Anda di halaman 1dari 4

Nathanael C.

Macarasig BSED FILIPINO

Banghay Aralin
(Pakitang Turo)

I. Layunin

 Natutukoy ang pagkakaiba ng Pagpapakahulugang Metaporikal at Literal.


 Nakapagbibigay ng sariling saloobin base sa parabulang napakinggan.
 Nakasusulat ng dayalogo gamit ang mga metaporikal na salita.

II. Paksang Aralin

Panitikan: “Ang Pulubi” Isang Parabula.

Sanggunian: Ang Pitak , Pandayan ng Isip,talino at angking kasanayan. Grade 8 (pahina 20)

Kagamitan: Kagamitang biswal, yeso at pambura.

Wika: Pagpapakahulugang Metaporikal

Pagpapahalaga: Kabutihang-asal, pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Bilang ng Oras sa Klase: 50 minuto

Klase: 8-Bonifacio

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos sa silid
 Pagtala sa Liban sa klase
B. Panimulang Pagtataya

PABULA

C. Pagganyak

Mag-isip ng bagay na maaring maihalintulad sa banal na kasulatan.


D. Aralin (Pagbasa sa Teksto)

Masining na pagkukwento ng Guro

(PUPPET SHOW)

Ang Pulubi

Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga nagdaraan. Isang
gabi, sila'y ginising mula sa pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na iyon
ay may namataan silang isang pambihirang nilalang.

Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang disenyo ng kasuotan nito. Natuwa ang dalawang
pulubi. "Ito na marahil ang hari ang mga hari," ang sabi ng isa. "Tama, Pagkakalooban niya tayo ng
kayamanan, at hindi na uli tayo kailangan pang mamalimos!"

Lumapit nga sa kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong
nito. Nagtaka ang isang pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang naisaloob niya.

Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at kumuha ng


pinakamalaking piraso ng tinapay na mayroon siya. "Anong gagawin mo?" ang tanong ng naunang pulubi
dito. "Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay." "Nababaliw ka na ba? At papaano ka?"
"Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at ito ang aking gagawin!"

Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang aking maipagkakaloob,"
ang sabi pa nito sa hari." Ngunit ito na po ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin
ninyo." Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng pulubi.

Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng naghahagilap ang pulubing
iyon sa paghahanap ng maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais.
Inalay nito sa hari ang naturang butil ng mais. "Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi
pa nito. Iyon lang at tinanggap iyon ng hari. At bigla ngang naglaho ang liwanag at nawala na rin ang
hari. Maya-maya'y may napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat iyon.
Nang buksan niya iyon, laking gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang
malaking piraso ng ginto na 'sing laki ng tinapay na ipinagkaloob niya sa hari! Napalunok ang isa pang
pulubi nang makita iyon. Nang bisitahin din niya ang kanyang sako, hindi siya nagulat nang makita
niyang nakalagay na ginto doon. Gintong 'sing liit ng isang butil ng mais na ipinagkaloob niya.

Mga Gabay na tanong para sa mga mag-aaral:

 Ano ang magkaibang bagay na inalay ng dalawang pulubi sa hari?


 Bakit malaking tinapay ang inihandog ng ikalawang pulubi sa hari?
 Sa inyong palagay, sinadya ba ng unang pulubi ang pagbibigay ng maliit na butil sa hari? Bakit?
 Ano ang sinisimbolo ng handog ng dalawang pulubi?
 Iugnay sa buhay natin ang aral na hatid ng parabola.
MENSAHE:

Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.


Kung ano ang ipinagkaloob natin sa Diyos ay siya rin nating tatanggapin.

E. Gramatika

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod sa literal na kahulugan


nito. Ito ay nakabatay kung paano ginagamit ang salita sa pangungusap.

Halimbawa:

a. Bola – bagay na ginagamit sa paglalaro ng basketbol (LITERAL)


Dalian mo, ipasa mo ang bola kay Kenneth.

b. Bola - pagbibiro (METAPORIKAL)


Tigilan mo nga ko Arthur, puro ka naman bola.

IV. Pagtataya

(Pangkatang Gawain)

Ang bawat pangkat ay naatasang bumuo ng sarili nilang dayalogo na may metaporikal na pahayag. Ito ay
babasahin sa harap ng klase ng napiling mga representante ng grupo. Inaasahan na ang dayalogong
nalikha ay sasambitin ng may kahusayan.

PAMANTAYAN

Kawastuan 30%

Dating sa Madla 20%

Pagkakaisa 30%

Kaayusan 20%

Kabuuan 100%

V. Takdang Aralin

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang elehiya?


2. Anu-ano ang mga katangian ng elehiya?
3. Magbigay ng isang halimbawa ng elehiya.

Anda mungkin juga menyukai