Anda di halaman 1dari 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Mandaue City

MANDAUE CITY SCHOOL FOR THE ARTS


Secondary Department
Capasanan, Casili, Mandaue City
S.Y. 2018-2019

MASTERY TEST sa ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: __________________________________ Petsa: ________________ Iskor: ____________


I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1.Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong kominidad na


may iisang batas, tradisyon,at pagpapahalaga.
a.lipunan b. bansa c. komunidad d. organisasyon
2. Isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
a. Lipunan b. bansa c. komunidad d. organisasyon
3. Ang nagsabi na “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-
aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan”.
a. Charles Cooley b. Emile Durkheim c. Karl Marx d. John Maynard Keynes
4.Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong mgay pagkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa
bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
a. Institusyon b. Social Group c. Satus d. organisasyon
5.Tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng
indibidwal.
a. Lipunan b. Status c. Socila Group d. Gampanin/Roles
6. Isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang
grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
a. paniniwala b. pagpapahalaga c. norms d. Kultura
7. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at
kung
ano ang hindi.
a. Paniniwala b. Pagpapahalaga c. norms d. symbols
8. Isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawing ito ay ________ sa isang paraan ng
pagpapakita
ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda.
a. Simbolo b. norms c. paniniwala d. pagpapahalaga
9. Ayon sa kanya, mahalagang malinang ang isang kakayahang makikita ang kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological
Imagination.
a. Charles Cooley b. John Maynard Keynes c. C. Wright Mills d. Adam C. Mills
10. Ang isyung ito ay maituturing na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
a.Isyung personal b. Isyung Panlipunan c. Achieved Issues d. Ascribed issues
11. Ito ang pinakukunan ng mga hilaw na materyales upang gawing produkto at pinagmumulan din ito ng
ibat-
ibang hanapbuhay
a. yamang-tao b. yamang-mineral c. industriya d. likas na yaman
12. Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay ng humigit kumulang sa 65 milyong Pilipino ay ang pagsasaka at
pangingisda na bumubuo sa halos __% ng GDP ng Pilipinas noong 2014.
a. 20% b. 25% c. 30% d. 35%
13.Halos 25% ng mga basura sa Pilipinas ay nanggagaling sa anong lugar?
a. Navotas City b. Metro Manila c. Quezon City d. San Juan City
14. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report, 2015. Anong uri ng tinatapong basura ang
may
pinakamalaking porsyento na may 52.31%?
a. Hazardous b. Non-Biodegradable c. Bio-degradable d. Electronic waste
15. Ang NGO na naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa
kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan.
a. Mother Earth Foundation b. Clean and Green Foundation c. Bantay kalikasan d. Greenpeace
16. Ayon sa FAO ng United Nations, _______ ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng
kagubatan dulot ng ibat-ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad (FAO, 2010).
a. Deforestation b. Illegal Logging c. Migration d. Illegal Mining
17. Ito ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maari ding napabilis o napapalala dulot ng gawain
ng tao na sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming.
a. Deforestation b.Illegal Mining c. Fuel wood harvesting d. Climate Change

18. Suliranin sa karagatan na unti-unting pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba
pang lamang dagat at nagdudulot ng pagbaba ng nahuhuling isda at pagkawala ng iba pang species.
a. Muro-ami b. paggamit ng fine nets c. Coral Bleaching d. pagtatapon ng basura
19.Isinasabatas ito kung saan ay naglaan ng sampung libong piso para sa reforestation ng Talisay-
Minglanilla
Friar Lands Estate ng Cebu noong 1916.
a. RA 9003 b. RA 2649 c. RA 115 d. RA 9072
20. Taong 2015 nilagdaan ang Executive Order No. ____ na may layunin na palawakin ang sakop ng
National
Greening para mapalawak ang mga programa sa pagpapanumbalik ng kagubatan.
a. 190 B. 191 c. 192 d. 193
21. Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano,
Pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
a. Disaster Framework b. Disaster Management c. Disaster Risk Reduction d. Disaster Plan
22. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng mga tao na maaaring magdulot
ng pinsala sa buhay, ari-arian at kalikasan.
a. Hazard b. disaster c. Risk d. Natural Hazard
23. Ang mga bagyo, lindol, tsunami, storm surge, at landslide ay mga halimbawa ng ______
a. Hazard b. disaster c. Risk d. Natural Hazard
24. Tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
a. Hazard b. disaster c. Risk d. Natural Hazard
25. Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta o hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang
maranasan.
a. CBDRM b. PDRRMF c. NDRRMC d. Disaster Management
26. Sa approach na ito ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng
kanilang komunidad.
a.Top-Down b. Bottom-Up c. CBDRM d. Disaster Management
27. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay
mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang particular na panahon.
a. Hazard Assessment b. Vulnerability Assessment c. Capacity Assessment d. Risk
Assessment
28. Sa pagsasagawa ng Assessment na ito, itinatala ang mga kagamitan, imprastruktura at mga tauhan na
kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad.
a. . Hazard Assessment b. Vulnerability Assessment c. Capacity Assessment d. Risk
Assessment
29. Ang papagawa ng dike upang mapigilan ang pagbaha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng
mga
floodgates, at pagpapatayo ng earthquake proof buildings ay isang halimbawa ng _____________.
a. Structural Mitigation b. Non structural Mitigation c. Material Mitigation d. Non Material
Mitigation
30. “Ang kagubatan ay tirahan ng ibat-ibang mga nilalang na nagpanatili ng balance ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang
balanseng ito dahil kung patuloy na masisira to ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmula din sakagubatan ang
ibat-ibang produkto tulad ng tubig, gamot,damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga
industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.”
Anong likas na yaman ang tinatalays sa talata?
a. Yamang tubig b. Yamang lupa c. Yamang gubat d. Yamang Mineral
31.National Disaster at a Glance (Senate Economic Planning Office, 2013)

Impact of Natural Disaster can cause considerable loss of lives, homes, livelihood and services.
They also result in injuries, health problems, property damage, and social and economic
disruptions. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines caused the death of 12, 899m
people and injury to 138, 116 persons. These disasters also affected more than 71 million
individuals and rendered almost 375, 000 persons to homeless. The socio-economic damages are
estimated at US $3.37 billion with average annual damages of US$251.58 million.

Ano-anong aspeto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?


a. Kalusugan, Kabuhayan, Kalikasan b. kabuhayan, kalakalan, at Kalusugan
c. Kalakalan, Kapayapaan, Kalikasan d. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
32. Anong batas ang ipinapatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa ibat-ibang desisyon at proseso
ng pamamahala ng Solid waste sa bansa?
a. Republic Act 9003 b. Republic Act 8742 c. Republic Act 7942 d. Republic Act 7586
33. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
a. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
b. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa
lipunan.
c. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa
mga
suliraning pangkapaligiran.
d. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito.
34. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster Risk
Reduction and Management (DRRM) Plan?
a. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga
kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
b. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano
magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
c. Hinikayat ni Albertang kanyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara
nito
na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
d. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang
makalikom
ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa ibat-ibang
kalamidad.
35. Pagtuunan ng pansin ang Step 1, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan
nakapaloob ang collaboration with community and stakeholder?
a. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo
b. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan
c. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor
d. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan
36.Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
a. Disaster Prevention and Mitigation b. Disaster Response
c. Hazard Assessment d. Recovery and Rehabilitation
37. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction
and
Management Plan?
a. Capability Assessment b. Hazard Assessment c. Loss Assessement d. Vulnerability
Assessment
38. Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan

“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C.
Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng
trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may
isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang
lipunang
mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung

Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?


a. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
b. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal
ay
nakakaapekto sa isang tao lamang.
c.. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.
d. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.
39.Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015)
Sanggunian:

Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan.
Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit n n gating
pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung
ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng
lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman
para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo hbang hindi pa huli
ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di
mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.
Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
a.Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
b. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
c. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
d. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
40. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Materyal na kultura maliban sa
a. gusali b. likhang-sining c. paniniwala d. kagamitan
41. Ang Solid waste ay tumutukoy sa
a. Mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento
b. mga basura na nakikita sa paligid na tinatapon ng mga mamamayan
c. mga basura na nagmumula sa agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason
d. Lahat ng nabaggit
42. Ayon sa (National Solid Waste Management Status Report , 2015), Anong uri ng basura ang may
malaking
bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste?
a. biodegradables b. recyclables c. residual d. special
43. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng Community Based-Disaster and Risk Management maliban
sa
a. Ang pamayanang may banta sa hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagsuri,
pagtukoy,pagtugon, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan
b. Isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay.
c. Napakahalaga ng partisipasyon ng mga NGO na siyang may pinakamataas na posibilidad na
makararanas ng mga epekto ng mga hazard at kalamidad.
d. Ang mga mamamayan ay bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng mga desisyon at implementasyon ng mga
gawain na may kaugnayan sa risk management.
44.Ang CBDRM ay nakaayon sa konsepto ng _______________
a. Top-Down Approach b. Bottom-Up Approach c. Disaster Management d.
PDRRMF
45. Ang mga sumusunod ay katangian ng Bottom-up Approach maliban sa
a.Pagkilala sa pamahalaan na may maayos na pagpapatupad nito
b. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
c. Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinasyal ay kailangan.
d. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano
46. Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga sumusunod maliban sa
a.Kagamitan b. paniniwala c. imprastruktura d. mga tauhan
47. Bilang mag-aaral mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan.
Ang mga sumusunod ay mga dahilan maliban sa.
a.Makakatulong upang maging aktibong bahagi ka ng mga programa at polisiya
b. makakatulong sa pagkamit ng ganap na transpormasyon bilang isang indibidwal at lipunan.
c. Upang maumawaan ang mga sanhi at bunga ng mga isyung personal na nakapaloob sa iyo.
d. Magkaroon ng bahaging ginampanan sa paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran
48. Bakit mahalaga ang Disaster Risk Assessment? Ang mga sumusunod ay mga dahilan maliban sa
a. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng mga datos sa pagtukoy, pagsusuri at pagtatala ng mga hazard
b. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan.
c. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga bagay na wala sa kanilang komunidad
d. Nagtatala ng mga hazard na kailangang bigyan ng prayoridad o higit pang atensyon.

Anda mungkin juga menyukai