Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.
Matinding puot sa akin ay bumabalot
Pagkat wala ka pag ako ay nalulungkot
Pero aking ina malapit na
Na ikaw ay magbalik at magbigay ligaya.
Tatlong buwan ako noong kami’y kanyang iniwan. Isang lalaking minahal ng aking ina at ang aking pinanggalingan. Ngunit hindi maalis-alis sa aking isipan kung bakit nagawa niya ito ng wala man lang paalam. Minsan napapaisip ako kung ako ba ay isang bunga ng kasalanan . Pagkat ako ay parang isang binhi na hindi nadidiligan. Itninuring ko ang aking sarili na isang halaman pagkat ako ay isang anak na kulang sa pag aaruga at pagmamahalan.
Ang aking lolo at lola ang aking naging magulang nang lumayo ang aking ina upang makipagsapalaran. Malaki ang aking pasasalamat sa kanila dahil sila ang gumabay sa akin hanggang sa ako’y nagkaisip na.