Anda di halaman 1dari 2

Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya.

Nais
niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido
Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na
ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.

Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang
habulin ang kura at ihagis sa ilog.

Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan
ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani. Sinagasa niya
ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.

Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong
maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila.

Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating
nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak.
Nagpaalam si Placido sa ina.

Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa
nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-
aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata.
Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin
ang mga prayle.

Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun.
Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang magpasa- Hongkong. Nagpatulong siya sa
mag-aalahas.

Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng ilang oras na biyahe ay ipinatigil ang
sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal.
Nainggit si Placido. Kinainisan sina Paulita at Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan.
Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti
pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na
makipagkita ang guro sa tenyente at sa kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang
guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at
isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang
dating guro.

Dalawang oras na nag-usap sina Simoun at Placido sa bahay ng mag-aalahas bago umuwi sa kaserahan si
Placido.

Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun. Sinusurot siya ng budhi dahil bahagi
siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na
tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya.Aniya: Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako,
Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti.

Anda mungkin juga menyukai