Anda di halaman 1dari 4

HELEN CONCON PAGTALUNAN PROF. MELBA B.

IJAN
PAGSASALIN-WIKA 27 OKTUBRE 2018

ANG SINING NG SALING-AWIT

MICHAEL M. COROZA

Si Michael M. Coroza ay Nagtapos ng AB Philosophy sa Unibersidad ng Santo Tomas, M.A.

Literature (Filipino) sa Ateneo de Manila, at Ph.D. Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas

Diliman. Kasalukuyang Associate Professor sa Kagawaran ng Filipino, School of Humanities, Ateneo de

Manila University, nagtuturo ng Panitikan. Binigyan niya ng kahulugan ang salitang saling-awit na:

SALINAWIT – Paglalapat ng liriks na Filipino sa mga popular na banyagang awit.

SALING-AWIT- Higit na masaklaw na proseso ng paglalapat ng iba’t ibang liriks sa mga popular na

melodiya, banyaga man o katutubo.

Ang Saling-Awit bilang Tradisyong Pabigkas

- Madaling nalalapatan ng tula o titik ang anumang popular na himig o melodiya.

-Hindi ang liriks ang sumusunod sa melodiya. Melodiya ang isinusunod sa letra.

- Ngunit iba ang sitwasyon para sa mga makata o mambebersong gumagawa ng liriks ng kanta

kung saan kumpas ang sinusunod.

- Pilyong liriks, isang malikhaing proseso, hindi ito isang pangongopya lamang at hamak na

indikasyon ng kawalan ng orihinalidad kundi isang dinamikong proseso ng pag-angkat o

paghiram, isang pag-aangkin na kaugnay ng tinatawag na “naturalisasyon” ni Virgilio S.

Almario.

Pangrehiyon patungong Pambansa

Sa Filipinas, maramimg kanta mula sa mga rehiyon ang nagkaroon ng pambansang

popularidad nang maisaling-awit sa wikang pambansa. Sa prosesong ito ng pagsasaling-awit, ang


rehiyonal ay naging pambansa. Mula sa ganitong pagtingin, malinaw kung paanong ang isang awiting

buhat sa rehiyon ay sumasailalim sa isang transpormasyon at nagiging malaking kontribusyon sa

pagkalinang ng pambansang tradisyon.

Halimbawa : Kasadya ning Takna-a ni Vicente Rubi at Mariano Vestil

Ang Pasko ay Sumapit ni Levi Celerio

Paghalaw sa mga Dayuhan at/o Popular na Awit

- estratehiyang pangkalakal ang hakbang na ito.

- higit na mas maliit ang gastos sa pagsasaplaka ng mga halaw kung ihahambing sa orihinal.

- song-wrecking- tawag nina Tito, Vic, at Joey noon sa mga pagpapatawa na pasaling-awit.

Paglalagom : Bilang praktis na kultural at pangwika, isang dinamikong proseso ang saling-awit,

nakalilikha ng bagong teksto na bagaman inihawig sa nauna ay may hayag na pagkakaiba kaya’t ibang

teksto na talaga.

BOTCHAN AT ANG LUPAING TAGLAMIG: SULYAP AT SURI SA PAGSASALING KROS-KULTURAL NG

DALAWANG NOBELANG HAPONES

Lilia F. Antonio at Florentino A. Iniego

Si Lilia F. Antonio ay isinilang sa Balara, Quezon City noong 27 July 1949. Nagtapos ng MA

major in Filipino at PhD sa UP. Kasalukuyang guro ng UP College of Arts and Letters mula 1971.

Florentino A. Iniego ay isang guro sa UP Diliman.

Nilayon nilang talakayin sa kabuuan ang mga usaping sangkot sa pagsasalin ng magkaibang

wika at kultura, ilahad ang mga estratehiya sa pagsasalig kros-kultural at bigyang halimbawa ang mga

teknik na ginamit dito.


Ang pagsasaling kros-kultural ay isang pagtatangkang punuan ang mga agwat at puwang sa wika at

kultura ng orihinal na akda tungo sa target na wika.

Sa anumang Gawain ng pagsasalin, mahalagang isaalang-alang ang tatlong bagay: kasaysayan,

wika at kultura hindi lamang ang simulating lenggwahe (SL) kundi maging ng target na lenggwahe (TL).

Mga Konsiderasyong Lingguwistika at Kultural sa Pagsasalin

1. Bokabolaryo – dapat mabatid ang pagkakaiba ng kahulugan sa isang salita

Halimbawa: taboo at sin – magkaiba ang kahulugan sa wikang ingles ngunit sa

etnolingguwistikong grupong Senoufu ng Africa ay may iisang termino kapini taboo.

2. Idyomatikong Pahayag – lipon ng mga salita o pahayag na ang kahulugan ay labas sa literal na

kahulugan at magiging kakatwa kung isasalin ng literal.

Halimbawa: “ things come alive with Pepsi” na may salin sa wikang Aleman na “ Pepsi can pull

you back from your grave”

3. Gramatikal na Estruktura – pagkakaiba ng estruktura sa grammar. (panaguri + simuno) sa wikang

Filipino at (simuno + panaguri) naman sa wikang Ingles

4. Karanasang Kultural – pagsasaalang-alang ng kanilang kultura o nakasanayan.

Halimbawa: kaugalian ng Amerika at Hapones sa pag-aanyaya ng bisita

5. Tumbasang Konseptuwal – dapat din isaalang-alang ang antas ng mga tumbasang konseptuwal.

Halimbawa: I love you ay may dalawang pandiwa sa Espanyol, ang Te Amo at Te quiero. Te

amo ay tumutukoy sa pag-aalay ng pag-ibig sa pagitan ng magulang, anak o sa pagitan ng dalawang

tao na hindi kailangang maging magkasintahan. Te quiero ay maisasalin ng literal sa Ingles na I want

you na nangangahulugan ng pag-aangkin.

Mga Teknik sa Pagsasaling Kros-kultural


1. Panghihiram – pagpapanatili sa mga kultural na salita upang mapadulas ang pagsasalin at

mapanatili ang dimensyong kultural ng akda.

2. Panghihiram kalakip ang Talababa – maliban sa panghihiram ng salita ay ilalagay din ang kahulugan

ng salita upang mas maging malinaw.

Halimbawa: Samisen: Isang instrument sa pagtugtog, kamukha ng banjo ngunit tatlo ang

bagting.

3. Depinasyon sa loob ng Tekstop- ang paglalagay ng paliwanag o deskripsyon ng salitang hiram

kasunod o sa unahan agad nito.

Halimbawa: Kung minsan, ibinibili niya ako ng mga tinapay na kintsuba na korteng espada ng

sundalo, o mga biskwit na kobaiyaki na korteng bulaklak ng sinigwelas.

4. Dekulturalisasyon ng salitang Hapones – pagbibigay ng salin na nakaugat sa pinagsasalinang

kultura.

Halimbawa: tempura – pritong sugpo, Sensei – sir, farewell parties – despedida

Sa makatuwid, masasabing may iba’t ibang teknik o estratehiyang magagamit sa paghaharap

sa suliranin ng mga salitang hindi maisalin. Bunga ito ng katotohanang ang wika’y may kani-kaniyang

pekulyaridad, kultural na kahulugan, at kakaniyahan.

Anda mungkin juga menyukai