Anda di halaman 1dari 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI – Western Visayas
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
HIMAMAYLAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Himamaylan City, Negros Occidental

LESSON PLAN-GRADE 7 FILIPINO

PETSA:
I. LAYUNIN:
A. Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga
pangyayari sa tekstong napakinggan. (F7PN-IIIde-14).
B. Nakasasaayos ng pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay na
pangyayari sa tekstong napakinggan..
C. Nabibigyang-halaga ang pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay ng
mga pangyayari sa tekstong.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Magkakasunod at Magkakaugnay na Pangyayari sa Akda
Lunsarang Akda: Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma Pahina 302-303.
C. Kagamitan: Laptop,Manila paper at pentel pen.
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga ng wastong pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari sa akda.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral
- Bilang pagbabalik aral, ano ang tinalakay natin noong nakaraa araw?

2. Pagganyak
Magtala ng mga pagdiriwang na alam ninyo o mga pagdiriwang na
isinasagawa o idinadaos ninyo.Isulat sa graphic organizer.

Mga pagdiriwang na Panrelihiyon


na isinasagawa pa rin sa ating lugar

Gabay na tanong:
Sa inyong palagay, ano-ano ang mga dahilan kung bakit
patuloy na nananatili ang mga pagdiriwang ito?
Alin sa mga nabanggit na mga pagdiriwang ang higit na
nagugustuhan ninyo?
3. Paghahawan ng sagabal
Panuto: Pagtapat-tapatin ang hanay B sa Hanay A upang
mabigyang-kahulugan ang mga katutubong salita
ng mga Igorot na nasa Hanay A batay sa pagkakagamit
nito sa pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sagot.

Mga Pangungusap
1.Nasa tabi ng dagat ang tirahan ng mga af-fong.
2.Ang mga am-ama ay iginagalang ng lahat ng kabataang Igorot.
3.Ang mga tao ay nagsasayaw habang inaawit ang ay-yeng.
4.Ang mga Igorot ay may fatek sa kanilang katawan.
5.Masarap pakinggan ang tunog na nalilikha ng gangsa.
6.Tayo ay napapabilang sa iisang ili.
7.Si lolo ay kabilang sa igtugtukon ng aming barangay.
8.Ang mga Igorot ay sumasamba kay Kabunian.
9.Nakakaantok ang tunog na nagagawa ng kalos at ko-ongan.
10.Isilid mo ang lahat ng prutas sa kiyag.
11.Si ama ay nagsusuot ng magandang lufid.
12.Si ama at ang kanyang mga kaibigan ay umiinom ng tap-pey at fayas.
13.Bago maglakbay sa bukirin ay sinuot ni lolo ang kanyang tinu-od.

Hanay A Hanay B

____1.Cañao a. tirahan ng isang pamilyang Igorot.


____2.af-fong b. isang ritwal o seremonyang ginagawa sa
____3.am-ama isang pagtitipon
____4.fatek c. mga guhit sa katawan;kauri ng tattoo.
____5.gangsa d. matandang Igorot.
____6.ili e. sombrero ng mga Igorot.
____7.intugtukon f. isang kabayanan.
____8.kabunian g. tanging lupon ng mgamatatalinong
____9.kalos at ko-ongan matatanda sa bayan-bayanan sa nayon
____10.kiyag na hinihingian ng payo.
____11.lufid h. mga instrumenting kauri ng gangsa.
____12.tap-pey at payas i. bathala ng mga katutubong Igorot.
____13.tinu-od j. isang uri ng instrumenting karaniwang
ginagamit sa mga idinaraos na cañao.
k.isang uri ng sisidlan ng pagkain.
l. kasuotan ng mga babaeng Igorot.
m.mga uri ng alak.

4. Paglalahad
Isang mahiwagang kuba ang dumalo sa pagdiriwang ng cañao.
Alamin natin ang naging bahagi ng kubang ito sa matagumpay na
pagdiriwang ng cañao.Gayundin,kung paano ang isang pagpapala o
magandang regalo mula sa Maykapal ay maaaring maglaho bunga ng
kasakiman.Pakinggan natin ang akdang pinamagatang “ Isang
Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.”
B. Pangwakas na Gawain

A.1. Pakikinig nang may pag-unawa sa akda

B.2.Pangkatang Gawan

Papangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral.

Pangkalahating Panuto: Isaayos ang pagkakasunod-sunod at


pagkakaugnay ng mga pangyayari sa akda
na nakasulat sa manila paper. Isulat sa
sagutang manila paper ang tamang sagot.

Rubriks/Pamantayan:

Natukoy lahat ang wastong pagkakasunod- 10 puntos


sunod at pagkakaugnay ng mga pangyayari sa
akda.
Apat lamang ang natukoy 8 puntos
Tatlo lamang ang natukoy na tamang sagot 7 puntos
Dalawa lamang ang natukoy na tamang sagot 6 na puntos
Isa lamang ang natukoy na tamang sagot 5 puntos
Mali lahat ang sagot. 4 na puntos

____1.Ang puno ng ginto ay dinumog,hawak ang matatalim na


bakal,tinaga,tinapyas,binali-bali.
____2.Kanina sa pagtungo ni Lifuo sa kaingin ay nakakita siya ng
isang uwak sa gitna ng daan.
____3.Hinahabol ng mga kabataang Igorot ang baboy na papatayin
sa cañao.Sa paghahabulan ay napadako sa lusong na
kinauupuan ng matanda.
____4.Bago nagawang dumapo ng isang ibong nabighani sa
kakinangan ng kahoy, ang puno ay nabuwal.
____5.Ang matandang kuba ay nagsalita na takluban siya ng isang
malaking kawa sa loob ng tatlong araw.

B.3. Pagbabahaginan/ Pag-uulat ng Ginawa.

C.Pagtatalakay

Napakinggan natin ang kuwentong pinamagatang Isang


matandang kuba sa gabi ng canao. Ngayon ay aalamin natin ang
pagkakasunod at pagkakaugnay ng kuwento.

1.Ano ang unang nangyari sa kuwento?

Pagkatapos nito ay nagpahanda ng tappey at fayas si Lifuo


sa kanayang dalagang anak na si sabsafung para sa
pagdiriwang. Nag-alay ng karne ng baboy, awit, sayaw
malalakas na tugtog, at panalangin ang mga katutubo para sa
kanilang anito.

2.Ano ang sunod na nangyari?

Unti-unting nagkalamat ang kawa pagdating ng takdang


araw at ito ay naging puno ng ginto.

3.Sunod ano ang ginawa ng mga tao sa puno ng ginto?


At bago nagawang dumapo ng isang ibong nabighani sa
kakinangan ng kahoy ay nabuwal ang puno ng ginto.

4.ano ang narinig ni Lifuo?


5. Ano sa palagay mo ang dahilan ng may akda kung bakit niya
isinulat ang kuwentong ito.

C.Paglalahat.
Ano ang masasabi ninyo sa pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay ng kuwento?

D.Paglalapat
Bakit mahalagang matutuhan ang pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari sa isang akda?

IV. Pagtataya.

Panuto:Tukuyin ang pagkakasunod-sunod at pagkaka-ugnay


ng mga pangyayari sa akda.Isulat lamang ang bilang 1
hanggang 10 ng tamang sagot sa loob ng kahon upang
mapagsunod-sunod ang mga pangyayaring nagaganap sa
akda.

1. Bago nagawang dumapo ng isang ibong nabighani sa


kakinangan ng kahoy ay nabuwal ang puno ng ginto.
2. Dinumog ng mga tao ang puno ng ginto at ito ay kanilang
tinaga, tinapyas , at pinagbabali-bali.
3. Nag-alay ng karne ng baboy, awit, sayaw malalakas na
tugtog, at panalangin ang mga katutubo para sa kanilang
anito.
4.Nagpahanda ng tappey at fayas si Lifuo sa kanayang
dalagang anak na si sabsafung para sa pagdiriwang.
5.Nagpalagay ng taklob ng kawa ang matandang kuba at
nagbilin ito sa mga katutubo hinggil sa mangyayari
6.Nagpasyang magdaos ng cañao si Lifu-o sa kanyang
tahanan matapos makakitan ng isang uwak sa gitna ng
daan pagkalipas ng tatlong araw.
7.Nagsalita ang matandang kuba at nagsabing dininig ni
Kabunian at bibiyayaan ng mga anito ang pagdiriwang ng
canao ng mga katutubo.
8.Nang tuluyang bumagsak ang puno ay para itong aninong
pinawi ng makikinang na liwanag ng araw.
9.Narinig ni Lifuo ang isang bulong o hanging nagsasabing
bago sila makakuha ng ginto ay huhukayin muna nila ito.
10.Unti-unting nagkalamat ang kawa pagdating ng takdang
araw at ito ay nagging puno ng ginto.

V. Takdang – aralin:
Bakit hindi mabuting maghangad nang labis lalo na sa
kayamanan.Paano maiwasan ang nagay na ito?Isulat sa malinis
na kalahating papel.

REMARKS:

I.D.

Anda mungkin juga menyukai