Anda di halaman 1dari 3

ARALIN PANLIPUAN SUMMATIVE EXAM

A. Ipaliwanag ang mga sumusunod


1. Ma-alamat na simula ng Rome (5pts.)
Ayon sa alamat ang Rome at tinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa
lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na
angkinin ng kambal ang kanilang trono. Ang kambal ay sinagip at inarugaa ng isang babaing lobo.
Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinitag
ang rome sa pampang ng Tiber River noong 753 BCE
2. Kahalagahan ng Batas (5pts.)
Kahalagahan nito na maipakita ang mga patakaran/batas na naisagawa ng mga romano
noon,sa kanilang bansa.Nang magtagumpay ang mga plebian sa mga partician.
Ang Twelve Tables ay mga batas na naging pundasyon o pinagmulan ng makabaong batas
Romano. Ayon sa mga sinaunang tradisyon, ito ay kolekson ng mga batas na umiral sa mahabang
panahon, at maaring tawaging isang 'code'. Ang mga Tables ay koleksyon ng iba't-bang batas at
pamantayan ngunit hindi nabigyan ng sapat na pansin ang mga isyu tulad ng pamilya, mga ritual at
mga transaksyong pormal. Ang mga batas na nakapaloob dito ay lubos na tiyak at hindi
binibigyangpansin ang mga general na provisions.
3. Ilista lahat ng mga maganda at masamang pagbabagong dulot ng pagpapalawak ng Kapangyarihan
ng Rome sa loob at labas ng Emperyo nito.(5pts)
- Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Roman
1. Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate
ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan.
Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni
sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate.
2. Tratado - Ang tratado ay isang pormal at masistemang nakasulat na diskurso hinggil sa ilang
kaalaman o paksa, na sa pangkalahatan ay mas mahaba at sa paraang mas malalim kaysa sa isang
sanaysay. Mas nakatuon ito sa pag-iimbistiga o paglalantad ng mga prinsipyo ng paksa.
3. Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas
na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang
magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na
kontrata para sa kagamitan ng hukbo.
4. Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy
ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming
magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng
mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digamaan. Tumungo ang mga
magsasaka ng Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala naming malaking industriya ang
Rome na magbibigay ng kanilang trabaho.
5. Ang yaman napumasok sa Rome mula sa napanalunan sa mga digmaan ay napakinabangan
lamang ng mayayaman. Higit na lumawak ang agwat sapgitan ng mayayaman at mahihirap. Binago
ng lumalaking yaman ang ugali ng mga tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman at
marangyang pamumuhay ang tradisyon ng pagsisilbi.
6. Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus, kapwa tribune, ang lumalaking agwat
sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang panganib sa katatagan ng Republic. May mga
nagtangkang magpatupad ng pagbabago katulad ng mga sumusunod
7. Pinuno: Tiberius Taon na panunungkulan 133 B.C.E Pangyayari- Nagpanukala ng ng batas sa
pagsasaka kung saan ang mga lupang nakamit sa digmaan ay ipinamahagi upang magkaroon ng
bukirin ang mahihirap. Nais niyang limitahan ang dami ng lupa na maaring ariin ng mayayaman
upang pigilin ang mga ito sa pagkamkaam ng higit pang maraming lupa. Epekto - Upang hadlangan
si Tiberius at takutin ang iba pang nagnanais ng pagbabago, ipinapatay siya ng isang grupo ng
mamamayan.
8. Pinuno: Gaius Gracchus Taon na panunungkulan 123 B.C.E. Pangyayari - Sinundan ni Gaius
Gracchus ang hakbang patungo sa pagbabago na sinimulan ng kaniyang nakatatandang kapatid,
subalit, ang mga mayayaman ay hindi rin sang-ayon sa kaniyang mga panukala. Epekto - Sinalakay
si Gauis at ang kanayang 3,000 na tagasunod ng isang pangkat ng mga senador kasama ang
inupahang hukbo at alipin. Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod ni Gaius Gracchus. Siya
naman ay nagpatiwakal.
9. Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na tunggalian ng mga patrician sa
Senate at ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga serye ng rebelyon na nauwi sa digmaang
sibil noong 105 B.C.E. Bumalik ang kaayusan sa Rome nang maging diktador si Sulla noong 82
B.C.E.
4. Sinu si Alexander the Great? (2pts.)
- na kilala bilang Alejandro ang Dakila o Dakilang Alejandro
-Anak ni Haring Phillip ng Macedonia
-Matalino, malakas ang loob at Magaling mamuno
-Siya ang nagpauso sa katagang Veni. Vici. Vidi.
- nagwaging digmaan na kinabibilangan ng Labanan sa Issus at Labanan sa Gaugamela
- tanyag na pinuno siya ng pinakamalawak na imperyo sa kasaysayan sa loob ng 13 na taon.
- Itinayo niya ang lungsod ng Alexandria sa may Ilog Nile.
- Sinakop din niya ang lambak ng Indus sa India at ang Persia. Papunta sa Persia, tinawid ni
Alexander the Great ang Aegean Sea kasama ang 300,000 na sundalo at 5,000 na hukbong kabayo.
- Natuwa sa kanya ang kanyang mga sinakop dahil nagawa niyang alisin ang pagpapataw ng buwis
taun-taon.
- winakasan niya ang pag-aaklas sa Macedonia
- Busephalus ang pangalan ng kanyang paboring kabayo
5. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng katagang ‘the glory that was Greece and the grandeur that was
Rome’ (3pts.)
6. The Greco-Roman culture has had a tremendous influence on Western Civilization, an influence
well recognized by those living in the 19th century. The reason why Poe came up with those two
names.
As to the quote itself: "The glory that was Greece" refers to the many important
contributions that the Greeks made to Western philosophy, science and art(among other things).
They were 'the first'. Their achievements were new and original, different from all the nations
living around the Mediterranean sea. "...the grandeur that was Rome" refers to the sheer size and
scale of Rome, and the Roman world in general. Think of the aquaducts, the enormous bathhouses,
the lavishly decorated Forum Romanum, the Colloseum. The mighty emperors dressed in purple
and gold lording over most of the Mediterranean from their stunning palace on the Palatine. The
Romans were heavily influenced by Greek ideas about art and science, so in that respect they were
not as original as the Greeks had been. The Romans did however build on a massive scale, they
meant to impress, and they ruled over a large empire for a long time, something which can not be
said about the Greeks(the empire of Alexander fell apart after he died).

7. Anu ang ibig sabihin ng Krusada? (5pts) - isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito. Ayon
sa mananalaysay na si Edward Gibbon pinakanaiibang pangyayari sa kasaysayan ang mga Krusada
Sa isang tawag ni Papa Urban II ang mga hari at pari maharlika magsasaka manggawa at mga
alipin ay handang iwan ang kanilang gawain at mag-anak upang hawakan ang krus at espada at
tubusin ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim.

B. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod


8. Strategos – Heneral o isang tao inihalal ng mga kalalakihang mamamayan upang mamuno sa
pakikidigma, statehiya at pamumuno
9. Patrician – Maharlikang Mamamayan
10. Digmaang Sibil – Ang digmaang sibil(civil war) ay isang digmaan sa pagitan ng mga itinayong mga
grupo sa isang bansa o republika. Ang layunin ng isang grupo ay upang pangasiwaan ang buong
bansa o isang rehiyon upang makamit ang kalayaan o upang palitan ang namumunong
kasalukuyang gobyerno ng isang bansa
11. Diktador – – ito ang tawag sa pamamahala ng isang tao lamang.
12. Socratic method – o ang elenchus ay isang anyo ng pagtatanong at talakayan sa pagitan ng mga
indibidwal, batay sa pagtatanong at pagsagot sa mga tanong upang pasiglahin ang kritikal na pag-
iisip at upang maipaliwanag ang mga ideya. Ang pamamaraan na ito ay dinisenyo upang
makatulong na suriin ang sariling paniniwala at ang kanilang halaga
13. Plebian – mabababang at malaya uri ng klase ng tao noong panahon ng mga Romano kagaya ng
karamihan sa atin sa lipunan.
14. Pax Romana –mahabang panahon ng kapayapaan at kaunlaran ng bansang Rome
15. Triumvirate – isang pulitikal na kaayusan, pormal o di-pormal, kung saan ang pamamahala ay
binubuo lamang ng tatlong indibidwal, na tinatawag na triumvirs.
16. Caravan – A company of travelers, pilgrims, or merchants, organized and equipped for a long
journey, or marching or traveling together, esp. through deserts and countries
17. Senate - kapulungan ng mga mambabatas na karaniwang tinatawag na mataas na kapulungan
18. Amphitheater –
19. Gladiator – isang mandirigma sa sinaunang Roma upang makapagpasaya ng public at
nakikipaglaban upang makamit ang kanyang sariling kalayaan
20. Baluti - isang salita na nagsasabi tungkol sa panangga sa katawan hindi lang sa panlabas kundi rin
sa kaluluwa at diwa nito.Ang baluti ay ganap sa mananampalataya sa Banal na Maykapal.Ang
pananalig sa Panginoong Jesus/YeshWa ay isang unang hakbang ng pagkakaroon ng baluti sa
pagkatao dahil mahalaga na banal ang pinagmumulan ng panangga.May ilang pangungusap sa
anyo ng orasyon o bulong ay maituturing na ka uri ng pagsasalikha ng baluti.Punahin ang
pangungusap na ito sa latino na isinalin sa Tagalog at pinaigting sa sorot pa dumaget.

Anda mungkin juga menyukai