Anda di halaman 1dari 1

“Ang aking pa-ibig “

Ni: Alvin Bollido

Ang aking pag-ibig sintamis ng asukal


Na pag iyo’y natikman ika’y matatamisan
At pag iyo’y naramdaman ika’y masisiyahan
Dahil ang pag-ibig ko’y tunay magpakailanman.

Pag-ibig ko siyang nag papasaya at nag bibigay lunas


Sa taong may nadarama lalo na pag puso mo
Ay nasaktan na tiyak ang pag-ibig ko ang siyang
Magpapanumbalik at magbibigay sigla.

Ngunit pa’no ngaba kung ang puso ko ay masaktan


Makakaya ko ba na ang sarili ko’y lunasan sapagkat
Ang iyong pag-ibig din ang aking inaasahan
Upang magbigay lakas at lunas sa aking karamdaman.

Ang pag-ibig ang siyang lakas ng taong nalulumbay


At sa taong nawawalan ng pag-asa sa kanyang buhay
Pag-ibig ang nagbibigay insperasyon upang siya’y
Lumaban sa lahat ng pagsubok na kanyang pinagdadaanan.

Pag-ibig, pag-ibig ang siyang makapangyarihang lunas sa lahat


Sa lahat ng puso’t may galit, poot at di pag kakaunawaan
Puso ang tulay O daan upang magka
Intindihan, magmahalan at magkapatawaran.

Kaya’t ngayon pag-ibig ay ating pairalin pagmamahal


At pag mamalasakit sa kapwa’t isipin
Kung lahat ng tao’y ito’y gagawin tiyak kasiyahan
At kapayapaan ang mananaig dito mundo natin.

Anda mungkin juga menyukai