaglalayon ang

pagpapaunlad ng mga kasanayan at kaalaman upang

maiangkop sa mga kasalukuyan at mga hinaharap na mga

aplikante. Gayunman ngayon idinagdag ang mga

ispesyalisasyong kurso sa larangan ng imbestigasyon at

pangangalap ng kaalaman, makabagong pagsasanay sa

Armored car Crew, Bomb Disposal training, Bank Security

Training at Basic Aviation Security. Ang layunin o

misyon ng mga Ahensya mabigyan ng seguridad ang kanilang

mga kliyente sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kanilang

mga hakbang.

Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pag aaral na ito ay upang matukoy

ang lawak ng kakayahan ng mga Pribadong Ahensiyang

Pangseguridad sa Siyudad ng Baguio.

Hangad ng pag aaral na ito na sagutan ang mga

sumusunod na katanungan:
1. Ano ang lawak ng kakayahan ng mga pribadong

Ahensiya ng Kaligtasan sa Lungsod ng Baguio?

1.a. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa lawak

ng kakayahan ng mga layunin ng mga Pribadong

Ahensiyang Pang seguridad sa Lungsod ng Baguio sa mga

sumusunod na Baryabol: Ahensiya, Edukasyon at haba ng

paglilingkod?

2. Ano ang lawak ng kakayahan sa pamamaraan ng mga

nakasanayan sa mga kwalipikasyon sap ag tanggap,

kwalipikasyon sa pagsasanay at pag tatalaga ng mge Sekyu

sa lungsod ng Baguio?

2.a. mayroon bang mga makabuluhang pag kakaiba sa

lawak ng kakayahan sa mga nakasanayan ng mga Pribadong

Ahensiyang pang Kaligtasan sa lungsod ng Baguio?

3. Gaano ka lubha ang mga problemang kinakaharap ng

mga Sekyu sa lungsod ng Baguio?

3.a. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa

kalubhaan ng mga problema na nakakaharap ng mga Sekyu?

Anda mungkin juga menyukai