Anda di halaman 1dari 1

Karl Andrew F.

Gomez
Spoken Poetry
Guro
Gagabayan tayo hanggang sa kanyang makakaya, hinubog nya ang ating pagkatao sinermonan at
pinagalitan hindi para sakanya ngunit para sating pangangailangan, ginabayan tayo upang
maging isang mabuting magaaral ganun nadin sa ating tahanan.
Uunahin nya tayo bago ang kaniyang mga gawain tinutulungan nya tayong matuto gamit ang
kaniyang kaalaman kahit mahirap matutunan ang kaniyang tinuturo ay hindi sya magsasawang
ulit ulitin satin to.
Ramdam nya ang ating mga paghihinagpis sinabihan na kalimutan ang problema tinulungan nya
tayong maging isang mabuting ihemplo para sa iba
Obligasyon nya tayong maturuan, gabayan, at alagaan kaya dapat ibalik din natin ito sakanya
kahit hindi na bilang isang guro kungdi ay bilang isang magulang.
Sa unang pagpasok sya ay nagpakilala mararamdaman mo ang galak at saya na kanyang dinadala
sa bawat salita nya ay nakatitig tayo sa kaniyang mga mata na makikita mo ang bakas ng hirap
na kaniyang nadama bago niya marating ang kaniyang minimithing propesyon.
Pinagtyagaan nya tayo kahit tayo’y mga pasaway hindi man tayo palasunod sakanya mas
pinapahaba nalang nya ang kaniyang pasensya, isa kang bayani para sa aming mga magaaral
dimo man kasing galing si batman ay kaya mo kaming iligtas pag dating sa kawalan, isa karing
manggagamot na ginamot ang aming mga kahinaan kahit minsan na kami ay nagbibingibingihan
ay pinagtyatyagaan mo padin kaming turuan isa karing payaso na kahit na magulo ang ating
klase ay kaya mo pading lusutan at gawing kwela ang buong araw sa pagbibigay mo lang ng mga
simpleng biro ay nagagawa mo ng patawanin ang mga studyante mong mga pasaway .
Kaya pasensya, pasensya na kung hindi kami palakinig at kami ay pasaway hindi man naming
nasasabing mahal ka namin at hindi din naming ito napaparamdam ay alam naman naming sa
sarili namin na ikay ay mahalaga samin