Anda di halaman 1dari 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
Rizal Street, Sta. Rosa ,Nueva Ecija
TALAVERA NORTH DISTRICT
SICSICAN MATANDA ELEMENTARY SCHOOL
Sicsican Matanda, Talavera, Nueva Ecija

Mala-Masusing Banghay Aralin sa FILIPINO 6


I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaaasahang:
A. Matukoy ang sanhi at bunga sa pangungusap.
B. Mailarawan ang kaugnayan ng sanhi at bunga.
C. Makapagbigay ng halimbawa ng sanhi at bunga.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
Sanggunian: Filipino 6, Modyul 16 pp.169-180
Kagamitan: larawan, Powerpoint Presentation

III. PAMAMARAAN/ YUGTO NG PAGKATUTO:


1. PAGGANYAK:
Pag-awit ng awiting “ Kapaligiran”
Pagtalakay sa nilalaman ng awitin.
Ano-ano ang maaring mangyari kung ipagpatuloy natin ang pagpapabaya sa
ating Kapaligiran?

2. PANIMULANG GAWAIN:

A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang magiging bunga ng sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagbubuga ng usok ang mga sasakyan.

2. Nagkalat ang basura sa mga kanal, estero at ilog.

3. Kailangan ang muling pagtatanim ng mga puno sa nakalbong kabundukan.

B. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang sanhi ng sumusunod na mga


sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bumagsak sa klase.

2. Sumakit ang tiyan.

3. Ipinagmamalaki si Romel ng kanyang mga magulang.

3. MAHALAGANG TANONG:

May napapansin ka bang pagbabago sa ating kalikasan? Anu-ano ang mga


pagbabagong ito? Nakabubuti ba o nakasasama ang mga ito? Sa palagay ninyo,
nagagalit din ba ang kalikasan?
4. PAGHAWAN NG BALAKID:

Talasalitaan:
1. pagdiriwang – selebrasyon; pagpipista
2. dukha – mahirap
3. tradisyon – kaugalian na pamana ng unang panahon

5. PAGLALAHAD : Pagbasa ng isang kwento “Minsan, Nagalit ang Ilog” at


Pagsagot sa mga katanungan.

6. PAGTALAKAY:

Ang mga pangyayari ay may ugnayang sanhi at bunga. Ang sanhi ay ang pangyayaring
nagsasaad ng dahilan at ang bunga ay ang kinalabasan o epekto.

May mga pangyayari sa kuwentong may ugnayan.

- Ano ang dahilan ng pagiging marumi ng ilog? Tinambakan ito ng mga basura ng tao.

- Ano ang epekto ng hindi pakikinig ng mga tao nang hindi na sila pinasakay sa pagoda dahil
punung-puno na ito? Lumubog ang pagoda.

May pangyayaring maiuugnay sa isa pang pangyayari at maaaring ito ang sanhi o bunga.

Ipapanood ng guro ang isang “multimedia” tungkol sa sanhi at bunga para sa karagdagang
impormasyon.

7. PAGLALAPAT:

A. Ibigay ang sanhi ng sumusunod na kinalabasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagkasakit ng ulcer.
2. Iniwan ng mga kasamahan.
3. Mababang grado.

B. Ibigay ang maaaring bunga ng mga nakalahad na sanhi o kaisipan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Laging nagpupuyat sa gabi.


2. Mahilig sa kendi, inuming de-bote at ibang sitserya.
3. Nasiraan ng sasakyan sa daan.

IV. PAGTATAYA:

A. Punan ng angkop na sanhi at bunga ang mga kahon kaugnay ng sinundang detalye.
Gawin ito sa saguting papel.

B. Basahin ang kalagayan. Ibigay ang sanhi at bunga. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Nagsawalang bahala si Jay sa pagsusulit, lumagpak siya.


Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________

2. Palaging nagtutulungan ang kasapi sa pamilya ni Mang Luis kaya nakaraos sila.

Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________

3. Nasisiyahan ang mga magulang ni Joy sa kanya dahil mabuti siyang anak.

Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________

4. Huwarang mag-aaral si JC kaya pinarangalan siya.

Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________

5. Pinabayaan ni Rosel na pinaglaruan ng kanyang aso ang kanyang aklat, napunit ito.

Sanhi: _________________________________________________
Bunga:

V. TAKDANG ARALIN:

Pangkatin ang mga bata sa lima at magkaroon ng dula-dulaan. Gamitin ang Sanhi at
bunga sa iskrip na gagawin.

Inihanda ni:

EDUARDO A. ZAMORA, JR.


Guro

Anda mungkin juga menyukai