Anda di halaman 1dari 3

Name: Justine Amiel B.

Centeno
Section: Grade 9 – St. Scholastica

Marites B. Centeno – Procurement Manager/Registered Architect

Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit lumaganap ang inflation sa ating bansa?

Ang inflation ay dulot ng pagtaas ng presyo ng langis o krudo, isa rin sa dahilan ay ang
pagpapatupad ng bagong Tax Reform Law or TRAIN Law.

Napapansin niyo ba ang biglaang pagtaas ng bilihin?

Kapansin-pansin ang biglaang pagtaas ng mga bilihin dahil sa inflation. May mga produkto din na
bagamat hindi nagbago ang presyo ay nagbago naman ang “ serving size “ nito ibig sabihin ay
kumonti o lumiit kumpara sa orihinal na laki bago ang inflation.

Mahirap ba na nangyayari ang inflation ngayon?

Masasabi ko na mahirap, lalo na sa mga taong hindi sapat ang kinikita o walang hanapbuhay.

Ano ang naging epekto ng inflation sa inyong pagbubudget?

Dahil sa inflation, hindi nagiging sapat ang buwanang budget para sa mga pang-araw-araw na
pangangailangan tulad ng pagkain at bagay na kinokonsumo
Bilang isang propesyonal, sapat ba ang kita niyo para makasabay sa inflation?

Sa ngayon ay masasabi ko na sapat pa kung mananatili na may trabaho kaming mag-asawa at


kung magsasagawa ng pagtitipid sa mga gastusin. Habang mataas ang presyo ng mga bilihin ay
dapat din iwasan ang paggastos sa mga bagay na hindi importante.

Naging handa ba kayo sa biglaang pagtaas ng bilihin? Masasabi ko na hindi kami handa sa
biglaan at malalang inflation rate. Lalo na kung hindi rin agad maitataas ang kinikita ng mga
manggagawa.

Paano kayo naapektohan ng inflation bilang isang konsyumer?

Bilang isang konsyumer, mas nagiging mapanuro ako sa presyo at kalidad ng mga bagay na binibili
ko.

Paano naman kayo naapektohan ng inflation bilang isang propesyonal?

Maging ang mga propesyonal ay hindi ligtas sa epekto ng inflation. Dahil ang mga propesyal ay
kailangan din bumili ng mga pangunahing pangangailangan, bagama't kahit paano ay may sapat
na kinikita ang isang propesyonal, ay kinakailangan pa rin na magtipid upang mapanatiling sapat
ang budget.

Sa tingin niyo, dapat ba na matigil na ang inflation sa bansa?

Lahat ng bansa ay maaaring nakararanas o makakaranas ng inflation. Ito ay isang natural na


sitwasyong pang-ekonomiya na pinagdaraanan ng isang bansa. Hindi ito matitigil sa isang iglap
lang, mahabang proseso ang pagdaraanan ng bansa upang umahon sa ganitong pang-
ekonomiyang sitwasyon.

Ano ang gusto niyong sabihin sa pamahalaan ukol sa inflation?

Nararapat lang na pag-ukulan ng masusing pag-aaral at aksyon ng pamahalaan ang problema sa


inflation upang hindi na lumala ang epekto nito sa mga mahihirap.

Anda mungkin juga menyukai