“SAPATOS”
Sa isang lungsod sa Panabo may mag-amang mapayapang numuhay sina ay sila Mang
Elmer at Precious. Silang dalawa na lang dahil sumakabilang buhay na ang ina ni Precious noong
bata pa siya dahil sa isang aksidente na naging dahilan din ng pagkaputol ng isang kamay ng
kanyang ama. Dahil din sa pagkaputol ng kamay ng kanyang ama ay nahirapan ng makahanap ng
trabaho ang kanyang ama. Kaya sapat lang kinikita ng kanyang ama para sa pang-araw-araw na
gastusin.
Naka lipas ang Isang linggo, ngayon ay sabado at dalawang araw na lang ay kaarawan na
ni Precious. Habang papauwi ang mag-ama ay nakita ni Precious ang napakagandang sapatos na
pang pasok sa isang tindahan. Agad nya itong itinuro sa ama at sinabing yun ang gusto nyang
matanggap sa kanyang kaarawan. Kinabukasan ay masayang. Bumangon si Precious sa kanyang
kama upang bumababa na, ngarinig nya ang kanyang ama may kausap sa ibaba. " Paumanhin
Mang Elmer ngunit hindi na namin maibibigay ang inyong sahod sapagkat sapat na iyon sa mga
nasira nyo sa aming kumpanya" wika ng isang lalake. "Ngunit para po iyon sa kaarawan ng aking
anak" apila ni Mang Elmer, ngunit mistulang bingi ang lalake at parang walang narinig nagpaalam
pang ito at umalis din kaagad. Agad din namang bumababa si Precious upang alamin ang nangyari
at ipinagtapat naman ni Mang Elmer kay Precious ang lahat. Ngunit imbis na intindihin ang ama
ay nagalit pa ito dito, dahil sa hindi na matutuloy ang munting salo-salo na naipagmalaki na nya
sa kanyang mga kaibigan at di na nya matatanggap ang inaasam na regalo. Agad na umakyat si
Precious para magbihis at dalidaling umalis ng bahay. Gabing gabi na ng umuwi si Precious kaya
napagsabihan sya ni Mang Elmer.
Sa gitna ng kasiyahan nina Precious at ng kanyang mga kaibigan ay biglang may tumawag
sa isa sa mga kaibigan nya at sinabing para kay Precious ang tawag at sa gitna ng pakikipag usap
ni Precious ay biglang na lang tumulo ang kanyang mga luha at agad na umuwi sa kanilang bahay.
Ng makarating na sya sa kanilang bahay ay wala na syang na nabutan doon, kundi ang isang cake,
isang regalo na nakabalot sa makulay na papel at ang niluto ng kanyang ama na handa ni Precious
para sa kanyang kaarawan. Kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ay ang pagtunaw ng kandila.
Makalipas ang ilang buwan ay nahuli na ang bumaril sa kanyang ama. Taon taon namang
dinadalaw ni Precious ang puntod ng kanyang ama hangang malatapos ito ng pag-aaral. Suot ang
sapatos na regalo ng ama ay taas noong tinanggap ni Precious ang kanyang diploma at sabay
wikang " lahat ng ito ay para sa iyo akong ama".