Ang salitang Informance ay binubuo ng dalawang salitang information at
performance. Upang magawa ito, kinakailangan mong magsagawa ng
research may kinalaman sa bagay na iyong papaksain at matapos makakuha ng sapat ng impormasyon ay ipapakita mo ito o ipeperform. Ang informance ay ang presentation ng natutunan ng estudyante na nagpopokus sa paraan ng pagaaral at kung paano ang pagkatuto sa paaralan. Halimbawa: skills demonstration, one on one visitation . Sa pamamagitan ng ganitong paraan,mas napapagaan ang pagaaral ng mga estudyante na hindi kailangan magpokus sa kalalabasan kundi sa paraan na paano sya makakapagaral ng mabuti. Bukod dito, kasama ang magulang, komunidad at mga guro sa paglinang ng kaalaman ng mga estudyante.
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.