Anda di halaman 1dari 1

Agos ng tubig sa batis ay lumalagaslas

Sa tabi ng bato ito'y humahampas


Batis na walang tigil sa pag-agos
Na kung saan marami ang nabubuhay
Marami ring namamatay

Agos ng batis sa buhay ng tao


Tumatakbo sabay nito sa dagat
Na wagas ang tungo
Buhay natin sa Diyos nanggagaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa

Ang buhay ng mga tao dito sa mundo


Ay tulad ng isang batis
Umaagos nang kay bilis
Mahirap man kung iisipin
Ngunit kung itagubilin
Batis man sa agos mo
Ay may tuwang mamasdan

Agos ng batis sa buhay ng tao


Tumatakbo sabay nito sa dagat
Na ang wakas ang tungo
Ang buhay mo sa Diyos nanggagaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa

Agos ng batis sa buhay ng tao


Tumatakbo sabay nito sa dagat
Na ang wakas ang tungo
Ang buhay mo sa Diyos nanggagaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa

Anda mungkin juga menyukai