Anda di halaman 1dari 4

Ang teenage pregnancy ay binigyang kahulugan ng mga diksyunaryo bilang ang hindi ginustong

pagbubuntis ng isang babae sa kanyang pagdadalaga. Parami nang parami ang kaso ng teenage
pregnancy lalo na sa mga bansang mahihirap tulad ng Pilipinas. Sa kasamaang palad, dahil sa kakulangan
ng sapat na kaalaman ukol sa teenage pregnancy, marami parin sa mga kabataan ang naniniwala na
hindi sila mabubuntis kahit na makipagtalik sila ng wala pa sa tamang edad at hindi pa kasal. Ang
teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na 12 hanggang 19 ay isang
malawakang isyu hindi lamang sa pilpinas pati narin sa buong mundo. "Ang hindi marunong maghintay
madalas ay maagang nagiging nanay" kasabihan madalas nating naririnig sa mga nakakatanda. Palagi
nating tatandaan na sa simula lang ang sandaling sarap at kasunod nito ay pang matagalang hirap.

Argumento:
Ang hindi magandang epekto ng Teenage pregnancy Pisikal, Mental, Emosyonal at Sikolohikal na
Suliranin dulot ng teenage pregnancy sa mga kaanak, magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang
katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina malaki ang posibilidad na magkaroon ng
premature birth, at iba pang komplikasyon sa pisikal at mental. Sakit na kaugnay maraming sakit sa
katawan ang pwedeng makuha sa maagang pagbubuntis katulad ng ( chronic, respiratory diseases at
body impairments) Lalo na ang STD o sexually transmitted disease. Pagkasira ng Kinabukasan ang
maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot nangsapilitang pagtigil ng kabataan sa pag-aaral na
maaaring magdulot ng pagkasira ngmagandang kinabukasan. Aborsiyon dahil sa di sinasadya ang
pagbubuntis ay ipapalaglag nalang ang bata. Kung hindi sana minadali ang pagtatalik hindi sa
magkakaroon ng ganitong problema mas malaki ang tyansa na makamit ang mga pangarap at matamo
ang magandang buhay. Para sa akin ang walang itong magandang maidudulot sa atin.

Konklusyon:
Kaya nararapat lamang na matuto tayong kontrolin ang bugso ng ating damdamin kailangan
nating pagisipan ang bawat kilos na ating isasagawa para makaiwas sa mga ganitong problema na
maaring makasira ng ating kinabukasan kaya hanggat maaari wag munang susubukan ang ganito matuto
tayong maghintay. At kung nangyari man na ang ganito wag kailanman balaking ipalaglag ang bata dahil
magkakaroon ka na naman ng kasalanan sa ating Diyos. Kailangan na itong tanggapin dahil andyan na ito
at wala na tayong magagawa para dito ang magagawa nalang natin ay palakihin ng tama ang bata at
tanggapin o mahalin ito ng buong puso. At sana magsilbi itong aral sa atin para hindi na maulit ang
ganito at mas magkakaroon ang lahat ng magandang kinabukasan.
Ang pre-marital sex ay ang pagsasagawa ng sekswal na interkors ng dalawang magkasantihan
bago pa man sila ikasal.
Maraming mga magkapareha ang pinipiling gawin ito upang makita kung sila bang a dalawa ay "sexually
compatible". Hanggang sa pagsapit ng dekada 1950, ang katagang "pagtatalik na premarital" ay
tumutukoy sa ugnayang seksuwal sa pagitan ng dalawang mga tao bago sila ikasal sa isa't isa. Noong
panahong iyon, ang mga lipunang Kanluranin ay umaasa na ang kalalakihan at kababaihan ay
magpapakasal sa pagdating ng gulang 21 o 22; bilang ganyan, walang konsiderasyon na ang isang tao na
nakipagtalik na ay hindi magpapakasal. Ang kataga ay ginamit sa halip na ang salitang pornikasyon, dahil
sa negatibo o masamang konotasyon o pahiwatig ng panghuling salita.
Magmula noon ay nagbago na ang kahulugan nito, na tumutukoy na sa lahat ng mga relasyong
may pagtatalik na nagkaroon ang isang tao bago ang kasal; inalis nito ang pagbibigay ng diin sa kung
kanino naganap o nangyari ang ganitong mga relasyon. Ang kahulugan ay mayroong antas ng kalabuan o
kawalan ng kalinawan. Hindi malinaw kung ang pagtatalik sa pagitan ng mga indibiduwal na legal na
pinagbabawalang magpakasal, o mga relasyong seksuwal ng isang hindi nagnanais na magpakasal ay
maituturing na premarital.
Ang panghaliling mga kataga para sa seks na premarital ay naimungkahi, katulad ng pagtatalik na walang
kasalan (na sumasalabat sa pangangalunya, pagtatalik na mapangkabataan, patatalik ng adolesente, at
pagtatalik ng kabataang adulto. Ang mga katagang ito ay nakakaranas din ng antas ng pagkamalabo,
dahil sa ang kahulugan ng pakikipagtalik ay nagkakaiba-iba mula sa isang tao papunta sa isa pang tao.
Argumento:

Ang pre-marital sex ay may mga hindi magandang epekto sa mga nagsasagawa nito at ito ay.
Para sa mga kabataan na gumagawa ng pre-marital sex, maaari silang magkaroon ng sakit na “aids” na
nakukuha sa pakikipag sex sa mga sa babae/lalake na mayroong sakit na ganito. Maaari ring masira ang
kanilang kinabukasan, lalo na sa mga kababaihan dahil maaari silang magbuntis ng maaga dahil sa
pakikipag sex ng walang sapat na kaalaman. Imbis na nag aaral sila ay nasa bahay na lamang sila dahil
buntis sila at kadalasan ay ikakahiya nila ito kaya’t kadalasan sa mga kababaihang hindi pa handa sa
responsibilidad bilang ina ay ipinalalaglag nila ito, dahil sa tingin nila “Abortion” ang sagot sa problema
ng maagang pagbubuntis. Ngunit hindi nila alam na kasalanan ito sa diyos at maaari ring malagay sa
peligro ang buhay nila sa ginagawa nilang pagpapalaglag ng bata sa kanilang tiyan. Para namn sa iba may
maganda silang makukuha dto at ito ang "satisfaction" o ang pagtamo ng kasiyahan.

Konklusyon:

Kung ako ang tatanongin masasabi kong mali ang pre-marital sex dahil ang pagtatalik ng
dalawang tao na hindi pa pinagbuklod ng kasal ay kasalanan sa mata ng Diyos. Marami itong hindi
magandang maidudulot sa atin at isa na nga dto ang teenage pregnancy, hindi rin sapat o hindi
kailanman magiging sapat na rason ang pagtamo lamang ng satispaksyon para gawin ito. Kaya dapat lagi
nating pinagiisipan lahat bago ito isagawa, kailangan muna natin alamin kung magiging maganda ba ang
bunga ng ating gagawing kilos laging tandaan ang mga katagang "nasa huli lagi ang pagsisisi".
Ang prostistusyon ay ang pag bibigay ng serbisyong sexual sa isang tao kapalit ng bayad. Ang
pang karaniwang pumapasok sa kaisipan ng mga tao kapag na babanggit ang prostitusyon ay babae lang
ang sangkot, ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao ay madaming uri ang prostitusyon, kagaya ng male
prostitute at child prostitute. Prostitusyon isang suliranin ng ating bansa sa ngayon dahil pag mayroon
nito marami ang naghihihrap, kahirapan, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at laganap ang krimen sa
ating bansa, pang aabuso ng mga kababaihan at higit sa lahat bumaba ang kalidad ng edukasyon o hindi
man lang nakaranas ng edukasyon.

Argumento:
Maaring magkaroon ng masamang epekto ang prostitusyon at ito ang karahasang seksuwal at
pangaabusong pisikal, mga suliraning pangkalusugan, mga sikolohikal at mental na
karamdaman(traumatic stress disorder at mood disorder), mas mataas na panganib na mapatay. Ngunit
sa kabila ng mga masamang epektong ito meron pa rin itong magandang epekto para sa mga
nagsasagawa nito at ito ang pagkakaroon nila ng extra income para matustusan ang pangangailangan ng
kanilang pamilya, ito rin mismo ang takbuhan ng iba para masolusyunan ang problema sa pera, at ito rin
nagiging dahilan ng pagsikat ng mga nagsasagawa nito.

Konklusyon:
Para sa akin ang prostitusyon ay mali, ito ay hindi magiging tama kailanman dahil hindi ito
maganda sa paningin ng iba lalong lalo na sa paningin ng ating Diyos. Sinasabi nila na nagagawa nila ito
dahil sa kahirapan at dahil sa mga napakalaking problemang kanilang kinakaharap pero hindi ito ang
tamang solusyon para sa kanilang mga problema gaano man ito kalaki at kailanman hindi ito magiging
tamang solusyon sa problemang kanilang kinakaharap. Ngunit sa kabila ng lahat maaari pa ring
mapatawad ng Diyos ang sinumang nagsasagawa nito basta't tatalikuran ito at simulang magbalik loob
sa kaniya.

Anda mungkin juga menyukai