Anda di halaman 1dari 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV (Ekonomiks)

(Lingguhang Banghay Aralin)

I. Layunin:

 Maipakilala kung ano ang ekonomiks at ang kahalagahan nito;


 Matukoy kung bakit siyensyang panlipunan ang ekonomiks at ang ugnayan nito sa iba pang
siyensya;
 Maihambing ang dalawang magkatunggaling pananaw sa ekonomiks: ang kaisipang neoklasikal
at ang siyentipikong ekonomiyang pampulitika; at
 Maibabahagi ang kaalaman sa sitwasyunal na aspeto ng buhay.

II. Mga Paksa:

 Introduksyon sa Ekonomiks

III. Kagamitan:

 LCD Projector at Screen, mga laruang perang papel, kagamitan sa palengke, at laruang
kagamitan sa bahay.

IV. Reprensiya:

 Santos, R.A., Africa, J.E.; Ekonomiks para sa Filipino; Ibon Foundation, Inc.; Timog Ave., Quezon
City; copyright 2011; pp.3 – 26
 Santos, R.A., Africa, J.E.; Ekonomiks para sa Filipino – Gabay sa Pagtuturo; Ibon Foundation, Inc.;
Timog Ave., Quezon City; copyright 2011; pp. 1 – 7
 Tullao, Tereso Jr.; Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino; SIBS Publication House,
Inc.; Quezon City; copyright 1998; pp.2 – 17
 Zaraspe, G.M., et.al.; Ekonomiks Para sa Umuunlad na Pilipinas; Phoenix Publishing House, Inc.;
copyright 2007; pp 7 - 14

V. Pamamaraan sa Pagtuturo:

1. Panimulang Gawain: Paggalaw ng Ekonomiks (Unang Araw)

Skit (Short Dramatization)


Pamamaraan: Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay maghahanda ng
maikling dula na magpapakita ng kanilang pagtingin sa ekonomiks bago nila
mabasa ang tsapter. Ang ikalawang grupo ay magsasadula ng ilang halimbawa
ng pang-araw-araw na pamumuhay na manipestasyon ng pag-iral ng ekonomiks.

Pagkatapos ng mga dula ay hayaan ang bawat grupo na ipaliwanag ang pag-
unawa nila sa pagtatanghal ng kabilang grupo.

Gabay na katanungan: Ano ang pag-unawa ninyo sa pagtatanghal ng grupo? Bakit gayon ang
kanilang itinanghal?
Money Pie
Pamamaraan: Bawat mag-aaral ay gagawa ng pie chart ng kanilang baon sa isang linggo. Sa
isang papel ay isusulat nila ang kanilang pagsusuri sa kung paano sila gumastos.
Ikukumpara ang pie chart ng mga mag-aaral.

Gabay na tanong: Magkano ang baon mo sa isang linggo? Ano ang pinakamalaki mong
pinaglalaan ng baon? Masinop ka bang gumastos? Saan Nagkakapareho
at nagkakaiba ang iyong sagot kumpara sa iyong kamag-aral?

2. Panlinang na Gawain:

a. Pagganyak: (Ikalawang Araw)

Pamamaraan: Bawat mag-aaral ay gugupit ng dalawang ulat hinggil sa negosyo. Isusulat nila
ang mga salitang hindi nauunawaan. Talakayin ito sa klase. Susubukin ng ibang
mag-aaral na ibigay ang kahulugan nito batay sa kanilang pagkakaunawa,
hanggang maunawaan ang lahat ng salita.

Gabay na tanong: Anu-anong mga salita ang hindi mo agad maunawaan? Bakit ka
nahirapang unawain ang mga ito? Pasagutan sa mga mag-aaral ang
Paunang Test sa pahina 3 ng textbook.

b. Paglalahad at Paglilinang:

Mainam na sa simula pa lang ay makita na ng mga mag-aaral na ang ekonomiks


ay sumasaklaw sa kanilang sa kanilang pang-araw-araw na buhay pampamilya,
komunidad at nababalitaan sa telebisyon o mass media. Kung gayon, ito ay isang aralin
na kayang pag-aralan at unawain ng kabataan. Dagdag pa, dahil ito ay isang panlipunang
usapin, dapat nila itong pagtuunan ng masusing pansin bilang mga kabataang
magmamana ng lipunan.

c. Paglalahad ng Kaalaman

a. Kahulugan ng Ekonomiks
b. Pagkakaroon ng kakaibang tingin sa ekonomiks
c. Namumukod na agham panlipunan ang ekonomiks
Ikatlong Araw
d. Pagbuo ng neo-klasikal na pananaw
e. Communal at private property
f. Piyudalismo
g. Merkantilismo
h. Sosyalismo/Komunismo
i. Ang monopolismo at kapitalismo
Ikaapat na Araw
j. Ang krisis pang-ekonomiya noong unang bahagi ng 1900’s
k. Pagsusuri sa siyentipkong ekonomiyang pampulitika
3. Aplikasyon:

Paglalapat ng mga kasagutan: Sagutan ang Bahagi A at B ng seksiyong Pagsasanay sa


mga pahina 24 -25 ng teksbuk.

4. Pagpapahalaga:

Upang mapabilis ang pag-ugnay ng ekonomiks bilang usaping indibiduwal o pampamilya


tungong panlipunang usapin, maaring talakayin ng sabay ang epekto sa kabuhayan ng pamilya at
ng lipunan ang mga sumusunod na isyung pang-ekonomiya:

 Kontribusyon ng mga OFW’s


 Pagtaas ng presyo ng mga bilihin

VI: Pagsusuri ng halaga/Pagtataya:

Punan ang tsart sa ibaba.

Sistemang Pang- Batayan ng Yaman Makapangyarihang Uri Dahilan ng


ekonomiya ng Tao Pagbagsak/Pagpalit

Inihanda ni:

Bob Campo Belocura, Jr.


MA Ed SS 506

Sinuri ni:

Nerissa S. Tantengco, Ph.D.


Guro

Anda mungkin juga menyukai