Anda di halaman 1dari 1

Isang napakagandang programa ang idinadaos natin ngayon,ang pagdiriwang ng

National Women’s Month. Ang mga ganitong pagtitipon ay di lamang kaprisyo kundi
minamandato ng ating Saligang Batas. Sabi sa Article II, section 14 ng 1987 Constitution,
“Binibigyang pansin ng Estado ang papel ng kababaihan sa pagtatayo ng ating Nasyon at dapat
nitong siguruhin ang pagkaka-pantay-pantay ng batas para sa kalalakihan at kababaihan”

Naalala ko tuloy ang isang kasabihan, “No matter where you are, inspire and empower
the women around you. Success is never reached alone. And wisdom and wealth are sweeter
when shared” ibig sabihin nito misyon ng bawat kalalakihan na bigyan ng inspirasyon at
palakasin ang kababaihan sapagkat ang tagumpay daw ay di nakakamit ng mag isa. At ang
karunungan at kayamanan ay mas matamis kung meron kang pinagbibigyan.

Kaya ang tema natin sa araw na ito ay naaangkop. “We Make Change work for Women”.
Ano man ang pagbabagong ihahatid ng ating Gobyerno, dapat laging may pagpapahalaga sa
kababaihan. Kagaya ng GAD sa bawat opisina ng Gobyerno, Magna Carta for Women na
nagpoprotekta sa kanila sa kanilang pagta-trabaho, ang RA 9262 o sa pagkakaalam ng
karamihan ay VAWC na nagpo-protekta sa mga kababaihan at kanilang mga anak laban sa pang-
aabuso.

Nitong nakaraang March 22, 2019 ay naipasa na ng Munisipyo ng Sablayan ang GAD Plan
and Budget para sa taong 2020 sa DILG. Nakapaloob sa GAD Plan and Budget for 2020 ang GFPS
Building isang proyekto ni Mayor Ed Gadiano upang lalo pang ma-institutionalized ang GAD sa
Munisipyo ng Sablayan. Napagawa na rin ang WCPU and Women’s Detention Cell para sa mga
kababaihang naka-detine sa PNP. May mga naibigay na ring GAD Sensitive CR sa mga
eskwelahan. Kahapon lang ay nagkaroon ng libreng contraceptive implant at breast examination
para sa ating mga kababaihan.

Marami ng nabago, ngunit marami pa rin dapat baguhin. At ang mga pagbabagong ito
ang siyang ating gagamitin para sa ikabubuti at kapakanan n gating mga Kababaihan dahil “WE
MAKE CHANGE FOR WOMEN WORK”

Anda mungkin juga menyukai