Anda di halaman 1dari 1

Ang pangalan ko ay si Elyza Joy P.

Rallos, isang simpleng babae na


ipinanganak noong Disyembre 10, 2002 na nasa ikasampung baiting
nag-aaral sa mataas ng paaralan ng Himamaylan. Nakatira ako sa Purok
Orchids sa lungsod ng Himamaylan. Mayroon akong isang nakababatang
kapatid na babae. Panganay ako sa aming magkakapatid at nangangarap
na makapagtapos ng pagaaral at matulungang maiahon ang aking pamilya
sa kahirapan.

Bata pa lamang ako gusto ko ng magtrabaho upang makatulong sa


aking mga magulang. Gaya na lamang sa pagtulong sa pagtitinda sa
tindahan ng aking Tita. Sa aking pagtulong, binibigyan ako ni Tita ng
pera kapalit ng aking pagtulong sa kanya. Sa aking paglaki, parati akong
nakakaramdam ng inggit sa iba kong mga kaklase na mayroong
maranyang buhay. Madalas din akong inaasar dahil sa kakulungan ng
aking kagamitang pang eskwela ngunit hindi ito nagiging dahilan upang
ako’y panghinaan ng loob o tumigil ng pagaaral bagkus nagiging isang
inspirasyon pa ito sa akin upang patuloy na pagbutihin ang aking
ginagawa at sa huli ito ay magdudulot ng katagumpayan sa buhay namin
magpamilya.

Anda mungkin juga menyukai