Anda di halaman 1dari 16

KABANATA I

INTRODUKSIYON

Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na


“Globalisasyon” at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. Sa
mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa
kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa. Isa sa masasabing
pagtugon natin sa pagsulong ng teknolohiya ay ang paggamit ng internet at
pagsubaybay sa iba’t ibang social networking services tulad ng facebook, google,
youtube, instagram, twitter at marami pang iba.

Isa nga sa kinagigiliwan nating mga Pilipino ay ang paggamit ng sikat na sikat
na site, ang Facebook. Ang Facebook ay isang social networking website na libre
ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong
kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod,
pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang
tao saan mang bahagi ng mundo. Maaaring makakilala rin ng mga bagong kaibigan
at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay
upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa mga mukhang
nasa aklat na papel (paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang
kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan
sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga
trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.

Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya


sa agham pangkompyuter at mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz at Chris
Hughes habang nag-aaral pa siya sa Pamantasan ng Harvard.

Dahil sa paggamit natin ng facebook ay nakakikilala tayo ng mga bagong


kaibigan sa iba’t ibang panig ng mundo, nakatutuklas tayo ng mga bagong lugar,
nakapagpapahayag tayo ng ating mga pananaw at saloobin at nakasasabay tayo sa
uso.

1
Kaalinsunod ng modernisasyon at paglunsad ng mga social networking
services ay nagdudulot rin ito ng mga positibo at negatibong epekto lalo na sa mga
mag-aaral dahil sa palagiang paggamit ng mga ito.

Sa pagpili ng paksang ito, umaasa ang mga mananaliksik na masagot ang

mga katanungang sumisibol sa kanilang isip. Gamit ang mga makakalap na datos at

impormasyon na siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa mga suliraning

napuna na pinag-aralan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.

2
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay, WayKurat(2015) ang kasaysayan ng teknolohiya ay ang


pagkaimbento ng mga kasangkapan at mga teknik at kahalintulad ng maraming mga
paraan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang panimulang sandigan o kaalaman ay
nagbibigay ng kakayahan sa mga tao upang makalikha ng bagong mga bagay at
maraming pagsusumikap nga pang-agham na naging maaari dahil sa teknolohiya na
nakakatulong sa mga tao upang makapaglakbay at marating ang mga pook o lugar
na hindi nila napupuntahan. Ang artipaktong teknolohiya ay mga produkto ng
sistemang pang-ekonomiya isang pwersa para sa kaunlarang pangkabuhayan at
isang malaking bahagi ng pang araw-araw na buhay. Ang mga ito ay isa ring
kaparaanan o kagamitan upang makapagpaunlad at makapagpamukha o
makapagpamalas ng kapangyarihang pangmilitar.

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aaral kapag ang kabataan ay


napapagod na sa kanilang pag-aaral, dalawa ang maaari nilang gawin. Una ay
magpahinga para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang
pangalawa ay maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng mga kanilang
kaibigan sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon.

Ayon kay Bertillo(2011) sa kasaysayan ng edukasyon malaki ang naiambag


ng teknolohiya. Sa katunayan, ito’y isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang
pag-aaral ay magiging madali at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral
ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral at libangan gaya ng
telebisyon, cellphone at ang personal na kompyuter at dala nitong internet.

3
KAUGNAY NA PAG-AARAL

Pagkalipas nang mahabang panahon ang Facebook ngayon sa bawat


website na masasabi ay isa sa mga pinakaaktibo na gumagamit nito pagpalo sa
taong 2017 umabot sa 2 bilyong katao ang aktibo sa account na ito, bagamat hindi
lahat nang ito ay magkakakilanlan dahil sa lugar o sa ibang pamamaraan, depende
rin ito sa tao na gumagamit. Sa mga Pilipino sa buong sulok ng Pilipinas mula Luzon
hanggang Mindanao ay aktibong gumagamit nito simula nitong 2012 hanggang sa
kasalukuyang taon. Isa pa rito nang idinagdag ang Facebook Messenger o mas
pinaiksi bilang Messenger ay isang aplikasyon na ginawa rin ng mga taga angasiwa
sa facebook noong taong 2011 para makapag-usap nang maayos at maiabot ang
mga mensahe sa taong kinakausap. Patok ito sa mga gumagamit hanggang sa
kasalukuyan. Nagsimula ang Facebook noong taong 2004 at ito patuloy na
namamayagpag hanggang ngayon.

Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, kung saan madalas ay


nakadepende na sa teknolohiya ang mga gawain ng tao. Ang teknolohiya ay isang
imbensyon sa paglapat ng kasangkapan, kagamitan, makina at proseso upang
mapadali ang pang-araw-araw na gawain ng tao.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay kung paano mapatunayan ang


epekto ng palagiang paggamit ng mga facebook sa mga mag-aaral. At upang
malaman ang magandang naiidulot nito sa kinabukasan at kalusugan at lalong-lalo
na sa pag-aaral ng mag-aaral. Sa mga mag-aaral ito ang magsisislbing gabay at
sanggunian para sa kanilang susunod na pananaliksik. Sa mga mag-aaral ng
Cabaruan National High School, upang malaman ang mabuti at masamang epekto
ng paggamit ng facebook. Sa mambabasa at mananaliksik, ito ang magpapatunay
na may may maganda at masamang naidudulot ang palagiang paggamit ng
facebook.

4
Depinisyon ng mga terminolohiya

Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang


mga sumusunod na salita ay binigyang-katuturan:

 Globalisasyon- ang kaparaanan kung paano nagiging global o


pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi
o paraan..
 Modernisasyon- progreso ng pag-unlad ng isang lugar o bagay.
 Teknolohiya- mga imbento at gadget na ginagamit upang mapadali ang
isang gawain.
 Social networking service (SNS)- tumutukoy sa alin mang plataporma na
lumilikha ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga
taong may magkatulad na interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa
tunay na buhay.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pag-aralan ang mga sumusunod:

1. Profayl ng mga respondante ayon sa:


a. Edad
b. Kasarian
2. Ano ang epekto ng palagiang paggamit ng Facebook sa mga mag-aaral?
3. Saan karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral ang facebook?

Saklaw at limitasyon ng pag-aaral

Saklaw ng pananaliksik na ito ang epekto ng palagiang paggamit ng


facebook sa mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ng Cabaruan National High
School. Ito ay maisasagawa sa mga mag-aaral na gumagamit ng facebook sa
piling mga mag-aaral buhat sa ibat-ibang seksiyon.

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

5
Inilalarawan sa bahaging ito kung paano isinagawa ang pag-aaral. Inilahad

din dito ang disenyo ng pananaliksik, paraan ng pagpili ng mga mag-aaral na

kalahok, pagbuo, paglalarawan, at pangangalap ng datos.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang isasagawang pag-aaral ay Descriptive Correlation na pananaliksik.


Descriptive upang mailarawan ang epekto ng palagiang paggamit ng
facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Correlation upang matukoy ang
epekto ng palagiang paggamit ng facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

B. Respondente
Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay animnapu (60)
na mag-aaral na gumagamit ng facebook mula sa Ikapitong Baitang ng
Cabaruan National High School.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey. Ang mga


mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner na siyang ginamit na
instrumento upang makalap ang mga datos kaya nasuri ang pagtatasa at
ebalwasyon sa epekto ng palagiang paggamit ng facebook sa mga respondente.

Ang mga mananaliksik ay nangalap din ng mga naunang pag-aaral,


pananaliksik sa internet at iba pang sanggunian o kagamitan na maaaring
mapaghanguan.

D. Tritment ng mga Datos

6
Pag-tally at pagkuha ng porsyento ang ginawa ng mga mananaliksik sa
pag-aaral na ito. Hindi sinusuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at
kompleks na istatistikal na pamamaraan sapagkat ito’y panimulang pag-aaral pa
lamang. Ito rin ay hindi pinal na mga datos, maaari itong tumaas o bumaba batay
sa mga gagamitin pang respondente ng susunod na pananaliksik.

7
KABANATA IV

PRESENTASYON
AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS

GRAPH 1
PROFAYL NG MGA ESTUDYANTE AYON SA EDAD

Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang edad;


tatlumput apat (34) sa animnapo (60) na respondente o limamput-pitong porsyento
(57%) ay ang may edad na 15-17 taong gulang; labing-apat (14) na respondente o
dalawamput-tatlong porsyento (23%) ang may edad na 12-14 taong gulang; habang
labindalawa (12) respondente o dalawampu (20%) porseyento ang may edad na 18-
20 taong gulang.

8
Pinatunayan lamang na ang may edad na 15-17 taong gulang ang
pinakamataas o pinakamaraming gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaraL.

GRAPH 2
PROFAYL NG MGA ESTUDYANTE BATAY SA KASARIAN
n=60

9
Hinggil sa kasarian ng mga respondente, tatlomput pito (37) sa animnapu (60)
o animnapu’t dalawang porsyente (62%) ang mga lalaki at dalawamput tatlo (23)
respondente o tatlumpot walong porsyento (38%) ang mga babae.

Pinatunayan ng mga datos na ang mga lalaki ang may pinakamarami o


pinakamataas ang bilang ng mahilig gumamit ng makabagong teknolohiya dadil sa
pag-aaral at sa paglalaro gamit ang mga teknolohiya.

Talahanayan 1

MGA TANONG

PANGALAN:__________________________________________
BAITANG: __________________ SEKSYON: ______________

MGA TANONG MADALAS MINSAN HINDI


GUMAGAMIT
1. Ginagamit ang facebook
upang malaman ang mga

10
bagong balita.
2. Inaalam ang tungkol sa mga
kaibigan gamit ang facebook.
3. Naghahanap ng mga laro sa
facebook.
4. Ginagamit ang facebook sa
paghahanap ng mga datos sa
asignatura.
5. Nagpopost sa facebook
tungkol sa personal na bagay.
6. Ginagamit ang facebook
upang makatuklas ng mga
bagong kaalaman.
7. Naghahanap ng usong mga
salita gamit ang facebook.
8. Nagagamit ang facebook
upang magupload lang ng
mga piktyur at bidyo.
9. Ginagamit ang facebook
upang makahanap ng bagong
kaibigan.
10. Ginagamit ang facebook para
sa panonood.

Ayon sa sarbey hinggil sa antas ng Facebook sa kabataan. Apatnapu’t siyam


(49) respondente o walumpu’t isang porsyento (81%) ang gumagamit ng Facebook
araw-araw at 11 na repondente ang hindi masiyadong gumagamit ng Facebook.
Ayon sa 48 na respondente o 80% malaki ang naitutulong ng Facebook sa pang-
araw-araw na pamumuhay at pag-aaral ng mga mag-aaral. 46 respondente o 77%
ang nagsabing nakatutulong ang makabagong Facebook sa pag-aaral.

Dahil dito 45 respondente o 77% ang sumang-ayon sa paggamit ng


teknolohiya sa pagsagot sa mga takdang-aralin ng mga mag-aaral. 32% ang hindi
pabor sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa loob ng klase dahil dito ay
nakaaabala sa pag-aaral ng mga estudyante. 33 respondente ang nagsabing hindi
sapat ang kanilang kakayahan sa paggamit ng Facebook at ayon naman sa 40
respondente ang nagsabing nakadaragdag ng bagong kaalaman ang paggamit ng

11
Facebook. Ang palagiang paggamit ng Facebook ay nakaaapekto sa relasyon sa
ating mga magulangayon sa 36 na respondente at naaapektuhan rin ang pag-uugali
ng mga mag-aaral. Ayon sa 47 respondente naaapektuhan ang kanilang ugali dahil
sa paggamit ng Facebook. Limampu’t-tatlo (53) ang nagsabing hindi nakabubuti sa
kalusugan ang palagiang paggamit ng Facebook.

12
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang Epekto ng


palagiang paggamit Facebook sa mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ng
Cabaruan National High School.

Napili ang paksang ito ng mga mananaliksik upang mapalawig ang


kaalaman ng mga estudyante sa tamang paggamit ng mga makabagong
teknolohiya at upang mabigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa mga
maganda at masamang epekto ng palagiang paggamit ng Facebook.

B. Konklusyon

Batay sa mga datos na inilahad ng mga mananaliksik, ay nagbigay ng


mga pagpapatunay sa konklusyon.

Apatnaput siyam (49) na respondent o walomput isang porsyento (81%)


ang gumagamit ng facebook araw-araw. Ayon sa 48 na respondent o 80%
Malaki ang naitutulong ng facebook sa pang-araw-araw na pamumuhay at
pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa facebook mas nagiging madali at
updated ang mga estudyante sa kanilang kapaligiran. 46 respondente o 77%
ang nagsabing nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa pag-aaral dahil
sa isang Click lamang sa mga teknolohiya ay nakakakuha na ang mga
estudyante ng mga impormasyong napapatungkol sa kanilang pag-aaral. 45
respondente ang sumang-ayon sa paggamit ng facebook sa pagsagot sa mga
takdang-aralin ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral pero 32 respondente ang
hindi pabor sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa loob ng klase dahil
ito ay nakakaabala sa pag-aaral ng mga estudyante. Ang paggamit ng
teknolohiya habang nagkaklase ay hindi maganda sapagkat ayon sa 33
respondente ang nagsabing ag nagsabing hindi sapat ang kanilang
kakayahan sa paggamit ng makabagong teknolohiya at ayon naman sa 40
respondente ang nagsabing nakadaragdag ng bagong kaalaman ang

13
paggamit ng facebook. Ang palagiang paggamit ng makabagong teknolohiya
ay nakakapekto sa relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak. Ayong sa
36 na mga respondente ay naaapektuhan ang ugali ng mga mag-aaral dahil
sa paggamit facebook. Limangput tatlo (53) ang nagsabing hindi nakakabuti
sa kalusugan ang palagiang paggamit ng teknolohiya dahil sa ito ay
nakakasira sa sa taing kalusugaan.

C. Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan at konklusyong nabuo sa pag-aaral na ito,

malugod na inirerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod:

Hinihiling sa mga Guro ng Cabaruan National High School na bigyang-


kaalaman ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng facebook upang sa
ganoon ay matuto sila sa tamang paggamit nito.

Hinihikayat ang mga Guro ng Cabaruan National High School na


bigyan ng ekstensyon/aktibidad ang mga mag-aaral patungkol sa epekto ng
facebook upang malaman pa ang problemang dapat mabigyan ng
karampatang solusyon.

Hinihiling sa mga estudyante ng Cabaruan National High School na


ibahagi ang kanilang kaalaman hinggil sa tamang paggamit ng facebook
upang magsilbing gabay sa mga taong gumagamit nito.

Iminumungkahi rin ng mananaliksik na magkaroon pa ng masusing

pag-aaral nang magkaroon ng higit na oras na makapagsagawa ng

pananaliksik na katulad nito upang sa ganoo’y maging makabuluhan

isinagawang pag-aaral.

14
15
BIBLIOGRAPIYA

Listahan ng mga Sanggunian

WEBSITE

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/kasaysayan_ng_teknolohiya

http://www.academia.edu/16314885/Epekto_ng_teknolohiya

http://www.abante_tonite.com/epekto-ng-teknolohiya.htm

http://sccbloggers.blogspot.com/2013/03/makabagong-teknolohiya

https://tl.wikipedia.org/wiki/Facebook.com

16

Anda mungkin juga menyukai