Anda di halaman 1dari 11

ARALIN 4: INTERAKSYON NG SUPPLY AT DEMAND

Magkasalungat

BATAS NG DEMAND = Ang dami ng demand ay mababa kung ang presyo nito ay
mataas ; at tataas ang dami ng demand kung ang presyo nito ay mababa.

BATAS NG PRESYO AT SUPPLY= Ang pagtaas ng presyo at supply ay nakahihimok sa mga


prodyuser na magdagdag ng dami ng supply; at pagbaba ng presyo ay nangangahulugan
ding pagbaba ng dami ng produkto at serbisyo na handang gawin nito.

DEMAND AT SUPPLY
( PAGSAMAHIN)

= Makikita mo ang interaskyon ng demand at supply bilang isang mahalagang salik sa


pagtugon ng pangangailangan tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.

ANG EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN


= Kapag nagaganap ang EKWILIBRIYO ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong
konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais at ang mga
prodyuser naman ay nakapagbebenta ng kanilang mga produkto.

EKWILIBRIYO= Ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing


produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at
serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.

EKWILIBRIYONG PRESYO= Ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at


prodyuser

EKWILIBRIYONG DAMI= Ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o


serbisyo.
EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN
MARKET SCHEDULE

QUANTITY DEMANDED PRESYO QUANTITY SUPPLIED


(Qd) (P) (Qs)

10 5 50
20 4 40
30 3 30
40 2 20
50 1 10
60 0 0

EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN= Ay ang punto kung saan ang quantity demanded at


quantity supplied ay pantay o balance.

= Tandaan na nagkakaroon lamang ng ekwilibriyo sa pamilihan kung balanse ang


parehong dami ng supply at dami ng demand at nagaganap ito sa isang takdang presyo.
Kapag alinman sa dalawang panig ang nagging mas Malaki o mas maliit ang bilang hindi
na ito magiging balanse.

SHORTAGE= Mas mataas ang quantity demanded kaysa quantity supplied.


( QD > QS).
PARA MAWASTO:
1. Pagtaas ng presyo sa mga produkto
2. Pagbili ng mga mamimili sa mataas na presyo ng produkto.

SURPLUS= Mas mababa ang quantity demanded kaysa quantity supplied . ( QD < QS)
PARA MAWASTO:
1. Pagbaba ng presyo upang umakit ng mga mamimili
2. Paghiingi ng diskuwento sa presyo ng produkto.

A. Ang demand curve ay nagpapakita ng quantity demanded


sa magkaibang presyo. Mapapansin ding pababa ang
slope.
B. Ang supply curve ay nagpapakita ng quantity supplied sa
magkaibang presyo, mapapansin na pataas ang slope.
C. Ito ang punto ng ekwilibriyo sa pamilihan kung saan ang
quantity demanded at quantity supplied ay pantay.

A, Makukuha ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng demand function ( Qd = a • Bp ) at


supply function ( Qs = c + Bp)
B. Sa bawat pagtaas ng presyo (p) ay siya namang pagbaba ng dami ng demand o
quantity demanded. ( Qd)
C. Ang bawat pagbaba ng presyo nito ay nangangahulugan namang pagtaas ng quantity
demanded.
D. Sa konseptong ito, masasabing ang quantity demanded (Qd) ay isang dependent
variable samantalang ang presyo ( P) naman ay isang independent variable.
E. Ang pagbaba ng presyo ( P ) ay nakaaapekto sa dami ng supply o quantity supplied (
Qs ). Samakatuwid, ang anumang pagtaas ng presyo ay nangangahulugan ding pagtaas
ng quantity supplied.
F. Ang pagbaba naman ng presyo ay nangangahulugan ding pagbaba ng dami ng supply
nito.
PAGTATAKDA NG BATAS SA PRESYO NG KALAKAL ( PRICE CONTROL)
= Kung minsan, itinakda ng pamahalaan ang presyo ng kalakal upang maiwasan ang
pang- aabuso sa panig ng nagtitinda o ng mamimili.

PRICE CEILING= Ang pinakamataas na presyo na maaaring ibenta ang produkto.

PRICE FLOORING= Ang pinakamababang presyo na maaaring ibenta ang produkto.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PRICE CEILING:


• MABUTI:
= Mababang presyo ng mga bilihin.
= Kasiguruhan sa mga mamimili.

•DI- MABUTI:
= Pagbaba ng supply
= Nagiging dahilan ng kakulangan
= Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga illegal na pamilihan ( BLACK MARKET )

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PRICE FLOOR:


• MABUTI:
= Mas mataas na sahod sa mga manggagawa
= Mas malaking tubo sa mga nagtitinda

•DI- MABUTI:
= Mas mataas na presyo ng bilihin
= Maaaring maging dahilan ng kalabisan ng kalakal
= Mas mababang demand ng bilihin

ANG KONSEPTO NG ELASTICITY


ANO ANG ELASTISIDAD?
= Ito ay tumtukoy sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand o supply batay sa
pagbabago sa presyo.
= Ipinakilala ni ALFRED MARSHALL ang konsepto ng elasticity sa ekonomiks.

FORMULA NG PRICE ELASTICITY

E= Q2 – Q1 P2 – P1 Q2 = Bagong dami

Q2 + Q1 ÷ P2 + P1 Q1= Lumang dami

2 2 P2= Bagong presyo


P1= Lumang presyo

KASO NG ELASTICITY
= Kapag ang price elasticity (E) ay mas mataas kaysa pagbabago sa dami ng demand o
supply ( higit sa 1) ito ay elastic.

= Kapag ang price elasticity (E) ay mas mababa kaysa pagbabago sa dami ng demand
o supply ( mababa sa 1 ) ito ay inelastic

= Kapag ang price elasticity (E) ay pantay sa pagbabago ng dami ng demand o supply (
saktong 1) ito ay unitary.

= Kapag ang price elasticity (E) ay walang pagbabago sa dami ng demand o supply (0)
o negative ito ay ganap na elastic
ARALIN 5: ANG PAMILIHAN : KONSEPTO AT ESTRUKTURA NITO

Ano ang PAMILIHAN?


= Isang kalagayan kung saan may inter- aksyon ang mga mamimili at nagtitinda

= Ang mga nagtitinda ay nagpapaligsahan upang mahikayat ang mga mamimili na


bumili sa kanila.

DALAWANG PANGUNAHING TAUHAN SA PAMILIHAN:


Konyumer Prodyuser

= Ito ay nagtatakda sa dami ng handa at kayang bilhin na produkto at serbisyong


konsyumer.
ISTRUKTURA NG PAMILIHAN

DI GANAP NA KOMPETISYON
=Monopolyo
= Monopolistic Competition
= Oligopolyo
= Monopsonyo

GANAP NA KOMPETISYON= Madaling pumasok sa pamilihan ang nais magsimula ng


negosyo.

1, MONOPOLYO= Isa lang ang nagtitinda o nag mamayari sa pamilihan.


= Ito ang nagtatakda ng presyo at walang magagawa ang mga mamimili.

MONOPOLISTIC COMPETITION= Halos pareho ang produkto.


= Marami ang nagtitinda ngunit may isang kumokontrol sa pamilihan.
OLIGOPOLYO= Nagkakaroon ng “ DOMINASYON” sa Sistema ng pamilihan.

OLIGOPOLYO ( CARTEL) = Marami ang nagtitinda ngunit walang kompetensya

MONOPSONYO= Marami ang nagtitinda ngunit isa o isang grupo lamang ang mamimili.
= Ang presyo ng kalakal ay nasa kontrol ng bumibili.
BUOD:

AYON SA 6TH PRINCIPLE OF ECONOMICS NI GREGORY MANKIW:


“ Markets are usually a good way to organize economic activity”

= Ito ay ipinaliwanag ni ADAM SMITH sa kanyang aklat na An Inquiry into the Nature and
Causes of the Wealth of Nations
= Ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan. Mayroong
itinatawag na:

INVISIBLE HAND= Na siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang actor na ito ng


pamilihan. Ito ay ang PRESYO.

PRESYO= Siyang instrument upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer
at prodyuser.

= Mahalagang bahagi ng pamilihan ang umiiral na presyo sapagkat ito ang nagtatakda
sa dami ng handa at kayang bilhin na produkto at konsyumer.

= Ito rin ang batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahang magbenta ng


mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo

ANG PAMILIHAN AY MAAARING:


LOKAL = Sari-sari store PANREHIYON= Abaka, dried fish, durian
PAMBANSA= Bigas PANDAIGDIGAN= Online shops

MGA ESTRUKTURA NG PAMILIHAN= Ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa Sistema


ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.

DALAWANG PANGUNAHING BALANGKAS NG ESTRUKTURA NG PAMILIHAN


1. Pamilihan na may ganap na kompetisyon ( perfectly competitive market PCM)
2. Pamilihan na hindi ganap ang kompetisyon ( imperfectly competitive market ICM)

PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON


= Ito ang estruktura na kinikilala bilang modelo o ideal, walang sinoman sa
prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamilihan
particular sa presyo.

= Katangian ng may ganap na kompetisyon ayon kay PAUL KRUGMAN at ROBIN


WELLS ( ECONOMIC 2ND EDITION 2009)

= Maraming maliit na konsyumer at prodyuser


= Magkatulad ang produkto ( homogenous)
= Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
= Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
= Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan

PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA KOMPETISYON


= itinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung wala
ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na
kompetisyon na serbisyo o kahalili. Dahil dito, siya ay may kakayahang impluwensyahin
ang pagtatakda ng presyo sa pamilihan

BATAY SA WORLD INTELLECTUAL PROPERTY


COPYRIGHT= Isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang
pagmamayari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (
literary works) o akdang pansining

HALIMBAWA:
Aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs, databases,
advertisements, maps, at technical drawings
TRADEMARK= Ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto ar serbisyo na
siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.

HALIMBAWA : 7\11, MCDO, KFC

PATENT= Pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang imbensyon. Ito ay ipinagkakaloob


ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta,
iangkat, at iluwas ang imbensyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye
ng kaniyang imbensyon. Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa hinaharap para
magkaroon ng inobasyon at pagunlad.

HOARDING= Pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply sa pamilihan na


magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo.

COLLUSION= Ito ay ang Sistema na maaaring magkaroon ng sabwatan ang mga


negosyante

= Ito ay nagaganap particular na sa presyo sa ilalim ng kartel o samahan ng mga


oligopolista

ANG KONSEPTO NG KARTEL AY NANGANGAHULUGANG PAGKAKAROON NG ALLIANCE OF


ENTERPRISES

= Hindi pinahihintulutan ang kartel sa ating bansa upang mabigyan ng proteksyon at


isulong ang kapakanan ng mga konsyumer ayon sa itinakda ng RA 9374

= Ang mga negosyante ay hindiu aktuwal na nagkikita upang pagusapan ang takbo ng
kanilang mga negosyo subalit sila ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa
pamamagitan ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

= Organization of petroleum of exporting countries (OPEC) ay halimbawa ng


pandaigdigang kartel

= ito ang nagtatakda ng supply at presyo ng produktong petrolyo sa buong daigdig

SEPTEMBER 10-14 1960 = Nabuo ang OPEC sa Baghdad, Iraq


LIMANG BANSANG NAGPASIMULA NITO

Iran Iraq
Kuwait Saudi Arabia Venezuela

IBA PANG KASAPI SA OPEC


Algeria
Angola
Ecuador
Libya
Nigeria
Qatar
United Arab Of Emirates

ADVERTISEMENT O PAGAANUNSYO= Ay mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga


prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto o serbisyo.

Anda mungkin juga menyukai