Anda di halaman 1dari 4

ANG DAGA AT ANG LEON

Isang magandang araw ang bumungad sa


masiyahing daga. Nasa kalagitnaan siya ng
pamamasyal at paglalaro nang makita nyang
himbing na natutulog ang isang malaking leon.
Natuwa siya sa malawak na likuran nito na
animo’y isang malaking padausdusan kaya’t
naisip niyang umakyat doon at magpadausdos
paibaba.
Hindi niya naman namalayan na nagising ang
natutulog na Leon. Sa pagkagising ng Leon ay
agad nyang dinakma sa buntot ang kawawang
daga at umaktong isusubo ito, nang malapit na sa
bibig ng Leon ay nagsalita ang Daga at humingi ng
paumanhin.
“Kaibigang Leon, ipagpaumanhin mo ang
aking kalapastanganan, hindi ko sinasadyang
gisingin ka sa gitna ng iyong pagtulog, labis lang
akong natuwa kung kaya’t naisipan kong maglaro
sa iyong likuran. Nawa’y patawarin mo ako at
hayaan akong mabuhay pa. Huwag mo kong
kainin sapagkat ako’y malansa at hindi ka
mabubusog sa kakarampot kong katawan.”
Anang Daga.

Naawa naman ang Leon sa Daga kung kaya’t


pinakawalan niya ito. “Sa susunod ay huwag mo
nang gagambalain ang pagtulog ko. Makakalaya
ka na.” Sabi ng Leon.
“Salamat Kaibigan, balang araw ay
masusuklian ko din ang kabutihang loob mo.”
Sabi ng daga.
“Ang isang maliit na dagang gaya mo? Ano
naman kayang pabor ang magagawa mo para sa
isang malaking hayop na gaya ko? Nagpapatawa
ka Kaibigan.”
“Balang araw Kaibigan, matutulungan din kita.
Hanggang sa muli, paalam!”
Lumipas ang mga araw na masayang
namumuhay ang Daga hanggang sa minsan
sumagi sa isip niya kung kamusta na kaya ang
kalagayan ng kaibigan niyang Leon. Naisipan
niyang dalawin ang Leon sa tahanan nito pero
laking gulat niya nang makitang nasa loob ng
lambat na nakasabit sa isang puno ang malaking
Leon.
Agad-agad namang nginatngat ng Daga ang
lubid na lambat at matapos ang ilang minute ay
naputol ang lubid at nakawala ang Leon.
“Maraming salamat kaibigang daga. Minaliit
ko ang kakayahan mo, ‘di ko inakala na ikaw pa
ang makapagliligtas sa akin. Utang ko sa ‘yo ang
aking kalayaan at ang aking buhay. Maraming
Salamat Kaibigan.”
“Walang anuman Kaibigan, hindi ba’t sinabi
ko sa ‘yo? Matutulungan din kita balang araw.
Maliit man ako, maabilidad naman ako!”

Anda mungkin juga menyukai