Anda di halaman 1dari 3

ANG PAANYAYA (A Spoken Poetry for Kalinga Partylist)

Pag-gising sa umaga,
Pamilyar na ang senaryong hahanapin ang sinag ng pag-asa—
sikat ng araw, may mga sinag na naghuhudyat
upang muling abutin ang mga pangarap,
pangarap para sa lipunan, sa pamilya, sa sarili
pangarap na matamo ang tunay na pagkalinga.
Kailan nga ba makaka-ahon?
Kailan ba makakabangon?—
bukas? Sa makalawa?
Mga katanungang nangangailangan ng konkretong kasagutan,
Tanong ng bawat Juan para sa bayang sinilangan

Pero—
PILITIN MO
Pilitin mong labanan—
Piliin mong umahon sa pagkakabaon sa putik ng kahirapan
Huwag mong sisisihin ang tadhana sa kalagayang mong di mawari kung nasaan ang tama
Kumawala ka, umalpas ka
sa kaisipang hindi na sisilang ang tunay na pag-asa
Pilitin ang sarili na hindi pa tapos ang laban hangga’t may paniwala
Isipin mong hindi mababalewala pagkat
Magbubunga—ang bawat iginawad na pagkakatiwala
Basta’t puhuna’y dugo’t pawis,
pagsusumikap, naglalagablab na pag-asa.

KUMAPIT
Kumapit sa tali ng pagkakaisa,
Kumapit sa habi ng sinulid na bubuo ng iyong pangarap
Kumapit nang mahigpit na ano man ang agos at unos ng buhay
Hindi ka bibitaw sa matibay na pundasyong inanyuan ng iyong kamay
Kumapit sa katotohanang hindi ka nag-iisa
Sa paglinang ng lahat ng iyong makakaya,
Bumangon, magsikap sa pagbuo ng bawat haligi ng tagumpay
Na kikinang sa bawat sulok ng mga barangay
Kaya pagtibayin ang tatag ng puso at sarili—
SA PAG-ASA
Oo.. Sa pag-asa mo itingin ang iyong mga mata,
Huwag mong titigilan ang iyong pagsusulat, pagbabasa
Na siyang unang hakbang ng iyong makinang na bukas
Na sa sakit ng lipunan, ito ang tanging lunas
Dagdag karunungan, susi ng pag-asa—
Walang pera?
Hindi yan problema.
May kasangga ka upang ipagpatuloy ang iyong pangarap
Kasangga mo na magpapadama sayo ng isang tunay na paglingap
Upang marating mo ang kislap ng hinaharap
Kakampi mong mayroong paninindigan
Na ang edukasyon ay di ipinagkakait pagkat ito’y natatanging pamana
Gamit ang lapis, papel at makukulay na krayola
Mumunting mga pangarap ay maiguguhit na
Sisimulang abutin na hanggang maitititik sa kasaysayan nila.

PANAHON NA
Panahon na para magtulungan, magbayanihan—
Kapit bisig—tatak ng tunay na Pilipinong samahan
Hindi susuko, sama-samang lalaban,
babangon para sa maginhawang kinabukasan
Ngingiti ano man ang pagsubok na maranasan
Ibibigay ang kanang kamay ng pakikiisa
Kikilos…para sa kababayang nasalanta—
Sama-sama, tulong-tulong ipapadama ang pagkalinga
Pagmamalasakit sa puso’y hinding-hindi huhupa
Isang pag-asang magbubukas sa panibagong umaga.

Ito ang sama-sama nating misyon


Na ano man ang problema’y mayroong solusyon
Kayang-kaya ang lahat basta tayo ay tutugon
At sa mga ito, patuloy tayong magkakaroon ng inspirasyon—
PARA PILIIN
Piliin ang dumamay, maki-isa sa pagbibigay ng tunay na pagkalinga—
Ihanda ang iyong mga kamay sa pagbibigay sa kapwa ng malasakit,
Serbisyong totoo at hindi pilit
Pagkat kapakanan ng kababayan ang laging nasa isip

Aabutin ka saan ka man narooon


Sa sulok man ng Pilipinas maaasahan mo ang pagtugon
Pakikinggan ang iyong mga daing
Sa pamamagitan ng serbisyo sa pinto mo ay dadalhin
Laging aalalahanin ang iyong kalagayan
Bata, may-edad, may sapat mang karunungan
Walang pinipiling estado at edad
pagkat pag-ibig sa kapwa ang ihahatid ng may kalidad
Makakaasa ka sa mga libreng gamot at serbisyong medikal
Pagkat ang iyong kalusugan ang tunay na prayoridad
Tutulungan ka hanggan sa maramdaman mo ang muling pagginhawa
Ng iyong pakiramdam dahil sa tunay na kalinga

Kaya lagi mong isipin at gawin kung ano—


ANG TAMA
Pagbibigay ng kalinga’t pagmamahal ang tama,
Pagmamalasakit, pagkakaisa, pagsasama-sama: iyan ang tama
Aabutin ka sa iyong kalagayan at pangangalagaan ang iyong kapakanan
Pagkat sa pagdamay sa kapwa ay hindi-hindi tayo aatras upang maipadama ang tunay na

Kalinga—isang salitang nagbibigay-linaw sa hinahanap ng masa,


Salitang may kasiguraduhan, kapag tayo’y magdamayan
Salitang patuloy na ninanasang makamtan ng bawat isa
Ay muling maihahatid sa pamamagitan ng ating pagkakaisa

Kaya sa maliit na paraan na ating magagawa,


Tara na’t samahan ang maglalaan ng tunay na kalinga
Laging isaisip na kailangan natin ang isa’t isa upang higit na maipadama ang pag-ibig sa kapwa
Kaya naman para sa ating lahat na magkakababayan

Kalinga’y suportahan at ipamalita ng tuluyan upang ang galak, pag-ibig, at kapayapaan ang maghari sa
buong Pilipinong sambayanan.

Kaya (huwag tayong bibitaw…)—


PILITIN MO KUMAPIT SA PAG-ASA.
PANAHON NA PARA PILIIN ANG TAMA.
SAPAGKAT KUNG MAY KALINGA,
MAY PAG-IBIG SA KAPWA.

Anda mungkin juga menyukai