Anda di halaman 1dari 56

Daan

ANG

Krus
NG

22
AT MGA PANALANGING
KAUGNAY NG BANAL
NA PAGLALAKBAY
TALAAN NG NILALAMAN

Ang Pagbabasbas at Paghahayo ng mga Mananampalataya


sa Simula ng Banal na Paglalakbay… … … … …5

Ang Panalangin sa Pagsapit sa Bawat Simbahan… … …10

Ang Santo Rosaryo… … … … … … … … … … … …12

Ang Daan ng Krus… … … … … … … … … … … …21

Ang Pagbabasbas sa Pagbabalik ng mga Mananampalataya


Mula sa Banal na Paglalakbay… … … … … … … …51

Salve Regina… … … … … … … … … … … … … …56

3
ANG PAGBABASBAS AT PAGHAHAYO SA
MGA MANANAMPALATAYA SA SIMULA
NG BANAL NA PAGLALAKBAY

MAIKSING PALIWANAG

K APAG sumapit ang panahon ng Kuwaresma, nakagawian na sa


Lungsod ng Roma na ang Santo Papa ay nagdiriwang ng Misa
sa ibat-ibang simbahan kung saan ang mga relikya ng mga martir o
pinangyarihan ng kanilang pagpapakasakit ay naganap. Ito ay tinaguriang
‘stational masses’ kung saan nagsisimula ang Misa mula sa isang simbahan
at ipinagpapatuloy sa susunod na simbahan. Ito rin ang pinagbabasihan
kung bakit hinihimok magdiwang ang buong sambayanan kaisa ng obispo
ng Diyosesis ng mga Misa sa mga parokyang kanyang nasasakupan lalo na
sa panahon ng Kuwaresma.
Ang tradisyong ‘stational masses’ ay nagpapahiwatig na ang
pagpapakasakit at patotoo ng mga banal ay di lumilipas bagkus ay lubos
na mabisa upang pukawin sa puso at gunita ng mga mananampalataya sa
ngayon na ipagpatuloy sa kanilang buhay ang halimbawang ipinamalas ng
mga naunang Kristiyano.
Sa Jerusalem naman ang mga tao ay naglalakbay sa mga lugar kung
saan nangyari ang mga mahalagang kabanata sa buhay ng Panginoon sa
panahon ng Semana Santa. Sa kadahilanang hindi lahat ay may kakayanang
makapaglakbay sa mga nasabing pook, gumawa ang simbahan ng paraan
upang makibahagi rin ang mga mananampalataya sa magandang gawaing
ito. Ang mga Istasyon sa Jerusalem ay para na ring narating ng mga tao
sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Istasyon ng Krus sa loob ng kanilang
mga Parokya.
Sa pangkasalukuyang panahon ang dalawang mahalagang tradisyong
ito ay malimit na pinagsama sa banal na paglalakbay o “parish pilgrimage”
tuwing panahon ng Kuwaresma na ginagawa ng maraming parokya.
Ang mga tao ay samasamang naglalakbay sa mga banal na pook na
pinupuntahan sa kanilang mismong lalawigan o mga kalapit nito.
Ang mga sumusunod na pagdiriwang ay makatutulong upang
pukawin sa isip ng mga tao ang kahalagahan ng paglalakbay na ito.
5
6 | ang daan ng krus at mga panalanging kaugnay ng banal na paglalakbay

PANIMULA
Maaring gamitin ang pagdiriwang na ito bago umalis ang mga
tao para sa taunang banal na paglalakbay ng parokya. Sisimulan
ang pagdiriwang sa loob ng simbahan. Kapag nagkakatipon na ang
sambayanan, ang pari na nakasuot ng sutana, sobrepelis, at puting estola,
o kaya ay alba at estola, ay papasok sa santwaryo at magbibigay-galang
sang-ayon sa nakagawian. Aawtitin ang mga sumusunod o katulad nito:

M INSAN lamang ako daraan sa daigdig na ito


Kaya anuman ang mabubuting
maaaring gawin ko ngayon,
O anumang kabutihan ang maari kong ipadama,
Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito.
Nawa’y huwag ko itong ipagpaliban o ipagwalang bahala
Sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas.
Punong tagapagdiwang:

S A ngalan ng Ama,  at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


R. Amen.
Punong tagapagdiwang:
Ang Diyos na ating lakas at kaligtasan, nawa’y sumainyo.
R. At sumaiyo rin.
Magbibigay ng paunang salita ang punong tagapagdiwang:

M GA kapatid, sa pasimula ng ating paglalakbay,


dapat nating isaalang-alang ang dahilan kung bakit
natin aakuin ang banal na gawaing ito. Ang mga lugar
na ating bibisitahin ay buhay na bantayog ng marubdob
na pananampalataya ng sambayanan ng Diyos. Marami
ang nagtutungo doon upang palakasin ang kanilang
pagnanais na mamuhay ayon sa hamon ng Mabuting
Ang Pagbabasbas at Paghahayo ng mga Mananampalataya |7

Balita at kawanggawa. Tayo rin naman ay dapat magtaglay


ng baon para sa mga naninirahan doon: ito ay ang ating
mabuting halimbawa ng pananaampalataya, pag-asa, at pag-
ibig, at dahil diyan mapapalakas natin ang isa’t-isa.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Isaias 2, 1-5

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

I TO ang pangitain ni Isaias na anak ni Amos


tungkol sa Juda at Jerusalem:
Sa mga huling araw,
ang bundok na kinatatayuan ng templo ng Panginoon
ay mamumukod sa taas sa lahat ng bundok.
Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
Ang maraming taong lalapit sa kanya
at magsasabi ng ganito:
“Halikayo umahon tayo sa bundok ng Panginoon,
sa templo ng Diyos ni Jacob,
upang malaman natin ang kanyang mga daan
at matuto tayong lumakad sa kaniyang mga landas.
Sapagkat sa Sion magmumula ang kautusan
at sa Jerusalem ang salita ng Panginoon.”
Siya ang mamamagitan sa mga bansa
at magpapairal ng kapayapaan.
Kung magkagayon,
gagawin nilang sudsod ang kanilang mga tabak,
at karit ang kanilang mga sibat.
Wala nang magsasanay sa pakikibaka
at mawawala na ang mga digmaan.
8 | ang daan ng krus at mga panalanging kaugnay ng banal na paglalakbay

Halina kayo, sambahayan ni Jacob,


at tayo’y lumakad sa liwanag ng Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
R. Salamat sa Diyos.

PANALANGIN NG BAYAN
Punong tagapagdiwang:

A NG Diyos ang pinagbubuhatan at hantungan ng


paglalakbay ng buhay. Puno ng pagtitiwala idulog natin
sa kanya ang ating mga kahilingan:
Samahan mo kami sa aming paglalakbay.
* Ikaw ay naging gabay at daan ng iyong bayan habang sila’y
naglalakbay sa ilang; ikaw nawa’y maging aming sandigan sa
simula ng aming paglalakbay. R.
* Ipinagkaloob mo ang iyong Anak upang maging aming
daan patungo sa iyo; itulot mong matapat namin siyang
masundan. R.
* Ipinagkaloob mo sa amin si Maria bilang larawan at
halimbawa sa aming pagsunod Kay Kristo; ipagkaloob
mo na sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, kami ay
makapagbagong-buhay. R.
* Ginagabayan mo ang iyong Simbahang naglalakbay sa
pamamagitan ng Espiritu Santo; hanapin ka nawa namin at
lumakad sa landas ng iyong mga utos. R.
Ang Pagbabasbas at Paghahayo ng mga Mananampalataya |9

* Ginagabayan mo kami sa matuwid at mapayapang landasin;


ipagkaloob mo na mamasdan namin ang iyong mukha sa
kalangitan. R.
PANALANGIN NG PAGBABASBAS
Punong tagapagdiwang:

A MA naming makapangyarihan, ipinakikita mo


ang iyong awa sa lahat ng nagmamahal sa iyo, at
hindi ka malayo sa mga naghahanap sa iyo. Manatili
kang kapiling namin sa paglalakbay na ito. Ipailalim mo
kami sa iyong pangangalaga hanggang sumapit kaming
matiwasay sa iyong Kaharian kung saan nabubuhay ka
at naghahari kasama ni Kristong aming Panginoon.
R. Amen.

V. Lumakad tayo’t humayo


R. Sa kapayapaan ni Kristo. Amen.
AWIT

K UNG itong aming paglalayag,


inabot ng pagkabagabag,
Nawa’y mabanaagan ka,
hinirang na tala ng umaga.
Kahit alon man ng pangamba,
di alintana sapagkat naro’n ka,
Ni unos ng pighati at kadiliman ng gabi.
Koro. Maria sa puso ninuman,
ika’y tala ng kalangitan.
Ningning mo ay walang pagmamaliw,
Inang sinta, Inang ginigiliw.
ANG PANALANGIN SA PAGSAPIT
SA BAWAT SIMBAHAN

V. Sa ngalan ng Ama,  at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


R. Amen.

M ABUTI at Makapangyarihang Diyos, binabati at


pinararangalan ka namin sa pagsapit dito sa bahay-
dalanginan na itinalaga sa iyo.
Kinikilala namin ang pananatili ng iyong Anak
at aming Panginoong Hesukristo sa Tabernakulo ng
Simbahang ito at tumatawag kami sa kanya na kami ay
patuloy na samahan sa aming isinasagawang lakbay-
panalangin na ito.
Pawiin mo ang pagod at alalahanin sa aming mga
katawan at isip upang lubos kaming makiisa sa banal
na pag-aalay ng oras, talino, at yaman sa lahat ng aming
makakadaupang-palad sa paglalakbay na ito.

10
Ang Panalangin sa Pagsapit sa Bawat Simbahan | 11

Kaisa ng lahat ng bumubuo ng aming grupo, at ng


lahat ng mananampalataya sa bayan na ito, bigkisin mo
ang aming mga puso upang patuloy naming maialay ang
isang malinis na handog sa ikaluluwalhati mo at ikaliligtas
namin. Mabuklod nawa ang iyong bayang naglalakbay
patungo sa isang buhay na ganap sa piling mo.
Maria, sa misteryo ng iyong Paglalakbay at
Pagdalaw kay Elisabet, akayin mo kami sa landas ng
pakikipag-ugnayan saan man dalhin ng tadhana ang
aming mga paa.
Mga anghel na taga-tanod, dalhin ninyo ang aming
mga panalangin sa harap ng luklukan ng Diyos sapagkat
ang lahat ng ito ay inihahain—bilang mabangong
insenso—sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen.
V. Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
R. Kapara noong una, ngayon, at magpasawalang hanggan.
Amen.
V. Purihin si Hesus sa Santisimo Sakramento sa altar.
R. Ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Isusunod ang Santo Rosaryo at ang Daan ng Krus.
ANG SANTO ROSARYO

PAMAMARAAN NG PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO


1. Dasalin ang Tanda ng Krus at ang Sumasampalataya.
2. Dasalin ang Ama Namin.
3. Dasalin ang tatlong Aba Ginoong Maria
para sa karagdagang Pananampalataya,
Pag-asa, at Pagkakawang-gawa.
4. Dasalin ang Luwalhati.
5. Ipahayag ang Misteryo.
6. Dasalin ang Ama Namin at isusunod ang
sampung Aba Ginoong Maria.
7. Dasalin ang Luwalhati at ang Panalangin ng Fatima.
8. Ipahayag ang susunod na Misteryo at
ulitin ang hakbang bilang 6-7.
9. Dasalin ang Aba Po Santa Maria.
10. Isunod ang Litanya ng Mahal na Birhen.
11. Dasalin ang Pangwakas na Panalangin.

ANG SUMASAMPALATAYA

S UMASAMPALATAYA ako sa Diyos Amang


Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at
lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang
Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-
tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako
sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-
uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos
Amang Makapangyarihan sa lahat; doon magmumulang
12
Ang Santo Rosaryo | 13

paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na


tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga
Banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay
na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang
hanggan. Amen.

ANG AMA NAMIN

A MA Namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan


mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob
mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa
araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo
kami sa lahat ng masama. Amen.
ABA GINOONG MARIA

A BA, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang


Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang
pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang
iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming
makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.
LUWALHATI

L UWALHATI sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Kapara noong una, ngayon, at magpasawalang
hanggan. Amen.
14 | ang daan ng krus at mga panalanging kaugnay ng banal na paglalakbay

PANALANGIN NG FATIMA

O HESUS ko patawarin mo kami sa aming mga sala,


iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno, dalhin mo
ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit
na nangangailangan ng iyong awa.

ABA PO, SANTA MARIANG REYNA

A BA po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw


ang kabuhayan at katamisan, aba pinananaligan ka
namin. Ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw
na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-
hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang
kahapis-hapis. Ay! Aba, pintakasi ka namin, ilingon mo
sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung
matapos yaring pagpanaw sa amin ay ipakita mo sa amin
ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain, maalam at matamis na Birhen.

ANG MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO


ANG MGA MISTERYO NG TUWA
(Tuwing Lunes at Sabado)
1. Ang Pagpapahayag ng Kapanganakan
ng Panginoon sa Mahal na Birhen
2. Ang Pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Santa Elisabet
3. Ang Pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo
4. Paghahandog ng Sanggol na si Hesus sa Templo
5. Ang Pagkakatagpo sa Batang si Hesus sa Templo
Ang Santo Rosaryo | 15

ANG MGA MISTERYO NG LIWANAG


(Tuwing Huwebes)
1. Ang Pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan
2. Ang Himala ni Hesus sa Kasalan sa Cana
3. AngPagpapahayag ni Hesus Tungkol
sa Paghahari ng Diyos
4. Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor
5. Ang Pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya

ANG MGA MISTERYO NG HAPIS


(Tuwing Martes at Biyernes)
1. Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan ng Getsamani
2. Ang Paghahampas sa ating Panginoon sa Haliging Bato
3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
4. Ang Pagpapasan ng Krus Patungong Kalbaryo
5. Ang Pagpapako sa Krus at Kamatayan ng Panginoon
ANG MGA MISTERYO NG LUWALHATI
(Tuwing Miyerkules at Linggo)
1. Ang Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Panginoon
2. Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon
3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostoles
at sa Mahal na Birhen
4. AngPag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen,
Kaluluwa at Katawan
5. Ang Pagkokorona sa Mahal na Birhen
bilang Reyna ng Langit at Lupa
16 | ang daan ng krus at mga panalanging kaugnay ng banal na paglalakbay

ANG LITANYA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

Panginoon, maawa ka sa amin.


Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa Langit,
maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo,
maawa ka sa amin.
Banal na Trinidad, iisang Diyos,
maawa ka sa amin.

Santa Maria, *Ipanalangin mo kami.


Santang Ina ng Diyos *
Santang Birhen ng mga birhen *
Ina ni Kristo*
Inang puspos ng biyaya ng Diyos*
Inang kalinis-linisan*
Inang walang kamalay-malay sa kasalanan*
Inang kasakdal-sakdal*
Inang walang bahid*
Inang pinaglihing walang kasalanan. *
Ang Santo Rosario | 17

Inang kaibig-ibig *
Inang kahanga-hanga *
Ina ng Laging Saklolo *
Ina ng mabuting kahatulan *
Ina ng Maylikha *
Ina ng Mananakop *
Ina ng Banal na Iglesya *
Birheng kapaham-pahaman *
Birheng dapat igalang *
Birheng lalong dakila *
Birheng makapangyarihan *
Birheng maawain *
Birheng matibay na loob sa magaling *
Salamin ng katuwiran *
Luklukan ng karunungan *
Simula ng tuwa namin *
Sisidlan ng kabanalan *
Sisidlang bunyi at bantog *
Sisidlang bukod na mahal na loob
na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos *
Rosang bulaklak na di mapuspos
ng bait ng tao ang halaga *
Tore ni David *
Toreng garing *
Bahay na ginto *
Kaban ng tipan *
Pinto ng Langit *
Talang maliwanag *
Mapagpagaling sa mga maysakit *
Tanggulan ng mga makasalanan *
18 | ang daan ng krus at mga panalanging kaugnay ng banal na paglalakbay

Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati *


Mapag-ampon sa mga Kristiyano *
Reyna ng mga Anghel *
Reyna ng mga Patriarka *
Reyna ng mga Propeta *
Reyna ng mga Apostol *
Reyna ng mga Martir *
Reyna ng mga Kumpesor *
Reyna ng mga Birhen *
Reyna ng lahat ng mga Santo *
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal *
Reynang iniakyat sa langit *
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo *
Reyna ng kapayapaan *

Kordero ng Diyos na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan,
pakinggan mo kami.

Kordero ng Diyos na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan,
pakapakinggan mo kami.

Kordero ng Diyos na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan,
kaawaan mo kami.
Ang Santo Rosaryo | 19

V. Ipanalangin mo kami, Santa Maria, Ina ng Diyos.


R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga
pangako ni Hesukristong aming Panginoon.
Manalangin tayo.

O DIYOS na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan


ng kanyang buhay, pagkamatay at pagkabuhay na
mag-uli ay ipinagtamo para sa amin ang gantimpalang
buhay na walang hanggan, ipagkaloob mo po, isinasamo
namin na sa pagninilay-nilay nitong mga misteryo ng
kabanal-banalang Rosaryo ng pinagpalang Birheng
Maria, matularan nawa namin ang kanilang nilalaman at
makamtan ang kanilang ipinapangako. Alang-alang kay
Kristong aming Panginoon. Amen.

V. Sumaatin nawa ang banal na pagtulong.


R. Amen.

V. Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga yumao


sa awa ng Diyos.
R. Amen.

V. At ang pagpapala ng Makapangyarihang Diyos:


Ama,  Anak, at Espiritu Santo ay lumukob
nawa sa atin at manatili sa atin magpakailanman.
R. Amen.

ANG DAAN NG KRUS

V. Sa ngalan ng Ama,  at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


R. Amen.

P ANGINOONG Hesukristo, habang kami’y


nagtitipon dito ngayon upang pagnilayan ang iyong
Misteryong Pampaskuwa, pagkalooban mo kaming
lahat ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan tulad
ng iyong ginawa, at gugulin ang aming buhay para
sa aming kapwa ayon sa iyong halimbawa. Sa gayon,
kami ay maaaring makibahagi hindi lamang sa iyong
paghihirap, kundi maging sa iyo ring Muling Pagkabuhay.
Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen.

21
ANG UNANG ISTASYON
 ANG HULING HAPUNAN 
V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa mula sa unang sulat ni apostol San Pablo sa mga
taga-Corinto (1 Cor 11, 23-26)

A NG Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo


ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-
piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog
para sa inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan
ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito
ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing
iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”
Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom
sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng
Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.

22
Ang Unang Istasyon | 23

PAGNINILAY AT AWIT
T’wing dakong dapit-hapon, minamasdan kong lagi
Ang paglubog ng araw, hudyat ng takipsilim.
Ganyan ang aking buhay, kung may dilim ang buwan.
Hihiwat sa baybayin sa pagsapit ng dilim.
Kung magawa ko lamang ang hangin ay mapigil
At ang dilim ng hatinggabi’y ‘wag sanang magmamaliw
Upang ang palakaya ay laging masagana
Sa tangan kong liwanag ang kawan ay lalapit.
Nang dakong dapit-hapon, piging ng Panginoon
Sa mga kaibigan ay maghuling hapunan.
Sa bagong salu-salo, nagdiriwang ang bayan.
Ang tanging kanyang hain ay sarili n’yang buhay.

PANALANGIN

P ANGINOONG Hesus, minahal mo kami nang lubus-


lubusan. Minahal mo kami hanggang sa katapusan.
Ikaw ay nananatili sa Eukaristiya upang maging pagkain
at inuming nagbibigay buhay na walang hanggan.
Nananatili ka sa aming piling upang maging patuloy na
palatandaan ng nagliligtas na pananatili ng Diyos sa lahat
ng sandali ng aming buhay.
Patawarin mo kami, Panginoon sa lahat ng sandali
na kami ay hindi nagpapahalaga sa iyong paghahandog
sa amin ng iyong sarili at sa iyong mapagmahal na
pananahan sa Banal na Eukaristiya.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKALAWANG ISTASYON
 ANG PAGDURUSA NI HESUS
SA HALAMANAN 
V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Lukas
(Lukas 22, 39-45)

G AYA ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at


nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga
alagad. Pagdating doo’y sinabi niya sa kanila, “Manalangin
kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa
kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at
nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari’y ilayo mo sa
akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko ang
masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y
nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang
pawis na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya
pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan
niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati.
24
Ang Ikalawang Istasyon | 25

PAGNINILAY AT AWIT
Bawat tao’y nabuhay sa hapis,
Bawat patak ng luha’y pagdama.
Bawat pintig ng puso’y tamis,
Bawat buhay mayroong simula
Ang buhay mo’y hindi sa iyo
Napag-isip-isip mo na ba
Ilang taon ang lumipas na, lumipas na, lumipas na.
Bawat tao’y simula;
Bawat simula’y hangganan.
Magpasya ka: saan ka pupunta.

PANALANGIN

M AHABA at kakila-kilabot ang gabing iyon,


Panginoon. Ni isa sa iyong mga alagad ay nagkaroon
ng lakas na samahan ka sa iyong pagdurusa. Ang tanging
lakas mo ay ang iyong matibay na hangaring tuparin ang
kalooban ng Ama, maging anuman ang halaga.
Patuloy kang mag-isang nagdurusa, maging hanggang
sa kasalukuyan, sa kalungkutan ng mga walang kaibigan,
ng mga walang tahanan, ng mga walang kinabukasan.
Puno ang aming lipunan ng katulad nila, ngunit patuloy
kaming nagkukunwaring walang malay at natutulog
habang sila ay namamatay na biktima ng kapabayaan.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKATLONG ISTASYON
 SI HESUS SA HARAPAN
NG SANEDRIN 

V. Sinasamba ka namin
at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.

R. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Marcos


(Marcos 14, 60-64. 15, 1)

T UMINDIG ang pinakapunong saserdote sa harap


ng kapulungan, at tinanong si Hesus, “Ikaw ba ang
Mesiyas, ang Anak ng Kataas-taasan? “Ako nga,” sagot ni
Hesus. “At makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa
kanan ng Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong
siya’y dumarating, nasa alapaap ng langit.” Pinahak ng
pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi,
“Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang
nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Diyos! Ano ang
pasya ninyo?” Ang hatol nilang lahat at kamatayan.
26
Ang Ikatlong Istasyon | 27

Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong


saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang
iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at
dinala kay Pilato.
PAGNINILAY AT AWIT
Hesus na aking kapatid sa lupa nami’y bumalik:
Iyong mukha’y ibang-iba, hindi kita nakikilala
Koro. Tulutan mo’ng aking mata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba
Hesus na aking kapatid, putikin man ang ‘yong sapin,
Punit-punit ang ‘yong damit, nawa ika’y mapasa-akin. Koro.
Hesus na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim,
O sa palengke rin naman, ikaw ay naghahanap-buhay. Koro.
PANALANGIN

P ANGINOONG Hesukristo, ikaw ang hukom ng


sangkatauhan, ngunit tinanggap mong litisin ng mga
hukom na di makatarungan. Ikaw ang pinakabanal,
tanging walang sala sa daigdig, ngunit tiniis mo ang
pagpaparatang ng mga sutil na makasalanan.
Patuloy pa rin ang walang katarungang paglilitis na
inuulit sa bawat di-makatarungnang paghatol kung saan
pinarurusahan ang mga walang sala at pinalalaya ang
may sala. Ikaw pa rin ang biktima ng ganitong kawalan-
katarungan laban sa mga mahihina, mga walang lakas na
ipagtanggol ang sarili, at ang mga walang tinig sa lipunan.
Sa kanila, patuloy kang nabubuhay at nagdurusa.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKAAPAT NA ISTASYON
 ANG PAGHAMPAS AT PAGPU-
PUTONG NG KORONANG TINIK 

V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo
(Mateo 27, 22-30, passim)

S“Ipako
INABI sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin
ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?” Sumagot ang lahat,
sa krus!” “Bakit, anong masama ang ginawa niya?”
tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa krus!”
At ipinahagupit niya si Hesus at ibinigay sa kanila upang
ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador
sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid
niya. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong
sa kanya, saka pinaghawak ng isang tambo sa kanyang
28
Ang Ikaapat na Istasyon | 29

kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati:


“Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”
PAGNINILAY AT AWIT
Hirap at pagdurusa ang kanyang nadarama.
Ang sugat sa katawan pag-ibig ang dahilan.
Dugong pumapatak tumbas ay kaligtasan.
Si Kristo anak ng Diyos nag-alay ng buhay.
Bawat sugat ni Kristo ay may pahayag:
Ang sugat sa ulo’y pang-unawang taglay;
Sa dibdib ay pag-ibig, sa kamay ay pagdamay;
Sa paa na laging nakasubaybay.
PANALANGIN

N ATANGAY sa sulsol ng iyong mga kaaway ang


malaking pulutong kaya’t ninais nilang ikaw’y
ipapatay, mahal na Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na
mahalagang panindigan ang katarungan at ipagtanggol
ang iyong pagiging walang sala. Kaya’t nagtagumpay
ang mga hibang. Gayundin naman ang mga kawal
na Romano, habang binatbat nila ng sugat ang iyong
katawan at pinutungan ang iyong ulo ng koronang tinik
at pag-aalipusta.
Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis
mong lahat iyon, tulad ng isang maamong tupang
kakatayin; walang imik tulad ng milyun-milyong mga
simpleng taong pinagsasamantalahan, inaapi ng mga
halang ang kalooban, habang marami sa amin ang
nagbubulag-bulagan sa harap ng walang-pakundangang
paglapastangan sa katarungan.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKALIMANG ISTASYON
 TINANGGAP NI HESUS ANG
KANYANG KRUS 

V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo
(Mateo 27, 31)

A T matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal,


sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.

30
Ang Ikalimang Istasyon | 31

PAGNINILAY AT AWIT
Koro. Sinong makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo?
Sinong makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos?
Paghihirap ba, kapighatian, pag-uusig o gutom o tabak?
At kahit na ang kamatayan, walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng Diyos. Koro.
Ang Ama kayang mapagtangkilik, o Anak na nag-alay ng lahat?
Saan man sa langit at lupa, walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng Diyos. Koro.
PANALANGIN

M INAMAHAL kong Panginoon, ang krus ay


siyang parusa para sa mga kriminal at mga
manghihimagsik. Sino ang maniniwala na ipinatong
ito sa balikat ng Anak ng Diyos, ang puno ng lahat ng
kabanalan at kabutihan? Sa kabila ng lahat, tinanggap
mo ito nang buong kababaang-loob sapagkat alam mo
na ito lamang ang paraan upang kami ay mailigtas sa
walang hanggang kaparusahan. Krus namin ang krus
na tinanggap mong pasanin—ang krus ng aming mga
kasalanan, ang krus ng aming mga kahinaan, ng aming
mga pagkasira ng loob, ng aming mga pagkabigo at ng
aming kasamaan. Hanggang sa mga araw na ito, pasan
ng mga walang-malay na kalalakihan, kakababaihan,
at kabataan ang krus ng mga pagkakamali, kasakiman,
pagmamataas, kahalayan. Ipagkaloob mo sa amin, mahal
na Panginoon, ang biyayang di kailanman magbigay
ng mga pasanin sa aming kapwa dahil sa aming mga
pagkukulang. Magiting nawa namin pasanin kasama mo
ang krus ng aming mga pang-araw-araw na tungkulin.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKAANIM NA ISTASYON
 SI HESUS AY NADAPA
SA BIGAT NG KRUS 

V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.

H ABANG sumusuray ang hakbang ni Hesus patungo


sa Kalbaryo, halos madurog siya sa bigat ng Krus na
kanyang pasan-pasan. Higit pa marahil, napuspos si Hesus
sa panunuya at panlilibak ng mga tao na para bagang siya ay
isang kriminal. Halos igupo ng pagod dahil sa kawalan ng
tulog sa magdamag na pagpapahirap na kanyang dinanas,
si Hesus ay nalugmok sa bigat ng Krus at pag-aalipusta na
kanyang tinanggap.
32
Ang Ikaanim na Istasyon | 33

PAGNINILAY AT AWIT
Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kaluluwa,
Ang siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa.
Pag-ibig ang siyang buklod natin, di mapapawi kailan pa man.
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang kahit na tayo’y magkawalay.
Koro. ‘Pagka’t ang Diyos nati’y Diyos ng pag-ibig,
Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
Sikapin sa ating pagsuyo, ating ikalat sa buong mundo:
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa
bawa’t pusong uhaw sa pagsuyo. Koro.

PANALANGIN

D I MALAYO ang Kalbaryo mula sa pretoryo, iilang


daang metro lamang. Ngunit, natagalan ka,
Panginoon, na tahakin ang daang iyon, hirap na hirap
at bigung-bigong umaasang may tutulong. Matagal nang
naglaho ang iyong lakas. Lubak-lubak ang daan. Malupit
ang mga tao. Pabigat nang pabigat ang krus hanggang
di mo na ito makayanan, at ikaw’y nalugmok na sa lupa!
Tulad mo, Panginoon, napakarami sa amin ang nadarapa
at napapasubasob dito sa mahirap na daan ng krus ng
buhay dahil sa mga pagsubok at kabiguang dumadagok
sa amin. Kapag kami ay nadarapa at nalulugmok,
Panginoon, tulungan mo kami! At kapag hindi na kayang
pasanin ng aming mga kapatid ang maraming pagsubok
na dumarating, Panginoon, pagkalooban mo kami ng
pusong mahabagin upang kami’y di na makabigat pa sa
kanilang pasanin.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKAPITONG ISTASYON
 TINULUNGAN NI SIMON SI HESUS
SA PAGPASAN NG KRUS 

V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Marcos
(Marcos 15, 21)

N AKASALUBONG nila ang isang lalaking galing sa


bukid, si Simon na taga-Cirene, ama nina Alejandro
at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.

34
Ang Ikapitong Istasyon | 35

PAGNINILAY AT AWIT
Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito
Kaya anuman ang mabubuting maaaring gawin ko ngayon,
O anumang kabutihan ang maaari kong ipadama,
Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito.
Nawa’y huwag ko itong ipagpaliban o ipagwalang bahala
Sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas.

PANALANGIN

N APADAAN lamang si Simon habang pauwi na siya


mula sa bukid. Napilitan siyang mag-iba ng landas,
isang paglihis na nagbago ng takbo ng kanyang buhay.
Napilitang pasanin ang iyong krus, siya man ay biktima
ng pang-aapi at kawalan ng katarungan. Naranasan niya
ang iyong sakit, Panginoon, kung kaya’t natuklasan niya
ang ibig sabihin ng buhay, kapag nagnanais na tumulong
sa kapwa. Magsugo ka pa ng maraming tulad ni Simon ng
Cirene, Panginoon. Padalhan mo kami ng mga taong may
lakas ng loob upang pasanin ang krus ng iba nang may
pakikiisa at pagtitiyaga tulad ng magkakapatid. Gawin
mo kaming tulad ni Simon, Panginoon. Bigyan mo kami
ng lakas at kagandahang-loob na magdamayan, sapagkat
ang aming lipunan ay puno ng nagdurusang Kristo na
hindi na makaagapay sa bigat ng kanilang pasang krus na
may iba’t ibang hugis at bigat.

Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.


ANG IKAWALONG ISTASYON
 NASALUBONG NI HESUS ANG
KABABAIHAN NG JERUSALEM 

V. Sinasamba ka namin
at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.

R. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas


(Lucas 23, 27-31)

S INUSUNDAN si Hesus ng maraming tao, kabilang


ang mga babaeng nananaghoy at nananambitan dahil sa
kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, “Mga
kakabaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang
tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak.
Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila,
‘Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi
nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ Sa mga
araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho
kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’
36
Ang Ikawalong Istasyon | 37

Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano


naman kaya ang gagawin sa tuyo?
PAGNINILAY AT AWIT
Sa iyo iaalay ang buhay at kalakasan
sapagkat ito ang nararapat sa katulad mong matapat.
Dahil sa pag-ibig mo, ang buhay ko ay nagbago.
Sa t’wina ang ninanais ko ay laging maglingkod sa iyo.
Koro. Sumasamba sumasamo, naghahandog sa ngalan mo,
‘Pagkat sa’yo ay nadama ang pagmamahal ng Ama.
Sa iyong kabanalan, biyaya mo ay nakamtan.
Sa iyo ay may kagalakan at buhay na walang hanggan.
Tunay kang maginoo, namalas ko sa kalbaryo.
Buhay man inalay mo, O Kristo upang maligtas ang tao. Koro.
PANALANGIN

P ANGINOONG Hesus, tunay ang pagdadalamhati ng


mga babae ng Jerusalem para sa iyo. Buong tapang
silang sumunod sa iyo sa daan patungong Kalbaryo.
Subalit tinawag mo ang kanilang pansin sa dahilan
ng kanilang pagdurusa—ang KASALANAN at ang
kaparusahan na dulot sa lahat ng hindi pagsisisi. Sana’y
maging tapat din kaming tulad nila sa pagdadalamanhati
sa hindi makatarungang pagpapahirap sa iyo. At sana’y
maawa din ang aming puso sa mga pagdurusa ng aming
kapwa—lalo na ng mga iskwater, walang hanapbuhay,
walang tahanan, at ng lahat ng mga biktima ng kawalan
ng katarungan at pagsasamantala. Ang lahat ng uri ng
mga kasalanang ito ang nagdadala ng mga karapat-dapat
na pagpaparusa ng Diyos sa ating lipunan.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKASIYAM NA ISTASYON
 SI HESUS AY IPINAKO SA KRUS 

V. Sinasamba ka namin
at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.

R. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas


(Lucas 23, 33-35)

N ANG dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo,


ipinako nila sa krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang
salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. Sinabi
ni Hesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila
nalalaman ang kanilang ginagawa.” At nagsapalaran sila upang
malaman kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa
isa’t isa. Ang mga tao’y nakatayo roon at nanonood; nililibak
naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas
niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang
sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!”
38
Ang Ikasiyam na Istasyon | 39

PAGNINILAY AT AWIT
Koro. Dakilang pag-ibig, saan man manahan,
D’yos ay naroon, walang alinlangan.
Tinipon tayo sa pagmamahal
ng ating Poong si Hesus.
Tayo’y lumigaya sa pagkakaisa
sa haring nakapako sa krus. Koro.
Purihi’t ibigin ang ating D’yos
na s’yang unang nagmamamahal,
Kaya’t buong pag-ibig rin nating mahalin,
ang bawat kapatid at kapwa. Koro.

PANALANGIN

P ANGINOON, ang mga kamay mong dati’y


humahaplos sa mga bata, nagbabasbas sa mga
maysakit, at nagpapalayas sa mga demonyo, ngayo’y
nakapako na sa krus. Ang iyong mga paa na nagdala sa iyo
sa maraming bayan upang ihatid ang Magandang Balita
ng Kaharian sa lahat, ngayo’y di na maaaring makagalaw
pa magpakailanman. Hinahamon ka ng iyong mga
kaaway na bumaba sa krus. Subalit di mo pinansin ang
kanilang panunukso. Hindi dahil sa ikaw ay nakapako,
kundi dahil sa pag-ibig mo sa mga makasalanan. Pag-
ibig ang naghatid sa iyo roon. Pag-ibig ang pumipigil sa
iyo roon. Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng
biyaya na makatupad sa aming tungkulin nang buong
pagmamahal, kahit na ang mga ito ay magdulot pa sa
amin ng pait tulad ng pagkapako sa krus.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKASAMPUNG ISTASYON
 ANG NAGTITIKANG
MAGNANAKAW 

V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas


(Lucas 23, 39-43)

T INUYA siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi,


“Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili,
pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama,
“Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarusahang
tulad niya! Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito
dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang
ginawang masama.” At sinabi niya, “Hesus, alalahanin
mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Hesus,
“Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”

40
Ang Ikasampung Istasyon | 41

PAGNINILAY AT AWIT
Katulad ng lupang tigang, walang tubig ako’y nauuhaw;
O D’yos hangad kitang tunay, sa iyo ako’y nauuhaw.
Kaya ika’y minamasdan, doon sa iyong dalanginan
Nang makita kong lubusan, lakas mo’t kaluwalhatian. Koro.
Koro. Ang kaluluwa ko’y nauuhaw, sa iyo, O Panginoon ko.
Ang kaluluwa ko’y nauuhaw, sa iyo, O Panginoon ko.
Ang kagandahang-loob mo, higit sa buhay sa mundo;
Kaya ako’y magpupuri, ngalan Mo’y aking sasambitin. Koro.

PANALANGIN

P ANGINOONG Hesus, puspos ng katapatan sa


pagsisisi ang nagtitikang makasalanan sa harap
ng marami, punung-puno ng panananampalataya at
pagtitiwala ang kanyang mga sinabi sa iyo. Naniniwala
siya sa iyong Kaharian, at hindi mo siya binigo.
Madalas na kami ay makatagpo ng mga taong
nagkamali at nagnanais na magbagong-buhay,
Panginoon. Ipahintulot mong kami ay maging bukas
sa kanila, katulad mo sa nagtitikang magnanakaw. Sa
ganitong paraan, kami rin ay papanaw sa mundong
ito nang may pananampalataya at pagtitiwala tulad ng
mabuting magnananakaw, at nakikinig sa pangako ng
buhay na walang hanggan.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKALABING-ISANG ISTASYON
 SINA MARIA AT JUAN
SA PAANAN NG KRUS 

V. Sinasamba ka namin
at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.

R. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Juan


(Juan 19, 25-27)

N AKATAYO sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina


at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni
Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni
Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad
sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong
anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula
noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang buhay.

42
Ang Ikalabing-isang Istasyon | 43

PAGNINILAY AT AWIT
Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya.
Ang Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang ‘yong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamatay.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

PANALANGIN

T ULAD ng isang sibat, ang paghihirap ay tatarak sa


iyong puso.” Ito ang hula ng matandang Simeon. Sa
Kalbaryo, naranasan ni Maria ang katuparan ng hulang
ito. At muli niyang binigkas sa kanyang puso: “Maganap
nawa sa aking ang iyong salita.” Walang sinuman sa balat
ng lupa ang umibig sa iyo nang higit pa sa iyong Ina,
Panginoon. Gayundin naman, wala kang inibig sa balat
ng lupa nang higit pa sa kanya. Naroroon siya, saksi at
kabahagi ng iyong pagdurusang naghatid ng kaligtasan.
Sa paghahabilin mo sa kanya kay Juan, binigyan mo ng
katiwasayan ang mga nalalabi pa niyang araw dito sa lupa;
sa paghahabilin mo naman kay Juan sa kanya, binigyan
mo kami ng katiwasayan habang-buhay, sapagkat ibinigay
mo sa amin ang lahat, ang iyong ina at amin ding Ina.
Maging mapagmahal nawa kami sa kanya tulad mo.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKALABINDALAWANG ISTASYON
 SINA MARIA AT JUAN
SA PAANAN NG KRUS 

V. Sinasamba ka namin
at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.

R. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang
sandaigdigan.
Manatiling nakaluhod bilang
paggalang sa kamatayan ng
Panginoon.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Juan


(Juan 19, 28-30)

N ANG mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa


buong lupain at nawalan ng liwanag ang araw hanggang
sa ikatlo ng hapon. Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako!” May
isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila
rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa
kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang
sinabi, “Naganap na!” Sumigaw nang malakas si Hesus,
“Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking
espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.
44
Ang Ikalabindalawang Istasyon | 45

PAGNINILAY AT AWIT
Pagsapit ng gabing kulimlim naririto ako,
Papawiin ko ang lumbay mo;
Kukumutan ka ng saya,
At aakayin ko ang pagsikat ng umaga.
Yakapin mo’ng kaloob kong buhay sa iyo;
Sa piling ko damhin mo ang mundo.
Sa kapwa mo muling mabibigo;
Kapayapaan ko lamang ang sasagip sa iyo.
Anumang tagal ng gabi, kasama mo ako,
Di mo man tanto, narito ako.
Ang buhay ko’ng nagdudulot ng buhay sa iyo;
Kadilimang ito ay kakayanin mo.
PANALANGIN

K AMING lahat ay hinatulang mamatay dahil sa


aming mga kasalanan, at inako mo ang parusang
ito, ikaw na hindi karapat-dapat na tumanggap nito.
Iisa lamang ang iyong buhay, Panginoon, tulad naming
lahat, ngunit malaya mo itong inialay upang kami’y
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pinatay ka ng
mga kasalanan namin dahil sa labis mong pagmamahal
sa amin, pinakamamahal na Hesus. Bago ka nalagutan ng
hininga, sinabi mong ikaw ay nauuhaw—uhaw sa pag-
ibig. Tanggapin mo ngayon ang aming nagtitikang pag-
ibig sa iyo, Panginoon. Nais ka namin mahalin alang-
alang sa mga ayaw magmahal sa iyo. Nawa, sa katapusan
ng aming pakikibaka sa buhay, kami ay mamatay na
nagtitiwala habang inuulit namin ang iyong winika,
“Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking kaluluwa!”
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKALABINTATLONG ISTASYON
 SI HESUS AY INILIBING 

V. Sinasamba ka namin
at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.

R. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay,
iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo


(Mateo 27, 57-60)

B AGO magtakipsilim, dumating ang isang mayamang


taga-Arimatea na ang ngala’y Jose. Siya’y alagad din
ni Hesus. Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay
ni Hesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya.
Kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong-
kayong lino. Inilagay niya ito sa sariling libingan na di pa
nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong
niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis.

46
Ang Ikalabintatlong Istasyon | 47

PAGNINILAY AT AWIT
Sa piling mo, Ama, ang hantungan
Naming nabubuhay at nagmamahal.
Pumanaw man kami, hindi mawawalay
Sa piling mo, Ama, aming hantungan.
Kaming nabubuhay, naglalakbay,
Hindi maliligaw sa kadiliman.
O, Hesus na tanglaw, aming kaligtasan,
Ikaw ang patnubay ng aming buhay.

PANALANGIN

P ANGINOONG Hesus, binalot ka ng kadiliman ng


kamatayan. Ang tangi mong maliwanag na tanglaw
ay ang malambing na pagmamahal ng iyong Ina, ang
katapatan ni Juan, ang pakikipagkaibigan ni Jose ng
Arimatea at ng ilan pa. Inihimlay ka sa libingan tulad
ng isang napakahalagang kayamanang itinago sa baul,
tulad ng isang butil na ibinaon sa lupa. Binigyan ng
kahulugan at pag-asa ng iyong libing ang aming libing.
Salamat sa iyo, naging isang mapayapang pamamahinga
ito sa kandungan ng inang lupa, na naghihintay ng isang
masayang paggising sa pagdating ng bukang-liwayway
ng Muling Pagkabuhay na wawasak sa mga tanikala ng
kamatayan magpakailanman.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.
ANG IKALABING-APAT NA ISTASYON
 ANG MULING PAGKABUHAY
NI HESUS 
V. Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo
(Mateo 28, 1-6)

M AKARAAN ang Araw ng Pamamahinga,


pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo,
pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang
isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas Bumaba
mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang
batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang
kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi
ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga
48
Ang Ikalabing-apat na Istasyon | 49

bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel.


Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot;
alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala
na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang
sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.”
PAGNINILAY AT AWIT
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.
Koro. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling n’ya.
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man,
tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan. Koro.
Sabay-sabay na mag-aawitan ang mga bansa,
“Tayo’y tinuring ng Panginoon bilang mga anak.” Koro.

PANALANGIN

H ESUS, hindi maaring mabulok ang iyong banal


nabangkay sa libingan. Hindi ka maaaring pigilan
nang higit pa sa kinakailangan sa loob ng iyong libingan.
Ngayon, pinatutunayan ng naigulong na malaking
bato na nagpinid sa iyong libingan at ng pagpapatunay
ng anghel na ang iyong muling pagkabuhay ay totoo.
Pinagtitibay rin nila ang katotohanang kami man sa
darating na panahon ay babangong muli sa kamatayan.
Ang iyong Muling Pagkabuhay, Panginoon, ang huwaran
ng aming muling pagkabuhay, maging ngayon pa man.
Isang hamon ito para sa aming lahat na bumangon mula
sa kamatayang dulot ng kasalanan para sa pinagpalang
buhay.
Ama namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.

PAGWAWAKAS

Panalangin para sa intensiyon ng Santo Papa:


Ama Namin. Aba, Ginoong Maria. Luwalhati.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

M AKAPANGYARIHAN at walang hanggang Diyos,


namatay at matagumpay na muling nabuhay ang
iyong Bugtong na Anak para iligtas kami sa aming mga
kasalanan. Sa iyong kabutihan, muli mong buhayin ang
iyong mga tapat na nananampalataya upang makiisa sa
kanya sa buhay na walang hanggan sa langit, kung saan
nabubuhay siya at naghahari kasama mo at ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

V. Sumaatin at manatili nawa ang pagpapala


ng Makapangyarihang Diyos:
Ama,  Anak, at Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

50
ANG PAGBABASBAS SA PAGBALIK NG MGA
MANANAMPALATAYA MULA SA
BANAL NA PAGLALAKBAY

PANIMULA
Maaring gamitin ang pagdiriwang na ito sa pagsapit ng mga tao
mula sa banal na paglalakbay ng parokya. Sisimulan ang pagdiriwang
pagsapit sa loob ng simbahan.
Punong tagapagdiwang:

S A ngalan ng Ama,  at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


R. Amen.
Punong tagapagdiwang:
Ang Diyos na pinagmumulan ng ating pag-asa at kaligtasan,
at pumuspos sa inyo ng kapayapaan at kagalakan ng Espiritu
Santo, nawa’y sumainyo.
R. At sumaiyo rin.
Magbibigay ng paunang salita ang punong tagapagdiwang:

N AGPAPASALAMAT tayo sa Panginoon sa paglalakbay


na matiwasay at puno ng biyaya. Napuntahan na natin
ang mga banal na pook na humahamon sa ating paghusayin
ang pagbabagong-buhay. Sa ating pag-uwi dito sa ating
parokya na puspos ng pananampalataya, marapat lamang
na mamuhay tayo ngayon sang-ayon sa turo ng Mabuting
Balita. Binigyan tayo ni Kristo ngayon ng misyon upang
ipahayag ang kabutihang ipinamalas niya para sa lahat.

51
52 | ang daan ng krus at mga panalanging kaugnay ng banal na paglalakbay

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Timoteo 4, 6-8, 17-18

Pagbasa mula sa ikalawang sulat


ni Apostol San Pablo kay Timoteo

P INAKAMAMAHAL, ako’y iaalay na; dumating na


ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Puspusan
akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat
kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya.
Kakamtan ko na ang korona ng pagtatagumpay. At sa araw
na yaon, ang Panginoon na siyang makatarungang hukom
ang magpuputong sa akin ng korona, hindi lamang sa akin,
kundi sa lahat ng nananabik sa muli niyang pagparito. Ngunit
pinatnubayan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang
maipahayag sa mga Hentil ang salita; naligtas ako sa tiyak na
kapahamakan. Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat
ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang
kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.
Ang Salita ng Diyos.
R. Salamat sa Diyos.
Ang Pagbabasbas sa Pagbabalik ng mga Mananampalataya | 53

PANALANGIN NG BAYAN
Punong tagapagdiwang:

M INARAPAT ng Diyos Ama na manahan sa ating piling


ang kanyang bugtong na Anak. Manalangin tayo na
puno ng pag-asa at pananampalataya.
Kami’y iyong kahabagan, pagpalain ang iyong bayan.
* Amang banal, niloob mong maglakbay ang mga Israelita
mula sa Ehipto; pagtibayin mo ang aming katapatan sa amin
namang pagtahak sa landas ng katotohanan. R.
* Ipinahayag mo sa amin na sa lupang ibabaw ay wala kaming
lungsod na magtatagal; marapatin mong hanapin namin ang
lungsod na hindi lilipas sa kalangitan. R.
* Itinuturo mo na masdan namin ang mga tanda na iyong
iniwan sa daan bilang patunay ng iyong kadakilaan; bigyan
mo kami ng biyaya na matulad sa mga disipulo sa Emmaus,
na makilala ang iyong Anak na kapiling namin sa aming
bawat hakbang. R.
* Ginagabayan mo ang iyong Simbahang naglalakbay sa
pamamagitan ng Espiritu Santo; hanapin ka nawa namin at
lumakad sa landas ng iyong mga utos. R.
Darasalin ang Ama Namin.
54 | ang daan ng krus at mga panalanging kaugnay ng banal na paglalakbay

PANALANGIN NG PAGBABASBAS
Punong tagapagdiwang:

K APURI-PURI ka Diyos Ama


ng aming Panginoong Hesukristo.
Mula sa lahat ng lahi ng sangkatauhan,
humirang ka ng isang bayang
nagnanais tumupad sa mga atas mo.
Ang iyong biyaya ang nagtulak dito
sa aming mga kapatid
na ibigin ka nang buong puso
at paglingkuran ka nang tapat.
Iniluluhog naming pagpalain mo sila
upang sila’y makapagpatunay
sa iyong di nagmamaliw na paggabay.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ni Kristong aming Panginoon.
R. Amen.

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumaiyo rin.
Ang Pagbabasbas sa Pagbabalik ng mga Mananampalataya | 55

V. Yumuko kayo at hilingin ang pagpapala ng Diyos.

Itataas ng pari ng kanyang mga kamay at ilulukob sa sambayanan.

V. Nawa’y ang Panginoon ng langit at lupa na sumama sa


inyo sa banal na paglalakbay na ito ay panatilihin kayong
nasa ilalim kanyang pagkakandili.
R. Amen.

V. Nawa’y ang Diyos na nagtitipon ng lahat ng magkakahiwalay


niyang mga anak kay Kristo Hesus ay magkaloob sa inyo ng
kaisahan sa puso at isipan.
R. Amen.

V. Nawa’y ang Diyos na nagpapalakas sa inyo sa magandang


hangarin ay pagpalain ang lahat ng inyong papapagal.
R. Amen.

V. At ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos, Ama, 


Anak, at Espiritu Santo ay manaog nawa at mamalagi sa inyo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

V. Humayo kayong mapayapa.


R. Salamat sa Diyos.
SALVE REGINA

V. Ora pro nobis, Sancta Dei Genetrix.


R. Ut digni efficiamur promissionibus Christi.
V. Oremus. Omnipotens … Christum Dominum nostrum.
R. Amen.
V. Divinum Auxilium maneat semper nobiscum.
R. Amen.
56

Anda mungkin juga menyukai