Anda di halaman 1dari 4

Accomplishment Report

(Filipino 8)
- Ivy Grace S. Repalda, LPT

Sa kasalukuyan, kapuna-puna na maraming mag-aaral ang madaldal sa klase ngunit


pagdating sa pagsasagot ng mga katanungan ng guro karamiha’y umuurong na ang dila sa
kadahilanang nahihiya sila o kaya’y ayaw nilang magkamali. Ngunit kung susumahin nama’y
magaling silang magbahagi ng kanilang kaisipan at karanasan sa kanilang mga kaibigan at lalong
lalo na sa Social Media. Ang pakikibahagi sa talakayan sa klase ay malaking porsyento sa
kabuuang grado ng mga estudyante sa Filipino, ito ay kabilang sa Performance Tasks na 50% ang
kontribusyon sa grado ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito’y, sinikap ng guro na palabasin ang kanilang angking kagalingan sa
pagbabahagi ng kanilang damdamin at pananaw sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang
pamamaraan na pagpapahayag ng kanilang karanasan na karaniwa’y laging inuugnay sa araling
tinalakay.

Ang Pangkat ng Grade 8- Gladiola sa


kanilang pangkatang gawaing naglalayong
maiugnay ang mahahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga kwentong bayang kanilang
binasa’t pinag-aralan sa mga pangyayari sa tunay
na buhay sa kasalukuyan. Ipapahayag nila ang
kanilang kaisipan at damdamin sa pamamagitan
ng pagbahagi ng kanilang karanasan.

Sa pagbabahagi ng sariling karanasan ng pasalita hindi maiaalis ang


hiya at ang alinlangan kaya’t mayroon silang mga aksyon o mangilan ngilang
mannerisms habang nagsasalita na unti unti namang naaalis sa palagiang
paghikayat sa mga estudyanteng magsalita at ibahagi ang sarili nilang
pananaw at damdamin.
Pakikilahok sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika
Sa naganap na pagdiriwang ng Buwan ng Wika nakilahok ang pangkat ng Grade 8-
Cattleya sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanilang Sabayang Pagbigkas.

Ipagdiwang natin ang wikang sarili,Pagbuklurin natin ang ating lahi. Isulong natin ang
Filipino,.Ang wikang pambansa! – taos pusong bigkas ng buong pangkat ng Grade 8 – Cattleya nang
itanghal nila ang kanilang sabayang pagbigkas na halaw sa panulat ni G.Pat Villafuerte ---- Wikang
Filipino Sa Pambansang Kalayaan At Pagkakaisa.

Sa isinagawang sabayang pagbigkas , nakikita ang kakayahan ng mga mag-aaral bilang


isang pangkat na bumigkas ng isang akda nang naaayon sa sariling sistema ng pagbabasa.
Masasabing karamihan sa mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa ay ditto natutuklasan.
Ang mga nananahimik sa kanilang upuan ay unti-unting naiaangat sapagkat may mga tinatago
pa lang kakayahan sa pagbigkas na hindi nila magawa kapag sila’y mag-isa lamang ngunit
kadalasa’y nagkakaroon ng lakas ng loob kapag nasa isang pangkat.Malinaw sa pamamamagitan
ng ganitong Gawain sa silid-aralan o sa paaralan man ay maibubunyag ang natatagong galing ng
mga mag-aaral lalo na sa pagbigkas ng isang pyesa.

Pagtatanghal ng Balagtasan

Filipino o Ingles ? Ano ang wika ba ang hihigit? Ito ang ipinakita ng mga mag-aaral ng Grade
8-Cattleya sa kanilang balagtasan.
Sa ikalawang markahan natalakay ng mga mag-aaral ng Grade 8 ang Balagtasang
“Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan”. Sa pagtatapos ng aralin , sila ay inatasang pumili ng pyesang
pangbalagtasan na kanilang isasagawa kasama ang kanilang pangkat. Mahalaga na pag-aralan
ang balagtasan at masubukang itanghal ng mga estudyante sa kasalukuyan hindi lamang upang
mahasa ang kanilang kakayahan sa pakikipagtalastasan kung hindi upang hindi natin malimutan
ang isa sa ating sining at panitikan. Layunin din nitong magbigay aliw sa pamamagitan ng
paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga actor sa isang dula. Ang
balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa iba’t ibang
paksa at napapanahong pangyayari at usapan.

Paggawa ng sariling komiks

Tulad ng isang tunay na dibuhista , sumulat, gumuhit at bumuo ng sariling komiks ang
mga mag-aaral ng Grade 8 at iprenisenta sa harap ng klase.

Ang mga estudyante ay may natural na angking kalikutan ng isipan at pagiging


malikhain. Ito ay nasubukan din ng sila’y hamunin na sumulat, gumuhit, bumuo at ipresenta ang
kanilang sariling komiks.
Naisusulat at naisasagawa ang isang makatotoha-nang radio broadcast

Pinatunayan rin ng mga mag-aaral na hindi lamang sa panitikan nila kayang


makipagtalastasan kung hindi kaya rin nilang mag-ala Mike Enriquez at Mel Tiangco ng
kanilang maisagawa ang isang radio broadcasting kaugnay ng kanilang aralin na Mass Media.
Sa likod ng ilang kurtina, ipinarinig ng mga estudyante ang kanilang pagiging malikhain sa
pamamagitan ng paglalaro ng kanilang mga boses, pagbabalita ng napapanahong paksa,
pagkwekwento ng isang radio serye, pag-awit at maging ang pagpapalabas ng mga
patalastas.

Paggawa ng Big Book

Ang ikaapat na markahan ay nakalaan sa pag-aaral ng awit na Florante at Laura, bago


matapos ang markahan sila’y nakatakdang gumawa ng kanilang Big Book halaw sa pinag-
aralan nilang awit. Nasubok ang kanilang pag-unawa sa pinag-aralang aralin sa pamamagitan
ng pagbubuod ng awit ayon sa kanilang natutunan , bawat pahina rin ay may nakaguhit na
larawan kaugnay sa detalyeng sinasabi.

Anda mungkin juga menyukai