ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu
Handout #3
Sinasalamin ng Globalisasyon ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan
sa bawat isa.
Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa
o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong
ng teknolohiya at impormasyon.
Ayon kay Thomas L. Friedman, ang Globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at
malalim.
The World is Flat - Ang anumang trabaho - asul man o puting kwelyo - na maaaring mabago sa mga piraso
at “byte” ay maaring i-export na sa ibang mga bansa, kung saan may mabilis na pagtaas ng bilang ng mga
edukado na mga manggagawa na gagawa para sa maliit na suweldo na maihahambing sa Amerikanong
manggagawa
Narito ang mga katangungan upang mas lubos na maunawaan ang konsepto ng Globalisasyon.
1
Perspektibo at mga pananaw sa Globalisasyon
Upang higit na maintindihan ang globalisayon bilang isang kontemporaryong isyung panlipunan,
mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito. Mayroong limang pananaw ang
Globalisasyon:
Naging mabilis ang impluwensya ng Globalisasyon sa daigdig. Narito ang tatlong kaganapan na sinasabing
may kinalaman sa pag-usbong ng Globalisasyon.
Pag-usbong ng Estados Unidos (USA) bilang isang “Global Power” pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig