Anda di halaman 1dari 216

Ang Misis Kong Astig!

Table of contents
� Ang Misis Kong Astig!
� Prologue
� [1] Stage Mother
� [2] Concealed Image
� [3] Power House
� [4] A Wife's View
� [5] The First Lady
� [6]The Insecure Husband
� [7] Picnic Panic
� [8] Talk Dirty
� [9] Smile Over Bitterness
� [10] Roses and Lipstick
� [11] The Credit Card
� [12] An Ex-Agent's Game Plan
� [13] Hotel Invasion
� [14] His Companion
� [15] Silence Means Wrong
� [16] The Rebirth of A Gangster
� [17] Fear Awaits You
� [18] The Need To Be Mean
� [19] Messing With The Wrong Husband
� [20] Face Your Enemy
� [21] Stand By You
� [22] Fate Intervention
� [23] The Other Men
� [24] Negotation
� [25] Bring Back The Harmony
� [26] Someone Like Her
� [27] Forsaken Danger
� [28] My Supermom & My Hero
� [29] The Huge Exposure
� [30] Desperate 'House' Wife
� [31] Husband's Takeover
� [32] Bloody Guilt
� [33] The Abducted
� [34] On One's Knees
� [35] It's Just Her Personality
� [36] Operation Plan B
� [37] Of Love And Other Reasons (1)
� [37] Of Love And Other Reasons (2)
� [38] Happiness Is A Choice
� [39] The Greatest Gift of All (Final)
� EPILOGUE

The final book of Astig Series.


The married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde. With additional
spice from their naughty cutie daughter Cassandra Marlene.

Ako na po yata ang pinakamaswerteng cute na bata sa balat ng lupa.


Eh bakit po ba?
Aba siyempre naman po! Napapaligiran ako ng mga taong nagmamahal sa akin ng sobra.
May daddy akong saksakan sa yaman at pogi. (Eto ibubulong ko lang sa inyo baka
marinig ni Mommy, karamihan sa mga mommies ng classmates ko at babaeng teachers ko
ay kinikilig kapag nagpupunta ang Daddy sa school.) My Daddy is super malambing,
super mabait, super understanding and super love niya ako! Yes, he is my
superfather.
Siya ang kakampi ko kapag kapag pinapagalitan ako ni Mommy (pero secret lang daw
kundi lagot din siya kay Mommy hihihi). Kahit lagi siyang busy, kami pa rin ni
Mommy ang priority niya sa lahat. He always says I'm his one and only princess and
Mommy is his one and only queen.
Ang mommy ko naman.... Well, siya lang naman ang most lovable Mommy in the whole
wide world! I can't live a day na wala siya sa tabi ko. Sobrang maasikaso,
mapagmahal at suuuuuuuuper protective. Sabi nila, we're one of the richest pero
hindi ko yun makita sa mommy ko kasi ang simple-simple niya lang. Di siya kagaya ng
ibang mga mommies sa school na parang laging may fashion show o party na
pupuntahan. She only wears expensive dresses and jewelries kapag may importanteng
okasyon. She's a full-time mom. Pati nga sa paghahatid-sundo sa akin sa school siya
pa rin ang gumagawa. At siya rin ang personal driver ko! Marami kaming maids. Pero
pagdating sa pag-aasikaso sa akin at sa Dad ko, si Mommy lahat ang gumagawa.
Nagagalit siya pag nakikialam ang mga katulong.
Pero may isusumbong ako sa inyo tungkol sa Mommy ko. Haaaayyy... Minsan ang
higpiiiiiiit-higpit niya. Maraming bawal lalo na pag naglalaro ako ng mga pang-
boys. Pwede ba namang hindi ako maglaro ng pang-boys? Eh yun nga ang masasarap at
exciting laruin kesa mga barbies at doll houses! Buti na lang kasabwat ko si Daddy.
We play secretly kapag di nakabantay si Mommy.
'Cassandra Marlene! Don't do that...Don't do this' she always says that pero eto
talaga ang paborito niyang sabihin kapag pinapagalitan ako 'Don't be a spoiled
brat!'. Hays... kung ang Daddy gusto akong gawing Princess Anna ang Mommy naman
gusto yata akong gawing Pocahontas. She teaches me how to do many things on my own
and to be independent. Minsan para siyang army kung magdisiplina but Daddy explains
to me why Mom's like that. He said she wants me to grow up as a good person kaya
naiintidihan ko na siya.
We are happy family. But just like any other families, we're not perfect too. Meron
din kaming pinagdaanang malaking problema. Sabi nga ng teacher ko, pag sobrang
blessed daw madalas ay maraming naiinggit. That's what happened to us. There were
bad people who planned to destroy our family. They tried to create problems para
maghiwalay ang Mommy at Daddy ko. And they even tried to hurt me.
But thanks to them. Dahil sa ginawa nila, we even became stronger now. I witnessed
how my parents deeply love each other. Lalo na ang Daddy ko, grabe mahal na mahal
niya pala talaga ang Mommy. Pero, alam niyo ba kung ano talaga ang nadiscover ko
dahil sa naging problema namin? Especially when some bad guys tried to hurt me.
I was shocked... Wow! Ang astig pala ng nanay ko!

[1] Stage Mother


Parang sinisilihan ang puwet ni Alex na maya't mayang umuupo't tumatayo habang
inaabangan ang paglabas sa entablado ng anak.
"Dennis malapit na siyang tawagin. Ihanda mo na yang video. Ako na ang kukuha ng
mga pictures," nagpapanic na sabi niya sabay hampas sa braso ng nakatatandang
kapatid.
"Aray! Kanina ka pa Alexandra ha nakakarami ka na ng hampas! Masakit na yan!"
reklamo ni Dennis na noon ay nagleave pa talaga sa hospital para lamang mapanood
ang pamangkin.
"Kasi naman ihanda mo na ang video."
Biglang ipinagduldulan ng kuya sa mukha niya ang video cam.
"Eto na! Nakaready na! Ikaw yata ang hindi pa ready dyan. Look at yourself parang
hihimatayin ka na sa nerbiyos. Dapat pala ipinagbaon kita ng gamot," nakataas ang
isang kilay na sabi nito.
"Ayan na! Ayan na! Siya na!" nanlalaki ang mga matang sabi niya habang nakapako ang
mga mata sa stage.
'Ladies and Gentlemen our next contestant is from the Land of Coffee...Miss
Brazil!" anunsiyo ng emcee.
Lumabas ng stage si Cassandra suot ang pulang layered gown na pinagawa ni Dennis sa
isang sikat na kaibigang designer. Kampanteng kumaway sa mga manonood ang pitong
taong gulang na bata at nakangiting naglakad-lakad paikot ng entablado.
Tarantang lumapit sa stage sina Alex at Dennis. Parehong di magkandaugaga sa
pagvivideo at pagkuha ng mga litrato.
"Good afternoon everybody! My name is Cassandra Marlene Monteverde y Valdemor. I'm
seven years old from Grade Two A. I live in the beautiful and peaceful land of
Forbes Park, Makati City, Philippines. I'm representing the fifth largest country
in the world....Brazil! Ako po ay mag-iiwan sa inyo ng mga katagang... Oh huwag
pong maging demanding! Aanhin pa ang kagandahan ni Kathryn Bernardo o ang
kagwapuhan ni Daniel Padilla kung meron namang batang kasing-cute ko na
magpapaganda ng araw niyo!" sabay ngiti ng bata na halos di na makita ang mga mata
at proud na proud na inilabas ang bungal na ngipin sa unahan.
Napatingin si Cassandra kay Alex at sinenyasan ito ng ina na manatiling nakangiti.
"Ma'am pwede pong bumalik na kayo sa upuan niyo kasi natatakpan po yung ibang mga
nanonood," saway kay Alex ng isang lumapit na usherette.
"Teka sandali lang. Ako ang nanay ng batang yan, tatapusin ko lang ang moment ng
anak ko pwede?"
"Eh, ma'am marami naman pong mga magulang diyan pero nasa upuan lang sila. Pwede
pong bumalik na kayo sa pwesto niyo kasi may mga nagrereklamo na po."
"Ang layo kasi ng upuan namin, ang hirap kumuha ng pictures," katwiran ni Alex.
"Di po talaga pwede Ma'am, tingnan niyo yung reaksiyon ng mga taong nahaharangan
ninyo."

Lumingon si Alex sa likuran. Nakita niyang nakataas nga ang mga kilay ng ibang mga
nanay lalong-lalo na yung mga hindi niya kasundo. Wala silang nagawang magkapatid
kundi ang bumalik sa kanilang upuan. Lalo pa siyang nainis nang pagkarating nila sa
pwesto ay tapos na ang parte ni Cassandra at wala na ang anak sa stage.
"Bakit ba kasi binibig-deal ang pagpunta dun sa unahan!" nakaingus na bulong niya.
"Para naman silang hindi mga magulang para hindi maintindihan ang excitement na
nararamdaman ko!"
"Shhh. Stop mumbling baka may makarinig sayo makahanap pa tayo ng kaaway. Totoo
naman talagang may pagka OA kang nanay," pagsuway ni Dennis.
Inirapan niya ang kapatid at umisod papalapit dito. "If I know gusto rin ng mga
yang pumunta sa una, takot na takot lang na masira ang mga poise nila. Bakit ba
kasi dito pa tayo ipinuwesto sa likod? Eh maaga naman tayong dumating ah. Dapat
kasi first come, first serve ang rule hindi yang mga reserve-reserve na iyan,"
masama ang loob na bulong niya.
Tiningnan siya ni Dennis mula taas hanggang baba. "Mukha ka kasing pulubi kumpara
sa ibang mga nanay dito! Siguro imbes na magulang, napagkamalan kang yaya kaya dito
tayo pinaupo!Tingnan mo nga yang hitsura mo, ni hindi ka man lang nag-effort mag-
ayos!" pagalit nito.
Napayuko't napatingin sa damit niya si Alex. Bakit? Ano bang mali sa hitsura niya?
Presentable naman ang damit niya ah.Puting long sleeve tsaka slacks at flat leather
shoes. Di naman nationwide contest o Ms. Little Philippines ang sinasalihan ni
Cassandra para magbihis siya ng bongga kundi isang simpleng school event na Miss
United Nation.
Tumingin siya sa kapwa mga nanay. Noon niya lamang napansin na pabonggahan nga ng
suot ang mga ito. Pagandahan ng handbag, pakapalan ng makeup at ang ibang
magkakatabi ay nagpapakitaan pa ng mga alahas. Sa sobrang focus sa preparasyon sa
contest ni Casandra di niya na nagawang mag-ayos ng sarili. Naalala niya tuloy ang
sinabi ng anak.
"Mommy can you go to our school wearing nice makeup and sexy dress once in a while.
My classmates are laughing at me whenever I say you're the most beautiful mommy.
They don't believe me can you please show them pleaseeee..."
Di na siya nagtaka sa bihis ng mga co-parents. Kung sa simpleng homeroom PTA
meeting nga lang ay pabonggahan na magdamit ang mga nanay, dito pa kaya sa
activities na kasali ang buong school.
"Ano? Feeling out of place ka bigla?" hirit ni Dennis matapos mapunang limulinga-
linga siya sa paligid. "Di man lang kasi bahiran ng kaunting kasosyalan at
pagkasopistikada ang sarili. Ginive-up mo nga yang pagka action queen mo, eh
mukhang papunta ka naman sa lusyang na nanay at asawa. Sige pabayaan mo yang sarili
mo at nang ipagpalit ka ni Blake sa mas maganda't bata. Akala mo porke't mag-
asawa't may anak na kayo ay safe ka na? Naku sa guwapo ng asawa mong yan tiyak na
sandamukal pa ring mga babae ang nag-aabang diyan!" sermon nito.
Binigyan niya lamang ng simpleng irap ang kapatid at inismiran ito. Pakialam niya
ba sa hitsura ng iba. Basta sa standard niya, presentable pa rin siya. Ang anak
niya ang sumasali sa beauty contest at hindi siya. At lalong wala siyang panahong
ikumpara ang sarili sa iba.
Matapos ipakilala ang mga contestants ay nagkaroon muna ng ilang intermission
numbers. Pupunta sana siya sa backstage para asikasuhin si Cassandra subalit
pinigilan siya ni Dennis.
"Ako na. Ako na ang mag-aasikaso sa pamangkin ko. Baka magpanic ka na naman eh kung
ano na namang pagkakamali ang magawa mo. Stay put ka lang diyan tutal nakaalalay na
naman sa bata ang makeup artist niya. Dito ka lang okay? Wala ka namang masyadong
maitutulong dahil question and answer na ang kasunod. Mas magaling ako sayo sa
field na ito kaya ako na ang magrereview sa kanya ng mabilisan."
Sumang-ayon si Alex sa gusto ng kausap. May punto ang sinabi nito. Ngunit tinaasan
niya muna ito ng kilay bilang ganti sa harap-harapang pagpapamukhang mas matalino
ito sa kanya.
Habang hinihintay ulit na lumabas ang anak, napapangiting tiningnan niya ang mga
kuhang litrato. Subalit pansamantalang naagaw ang kanyang atensiyon nang marinig
ang dalawang katabing babae na nagbubulungan at sinisiko ang isa't isa. Napalingon
siya sa mga ito hanggang sa mapansing karamihan ng naroroon sa maliit na auditorium
ay nakalingon sa may entrance. Nakilingon na rin siya. Nagulat siya nang makita ang
pumapasok na asawa.
Inutusan ni Blake ang nakabuntot na dalawang nakabusiness suit na mga empleyado na
maghintay lamang sa entrance. Pagpasok niya pa lamang sa auditorium ay may
sumalubong na agad sa kanyang usherette. Pinaupo siya nito sa bandang unahan katabi
ng principal ng school.
"Hello Mr. Monteverde. I'm glad you came to our school event," pakikipagkamay sa
kanya ng principal nang may abot tengang ngiti.
"Thank you Mrs. Palma. I'm here to watch my daughter," nakangiting sagot niya sabay
bawi sa kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ng guro.
"She's beautiful," pahabol na komento nito.
"Thank you."
Bago maupo nagtaka siya't wala si Alex sa tabi niya.
"Where's my wife?" tanong niya.
Kunot noong iginala niya ang mga mata. Napatingin din sa paligid ang principal nang
marinig ang tanong niya. Nanatili siyang nakatayo at hindi alintana kahit maraming
mga matang nakatingin. Tumigil lang siya sa paglinga-linga nang makita ang misis na
kumakaway mula sa pinakalikod na hilera ng mga upuan.
Mabilis na sekretong tinawag ng principal ang usherette na siya ring sumita kay
Alex sa pagpunta sa unahan.
"Psst halika dito. Bakit sa likuran mo pinaupo si Mrs. Monteverde?" gigil na bulong
nito.
Napalingon ang usherette sa kinaroroonan ni Alex at biglang namula ito nang makita
ang tinutukoy na misis.
"Siya po ba yun? H-Hindi ko po namukhaan," tarantang paliwanag nito.
"Ano ka ba naman?! How can you treat the wife of our leading school sponsor like
that?! Palipatin mo siya dito ngayon din!" mahina at pasimpleng sermon ng prinsipal
habang pinandidilatan ang kausap.
"Naku pasensiya ka na Mr. Monteverde, nagkaroon yata ng misunderstanding kaya doon
napaupo ang wife niyo. Kabilin-bilinan ko pa naman sa organizer na bigyan kayo ng
magandang pwesto dahil kasali ang anak niyo," paghuhugas kamay ng prinsipal.
Sumandal si Blake sa upuan at tinanggal sa pagkakabutones ang suot na business
coat.
"It's okay. It's not a big deal," nakangiti at kalmadong tugon niya.
Lumipat sa tabi niya si Alex habang panay hingi dito ng paumanhin ng usherette.
Hinalikan niya sa pisngi ang misis.
"Akala ko ba may importanteng meeting ka?" bulong agad nito.
"Tinapos ko ng mas maaga. I can't help myself from watching Cassie," katwiran niya.
Tiningnan siya ni Alex mula taas hanggang baba. Tinaasan siya nito ng isang kilay.
Kabilin-bilinan nito na manatiling low profile pag pupunta sa school ng anak.
"I was in a hurry. I don't have time to change clothes," kusa at mahinang paliwanag
niya. "Patapos na ba ang program?"
"Nangangalahati pa lang."
"How's our daughter?"
Lumapit sa tenga niya ang asawa.
"Siya ang pinakamaganda," sobrang hinang bulong nito habang ingat na ingat na baka
may makarinig.
Natawa siya ng mahina. "Of course a mother will say that," asar niya sa proud na
proud na nanay.
"Anak mo ba talaga si Cassie o ano?" anito na naiinis sa relaks na relaks at
ngingiti-ngiting reaksiyon niya.
"In a situation like this, a father's role is to neutralize a mother's biases,"
tukso niya pa sa tense na tense na kausap.
"Mga manonood tawagin na po nating muli ang ating mga little princesses para sa
question and answer portion...."
Hinawakan ni Blake ang nanlalamig na kamay ng asawa.
"Naku Dennis, siguraduhin mong maayos ang pagkakaturo mo diyan sa pamangkin mo
kundi lagot ka sa akin," tensiyonadong sambit ni Alex sa sarili habang napapapunas
ng kamay sa noo.
"Tawagin na po natin si Ms. Brazil..."
"Hello Ms. Brazil!"
"Hello po!"
"How are you?"
"I'm more than okay."
Nagtawanan ang mga tao.
"Aren't you nervous?"
"Nope. I don't see any reason to be nervous."
Nagtawanan ulit ang mga manonood.
"Ms. Brazil do you know something about the country you're representing?"
"Yes. I read books about it."
"Sa mga nabasa mo, ano ang pinakanatatandaan mo?"
"Hmmmmm.... Brazil has lot of wild animals. They have jaguars, pumas, monkeys, bush
dogs and plenty of rare animals that can't be found to many other countries....Ah
and they encountered many wars to. I'm glad they won against bad guys."
"To a kid like your age, bakit yan ang tumatak sa isip mo instead of other things.
Alam mo rin ba na maraming magagandang babae kagaya mo sa Brazil or that they have
popular dances and music?"
"I know but that doesn't interest me. I like wild animals and I love to read and
watch about wars..."
Napayuko si Alex at napahawak sa kanyang sintido. Pagkuway nilingon niya si Blake
at naniningkit ang mga mata't nanlalaki ang mga butas ng ilong na tiningnan ito.
"What?" tatawa-tawang tanong ng mister na tila tuwang-tuwa pa sa sagot ng anak.
"Ikaw ang kasama niya sa pagbabasa. Ano bang pinagtuturo mo sa anak mo?" pasimpleng
bulong niya.
"I told her to read with her heart," nagmamalaki pang sagot nito.
----
"DADDYYYY! You're here!" namimilog ang mga mata at abot tengang ngiting sigaw ni
Cassandra.
Nakadipang tumakbo ang bata papalapit sa ama at mabilis na nagpakarga.
May pagkachubby si Cassandra at may katangkaran kumpara sa edad nitong pitong taong
gulang. Bilugin at maiitim ang mga mata, matambok ang mga pisngi, matangos ang
ilong at maliit ang mapupulang mga labi. Medyo kulot ang hanggang balikat na buhok.
Nung maliit pa ito ay mas lamang ang hawig nito kay Blake subalit habang lumalaki
ay mas nagiging kamukha na ito ni Alex.
"I thought you can't watch me today," lambing nito sa kanyang daddy.
Hinalikan ni Blake sa pisngi ang kargang anak. "Pwede ba namang hindi panoorin ng
Daddy ang little girl niya?"
"Daddy did you see it? I won!" tuwang-tuwa at nagmamalaking sabi ng bata.
"Yeah. Mommy and I are so proud of our princess."
"Tama na yan Cassandra... Ibaba mo na yang anak mo Hon baka magusot yang damit mo,
may meeting ka pang pupuntahan," singit ng nakahalukipkip na si Alex na kunway
walang gaanong reaksiyon pero ang totoo'y lumulundag ang puso sa saya dahil sa
pagkakapanalo ng anak.
Tumingin sa Cassandra sa ina at napailing. "There you go again killjoy mommy,"
mahinang sabi nito.
"May work pa si Daddy. You two can talk later at the house."
Ibinaba ni Blake ang anak. "Dad still needs to go somewhere else but let's have
dinner later to celebrate, okay?" sabay haplos niya sa pisngi ng bata.
"Daddy can I have a prize?" lambing ni Cassandra.
"P-Prize?"
"Yes! I want toys!"
"T-Toys?" Tumingin si Blake sa misis at pinandilatan siya nito.
"L-Let's ask Mommy about it..."
"No! I don't want to ask her. She'll say no again," reklamo ng bata.
"That's enough Cassandra. You're taking too much of Daddy's time."
Lumapit si Alex sa asawa. Inayos ang necktie nito, pinagpagan ng kaunti ang suit at
humalik ng dampi sa mga labi.
"Bye hon. Tawagan mo na lang ako mamaya kung saan mo kami ididinner, okay?"
malambing na sabi niya.
"Yes. You take care about the toys she's asking," bulong nito habang nakatitig sa
mga mata niya at saka muling humalik sa kanyang mga labi bago ito tuluyang sumakay
ng kotse.
"Ako nang bahala," nakangiting sagot niya.
Pagkaalis ni Blake agad na humalukipkip at sumimangot si Cassandra sa nanay.
"You're always against buying toys."
"Ang dami-dami mo pang toys sa bahay. Most of them are still new tapos magpapabili
ka na naman," sagot ni Alex.
"Most of them are barbies and girl stuff. I want to buy football. I read that
Brazilians are good football players. I should learn that too!"
"Cassandra! I told you not to play boys games!"
"But there are women football players too. Their parents allowed them to play but
why can't you?"
Napaisip ng ilang saglit si Alex. Dito siya nahihirapan sa anak, ang pag-iisip ng
irarason at isasagot dahil sa sobrang hilig nitong magtanong.
"Ah kasi malalaki na sila kaya pinapayagan na sila ng kanilang mga nanay. Nakita mo
ba ang bolang sinisipa nila? If that ball hit a little kid's face, the kid will
grow up with an ugly face."
Nanahimik ng ilang saglit si Cassandra. "Really?" sabay diin nito sa ilong. "The
nose will go flat like this?"
"Yes. Kaya mabuti pa let's do what Mommy's plan for today."
"What plan?"
"Pupunta tayo sa bahay nina lolo't lola and show them your trophy. Let's eat ice
cream with them. Then we will go home to show it naman kay Grandpa Henry."
"How about to Lolo General?"
"Ah...we will show it to him too."
Mabilis na nangislap ang mga mata ni Cassandra. "Let's go Mommy! I miss Lola Sylvia
so much!...Hey but what about Tito Dennis, where is he now?"
"Pumunta ng hospital. Don't worry he'll be at lola's place too. Your trophy is with
him. Pinapakita niya lang muna sa mga katrabaho niya alam mo naman kung gaano ka-
proud sayo yang Tito mo. Siya ang magdadala pauwi ng paborito mong ice cream."
"Yes!" napapasuntok sa hanging wika ng bata. "Let's go to our car now Mommy!"
excited na sabi nito sabay hila sa kamay ng ina. "Cassie is going to see Lola
Sylvia.... Cassie is going to eat ice cream..." pakanta-kanta pa nitong bigkas
habang naglalakad.
[2] Concealed Image

Hindi makapagconcentrate si Blake sa kanyang work table. Maya't mayang naagaw ni


Alex ang atensiyon niya mula sa pagbabasa. Kanina lamang ay katabi na nitong
nakahiga si Cassandra sa kanilang kama ngunit nang makatulog ang anak ay bigla na
lamang itong bumangon.
Humarap ito sa salamin. Wala sa oras na naglagay ng makeup at pinaglaruan ang
mukha. Pagkatapos maghirap sa pag-aayos ng sarili ay pinahid lamang ng tissue paper
ang makeup. Tumayo't nagtungong banyo. Lumabas na bagong hilamos na. Naupo ulit sa
harap ng salamin. Naglagay ng kung anu-anong cream sa mukha at tinitigang mabuti
ang sarili. Hindi pa nakuntento. Tumayo't inihapit sa katawan ang suot na pantulog
at umikot-ikot ng ilang beses sa salamin.
"Hon, tumataba na ba ako?" tanong nito sabay hawak sa tiyan habang nakatingin pa
rin sa salamin.
Napapabuntong-hiningang tinigil niya ang pagbabasa at itinuon ang buong atensiyon
kay Alex.
"I don't notice any changes. You shouldn't ask me about that dahil madalas kitang
makita. Ask someone who doesn't see you everyday."
Itinaas ng misis ang magkabilaang braso. Niyugyog ito upang tingnan kung lumalambot
o lumalaylay na rin ba ang mga triceps.
"Hon... feeling ko talaga tumaba ako," dismayadong-dismayadong sabi nito.
Iiling-iling na bumalik siya sa pagbabasa. "Ikaw kasi tinigil mo na yung ritual
exercise mo. It was a big help in maintaining your fitness," kaswal na sagot niya.
"Pano pa ba naman ako magkakapanahon diyan eh sa pag-aasikaso pa lang diyan sa anak
mo ubos na ang oras ko."
"I told you to entrust your daughter to her yaya at least three hours a day para
naman magkapanahon ka diyan sa sarili mo. Try to pamper yourself a little more
tutal malaki na rin naman si Cassandra. Hindi na siya masyadong alagain."
Natigilan si Alex sa narinig. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot sa sinabi ni
Blake. Agad siyang tumingin sa mister. Parang sinasabi na nga nitong kailangan niya
nang magpaganda.
"Kailangan ko na ba talaga i-pamper ang sarili ko? Ano bang dapat kong ipagawa?
Facial? Massage? Body scrub? Parlor?"
Lumapit siya sa di gaanong nakikinig na kausap. Tumayo siya sa tabi nito at
ipinaling ang ulo nito papaharap sa kanya. Yumukod siya upang ilapit ang mukha sa
asawa at itinutok ang table lamp sa sarili.
"Blake tingnan mo ngang mabuti ang mukha ko. May mga wrinkles na ba?"
Sumunod naman si Blake. Seryosong-seryoso itong tumitig sa kanya.
"Merong kaunti under your eyes but they're not obvious yet. Makikita lang pag
tinitigang mabuti," natural na sagot nito.
"Sigurado ka? Baka naman ayaw mo lang sabihin sa akin ang totoo?"
"Bakit naman ako magsisinungaling?" tatawa-tawang ika nito.
Tinitigan niyang mabuti sa mga mata ang mister upang pag-aralan kung nagsasabi nga
ito ng totoo hanggang sa madako ang mga mata niya sa kabuuang mukha nito.
Ang gwapo pa rin ng asawa niya.
Ang kinis-kinis pa rin ng mukha at wala pang kabakas-bakas ng senyales ng pagtanda.
Kung ano ang hitsura nito nung pinakasalan niya ay ganoon pa rin ito ngayon. Hindi
nga eh, parang mas gumandang lalaki pa. Bumaba ang mga mata niya sa balikat, dibdib
at mga braso nito. Hinawakan niya ang muscles nito. Mas matigas ito ngayon, pati
katawan ng asawa ay gumanda rin.
"Are you making an inspection on me right now?"
"Hon ngayon ko lang napansin na gumugwapo ka ata tsaka gumaganda ang katawan mo,"
namamanghang tanong niya habang kinakapa-kapa ang matigas na tiyan ng asawa.
"Ikaw eh hindi mo na napapansin dahil puro kay Cassie na lang ang atensiyon mo,"
kunway nagtatampong sabi nito.
Kinurot ni Alex ang pisngi ni Blake. "Asus at nagtampo pa kunwari! Eh sa inyong
dalawa lang naman nauubos ang oras ko," sabay unti-unting lumungkot ulit ang mukha
niya. "Tama nga siguro si Dennis na lumulusyang na ako dahil hindi ko na binibigyan
ng panahon ang sarili ko," napapabuntong-hiningang bigkas niya.
Tumayo si Blake at niyakap siya nito sa beywang. "Ayun kaya naman pala kanina pa
hindi mapakali at concious na concious dahil nagsiself-pity ang mahal ko,"
natatawang sabi nito.
"Hindi nga Blake... totoo ba ang sinabi ni Dennis? Pumapangit na ba ako?" matamlay
na tanong niya.
Hinawakan ng mister ang pisngi niya at ipinaling sa kaliwa't kanan. "Hmmm saang
parte? Hindi ko makita."
"Ikaw naman eh. Seryoso akong nagtatanong."
"Why are you so worried?" kunway nagdududa itong tumitig. "Teka nga muna may
pinagagandahan ka na bang iba?"
Kinurot niya ang asawa. "Ikaw naman puro ka biro. Siyempre gusto kong maging
maganda para sayo!"
Ngumiti si Blake at dahan-dahan itong nagseryoso sa pagtitig sa kanya. "Don't
pressure yourself about it. Kung gusto mong magpaganda, do it because you want to
feel good about yourself and not because you want me to feel good about you. In my
eyes, kasingganda mo pa rin ang dating Alex na nakilala ko. You'll alway be the
most beautiful wife and mother to me. Kahit pa magkawrinkles ka na o tumaba ka pa.
Ikaw pa rin ang may pinakamagandang mukha at pinakaseksing katawan para sa akin,"
sabay kabig nito sa kanya.
"Hindi ka titingin sa mas bata at mas magandang babae?"
"Mrs. Monteverde are you still doubting your husband up to now?"
Sumagot siya ng iling.
"Then, stop worrying about nonsense things and stay true to yourself. The love you
give to Cassandra and me is more than enough already."
Hinaplos ni Blake ang kanyang buhok at marahan siya nitong hinalikan sa mga labi.
"I love you wifey."
"I love you too honey."....
----
Nagpapansin si Alex sa kanyang pasahero. Nag-ayos siya ng sarili, nagbihis ng
maganda't naglagay ng kumpletong makeup bago sumundo. Ngunit ang pinagpapansinan
niya ay kanina pa tahimik at paulit-ulit lamang na bumubuntong-hininga habang
nakatingin ng diretso sa daan.
"Cassie may problema ka ba?" tanong niya habang nagmamaneho.
"No," mahina't bagsak ang balikat na sagot nito sabay hugot ng isang napakalalim na
buntong-hininga.
"Huh? Muntik na akong mapasama sa lalim ng hingang yun ah!... C'mon tell Mommy
about it. Don't be shy," lambing niya sa malungkot na anak.
"Rico told me about what his Mom said... that I won the contest because Daddy gives
money to our school. He said I'm not really beautiful," mahinang sabi nito.
Biglang nagsalubong ang kilay ni Alex sa narinig. "Rico? Sinong Rico? Yung laging
nambu-bully sayo?!"
Tumango si Cassandra.
"Then do you believe what he said?"
Nakatungong umiling ang bata.
"Of course you shouldn't! Nanalo ka dahil maganda ka at matalino ka! Itatak mo yan
sa isip mo huwag na huwag kang makikinig diyan sa mga nambubully sayo. Daddy is
giving money to your school because he wants to help hindi para mapansin ka o
manalo ka. Daddy and I trust your ability and we don't need to use money to prove
it!" biglang taas ng boses ni Alex habang papahigpit ng papahigpit ang hawak sa
manibela.
Kung kanina'y ang anak ang paulit-ulit na humihinga ng malalim ngayon nama'y siya
ang maya't mayang bumubuntong-hininga. Nakabawi lamang siya sa biglaang pagtaas ng
presyon nang huminto sila sa isang traffic light.
"And what did you say to him?" kalmado niya na uling tanong.
"Nothing," maamong sagot ng anak.
"Good girl. As long as you believe in yourself, hindi mo dapat pinapatulan ang
ganyang mga bagay."
"I couldn't say anything-" mabilis na tumingin si Cassandra sa kanya nang may
matapang na mukha. "because all I wanted was to punch him, kick him and pin him to
the ground!"
"Cassandra Marlene!"
Umamo ang mukha ng bata. "But of course, I will never do it. I don't want you to
get angry with me," biglang bait na sabi nito.
"Cassie even if you didn't do it masama pa rin ang pag-isipan mo ng hindi maganda
ang iyong kapwa."
"What shall I do? Don't I have the right to get angry inside my mind too? Is that
even possible Mommy?"
"Yes...that possible. Just think that Mommy and Daddy love you sooo much and will
always be there to protect you. You have Lola Sylvia, Lolos, Tito Dennis, Tito
James, Tita Margareth, Harry, Yayas and a lot more people who loves you. If you
think that way kahit anong marinig mong hindi maganda, you won't get angry dahil
alam mo na mas maraming nagmamahal sayo keysa umaaway sayo."
Tumahimik si Cassandra at halatang naintindihan naman nito ang ina. Ngunit sa
kabila nito'y kunot-noong nakatingin pa rin ito kay Alex.
"Mom were you really a police officer?"
Tumaas ang kilay ni Alex sa biglang pag-iba ng topic ng maliit na kausap.
"Oo naman! Bakit bigla mo namang naitanong yan?"
"Tsk,tsk,tsk..." napapailing na sambit ng bata. "I don't understand why you hate
fighting. The police should fight against injustice but why are you so forgiving?
Kaya po ba kayo umalis sa pagkapulis because you didn't fit that line of work?"
Pansamantalang natahimik si Alex.
"Ah..eh let's say Mommy get tired of it and I chose to take care of you and Dad
instead," napapalunok na paliwanag niya. "Tsaka yung trabaho kasi ni Mommy sa
office lang. I-I wasn't really involved in fighting," sabay tingin niya sa stop
light na kunway hinihintay itong mag-go.
"But you were still trained like holding guns and defending yourself, right?"
"N-No... Mommy was too weak in that area that's why I was only assigned in the
office to interview people and do paper works."
Biglang nadismaya si Cassandra sa sagot ng ina. "Tssss...that's too bad. How I
really really wish you were a cool lady officer like those in movies."
"Those characters weren't real. I told you to stop watching those kind of movies
dahil hindi totoo ang mga napupulot mong lessons diyan. Sa totoong buhay, pag
masyado kang matapang at walang kinatatakutan there are only two things that could
happen to you. It's either you hurt yourself or hurt the people you love."
"I see... B-But how will you hurt yourself and the people-"
"Cassandra! Can you stop asking questions please?!" biglang taas ng boses ni Alex.
"M-Mom... Are you angry?" gulat na tanong ng bata.
Humupa ang tensiyon sa dibdib ni Alex pagkakita sa nakangangang anak na may
nanlalaking mga mata habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Agad niya itong
nginitian.
"S-Sorry... Mommy's not angry. It's just that I need to concentrate driving. "
Tumahimik si Cassandra ng ilang sandali ngunit nang huminto ulit sila sa isang
stoplight muli na naman nitong ibinalik ang atensiyon sa ina.
"Mom..." sambit nito habang titig na titig sa magulang.
"Yes?"
"A-Are you wearing makeup?"
Napangiti si Alex nang sa wakas ay napansin na rin ng bata ang hitsura niya.
"Naglagay ako ng kaunti. How do I look?" nakangiting tanong niya sabay tingin sa
sarili sa salamin.
"Wow Mommy you look pretty! No, you look awesome!" namimilog ang mga matang ika ni
Cassandra.
"Talaga? Binobola mo lang ata si Mommy eh. Kanina lang ay di mo ako pinapansin,"
medyo nagbablush na tugon niya habang dalang-dala sa puri ng anak.
"Wait, you're wearing a skirt and heels too? Wow! See Mom? You can also be sexy!"
sabay tanggal ng bata sa suot na seatbelts.
"What are you doing Cassandra? Malapit ng mag greenlight" nag-aalalang sabi niya sa
tumatayong anak.
"Mabilis lang to. I want to kiss my beautiful Mom!"
Tuwang -tuwang lumapit kay Alex si Cassandra. Kumapit ito sa leeg ng ina at humalik
ng pagakadiin-diin sa pisngi. "Mwah!"
BLAG!
Nayanig ang buong sasakyan at mabilis na niyakap ni Alex ang muntik ng tumilapong
anak. Namutla ang bata sa sobrang pagkagulat.
"Cassie are you okay?! Nasaktan ka ba?" sobrang pag-aalalang sabi ni Alex habang
kinakapa-kapa ang katawan ng bata.
"I-I'm fine Mommy..."
Matatalim ang mga matang lumingon si Alex sa sasakyang bumangga sa kanilang
likuran.
Tok.Tok.Tok.
"M-Mommy there's a scary guy..." sambit ng anak habang ngumunguso sa bintana.
Napalingon siya sa katabing bintana at nakitang kumakatok dito ang isang mukhang
binatang halatang nakainom.
"Baba! Bumaba ka diyan!"
Pinaupo niya ulit si Cassandra at nilagyan ng seatbelt. Hindi pa rin tumitigil ang
lalaki sa pagkatok.
"Mommy what are we gonna do? Call Daddy now. That guy looks like he wants to hurt
you," nag-aalala at takot na sabi ng anak.
"Don't worry baby. I will talk to him.....nicely," nakangiti ngunit nagngingitngit
ang mga ngiping ika niya.
"Baba diyan! Kundi babasshaagin ko tong bintana mo!"
"Mommy don't get out. Let's call Daddy now."
"Huwag kang matakot kaya ni Mommy to. Huwag na nating istorbohin ang Daddy, okay?"
Kampanteng lumabas si Alex sa kotse at nagtitimping tumingin ng diretso sa mga mata
ng lalaki.
"Hoy babae! B-Bhakit tatanga-tanga ka ha?! Nakita mo ng go na yung sshtoplight di
ka pa rin umaandar. Ano ang tingin mo dito ssha kalshada? Garahe niyo!"
Hindi niya pinansin ang pagbubunganga ng lalaki sa halip ay tumungo siya sa likod
ng sasakyan upang tingnan ang damage nito. Bumuntot sa kanya ang nakabangga.
"B-Bhayaran mo yang damage ng kotshe ko!" dagdag pa nito.
"Lapit ka dito, babayaran kita kahit magkano," mahinahong sagot niya.
Lumapit sa kanya ang lalaki. Tumingin muna siya sa loob ng kanyang kotse at nang
makitang hindi nakatingin ang anak. Sobrang bilis na kinuha niya ang kamay ng
lalaki, inilagay ito sa likod at pasimpleng pinilipit ng pagkalakas-lakas.
"Aray! Aa-aray!" daing ng lasing.
"Bwake ng ina mo. Tanghaling tapat eh nagmamaneho ka ng lasing at mukhang nakadroga
ka pa ata. May madadamay ka pang bata diyan sa katarantaduhan mo," malumanay ngunit
gigil na gigil na sabi niya.
"B-Bitawan mo ako! A-Aray!"
Mas lalo niya pang nilakasan ang pagkakadiin sa kamay ng lalaki. Ngumiti siya nang
makitang lumingon sa kanila ang anak at kunway kinawayan ito habang hawak-hawak ang
kamay ng bumangga. Sumagot ng ngiti ang bata hanggang sa muli itong humarap sa
daan.
"A-Aray..." impit na daing ng lalaki dahil sa sobrang lakas ng pagkakapilipit sa
kamay.
Sumubok sumuntok sa hangin ang lalaki. Inapakan ni Alex ang paa nito at mabilisang
iniuntog ang noo sa hood mismo ng sasakyan nito.
"Tangina mong babae ka humanda ka sa akin!"
Idiniin niya lalo ang takong sa inaapakang paa.
"Aray!"
"Tumahimik ka kundi babalian kita ng kamay," gigil na banta niya.
Dinukot niya ang cellphone na isiniksik sa bra. Tumingin muna siya sa direksiyon ng
anak at nang muli itong lumingon sa likuran, binigyan niya ito ng isang matamis na
ngiti.
"Hello Balatbat! Area mo tong Ortigas di ba? Magpapunta ka ng tao dito sa corner ng
Onyx at Sapphire malapit sa Meralco. May ireregalo ako sa inyo....Malapit ka lang?
Bilisan mo ha bago ko pa maputulan ng kamay ng taong ito!"
Wala pang sampung minuto ay may dumating ngang itim na kotse. Bumaba dito si SP02
Melchor Balatbat. Preskong-presko ito sa get up nitong leather jacket, kupas na
pantalon, ray-ban sunglasses at leather boots.
"Madam Monteverde! Yo! Yo!Whatz the problem?!" nakadipa at ngiting-ngiting bati sa
kanya ng dating kasamahan.
Itinapon niya papalapit kay Balatbat ang lalaki at agad naman itong pinosasan ng
nasabing pulis.
"Hoy! Bakit mo ako pinoposshasshan? Bawal yan ah! Hanong ebidensiya mong ako nga
ang may kasshalanan ha?!" reklamo ng lalaki.
Tinanggal ni Balatbat ang suot na sunglasses at binatukan ang lasing. "Gago ka!
Posisyon pa lang ng sasakyan mo, alam na!" Inamoy ng pulis ang hininga ng kausap at
tinitigan ang namumula nitong mga mata. "Putik ang aga mong magtrip tol ah!
Tsk...tsk.. ang daming pwedeng babanggain, ex ko pa ang binangga mo!"
Natigilan ang lalaki at tila nawala ang tama ng alak nito sa huling sinabi ng
pulis. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Alex at Balatbat.
"Sa pangit mong yan pinatulan ka ng babaeng yan?" biglang diretsong salita nito.
Muling binatukan ni Balatbat ang lalaki. "Bastos ka ah! Kung pangit ako eh ano ka
pa! Bilasang adik! Ahahahahaa!"
"Balatbat!" tawag ni Alex habang nakatingin sa kotse ng dating kasamahan.
"Yes Madam?!"
"Ano yang naaninag kong babae sa sasakyan mo?"
Napapakamot sa ulong ngumiti si Balatbat. "Ah-eh alam mo na. Nag-malling lang kami
diyan sa Galleria."
"Tirik na tirik pa ang araw, pambabae na agad ang inaasikaso mo imbes na yang
trabaho mo! Kaya hindi ka mapromote-promote!"
Ngingisi-ngising kinausap ni Balatbat ang lasing. "Ano naniniwala ka na? Kita mo na
nagseselos pa rin. Di makamove-on masyado pa ring concern sa akin hanggang ngayon,"
mayabang na sabi nito.
"Masyado kang peteks porke't si James na ang bagong hepe niyo!" dagdag pagalit pa
ni Alex.
Kumibit lamang ng balikat ang dating kasamahan. "Wala eh, malakas tayo kay hepe!"
"Ewan ko sayo! O bahala ka na sa taong yan! Dalhin mo agad sa presinto para naman
masabing may nagawa ka ngayong araw na ito."
Bumalik ng sasakyan si Alex at sinalubong agad siya ang nag-aalalang mukha ni
Cassandra.
"Mommy, are you okay?"
"I'm fine baby," humahangos na sagot niya.
"Did he hurt you?"
"No."
"But why is Tito Melchor here? Is he going to arrest that guy?"
"Hmm... That guy is drunk kaya di pa siya pwedeng magdrive. Dadalhin muna siya ni
Tito Melchor sa isang lugar para magpalipas ng pagkalasing."
"Ah...in jail," walang paliguy-ligoy na komento ng bata."But why were you holding
his hand all the time?" biglang kunot noong tanong nito.
"I-I was begging him not to hurt me," napapalunok na katwiran niya.
"Well... he didn't hurt you. So maybe he's not that bad afterall," kibit balikat na
wika ng anak.
"I guess so... Lets go Cassandra. B-By the way, don't tell Dad about this, okay?"
nakangiting sabi niya.
"Hayy... here we go again. She doesn't want me to fight but she's teaching me to
lie," napapabuntong-hiningang sambit ng bata sabay halukipkip at iling.

[3] Power House

Mahigit isang taon ng hindi nakakalakad si Don Henry. Kung hindi kama ay wheel
chair na lamang ang madalas niyang paglagian. Sanhi ito ng ikalawang atake niya sa
puso. Ang unang atake niya ay nadala pa sa therapy ngunit itong panghuli ay
tuluyang ng naging paralisado ang kanyang mga paa.
"Kumusta ang itinatakbo ng plano mong city complex sa Bataan?" tanong nito sa apong
madalas bumisita sa kanyang kuwarto pagkagaling opisina.
"There's a good news on that one. Finally, Mr. Chan of Hexagon Realty accepted our
partnership offer," may ngiting sagot ni Blake.
"Hmmm... how did you manage to convince the top real estate company of the country
to work with a neophyte in this field?"
"Because the new chairman of Golden Pacific is quite awesome," mayabang na biro ni
Blake.
Nang tumuntong si Blake ng trenta, pinalitan niya na sa posisyon si Don Henry.
Dahil na rin sa tuluy-tuloy na panghihina ng katawan ng matanda, minabuti na nitong
magresign sa kumpanya at ipaubaya na lamang sa apo ang pamamalakad. Naging maganda
ang performance ni Blake sa loob ng anim na taong pagiging CEO nito kaya majority
ng mga board of directors ay sumang-ayon sa pag-upo niya bilang bagong chairman ng
Golden Pacific.
Subalit kahit wala na sa posisyon si Don Henry, mahalaga pa rin ang opinyon nito sa
pamamalakad ng kumpanya kaya't pagdating sa paggawa ng mahahalagang desisyon ay
kinukunsulta pa rin ito ni Blake.
"Baka naman nalilihis na ang focus mo sa realty na yan at nakalimutan mo na ang
totoong linya ng ating kumpanya," nag-aalalang sabi ni Don Henry.
Umiling si Blake. "That's not gonna happen. Medyo nagfofocus lang ako sa city
complex because I want to build a solid foundation before I entrust it to our
employees. Kalahating bilyon ang inilabas nating pera dito that's why I can't feel
relax on this project."
"Mapagkakatiwalaan ba ang mga empleyado mo dyan?"
"Yes. We scouted the experts. All of them believe in our project that's why they
chose to come to our company."
May kumatok sa pinto at natigil ang pag-uusap ng maglolo. Pumasok ang isang
katulong hawak ang tray na may isang basong tubig at mga gamot. Kasama nito si
Cassandra.
"Grandpaaa! Medicine time!" tumatalon-talon pang bungad ng bata.
Namilog pa lalo ang dati ng mabibilog na mga mata pagkakita sa kanyang ama. "Whoah!
Daddy you're home!"
Lumapit si Cassandra sa nakaupong daddy at dumamba sa likod nito sabay pupog ng
halik.
"Where's your mom?" tanong ni Blake.
"She's cooking our dinner-" sabay bulong nito sa tenga ng ama. "Dad she's busy in
the kitchen... we can sneak out. Let's play car racing video."
"Let's see...after grandpa and I are done talking," tatawa-tawang sagot ni Blake.
"Ahhh.. Grandpa is hurting. W-Where's my nurse?" kunwari ay daing ni Don Henry
habang napapahawak sa kanyang puso.
Tumigil si Cassandra sa paglalambing sa kanyang daddy at nag-aalalang tumingin sa
lolo na noon ay nasa aktong papainumin na ng katulong ng gamot.
"Stop!" pigil niya sa maid at dali-daling umakyat sa higaan para lumapit sa
matanda. Kinuha niya ang mga iinuming gamot sa katulong. "I'm his nurse. I should
be the one giving him the medicine."
Pinainom niya ang lolo at pagkatapos ay binigyan ito ng isang madiing halik sa
pisngi. "Mwah! Do you feel better now grandpa?"
Nakangiting tumango si Don Henry. "Yes. My granddaughter is the best nurse in the
world."
"Tara na Cassandra," aya ng maid matapos mapainom ng gamot ang matanda.
Nakasimangot na umiling ang bata. "I'll stay here."
"Cassie just wait for me in your playroom. Daddy and grandpa is still talking," ani
Blake.
"I'll massage grandpa's legs!" nagmamadaling minasahe ng bata ang hita ng matanda
para magkaroon ng dahilan upang manatili sa kuwarto.
Tumawa si Don Henry. "Okay my nurse can stay here."
"Yehey! See Daddy I can wait for you here."
"But don't be too naughty baka mahilo ang Lolo," paalala ng ama.
"Yes, Dad!"
Muling nagseryoso si Blake at itinuloy ang naputol nilang pag-uusap ni Don Henry.
"By the way Lolo, I had meeting with Mr. Chan today and he gave his regards to you.
They'll be celebrating their company's 25th anniversary. Alex and I are invited. He
said how he wishes you could be there."
"Ah, I miss playing golf with that old man." Napapabuntong-hiningang sabi ng
matanda. "He's a good friend but be careful about him because when it comes to
business he's very strict. He hates even the slightest incompetence. He won't dwell
in any partnership without expecting big profit in return so be careful with his
intentions too."
"I know. But I'm confident that he trusts our ability-"
Natigilan si Blake sa seryosong pagsasalita nang mapansin ang anak na animo'y
nilalagari ng kamay ang mga hita ni Don Henry at lumilikha ito ng ingay ng
nagchachainsaw.
"Cassandra, you're being noisy. What are you doing?"
"I'm cutting grandpa's legs. I'm going to replace them with new one so he can walk
again." Sumimangot si Cassandra at napakamot sa kanyang ulo. "Dad, I'm bored. Let's
play video games now baka matapos na si Mommy sa kitchen di na naman tayo
makapaglaro."
"Sige na Blake pagbigyan mo na muna yang anak mo. Let's talk again tomorrow," wika
ni Don Henry habang napapangiti sa nagmamaktol na bata.
Napipilitang tumayo si Blake. "I'll check the maids too if they're preparing your
dinner now... Let's go Cassie."
"Yipee!" Dali-daling bumaba ang bata sa kama. "Bye Grandpa! I'll be back later with
Yaya Cora to serve your dinner."
Bago makalabas ang mag-ama, muling tinawag ni Don Henry si Blake.
"Kailangan na ni Cassandra ng kalaro. Kailan niyo ba yan balak sundan? I'm waiting
for a grandson. We need a child na magpapatuloy sa ating pangalan."
"We're trying our best, di pa rin talaga makatsamba. We have plan to visit again
Alex's gynecologist."
-------
"Go Daddy! Go Daddy! To your left Dad! Maabutan ka na ng kalaban. Faster!"
"Sssshhh... quiet or else Mom will hear us."
Pansamantalang itinikom ni Cassandra ang bibig pagkatapos ay pabulong na nagcheer
sa amang kasama sa paglalaro ng car racing video. "Go Daddy...Go. You're about to
beat the high score. Go..."
Biglang namatay ang TV at tulalang napanganga ang mag-ama.
"W-What happened?" di makapaniwalang tanong ni Blake na sana'y nasa kasagsagan na
ng pagkakapanalo.
"I don't know," kibit balikat na sagot ni Cassandra.
"Dinner time."
Sabay na napalingon ang dalawa kay Alex na noon ay hawak-hawak ang binunot na
saksak ng TV.
"HON!" biglang tayo ni Blake. "Why did you turn it off?! I'm about to beat the high
score!" medyo galit na sabi nito.
Humalukipkip si Alex at kunway binigyan ng isang malambing na ngiti ang mister. "
Nagagalit ka ba? Sorry ha naistorbo ko ang pangungunsinti mo diyan sa anak mo."
Unti-unting umamo ang mukha ni Blake lalo nang makitang dahan-dahan ng tumataas ang
isang kilay ni Alex. Napapalunok na binitawan niya ang controller.
"Your daughter asked me to play with her. It would be awkward kung makipaglaro ako
ng manika sa kanya," maamong paliwanag niya.
"Maraming homeworks yan. Alam mong may pasok bukas, imbes na asikasuhin ang
assignment, inuna mo pang pagbigyan ang paglalaro."
Lumapit siya sa misis, malambing na inakbayan ito at bumulong. "There you go again
with your unnecessary strictness. Huwag mong masyadong pinagbabawalan yang anak mo.
You should know best na pag mas lalong pinipigil, mas lalong nanggigigil. You've
been there remember?"
"Kaya nga pinagbabawalan na ng maaga para hindi na tubuan ng sungay. Hihintayin ko
pa bang lumaki yan na kagaya ko," mahinang sagot ni Alex.
"She's into car racing too. Kaya mo bang pigilan yan if both her parents used to
love that sport too?"
"Hinaan mo yang boses mo baka marinig ka," nag-aalalang bulong ni Alex.
"Are you fighting?" inosenteng tanong ni Cassandra habang nakapangalumbaba sa sofa
arm at pinapanood ang nagbubulungang mga magulang.
"No, we're not. Can't you see Mommy and I are talking calmly right now?" sagot ni
Blake.
"But that's your style. You always whisper whenever you're fighting."
Nagkatinginan ang mag-asawa at agad na nag-isip ng magandang paliwanag si Blake.
"Yes sometimes we argue but that doesn't mean we're fighting. Right now, I'm only
explaining to Mom not to worry too much about your homework. I'm reminding her that
you've got brain like Dad so study won't be that hard for you," ngingiti-ngiting
pahayag ng ama.
Napaisip si Cassandra at sabay tingin sa kisame. " You know I'm bothered by what
Lola Sylvia said."
"Anong sabi sayo ng Lola Sylvia?" kunot noong tanong ni Alex.
"I got my intelligence from Daddy but the rest of my personality belongs to Mom. It
gives me headache because even though how hard I try to think about it, I can't see
any resemblance of myself to you," problemadong-problemadong pahayag ng bata. " Mom
can you tell me what are those traits Lola Sylvia were referring about?"
Tiningnan ni Alex ang asawa at sinenyasan ito na patigilin ang anak sa pagtatanong.
Lumapit si Blake kay Cassandra at masayang kinarga ito. "Let's have our delicious
dinner now! I can't wait to taste Mom's cooking," aya niya sa bata.
Bumaba patungong kusina ang mag-anak at masiglang naupo sa mahabang hapag kainan.
Namilog agad ang mga mata ni Cassandra nang makitang isa sa mga nakahain ay ang
kanyang paboritong inihaw na pusit.
"Wow you cook squid Mom! I think I'll eat a lot now!"
"How can you say you have no resemblance to your Mom? Eh sa mga paboritong pagkain
pa lang ay parehong-pareho na kayo," mahina at napapailing na lamang na wika ni
Blake habang pinapanood si Alex na nilalagyan ng pagkain ang plato ng anak.
"Hmmm. This is yummy!" puri ni Cassandra pagkasubo ng isa. "You're really the best
Mom! Have you always been this good at cooking?"
Muntik ng masamid si Blake sa tanong ng anak. Kinagat niya ang dila upang pigilan
ang sarili na matawa.
Napansin agad ni Alex ang reaksiyon ng asawa. Palihim niya itong sinipa sa ilalim
ng mesa. "Huwag mo akong ibubuko sa anak mo," nagbabantang bulong niya.
Hirap na nilunok ng mister ang pagkain sabay napainom ng tubig habang hirap na
hirap sa pagpigil ng tawa.
"Your Mom's unique cooking was the main reason why I get married with her. I can't
live without it," tatawa-tawang wika ni Blake habang nararamdaman pa rin ang sipa
ng asawa. " Alam mo bang dahil sa galing ng Mommy mo magluto I learned to
appreciate any food in front of me? She even changed my tastebuds preferences."
"Mommy sino po ang mas magaling sa inyo ni Tita Margareth magluto?"
"I guess it's Tita Margareth," sagot ni Alex. "Nakatikim ka na rin ng luto niya di
ba? So anong masasabi mo?"
Sumubo muna ng malaki si Cassandra at nanimbang ng ilang saglit sa isasagot. "
Hmmm...I think both of you are good. Ang lamang lang ni Tita Margareth ay mas
masarap siyang gumawa ng mga cookies and cakes. Pero Mom bat ganun si Harry? He
doesn't eat well although her mom is a good cook too."
"Because Harry is very choosy when it comes to food," sagot ng ina habang
binabantayang maigi ang maganang pagkain ng matanong na anak.
Ibinaba ni Cassandra ang hawak na kutsara't tinidor. Nagsalubong ang mga kilay
nito. "Haist, that's why he's weak in everything! He can't defend himself when his
classmates bully him. Ang bilis-bilis niya ring matumba o madapa kapag naglalaro
kami. Mommy can you fix his tastebuds too just like what you did to Daddy."
Natawa na naman si Blake. Tiningnan siya ng masama ni Alex. "Ayan kung ano-ano
kasing sinasabi. Alam mo namang may sa recorder ang utak nitong anak mo," bulong
nito.
"Mom can we drop by at Tita Margareth's bakery tomorrow. I miss her cakes."
"Ako na lang. I really plan to visit Tita Margareth tomorrow habang nasa school ka.
Iuuwi ko na lang yung favorite cake mo," pahayag ng ina.
"Don 't forget to bring some food for Harry too Mommy. And keep telling him he
needs to eat a lot."
"Okay."
Tumikhim si Blake at medyo seryoso ng tumingin sa asawa. "Hon, don't make any
appointment on Thursday night. I'm bringing you to Hexagon's anniversary party."
"Mom you're going to a party! Wow I'm going to see you on fabulous dress again.
Ayeei! I'm sure Tito Dennis friend will be excited again in making your gown,"
tuwang-tuwa at kilig na kilig na sabi ng bata. "Dad can I go too?"
"That party is for grown ups only. Si Yaya muna ang mag-aasikaso sayo sa Thursday
because Mommy is going to be my muse that day."
"Hon, pwede bang huwag na akong sumama?" alinlangang bigkas ni Alex.
"You need to go honey. I told Mr. Chan that I'm bringing my wife. He's always been
curious about you and that party is the right timing to introduce you to him. I
can't disappoint the chairman of Hexagon. Alam mo namang nililigawan ng Golden
Pacific si Mr. Chan ngayon."
"Baka naman mas lalo ka lang mapahamak pag isinama mo ako, lalo na kapag hindi
naging maganda ang impression sa akin ni Mr. Chan."
" No one has the right to have a wrong impression on Golden Pacific Madame,"
pagpapalakas ng loob ni Blake sa asawa. "Mr. Chan said that he'll be honored if he
could make my aloof wife attend their party."
"Oo nga naman Mommy. Why do you love hiding your beauty? If you're worried about
me, I promise to behave on Thursday. I don't see any problem if you go with
Dad...unless Mr. Chan finds you beautiful and falls in love with you."
Sabay na napatingin ang mag-asawa sa anak nang may nanlalaking mga mata.
"Cassandra Marlene!" magkasabay na bulalas ng dalawa.
Tumigil sa pagsubo si Cassandra at inosenteng tumingin sa mga magulang na noon ay
parehong salubong ang mga kilay habang nakatitig sa kanya. Nagpapakyut na nginitian
niya ang mga ito.
"I-I saw it in the drama. U-Usually when a beautiful woman attends the party, most
of the men fall in love with her..."
Ibinaling ni Blake ang mga paningin kay Alex at naniningkit ang mga matang
tinitigan ang misis.
"W-Wala akong itinuturong ganyan sa anak mo. H-Hindi ko rin yan basta-basta
pinapayagang manood ng TV... Hindi ko alam kung anong drama yang sinasabi niya,"
kusa ngunit kabadong depensa ni Alex.
"Cassandra you can't watch TV for one week. And you Alex has to attend the party
but you're going to wear the simplest presentable dress. Understand?" matigas na
wika ng lalaki at pagkuway tahimik na bumalik sa pagkain.
"Y-Yes," mahina at sabay na sagot ng magnanay.
Nagkatinginan ang mag-ina. Tinantiya munang hindi nakatingin si Blake saka lihim na
nagngusuan. Parehong sinisisi ang isa't isa kung bakit nagalit ang ama...

4] A Wife's View

"Kailangan ba talagang ikaw pa rin ang personal na nag-aasikaso sa bakery na ito?


Dala-dalawa na ang inaalagaan mong anak tapos tatlong buwan ka pang buntis, kaya mo
pa ba? Parang ako ang nahihirapan sayo," komento ni Alex habang nakaupo sa tapat ng
counter at pinapanood si Margareth na nagpupunas ng estanteng salamin.
"Oo naman. Kayang-kaya ko pa! Sa branch na lang na ito ako hands-on pero yung tatlo
ko pang mga branches ipinagkatiwala ko na sa mga managers ko," sagot ng kaibigan na
tila di man lang iniinda ang pagdadalantao. Blooming na blooming pa rin ito at
sopistikada pa ring manamit. Mas mukha pa nga atang siya ang mas maraming anak kung
pagbabasehan ang pag-aayos sa sarili.
Matanda lamang kay Cassandra ng anim na buwan ang panganay nitong si Harry.
Samantalang tatlong taon naman ang pangalawa nitong anak na babae. Di tulad niya,
medyo hati ang oras ng kaibigan sa pamilya at sa negosyo nito. Ngunit gayunpaman
hindi pa rin naman ito nagkukulang bilang ina at asawa. Napakagaling nito sa time
management, di niya nga rin maintindihan kung bakit sa kabila ng napakaraming
inaasikaso, hindi man lang ito makitaan ng stress sa mukha. Lagi pa rin itong
maganda at nakaayos. Pati katawan nito ay tila walang pagbabago.
"Hindi ba masama sa pagbubuntis mo ang pagtatrabaho? Buti pinapayagan ka pa ni
James," komento niya.
"Hindi naman ako sensitive magbuntis. Saka alam naman ni James na hindi stress ang
nakukuha ko dito sa bakery. This is one of the sources of my energy. And plus the
fact na dumadami na ang anak namin, mas lalo akong dapat tumulong sa paghahanap
buhay. Di ako kagaya mong bilyonaryo ang asawa na kahit humilata na lang habambuhay
ay mayaman pa rin!"
"Hindi ko naman sinasabing isarado mo tong negosyo mo... Ang sa akin lang ay
magpahinga ka naman muna lalo't buntis ka. Hindi niyo naman ikakahirap ang kaunting
panahong pagpapahinga mo," katwiran niya.
"Alex ang isang negosyo kapag napabayaan mo ng kahit maiksing panahon lamang ay
maaring ito na ang maging dahilan ng ikabagsak nito. Buti sana kung makabangon ka,
paano pag hindi? Kawawa naman ang mga anak ko. James and I are both helping each
other to support the future of our children. Magtatatlo na ang anak namin kaya
hindi kami pwedeng magrelax-relax. Sa pagpapa-aral pa lang ay gusto ko ng
tumambling sa mahal ng mga bayarin," litanya nito.
Tumunog ang chimes na nakasabit sa glassdoor at binati agad ni Margareth ang
pumasok.
"Hi Inspector Aldovar!"
Napalingon si Alex sa bagong pasok na kustomer nang marinig ang kaibigan na tinawag
itong inspektor.
"Good morning Ma'am," kiming bati nito kay Margareth.
Tahimik na pumuwesto ang lalaki sa isang mesa.
"Lea," tawag ni Margareth sa isa sa mga tauhan.
"Yes Ma'am?"
"Bigyan mo ng kape ang binatang yun at tanungin mo na rin kung gusto ng tinapay o
kaya'y sandwich."
"Ok po."
Ibinalik ni Alex ang atensiyon sa kaibigan at kasabay nito'y nahalata niyang parang
mas tahimik ngayon ang paligid. "Di mo ata isinama si Chloe ngayon?" biglang hanap
niya sa anak nitong babae. "Namimiss ko ng kagatin ang mga pisngi ng tabachingching
na yun."
"Nasa school kasama ang yaya niya."
"School?" takang sambit niya.
"Yap, ini-enroll ko na sa nursery. Naiinggit kasi lagi sa kanyang kuya pag
pumapasok. Ayun, kanina'y tuwang-tuwa after wearing her ow backpack."
Tumigil sa pagpupunas si Margareth at binalot ang isa sa mga nakadisplay na cake sa
istante. Pagkatapos ay ibinigay ito kay Alex.
"Give it to Cassandra."
"Thank you. Namimiss na nga ng batang yun ang cake na ito."
Tumingin si Alex sa relos. Malapit na rin ang oras ng sundo niya sa anak.
"Harry and James are on their way here. Hintayin mo na yung pamangkin mo at medyo
hinahanap ka na rin nun lately. Maaga pa naman para sunduin si Cassie," kusang sabi
sa kanya ng kaibigan matapos mapansing napatingin siya sa oras.
"Hihintayin ko talaga ang batang yun at may pinabibigay din sa kanya si Cassie."
Inilabas niya ang isang box ng chocolate mallows mula sa bag. "Si James ba ang
sumundo sa kanya ngayon?"
"Oo. At naglambing sa kanyang Daddy lagi na lang daw yaya at driver ang sumusundo
sa kanya. May bago kasing nakaclose na classmate na laging Daddy ang sumusundo kaya
ayun nainggit," tatawa-tawang pahayag ni Margareth.
Dumaan sa harap nila ang inutusang empleyado ni Margareth. "Lea, bakit di mo
binigyan ng tinapay si inspector?" sita ng kaibigan.
"Eh Ma'am coffee na lang daw po."
Napalingon si Alex sa tinutukoy na inspector.
"Sino ba yan?" pabulong na tanong niya habang nanatiling nakatingin sa nagkakapeng
lalaki.
Nangalumbaba sa harap niya ang kaibigan sabay ngiti at titig sa direksiyon ng
kustomer. "Ang gwapo niya no?"
"Ikaw buntis ka na't lahat malandi ka pa rin," mahina ngunit natatawang komento
niya. "Regular customer ba yan dito at nang maireport na kay James," biro niya.
"Hindi siya kostumer, bagong tao yan ni James sa headquarters. May usapan yata
silang magkikita dito...mukhang may importanteng kasong hinahawakan ang taong yan."
Bigla siyang nagkainteres sa narinig.
"Alam mo ang ganda daw ng background niyan. Ang daming trainings sa abroad. Yan ang
tinagurian nilang bagong alas ng headquarters. Sharp shooter, martial arts expert,
matalino, matapang at higit sa lahat ang guwapo..." may landi sa dulong pagkakasabi
nito.
"Kilabutan ka nga Margareth, parang pamangkin mo na lang yan," nakataas ang isang
kilay na sabi niya.
Pinagmasdan niyang maigi ang lalaki. Hindi lalampas ng bente singko ang edad nito.
Amoy na amoy pa ang pagiging sariwa nito sa trabaho. Tama ang kaibigan na may
hitsura nga ito at malakas ang dating. Maayos at malinis ding manamit. Nakabihis
ito ng untucked skyblue long sleeve, loose mocha pants, itim na leather jacket na
may nakasabit na mamahaling sunglasses sa bandang dibdib na bulsa at medyo
kumikintab sa linis na itim na sapatos. Sa porma nito hindi mo aakalaing isa itong
pulis. Maamo ang mukha ngunit bakas niya ang binabanggit na tapang ni Margareth.
Napailing siya. Tsk. May bago na namang heartthrob ang headquarters.
"Alam mo Alex pag may napapalingon pa sayong ganyan kagwapo't kabatang lalaki dapat
kang magdiwang. It's not an act of unfaithfulness kundi isa itong reason para
madagdagan ang self-esteem mo as a woman in her mid 30's. It means na sa kabila ng
edad mo hindi pa rin kumukupas ang ganda mo. Na may naaattract pa rin sayong bata.
Kaya dapat mas lalo kang mainspire magpaganda, it's for the sake of your husband
too. He'll feel proud if his beautiful wife is still a headturner even to guys in
their twenty's," paliwanag ng kaibigan habang sabay nilang pinagmamasdan ang walang
kamalay-malay na lalaki.
"Hindi ko kailangan ang lingon ng ibang lalaki. Kahit milyun-milyong binata pa ang
lumingon sa akin, talo pa rin yan ng isang lingon ni Blake," nagmamalaking sagot
niya.
Pinandilatan siya ng kausap. "Ayan! Ayan! Pinapasok mo na naman yang Blake mo! Oo
na alam kong walang makakatalo diyan sa asawa mong dugong bughaw. Ang sinasabi ko
ay ang pakiramdam mo para sa sarili mo pag may lumilingon sayong ibang lalaki."
Lumingon sa kanila ang inspector. Medyo napahiya siya nang mahuli sila nitong
nakatingin ngunit kaswal na kinawayan at nginitian lamang ito ni Margareth. Sumagot
ng ngiti ang lalaki sa kaibigan. Pagkuway tumingin ito sa kanya ng ilang sandali at
ngumiti rin. Ginantihan niya ito ng nahihiya't nag-aalangang ngiti. Pagkatapos ay
ibinaling ulit nito ang atensiyon sa kape.
Siniko siya ng kaibigan.
"Kitam tiningnan at nginitian ka. Ang ganda mo pa rin friend!" mahinang sabi nito.
"Pati ba naman yan bibigyan mo ng malisya. Natural papansinin tayo niyan eh asawa
ka ng superior niya."
"TITA ALEXXX!!!"
Napatingin si Alex sa batang pinagbubuksan ni James ng pinto. Pumasok ang may
kapayatang batang lalaking nakasalamin. Inilapag agad nito ang bitbit na bag sa
isang silya. Patakbo itong lumapit at saka humalik sa kanyang pisngi.
"Hi Harry. I miss you!" bati niya.
"Daddy pick me up at school today!" ngiting-ngiting balita ng bata.
"Really wow! So did you show off your handsome dad to everyone?"
"Yes!"
Nagpalinga-linga sa paligid si Harry na halatang may hinahanap. " Where's Cassie?"
"She's still at school. Susunduin pa lang siya ni Tita Alex," sagot niya.
"Hi Alex!" bati sa kanya ni James.
"Hi!"
"Sorry if I can't join you guys. May kakausapin lang muna akong tao," despensa
nito.
Kumpara kay Margareth, medyo mas may edad ng tingnan si James. Hindi na ito ang
dating pulis na nagtataglay ng good boy image. Bakas na sa mukha nito ang mga
responsibilidad na nakaatang sa balikat. Nasasalamin na sa mga mata nito ang
pagiging istrikto at matapang. May awtoridad na rin ang bawat salita at galaw nito
resulta ng pagiging responsable at magaling nitong hepe. Bagamat nag-matured ang
mukha ng dating kasamahan ngunit napapanatili pa rin nito ang makisig at matipunong
pangangatawan.
"Okay lang paalis na rin ako. Hinintay ko lang si Harry," aniya.
Lumapit si James sa naghihintay na kasamahan at ibinaling naman ulit ni Alex ang
atensiyon sa batang lalaki na noon ay biglang tumamlay nang malamang hindi kasama
si Cassandra.
"Harry, look what Cassie asked me to give you!" Inilabas ni Alex ang kahon ng
chocolate mallows. Biglang sumimangot ang bata at ayaw tanggapin ang ibinibigay
niya.
"What's wrong Harry?" tanong ni Margareth.
"I just remember I'm angry at Cassie," matamlay na sagot nito.
"Why?" takang tanong ni Alex.
"The last time we played, she pushed me and punched me in the arms."
"What?! Why did she do that?" bulalas ni Alex.
"She said she'd teach me how to fight but I didn't agree to it so she punched me
instead."
"Aish that girl!" may kalakasang wika ni Alex. "Don't worry Tita Alex will let her
say sorry to you," alo niya sa bata.
Saka lamang kinuha ni Harry ang inaabot niyang pagkain. Tumakbo ito papasok ng
counter at naupo sa may cashier. Binuksan ang box ngunit imbes na kainin ay
pinaghile-hilera ang mga ito sa mesa at ginawang mga ero-eroplano.
Nginiwian ni Margareth si Alex. "Naniniwala na akong ang pagiging basagulera ang
pinakamalakas na trait mo! Eh mukhang yan lang ang ugaling naipasa mo sa anak mo."
Pinandilatan naman ni Alex ang kaibigan. "Hindi basagulera si Cassandra, minsan
mahilig lang talaga manggaya ang batang yun sa mga napapanood niya. Saka mas kita
kaya sa personality ng anak ko ang mga ugaling nakuha niya sa kanyang tatay."
"Sige i-deny mo pa! IQ lang ang pinagkaiba niyo pero sa lahat ng galaw ni Cassandra
parang nakikita ko ang maliit na Alex na kalaro ko dati. Why can't you accept that
fact para alam mo kung papaano ihahandle yang anak mo? Wala namang masama sa
pagiging matapang ang importante lang ay maturuan mo siya kung papaano kontrolin
ang katapangan niya."
"Ayan na naman tayo sa pangingialam mo sa pagdidisiplina ko sa anak ko!"
"Sige, maiba ako Alex. Ako nakakatatlo na ha. Ikaw anong balak mo?" bigla-biglang
pagseseryoso ni Margareth.
Natigilan si Alex. Parang mas gusto niya na lang ibalik ang usapan sa
pagdidisiplina sa anak kesa ungkatin na naman ang tungkol sa pagbubuntis na yan.
"Anong magagawa ko kung wala kaming mabuo? Kesihodang taon-taon pa akong umere, di
ako magrereklamo...kaso wala talaga eh," kibit balikat na tugon niya.
"Yan ngayon ka na sinisingil ng pang-aabuso mo sa katawan dati. Buti nakahabol ka
pa ng isa. Naku Alex, gawin mo lahat ng makakaya mo! Huwag kang maging kampante.
Hindi simpleng pamilya ang Monteverde. They need a male heir in order to maintain
their power in the company. Gamitin mo yang kayamanan niyo, kung kinakailangang
kumuha ka ng stay in na gynecologist gawin mo!"
"Kailangan ko ng sunduin si Cassandra," agad na pag-iwas niya.
Dinampot ni Alex ang bag at tumayo para takasan na ang kanilang pag-uusap.
Inaasahan niya na ang sunod na sasabihin ng kaibigan. Tatakutin na naman siya nito
na baka matuksong mambuntis ng iba si Blake dahil sa pressure ng kumpanya at ni Don
Henry kapag hindi niya pa rin ito mabigyan ng anak na lalaki.
"Iiwas ka na naman kapag pagbubuntis mo na ang pinag-uusapan. Wala ka kasing tiyaga
sa pagpapacheckup eh! Hindi ka na bata kailangan mo na ang tulong ng doktor."
Kunway wala siyang narinig. Lumapit siya kay Harry para humalik at magpaalam sa
bata.
"Tita Alex don't scold Cassie about the punching. I already decided to forgive her
although she hasn't said sorry yet," sambit nito pagkahalik sa kanyang pisngi.
"You're a good boy but Cassie still needs to say sorry because she did wrong."
"Can I play with her this weekend so she can already say sorry to me?"
"Okay."
"Tell her also that I'm eating these mallows," pahabol nito sabay dampot sa
pinaglalaruang pagkain at kumagat ng malaki dito. "Take care Tita Alex!"
"Thank you, Harry."
Dinaanan niya si Margareth at pairap na kumaway dito. Nginusuan naman siya ng
kaibigan.
"Alex!" tawag sa kanya ni James bago siya makalabas ng pintuan.
Bumalik siya at lumapit sa mesa ng dating kasamahan. "Ano yun?"
"Let me introduce to you the new ace of our headquarters, Inspector Brandon
Aldovar."
Tumayo ang ipinakilalang pulis at malugod na nakipagkamay sa kanya. Ibubuka niya na
sana ang bibig para ipakilala ang sarili subalit inunahan siyang magsalita ni
James.
"Inspector, you might wonder who she is. Take a guess," pabirong sabi ng hepe sa
tauhan.
Nag-aalangang ngumiti ang inspector. " I-I have no idea chief," medyo nahihiyang
sabi nito.
"She's the former Captain Alexandra Valdemor," kaswal na sabi ni James.
Natigilan at napanganga ng ilang segundo si Inspector Aldovar. "C-Captain Alexandra
Valdemor... you mean the legendary lady police officer?"
"Yap. Wala na ngang iba," tumatangong sabi ni James.
"S-So she wasn't a myth after all?"
"She's very real." Tiningnan ni James ang dating kasamahan. "Alex, Inspector
Aldovar is a very promising young officer. I can't help not to introduce you to the
male version of yourself. Believe it or not, he's a replica of your old self during
your Inspector days. Skill wise, intuitons, visions, aggressiveness and
fearlessness, most of this kid's traits remind me of you."
Nagningning ang mga matang muling nakipagkamay kay Alex ang inspektor. "It's an
honor to meet you Captain Valdemor. I'm a fan," puno ng paghangang sambit nito.
"Nice meeting you too..Inspector Aldovar," sagot ni Alex sabay unti-unti niyang
naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak ng kausap sa kanyang kamay.

[5] The First Lady

****
Inaalalayan ni Blake si Alex sa paglalakad. Kadarating lamang nila sa Sofitel Hotel
para sa dadaluhang anniversary party ng Hexagon Realty Corporation. Nakaitim na
coat and tie ang chairman ng Golden Pacific Oil Corporation. Hitsurang napakabango
at napakalinis na naman nitong pagmasdan. Wala ni isa mang bahid ng gusot ang
kasuotan. Pulidong-pulido ang pagkakahagod ng buhok, may suot na mamahaling relos
at pwedeng panalaminan sa linis at kintab ang sapatos. Kahit kasama pa ang misis,
napapalingon at napapahanga pa rin ang bawat babaeng madaanan nito.
Si Alex naman ay nakabihis ng light bronze off shoulder silk gown. May mahahabang
manggas na gawa sa lace at hanggang sakong ang haba na kahit ang suot na sapatos na
may matataas na takong ay dulo na lamang ang nakikita. Hapit sa katawan ang damit
kaya kita ang hubog ng kanyang katawan. Subalit dahil sa pagkaseloso ng mister,
balot na balot naman siya. Tanging balat lamang sa leeg at balikat ang nakalabas sa
kanya. Buti na nga lang at pinayagan pa rin siyang mag-off shoulder at hindi siya
naisipang pagsuotin ng turtle neck.
Nakataas ang kanyang mahabang buhok, elegante ngunit light lamang ang makeup. Medyo
makapal at matapang ito nung una ngunit hindi nagustuhan ni Blake lalo na nang
makita kung gaano kapula ang kanyang lipstick kung kaya't ora mismo'y pinabago agad
ito sa makeup artist. Wala rin siyang gaanong palamuti sa katawan maliban sa pares
ng diamond chandelier earrings at bitbit na beaded clutch bag.
Hawak-kamay silang naglakad sa hotel lobby. Bago nila marating ang elevator ay
biglang may tumawag sa telepono ni Blake.
"Excuse me hon. I need to answer this important call. Can you wait for a minute?"
"Okay lang, honey."
Nakipag-usap ang asawa sa medyo tahimik na parte ng lobby at hinintay niya na
lamang ito sa tapat ng elevator. Habang tahimik na nakatayo'y nakuha ang atensiyon
niya ng isang sopistikadang engliserang tsinitang babaeng medyo may kalakasan ang
boses. Pinapagalitan nito ang isang hotel personnel at inirereklamo nito ang palpak
na valet service. Nakasuot ito ng puting crystal tube cocktail dress na may above
knee lenght creamy feather skirt. Hula niya'y aattend din ito ng party.
Matapos pagalitan ang kausap, napalingon ang babae sa kanya. Patay malisya siyang
tumingin sa ibang direksiyon bago pa man mapaghinalaang tsismosa. Maya-maya lamang
ay namalayan niyang katabi niya na pala sa paghihintay ng elevator ang istriktang
babae. Tuwid na tuwid ang tayo nito at diretso lamang ang tingin.
Nagbukas ang elevator at nauna itong pumasok. Eksakto namang tapos na sa pakikipag-
usap si Blake kaya't nakahabol silang mag-asawa sa pagsakay. Napansin niyang
nagbago ang hilatsa ng mukha ng babae pagkakita kay Blake. Unti-unti itong
umaliwalas. Pasimple itong nagnanakaw ng sulyap habang niluluwagan ng mister ang
suot na kurbata na noon ay halatang na-stress sa katatapos lamang na pakikipag-usap
sa telepono. Napatingin si Blake sa babae at nakita niyang nginitian ng huli ang
asawa. Tiningnan niya ang mister at di niya napigilang magtaas ng kilay nang
mahuling gumanti rin ito ng tipid na ngiti.
Maganda, makinis, seksi at mas bata ang babae kaya't naalarma siya nang bigyan ito
ng atensiyon ng asawa. Kumawit siya sa braso ng mister at hinatak ito papalapit.
Nahalata ni Blake ang pagseselos niya. Ngingiti-ngiting kinabig siya nito sa
beywang. Tumingin ito sa kanyang mga mata at pilyong humalik ng mabilisan sa
kanyang mga labi.
"Blake ano ba nakakahiya," bulong niya.
"You started it," pabulong ding sagot nito.
Nakita niyang medyo nahiya ang kasabay na babae sa lambingan nilang mag-asawa at
napapalunok itong umiwas ng tingin. Bumaba din ito sa floor na pupuntahan nila
kaya't tama ang kutob niyang aattend din ito ng party subalit hindi nila ito
nakasabay sa pagpunta sa venue dahil biglang may tumawag sa cellphone nito
pagkalabas na pagkalabas ng elevator.
Pagpasok nila sa malaking hall ay nag-umpisang umusbong ang naghahalong kaba at
pagkaasiwa sa kanyang dibdib. Marami-rami na rin ang mga ganitong kalalaking party
na napauntahan niya pero ewan ba niya't hindi pa rin siya masanay-sanay.
Kinakabahan pa rin siya sa tuwing dadalo at ang higit niyang inaalala sa lahat ay
kung papaano na naman makikipagsabayan sa pakikipag-usap tungkol sa negosyo at
ekonomiya. Minsa'y pinipilit niyang makipagsabayan dahil kahit papaano ay ayaw
niyang mapahiya si Blake at masabihang may ignoranteng asawa.
Puno na ang lugar ng mga bisita. Nagkikislapan ang paligid sanhi ng mga mamahaling
kobyertos na tinatamaan ng ilaw at mga nagkikislapang damit at alahas ng mga
babaeng bisita. May higanteng chandelier sa gitna ng hall na ang liwanag ay
nagdudulot ng magandang repleksiyon sa mga pinagpatong-patong na mga empty wine
glasses sa tabi ng isang red wine fountain. Kahelira ng fountain ang isang
napakahabang buffet table na may kahanga-hangang display ng mga masasarap na
pagkain. May live singer na nagpeperform sa mala gazeboong pagkakadesign ng stage
at namumukhaan niyang isa ito sa mga kilalang soul singers sa bansa. Muntik pa
siyang ma-starstruck dahil isa ito sa mga paborito niya.
Di pa man sila tumatagal sa pagkakaupo sa mesang nakareserba sa kanila ay sunud-
sunod na agad ang lumalapit at nakikipag-usap kay Blake. Karamihan sa mga ito ay
mga matatandang negosyante na chairman o di kaya'y CEO din ng mga malalaking
kumpanya. Naghahalo ang paghanga at pagtataka niya sa asawa kung papaano nagagawang
makipagsabayan sa mga ito sa pakikipag-usap. Habang nakikinig siya, di niya
makitang nabobore ang mister sa mga matatandang kausap, minsan ito pa nga ang mas
maganang magsalita at mas may maraming sinasabi.
Tumayo si Blake upang makihalubilo sa iba pang mga negosyanteng bisita. Samantalang
siya naman ay nanahimik sa pagkakaupo sa mesa at nanonood lamang sa singer. Mas
gusto niya yung ganito, walang gaanong salita...wala ring gaanong pagkakamali.
Ginagantihan niya na lamang ng mga simpleng ngiti ang bawat atensiyong natatanggap.
Kilala na ni Blake ang ugali niya pagdating sa party. Alam nitong mas komportable
siyang nakaupo lamang sa mesa kung kaya't hindi siya nito inu-obligang
makipaghalubilo masyado pwera na lang kung talagang kailangan.
"Hon, get up." Lumapit sa kanya si Blake at inalalayan siyang tumayo. "I'll
introduce you to Mr. Chan," sabi nito.
Naglakad sila patungo sa direksiyon ng isang nakasuit na chinese businessman na sa
tingin niya'y nasa sisenta ang edad. Malayo pa lamang ay nakangiti na ito sa
kanila. Nagtaka siya nang mapansing katabi nito ang babaeng nakasabay nila sa
elevator.
"Hello, Chairman Monteverde! Who is this beautiful woman beside you?" salubong agad
sa kanila ng negosyante.
"Congratulation on this big day Mr. Chan!" masiglang pakikipagkamay ni Blake. "This
is my wife, Alexandra."
"Good evening po. Nice meeting you Mr. Chan and congratulation on your
anniversary," nakangiting bati niya.
"Thank you. You have a very beautiful wife Mr. Monteverde," puri nito habang
tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"I know. That's why I rarely bring her to parties because I'm a jealous husband.
Malakas lang kayo sa akin," pabirong tugon ng mister.
"What's her position in Golden Pacific?" tanong ng matanda.
"I don't work. I'm a plain housewife," kusang sagot niya.
Halatang nasurpresa si Mr. Chan sa sagot niya.
"Business doesn't interest her," nakangiting paliwanag ng asawa.
Tumingin si Mr. Chan sa katabing babae na noon ay kiming nakikinig lamang sa tabi
nito. "This is my youngest daughter Isabelle. Among my children, she's the one who
inherited my business genes. I'm grooming her to be Hexagon's next CEO."
"Nice meeting you Ms. Chan," bati ni Blake.
Ngumiti si Isabelle at yumukod. Napakaamo na ng mukha nito hindi gaya kanina nung
nakita niyang may pinapagalitang hotel staff. Ganito yata talaga ang mga
negosyante, nag-iiba ang pagkatao kapag trabaho na ang pinag-uusapan.
"Good evening Chairman Monteverde," mahinhing bati nito.
Tumingin sa kanya ang babae at yumukod. "Nice to meet you Mrs. Monteverde."
Sumagot siya ngiti at simpleng yukod. "Nice to meet you too, Ms. Chan."
"Isabelle's the one who's in-charge of the joint project of Hexagon and Golden
Pacific. So Mr. Monteverde expect my daughter to be meeting you a little often,"
masiglang pahayag ni Mr. Chan.
Palihim na tumaas ang isang kilay ni Alex sa narinig. May phobia na siya sa mga
babaeng nakakatrabaho ng asawa kaya bigla siyang naalarma.
"I'll be happy to work with you Ms. Chan," sambit ni Blake. " We keep calling her
Ms. Chan. Do we address her properly?" tanong ng mister sa kapwa chairman.
"She's not married yet. She's twenty six, a marrying age already but I can't find
yet a good match for her. For now she's married to our company."
Medyo nahiya si Isabelle sa sinabi ng ama. Napayuko ito. Halatang kontrolado ng
magulang ang buhay ng dalaga. Kunsabagay ganito nga yata ang trato sa mga babaeng
anak ng mga mayayamang chinese. Kadalasan pa nga sa kanila ay pinapasok sa arranged
marriage.
"You may not aware of it Mr. Monteverde. Inirereto ko dati kay Don Henry ang anak
kong ito para sayo but unfortunately he said you were deeply in love already to a
certain ordinary woman."
Tumaas ang isang kilay niya sa narinig at nahalata agad ni Mr. Chan ang hindi
natutuwang reaksiyon niya.
"Ops. Forgive me for being tactless. I don't mean anything about it. I'm still one
of those friends who are glad to witness the happy married life of Mr. Monteverde,"
paliwanag nito sa kanya.
"Okay lang ho. Napagkukuwentuhan lang naman," kunway nakangiting sagot niya.
Maaaring matagal na siyang tumigil sa pagpupulis, subalit hindi pa rin nawawala ang
kakayahan niyang mangilatis ng tao. Amoy na amoy niya agad na pakitang tao lamang
ang kabaitang pinapakita ni Mr. Chan sa kanya. Katulad din ito ng ibang mga
tradisyunal na matatandang mayamang negosyante na mababa ang tingin sa gaya niyang
hindi nagmula sa pamilya ng mga business tycoon. Lalo na't isang simpleng maybahay
lang siya at hindi rin nagtataglay ng kahanga-hangang educational background. Batid
niyang nahihiya lamang ang mga ito kay Blake kaya hindi siya kayang maliitin ng
diretsahan.
Pag ganitong klaseng mga tao ang kaharap niya ay siya na lamang ang gumagawa ng
paraan upang umiwas sa pakikipag-usap nang hindi pinapahalata sa mister ang totoong
nararamdaman. Ito ang mundo ni Blake na hanggang ngayo'y di niya pa rin talaga
tuluyang masakyan.
Nag-umpisang mag-usap ang tatlong kaharap tungkol sa negosyo. At unti-unti nang
lumabas ang katalinuhan at galing ni Isabelle sa pananalita. Bakas niya sa mukha ni
Mr. Chan kung gaano ito kaproud sa anak na babae na sa tuwing napapatingin ito sa
kanya'y parang ipinamumukha ng mga mata nito kung gaano kalayo ang agwat ng lebel
ni Ms. Chan sa kanya.
Hindi niya na lamang pinansin ang mga nanghahamak na ngisi't tingin ng matandang
lalaki. Matiyaga siyang nakinig sa usapan kahit pa wala siyang gaanong
naiintindihan. Pinalipas niya muna ang ilang sandali bago siya pasimpleng umiwas at
lumayo sa umpukan. Nagdahilan siyang kukuha ng wine at titingin sa mga pagkain.
Pumunta siya sa buffet table at inaliw na lamang ang sarili sa pagtingin-tingin sa
mga pagkaing may napakagagandang arrangement. Kumuha siya ng platito at isa-isang
tinikman ang bawat finger food na matipuhan. Dumampot siya ng isang basong wine sa
tray nang may napadaang waiter sa harap niya at ibinigay dito ang ginamit na
platito.
"Hi Captain Valdemor!"
Nagtatakang lumingon siya sa tumawag sa dati niyang pangalan at nagulat siya nang
makita ang inspektor na ipinakilala sa kanya ni James. Muntik niya na itong hindi
mamukhaan dahil naka-suit din ito. Napahanga siya ng ilang saglit sa mala-James
Bond nitong aura.
Pinilit niyang alalahanin ang pangalan ng lalaki. "I-Inspector Aldovar? T-Tama ba
ako?" kunot noong sambit niya.
"Yes," nakangiting sagot ng binatang pulis.
Nagliwanag ang mukha ni Alex at walang pagdadalawang-isip na lumapit sa lalaki.
Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay may makakausap siyang bisitang may
kaparehas niya ng interes.
"Anong ginagawa mo dito?" di makapaniwala ngunit may ngiting tanong niya.
"Undercover?" bulong niya nang may namimilog na mga mata.
Natawa ng mahina ang pulis. "No. I'm a guest."
"Huh? Galing ka rin ba sa angkan ng mga bilyonaryong negosyante?" takang bigkas
niya.
"No. My father is Mr. Chan's longtime CPA lawyer. Lumaki akong close sa family nila
and he's almost like a father to me already. Actually it was him who sponsored all
my trainings abroad dahil ang totoo'y against ang Dad ko sa pagpupulis ko."
Napangiti sa isipan si Alex. Mukhang totoo ang sinabi ni James na marami silang
pagkakapareho ng batang inspector na ito.
"How about you Captain Valdemor what are you doing here?" sabay tingin nito sa
kabuuang hitsura niya."Y-You look stunning at halos di ko kayo nakilala.
Kinailangan ko pa talagang lumapit to make sure na kayo nga ang nakikita ko."
"Thank you," medyo nagbablush na sambit niya. "Kasama ko ang asawa ko. Kanegosyo
kasi siya ngayon ni Mr. Chan."
"Ah so it's true that you get married to a business man. Kaya ba kayo umalis sa
pagkapulis dahil nakapag-asawa na kayo ng mayaman?"
Natigilan siya sa diretsong tanong ng kausap. Tinimbang niya kung nang-iinsulto ba
ito pero kita niya sa mukha ng lalaki na walang ibang kahulugan ang sinabi nito at
sadyang komportable lang ito sa pakikipag-usap sa kanya.
"Hindi naman. Kaya lang dahil sa sobrang magkaiba ang mundo namin kinakailangang
may isang magsakripisyo para sa kapakanan ng relasyon namin."
"If you didn't quit and with your skill, maybe you are one of the most famous
police officers nowadays. Nakakapanghinayang na hindi ko kayo nakasama sa trabaho.
I've heard about you when I was still in academy. Alam niyo bang kayo ang crush ng
PNPA ng mga panahong iyon?" natatawang kuwento ng binata. "You were the talk of the
academy for being a skillful, brave, cool and beautiful officer. How we wished that
one day you'd visit our class and gave us some lecture or short training. Too bad
it didn't happen," napapailing pang sabi nito habang tatawa-tawa.
Natawa rin siya ng mahina sa narinig. Hindi niya akalaing may tumitingala pala sa
kanyang mga kabataan nung mga panahong iyon. "Naku magagandang bagay lang siguro
ang naririnig niyo tungkol sa akin. Hindi niyo lang alam na isa rin akong pasaway
na pulis nun. Noong mga unang taon ko sa serbisyo ay napakabagal kong mapromote
dahil sa pagiging sutil ko," masayang kuwento niya. "Ikaw? Kelan ka ba naging ganap
na pulis?"
"It's my second year in the service. Dapat pang fourth year ko na but I spent
another two years for overseas trainings. I was assigned in Crame before I was
tranferred under Chief Corpuz supervision."
"Hindi ka magsisi sa pagkakalipat mo diyan sa headquarters. Mabait, magaling at
napakatalino ng hepe niyong yan," puri niya kay James.
"I'm aware of that. I heard he used to be your partner."
"Oo," nakangiting sagot niya habang binabalikan ang masasayang alaala sa dating
trabaho.
"Don't you miss your old job, Captain Valdemor?"
"Nami-"
"Stop calling her with that name. She's no longer a policewoman. Call her Mrs.
Monteverde."
Sabay silang natigilan ni Inspector Aldovar nang may sumabat sa kanilang pag-uusap.
Napalingon agad siya kay Blake na noon ay seryoso ang mukha habang palipat-lipat ng
tingin sa kanya at sa inspektor.
Lumapit sa kanya ang mister at umakbay. Nahalata niyang bahagyang nagulat si
Inspector Aldovar sa pagsulpot ng asawa. Pansamantala itong natahimik.
"Who is this new friend of yours?" ngingisi-ngising tanong ni Blake.
"Ah Blake...si Inspector Aldovar. Bagong tao ni James sa headquarters. Inspector si
Blake asawa ko," pakilala niya.
Inabot ni Blake ang kamay sa pulis. "Hi I'm Blake Monteverde."
Nakipagkamay si Inspector Aldovar habang bakas pa rin sa mukha nito ang pagkagulat.
"B-Blake Monteverde? The chairman of Golden Pacific?" sambit nito.
"Yes the one and only," may kapreskuhang sagot ni Blake na sinasadyang ipamukha sa
lalaki kung sino ang nagmamay-ari sa babaeng lakas-loob nitong nilalapitan.
Napatingin si Inspector Aldovar kay Alex. "S-So you're the first lady of Golden
Pacific?"
"Yes she is," kusang wika ni Blake. "My wife is a low profile person so she doesn't
brag about it."
Nahalata agad ni Alex ang selos sa tono ng pananalita ng asawa kaya't agad niyang
tinapos ang pakikipag-usap sa pulis. "Sige inspector maiwan ka na namin. Sasamahan
ko lang ang mister ko sa pakikihalubilo sa ibang bisita. N-Nice talking to you. See
you sometimes, kapag napabisita ako sa headquarters."
Hindi pa man nakakasagot ang kausap ay iniikot agad siya ni Blake patalikod sa
lalaki at niyakag maglakad papabalik sa kanilang mesa. "Are you planning to visit
the headquarters because of him?" mahina ngunit iritableng bigkas nito.
"Sadyang regular naman akong bumibisita sa headquarters kahit noon pa man ah,"
katwiran niya.
"But you sound a little excited when you said it earlier."
Natatawa siya sa wala na naman sa lugar na pagseselos ng asawa. "Blake
pinagseselosan mo ba ang batang pulis na iyon? Gumising ka nga. Sa tingin mo ba
papatol ang gwapong binatang yun sa babaeng may asawa't mahigit sampung taon ang
tanda sa kanya?"
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Blake. "Now you're brutally admitting na gwapo
siya. He is maybe younger but he's still a man and while he was talking to you,
admiration was written all over his face."
"Eh kasi naman Hon, hindi mo naman maidedeny na dating magaling na pulis ang asawa
mo. At nagkataon na si Inspector Aldovar ay isa sa mga kabataang pulis na humahanga
sa aking kakayahan. Kung nag-aadmire man yun, dahil lang yun sa trabaho," may
lambing na paliwanag niya.
"Should I be flattered instead because my wife has a young handsome fan?" Tinitigan
siya ni Blake ng seryoso. "You can't visit headquarters for the meantime," madiing
salita nito.
"Blake naman eh!"
"Stay beside me and don't go anywhere. Hindi tayo magtatagal sa party na ito."
Tinanggal nito ang nakaakbay na kamay at umangkla sa beywang niya sabay kabig upang
lalo pa siyang mapadikit.
Samantala, tahimik na hinahabol ng tingin ni Brandon ang naglalakad papalayong mag-
asawa. Hirap pa rin siyang maniwala sa nalaman.
"Cheers."
Napalingon siya kay Isabelle. Itinaas nito ang hawak na baso at ngingisi-ngising
tumayo sa tabi niya.
"You finally meet Mrs. Monteverde. What do you think about her?" bigkas nito nang
hindi tumitingin sa kanya.
Tiningnan niya ng seryoso ang katabi. "I had no idea that she's the first lady of
Golden Pacific whom you were talking about....I can't do what you want Isabelle,"
matigas na sabi niya.
"Why not? I don't find her horrible. In fact she's still perfectly beautiful."
Napangisi siya. "I know. But do you have any idea who that woman is? She may look
easy on you but she's not an ordinary woman. She used to be a very good police
officer!" medyo napipikong wika niya.
"So what?" kampanteng sagot ng babae. "Isn't it a good thing since you two have a
lot in common?"
"Isabelle, let me clarify to you the situation. You are asking me to seduce a woman
whom I truly respect," dahan-dahan at ubod ng diing sabi niya habang nag-iinit ang
kanyang mga pisngi.
Kalmado subalit matigas ang mukha at nakataas ang isang kilay na hinarap siya ni
Isabelle. "Okay. Then don't do it....But expect me to breakup with you sooner or
later."

[6]The Insecure Husband

****
Linggo. Sa kusina ng pamilya Monteverde.
Nakangiwi si Cassandra habang nakapangulambaba't pinapanood si SP02 Balatbat
kumain. Magkatapat ang dalawa at sila lamang ang tanging naroroon sa mahabang hapag
kainan. Hindi maintindihan kung nandidiri ba ang bata o nagtataka dahil sa dami ng
kinakain ng pulis.
"Tito Melchor..."
"Yes Cassie? What is it?" pilit na ingles na bigkas ng pulis habang puno ang bibig
ng kinakaing sandwich.
"Don't you have a Mom in your house?"
"Bakit mo naman naitanong yan?" ngingiti-ngiting turan ng lalaki habang namimilog
ang mga mata at takam na takam sa mga pagkaing nakalatag sa mesa.
"Because everytime you come here parang lagi kayong gutom na gutom. You always
ransack our refrigerator. Wala ka bang Mommy to cook food for you before you leave
the house?"
Tumawa ng mahina si Balatbat. "May nanay ako kaya lang nasa probinsiya. Tsaka
malaki na si Tito Melchor at di na bagay na tumira pa sa poder ng nanay niya. I'm
an independent man already!" may pagmamalaki pang sabi nito.
Bumuntong-hininga si Cassandra at muli itong napangiwi nang may mapansing sauce sa
gilid ng bibig ng kausap.
"Eew! You have smudge on your mouth..."
Pinunasan agad ni Balatbat ang bibig. "Sinasadya ko yan para paminsan-minsan
makakita ka naman ng madungis," palusot nito.
"If you're not living with your mom, how about a wife?"
"Wala pa akong asawa."
Umikot ang mga mata ng bata at humugot ng isang malalim na hinga. "Kunsabagay I
understand. Most of the girls go for looks first."
Binitawan ni Balatbat ang kinakain at tumututol ang mukhang hinarap ng seryoso ang
maliit na kausap. "Bakit anong problema sa looks ko?"
"Too many to mention," nakangusong sagot ni Cassandra.
"Aba Cassie don't underestimate Tito Melchor. Maraming nagkakandarapang babae dito!
It's my choice why I'm still single until now. It's because I'm choosy when it
comes to girls!"
"Really? Di nga?" hindi kumbinsidong tugon ng bata.
"Hah! Oo naman!" sabay tayo ng pulis at ayos sa kuwelyo ng kanyang jacket.
"Nakapiiiiiila ang mga babaeng nag-aagawan sa atensiyon ko. Sa totoo lang kapag
nakakasabay ko yang Daddy mo sa paglalakad, nalilto ang mga babae kung kanino sa
aming dalawa titingin. Di kasi nagkakalayo ang kaguwapuhan namin."
Nagsalubong ang mga kilay ni Cassandra. "You're dreaming! You're nowhere near my
Dad's look!" protesta nito.
"Siyempre sasabihin mo yan dahil anak ka ng Daddy mo. Para sayo ang Daddy mo ang
pinakagwapo sa lahat!"
Bumelat si Cassandra. "Why are you here? Shouldn't you be in the headquarters or
outside catching bad guys?!" nang-aaway ng tono nito. "You always come here in our
house just to eat," sabay belat ulit nito sa pulis.
"Hindi ko rin alam kung bakit ako nandidito ngayon. Daddy mo kaya ang nagpapunta sa
akin dito." Sumagot din ng belat ang pulis.
Dumating sa kusina si Blake at narinig niya ang pagtatalo ng dalawa. Lumapit siya
sa mga ito at nakatuon ang isang kamay sa mesa na tiningnan ang magkausap na
parehong biglang nanahimik.
"Nag-aaway na naman kayo. You guys always argue whenever you met. Cassandra why do
you keep talking back to your Tito Melchor?" puna niya.
"Eh kasi Daddy, Tito Melchor is claiming na magkasingpogi lang daw kayo! He keeps
on telling lies!" nakasimangot at nakahalukipkip na sagot ng bata.
Tiningnan ni Blake ang SPO2. Ngingisi-ngisi itong sumaludo sa kanya. Napailing na
lamang siya sa walang kupas na kahanginan ng pulis.
"He's just joking. Hindi ka pa rin ba nasasanay sa kanya?" turan niya sa anak.
"But Dad he went oveboard today for comparing himself to you. Tito Melchor I need
to tell this to you now. You're not handsome at all! And there's no way that girls
would go crazy for you unless they are blind."
"Tama na yan Cassie. Huwag mo ng patulan ang mga biro ni SP02," saway ni Blake.
"No Dad! Once and for all, he has to hear the truth or else he'll believe for the
rest of his life na pogi siya. People will laugh at him," katwiran ni Cassandra.
"Oo sige na, sige na. Hindi na ako gwapo....cute lang," hirit pa rin ng pulis.
Itinikom ni Cassandra ang bibig. Nakanguso, nakahalukipkip at naniningkit ang mga
matang tumitig ito sa kausap hanggang sa napakibit na lamang ito ng mga balikat.
"Well, dogs can be cute too. Ponies can be cute too. Cats can be cute too. So maybe
there are girls who will find you cute too."
"Ibig mong sabihin kahilera ako ng mga hayop?" nakamulagat na reaksiyon ni
Balatbat.
"Yap!"
Tila maiiyak na tumingin ang pulis kay Blake. "Eeehhh...Sir Blake ba't ganyan yang
anak niyo? Ang hirap utuin! Di na nga mauto ang dami pang sinasabi!"
"Kids don't lie," tipid na sagot ni Blake. "Cassie where's Mommy?"
"She went to the supermarket with some maids."
"Kanina pa ba umalis?"
"Kaalis niya lang when Tito Melchor arrived."
"Don't you want to stay in your playroom now that Mommy isn't around? Sige na
pumunta ka na't maglaro."
"No. I'll stay here with Tito Melchor."
Napangiti si Balatbat. "Kitam namimiss mo rin si Tito Melchor ano? Kunway inaaway
mo ako parati pero lagi ka namang nakabuntot sa akin pag pumupunta ako dito sa
palasyo niyo."
Pomormal ng mukha ang batang babae at umiling. "I don't miss you. You're very rare
in my eyes that's why I'm taking the chance to look at you as much as possible.
Daddy knows I love wild animals."
"Ayan na naman siya Sir Blake oh?" sumbong ng pulis. "Pwede bang papisil ng isa
lang? Kanina pa ako nanggigil sa mga pisngi niyan."
"Daddy why did you ask Tito Melchor to come to our house?"urirat ng bata.
"Oo nga pala Sir Blake ba't niyo ko pinapunta dito?"
Lumipat ng kinatatayuan si Blake sa tabi ng pwesto ng SP02. Nakatalikod sa anak na
sumandal siya sa silya at nakapamulsa sa suot na walking shorts na tiningnan ang
bisitang pulis.
"Wala naman. I just want to have a small chat with you," kaswal na sagot niya.
"Aahh, namiss niyo rin ako. Nagsawa na ba kayo sa pakikihalubilo sa elitista niyong
mga kaibigan?" yabang ng pulis.
Bago sabihin ni Blake ang totoong pakay sa pakikipag-usap, tiningnan niya muna ang
mga pagkaing nakahain sa mesa.
"Okay na ba sayo ang mga pagkain na yan? If you want I can ask the maids to cook
more for you. May gusto ka pa bang kainin?" mainit na pagtanggap niya sa dating
kasamahan ng misis.
"Okay na to Sir Blake. Ang sasarap na nga ng mga ito tsaka medyo busog na rin ako."
"Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa. I'll give it to you," aniya.
"Whoah! Mukhang na-miss niyo nga ako Sir Blake. Sobrang bait niyo ngayon ah!"
maliwanag ang mga matang sabi ng kausap.
Ngumiti siya sabay na nilingon si Cassandra upang pakiramdaman ang anak at nakita
niyang may pinagkakaabalahan na itong laruan.
"By the way, how's your job?" pasakalye niya sa pulis.
"Ganun pa rin. Madalas pa ring na-assign sa traffic. Paminsan-minsan sinusuwerte
ring makasama sa mga raids at operations kapag napapakiusapan si hepe."
"Kumusta ang headquarters niyo?" Humalukipkip siya.
"Ayun puno lagi ng mga kriminal at mga nagrereklamo. Alerto lagi lahat. Bawal ang
mga tutulog-tulog kay Chief Corpuz."
"Madalas bang bumisita ang misis ko sa headquarters lately?"
Nag-isip ng ilang saglit si Balatbat at inalala ang huling pagbisita ni Alex sa
kanila. "Hmmm...halos mag-iisang buwan na."
"Are you sure? Hindi kaya pumunta siya doon while you're not around?"
"Kahit naman wala ako dun, nakakarating pa rin sa akin ang balitang bumisita si
Madam Kap!"
Ngumiti si Blake. Pagkuway tumikhim siya sa kanyang kamay. "I heard there's a new
guy in the headquarters....Someone called as Inspector Aldovar."
Natigilan ang pulis. "Huh? Umabot na sa inyo ang balita tungkol sa kanya?"
ngingisi-ngisi't umiling ito. "Wow ibang klase talaga ang bagitong iyon! Akalain mo
yun pati presidente ng Golden Pacific kilala siya," nakamulagat na bigkas nito sa
sarili.
"I met him once at the party I attended. My wife introduced me to him," kaswal na
sagot niya.
"Huh? Pati si Madam Kap na-meet niya na pala. Tuwang-tuwa siguro ang inspector na
iyon!" namimilog ang mga matang ika ng pulis.
Tumaas ang kilay ni Blake. "Why would he be so happy?"
Tumawa ang SP02. "Eh idolong-idolo nun si Madam Kap!" walang pag-aatubiling sagot
nito. "Simula nang lumipat yun sa headquarters at nang malamang dun din nanggaling
si Madam Kap, wala na yung bukambibig pag nagkikita kami kundi si Captain Valdemor.
Alam niya kasing dati kong partner si Madam!" nagmamalaki pang sagot nito.
"Anong pinag-uusapan niyo tungkol sa asawa ko?" seryoso at salubong ang mga kilay
na tanong ni Blake.
Napapreno nang bahagya si Balatbat nang mabakas sa mukha ng kausap na bigla itong
hindi natuwa sa mga narinig. "M-Mga achievements lang ni Madam." Tumingin siya kay
Cassandra at nang matiyak na nasa paglalaro ang atensiyon nito pabulong siyang
nagsalita. "Tsaka nagpapakuwento tungkol sa mga mala-Lara Croft na aksiyon ni
Madam. Wala naman kaming pinag-usapan tungkol sa mga personal na bagay-bagay."
Naglabas si Blake ng wallet. "Are you dating someone now?"
"Someone?" Tumawa ang pulis. "Sir Blake naman kelan pa ako nagkasyota ng hindi more
than one?" mayabang na sagot nito.
Bumunot ng sampung lilibuhin si Blake at patago sa anak na iniabot ito sa kausap.
"A-Ano to Sir Blake?" takang ika ni Balatbat.
"Panggastos mo sa mga dates mo."
Napakunot ng noo ang pulis. "A-Anong ibig sabihin nito? Kelan pa kayo nagmalasakit
sa pambababae ko?"
"Ayaw mo?"
"Haha! Sir Blake naman nagugulat lang ako pero wala sa bokabularyo ko ang tumanggi
sa grasyang galing sa inyo. Thank you! Ang bait mo talaga!" sabay siksik nito sa
bulsa ng pera.
"Now tell me about the details of that Inspector Aldovar," madiin at nakataas ang
kilay na sabi ni Blake.
Lumiliit ang mga matang tiningnan ni Balatbat ang kausap. "Aha! Nagseselos kayo
no?!" sabay lapit nito sa tenga ni Blake. "Bakit ibang klase bang makadikit kay
Madam Kap? Ahahaha! Di nga malayong mangyari yun eh fan na fan yun ni Madam eh!
Naku pano ba yan Sir Blake mukhang may nabibihag pa ring bagets si Madam ah.
Kunsabagay parang wala namang pinagbago ang mukha at katawan ng misis niyo kaya
kahit mga binata tiyak na magkakagusto pa rin sa kanya."
Tiningnan ni Blake ng masama ang pulis at agad namang itinikom ng huli ang bibig.
"What kind of person is he?" dudang tanong niya. "Give me his personal information.
Hindi ako nagseselos. Gusto ko lang malaman kung anong pagkatao meron ang mga taong
lumalapit sa asawa ko."
"Asus aminin niyo na. Alam ko naman kung gaano kayo ka-possesive pagdating kay
Madam Kap! Pero..." sabay kamot nito sa ulo. "...hindi ako pwedeng magbigay sa inyo
ng mga personal na impormasyon tungkol sa kanya. Malaki ang paggalang ko sa mga
kabaro ko at di ko sila pwedeng ilaglag. Sana maintindihan niyo."
Napabuntong-hininga siya. Dumukot ulit siya ng limang lilibuhin sa wallet at
ikinuyom ito sa palad ng kausap.
"Si Inspector Aldovar ay ang siyang pinakamatinik na pulis ngayon sa headquarters.
Pumapangalawa sa trono ko bilang pinakaguwapong pulis sa opisina. Bente kuwatro
anyos. Magdadalawang taon pa lamang sa serbisyo. Grumaduate ng cum laude sa PNPA.
Binata pero hindi ko alam kung may girlfriend dahil wala naman akong nakikitang
babaeng umaali-aligid dito. Tahimik at mabait ngunit malupit pagdating sa
pakikipagbakbakan. Matalino at galing din sa mayamang pamilya. May-ari ng isang
malaking accounting firm ang mga magulang," dire-diretsong sabi nito na halos
kapusin na ng hininga sa bandang dulo. "Yan pa lang ang alam ko Sir Blake sa
ngayon. Pag may nasagap akong bagong impormasyon ititimbre ko agad sayo."
"Good."
Dumukot ulit siya ng limang libo sa wallet at muling iniabot sa kausap.
"Para saan naman to Sir Blake?"
"Huwag mong hahayaang makalapit ang inspector na yan sa asawa ko kapag dumadalaw si
Alex sa headquarters," madiing utos niya. "Wala akong pakialam kung tagahanga man
siya o ano. Lalaki pa rin siya. Understand?"
"Intiyendes! Akong bahala. Tsk. mukhang magagamit ko na naman ang pinakatago-tago
kong mga diskarte sa pambabakod," ngiting-ngiting tugon ng SPO2.
Biglang natigil ang pag-uusap ng dalawa nang maulinigan ang boses ni Alex. Dali-
daling isiniksik sa bulsa ni Balatbat ang hawak na pera. Agad ding naging natural
ang reaksiyon ni Blake na para bang nakikipagkumustahan lang talaga sa kausap.
"Mommy you're back!" tuwang-tuwang bulalas ni Cassandra pagkakita sa ina. Binitawan
nito ang laruan ay patakbong sumalubong kay Alex.
May kasamang dalawang kasambahay si Alex na siyang katulong niya sa pagbitbit ng
mga pinamili. Lumapit agad ang anak sa mga pinamiling grocery at inusisa ang mga
ito.
"Mom did you buy me coloring books?" anas ng bata.
"Cassandra walang coloring books sa supermarket. Besides you didn't ask me to buy
one for you."
"I assumed you'd buy me even if I didn't tell you. Haven't you noticed that all my
coloring books had been finished since last week?" dismayadong katwiran ng anak.
"Bukas na lang kita ibibili paghatid ko sayo sa school."
Lulugo-lugong bumalik sa paglalaro si Cassandra samantalang bahagyang nagulat naman
si Alex pagkakita kay Balatbat.
"Madam Kap!" sabay saludo ng pulis.
"Oh Balatbat bakit nandito ka?"
Ngumisi ang dating kasamahan. "Gusto ko lang magpakita sa inyo para naman gumanda
ang araw niyo!"
"Eew! I'm having goosebumps!" maarteng sabi ni Cassandra na kunway sa laruan
nakatingin.
Tiningnan ni Alex ang hapag kainan at napansin ang maraming nakahaing pagkain.
Nilingon niya si Blake.
"Hon kumain ka na! Akala ko ba nagpapaluto ka sa akin? Kaya nga ako namalengke eh
dahil sa request mong ulam," aniya.
"Di pa ako kumakain. Of course I'll wait for the food you'll prepare," nakangiting
at may kaunting lambing na ika ng asawa.
"It's not Dad.... It's Tito Melchor who ate all those foods because he has no
Mom...no wife...no girlfriend to cook for him and yet he claimed he's handsome and
girls are going crazy over him..." pakanta-kantang sabat ni Cassandra habang
nakatingin pa rin sa laruan.
"Ang bright-bright talaga ng anak niyong yan Madam Kap! Anong gatas ang pinainum
niyo diyan at ng maiwasan kung sakaling magkaanak ako?" gigil na sabi ni Balatbat.
"Pinapatulan mo kasi kaya ginaganahan lalong makipag-asaran sayo," tugon niya.
"Tina!" tawag niya sa kasambahay. "Ayusin mo na yung mga pinamili natin."
Naglakad siya patungong kusina para magluto.
Sumunod sa kanya si Balatbat. "Madam Kap sumama ako sa buy bust operation kahapon.
Nakawala din ako sa traffic assignment pansamantala," nagmamalaking balita nito.
Natigilan siya at biglang nagka-interes sa ibinalita ng kausap. "Anong nangyari?
Nahuli niyo ba ang mga kriminal?"
"Lahat ng kasabwat pati yung pinakadrug lord..." pumwesto si Balatbat sa harap
niya. "Madam Kap, narinig mo na ba ang tungkol sa bagong tao ng headquarters na si
Inspector Aldovar?"
"Oo. Bakit?"
Napasuntok sa hangin ang pulis. "Hayuuuup sa bangis! Dahil sa kanya kaya namin
nahuli pati mga masterminds!" Kunway kumalabit ito at nagbabaril sa ere. "Lintik
bumaril! Walang mintis! Lahat ng inaasinta tinatamaan pero walang pinupuruhang
vital parts kaya wala ni isa mang-"
Nakataas ang kilay na umakbay si Blake sa misis at pasimpleng tiningnan ng masama
ang ganadong-ganado sa pagkukuwentong kaharap. Pinandilatan niya ito at nginusuan.
Natigilan si Balatbat. Biglang napagtanto ang pagkakamali nito. Naasiwang ngumiti
ito at muling nagkuwento ng malakas.
"Mali Madam Kap! Hindi pala si Inspector Aldovar ang tinutukoy ko, ibang pulis pala
yun. Si Inspector Aldovar? Naku walang kakuwenta-kuwentaaa! Puro yabang, lalampa-
lampa naman!-"
"T-Teka nga... ba't biglang nagbago ang ihip ng hangin?" takang sambit ni Alex.
"Tito Melchor isn't allowed to say good things about that man or else Daddy will
get jealous," kaswal na hirit ni Cassandra.
Sabay-sabay na napatingin ang tatlo sa batang tuloy pa rin sa paglalaro.
"Cassandra masama yang ginagawa mo. Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng mga
matatanda," pahayag ni Balatbat.
"I didn't listen. I just happened to overheard it," katwiran nito sabay belat ulit
sa pulis.
Malambing na nginitian ni Alex ang anak. "Cassie what did you hear?"
"Hmmmm...." umikot ang mga mata ng bata. "Daddy told Tito Melchor to-"
Nagmamadaling nilapitan ni Blake ang anak. Kinarga ito at sabay tinakpan ng kamay
ang bibig. "Let's play car racing while Mom is busy cooking," bulong niya sa bata.
Agad na sumigla ang mukha ni Cassandra at napangiti ito.
"Okay," bulong din nito na biglang nakalimutan ng ituloy ang sasabihin sa ina.
"We'll go upstair now," nakangiting paalam agad ni Blake sa dalawa.
Pagkaalis ng mag-ama, nagdududang tiningnan ni Alex si Balatbat. "Anong pinag-
usapan niyo ni Blake?"
Tumawa ng mahina ang pulis. "Wala. Kung ano-anong usapang lalaki lang."
"Anong klaseng usapan? May naamoy akong kakaiba ah."
Mayabang na inayos ni Balatbat ang jacket."Walang kakaiba madam! Ako pa?! Hanggang
ngayon ba'y wala pa rin kayong tiwala sa akin? Eh alam niyo namang sainyo ako
pinakaloyal sa lahat."
"Sigurado ka? Baka kung ano-anong kalokohan na naman ang itinatanim mo diyan sa
utak ni Blake. Pag yan inimpluwensiyahan mo sa mga pambabae mo, mapapaaga ang
pagkikita niyo ni San Pedro!"
Mahinang itinutulak-tulak patungong kusina ni Balatbat si Alex. " Sige na Madam
Kap. Magluto na kayo...Kulang pa yung nakain ko kaya't makikikain ulit ako. Sarapan
niyo ha. Mahiya kayo sa espesyal niyong bisita," sabay ngiti nito habang
binabalewala ang mga lumalaking butas ng ilong ng babae.

[7] Picnic Panic

Nakatayo't nag-aantay sa gilid ng gate ng school ni Cassandra si Alex. Malapit na


ang oras ng labasan kaya't nag-aabang na siya sa anak. Naagaw ang atensiyon niya ng
isang bagong dating na sasakyang pumarada mismo sa tapat ng gate. Nagulat siya nang
makitang lumabas dito si Inspector Aldovar kasabay ang isa pang kapwa pulis.
"Huh? Si Aldovar," sambit niya sa sarili.
Nakasibilyan lamang ang mga ito at pagkalabas ng sasakya'y tumingala at iginala ang
mga paningin sa mga gusali na animo'y sinusurvey ang buong vicinity ng eskwelahan.
Hula niya'y naroroon ang mga ito para mag imbestiga.
"Inspektor!" kaway niya nang may abot tengang ngiti.
Napalingon ang binata. Nagulat ito pagkakita sa kanya ngunit agad din naman itong
gumanti ng ngiti. Tinapik muna nito sa balikat ang kasamahan saka ito lumapit sa
kanya.
"Ma'am Alex?" takang sambit nito. "Okay lang ho ba na tawagin ko kayong Ma'am Alex
coz your husband doesn't want me to call you Capt. Valdemor anymore. Hindi ko naman
kayo matawag na Mrs. Monteverde, masyado namang pormal para sa ating mga pulis,"
pabirong paliwanag nito.
"Okay lang," masiglang sagot niya.
"Ano hong ginagawa niyo dito?" tanong ng inspektor.
"Sinusundo ang anak ko."
"Huh? Dito rin nag-aaral ang anak niyo?"
"Oo."
"Kunsabagay this school belongs to the richest," tatawa-tawang sabi nito. "Pero
nakakagulat naman na kayo talaga ang personal na sumusundo sa kanya. Well I
understand, I think your child couldn't have a better bodyguard other than you."
Medyo nahiya siya sa pumupuri na namang tono ng kausap. "Hands-on lang talaga ako
pagdating sa anak ko....Teka kayo? Anong ginagawa niyo dito?" nagniningning ang mga
matang tanong niya. "May kaso ka bang hinahawakan sa school na ito?" pabulong na
dagdag niya.
Pansamantalang tumahimik ang binata at patay malisyang napakamot sa batok. Halatang
nag-aalinlangan itong magsalita.
Nakangiting tinapik niya ito sa braso. "Ikaw naman! Huwag ka ng maghesitate. Kahit
naman wala na ako sa serbisyo ay kabaro niyo pa rin ako kaya okay lang na sabihin
mo sa akin. Siyempre kahit malaman ko, alam ko namang dapat nakazipper itong bibig
ko," may lambing na tono niya.
Binigyan siya ng asiwang ngiti ng binata.
"Ano? May iniimbestigahan ba kayo dito?" namimilog ang mga matang untag niya.
"Sort of," mahina't napapakagat-labing sagot nito.
"Anong kaso?" excited uling kulit niya.

"Kidnapping."
Bigla siyang natahimik. Dahan-dahan siyang napanganga hanggang sa unti-unting
umusbong ang pag-aalala sa kanyang dibdib.
"Nakidnap na o report pa lang ng source?" mabilis na tanong niya.
"Report pa lang."
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Nagtagpo ang kanyang mga kilay
sabay kutkot sa kuko sa hintuturo. Napansin ni Inspector Aldovar ang pag-aalala
niya.
"Don't worry. It's not your child. Kung anak niyo ito tiyak na aabisuhan kayo ni
hepe," kampanteng wika nito.
"Alam ko. Kaya lang nag-aalala ako sa kaligtasan at katahimikan ng school na ito.
Kapag nangyari ang krimeng yan, tiyak na matatakot at magpapanic ang mga
estudyante't mga magulang."
"It will not happen. That's why we're here. Wala akong pinapaligtas na kriminal sa
bawat kasong hinahawakan ko," kumpiyansang tugon ng pulis.
"Ang dinig ko nga'y magaling ka. Please Inspector Aldovar sana pagbutihan mo ang
paghawak sa kasong ito. Sana mahuli niyo agad ang mga kriminal bago pa man nila
maisagawa ang pangingidnap."
Kampanteng ngumiti ang binatang pulis. "Well, since it's the special request of my
idol. I guess I'll take this chance to impress her," kibit-balikat na sagot nito.
"Ehem!"
Natahimik ang dalawang nag-uusap at sabay na napatingin sa tumikhim.
Nakahalukipkip at matatalim ang mga matang tiningnan ni Cassandra ang kausap ng ina
mula ulo hanggang paa.
"Oh you're out already! Come here Cassie," aya ni Alex sa anak na noo'y nakatayo
lamang habang seryosong nakatingin sa kanila.
Lumapit si Cassandra nang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.
"Who is he Mommy?" di makapag-antay na ika nito nang makalapit.
"Inspector Aldovar ito nga pala ang anak kong si Cassie. Anak say hi to Inspector,"
masayang pagpapakilala ni Alex.
"Hi Cassie! Wow you're very pretty too just like your mom."
Hindi sumagot si Cassandra sa halip ay blanko ang mukhang tiningnan niya lamang ng
ilang sandali ang pulis saka ngumuso. "So he's the handsome police officer Dad and
Tit-"
Mabilis na tinakpan ni Alex ang bibig ng anak. "Pasensiya ka na kung mukhang may
kasungitan tong anak ko ngayon. Baka nagugutom na," nakangiting paliwanag niya sa
kausap.
"Wait I guess she's trying to say something," kunot noong sabi ng inspektor habang
pinapanood siyang tinatakpan ang bibig ng anak.
"Ah wala yan. Sasabihin niya lang na ikaw yung poging kasamahan na sinasabi ng Tito
Melchor niya."
"Tito Melchor?" takang sambit ng lalaki.
"Si Balatbat."
"Oh I see, si SPO2."
"He's not as handsome as Dad," hirit muli ng anak nang makaalpas ang bibig sa kamay
niya.
"Sige Inspector alis na kami mukhang nagugutom na nga itong anak ko," nagmamadaling
paalam niya sabay hawak sa kamay ng anak at inakay ito papuntang sasakyan.
"Wait!" Kumawala ang bata sa pagkakahawak ni Alex at patakbong bumalik sa pulis.
Nakatingalang tinitigan ni Cassandra ang mukha ng inspector. At nang napagtantong
gwapo nga ito, walang pasabing sinipa niya ito sa paa.
"Stay away from my mom!"
Nagulat ang binata ngunit pagkuway natawa rin naman sa nagagalit na maliit na
kaharap.
Nanlaki ang mga mata ni Alex sa ginawa ng anak. Dali-dali niyang dinampot si
Cassandra, kinarga at isinakay sa kotse. Pagkatapos itong masuotan ng seatbelt ay
bumalik siya kay Insp. Aldovar na noon ay naglalakad na rin pabalik sa kasamahan.
"Pasensiya ka na sa anak ko ha. Pangit lang talaga ang mood nun," hiyang-hiyang
despensa niya.
"It's okay Ma'am Alex. She's just a kid and I actually find her boldness lovable.
Mukhang nagmana yata sa kasigaan niyo," tatawa-tawang wika nito.
"Mom Hurry up!" sigaw ni Cassandra na ibinaba pa talaga ang bintana ng sasakyan
nang makitang bumalik ang kanyang mommy para makipag-usap sa gwapong pulis.
"Sige Inspector, Bye! Goodluck sa kaso niyo."
"Bye Ma'am Alex," sabay tingin ng binata sa nakasimangot na bata. "Bye Cassie!"
kaway nito.
Sumagot ng pilit na ngiti si Cassandra. Gumanti ito ng isang pataboy na kaway sabay
belat at irap. Natawa naman ng malakas si Brandon sa reaksiyon ng bata.
----
Nagpipicnic ang dalawang magkaibigang pamilya sa UP. Nakalatag ang kanilang picnic
blanket sa bandang gilid ng malawak na Sunken Garden. Busy sa pagtsitsimisan at
pag-aayos ng mga baong pagkain sina Alex at Margareth. Si James ay tinuturuan si
Harry ng soccer sa bandang gitna ng nasabing playground. Si Cassandra naman ay
kunway nakikipaghabulan lamang kay Chloe paikot sa kanilang picnic cloth ngunit
panaka-nakang napapahinto upang manood sa mga athletes na nagpapractice ng soccer.
May bahid ng inggit, napapalunok at tila takam na takam na pinanonood ang mga
naglalaro lalong-lalo na ang mag-amang Harry at James.
"Nasaan na ba si Blake?" tanong ni Margareth sa kaibigan.
"Papunta na yun. Galing lang sa importanteng meeting."
"Yan talagang asawa mo, ayaw paawat sa pagyaman. Pati ba naman linggo, nagtatrabaho
pa rin."
Binuksan ni Alex ang box ng sushi rolls at sumubo ng isa. "Minsan lang naman
mangyari ito. As much as possible inilalaan niya talaga sa amin ni Cassie ang
weekend niya. Hindi niya lang mahindian ang Hexagon dahil ngayong araw lang ang
availability nung anak ni Mr. Chan. Ibang klase talaga yang mga intsik na yun
pagdating sa trabaho. Walang pinipiling oras at araw, mukhang hindi na ata
natutulog ang mga yun," ngumunguyang kwento niya.
"Anak ni Mr. Chan? Yung kinukwento mong magandang tsekwa? Siya ba ang madalas ka-
meeting ni Blake sa mga panahon ngayon?" sunud-sunod na tanong ni Margareth nang
may nanlalaking mga mata.
"Oo siya na nga," kaswal na sagot ni Alex.
"Alex hindi ka ba nagwoworry na may umaaligid-aligid na namang magandang babae
diyan sa asawa mo?" mahinang ika ni Margareth habang nakatingin kay Cassandra.
Itinukod ni Alex ang mga kamay sa kinauupuan at komportableng pinanood ang mga nag-
eensayo ng soccer. "Kung papansinin ko ang bagay na iyan, it's either araw-araw
kaming mag-aaway o di kaya'y mapapabilis lang lalo ang pagtanda ko. Sa Golden
Pacific pa nga lang ay tambak na ang mga magaganda't batang babaeng nakapaligid sa
kanya pero hindi ko na lang iyan iniisip dahil wala akong panahong kunsumihin ang
sarili ko. Mahal ako ni Blake at akin lang ang asawa ko. Period," kumpiyansang
pahayag niya.
"Weeh tigilan mo nga ako Alexandra. Huwag kang magdemure-demuran. Mamatay man,
hindi ka selosa? Baka nga may tinutukan ka na ng baril dati dahil sa selos na
iyan," pang-aasar ng kaibigan.
"Oo na selosa na! Pero hindi naman ako paranoid!"
Huminto si Chloe sa pagtakbo nang makita ang bukas na box ng sushi rolls.
"I want to eat too," anito.
"Kakain ka na naman?" reklamo ni Cassandra na nabitin sa pagtakbo.
Kumandong si Chloe sa kanyang Tita Alex at nagpasubo.
"Ikaw talagang bata ka basta nakakita ng pagkain, ang bilis-bilis!" natutuwa't
gigil na gigil na ika ni Alex sabay pisil sa matatambok na mga pisngi ng bata.
Pa-indian sit na naupo si Cassandra sa tabi ng ina at muling nanood sa mga
nagsasoccer nang tila may problemadong-problemadong mukha.
"Cassie do you want to eat something?" tanong ni Alex sa anak.
"I'm not hungry." Dumapa ang bata sa picnic cloth at nakapangalumbabang pinanood si
Harry. Maya't maya itong natatawa sa tuwing sumasablay ang sipa ng batang lalaki sa
bola.
"Mom, why are we having a picnic here?"
"Gusto kasing turuan ni Tito James si Harry ng soccer," kusang sagot ni Margareth.
"This is our first time here? What is this park called?" sunod na tanong ni
Cassandra.
"This is not a park. This ground is called Sunken Garden and the whole place is UP
Campus. This is a school," paliwanag ni Alex habang tuloy pa rin sa pagpapakain kay
Chloe.
"Ah I see. This school is very nice. Bakit hindi ako dito nag-aral mommy?"
"Because this school is for adults. This is a university which means for college
students only."
Nagtagpo ang mga kilay ni Cassandra at nagtatakang tumingin sa ina. "For adults?
Then why do they have this giant playground. What is it for if there's no children
to play here? Playgrounds are for kids."
Tumingin si Alex kay Margareth. "Ikaw naman ang magpaliwanag. Nauubusan na ako ng
ingles at isasagot. Minsan nga magpalit muna tayo ng anak."
"Cassandra don't you know na dito dati nag-aral ang Dad mo at dito na-inlove ang
Dad mo sa Mom mo," masayang sabi ni Margareth.
"Really?!" biglang siglang tugon ng bata."Then where did Dad propose to you?" sabay
tayo nito at turo sa mga puno. "Under that tree, or that tree or that one."
"Hindi dito nag-propose ang Daddy mo kundi sa isang party sa hotel," tipid na sagot
ni Alex.
"Ah.. Then how about the place where you became boyfriend and girlfriend?" sabay
turo ng bata sa mga benchpark. "On that bench, that one or that one!"
"Hindi kami dito naging mag-on ng Dad mo," kaswal uling tugon ng ina.
"Eh saan po?"
Tumaas ang kilay ni Alex at napaisip siya ng malalim. Hmm..Saan nga ba? Sa likod ng
isang bar kung saan napalo si Blake sa ulo? Ngunit hindi nga pala natuloy ang
relasyon nila nun dahil sa lecheng amnesia. Ah nung nabaril siya't
nahospital...pero hindi rin dahil nagpakipot pa siya nun. Ikaw ba naman ang
kalimutan ng ilang buwan?
"Ah alam ko na! Sa bahay namin. I mean in Lola Sylvia's house. That's where we
officially became girlfriend and boyfriend! Nung makalabas si Mommy ng hospital."
Napakamot sa ulo si Cassandra. "Then what memories you and Dad have in this place?"
naguguluhang sabi nito.
"Ah ano nga ba?" Muling napaisip si Alex. Parang puro bangayan lamang ata ang
alaala nilang mag-asawa sa lugar na ito.
"Huh? Dad is here!" bulalas ni Cassandra.
Tumakbo agad ang bata sa paparating na ama at mabilis na nagpakarga dito. Napangiti
naman si Alex nang makita ang mister. Nakabihis na ito ng puting t-shirt, brown
cargo short at sneakers. Nakasuot din ito ng sumbrero't sunglasses. Ang totoo'y mas
natutuwa siyang tingnan ang asawa pag nakaayos lamang ng ganito kesa sa madalas
nitong suot na mga business suits.
Karga-karga ang anak na lumapit si Blake sa kanila. "Hi Margareth!"
"Hi Blake!"
Ibinaba nito si Cassandra at tumabi sa kanya. Naghubad ito ng sumbrero at isinabit
sa T-shirt ang sunglasses. Dumampi ito ng halik sa kanyang mga labi. "Marami na ba
akong na-miss?" tanong nito sabay kiss din sa pisngi ng batang kandong niya. " Hi
Chloe! Did you miss Tito Blake?"
"Yes!" nakangiting sagot ng matabang bata.
"Chloe ako naman diyan sa Mommy ko!" ika ni Cassandra na biglang sinumpong ng
pagseselos nang makitang nilalambing na ng ama si Chloe.
Umiling si Chloe. "Don't want to."
Namewang si Cassandra. Kilala na niya ang ugali ng matabang bata, sa kanilang tatlo
nina Harry ito ang pinaka-possesive. "Ah ayaw mo ha!" sabay lapit niya sa kanyang
Tita Margareth. "Tita cuddle me too pleasee," malambing na sabi niya sabay akap
niya dito.
"Nooooooooo!!!!" matinis na tili ni Chloe. Tumakbo ito papalapit sa ina sabay dila
sa kanyang Ate Cassie.
"See." Ngingiti-ngiting pumalit si Cassandra sa pagpapakandong sa kanyang Mommy.
"Ikaw talaga Cassie. Inasar mo na naman si Chloe. You're the older one kaya dapat
ikaw ang mas mapagbigay," komento ni Alex.
"Hindi ko siya inaasar. I'm just doing some strategies to get her out of your lap,"
humahagikhik na sagot ng bata.
Muling ibinalik ni Alex ang atensiyon sa mister. Inabutan niya ito ng mineral water
at pinunasan ng tissue ang medyo pawisang noo. "Kumusta ang meeting mo?"
"It's alright," tipid na sagot nito kahit na iba ang sinasabi ng mukha.
Ganito lagi ang sinasagot sa kanya ng asawa. Kesehodang may problema o wala sa
kumpanya, lagi namang okay, fine, alright ang sinasabi nito. Simula nang maging
mag-asawa sila, ni minsan ay hindi pa ito dumaing sa kanya dahil sa problema sa
trabaho. Alam niyang hangga't maari ay inihihiwalay nito ang Golden Pacific sa
pribadong oras nito para sa kanila.
"Mukhang napagod ka ah," puna niya.
"Medyo."
Ang totoo'y sadyang napagod si Blake sa meeting sapagkat meron na naman silang
hindi pinagkakasunduan ni Ms. Chan. Pinagtalunan nila ito ng ilang oras. Simula
nang inaassign ito ni Mr. Chan sa city complex project nila ay naging mahirap na sa
kanya ang lahat. Halos salungat lagi ang kanilang opinyon sa mga bagay-bagay. Ang
totoo'y mas mahirap pa itong kausap kaysa sa chairman ng Hexagon. Kaya sa tuwing
nakakausap o nakaka-meeting niya ito, pakiramdamdam niya'y lagi siyang pagod na
pagod pagkatapos.
Tiningnan niya ang nakakandong na anak sa asawa. "Baby, can Daddy sleep on Mom's
lap? I need a little time to recharge."
"Okay Dad," walang reklamong sabi ng bata.
"Is it okay if I take a rest for a while?" paalam niya kay Margareth.
"Sure. Kaya nga tayo nandidito para magrelax. Go ahead."
Humiga siya sa mga hita ng asawa at minasahe siya nito sa noo. Naglatag naman si
Cassandra ng isa pang maliit na tela sa tabi niya at naupo. Nakangiting tinunghayan
siya nito.
"Dad take a rest well," sabay bulong nito sa kanyang tenga. "Then later on let's
play soccer. Sumali tayo kina Tito James and Harry."
"Do you think your Mom will agree?" bulong niya rin.
"Huwag na kayong magbulungan. Mom can hear you guys and my answer is no," sabat ni
Alex.
"I told you," ani Blake sa anak.
Sumimangot si Cassandra at humalukipkip. Pagkuway tumingin ito kay Chloe. "Chloe
you're done eating, right? Let's play again," walang magawang sabi nito sabay tayo
at takbo.
Muling naglaro ang mga batang babae at tuloy naman sa pagtsitsismisan ang dalawang
nanay habang minamasahe ni Alex sa ulo ang umiidlip na asawa. Maya-maya lamang ay
tumunog ang cellphone ni Blake, agad na nagmulat ang lalaki. Bumangon ito para
sagutin ang tawag.
"Yes, Ms. Chan?"
Nagsalubong agad ang mga kilay ni Alex pagkarinig sa pangalan ng tumatawag.
Kinausap ito ng mister ng mga sampung minuto.
"Katatapos lang ng meeting niyo, tumatawag na naman yang Ms. Chan na yan?" medyo
may kapaitang komento niya nang matapos ang mister sa pakikipag-usap.
Iiling-iling na bumuntong-hininga si Blake. "That woman is extremely workaholic and
perfectionist," sambit nito na hindi nahalata ang bahagyang pagseselos ng asawa.
"Hindi pala paranoid ha," nang-aasar na wika ni Margareth sa kaibigan.
Nginusuan ni Alex ang nanunuyang kasama.
Babalik pa sana si Blake sa paghiga sa mga hita ng misis ngunit natanaw niyang
papalapit na sina James. Nginitian at kinawayan niya ang mga ito.
"Tito Blaaakeee!" sigaw ni Harry habang tumatakbo papalapit sa kanila bitbit ang
soccer ball.
Natigilan sa paglalaro si Cassandra nang malamang tapos na sina Harry. Agad-agad
niyang sinalubong ang batang lalaki bago pa man ito makalapit sa kanyang Daddy.
Napapalunok na tinitigan niya ang hawak nitong bola. "How does it feel to play
soccer?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"It feels great! Dad taught me well!" masayang sagot ni Harry.
"Great? You can't even kick the ball well," umiikot ang mga matang sabi ni
Cassandra.
"Of course I couldn't do well yet since it's my first time to play it. How about
you can you kick well?"
"Yes I can!"
"Then prove it!"
Lumingon si Cassandra sa ina. " Mom, Harry is asking me to play soccer with him."
"Hindi ganyan ang pagkakarinig ko. Tama na yang pang-uudyok mo diyan Cassandra.
Harry come here and sit down. You're mom will change your clothes and after that
we'll start eating na," sagot ni Alex.
Naupo si James sa tapat ni Blake at lumapit naman ang dalawang nagmamayabangang
bata. Inayos ni Alex ang mga pagkain habang binibihisan ng kaibigan ang pawisang
anak. Binigyan niya ng maiinom ang magtatay na kagagaling lamang sa paglalaro.
"Hon, anong gusto mo? Sandwich, sushi, pasta or sliced fruits?" tanong niya kay
Blake.
"Sushi," sabay buka nito sa bibig.
Sinubuan niya ang naglalambing na lalaki at pagkatapos ay binigyan ito ng mabilis
na halik sa mga labi.
"That makes the food tastier. Isa pa nga," hiling nito.
"Alin ang kiss o ang sushi?" natatawang tanong niya.
"Both."
Sinubuan niya ulit ang mister at muling hinalikan.
"Guys, tama na yang pang-iinggit niyo," natatawang komento ni James.
Napakunot ng noo si Blake. "Pare nakatatlo ka na, naiinggit ka pa rin? Baka naman
bukas eh biglang maging kambal na yang pinagbubuntis ni Marge."
Nagtawanan ang magkakapareha. Masayang nag-asaran ang mga ito habang kumakain
samantalang kanya-kanyang dampot naman ng pagkain ang mga batang abala rin sa
paglalaro. Ngunit nang magawi si Cassandra malapit kay James biglang may naalala
ang bata.
"Tito James who has a higher rank, you or Inspector Aldovar?"
Natigilan sa pag-uusap ang mga matatanda.
"How did you know Inspector Aldovar?" takang tanong ni James sa bata.
Biglang kinabahan si Alex sa isasagot ng anak.
"I met him at our school. He's always there. If you're higher rank than him can you
fire him because he always talk to Mom."
Muntik ng maibuga ni Blake ang kinakain. "What?!"
"Cassandra!" pinandilatan ni Alex ang anak ngunit kumibit-balikat lamang ito.
Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Blake ang asawa.
"Ah may tinatrabaho lang na kaso si Inspector Aldovar sa eskwelahang yun," kusang
wika ni James nang mahalata ang pagseselos ng kaharap.
"What case?" salubong ang mga kilay na tanong ni Blake.
"Sorry I can't talk about it," sagot ng hepe.
"Here you go again with confidentiality issues. If he's working about a case ibig
sabihin mapapadalas ang pagpunta nang tao mong yun sa school ng anak ko?"
"Parang ganun na nga."
"Wow! Talaga!" namimilog ang mga matang bulalas ni Margareth na tila hindi
nakakaramdam na may selosang nagaganap. "Alex totong madalas mong makita lately
yung gwapong batang pulis na iyon?" excited na tanong nito.
Nag-aalangang tumango si Alex na hindi magawang senyasan ang kaibigan na tumahimik.
Baka mas lalong mag-init ang ulo ni Blake pag nahuli siya.
"Ano? Gwapo ba talaga? Hindi ba nagbabago ang mukha kahit madalas mong makita."
"G-Ganun pa rin," asiwang sagot ni Alex.
Nagkatinginan sina Blake at James. Parehong dahan-dahang lumiliit ang mga mata nito
habang pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawang babae.
"Naku swerte mo naman! Ang lakas kaya makaganda ng araw niyan, yung may nakikita
kang kaaya-ayang mukha sa malapitan!" walang prenong bigkas ni Margareth.
Makahulugang nag-usap ang mga mata ng dalawang mister hanggang sa sabay nitong
pinaghahalikan sa mga labi ang kanila-kanilang mga misis. Niyakap ang mga ito ng
mahigpit at kiniliti.
"Flirts!" gigil na wika ng dalawang lalaki.
"Ano ba? Stop it James! Sige ka baka makunan ako!" tili ni Margareth.
"Eeeeei! Blake hindi ako masyadong nagwagwapuhan sa kanya. Si Margareth lang!
Inaasar lang kayo ng buntis na yan! Tama na! " tili naman ni Alex.
"Ah ganun! Hindi ka masyadong nagwagwapuhan but it means na gwapo pa rin siya!"
Itinodo pa lalo ni Blake ang pangingiliti.
"Gwapo naman talaga siya eh! Pero mas gwapo kayo dun!" tumatawang ika ni Alex.
"Mom look out!" biglang sigaw ni Cassandra.
Tumigil sa pagkukulitan ang apat at sabay-sabay ang mga itong napatingin sa
lumilipad na soccer ball patungo sa kanila. Sa mismong kinauupuan ito ni Alex
pupunta at kapag hindi siya umilag tiyak na sapul siya nito sa mukha.
Nanlaki ang mga mata ng tatlo maliban kay Alex na tila inaantay lamang na dumapo sa
mukha niya ang bola subalit nang malapit na ito'y bigla niya itong sinalubong ng
malakas at diretsong suntok. Lumipad pabalik sa mga naglalaro ang bola at dahil sa
lakas ng suntok niya'y umabot pa ito hanggang kabilang goal.
Napanganga ang lahat ng nakakita lalo na si Cassandra. Natutulalang lumapit ang
bata sa kanyang ina.
"Wow! Mommy that was waaaaaay toooo cool!!!" bilog na bilog ang mga matang bulalas
nito.
Biglang natauhan si Alex. Pansamantala din siyang napatanga at tumingin kay Blake
na noon ay gulat pa rin sa ginawa niya.
"A-Arayyyyy!" agad na pagkukunwari niya sabay pagpag sa ipinansuntok niyang kamay.
"Araay!"
Nataranta si Blake at mabilis na hinawakan ang kamay ng asawa. "Why did you punch
it? Margareth meron bang ice dyan? Hon let's see a doctor baka nabalian ka ng
buto."
Tiningnan ni Alex ang nag-aalalang mister at palihim itong kinindatan sabay
inginuso ang anak upang ipahiwatig na umaarte lang siya sa harap ng bata. Nakahinga
ng maluwag si Blake ngunit sinuri pa ring mabuti ang kamay ng misis. Tatawa-tawa
naman si James na noon ay alam nang hindi totoong nasaktan ang dating kasamahan.
Unti-unting naglaho ang paghanga sa mukha ni Cassandra.
"Now it's not cool anymore," dismayadong sambit nito ngunit agad din namang lumapit
at nag-aalalang hinilot ang kamay ng ina. "Mom, why did you do it? You know you're
body is too soft. You should have avoided the ball instead of punching it. You're
not supergirl," may tonong pagalit na ika nito.
"Tsk.tsk.tsk...You haven't lost your touch yet Alex," ngingiti-ngiting komento ni
James.

======================

[8] Talk Dirty

*****
--But your booty don't need explaining
All I really need to understand is
when you talk dirty to me
Talk dirty to me
Talk dirty to me
Talk dirty me--
Umaalingawngaw sa buong kabahayan ng mga Valdemor ang malakas na tugtugin.
Ganadong-ganado sa pagsasayaw sina Dennis at Cassandra sa living room.
"Go Cassie! Go Cassie! Ikot ang balakang! Tapon ang balakang! Ikot,ikot, tapon!"
masiglang turo ni Dennis.
Hataw naman ang bata. "Whooh! You're the best dancer Tito Dennis!"
"You're good too! Mana ka sa Tito. Kembot pa Cassie!"
"Dennis ano yan?!"
Nanlaki ang mga mata ni Dennis pagkarinig sa boses ng matandang heneral. Hindi niya
ito nilingon sa halip ay mabilis at patay malisyang pinalitan niya ng panlalaking
steps ang kanina'y medyo paseksing sayaw. Ibinuka niya ang mga paa at biglang
humataw ng panghip-hop.
"Tinuturuan ko lang ng sayaw si Cassie, Lolo," di nakatinging sagot niya. Batid
niyang pinanlilisikan na naman siya ng mga mata ng matanda.
"Tito, that's steps are too difficult," reklamo ni Cassie habang pinapanood at
kinokopya ang panlalaking sayaw niya.
"Tinuturuan mo na naman ng mga kaartehan yan si Cassandra! Ilang beses ko bang
sasabihin sayong ayokong makitang lalambot-lambot ka sa loob ng pamamahay na to!"
pagalit ng matandang heneral.
Napapakamot sa ulong nilingon ni Cassandra si General Valdemor. Nakatungkod ito at
inaalalayan ng isang katulong sa pagkakatayo. Lumapit siya sa lolo at niyapos ang
hita nito.
"Lolo General huwag na kayong magalit kay Tito Dennis. Nagpapaturo lang naman ako
ng sayaw kasi mamaya I want to dance in front of everybody."
Gumuhit ang mga ngiti sa mukha ni General Valdemor. Agad nitong nakalimutan ang
pagkakunsumi sa panganay na apo. "Talaga? Sasayaw ang aming munting prinsesa. Can
Lolo watch you now?"
Umiling si Cassandra. "No, Lolo General you can't watch yet. I want it to be a
surprise."
"But you're dancing here in the living room. I can see you already."
"Then don't stay here."
"Hey little girl. Are you asking Lolo to be back in his room?" natatawang sambit ng
matanda.
"Not really..." Inginuso ni Cassandra ang kusina. "You can talk to Mom and Lola
Sylvia in the kitchen." Namilog ang mga mata nito nang may pumasok sa isipan. "How
about convincing Mom in allowing me to play soccer this weekend with Tito James and
Harry. She likes you a lot so she might listen to you," hinihigit ang damit ng Lolo
na ika ng bata.
"I can't sweetheart. I promised your Mom not to interfere in her decisions when it
comes to her beautiful daughter."
Bumuntong-hininga si Cassandra sabay bagsak ng mga balikat nito. "Hay, why does
everyone takes Mom's side?" napapailing na bulong nito sa sarili.
Sumulpot si Sylvia mula kusina. Nakasuot ito ng bestidang itim na halos umabot na
sa sahig ang haba. Puno ng burloloy ang leeg at kontodo makeup na talagang
pinaghandaan kahit ang simpleng dinner sa bahay ng buong pamilya.
"Why did you stop rehearsing for your dance number baby girl?" anito.
"Lolo General is watching kasi."
"Papa samahan niyo na lang si Alex sa kusina. Husgahan niyo ang lasa ng mga
niluluto niya tutal para sayo naman talaga yung mga yun," ani Sylvia sa biyenan.
"You too Lola Sylvia. You can't stay here," ani Cassandra.
"Ha? Bakit pati ako? Dito lang ako at tutulungan ko si Dennis sa pagtuturo sayo ng
sayaw."
"Ayoko na magpaturo sayo Lola. Last time you taught me a dance, my classmates said
para daw po akong nagyoyoga."
Si Alex naman ang sumunod na dumating sa sala. Nakasuot ito ng apron at may bitbit
pang pot holder. "Ma, anong ginagawa niyo diyan? Huwag niyo akong iwanan sa
kusina."
"Heh! Magpatulong ka na sa mga maids! Kanina pa nauubos ang oras ko diyan sa
kusina. Hindi ko na tuloy maasikaso itong apo ko. Ikaw tong nagpresi-presinta ng
pagluluto tapos dinadamay mo ako! Pwede naman kasing ipaluto na lang sa mga maids
eh! Ayan si Dennis kayong dalawa ang magsama dun."
"Bakit ako? Anong alam ko diyan sa mga experimental recipes ni Alex," protesta ni
Dennis.
Ngumiti ng may lambing si Alex sa kanyang Lolo. "Lo, halika. Kayo na lang ang
sumama sa akin. Patapos na ako, iapprove niyo na lang ho ang timpla kasi nagluto
talaga ako para sa inyo. Ayoko kasing may nakahaing pagkain mamaya na bawal sa
inyo."
"Okay tutal pinapaalis din naman ako dito ng anak mo," ngingiti-ngiting wika ni
Gen. Valdemor. "Cassandra make sure to surprise us with a beautiful dance."
"Yes Lolo General!" sabay tingin ng bata sa kanyang ina. "Mom anong oras po
darating si Dad?"
"Oo nga Alexandra! Nasaan na si Blake? Akala ko ba andidito na yun ng alas-sais.
Alas siyete na'y wala pa?" kunot noong tanong ni Sylvia.
Lumingon si Alex sa kusina. "Yaya Lagring pakibantayan nung nakasalang! PAKIHINAAN
NG APOY!" pag-aalala niya sapagkat mukhang mapapasubo pa siya sa mahaba-habang
paliwanagan.
Maamong tumingin siya sa lahat at ngumiti. "Kakatawag lang ni Blake. H-Hindi daw
siya makakarating. Di pa rin daw tapos ang meeting niya at marami pa silang dapat
pag-usapan."
"Again?" nagpupumiksing bulalas ni Cassandra. "I was too excited to dance because
of Dad yun pala he can't watch me."
"Then how about at our house. You can show him your dance when he arrives. I'm sure
matatanggal lahat ng pagod ni Daddy," namimilog ang mga matang paliwanag ni Alex sa
malungkot na anak.
"Hindi na masaya. It's different when he's watching me together with everybody
else," matamlay na sagot ng bata.
Nakatimpuhong hinawakan ni Alex sa balikat ang anak. "Huwag ka ng magtampo. Dad
really wants to join the dinner but he can't just abandon his important work. Di
bale bumabawi naman lagi si Daddy kapag may promise siyang di natutupad di ba?"
"But lately he keeps breaking his promises...." mahina't nakayukong ika ng bata.
"Oo nga naman Alexandra! Mag-iisang buwan ko ng di nasisilayan ang mukha ng
manugang ko ah. Pangalawang magkasunod na family dinner na itong hindi niya
napuntahan," ani Sylvia.
Tumayo si Alex at pinandilatan ang ina. "Ma huwag na kayong dumagdag," bulong niya.
"MA'AM ALEX MALAPIT NA PONG MAIGA YUNG SINIGANG NIYO!" sigaw mula sa kusina.
Natataranta't patakbong bumalik ng kusina si Alex. Samantala hinaplos naman ni
General Valdemor sa ulo ang matamlay na apo.
"Don't be sad little girl. Hayaan mo, pag natuwa si Lolo General sa sayaw mo,
kakausapin ko ang Mommy na payagan kang makipaglaro kay Harry this weekend ng
soccer."
Agad na nagbago ang hilatsa ng mukha ni Cassandra. "Talaga Lolo General?!"
"Oo. Kaya huwag ka ng malungkot. Lolo always want to see her princess smiling."
"Yes!" napapasuntok sa hanging wika ng bata sabay takbo nito pabalik sa kanyang
tiyuhin. " Let's do it again Tito Dennis!"
"Teka lang, let me join you!" habol ni Sylvia.
"Huwag ka ng sumali Lola!"
-----
"Cassie, Dad is really really really really sorry..." maamo at malumanay na sabi ni
Blake sa nakahigang anak.
Nagtatampong tumagilid pakanan si Cassandra upang iwasan ang mukha ng amang nakaupo
sa tabi ng kanyang kama. Yumakap at dumantay siya sa kanyang hotdog pillow at
kinagat-kagat ang punda ng unan.
"Baby naman. Bati na tayo oh. Nagsosorry na nga si Daddy di ba?"
Hindi umimik si Cassandra. Tuloy lang ito sa marahang pagngatngat sa unan habang
nakatingin ng diretso.
"You're Mom said you prepared a dance. Do you want to show it to me now? Daddy is
really excited to see it."
Walang ganang umiling ang bata. " I'm not in the mood already."
"Oh I see. Are you already sleepy?" maingat na tanong ni Blake.
"Yes."
Inilibot ni Blake ang mga mata sa buong kuwarto. "Are you sure you want to sleep in
your room now? Hindi ka ba tatabi kay Mom and Dad?" alo niya.
"I'm already a big girl starting today."
"Ahhh alright," tatango-tangong sambit niya. Dinampot niya ang isang story book na
nakapatong sa bedside table. "Do you want Dad to read a bedtime story for you?"
"What's the title?" mahinang sagot ng anak nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Splat the Cat," sagot niya.
"I already knew that story."
Kumuha siya ng isa pang libro. "How about this Goodnight Moon?"
"That's story is boring."
Bumuntong-hininga siya at binitawan ang libro. Hinaplos niya ng marahan sa ulo ang
nagtatampong anak. "Cassie don't be too cold to Dad. I can't sleep well if I knew
that my beloved little princess is angry with me. I might have a nightmare."
Saka lamang napatingin sa kanya ang anak. Kumunot ang noo nito. "You're going to
have a nightmare?"
"Yes. It happened to me once. That was when your mom and I had small
misunderstanding and I went to bed without asking for her forgiveness," pagdadrama
niya nang makitang sumasakay naman ang bata.
"What happened inside your dream?" puno ng kuryusidad na tanong ni Cassandra.
"A big black monster chased me. I kept running, running and running. But although
how fast I ran, he caught me. He pushed me to the ground and choked me. I woke up
screaming with so much sweat in my forehead," eksaheradong kuwento niya.
Nagtagpo ang mga kilay ni Cassandra at bigla itong napaisip ng malalim. Bakas sa
mukha nito ang pag-aalala sa ikinuwento ng ama. "You think if I won't forgive you
now, you'll have the same nightmare again?"
"Yes," namimilog ang mga matang sagot ni Blake.
Tumahimik ng ilang saglit ang bata. At ilang sandali pa'y bigla itong bumangon at
niyakap ang ama. "I'm not angry anymore," sabay halik nito sa pisngi ng magulang.
"Thank you," ani Blake ng nakangiti. "What do you want from Dad so he can makeup
for the family dinner that he missed?"
"Ahh..." napapatingin sa kisameng sambit ni Cassandra at saka masiglang tumingin sa
kanyang daddy. "Pick me up tomorrow at school together with Mom! Harry keep
boasting that his Dad is picking him up to school lately. Gusto ko rin pong sabihin
sa kanya na sinundo niyo ako."
"Okay. Ikakansel ni Daddy lahat ng trabaho niya sa oras ng uwian niyo and I'll
hurriedly run towards your school para sunduin ang pinakamamahal kong anak."
Ngumiti ng abot tenga si Cassandra at pagkuway humikab ito.
"It's time for you to sleep sweetie. Dad will tuck you in."
Inihiga ni Blake ang anak at kinumutan ito. Hinalikan niya sa noo ang noo'y
pupungay-pungay ng bata.
"Goodnight Cassie."
"G-Good night Dad."
Binuhay niya ang lampshade at pinatay ang main light. Saka tahimik at dahan-dahang
isinara ang pinto ng kuwarto.
Pagbalik niya sa silid nilang mag-asawa ay naabutan niya si Alex na ngingiti-
ngiting mag-isa sa kama habang may pinapanood sa cellphone. Binitawan nito ang
telepono pagkakita sa kanya.
"Ano bati na ba kayong mag-ama?" salubong nito.
"Yap. You're daughter is getting more and more like you pag nagtatampo."
Tumabi siya sa asawa at isinuot ang katawan sa kumot. Kinuha niya ang ulo ng misis
at iniunan dito ang kanyang braso.
"Youre daughter said she's a big girl already," napapangiti't napapailing na sambit
niya.
"Sus para namang di mo kilala yang anak mo. Bukas beybing-beybi na naman sayo yan,"
kaswal na komento ni Alex.
"Kumusta ang dinner?"
Yumakap si Alex dibdib ng asawa. "Masaya. Alam mo naman yung mga yun basta naroroon
si Cassie, buong bahay ay maingay."
"I worry baka nagtatampo na sa akin ang Mommy. Twice in a row ko ng iniindiyan ang
dinner invitation niya. Should I send her flowers tomorrow?"
Tumawa ng mahina si Alex. "Ikaw ang bahala. Ikaw pa, isang tawag mo lang kay Mama
eh limot na nun lahat."
Gumilid papaharap si Blake sa misis. "I saw you smiling with yourself while
watching something in your phone. What was that all about?"
"Ah oo nga pala! Halika panoorin mo yang kabibuhan ng anak mo."
Dinampot ni Alex ang cellphone at pinapanood kay Blake ang video ng sayaw ni
Cassandra. Tawang-tawa ang mag-asawa habang tutok na tutok sa pagkembot ng anak.
Bigay na bigay ito kahit wala sa tiyempo ng tugtog ang bawat galaw.
"Wooho, she's even does twerking. How did she learn that?" takang sambit ni Blake.
"Kanino pa eh di kay Dennis."
Napansin ni Blake ang bagong ligong amoy ng asawa. Idinikit niya ang mukha sa buhok
nito at marahang hinalik-halikan habang nanonood sa video. Hinihintay niyang
matapos ang sayaw ng anak bago ito lambingin.
"That was a nice song. Anong title niyan?" tanong niya nang matapos ang pinapanood.
"Talk Dirty."
Tinitigan niya si Alex at binigyan ito ng pilyong ngiti.
"Talk dirty to me now, wifey," nang-aakit na ika niya.
Gumanti ng pilyang ngiti si Alex sabay hawak sa mga pisngi ng mister. "Saan mo ako
gustong mag-umpisa?"
"If I think about it, mahigit isang linggo na pala akong diyeta. May advantage din
pala ang pagtatampo ng anak natin," bulong ni Blake.
"Pagod ka. May natitira ka pa bang lakas, Mr. Monteverde?" nanunuksong bulong ni
Alex.
"Why would I get tired if I'm going to taste the only woman who energized me. Kaya
humanda ka Mrs. Monteverde, ikaw ang papagurin ko ngayon."
Nakangising tumaas ang isang kilay ni Alex. "Ilang rounds?"
"Don't mind about the rounds, wifey. It's the duration that matters. How about
forty minutes?"
"Anong breakdown ng oras na yan?" may landing tono ni Alex.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Blake sabay hawi sa buhok ng asawa. "Five
minutes kissing.... fifteen minutes tasting... and three minutes each position."
Idinampi niya ang mga labi sa tenga ni Alex at marahan itong kinagat-kagat.
"Let's start the tasting now," bulong niya.
Niyakap niya patalikod ang misis. Dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay sa loob ng
pantaas nitong pajama. Hinimas niya ang tiyan nito habang hinahalikan ang tenga.
"Ahhhh Hon..." ungol nito.
"Sshhh... don't make hot moans yet. It turns me on wifey. Baka may ma-skip akong
part dumiretso na ako sa position," bulong niya habang pinapagapang ang kamay
patungo sa dibdib ng misis.
Tok!Tok!Tok!
Biglang natigilan ang mag-asawa at nagkatinginan.
Blag!Blag!Blag!
"Open the door!"
"Huh? Ang anak mo!" ani Alex.
"She is supposed to be sleeping already," takang ika ni Blake.
"Mom! Dad!"
Dali-daling bumangon si Alex para pagbuksan ang anak. Napapikit naman si Blake at
napakagat sa labi sa sobrang pagkabitin.
Pagbukas na pagbukas ng pintuan ay tumakbo agad patungong kama si Cassandra.
"What happened Cassie? I thought you were sleeping already," wika ni Blake nang may
pilit na ngiti. Panaka-naka napapabuga siya ng hinga upang maipanumbalik sa normal
ang pakiramdam.
Tumabi si Alex sa mag-ama at ngingiti-ngiti ito habang simpleng nakikipagpalitan ng
mga titig sa asawa.
"I'll sleep here tonight," pahayag ni Cassandra.
"But you just said you were a big girl already," may tonong pagpoprotesta ng ama.
"I know but I'm worried about you Dad."
"Me? But why?"
"I want to make sure you won't really have a nightmare."
Tumawa si Blake. "Don't worry sweetie. Dad will surely sleep peacefully tonight
dahil alam kong hindi na nagtatampo sa akin ang baby ko. Sige na bumalik ka na sa
room mo."
"No! I will sleep here," giit ng anak.
Yumakap ang bata sa kanyang Mommy. Napapangiwing tiningnan ni Blake ang asawa.
Sinenyasan niya itong kumbinsihin ang anak na matulog sa kuwarto nito ngunit
sinagot lamang siya ng misis ng pagkibit ng balikat.
Bumangon siya upang lumipat ng puwesto.
"Where are you going Dad?"
"Tatabi muna ako kay Mommy."
"Ayoko. Gusto ko pareho ko kayong katabi!" reklamo ng anak.
"I need to hug Mom because she's cold," katwiran niya sabay tabi at yakap kay Alex.
Natigilan si Cassandra at nag-aalalang tumingin sa ina. "Why are you cold Mom? Are
you not feeling well?"
"Mom is fine. Naglalambing lang yang Daddy mo."
Unti-unting ngumiti ang bata. "Mom, I know why Dad is being sweet to you," sabay
nagdududang tiningnan nito ang ang mga magulang. "You're keeping it a secret from
me, right?"
Nagkatinginan sina Alex at Blake.
"What do you know sweetie?" napapalunok na tanong ng ama.
"Siguro nagtatampo rin sayo si Mommy dahil hindi ka nakapunta sa dinner."
Sabay na nakahinga ng maluwag ang mag-asawa.
"You're right Cassie kaya can you give Dad a chance to talk to Mom? I hope you can
go back to your room now," alo ni Blake.
"No. I want to sleep here," pagmamatigas ng anak at saka ito ngumiti ng may lambing
sa ina. "Mom patawarin mo na si Daddy or else magkakabad dream siya tonight."
"Patulugin mo na yan," pasimpleng bulong ni Blake sa misis.
Niyakap ni Alex ang anak at pinikpik.
"Baka magising yung bata," pabulong ding tugon ni Alex.
"Let's sneak out in the bathroom."
Tumango si Alex at itinuloy ang pagtapik-tapik kay Cassandra hanggang sa unti-
unting mamungay ang mga mata ng anak.
"Hindi na pwede yung forty minutes ha. Malakas makaramdam tong anak mo pag walang
katabi," ani Alex sa mister.
"I know." Sinilip ni Blake ang anak. "She's sleepy already," napapangiting bulong
niya habang panakaw na hinahalik-halikan sa batok ang asawa.
Pungay na pungay na ang mga mata ni Cassandra at inaabang-abangan na ng mag-asawa
ang pagpikit nito. Kinantahan pa ito ni Alex habang tinatapik-tapik. Subalit bigla
na lamang sumigla ang mukha ng bata. Namilog ang mga mata nito na animo'y may
naalala. Buong sigla itong tumayo at nakangiting tumingin sa mga magulang.
"Dad! I want to show you my dance now. I'm in the mood already!" tuwang-tuwang sabi
nito.
"Uh-uh we're dead," bagsak ang mga balikat na bulong ni Blake.

======================

[9] Smile Over Bitterness


Sinundan ni Brandon si Isabelle habang mag-isang naglalakad ang huli sa parking
lot. Nagulat ang babae nang bigla niya itong hinigit sa braso. Nagsalubong ang mga
kilay nito pagkakita sa kanya sabay nag-aalalang tumingin ito sa paligid.
"What are you doing here?" matigas ang tonong sabi nito.
"You've been avoiding me for more than a week," maamong wika niya.
"Let's talk some other time and some other place. I'm busy now," masungit na ika
nito.
"I'm busy too! Pero hindi ko na matiis ang ginagawa mong pag-iignore sa mga tawag
at messages ko! Ano bang problema Isabelle?"
Ngumisi si Isabelle at tinaasan siya ng isang kilay. "Why are you asking me that?
You should ask yourself. Alam mo naman ang sagot di ba?"
"Dahil pa rin ba ito kay Mrs. Monteverde? I told you hindi ko kaya ang pinapagawa
mo! I tried but I just can't do it! Bakit ba atat na atat kang sirain ang pamilya
ng Blake Monteverde na yun?!"
Nangalit ang panga ng dalaga at lalong naningkit ang dati ng singkit nitong mga
mata. "Because I want to have you and I want to end up with you! But because of
Blake Monteverde I can't love the man I choose to love. Siya ang ginagawang batayan
ni Dad sa lalaking dapat kong mapangasawa. He won't stop finding a man like him o
kung hindi man ay pinepressure niya akong maghanap ng isang katulad ng Blake
Monteverde. An extremely successful businessman who at same time can build a happy
family! As long as Dad is being inspired by that man, kokontrolin niya ang buhay
ko. Kaya gagawin ko ang lahat para masira ang pamilya ng Mr. Monteverde na yan. I
want to show Dad na may itinatago ring baho ang pamilya ng lalaking pinupuri niya.
I won't stop until he realizes that all rich men are trashes when it comes to
handling their personal lives. That there's no such perfect guy like what he
perceived about Mr. Monteverde now!"
Napanganga si Brandon. "I-Isabelle, what's wrong with you? Where did you get the
courage to ruin other people lives for the sake of your own happiness?"
Natawa ang dalaga. "For my own happines? This is not only for me. It's for your
sake too."
"Pero pwede naman tayong maging masaya nang wala tayong sinisirang tao."
"How? Tell me how!" mataas ang tonong sabi ni Isabelle.
"Let's tell yout father about our true relationship!" walang pag-aalinlangang
salita ng binata.
Napatanga ng ilang sandali si Isabelle hanggang sa unti-unti itong matawa. "Are you
out of your mind? Do you think he'll accept you?"
"Isabelle hindi man ako kasingyaman ng mga lalaking ipinapakilala niya sayo but I
can prove to him how much I love you. That I can make you happy and take care of
you for the rest of your life," seryosong pahayag ni Brandon.
"Love? Do you think a person like Dad believes in love? Everyone in his family
found their partners thru arranged marriage. My sisters and brothers were the same.
Don't ever commit the mistake of confessing to him kung ayaw mong gumulo ang
tahimik mong buhay! You have no idea how evil he could be. Kapag kinalaban mo siya,
kaya niyang sirain ang buhay mo kahit pa itinuring ka na niyang isang kapamilya. He
can ruin not just you but your family too!"
"But having the courage to admit our relationship is the best and right way for us
to be together! We won't be happy even if we end up together kung may sinira naman
tayong ibang tao," matigas na tutol ng lalaki.
"Do you sincerely love me?" seryosong tanong ni Isabelle.
"Kailangan mo pa bang itanong yan kung alam mo naman ang sagot?" maamong sagot ni
Brandon.
"Then do what I asked you to do!" biglang singhal ng babae.
Napangisi si Brandon sa reaksiyon ng kausap hanggang sa unti-unti rin siyang
nagseryoso. "Mahal kita Isabelle at handa kitang ipaglaban pero kung mananatili
kang matigas sa desisyon mong yan I guess I have no choice but to stop loving you.
Hindi ko pwedeng patuloy na mahalin ang isang taong ang alam lang mahalin ay ang
kanyang sarili."
Natigilan ng ilang saglit ang dalaga. Bahagyang dumungaw ang luha sa mga mata nito
ngunit agad din itong nagmatigas. "Do whatever you want to do. Kung hindi mo ako
matutulungan, I have my own way to execute my plan. Hindi ako titigil hangga't
hindi ako nakakawala sa pananakal ng aking ama. And when that time comes, make sure
you won't be crawling back at me dahil kahit anong mangyari hinding-hindi na kita
tatanggapin."
Dinudurog ang puso ni Brandon sa napakadaling pagbitiw sa kanya ng babae ngunit sa
kabila nito'y pinilit niyang maging mahinahon at kalmado. "I won't come back to you
unless the Isabelle that I used to love return to me and beg me to love her
again.... but beforehand, ipagdasal mo munang sana hindi ako matutong magmahal ng
iba..."
Nakita niya ang panginginig ng mga labi ng kausap.
"I hope you won't be a victim of the nightmare you're planning to create," payo
niya bago tuluyang talikuran ang naluluha-luhang babae.
-----
"I'm sorry for these non-stop calls," despensa ni Blake kay Alex habang ibinababa
ang cellphone dahil sa katatapos lamang na pagsagot sa isang tawag. Upang di na
maistorbo, pansamantala niya munang pinatay ang telepono.
Magkasama sila sa sasakyan at naghihintay sa tapat ng eskwelahan ni Cassandra.
"Okay lang. Alam ko namang oras ng trabaho mo ngayon. Sana hindi ka na nag-abala na
sumama sa akin baka marami kang napepending na trabaho dahil dito," ani Alex.
"Hindi pwede. Nakapangako ako sa anak natin na susunduin ko siya ngayon. This is my
penalty for missing the family dinner. I can't disappoint her this time,"
nakangiting tugon ni Blake.
Natutuwang tinitigang maigi ni Alex ang mister. Hinawakan niya ang mukha nito at
ipinaling sa kaliwa't kanan
"May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong ng lalaki.
"Wala naman. Di kasi kita masyadong naasikaso kaninang umaga kaya tinitingnan ko
lang kung maayos ba ang pagkakashave mo."
"So how is it?"
Ngumiti si Alex. "Perfect! Sobrang gwapo pa rin," sabay nakaw ng halik sa mga labi
ng mister.
Gumanti ng paghawak sa pisngi si Blake. Ipinaling din niya sa kaliwa't kanan ang
mukha ng misis nang may pilyong mga ngiti.
"Ano maganda ba ang asawa mo?" kusang wika ni Alex habang kumukurap-kurap ang mga
mata.
Ngumuso si Blake. "Hmmm...so plain-"
"Plain?" nakasimangot na sambit ni Alex.
"Yes...so plain yet so pretty," biglang ngiting sabi ni Blake. At hindi lamang
nakaw na halik ang ginawa niya kundi malalim na halik sa mga labi ng misis.
Si Alex na ang kusang humiwalay sa kanilang halikan nang mapagtantong nasa harapan
sila ng sasakyan at maaring may makakita sa kanila sa labas.
"Hon, nasa harap tayo ng school..." ngingiti-ngiting paalala niya sa mister.
Umayos ng upo si Blake. "Tsss... having a pretty wife is really hard. You'll be
tempted to kiss her anywhere."
"Bola!"
"You don't believe me? Gusto mo ulitin ko to prove you the sincerity of my words."
Tumawa si Alex. "Okay na, sige na! Naniniwala na ako," sabay tingin niya sa relos.
"O Malapit nang lumabas ang anak mo."
"Let's have lunch afterwards."
"Huh? Hindi ka ba busy?"
"It's alright. Kasama ko na rin lang naman kayo then why not eat together. By the
way honey, I might be late tonight."
"Bakit?"
"I'm invited to the birthday dinner of our city complex head architect."
Tumaas ang isang kilay ni Alex at pairap na tumingin sa asawa. "Dinner lang?"
"Hmmm... maybe we'll have a few drinks too."
"Saan?"
"In some hotel restaurant. It's not merely a birthday dinner we're having meeting
at the same time. That architect is a work freak too."
"Huwag kang masyadong magtatagal ha. Baka hanapin ka na naman ng anak mo," medyo
matamlay na sabi ni Alex.
"Ng anak o ng mommy?" ngingiti-ngiting tanong ng lalaki.
"Pareho," kunway kimi ngunit malambing na sagot ng misis. "Halika na't malapit nang
matapos ang klase ni Cassandra."
Lumabas ang mag-asawa sa sasakyan at nag-abang malapit sa gate. Nakilala ng guard
si Blake at inimbitahan itong pumasok sa loob subalit tumanggi ang lalaki. Pumunta
siya dito bilang isang simpleng magulang, hindi bilang isang importanteng tao.
"Boss Blake! Madam Kap!"
Kumunot ang noo ni Blake nang makita si Balatbat na kumakaway sa kabilang sidewalk.
Ngiting-ngiting lumapit sa kanila ang pulis.
"SP02, what are you doing here?"
Kumibit ng balikat ang pulis. "Trabaho, alam niyo na. Nagmamasid-masid. Salamat nga
pala sa inyo. Buti na lang kinausap niyo si hepe at nirequest akong maging sidekick
ni Inspector Aldovar kaya pansamantala muna akong napahinga sa pagtatraffic."
Tumaas ang isang kilay ni Alex sa narinig at nagdududang tiningnan ang asawa.
"I didn't know James will take it seriously. It was supposed to be a half meant
joke," kusang paliwanag ni Blake.
"Ah baka naman kaya ako ipinartner kay Inspektor dahil narealize ni Hepe na dapat
pinapares ang gwapo sa kapwa gwapo," tatawa-tawang turan ni Balatbat.
Natigilan si Blake nang may mapagtanto.
"Is he here too?" sabay tingin niya sa paligid at mabilis na itinago sa likuran ang
misis.
"Wala siya kaya ako lang muna ang nakatoka dito. Mukhang nakutuban yatang pupunta
kayo, umiwas hehe. Takot din naman palang pomorma pag nasa paligid ang totoong
nagmamay-ari."
Binatukan ni Alex ang dating kasamahan. "Hmp! Kung anu-anong walang katuturang
bagay ang pinapasok mo sa utak ng asawa ko!"
"Aray! Madam Kap sobra na kayo ha disrespecting a police officer na yang ginagawa
niyo!" mataas ang tonong reklamo ni Balatbat.
"Oh ano ngayon? Aarestuhin mo ako?" sabay kusang bigay ng babae sa kanyang mga
kamay. "O ayan posasan mo ako! Ayan!"
Ngumiti si melchor at napakamot sa kanyang ulo. "Kayo naman Madam Kap di na mabiro.
Sabi ko nga na ako ang may kasalanan. Pero huwag mo namang masamain ang ginagawa
ko, alam niyo namang number one fan ako ng loveteam niyo ni Sir Blake. Ayoko ng may
kontrabida at higit sa lahat ayaw na ayaw ko na nagseselos si Boss Blake," sabay
kindat nito sa ngingiti-ngiting mister ng babae.
"That's enough honey. Your daughter is approaching," ani Blake.
"Hi Mom!" bati ni Cassandra at nanlaki ang mga mata nito sa tuwa nang makita ang
ama. "Daddy! You're here!" ngunit unti-unting nawala ang mga ngiti nang makita si
Balatbat. "H-Hi Tito Melchor," walang ganang sambit nito.
Nagkatinginan sina Alex at Blake nang mapansing may kasamang batang lalaki ang
anak. Matangkad ang bata ng kaunti kay Cassandra. Makinis, mestisuhin at katamtaman
ang pangangatawan.
"W-Who is he Cassie?" nakangiting tanong ni Alex.
"Dominic, my new friend. Dominic this is my Mom and Dad..." ani Cassandra sabay
napipilitan itong tumingin kay Balatbat na noon ay asang-asa rin na ipakilala siya
ng bata. "..and T-Tito Melchor."
"Hi Dominic!" nangungunang bati ng pulis nang may abot tengang ngiti.
"Are you guys classmates?" kunot noong tanong ni Blake.
"No. He's in grade two B. I met him this morning in the playground and we're
friends already," masayang sagot ni Cassandra.
"Ah ganun ba..." nakangiti ngunit napapalunok na sambit ni Alex.
Gustong magpakarga ni Cassandra sa kanyang Daddy subalit nakaramdam siya ng hiya sa
bagong kaibigan.
"Cassandra you're Mom and Dad were both handsome and pretty," ani Dominic hanggang
sa napadako ang mga mata nito kay Balatbat. " I-Is he really you're uncle? I
mean... by blood?"
"No!" madiing tanggi ng batang babae.
"Then why are you calling him Tito?"
Naguguluhang napakamot ng ulo si Cassandra. "W-Well...I-It just happened that
way..."
"He's my friend," kusang paliwanag ni Alex. " By the way, nasaan yung sundo mo?"
"There!" sabay turo ng bata sa nakaunipormeng yaya. Pagkuway malungkot na tumingin
ito sa mga magulang ng bagong kaibigan. "My parents never pick me up or bring me to
school. They are always busy with work. They always send yayas or driver to escort
me."
Nakaramdam ng awa si Alex sa bata. Tinapik niya ito sa balikat. "Maybe because your
parents wants to provide you with other things. Alam mo kasi minsan ang mga
magulang may iba't ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal nila sa kanilang
anak."
"I understand though. I know they are working hard for my future," matamlay at
napapayukong sagot ni Dominic.
"Ako rin naman nung bata pa'y hindi ko naranasan yang mga hatid-sundo ng magulang
na yan! Pero tingnan mo naman ngayon lumaki akong matapang at maabilidad!" buong
pagmamayabang na hirit ni Balatbat.
Napaangat ng mukha si Dominic at tumitig kay Melchor na noon ay pinapalabas pa ang
mga muscles sa braso. Napangiwi ang batang lalaki sabay paalam nito. " I'll go to
my yaya now. Bye!" mabilis na tumakbo ito patungo sa sundo.
"Bye!" paalam ni Balatbat.
Muling lumingon ang batang lalaki at ngumiti kay Cassandra. "Bye! Cassandra. See
you tomorrow!"
"See you!" nakangiting kaway ni Cassandra.
Tumaas ang isang kilay ni Blake habang pinagmamasdan ang dalawang batang
nagpapaalaman. Pagkuway niyakag na niya ang anak patungo sa sasakyan. Nagpaalam na
rin sa kanila si Melchor. Pagdating sa sasakyan ay pinupog siya ng halik ni
Cassandra at niyakap siya nito mula sa likuran bago siya makapag-umpisang
magmaneho.
"Kanina lang hindi mo pinapansin si Daddy only because you have a new friend
around. Were you trying to act like a big girl again?" kunway may tampong sabi
niya.
"No. I wanted to hug you but I didn't want Dominic to feel bad," katwiran ng bata.
Mabilis na nagtagpo ang mga kilay ni Blake. "Why? What's with him that you can't
hug your Dad around?"
"Kasi maiinggit siya," matamlay na sagot ng bata sabay upo nito nang napapabuntong-
hininga. "You know Mom, Dad. Dominic is not close to his parents although he's an
only child like me. His Mom and Dad gives him everything except for their time.
He's always alone even in their house."
"Yan ba ang dahilan kung bakit mo siya kinaibigan? You usually don't make friend so
easily," ani Alex.
Nag-isip ang bata ng ilang saglit at umikot ang bilog ng mga mata nito. "Hmmmm...
partly yes but I think it's mostly because we're compatible."
"ANO?""WHAT?!" magkasabay na bulalas ng mag-asawa.
Mabilis na napalingon si Alex sa likurang upuan. "Anong coma-compatible yang
pinagsasabi mo Cassandra?!"
"Compatible. Di po ba ibig sabihin niyan same likes and dislikes. Pareho kami ng
gustong mga laro. Most of the children stories I read, he read too. He's not a
bully and most of all we both hate loud friends. I like that kind of friend Mom,"
kibit balikat na sagot ni Cassandra.
Nagkatinginan sina Blake at Alex. Parehong nakahinga ng maluwag sa sinabi ng anak.
"Oh I see," biglang hinahong sabi ni Alex. "So what did you guys play earlier?"
"We went to the art room and assembled a lego battlefield!" excited na sagot ng
bata.
Tumayo si Cassandra at muling yumakap sa leeg ng nagmamanehong ama. " Dad can you
buy me an iphone 6?" lambing nito.
Muntik nang maubo si Blake. "Iphone 6? Where did you get that kind of idea?!"
"Dominic has one. His parents gave it to him and it's so cool! There's a lot of
good games inside!" namimilog ang mga matang ika ng bata.
"Cellphone is not for games. It's main purpose is for communication," payo ni Alex.
"That one too! I want to communicate with Dominic even at home."
Muling nagkatinginan sina Alex at Blake. "THAT'S A BIG NO CASSANDRA!" sabay na
sagot na mag-asawa.
"You're not going to have a cellphone unless you're eighteen!" pahabol ni Alex.
"You're right about what you said earlier Mom. Each parents have their own ways of
loving their children," dismayadong tugon ng bata sabay bagsak ang mga balikat na
naupo.

=========================
[10] Roses and Lipstick

*****
Napabalikwas ng bangon si Blake. Tumingin siya sa paligid ng isang hindi pamilyar
na silid. Wala siya sa kanilang kuwarto at tila nasa loob siya ng isang hotel.
Tinanggal niya ang nakatakip na kumot sa sarili. Laking gulat niya nang makitang
tanging boxer short lamang ang suot niya.
Anong ginagawa niya dito?
Tumingin siya sa kama. Wala siyang katabi. Dali-dali siyang tumayo. May kasama ba
siya? Ginalugad niya ang buong silid pati CR. Walang ibang naroroon maliban sa
kanya.
Paano siya napunta dito?
Nanghihinang naupo siya sa kama. Napasapo siya sa mukha at pagkuway minasahe ang
noo habang inaalala ang mga nangyari. Ang huling natatandaan niya'y nasa karaoke
lounge sila kasama ng isang bisitang investor galing Hong Kong. Batid niyang medyo
napasobra siya ng inom at dahil pagod siya'y mabilis siyang nalasing. Natigilan
siya nang maalalang parang sinundo siya ni Alex. Pero bakit mag-isa lamang siya?
Nasaan ang kanyang asawa?
Nakita niya ang cellphone sa mesang katabi ng kama. Dali-dali niya itong dinampot.
Nagulat siya nang makita ang oras, alas kuwatro y medya na ng madaling araw. Mas
lalo siyang nagulat nang makita ang sixty eight missed calls ni Alex. Tinatawagan
siya ng misis? Kung ganu'y halusinasyon lang ba na sinundo siya nito? Bigla siyang
kinabahan sa naisip. Umaatake na naman ba ang sakit niya pag nalalasing kung saan
nakikita niya ang kaanyuan ni Alex sa ibang babae?
Nataranta siya at mabilis na nagbihis. Ano ang ipapaliwanag niya sa asawa? Tiyak
na puputaktehin siya nito ng mga tanong. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin
ang sarili. Nag-isip siya ng mga positibong bagay. Wala naman siguro siyang
nagawang pagkakamali dahil kung meron man sana'y may naalala siya kahit konti.
Siguro'y inihatid lang siya dito ng isa sa mga kasama niya. Wala kasi siyang
driver. Pinauwi niya na ito pagkatapos niyang magpahatid sa venue ng birthday ng
kanilang architect. Tiwala kasi siyang hindi siya mapapainom ng marami at
nakapangako din siya kay Alex na hindi siya doon magtatagal.
Nasira lamang ang plano niyang umuwi ng maaga nang surpresang dumating ang dayuhan
nilang investor. Mahalagang tao ito para sa kumpanya kaya kailangan niyang
pakisamahan at estimahin. Medyo mahilig ito sa babae. Napilitan siyang sumama nang
magyaya ito sa isang karaoke lounge. Kahit kasama siya sa nasabing lugar ay malinis
ang kanyang konsensiya. Sa takot niya na lamang kay Alex, kahit pa maraming
nakapaligid na babae'y wala siyang ka-table ni isa man. Inabala niya ang sarili sa
pakikipagkuwentuhan sa mga kasamang negosyante kaya naman siguro di niya namalayang
napadami siya ng inom.
Kinapa niya lahat ng bulsa ng damit at nakahinga siya ng maluwag nang makapa ang
wallet. Naroon din ang susi ng sasakyan. Natigilan siya ng may madukot siyang
papel. Isa itong valet ticket ng hotel kung saan siya ngayon naroroon. Napakunot
siya ng noo. Nakapagmaneho pa ba siya patungo rito sa kabila ng kalasingan niya?
Baka naman ipinagmaneho siya ng mga kasama.
Umiling siya at itinigil ang pag-iisip. Nagmadali siya sa pag-aayos ng sarili.
Kailangan niya ng makauwi dahil baka sobrang nag-aalala na si Alex. Lumabas siya ng
suite room habang isinisiksik sa bulsa ng pantalon ang kurbata. Pagdating sa lobby
ay lumapit siya sa reception.
"Good morning sir," bati ng receptionist.
"Good morning. Miss, under whose name is the room 3055?" tanong niya habang
palinga-linga sa paligid.
Tumingin sa computer ang receptionist. "It's under Mr. Blake Marlon Monteverde
sir."
"Oh I see. That's me," napapangiti ngunit nagtatakang wika niya. "I'll check out,"
sabay abot niya sa kanyang credit card.
"Okay sir. Would you mind waiting for few minutes?"
Kinuha ng receptionist ang card niya. Pagsauli nito'y hindi siya nakatiis na di
magtanong.
"Were you the one on duty when I checked in?" kunway kaswal na tanong niya sa
babae.
"Ah... y-yes sir."
"Was I the one who registered myself?"
"Hindi po sir, may kasama po kayo."
Lumakas ang pagkaba ng kanyang dibdib ngunit nanatiling natural siya sa pakikipag-
usap. "Was it a woman?"
"No sir. I think it was your driver."
"Oh I see," nakangiting sagot niya. Para siyang nabawasan ng libong tinik sa
dibdib. "Thank you."
"Your welcome sir."
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga habang naglalakad papalabas ng lobby.
Laking pasasalamat niya sa narinig. Marahil ay inutusan ng mga kasama ang isa sa
mga drivers ng mga ito para ihatid muna siya sa hotel.
Inabot niya ang ticket sa valet at habang hinihintay ang sasakyan ay muli niyang
tiningnan ang cellphone. Alas tres y medya ang huling missed call ni Alex, baka
nakatulog na ito sa pag-aantay at pag-aalala sa kanya. Ano bang paliwanag ang
ibibigay niya? Kailangan niyang mag-isip kung saan hindi mauuwi ang lahat sa
pagtatampo ng asawa. Hinding-hindi niya pa nakakalimutan na nung huling pagkalasing
niya'y tatlong araw siya nitong hindi kinausap.
Bago dumiretso ng uwi'y dumaan muna siya sa bilihan ng mga bulaklak. Bumili siya
isang dosenang pulang rosas para sa asawa. Sana kahit papaano ay makabawi siya ng
kaunti sa pag-aalalang ibinigay niya dito sa araw na ito.
Pagdating ng bahay ay maingat na maingat siyang nagbukas ng kuwarto. Patay ang
lahat ng ilaw maliban sa lampshade na nasa working table niya. Naabutan niya si
Alex na nakatulog sa nasabing mesa. Nakasubsob ito habang hawak-hawak ang
cellphone. Wala ang anak sa kama, tiyak na pinatulog ito ng asawa sa sariling
kuwarto upang di na maghintay sa kanya.
Inilapag niya ang bulaklak sa tabi ng kinasusubsuban ni Alex. Hinawi niya ang buhok
nito at marahang hinalikan sa pisngi. Bubuhatin niya sana ito patungong higaan
ngunit unti-unti itong naalimpungatan.
Ang mga pulang rosas agad ang unang nakita ni Alex pagkamulat na pagkamulat ng mga
mata. Ngumiti siya sa pag-aakalang nanaginip siya ng maganda. Hinawakan niya ang
talulot at marahang hinaplos-haplos nang may namumungay pang mga mata.
"Sorry wifey."
Napaangat agad siya ng ulo at mabilis na tumuwid ng upo pagkarinig sa boses ni
Blake. Nilingon niya ang mister na noon ay nakatayo't nakatunghay sa tabi niya.
Dali-dali siyang tumayo at nakamulagat na inipit ng mga kamay ang mga pisngi nito.
"Blake anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang?" puno ng pag-aalalang sabi niya.
Napalunok si Blake. "S-Sorry for making you worried. N-Nakatulog ako sa sasakyan."
"Nalasing ka ba? Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko?"
"N-Not really pero medyo napasobra ako ng kaunti sa limit ko. Hindi ako agad
makapagpaalam sapagkat biglang may dumating na importanteng investor. Nagpalipas
ako ng kaunting oras sa kotse bago magdrive but I accidentally fall asleep. I'm
sorry kung pinaghintay kita."
Nakahinga ng maluwag si Alex. Nginitian niya ang kabadong mister upang ipahiwatig
na ang mahalaga sa kanya ay walang masamang nangyari dito.
"Next time huwag mong pauuwiin ang driver ha kahit pa wala kang balak maglasing.
Tingnan mo ang nangyari ngayon," paalala niya.
"Yes. I'm sorry , it won't happen again," maamong sagot ni Blake.
Hinubaran ni Alex ng coat ang mister at napansing wala na itong suot na kurbata at
bukas ang dalawang pinakataas na butones ng polo.
"Nasaan ang necktie mo?" kunot noong tanong niya.
Dinukot ni Blake sa bulsa ng pantalon ang kurbata. "Hinubad ko dahil medyo nainitan
ako." Pinigilan niya ang misis na noon ay tinutulungan siyang magpalit ng damit.
"I'll do it hon. Sige na matulog ka na. I know you're tired from waiting and
worrying."
"Wala ka bang kailangan? Gusto mo ba ng soup o anumang mainit na iinumin? Hindi ba
sumasakit ang ulo mo?"
Umiling si Blake. "Matulog ka na. I'll be in the bed soon too. Magshoshower lang
ako ng mabilis," sabay halik niya sa noo ng babae.
Ngumiti si Alex at tumango. Ngunit bago mahiga ay inilagay niya muna sa vase ang
pasalubong na mga rosas ng asawa. "Thank you dito sa flowers."
"That's not even enough for all the worries I caused you today," ani Blake.
"Honey huwag kang masyadong maguilty. Naiintindihan ko namang dahil sa trabaho mo
ay minsan hindi maiiwasan ang ganitong bagay. Ang importante sa akin ay walang
masamang nangyari sayo."
Tumungo si Alex sa kama at nahiga. "Matulog ka na rin agad ha," wika niya sa mister
bago kumutan ang sarili.
"Yes hon."
Pagkatapos maligo'y nadatnan ni Blake na tulog na tulog na si Alex. Pagkabihis ay
tinabihan niya ito. Maingat niyang iniangat ang ulo nito at iniunan sa kanyang
kanang braso. Niyakap niya ito ng mahigpit habang marahang hinahaplos-haplos ang
buhok. Idinampi niya ang mga labi sa noo nito hanggang sa unti-unti na rin siyang
nakatulog.
-----
Nakadapa't nakasubsob ang kanang pisngi ni Blake sa unan nang magmulat siya ng mga
mata. Maliwanag na maliwanag na ang buong paligid. Namumungay pa ang mga matang
kinapa niya ang katawan ng asawa ngunit wala nang naroroon sa tabi niya maliban sa
mga unan. Umayos siya ng higa at nagulat siya nang makitang nakatayo't nakatunghay
sa kanya si Alex sa tabi ng higaan. Magkasalubong ang mga kilay nito habang hawak-
hawak ang puting polo niya.
Kinusot niya ang mga mata't bumangon. "What's wrong hon?"
Humugot ng isang napakalalim na buntong-hininga si Alex. Iniabot niya sa mister ang
hawak na pinaghubaran nitong polo.
"Why are you giving this to me?" takang sambit ni Blake.
"Tingnan mo kung anong meron diyan sa kaliwang sleeve niyan," nakataas ang isang
kilay na utos ng babae.
Tiningnan ni Blake ang damit at unti-unti siyang kinabahan nang makita ang isang
medyo kulay pink na mantsa nito sa bandang braso. "W-What's this?"
"Ano pa eh di lipstick!" agad na pagtaas ng boses ni Alex.
Kunwa'y nagmamaang-maangang ngumiti si Blake. "Why would I even have a lipstick
stain on my clothes?"
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko tungkol
dito?"
Tumayo si Blake at nagsuot ng tsinelas. Lumapit siya sa mesang may nakapatong na
pitsel ng tubig at baso. Patay malisya siyang uminom habang iniiwasan ang mga
nagdududang titig ng asawa. Hindi nakatulong ang ininom sa umuusbong na takot sa
dibdib kaya't muli siyang uminom ng isa pang basong tubig.
"B-Baka may nasagi lang ako. Maybe it's a stain from the food or wine," paliwanag
niya.
Lumapit sa kanya si Alex at naniningkit ang mga matang tumitig. "Baka nakakalimutan
mong dating secret agent ang asawa mo. Sa tingin mo maniniwala ako sa ganyang
palusot? Yung totoo san ka galing kagabi?"
"I told you sa birthday dinner ng architect namin."
"Blake Monteverde!" nanlalaki ang mga matang singhal ni Alex.
Napapalunok na humarap sa misis si Blake. "Okay I'll tell you now but please don't
get angry,Hon. I didn't tell you this because I don't want you to be upset over
nothing..."
"Bilis!" di makapaghantay na wika ni Alex na sa mga sandaling iyon ay bakas na
bakas na ang selos sa bawat parte ng mukha.
"A-As I told you that there was an important investor who arrived. That chinesse
man loves drinking with women. Nagyaya siya sa isang karaoke lounge at hindi ako
nakatanggi. He fled from Hong Kong just for the night kaya medyo kabastusan naman
kung di ko siya pagbibigyan..."
Mas lalong naningkit ang mga mata ni Alex habang lumalaki ang mga butas ng ilong.
"But I swear on my parents grave! Wala akong itinable honey! I only had
conversation with them about business while they're having fun. Please hon, huwag
kang magalit," tarantang paliwanag ni Blake matapos makita ang mas lalong nagalit
na reaksiyon ng asawa.
"Kung wala kang ka-table, anong ginagawa ng lipstick diyan sa polo mo?!"
"Maybe I accidentally bumped into one of the girls," maamong katwiran ni Blake.
Niyakap niya ang galit na misis at nilambing ito. "I'm sorry. Huwag ka ng magalit
honey hindi na ito mauulit. My only guilt is lying to you about the place I went to
but not womanizing. Mambabae pa ba ako eh kahit lasing ako, ikaw pa rin ang
nakikita ko.
"Yun na nga ang problema pag nalalasing ka, napagkakamalan mong ako yung isa sa mga
babaeng nakapaligid sayo. Di ba napag-usapan na natin bawal kang maglasing pag
hindi mo ako kasama?" matapang na sabi ni Alex habang yakap ng asawa. "Yung totoo,
nalasing ka no?"
"Sabi ko naman medyo lumampas lang ako ng kaunti sa limit ko but not to a point
that I totally got drunk."
Kumawala si Alex sa yakap ng mister at tinitigan ito ng seryoso sa mga mata. "Hindi
mo ako nakita kagabi sa paligid niyo?"
"No," kunway kumpiyansang sagot ni Blake habang pilit nilalabanan ang mga
mapanuring mata ng asawa. Pinili niyang huwag sabihin dito ang buong katotohanan
dahil wala naman itong maidudulot maliban sa madadagdagan lamang ang pag-aalala
nito. At lalong-lalong hindi niya sasabihing nakatulog siya sa hotel. Ang mahalaga
ay wala siyang nagawang malaking pagkakamali sa di sinasadyang pagkakalasing niya.
"Pag-iisipan ko muna kung paniniwalaan kita o hindi," matamlay at nakairap na sagot
ng misis.
Naglakad papalayo sa asawa si Alex upang ibalik sa tubalan ang damit. Kahit
nagpaliwanag na ang mister ay kabado pa rin siya. May tiwala siya dito pero wala
siyang tiwala sa dati nitong sakit pag nalalasing. Nadiskubre lamang nila ito isang
taon pagkatapos nilang maikasal. Pagnasosobrahan ito sa alak ay wala itong
matandaan kahit kaunti sa mga nangyayari umpisa sa punto kung kelan ito nalasing
hanggang sa humulas ang kalasingan nito. Nakikita rin siya nito sa ibang mga
babaeng medyo kawangis niya ang pangangatawan at hitsura.
Gaya ng pagkakaroon nito ng amnesia dati, ayon kay Dennis ay pahabol na side effect
pa rin ito ng pagkakaopera nito sa ulo. Nagamot na ito ng regular na pagti-theraphy
pero gayunpama'y hindi pa rin siya kumpiyensa na pabayaan itong malasing na wala sa
tabi niya. Pakiramdam niya'y anumang oras ay pwede itong bumalik lalo na't matagal
na uling hindi nagpapatingin si Blake sa neurologist nito.
"DADDYYYY!!!"
Napaiktad si Blake sa lakas ng sigaw ng anak. Halatang kakabangon din lang nito
dahil sa gusot-gusot na buhok. Nakapajama pa ito bitbit ang puting teddy bear
habang pumapasok ng kuwarto.
"Good morning sweetie!" masayang bati niya.
Inilapag ni Cassandra ang stuff toy. Tumayo siya sa harap ng ama at humalukipkip.
Binigyan niya ng mapanuring titig ang magulang habang ang nguso ay halos magdikit
na sa ilong sa pagkakasimangot.
"What time did you get home last night?"
"Uhm not that late," nakangiting sagot ni Blake habang tila imbestigador na
naglalakad paroo't parito ang anak sa harap niya.
"What do you mean by not that late? Mom already finished reading three story books
for me but you weren't home yet."
"I arrived a minute after you fell asleep."
Napalingon si Cassandra sa papalapit na ina. "Mom is Dad telling the truth? Did he
really arrive right after I fell asleep?"
"Ah oo. Tinabihan ka pa nga niya ng ilang sandali," pagtatakip ni Alex habang
palihim na umiirap sa mister.
Saka lamang unti-unting umamo ang mukha ng bata.
"Can Dad cuddle you now?" may lambing na sabi ni Blake habang ang mga braso ay
nakahanda na para yakapin ang bata.
Tumango si Cassandra at masiglang yumakap sa ama. Natigilan ito nang makita ang mga
rosas sa vase. "Wow Dad! Did you give Mom those roses?" tuwang-tuwang sabi nito.
"Yes."
"Ahh that's why you were late last night because you still bought flowers for Mom,"
namimilog ang mga matang sabi nito.
"Kind of," napapangiting sagot ni Blake.
Napalingon si Cassandra sa ina at napansin ang pananamlay nito sa kabila ng
pagkakaroon ng mga bulaklak. Tumahimik siya ng ilang sandali at pinakiramdaman ang
mga magulang. Pansin niyang hindi gaanong nag-uusap ang mga ito at hindi
tinitingnan ng mommy niya ang kanyang daddy.
"Mom, Dad. A-Are you fighting?" mangiyak-ngiyak na sabi niya.
"No we're not. Bakit naman kami mag-aaway, right Honey?" ani Blake.
"Yes. Dad and Mom are okay," sagot ni Alex nang may pilit na ngiti.
Nahuli ni Cassandra na palihim na nginungusuan ng ina ang ama. Biglang umatungal ng
iyak ang bata. "WAAAAAAAH! You're fighting! WAAAAH!"
Nataranta ang mag-asawa at mabilis itong nagyakapan sa harap ng bata. "Cassie Dad
and Mom are not fighting. Look at us!" biglang lambing na sabi ni Alex habang
patagong kinukurot sa tagiliran ang mister.
Humina ang pag-iyak ng bata. Pinahiran nito ng kamay ang mga luha at sisinghot-
singhot habang nakatingin sa magkayakap na mga magulang. "Y-You're pretending..."
humihikbing sabi nito.
"No we're not! Look Mom will kiss Dad!" Napipilitang hinalikan ni Alex si Blake sa
kanang pisngi subalit inialok ulit ng mister ang kaliwang pisngi at hindi pa ito
nakuntento nanghingi pa ito ng damping halik sa labi. Pagkatapos ay ito naman ang
gigil na dumampi ng halik sa mga labi niya at yumakap ng pagkahigpit-higpit.
"Do you believe us now?" nakangiting sabi niya.
Saka lamang tuluyang tumahan ang bata at kumbinsido itong tumango. Gumuhit ang mga
ngiti sa labi nito. "Don't fight or else I'll cry forever."
Lumapit si Blake sa anak at kinarga ito. "Stay close to Dad for the meantime. I
need my princess in shining armor now," bulong niya dito.
"Yes Dad," tugon ni Cassandra kahit hindi naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng
ibinulong sa kanya.
Humalik si Blake ng madiin sa pisngi ng anak. "Hmmmm....I'm such a lucky Dad to
have a daughter like you!"
Tumawa si Cassandra. "Mom come here too. Hug me and Dad!"
Lumapit si Alex at niyakap ang mag-ama. Nahulaan niya na agad ang pagpapasaklolo ng
asawa sa bata. Palihim niyang pinandilatan ng mga mata ang lalaki.
"Cassie tell Mom to kiss Dad," asar pa ng mister.
"Mom kiss Daddy."
"Wifey, kiss daw oh sabi ng anak mo."

================

[11] The Credit Card

****
PAK!
Dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Isabelle mula sa nanggagalaiting
ama. Gulat na gulat ang dalaga sa di inaasahang pananakit ng magulang.
"What did I do to deserve this slap, Dad?"
"Brandon just talked to me! What were those garbages that came out of his mouth?"
Nanlaki ang mga mata ni Isabelle. Ang nanakit na pisngi ay dahan-dahang nagmanhid.
Biglang kumulog ang dibdib niya sa nerbiyos. Lumapit sa kanya ang ama at muli
siyang sinampal.
"Siya ba ang dahilan kung bakit tinatanggihan mo lahat ng mga lalaking pinapakilala
ko sayo?! You refused millionaire's sons para lamang lumandi sa isang pipitsuging
pulis! Ang buong akala ko ay kapatid lamang ang turingan niyo pero yun pala'y
kinakalantari niyo ang isa't isa! MGA WALANG UTANG NA LOOB!" Pulang-pula ang
mukhang sabi ni Mr. Chan.
Natatarantang kumapit si Isabelle ng may nagmamakaawang mukha sa braso ng magulang.
"D-Don't believe him Dad. He's making up a story. He confessed to me and I rejected
him kaya gumagawa lang siya ng paraan to get hold of my feelings. I swear that he's
nothing but a brother to me!" naluluhang paliwanag niya.
Tinulak ni Mr. Chan ang anak. "Sinong niloko mo?! Brandon is a principled man! He
wouldn't have the courage to tell me this kind of things kung wala siyang gustong
panindigan!" Napakuyom ng mga kamay ang negosyante. Humarap ito sa salaming
dingding ng opisina at tumingin sa malayo nang may lumalabas na mga litid sa leeg.
"How dare him defy me. I'd treated him like a son. Sinuportahan ko ang pagpupulis
niya even against the will of his father. I've raised him to be my sheep but he
betrayed me in my own grazeland!" Tumingin ito sa nanginginig sa takot na anak at
ngumisi. "Bagitong pulis pa lamang siya ay natuto na siyang kagatin ang among nag-
alaga sa kanya! Hah! Let's see how he'll handle my treatment to those who are
disloyal to me!"
Muling humawak si Isabelle sa kamay ng ama at nagmamakaawang lumuhod sa tabi nito.
"Don't touch him Dad! I swear I'll stay away from him. Hinding-hindi ko na siya
hahayaang makalapit sa akin. Brandon is like a family to us. You couldn't hurt him
just because of this small misunderstanding! I beg you Dad! Pabayaan niyo na lang
siya!" umiiyak na pakiusap niya.
Binigyan siya ng mababang tingin ng ama at nginisian. "Yan ba ang kapatid lamang
ang turing? Nagmamakaawa ka para sa kanya?! Isabelle pagsisihan mo yang katigasan
ng ulo mo. Hintayin mong ipamukha ko sayo kung papaano ko paparusahan ang Brandon
na yan!"
Bumilis ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay
ng ama. "Please don't do it Dad! I'm begging you! I promise to follow your decision
from now on just leave Brandon alone. Susundin ko lahat ng gusto niyo just to prove
na wala akong relasyon sa kanya!"
Nanahimik ng ilang saglit si Mr. Chan. Tinitigan niya ang umiiyak na anak. "Then
prepare yourself to get married in three months."
Umurong ang mga luha ni Isabelle at nanlalaki ang mga matang tumingin sa ama.
"Dad..."

"He's a son of a friend from Singapore. They own Singapore Airlines. I met him last
week and I like him to be my son-in-law. Prepare yourself because he and his family
will be visiting us this month."
Dahan-dahang tumayo si Isabelle at nanginginig ang mga kamay na yumuko. Napatitig
siya sa sahig habang pinipilit pigilan ang muling pagpatak ng luha.
"Bakit di ka makasagot?! Are you still rebelling after what you've done?!
Tahimik na umiling si Isabelle habang napapalunok. "S-Susundin ko po kayo."
"Good! Alagaan mo yang sarili mo. Make sure my friend's son will be happy with your
appearance."
"Opo, Dad.."
"Huwag na huwag kong malalaman that you're still secretly seeing Brandon! Kapag
nagmatigas ka ulit this time, sisiguraduhin ko sayong wala kang matatanggap ni
isang kusing na mana mula sa akin! Itatakwil kita at titiyakin kong pareho kayong
gagapang sa hirap ni Brandon. Mga traydor!"
"I-I promise to do what you want this time. Brandon has nothing to do with me so
don't stress yourself over him," nakatungong pahayag ng dalaga.
Sinenyasan ni Mr. Chan ang dalaga na umalis na sa kanyang harapan. "Do well on your
job! I didn't reward you the CEO position para lamang lumandi. Go back your office
now. The sight of your face is ruining my day!"
"Y-Yes Dad..."
Nakayukong tumalikod si Isabelle. Habang naglalakad papalabas ng opisina ng ama ay
unti-unti siyang napakuyom ng mga kamay. Nag-angat siya ng mukha at dahan-dahang
tumapang ang kanyang mga mata. Naghihimagsik ang kalooban niya sa galit. Kasal?
Ngumisi siya. Magunaw man ang mundo hinding-hindi matutupad ang kagustuhan ng ama
na ipakasal siya sa isang estranghero. Sa halip na kasal ay reregaluhan niya ito ng
isang bagay na mas higit nitong ikagagalit at ikatutuwa.
-----
"Kanina ka pa paulit-ulit na bumubuntong-hininga. Hingang brokenhearted yan ah,"
biro ni Alex kay Brandon habang nagkukuwentuhan sila sa labas ng eskwelahan ni
Cassandra.
Ngumiti ng matamlay ang binata.
"Huh! Huwag mong sabihing tama ang hula ko?" namimilog ang mga matang salita ni
Alex.
"Sort of... I guess I'm completely dumped," mahina ngunit may pilit na ngiting
sagot ni Brandon.
Umingus si Alex at humalukipkip. "Tsss.. Nasisiraan na siguro ng utak ang babaeng
babasted o mang-iiwan sayo. Sa gwapo mong yan meron pa bang babaeng nagdadalawang-
isip na mahalin ka?" napapailing na sabi niya.
"Yes there is, a woman who gave more importance to her dreams than her feelings."
"Ahhh I see..." napapatangong sabi ni Alex habang nakahawak sa baba. "Baka naman
kulang lang yan sa lambing. Napagdaanan din yan sa akin ng asawa ko pero ang walang
kapagurang pagmamahal niya ang nagpamulat sa akin na wala pa ring higit na mas
importante sa buhay ko kundi ang taong mahal ko," pampalubag loob na sabi niya.
"Huwag kang mapagod suyuin mo lang pasasaan ba't marirealize niya rin ang
importansiya mo," dagdag payo niya.
"Well, I guess you became that way because you had softer heart. But she's far
different from your personality."
"Tsk! Huwag kang mag-alala, lalambot din yan."
Ngumiti si Brandon at tumingin sa kausap ng may seryosong mga mata. "Mr. Monteverde
is too lucky to have a wife like you."
"Quits lang kami. Swerte din naman ako sa kanya," parang kinikilig pang sabi ni
Alex.
Naisipang magpahaging ni Brandon. Hindi man siya sigurado sa balak ni Isabelle pero
mas mainam ng paalalahanan pa rin ang kausap.
"Ma'am Alex I hope you won't allow bad factors to ruin your perfect relationship
with your husband. Although you're a wife already but since Mr. Blake Monteverde is
a very big catch, sigurado akong may mga babae pa ring naghahangad ng posisyon
niyo. O meron ding gustong manira out of envy. So keep being an attentive wife and
don't let your guard down on your husband."
Natigilan si Alex. Biglang nawala ang sigla sa kanyang mukha at nagtatakang
tumingin sa kausap dahil sa hindi inaasahang mga salitang lumabas sa bibig nito.
Pansamantala siyang napamaang habang nakatingin sa lalaki.
"Uh I'm sorry I'm just expressing an opinion. I admire your married life and I know
you and your husband have really great story," mabilis na paliwanag ni Brandon nang
makita ang reaksiyon ng babae sa sinabi niya.
Hindi natuloy ang pag-uusap ng dalawa sapagkat lumabas na si Cassandra. Kasabay
ulit nito ang kalarong si Dominic. Ngumuso agad ang batang babae nang makita kung
sino ang kausap ng kanyang ina.
"Mom you're talking to that handsome guy again!" pagalit agad nito habang nakairap
sa binatang pulis.
Tumawa si Brandon. Tuwang-tuwa siya sa pagiging protective ng bata sa nanay.
Madalas siyang sungitan nito pero lagi namang bukambibig na gwapo siya. Kapag
nagkikita sila ay ugali na nito ang titigan siya mula ulo hanggang paa tapos
babalik sa mukha niya at pagkuway ngunguso.
"Hi, pretty girl! How are you?" bati niya.
"Tssss... I'm fine. You keep greeting me as if we're already close. We're not
friends yet," nakairap na komento ni Cassandra.
"Hi Tita Alex!" bati ni Dominic.
"Hi Dominic!" tugon ni Alex.
"Ehem...Mr. Handsome Policeman," tikhim ni Cassandra. "This is my friend, Dominic,"
kunway napipilitang pagpapakilala niya.
Nabura ang mga ngiti ni Brandon pagkakita sa batang lalaki.
"Hi! Mr. Policeman," ika ni Dominic.
Pansamantalang hindi nakapagsalita ang binata.
"Haist, he's ignoring my friend," nakaingus na sambit ni Cassandra.
Natauhan ang inspektor. "Huh? H-Hi Dominic!" kaway nito.
"Oh there's my yaya. I'll go ahead now," ani Dominic. "Bye Cassandra, bye
everyone," paalam nito.
"Bye Dominic!" masayang sagot ng batang babae.
"I'll go ahead too. May gagawin pa rin pala ako sa headquarters," biglang paalam
din ng inspektor. "Bye Cassie!"nagmamadaling sabi nito sabay talikod.
"Bye!" Nakahalukipkip at kunway napipilitang sagot ni Cassandra habang hinahabol ng
tingin ang pulis.
"Tara na Cassandra," akay ni Alex sa anak.
Pagdating sa sasakyan ay nag-isip muna si Alex ng malalim bago buhayin ang
sasakyan. Napansin niya ang naging kakaibang reaksiyon ni Inspector Aldovar kay
Dominic. Bigla siyang kinutuban tungkol sa hawak nitong kaso subalit agad ding
napalitan ang takbo ng isip niya ng sinabi nito tungkol kay Blake. May punto nga
kaya ito na dapat niyang dagdagan ang atensiyon sa mister?
"Mom tsadaaan look!" pag-agaw ng atensiyon ni Cassandra. Ngiting-ngiting ipinakita
nito ang isang papel. "I've got a perfect score!"
Agad na gumuhit ang abot tengang ngiti ni Alex. "Wow! Ang galing naman ng anak ko!"
"Mom call Dad tell him the good news!"
Napaisip ng ilang saglit si Alex. "How about we drop by at his office and show him
your exam?" namimilog ang mga matang sabi niya.
"Really?!"
"If he's not busy, maybe we can have a lunch outside too."
"Oh yes! Yes!Yes!" napapatalon sa tuwang sabi ng bata.
Pagdating sa Golden Pacific, sa entrance pa lang ng building ay parang kandidata na
si Cassandra. Kaway dito, kaway doon. Labas na labas ang bunging ngipin.
"Good morning Ma'am Alex! Wow! Baby Cassandra you're here!" bulalas ng isa sa mga
sekretaryang nasa bukana ng opisina ni Blake.
"Hi everybody! Hello there! Cassie is here!" kumakaway-kaway at maypaflying-flying
kiss pang salubong ni Cassandra. Binigyan niya ng tig-iisang candy ang bawat mesa
ng mga empleyado.
"One for you, one for you, and one for you," pagdidistribute niya habang
nagbabaybay patungo sa opisina ng ama.
"Thank you Cassie. Ang sweet-sweet mo talagang bata ka! Pasyal ka lagi dito ha,"
ani ng isang staff.
"Well... I will if I'm not busy. You know it hard to be a grade two pupil,"
napapakibit-balikat na sabi ng bata.
Lumabas si Blake ng kanyang opisina kasama si Isabelle. Inihahatid niya ang
dalagang CEO mula sa katatapos lang nilang meeting. Nagulat siya nang makita ang
mag-ina.
"Hi Dad! We're here!" ngiting-ngiting sabi ni Cassandra habang nasa desk ng isang
empleyado.
"Oh Hi sweetie! Hon napadalaw kayo?" wika niya sa misis.
"Ah si Cassie kasi may gustong ipakita sayo," katwiran ni Alex.
"Hi Mrs. Monteverde, nice to see you again," bati ni Isabelle sabay yukod nito.
"Hi Ms. Chan," nakangiting ganting bati ni Alex.
"Hon I'll just escort Ms. Chan to the parking lot," ani Blake.
"Okay, sige lang hon. Huwag mo kaming intindihin."
Hinabol ng tingin ni Alex ang papalabas na mister at kanegosyo nito. May naramdaman
siyang kaunting selos sa dibdib. Pamilyar ang ganitong eksena kung saan sa tuwing
bibisita siya sa opisina ni Blake ay may nakakasalubong siyang ibang babae.
Napapaalalahanan siya nung mga panahong namamagitan sa kanilang dalawa si Debbie.
Pinagpag niya sa isipan ang hindi magandang itinatakbo nito. Umiling siya. Ano bang
nangyayari sa kanya lately? Inaatake na naman siya ng pabugso-bugsong selos at
paghihinala. Nagsimula kasi ito doon sa nakitang lipstick sa polo ng mister.
"Cassie pasok na tayo sa office ni Dad," yaya niya sa anak na nakikipaghuntahan pa
sa isang sekretarya.
"Go ahead Mom! I'll follow!"
Pumasok siya sa opisina ng mister. Tumaas ang isang kilay niya nang masinghot pa
rin ang pambabaeng perfume. Tumayo siya sa harap ng salaming dingding at
pinagmasdan ang magandang tanawin sa labas ng opisina.
"Mom! I'm going to make origami animals."
Nilingon niya ang anak. Lumuhod ito sa carpet at ipinatong ang mga bitbit na papel
at gunting sa center table ng sopa. Bigla siyang nagduda sa hawak nitong mga papel
sapagkat humahaba ang leeg ng bata sa pagtingin-tingin sa mesa ng sekretarya.
Nilapitan niya ito.
"Where did you get that papers?" biglang tanong niya.
Napaigtad si Cassandra. "Shhhh... quiet. I got it from the secretary's desk."
bulong nito.
"Hey naughty kid. Are you taking papers from someone else desk without asking
permission?"
"Eh ang dami naman nilang papel doon eh!"
"Kahit na. Malay mo importante yang mga papel na yan. Go return it and apologize."
"Mom!" piksi ng bata.
Pinandilatan ni Alex ang anak. "I said return it and apologize."
"Opo," matamlay na tumayo ang bata at dinakot ang mga papel.
May napansin si Alex na nakapaperclip na mga papel sa bitbit ng anak. Hitsura itong
bill. Natukso siyang tingnan ito. "Cassie give me that clipped papers, let me see
it," ika niya sa anak nang hahakbang na ito palabas.
"But this might be an important paper as you said," may tampong tono ng bata.
"I know, ako na ang bahalang magsauli niyan," paliwanag niya.
Mabigat sa loob na inabot ito ni Cassandra. "Don't forget to apologize when you
return it in behalf of me," mahinang sabi ng bata.
"Opo mam. I will."
Tiningnan ni Alex ang papel. Credit card bill ito ng mister. Hindi niya ugaling
usisain ang ganitong mga bagay pero sa mga sandaling iyon ay may nagtutulak sa
kanyang tingnan ito. Gusto niyang malaman kung ano ang mga pinagbibili ng asawa
nitong mga huling linggo. Isa-isa niyang tiningnan ang petsa. Napatanga siya at
biglang umusbong ang kaba sa kanyang dibdib nang makita ang pinagbayaran sa isang
hotel sa mismong araw ng pagkakalasing nito. Ang oras ng pagbabayad ay halos isang
oras lamang ang pagitan nang makauwi ito sa bahay. Bakit ang sabi nito'y nakatulog
lamang sa sasakyan? Biglang lumakas ang pagkabog sa kanyang dibdib. Napapangangang
tumingin siya ng diretso sa dingding. May nagawa bang pagkakamali ang asawa nang
malasing ito?
Dumating si Blake. Karga-karga na nito ang anak. Dali-dali ngunit patay malisyang
inilagay ni Alex ang bill sa bag. Humalik sa pisngi niya ang lalaki at sinuklian
niya ito ng ngiti. Pasimpleng tinitigan niya sa mga mata ng asawa. Kilalang-kilala
niya na si Blake. Nababasa niya sa mga mata nito kapag may kasalanan sa kanya,
gaano man ito kaliit o kalaki. Ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi niya makitaan
na guilty ito o may itinatago itong kasalanan.
"Our daughter said she has a surprise for me," nakangiti't masiglang sabi ni Blake.
"Cassie ipakita mo na sa Daddy yung good news mo sa kanya," napapabuntong-hiningang
sabi ni Alex.
"Put me down Dad," excited na sabi ng bata.
Lumapit si Cassandra sa kanyang backpack para kunin ang resulta ng exam. Samantala
napansin naman ni Blake ang mabigat na mood ng misis.
"What's with the sigh? Are you stressed over something?" nag-aalalang wika ng
lalaki.
Tinitigan lamang ni Alex ang mister. Nagdadalawang-isip siya kung tatanungin ba ito
tungkol sa nakita sa credit card bill. Subalit naisip niyang tapos na iyon at
useless ng ungkatin pa. Pinag-awayan na nila ang nangyari, wala namang magandang
ibubunga kung uungkatin niya pa ulit ang tungkol dito. Isa pa'y nasa harap nila ang
anak.
Ngumisi si Blake at lumapit sa tenga ng misis. "Don't tell me pinagseselosan mo si
Ms. Chan?"
"Hindi ah!" pairap na tanggi ni Alex. "Pero teka nga , ano naman ang masama kung
magselos ako sa intsik na yun. Sinong asawa ba ang komportableng laging may
kasamang magandang babae yung mister niya? Ikaw nga eh kung makaselos ka rin pag
may lumalapit na lalaki sa akin."
"Hey wifey. Are you getting angry at me now? Wala naman akong sinabing hindi ka
pwedeng magselos. You can feel jealous as much as you want but let me remind you
again na kahit sinong babae pa ang nakapaligid sa akin as long as it's not you, my
heart won't flutter," tatawa-tawa at may tonong pambobolang paliwanag ni Blake
bunga ng bigla-biglang pagkairita ng kausap.
Umingus si Alex ngunit siya namang lapit ulit ni Cassandra.
"Daddy! Look what Cassie got!" ngiting-ngiti sabi ng batang babae habang
winawagayway ang papel.
Tiningnan ni Blake ang iniabot ng anak. Namilog agad ang mga mata niya. "Wow my
sweetie got a perfect score!" Masayang kinarga niya ulit ang bata at gigil na
hinalik-halikan ito sa pisngi. "Nawawala talaga lahat ng pagod ni Daddy basta may
magandang surpresa ang magnanay ko."
"What's my price?" may lambing na sabi ni Cassandra.
Tiningnan ni Blake ang asawang nanahimik lamang. Bumulong siya sa anak. "It looks
like Mommy is not in good mood. How about we asked what she wants first so we can
make her smile. We can talk about your price afterwards."
"I know what she wants," humahagikhik na bulong ng bata. "I think she wants a
lunchdate coz she's the one who suggested to drop by here."
Ngumiti si Blake at nilingon ang asawang umiiwas ng tingin sa kanya. "Let's have a
lunch in your favorite restaurant," aya niya dito.
"Hindi ka ba busy? Baka may appointment ka, dumaan lang kami ng anak mo dahil gusto
niyang ipakita yung exam niya. Pwede na kaming umalis," may tonong pagtatampo nito.
Inakbayan niya ang nagtatampong asawa. "Mas may importante pa ba kesa sa pamilya
ko. Since you're here I can reschedule everything. Kaya tara na kumain na tayo sa
labas."
"Come on Mommy. Let's celebrate my exam result. Pleaseee. Aren't you the one who
suggested kanina to have lunch together?" pakiusap ng bata.
"Okay if you're Dad says he's not busy," sagot ni Alex habang pasimple pa ring
tinataasan ng kilay ang mister.
"Kapag di ka nagpalit ng mood, hahalikan kita sa harap ng mga emplayado," pabulong
na banta ni Blake sa misis. "One, two....three."
"Eto na ngingiti na," mabilis na wika ni Alex sabay ngiti. "Tara na nga." Kumapit
siya sa braso ng mister.
Nag-ring ang cellphone ni Blake. Sabay silang napatingin ni Alex sa telepono at
parehong nakitang si Isabelle ang tumatawag. Napalingon ang lalaki sa misis na
noo'y pilit tinatago ang totoong reaksiyon ngunit unti-unti namang tumataas ang
isang kilay. Ngumiti si Blake. Kunwa'y patay malisya niyang itinaas ang cellphone
at itinapat sa mukha ng asawa. Kinansel niya ang tawag sa harap mismo ng mga mata
nito.
"Let's go wifey. Tama na ang selos idaan mo na lang sa kain yan."

==================

[12] An Ex-Agent's Game Plan

****
"Madam Kap! Napasyal kayo," saludo ng pulis na nasa entrada ng headquarters.
"Oh hi SP01 Reyes! Kumusta?" bati ni Alex sabay kumpas sa kamay upang ipahiwatig na
hindi na kailangang sumaludo ng kausap.
"Wala po si hepe dito may meeting ho sa labas," ika ng pulis.
"Hindi naman siya ang ipinunta ko dito. Nandito ba si SPO2 Balatbat? Hindi kasi
sumasagot sa tawag ko."
Napakunot ng noo ang pulis. Nagtataka ito kung bakit kailangan pang bisitahin mismo
ng dating opisyal si Balatbat para lamang makausap.
"Nandiyan po sa loob. Mukhang hindi kayo busy ngayon Madam Kap ah at meron pa
kayong oras na bisitahin si SPO2."
"Hindi lang naman siya ang binibisita ko rito. Siyempre kasama na rin pati kayong
lahat," nakangiting pahayag ni Alex. "Sige tuloy na ako sa loob."
Pagpasok ni Alex sa mismong tanggapan ay tumambad sa kanya ang mga abalang pulis.
May kanya-kanyang ginagawa ang lahat kung kaya't walang nakapansin sa pagdating
niya. Mayroong nagtatalong dalawang mamang lasing na nakaharang sa dadaanan niya.
Hirap ditong umawat ang nakatokang naglilista ng reklamo. Sa tuwing bumubungad sa
kaniya ang ganitong mga eksena parang ang pakiramdam niya'y parte pa rin siya ng
headquarters.
Ngingiti-ngiting tumuloy siya sa paglalakad subalit nahirapan siyang dumiretso sa
mismong loob ng opisina dahil sa mga lasing. Nagkakataong nahaharangan ng mga ito
ang bawat pag-iwas niya ng hakbang. Susuray-suray ang mga ito habang nagpapalitan
ng maanghang na mga salitang hirap namang intindihin. Ilang ulit siyang gumilid
pero sadyang di pa rin siya makadaan.
Unti-unti siyang napikon. Walang pasabing pinagumpog niya ang ulo ng dalawang
lalaki. "Hmp! Ito ang dapat sa inyo para tumuwid yang mga utak niyo! Tirik na tirik
pa ang araw lango na kayo sa alak!"
"Aray! Shino kang babae ka?!" duro sa kanya ng isa.
"Bakit aangal ka? Hindi na ako pulis kaya di hindi niyo na ako pwedeng ireklamo ng
police brutality," ngingisi-ngising tugon niya. "Alis kayo diyan. Hahara-hara kayo
sa daan. Magsiupo lang kayo!" Pinaghiwalay niya ang dalawa at dumaan sa gitna ng
mga ito.
Noon lamang napansin ng mga pulis ang pagdating niya halos sabay-sabay ang mga
itong tumayo at sumaludo.
"MADAM KAP!" masayang bati ng lahat.
Sumagot ng simpleng tango't ngiti si Alex.
"Oh akala koh bah shabi niya di siya pulis!" ani ng isang lasing.
"Hayys, bakit niyo kinatatamaran patahimikin ang mga pasaway na ito? Di ba kayo
naiistorbo?" komento ni Alex habang tinitingnan mula ulo hanggang paa ang mga
lasing.
"Immune na kami Kap!" tawa ng tagasulat ng reklamo.
"Madam Kap napadalaw kayo? May kailangan ba kayo kay hepe?"
"Wala." Tiningnan ni Alex ang mesa ni Balatbat subalit wala dun ang nasabing pulis.
"Nasan si SPO2 Balatbat?"
"Nasa meeting room may pinag-uusapan sila tungkol sa hawak nilang kaso," sagot ng
isang pulis na siyang nakapwesto sa dati niyang mesa nung siya'y nagdesisyong
maging tagatanggap na lamang ng reklamo't mga blotter.
Nakita niyang may isang mangkong ng mixed nuts sa lamesa nito. Lumapit siya at
walang paalam na dumakot saka walang kahinhin-hinhing itinaktak ang pagkain sa
bunganga. Iginala niya ang mga mata sa paligid at naupo sa bakanteng mesa ni
Melchor habang nguyang-nguya. Dinampot niya ang diyaryong nakapatong dito. Kinabig
niya ang isang bakanteng silya at ipinatong ang mga paa.
Napapailing habang tinitingnan ng mga pulis ang komportable't tahimik na
nagbabasang babae. Di lubos maisip ng lahat na isa itong maybahay ng isang
bilyonaryo. Nakasuot lamang ito ng checkered long sleeve polo, kupas na pantalon at
low cut sneakers. Tanging relos lamang ang aksesorya sa katawan. Ang mga kilos at
asta nito sa tuwing bumibisita sa headquarters, aakalain mong isa pa rin ito sa mga
awtoridad.
"Kanina pa ba yang meeting nila?" tanong ni Alex nang hindi inaalis ang mga mata sa
pagbabasa.
"Mga isang oras na ho. Malapit na hong matapos yun."
Nag-ingay ulit ang mga lasing at muling naagaw ng mga ito ang atensiyon ni Alex.
Napakunot ng noo ang babae. "Ganyan na ba kayo kabait dito? Hinahayaan niyong may
mga pasaway sa harap niyo o kinatatamaran niyo lang awatin?" puna niya sa mga
bagitong pulis habang pairap na tinitingnan ang mga nakaupo lamang sa mesa.
"Naku hindi ho Madam Kap!" Mabilis na tumayo ang nasa katabing mesa niya. "Hindi pa
lang tapos si SPO1 Dela Rosa sa paggawa sa report ng kaso ng dalawang yan!"
katwiran nito.
Lumapit ito sa isang lasing at walang pagdadalawang-isip na pinosasan ang lalaki.
Tumayo rin ang isa pang pulis at pinosasan din ang isa pang lasing. Pagkuway
itinulak ng mga ito ang mga maiingay at makukulit na mama patungong selda.
"Diyan muna kayo hangga't hindi kayo nahuhulasan!" sigaw ng nakaupo sa tabi ng mesa
ni Balatbat.
Napailing siya habang pinanonood ang pagpasok sa selda ng dalawang lasing. "Tsk,
tsk, tsk...umuulan pa rin ng mga pasaway dito sa Pilipinas. Hay kailan kaya
matatahimik itong bansa natin," napapabuntong-hiningang komento niya.
"Kap bakit di niyo isinama ang astigin niyong anak? Ang saya ng headquarters pag
nandito yun. Kulang na nga lang eh siya na ang humarap sa mga nagpapablotter sa
sobrang pagkausisera. Manang-mana talaga sa inyo," pabirong sabi ng tagatala ng
blotter.
"Pinagbawalan na ako ng asawa ko na isama dito. Ang daldal kasi pagdating sa bahay
ayun narinig ng Daddy niya na kung anu-anong mga bayolenteng bagay ang nakikita
dito."
"Mukhang sa pagpupulis din ang punta nung anak niyo Kap ah," komento ng isa pang
pulis.
"Hinding-hindi mangyayari yan! Magkamatayan na!" salubong ang mga kilay na sagot ni
Alex sabay lapag ng diyaryo sa mesa.
Nagtawanan ang lahat. "Iba talaga pag nanay. Takot na takot magalusan ang anak pero
paano yan tila nasalo ng anak niyo ang lahat ng tapang niyo."
Nagseryoso si Alex at nakataas ang isang kilay na hinarap ang mga nagtatawanang
pulis. Ang pinakaayaw niyang naririnig ay yung komentong nagsasabing lalaking
katulad niya si Cassandra. Napansin ng mga pulis ang pagpormal ng hilatsa ng
kanyang mukha kaya't mabilis na naglaho ang ngiti ng mga ito. Ilan dito'y
napatikhim muna bago nanahimik at saka bumalik sa mga ginagawa.
"Mukhang nabobore yata kayo sa mga panahong ito. Ang dami niyong napapansin eh.
Wala bang exciting na kaso sa ngayon?" ngisi niya.
"Meron kaya lang halos napupunta naman lagi kay Inspector Aldovar," pahayag ni SPO1
Dela Rosa.
"Siyempre naman siya ang pinakamabango sa headquarters natin ngayon! Kaya bumalik
ka na dito Madam Kap para lalong magiging astig ang reputasyon ng headquarters
natin!" ani ng nasa katabing mesa.
"Oo ba! Basta ikaw ang mag-alaga sa anak ko at magpaliwanag sa asawa ko," sagot
niya ng kunway may matamis na ngiti.
"Whoah! SPO1 Santiago kakalabanin mo ba si Mr. Monteverde baka bukas na bukas ay
mawalan ka na ng tsapa," asar ng isang pulis.
"Kunwari lang naman," napapalunok na paglinaw ng nagsuhestiyong pulis.
"Oh tapos na pala sina SPO2 Balatbat!"
Napalingon si Alex sa hagdanan at nakita niyang magkasabay na bumababa sina
Balatbat at Inspector Aldovar.
"Madam Kap!" abot tengang ngiti at namimilog ang mga matang tawag sa kanya ng
hinihintay na pulis.
Lumapit siya sa dalawang bumababa ng hagdan. "Busy ka pa ba? May pag-uusapan lang
tayo," salubong niya kay Melchor.
"Wala na! I'm free as a bird basta ikaw ang may kailangan Madam Kap!"
"Hi Ma'am Alex!" bati ni Inspector Aldovar habang nakangiti't nakatingin sa mukha
ng bumibisitang babae.
"Oh hi inspector!" nakangiting ganting bati ni Alex.
Biglang naalarma si Melchor sa batian ng dalawa. Pasimpleng inilayo niya ang dating
kasamahan sa gwapong binata.
"Inspector narinig niyo naman di ba na ako ang binibisita niya hehe...kaya
distansiya muna kayo ng kaunti ha," pabirong hirit niya.
Tinawanan lamang ng inspektor ang komedyanteng pulis. " Sige Ma'am Alex I'll go to
my office now. Good to see you here. Sana mapadalas ang pagdalaw niyo dito."
"Hindi na siya dadalaw dito dahil bukas na bukas din may restraining order ng
lalabas!" ani Melchor.
"Restraining order?" magkasabay na sambit nina Alex at Brandon.
"Restraining order mula kay Sir Blake hehe...Alam mo na kumbaga sa nakapaskil na
reminder 'bawal lumapit ang gwapo'..."
Binatukan ni Alex ang palabirong pulis. "Hmp! Huwag mong bigyan ng pangit na imahe
ang asawa ko! Hindi madumi ang isip nun at lalong hindi yun seloso!" pagdepensa ni
Alex sa mister habang ngiting-ngiting nakatingin kay Brandon.
"Oo nga. Hindi nga! Waaaalang....walang bahid man lang ng pagkaseloso sa
katawan!"ubod ng diin at napapapikit pang bigkas ni Balatbat ngunit pagkuway bigla
itong napasimangot. "Teka nga Madam Kap, bakit niyo ako binatukan? Pati ba naman
dito sa headquarters hindi niyo ako nirerespeto?"
"May reklamo ka?!" sabay abot ni Alex sa kanyang magkadikit na mga kamay. "O ayan
posasan mo ako't ikulong!"
"Ikaw naman Madam Kap hindi na mabiro. Ano bang pag-uusapan natin?"
"Pwede ka bang lumabas ngayon?" Tiningnan ni Alex si Brandon. " Inpector pahiram
muna kay SPO2 ha?"
"Go ahead," malugod na sagot ng binata saka ito naglakad patungo sa sariling
opisina.
"Ayan ah nasaksihan niyong lahat. Pinuntahan pa talaga ako dito ng aking ex para
lamang yayaing mag-date!" pagmamayabang sa lahat ni Melchor.
"Ikaw na talaga SPO2 ang mahigpit na karibal ng isang Blake Monteverde!" komento ng
isa sabay tawanan ng mga nakarinig.
Dinala ni Alex si Melchor sa isang coffee shop malapit sa headquarters.
"Ano bang sasabihin niyo? Mukhang importanteng-importante ha para puntahan niyo pa
ako," nakadekuwatrong wika ng pulis habang palinga-linga sa paligid na halatang
nagmamalaki dahil may kasama siyang magandang babae.
Humalukipkip si Alex at naniningkit ang mga matang tiningnan ang kausap.
"Tatanungin muna kita. Anong mas matimbang sayo, ang panunuhol ni Blake o ang
pinagsamahan natin?"
Napalunok si Melchor sa walang prenong pagtatanong ng babae. Ininom niya ng diretso
ang isang basong tubig sa harapan niya. Matindi pa rin talaga ang pang-amoy ng
kausap.
"Depende sa scope ng pag-uusapan natin. Baka pwede namang huwag akong mamili.
Sayang din yung allowance ko mula kay Sir Blake," ngingiti-ngiting sagot niya sabay
ilag nang akmang babatukan na naman siya ng babae. "Oh-Oh! Ang bigat talaga ng
kamay niyo! Bakit di na lang kayo bumalik sa pagpupulis ng mapakinabangan niyo ulit
yan!"
Iningusan ni Alex ang hirap magseryosong kausap. "Akala mo hindi ko alam na
nakikipagsabwatan ka kay Blake ha. Pinagkakaperahan mo yang pagkaseloso ng asawa
ko! Naku pag nalaman-laman kong nag-iimbento ka ng kuwento para may maireport lang,
humanda ka sa akin!"
Unti-unting kinabahan si Balatbat. "K-Kaya ba gusto mo akong kausapin dahil diyan?
Madam Kap naman alam mo namang hindi ko magagawa sayo yan! Wala akong iniimbentong
kuwento...Hindi ko lang talaga matanggihan si Sir Blake...T-Tsaka isa pa gusto ko
rin talaga kayong bantayan dahil wala rin akong tiwala sa kamandag ng Inspector
Aldovar na yun!"
"Tchhh..." ismid at irap ni Alex sa kaharap ngunit sa loob-loob nama'y natatawa
lamang sa sabwatan ng dalawa. "Hindi yan ang gusto kong pag-usapan natin," biglang
pagseseryoso niya.
"Huh? Kung ganun, ano?" takang wika ni Balatbat sabay biglang nagliwanag ang mukha
nang malamang absuwelto siya.
Iniabot ni Alex ang isang papel.
"Ano to?... P-Pan Pacific Manila Hotel? Tsaka ano tong nakasulat na petsa?" litong
wika ng lalaki.
Kalmadong humigop ng kape si Alex. "Tulungan mo akong makakuha ng record ng CCTV ng
hotel nung mismong petsa na yan," kaswal na sabi niya.
Nakakanganga't hindi makapagsalitang tumitig si Balatbat sa kausap.
"Nalasing si Blake sa araw na yan at ginamit ang credit card niya diyan sa hotel,"
simpleng paliwanag ni Alex sa nagtatanong na mukha ng kaharap.
"Whoah!" Napapalo si Melchor sa mesa. " Eto na nga ba ang sinasabi ko kung bakit
ayaw kong mag-asawa ng pulis! Nakakatakot magloko!"
Nagtagpo ang mga kilay ni Alex. "Sinong nagloloko? Hindi ako niloloko ni Blake?!"
madiing depensa niya.
Mas lalong nagtaka si Balatbat. "K-Kung ganun bakit kailangan mo pa ang CCTV ng
hotel na to?"
"Masama ang kutob ko. Alam mo naman yang mister ko may kakaibang sakit pag
nalalasing. Nakakalimutan lahat. Naniniwala akong wala siyang intensiyong lokohin
ako dahil kung meron man di ko na kailangang gawin to. Sa mga mata pa lang at galaw
ng asawa ko, basa ko na. May tiwala ako kay Blake pero wala akong tiwala sa mga
taong maaring magsamantala sa kalasingan niya kaya gusto kong makasiguradong walang
darating na problema," seryosong pahayag ng babae.
"Eh mas matindi ka pala bumakod diyan sa asawa mo. Kung si Sir Blake kinukutsaba
lang akong ilayo ka dun sa gwapong bagitong pulis na yun, ikaw may secret
investigation pa! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ngayon? Nawawalan na ba kayo
ng tiwala sa isa't isa? Ang gulo niyo pareho!" napapakamot sa ulong sabi ng pulis.
Napikon si Alex sa komento ng kausap. "Aba't loko to ah! Sinong walang tiwala?
Kasasabi ko lang na may tiwala ako sa asawa ko! Gusto ko lang makasigurado na hindi
darating ang araw na bigla na lang may susulpot sa opisina ni Blake at ibablackmail
ang asawa ko!" Umirap siya. "Eh pano kung isa sa mga babae dun sa karaoke ay
sinamantala ang kalasingan niya," usal niya sa sarili.
"Wow!" Di makapaniwalang sambit ni Balatbat habang napapailing. "Kung meron mang
nanamantala diyan sa pinakamamahal mong asawa, ngayon pa lang ay ipagnonobena ko na
ang kapalaran niya. Kawawang babae."
"Kaya nga tulungan mo akong makasiguradong wala nga! Hindi ako matatahimik hangga't
wala akong nakikitang pruweba!"
Napangiwi ang pulis at muling napakamot sa ulo. "Eh ang hirap naman nitong
pinapagawa niyo. Sa tingin niyo ganun-ganun na lang kadali kumuha ng CCTV record ng
isang malaking hotel. Tsaka bawal yan, invasion of privacy yan."
"Kung madali yan sa tingin mo kakailanganin ko pa ang tulong mo?" sarkastikong
komento ni Alex. "Kung may tsapa lang ako, ako na ang gagawa ng paraan kaso wala
eh. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay mag-isip ng sitwasyon kung papaano ka
makapunta sa CCTV station nila." Nag-isip siya ng ilang saglit at ipinitik ang mga
daliri nang kunway may naisip na mas magandang ideya. "Ahh... alam ko na! Kay
Inspector Aldovar na lang kaya ako magpatulong sa tingin ko hindi ako tatanggihan
nun!"
Napagitla si Melchor sa kinauupuan. Agad-agad itong umayos ng upo. "Ako na! Ako na!
Haist sige na susubukan ko na huwag ka lang humingi ng tulong sa Aldovar na yun!"
"Huwag mong subukan. Gawin mo," matigas na salita ni Alex habang pinandidilatan ang
kausap. "Saka huwag na huwag mong sasabihin kay Blake ang tungkol dito!"
"Hays...Oo na! Oo na!...Ang hirap naman dito oh kung sino na yung humihingi ng
pabor siya pa ang matapang.." anas ng SPO2.
"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na sabi ni Alex.
Tumikhim ang pulis at ngumiti. "Wala Madam Kap... Sabi ko tamang-tama itong
pinapagawa niyo sa akin, dagdag training din ito sa pagiging secret agent ko.
Tatanggihan ko pa ba kung ang magsusupervise sa akin ay isang magaling na dating
agent na gaya niyo," sabay lagok ulit nito ng tubig.
-----
"I heard that you visited the headquarters," seryosong salita ni Blake sa misis
habang nasa hapag kainan at naghahapunan.
Binitawan ni Alex ang kubyertos at napatingin sa ibang direksiyon. "Haist! Ang kati
talaga ng dila ng Melchor na yun," nagpipigil ng panggigigil na bulong niya sa
sarili.
Napasimangot si Cassandra sa narinig. "Mom you went to the headquarters?! Bakit di
niyo ako isinama?!" nanghihinayang na ika nito.
"Mabilis lang naman ako anak. Tsaka you have a class," katwiran ni Alex.
"Sayang naman. Sana nakakita na naman ako ng magugulong tao," anas ng bata habang
sumusubo.
"Magulong tao?" kunot noong wika ni Blake sa anak.
"Criminals," diretsong paglinaw ni Cassandra.
Muntik nang mabilaukan si Blake. Agad siyang napatingin sa asawa. "See what she's
learning from there?"
"Alam ko kaya nga hindi ko na isinasama yan," pabulong na sagot ni Alex.
"Didn't I tell you not to visit the headquarters for the meantime?"
Iningusan ni Alex ang mister. "Tumigil ka na nga diyan hon sa mga diskarte mo.
Iniiwas mo ako dun sa tao eh lagi ko namang nakikita yun sa school ng anak mo."
"Kanino mo siya iniiwas Daddy?" sabat ng bata.
"Ah-eh... sa monster dun sa headquarters nila," tanging naisip na sagot ng ama.
"Oh I thought iniiwas niyo siya kay Mr. Handsome police officer yun pala kay Tito
Melchor," kibit balikat na sabi ni Cassandra.
Bahagyang naubo si Alex at pinigilan ang sarili na matawa sa komento ng bata. "Pag
monster si Tito Melchor kaagad?"
"Well.... basta siya naisip ko eh.."katwiran ng bata.
"Anak bakit ba lagi mo na lang inaaway yang Tito Melchor?" tanong ni Alex.
Umikot ang mga mata ni Cassandra. "Hindi ko siya inaaway. He's the one who always
teases me. And now he's starting to tease Dominic too."
"Cassie stop butting in sa pag-uusap ng Mommy at Daddy," saway ni Blake.
"Okay po," mahina't napapayukong wika ng bata at saka nito itinuloy ang pagkain.
"Hon, my secretary made an appointment to a new gynecologist this coming Saturday.
Make sure to clear your schedule," ani Blake.
"Yes honey," walang pagtutol na sagot ni Alex.
"What's a gynecologist?" di nakatiis na namang tanong ng bata.
"Ikaw na magpaliwanag tutal ikaw naman ang nag brought up niyan," may tonong pang-
aasar na sabi ni Alex sa mister.
Tumikhim muna si Blake bago harapin ang anak. "Gynecologist is a doctor who take
cares of a Mommy in order to have a new baby," napipilitang paliwanag nito.
Namilog ang mga mata ng bata. "Are you finally giving me a brother now?" sabik na
wika nito.
"Hmm kailangan ba talaga brother?" tanong ng ama.
Sumagot ng sunud-sunod na tango si Cassandra. "You like a son too Dad, right?"
"Yeah I do. But whether it's a boy or girl, I will still be very happy."
"Hays, tumigil na nga kayong mag-ama. Iisipin ng makakarinig sa inyo ay buntis na
ako," komento ni Alex.
"But Mom kelan ba talaga ako magkakaroon ng brother?" inip na wika ni Cassandra.
"Sweetie do you really really want to have a little sibling already?" ngingiti-
ngiting sabi ni Blake.
"Yes Dad."
"Then starting today, you should sleep in your room already."
"But why?" biglang problemadong sabi ni Cassandra.
"Magsisipag ng magtanim ang Daddy," mahinang-mahinang sambit ng lalaki habang
nakatingin ng pilyo sa misis.
"Blake!" Pinandilatan ni Alex ang asawa. "Nasa harap tayo ng pagkain!"
"But your daughter said she wants a brother already. I have no heart to decline
such special request, wifey," nanunukso ika ni Blake habang nang-aakit na sumusubo
at tinititigan ang asawa.
"Tssss..." nakangiwi ngunit natatawang tugon ni Alex sa nang-aasar na mister. "Ah
oo nga pala Hon! Meron ka bang natatanggap na kakaibang tawag o text
lately?"nakamulagat na pag-iba niya sa usapan.
"No," takang sagot ni Blake. "But what do you mean by kakaiba?"
"Yung tipong nanakot, nambablack mail...ganun!"
"Why would I receive such call or messages?"
Napaisip ng ilang saglit si Alex. "Ahh kasi narinig ko sa headquarters na uso daw
yan ngayon. Bagong style daw yan ng mga sindikato sa pamimressure ng mga mayayamang
negosyante!"
Walang reaksiyong napatingin si Blake sa misis na halatang hindi nito makuha ang
tinutumbok ng asawa.
"Ah-eh di bale na lang hon!" ngiti ni Alex sabay lagay ng ulam sa plato ng mister.
"Kumain ka pa oh...Ikaw anak gusto mo pa ba?" biglang nagmamaang-maangang pag-
aasikaso niya sa mag-ama.

===================

[13] Hotel Invasion

*****
Naglalaptop sa kama si Blake nang pumasok ng kuwarto si Alex mula sa silid ng anak.
"Tulog na ba?"
"Oo."
Nagliwanag ang mukha ni Blake. Inilapag agad niya ang laptop at reading glasses sa
bed side table. Tumaas ang gilid ng kanyang mga labi matapos masiguradong masosolo
din nilang mag-asawa ang kuwarto. Subalit sa kabila ng pananabik, hindi kaagad
tumabi sa kanya si Alex bagkus ay naupo muna ito sa working table at nag-cellphone.
"Hindi ka pa ba mahihiga sa tabi ko?"
Nilingon siya ng misis.
"Sandali lang Hon...Sasagutin ko lang itong text," nakangiting tugon nito.
Nagtagpo ang kanyang mga kilay. " Sino ba yan? Is that a man?" may bahid agad ng
pagseselos na ika niya.
"Si Melchor ito."
"Why would he text my wife at this late hour?"
"Tsk...ikaw naman, may tinatanong lang yung tao tungkol sa hinahawakan niyang
kaso."
"Bakit sayo pa rin siya nagtatanong? You're not a police officer anymore. Wala ba
siyang ibang pwedeng pagtanungan na nasa serbisyo pa?"
Tumayo na lamang si Alex at tumabi na sa kama para matigil na ang mister. Ngunit
bitbit niya pa rin ang cellphone at patagong isiniksik ito sa ilalim ng unan. Lihim
silang nagkokontakan ni Balatbat tungkol sa pinapaimbestigahan niyang hotel.
"Hayaan mo na. Pagbigyan mo na yung tao sa dami rin namang pabor na binibigay nun
sa atin, ano ba naman yung simpleng advice mula sa akin?" wika ni Alex habang
sumisiksik sa tabi ng mister.
Niyakap ni Blake ang misis at isinuot sa kumot ang kanilang mga katawan. "Alam mo
namang ayokong may kahati ako sa atensiyon mo kapag ganitong nagkakaroon tayo ng
pagkakataong makapagsolo," lambing niya.
Nakangiting humarap at tumitig sa kanya si Alex. Binigyan niya ito ng paulit-ulit
na damping halik sa mga labi. "I should have thought earlier that giving her a
brother is the best way to make her sleep in her room without a single complain,"
may pilyong mga ngiting bigkas niya habang hinihigpitan pa lalo ang yakap sa asawa.
"Tuwang-tuwa ka naman," natatawang tukso ng babae.
"Ako lang ba? Halika nga dito! Patay ka sa akin ngayon." Hinatak ni Blake sa
beywang ang asawa. Ibinaba ang isang strap ng suot nitong silk nighties at gigil na
pinaghahalikan ito sa leeg.
"Blake eeei nakikiliti ako! Teka lang!" Ramdam agad ni Alex ang panggigigil ng
asawa at tila plano pa ata nitong lagyan siya ng kissmark sa kitang-kitang parte ng
kanyang leeg. "Huwag diyan pleaseee honey! Nawawala ang concealer ko, wala akong
ipantatakip diyan bukas..."
Hindi nakinig si Blake. Lalong tila gigil na bampirang sinipsip niya ang leeg ng
asawa. Pag ganitong may umaaligid-aligid ditong lalaki mas lalong dapat niyang
lagyan ng marka ang kanyang teritoryo. Ngunit natigilan siya sa paghalik nang
maramdamang maya't mayang may nagvivibrate sa kanilang kama. "What's that?"
Napamaang ng ilang saglit si Alex at agad itong nataranta nang maalala ang
cellphone. Mabilis na nag-isip ito ng dahilan. "Blake, nakalimutan ko atang isarado
yung gripo sa bathtub. Sandali lang ha check ko muna! Mabilis lang ako!"
Nagmamadali ngunit pasimple niyang kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan saka
mabilis na tumakbo papuntang banyo. Iniwan niya ang di nakapalag na mister na noon
ay nakaawang ang bibig habang bahagyang nagtataka sa biglaang pagbangon niya.
"Hurry up!" habol na wika na lamang nito.
"Yes Honey!"
Pagkapasok na pagkapasok ng banyo'y agad niyang sinagot ang tawag.
"Di ba sabi ko sayo text lang! Bakit tawag ka ng tawag? Mahahalata ako ni Blake
diyan sa ginagawa mo," nagtitimping bulong niya.
"Sorry Madam Kap, nakakailang text na kasi ako wala ka pa ring reply."
"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin."
"Madam paano yan, eh executive suite pala ata yung pinagcheckinan dati ni Sir Blake
kaya dapat dun ka din mag check-in."
"Siyempre! Anong problema dun?"
"Madam Kap ginto ang presyo! Bente uno mil isang gabi!"
"Sino ba ang magbabayad?" nakataas ang kilay na ika ni Alex.
"I-Ikaw."
"Anong pinoproblema mo ngayon?"
"Ibinobook na kita ngayon kaso hinihingan ako ng deposit. Wala akong maibigay.
Alam mo na, panahon ng tuition ngayon. Marami akong sinusuportahang kolehiyalang
scholars."
Napabuntong-hininga si Alex. "Kahit kailan talaga yang pagkakababaero mo lagi ang
inuuna mo! Sige na. Sige na! Ako na lang ang magbobook online."
"Siguraduhin niyo Madam Kap. Kailangan na nating magawa yung plano bukas dahil di
na ako pwede sa ibang araw, busy na ako sa mga operasyon. Tsaka yung taong
kinutsaba ko bukas ng gabi din lang magtatrabaho para sa atin."
"Oo na! Sige na't baka hinahanap na ako ng asawa ko."
"Madam maghanda ka rin ng mga panlagay ha. Alam mo na, karamihan sa mga bagay-bagay
pera lang ang katapat," pahabol pa ni Balatbat.
"Oo na! Bye!" Yamot na ibinaba ni Alex ang cellphone.
Napatingin siya sa salamin at natukso siyang ayusin ng mabilisan ang sarili. Nag-
spray na rin siya ng kaunting perfume at saka lumabas nang may maaliwalas na mukha.
Naglakad siya habang patay malisyang itinatago sa likuran ang kamay na nakahawak sa
cellphone. Nakangiting tumabi siya sa naghihintay na mister at sabay siksik ulit sa
telepono sa ilalim ng unan.
"Naiwan ko ngang bukas. Buti na lang naalala ko," kusang palusot niya habang
yumayakap ulit sa asawa.
Napasinghot sa leeg niya si Blake. "Did you spray some perfume?"
"Uhm.." tango niya nang may nanunuksong mga ngiti.
"You don't need to tease me more... I'm hot enough..." mainit ang hiningang bulong
nito sa kanyang tenga. " I hate it when you make me wait.."
Marahang hinalikan siya nito sa tenga hanggang sa unti-unting bumaba ang mga labi
nito sa kanyang leeg.
"I love you wifey.." bulong nito.
Siniil nito ng mga halik ang kanyang mga labi habang dahan-dahang pumapaibabaw sa
kanya. Nakadiin sa kamang pinagdaop nito ang kanilang mga palad. Ginantihan niya
ang mainit nitong paghalik. Ramdam niya na ang galit nitong pagkalalaking tumatama
sa kanyang puson. Tinanggal nito sa isa niyang palad ang kamay at maingat na
ipinasok sa laylayan ng kanyang nighties.
"H-Hon.." ungol niya nang gumapang ang kamay nito sa gitna ng kanyang mga hita.
Muling may nagvibrate sa kama. Sabay silang natigilan sa paghalik. Nagkatitigan
silang mag-asawa habang tuloy sa panginginig ang itinagong cellphone. Kakapain niya
na sana ang telepono para i-cancel ang tawag ngunit agad na diniinan ni Blake ang
kumilos niyang kamay at ito na ang mismong kumapa sa cellphone. Salubong ang mga
kilay at nakatuon ang isang kamay sa kama na sinagot nito ang tawag.
"Why do keep calling my wife?!" pikong wika ni Blake.
"S-Sir Blake!" gulat na sagot ni Balatbat. "M-May- may-may itatanong lang sana
akong importante p-pero di bale na lang," biglang kabadong sabi nito.
"Stop distracting her over your works!"
"S-Sorry po..."
"Don't call again. Alam mo bang ito ang mga oras na dapat ay hindi ka nang-iistorbo
ng mag-asawa?"
"Ahh...ganun po ba," tono ng pulis na tila nakuha agad ang ibig ipakahulugan ng
kausap. "Sige ho hindi na ulit ako tatawag...Sir Blake, hinay-hinay lang ho
ha...baka hindi makalakad bukas si Madam Kap."
"I will wear her out until she can't answer even your future calls!"
Napapangising ibinaba ni Blake ang cellphone at tuluyan na itong pinatay.
"A-Ano daw?" kabadong tanong ni Alex.
Inihagis ni Blake ang cellphone sa kama at tinitigan ang asawa nang may naniningkit
na mga mata. "I told you that at moment like this ayoko ng may kahit katiting na
kaagaw sa atensiyon mo."
"S-Sorry Hon...ikakansel ko naman talaga yung tawag-"
Agresibo't walang pasabing hinubaran ni Blake ng nighties ang asawa. "Prepared to
be punished. You're going to make love with a rough husband tonight," nakangising
banta niya.
Natawa si Alex at muntik na siyang mapatili nang kagat-kagatin ng lalaki ang
kanyang balikat. Sabik na hinubaran niya rin ito ng T-shirt. "Tatanggapin ko lahat
ng parusa mo kamahalan.." nang-aakit na sambit niya habang hinahaplos ang
matipunong katawan ng asawa.
Naging marahan ang pagdampi ng mga labi ni Blake sa kanyang katawan at nang bumaba
ito sa kanyang dibdib, bigla siyang napaigtad. Ikinawit nito ang kamay sa kanyang
beywang at lalo pa siyang hinigit.
"You're such a willing victim, wifey. I'm going to punish you whole night..."
------
Napapalingon kay Alex ang bawat nadadaanang tao sa lobby ng hotel. Taas noo siyang
naglalakad papalapit sa reception desk. Nakasuot siya ng maiksi't makintab na itim
na mini skirt na halos isa't kalahating dangkal lamang ang haba. Silver beaded
stilletos. Kulay gold na pantaas na pinatungan niya ng puting mini fur coat.
Kumpleto rekados ang makeup. Nakalugay ang medyo kinulot sa dulong buhok at
nakasuot pa ng mamahaling giant sunglasses. Bitbit niya rin ang isang swarovski
clutch purse.
Napapanganga ang bawat madaanan ng babae. Nag-iisip ang mga ito kung isa bang
modelo ang naglalakad sa harapan nila.
May pagkasuplada ang aura na tumayo si Alex sa harap ng reception.
"Yes Ma'am? How may I help you," medyo intimidated na wika ng babaeng nasa counter.
Hinubad ni Alex ang sunglasses at seryosong tumingin sa babae. "Ako yung mag-
ooccupy sa executive suite room. I'm Alexandra Monteverde," bahagyang nakataas ang
isang kilay na wika niya.
"Ah yes Mrs. Monteverde....M-May I have your identification card please..." medyo
tarantang sabi ng resepsiyonista.
Iniabot ni Alex ang kanyang passport at mabilis naman na inasikaso ng empleyado ang
pachicheck-in niya.
"Ma'am meron po ba kayong mga gamit na ipapadala sa room niyo?"
"Wala pa. Mamaya may magdadala dito ng ilang mga gamit ko. Ibibigay ko sayo ang
pangalan para malaman mo kung sino lang ang pwedeng papasukin sa kuwarto ko."
"Ah okay po Ma'am. May I know the person's name?"
Isinulat ni Alex ang buong pangalan ni Melchor sa isang papel at iniabot ito sa
babae. "Maya-maya lang ay aalis ako so baka wala ako pagdating niyan. Iiwan ko dito
ang susi at kayo na lang ang bahalang magbigay sa kanya," may pakasopistikadang
pagbibigay niya ng instruksiyon.
"Okay po Ma'am. Eto po yung susi. Pwede na po kayong tumuloy sa room niyo at kung
may kailangan ho kayo, please don not hesitate to inform us," nakangiting sabi ng
empleyado.
"Thank you," blangko ang mukhang sagot ni Alex.
Bago lisanin ang check-in counter ay pasimpleng tumingin-tingin muna siya sa
paligid. Hinanap ng mga mata niya ang bawat anggulong pinagkakabitan ng camera.
Meron siyang nakitang isa malapit sa reception at isa sa bandang gilid ng lobby
malapit sa entrance. Sinuot niyang muli ang sunglasses at saka poise na poise na
nilisan ang reception. Pagdating sa elevator, napansin niya rin na may camera dito.
Pati sa nilabasang hallway ay meron din at higit sa lahat malapit lamang ito sa
pinto ng suite na kunwa'y tutuluyan niya.
Pagkapasok sa inokupang kwarto ay nilock niya agad ang pintuan. Hinubad niya ang
salamin at masusing iginala ang mga mata sa nasabing silid. Pumasok siya sa isang
separate bedroom at doo'y tinitigan ang isang king size bed. Unti-unting nag-init
ang kanyang mga tenga. Nai-imagine niya ang posibilidad na may naging ibang
kalampungan dito ang asawa niya. Bago tuluyang magalit at mapuno ng selos ang
dibdib, binura niya sa isipan ang pangit na ideya. Paulit-ulit siyang kumurap at
umiling.
Nilisan niya ang silid at tumungo sa living area. Nabighani siya sa magandang
tanawin ng lungsod na kitang-kita sa salaming dingding nakaharap mismo sa Manila
Bay. Napuna niya ang isang mini bar sa kuwarto. Lumapit siya dito at nagbukas ng
isang beer saka siya bumalik sa pagtanaw sa magandang tanawin. Lumulubog na ang
araw kung kaya't mapula na ang kalangitan at unti-unti na ring nangingibabaw ang
iba't ibang kulay ng ilaw ng lungsod. Humigop siya ng beer saka napabuntong-hininga
ng malalim.
Naghahalo ang naramramdamang kalungkutan at pang-uusig ng kanyang konsensiya sa
ginagawang lihim na pag-iimbestiga. Hindi niya akalain na sa matagal na panahon at
masayang pagsasama nila ni Blake ay heto na naman siya't kumikilos ng palihim mula
sa asawa. Alam niyang mali pero gagawin niya ang lahat kapag may naamoy siyang
kahit isang napakaliit na banta na ikakasira ng pamilya niya. Naging simple't
mapagkumbaba siyang maybahay ng isang Blake Marlon Monteverde pero huwag na huwag
lang na may magkamaling manggulo sa kanila dahil hindi siya magdadalawang isip na
muling hukayin ang matagal nang ibinaong mga sungay at pangil.
Kinuha niya sa clutch bag ang cellphone at tinawagan si Balatbat.
"Nasan ka na?"
"Nasa paligid lang ako Madam Kap. Nakuha ko na ang dalawang maleta sa trunk ng
kotse niyo."
"Okay after thirty minutes bababa na ako. Kagaya ng napag-usapan natin dalhin mo
yan dito pagkaalis ko."
"Got it!"
"Sige na't may tatawagan pa ako."
Pagkatapos makausap ang dating kasamahan ay dinayal niya naman ang numero sa
kanilang bahay. Katulong ang sumagot sa kanya.
"Hello si Alex to. Naghahanda na ba kayo ng dinner?"
"Yes Ma'am! Niluluto na po yung mga ibinilin niyong lulutuin."
"Yung pagkain ni Lolo?"
"Ay eto na po Ma'am! Pakakainin na nga po nila."
"Ang mga gamot ha."
"Yes Ma'am paiinumin na rin po!"
"Si Cassandra, kumusta?"
"Andito po sa living room naglalaro lang."
"Hindi ba ako hinahanap?"
"Hindi pa naman po. Busy po sa kakatakbo. Naglalaro ng baril-barilan mag-isa."
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Alex sa narinig. "Ano?! Bakit niyo hinahayaang
magtatakbo yan? Kausapin ko nga!"
"Cassie your Mom wants to talk to you!"
"Bang!Bang! You should die Yaya! I shoot you already."
"That's enough. Ma'am Alex is on the phone."
"Ha! Okay."
"Hello Mom," sobrang among sagot ni Cassandra.
"What are you doing? Didn't I tell you not to play boy's games?!" pagalit agad ni
Alex.
"But Mom. I'm super bored since you're not around."
"Siguro pawis na pawis ka na naman ano?"
"No. Yaya keeps wiping my face and back with a towel....Mom what time will you be
home?"
"Maya-maya lang. I told you may inaasikaso lang si Mommy na medyo importanteng
bagay."
"Is it about the gynecologist?"
"Ha? Ah...yes. Kaya huwag mong gaanong hintayin si Mommy para hindi ka ma-bored.
Read some books instead."
"Okay. But Mom, will you be here on dinner time?"
"Of course! Dad won't be happy if I'm not around... kaya anak yung pinag-usapan
natin ha. I'll be the one who will tell Dad kung saan ako galing. Don't tell him na
umalis si Mommy, understand?"
Dinig ng ina ang malalim na buntong-hininga ng anak. "Okay....I understand," may
katamlayang sagot ng bata.
"Sige na anak. I'll hang up now. Bye. Love you!"
"Bye...Love you too Mom."
Inubos ni Alex ang isang can ng beer at pagkatapos magpalipas ng halos isang oras
ay nilisan niya na ang marangyang silid. Iniwan niya ang susi sa reception at
dumiretso sa sasakyan. Bago magmaneho'y tinawagan niya muna si Balatbat.
"Nakaalis na ako. Pwede mo ng iakyat ang mga gamit."
"Yes Madam Kap!"
Plano nilang iakyat ang mga mamahaling maleta sa kuwarto habang wala siya tapos ay
may isa silang taong kinasabwat na kunway papasok sa hotel ng nakabusiness suit at
mukhang kagalang-galang pero nanakawin nito sa kuwarto niya ang mga maleta.
Pagbalik niya kinabukasan ay saka siya gagawa ng eksena para makapunta sa CCTV
room.
Tumingin si Alex sa oras at kampanteng nagmaneho pauwi. Mauuna pa rin siyang umuwi
kay Blake. Alas siyete pa lamang at ayon sa asawa'y alas otso pa ito makakaalis ng
opisina.
Pagka-park ng sasakyan sa garahe'y payapa siyang naglakad papasok ng bahay. Ngunit
nagulat siya nang makita sa living room ang mister na nakatayo't nakapamulsa nang
may seryosong-seryosong mukha.
"Mommy you're here!" tuwang-tuwang bulalas ni Cassandra pagkakita sa kanya. "Wow!
Mom you're so pretty!" puna nito nang makalapit habang hinahaplos-haplos ang suot
niyang mini skirt. Di na siya nag-abalang magbihis sa pag-aakalang mauuna naman
siya sa asawa.
Walang reaksiyon si Blake maliban sa matigas na mukhang nakaharap sa misis.
Tiningnan nito mula ulo hanggang paa ang asawa at damang-dama ni Alex ang
pagkairita nito.
"Saan ka galing?" madiing tanong nito.
"Ah-eh may pinuntahan lang akong birthday celebration ng dati kong
kaibigan..sumaglit lang ako."
"Huh? Birthday?" sambit ni Cassandra.
Pasimpleng tinakpan ni Alex pansamantala ang bibig ng anak.
"Sinong kaibigan?" salubong ang mga kilay na tanong ni Blake.
"H-Hindi mo kilala...classmate ko nung high school-"
"Porke ba't hindi ko kilala, hindi ka na magsasabi?"
"Ah-eh....wala naman kasi talaga akong balak magtagal."
"Yaya Digna!" matigas na tawag ni Blake sa katulong.
"Yes sir." Kabadong lumapit ang kasambahay sa galit na amo.
"Bring Cassandra to her room."
"Opo sir."
Pumayag naman agad si Cassandra na sumama sa yaya. Alam rin kasi ng bata na medyo
galit na ang ama. Ngunit bago umalis, bumulong muna ito sa ina. "Goodluck."
"Hon tara na sa kuwarto... Di ka pa nakakapagbihis," nakangiting aya ni Alex habang
kunway binabalewala ang galit ng mister.
Umakyat sila ng kuwarto nang hindi nag-uusap at pagkasarang-pagkasara ng pinto'y
kinompronta agad ni Blake ang asawa.
"Why do you keep acting weird lately?"
"Ano namang weird sa ginagawa ko?" taka ni Alex. Lumapit siya sa mister at
hinubaran ito ng coat.
"You keep hiding things from me! Una pumunta ka sa headquarters although I told you
not to... You keep entertaining texts from your old colleagues. Napakadali na lang
sayo na iwan yang anak mo sa mga yaya! Now you went to a party without even asking
my permission! And look what you're wearing kulang na lang ay ibandera mo sa buong
bayan yang katawan mo! Is it because of that young inspector? Nagsimula ka lang
namang maging ganito mula nang makilala mo yun ah?!"
Natawa si Alex habang tinatanggalan ng necktie ang lalaki. "Hon naman pwede ba
bawas-bawasan mo naman yang pagseselos mo ng walang basehan," may lambing pa ring
ika niya.
Tinabig ni Blake ang kamay niya at ito na ang nagtuloy sa paghuhubad ng necktie.
"Yes I'm a jealous husband! At matagal mo ng alam yan pero bakit gumagawa ka pa rin
ng dahilan para magselos ako!" sabay bato nito sa kurbata sa sahig at saka
humakbang papalabas.
"Hon san ka pupunta?"
"To Grandpa's room!" Pabalibag nitong isinara ang pinto.
Napabuntong-hininga't napailing na lamang si Alex. Kalmado niyang dinampot ang
itinapong kurbata sa sahig. Ngunit wala pang isang minuto'y nagulat siya nang
biglang bumalik si Blake. Ini-lock nito ang pinto at mabilis na lumapit sa kanya.
"Hon-" takang sambit niya.
Walang pasabing siniil siya nito ng halik sa mga labi. Agresibo ito at halos
kagatin na nito ang mga labi niya. Bagamat naguguluha'y gumanti na rin siya ng
halik. Binitawan niya ang necktie at yumakap sa katawan nito. Humakbang ito at
napaatras naman siya hanggang sa mapasandal siya sa dingding.
Binuhat siya ng lalaki at ipinulupot ang mga hita niya sa beywang nito. Bumababa
ang mga labi sa kanyang leeg. Itinaas nito ang kanyang maiksing palda at ipinasok
ang kamay.
"Ah...Blake," kagat-labing ungol niya.
Tumigil ito sa paghalik at tumitig sa kanya nang may mga matang puno ng selos at
pagnanasa. "Stop wearing clothes like this.... because you look so freaking damn
hot."

=================

[14] His Companion

****
Nasa opisina si Blake ng Hexagon Realty para sa meeting niya kay Ms. Chan.
Pinaunlakan niya ang hiling ng dalagang CEO na sa opisina nito ganapin ang meeting
tutal may susunod din naman siyang appointment malapit sa nasabing kumpanya. Habang
naroroo'y naninibago siya sa mga ikinikilos ng anak ng chairman ng Hexagon. Ang
dating kimi, istrikta at workaholic aura nito ay napalitan ng pagiging isang
palangiti at palakaibigan. Pansin niyang komportable at hindi na gaanong pormal ang
pakikitungo nito sa kanya.
Pati pagtitimpla ng tsaa ay ito mismo ang gumagawa at nagsi-serve sa kanya. "Thank
you but you don't have to bother yourself about this," aniya nang sinalinan ulit
nito ng nasabing inumin ang kanyang tasa.
Binigyan siya ni Ms. Chan ng isang matamis na ngiti. "I realized lately na simula
nang maging partners ang ating mga kumpanya, we've been too formal to each other.
And since our project will still go a long way why don't we create a friendlier
atmosphere between us," sabi nito nang maupo sa tapat niya at mahinhing uminom ng
sariling tsaa.
Umayos siya ng upo at ginantihan ng ngiti ang kausap. "I'm always been a friendly
person. Ikaw lang naman Ms. Chan ang medyo stiff and formal masyado."
"I'm sorry for all the inconveniences that my personality brought you and to this
project," maamong sabi ng dalaga habang nagdidekuwatro sa pag-upo.
Ngingiti-ngiting umiling si Blake. "You don't need to apologize for it. I
understand your behavior. You are a refined lady. You were raised by a respectable
and a bit conservative family so it's just natural for a woman like you to feel
uneasy working with men in the beginning."
"Thank you for your understanding," may pagngiting sagot ng dalaga.
Tumingin sa relos si Blake sabay linga sa paligid. Inaasahan niyang kasama nila sa
meeting ang kanilang head architect sapagkat pag-uusapan nila ang tungkol sa mga
gagawing revisions ng plano ng kanilang main building sa city complex project.
Ngunit sila lamang ni Ms. Chan ang naroroon sa loob ng opisina.
"Where's Mr. Collantes?" taka niya.
Humigop sa tasa si Ms. Chan at napapabuntong-hiningang ngumiti. "Katatawag niya
lang nang dumating kayo chairman. He said he's stuck in the traffic kaya medyo
malilate siya. He's driving directly from the project site."
Pomormal ang reaksiyon ni Blake at unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay.
Abala siyang tao at isa lamang ang project na ito sa mga inaasikaso niya sa
kumpanya. Saan kumuha ng lakas ng loob ang isang subordinate niyang gaya ni Mr.
Collantes na paghintayin siya?
"Ahh please don't get mad Mr. Monteverde... I was the one who insisted to our
architect to have the meeting now since I can't wait to hear more about this plan
revision matter. Mr. Collantes actually suggested to do it tomorrow upang
siguradong andidito na siya sa Manila," kusa at mapagkumbabang paliwanag ng babae.
Pinigilan ni Blake na mairita. Isinaalang-alang niya ang magandang mood ni Ms. Chan
at ayaw niya itong masira. Sa likod ng ipinapakita nitong katatagan ay may di
maipaliwanag na nararamdaman siyang awa para dito. Bagama't wala siyang masyadong
alam sa personal nitong buhay pero batid niyang ang pagiging reserve, kimi at
istrikta nito ay bunga ng kahigpitan ni Chairman Chan. Pansin niyang laging puno
ng takot at kaba ang mga mata nito kapag kasama ang ama. Ginagawa nito ang lahat
kasama na ang halos pagpapakamatay para sa trabaho upang mapasaya lamang ang
magulang.
"I'll wait. But if Mr. Collantes is not here in the next fifteen minutes, I have to
leave. Isang oras lang ang inilaan ko para sa meeting na ito kundi'y maaapektuhan
ang schedule ng aking next appointment," kalmadong paliwanag niya.
Akmang sasalinan na naman ng dalaga ng tsaa ang tasa niya ngunit agad niya itong
pinigilan. Kinuha niya ang teapot sa babae at kusang nagsalin sa sariling tasa.
"You don't have to be this hospitable, Ms. Chan. Treat me naturally. You're a CEO.
You don't need to act like a secretary."
"Okay but can I request you to stop calling me Ms. Chan?" anito nang medyo may
pagkachildish na tono.
"Huh?" taka niya. "What would I call you then?"
"Isabelle."
Muntik ng masamid si Blake. "That's very inappropriate. Lalabas na mukhang wala
akong respeto sa CEO ng Hexagon," natatawang pagtutol niya.
Kumibit ng mga balikat si Isabelle. "What's wrong with calling each other with our
first names? Aren't we building a friendlier atmosphere between us? Besides, hindi
naman masyadong malayo ang agwat ng edad natin," di malaman kung seryoso o
nagbibirong pahayag ng babae.
"I still don't agree. Kahit pa maging magkaibigan tayo that doesn't mean we would
lose our professionalism."
"Well, if that's what you want, I can't do anything about it. But I want you to
know I'm hoping that someday we can address each other with our first names,"
prangkang wika ng dalaga.
Natigilan si Blake at tumaas ang kanyang kilay. Hindi niya lubusang maarok ang
bigla-biglang pagiging kaswal sa kanya ng kausap.
Napangiti lamang si Isabelle sa nagtatakang reaksiyon ng kausap. "Ah habang
hinihintay natin si Mr. Collantes, why don't we have some casual chatting!" may
kislap sa mga matang bulalas nito. "How's your wife?"
Nagliwanag ang mukha ni Blake nang marinig na kinukumusta ang kanyang asawa. "Well
she's fine and always busy taking care of me and our daughter."
"How lucky you are to have such a very understanding and confident wife. Baka kung
ako ang nasa katayuan niya, hinding-hindi ako magiging kampante kapag wala ka sa
mga paningin ko. With your looks and status, I will always be consumed by
jealousy," ngingiti-ngiting komento ni Isabelle habang diretsong nakatitig sa mga
mata ng lalaki.
"Selosa din naman ang asawa ko pero mas matimbang ang tiwala niya sa akin. Hindi
siya basta-basta nagpapadala sa selos just because of some petty imaginations that
might run inside her head," may nagmamalikong tonong sagot ni Blake.
"Really? Then how about that time you got drunk? I hope you didn't fight about it,"
bigla na lamang ungkat ni Isabelle.
Kumunot ang noo ni Blake at ilang saglit siyang natahimik. Naguguluhang tiningnan
niya ang kausap. "W-What are you referring about?"
"Di ba nalasing ka nung birthday ni Mr. Collantes? I assumed you went home the next
day already," nangingising ika ng babae sabay inom ng tsaa.
"H-How did you know I got drunk?" litong tanong ni Blake.
"I went to the karaoke lounge where you guys had drink para sunduin ang investor
natin from Hong Kong. Don't you remember it was me who ordered my driver to send
you to the hotel?" kaswal na sagot ni Isabelle.
Halos mapaangat sa kinauupuan si Blake sa nalaman. "Really?"
"Yap," tumatangong sagot ni Isabelle.
"I-I thought it was one of the guys," di makapaniwalang sambit ng lalaki.
Nakangising umikot ang mga mata ng dalaga. "How could they when everyone was busy
flirting with girls," pabulong na wika nito.
Biglang nakaramdam ng hiya si Blake. "Y-You should have told me sooner. Sana
nakahingi agad ako ng despensa sa pang-iistorbo ko sayo at nakapagpasalamat na rin.
Nevertheless, though it's a bit late, thank you for helping me."
Nakangiting itinapik ng dalaga ang kamay sa hangin. "That was nothing. Of course I
wouldn't hesitate to assist the chairman of Golden Pacific." Napakunot ito ng noo
at nagdududang tumingin kay Blake. "But... talaga bang wala kang naalala?"
Lumunok si Blake at saka asiwang ngumiti. "Yeah. I don't remember anything. I was
too tired that day tapos sinabayan pa ng napadami kong pag-inom kaya siguro
nablanko ang isip ko." Umiwas siya ng tingin. Hindi niya magawang sabihin na may
ganitong sakit siya kapag nalalasing. Walang ibang nakakaalam tungkol dito maliban
sa pamilya at doktor niya.
"I wonder kung pinagtalunan niyo ba ng wife niyo ang nangyari," pahayag ni
Isabelle.
"A bit but not to a point of having a fight." Kumibit ng mga balikat si Blake. "It
was natural for her to be upset because I worried her... but you know things like
being drunk do happen to a married man once in a while," may ngiting paliwanag
niya.
Ngumiti si Isabelle at mahinhing uminom sa tasa. Natigil ang kanilang pag-uusap
nang may tumawag sa cellphone nito. Humingi muna ito sa kanya ng paumanhin bago
sagutin ang tawag. Kausap nito ang hinihintay na architect at nalamang nasiraan ito
ng sasakyan kaya imposible na itong makarating.
Tiim-bagang tumayo si Blake. Hindi siya natutuwang nasayangan siya ng oras. "I'm
leaving. Let's reschedule this meeting some other time. But please make sure he can
surely make it to the next meeting before making an appointment with me," may
kaseryosohang sabi niya.
"I'm sorry Mr. Monteverde. Sa susunod kami na lang ulit ni Mr. Collantes ang
pupunta sa opisina mo para hindi ka na masyadong maabala," may paumanhing tono ng
dalagang CEO.
Tumango si Blake. "I'll go ahead."
"I'll walk you to your car," alok ng babae. Paghakbang nito'y bigla itong
natapilok. "Ay!"
Nagulat si Blake at nang makitang babagsak si Ms. Chan patungo sa kanyang
direksiyon ay mabilis niya itong sinalo. Napasubsob ito sa kanyang dibdib at
napayakap sa katawan niya.
"Are you alright, Ms. Chan?" nag-aalalang tanong niya.
Hindi sumagot ang dalaga. Napakunot siya ng noo nang maramdamang humigpit ang
pagkakayakap nito sa kanyang katawan. "M-Miss Chan-"
"Aray!' biglang daing nito saka lamang nag-angat ng mukha at lumuwang ang
pagkakahawak sa kanya. "S-Sorry," medyo nahihiyang sabi nito.
Inalalayan niya itong maupo. "You don't have to walk me out. I think you got
sprained."
"Ouch!" muling daing ni Isabelle.
Napa-squat sa sahig si Blake upang suriin ang bukung-bukong ng babae. Hinubaran
niya muna ito ng sapatos at saka maingat na hinilot ito. "Does it hurt? Tell your
secretary to bring you ice pack," nag-aalalang sabi niya.
Wala siyang natanggap na sagot kaya napaangat siya ng mukha. Nahuli niyang
nakatitig lamang sa kanya ang nasaktang dalaga.
"M-Miss Chan, are you alright?"
Ngumiti ito ng kimi nang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. "I never thought
you're such a gentleman Mr. Monteverde," naantig na sabi nito.
-----
"Anong klaseng security meron kayo dito?! Papaanong mangyayari na nanakaw ang mga
bagahe ni Mrs. Monteverde kahit nasa loob lamang ng kuwarto ang mga yun?!" malakas
na reklamo ni Balatbat sa reception desk.
"Eh sir huwag po kayong mag-alala. Susubukan po naming iresolve ang problema niyo.
Hinahanap na po ngayon ng securities namin ang mga nawawalang maleta," taranta at
namumutlang tugon ng resepsiyonista.
"Anong huwag mag-alala? Halaga pa lamang ng maleta nun ay katumbas na ng isang
taong sweldo ko! Dalii! Bilisan niyo ang pagresolba nito bago pa man malaman ni
Mrs. Monteverde kundi'y tiyak na malalagot pati itong hotel niyo!"
Lalong natakot ang resepsiyonista. Natataranta na ito kung anong intercom ba ang
dapat tawagan.
"Melchor anong nangyayari dito?" biglang sulpot ni Alex sanhi para mapaiktad sa
pagkagulat ang empleyada ng hotel.
Sopistikada't sosyal na sosyal ulit ang dating ni Alex. Subalit dahil napuna ito ng
mister, balot na balot na ito ngayon. Nakasuot ito ng itim na winter coat, brown
leggings, leather boots na may mataas na takong at turtle neck na tinakpan ng black
and white checkered scarf.
"Bakit mukhang nakakita kayo ng multo?" nagmamaang-maangang lapit nito sa
reception.
"Ah-eh kasi Madam.... Y-Yung ano..kasi-" kunway nauutal at kinakabahang wika ni
Balatbat.
"Ano nga ang nangyayari?" Unti-unting tumataas ang kilay ni Alex.
Dumating ang hotel manager na tinawagan ng receptionist. "Ano hong problema?'
"Naku patay na!" bulalas ni Balatbat na kunwari ay natatakot kay Alex na noon ay
magkasalubong na ang mga kilay.
"Eh Sir y-yung mga bagahe po kasi ni M-Mrs. Monteverde bigla na lamang nawala sa
suite room niya," nanginginig ang boses na pahayag ng resepsiyonista.
"Pakiulit ng sinabi mo?" naniningkit ang mga matang wika ni Alex. "Tama ba ang
narinig ko na nawawala ang mga gamit ko?"
"Madam sorry po! Iniwan ko naman po sa room niyo yun tapos sigurado naman akong
inilock ko yung kuwarto pero pagbalik ko kanina wala na dun lahat!" taranta't
nininerbiyos na paliwanag ni Melchor.
Dahan-dahang lumaki ang mga butas ng ilong ni Alex at nangalit ang mga panga nito.
"Are you sure they were gone? Sinubukan niyo na ho bang hanapin?" kabado na ring
sambit ng hotel manager matapos makita ang tahimik ngunit galit na reaksiyon ni
Alex.
"Mukha bang sinungaling ang mukhang ito!" nakamulagat na turo ni Balatbat sa
sarili.
"Hinahanap na po sir ng mga securities pero di pa rin nila makita. Naghahanap pa
nga rin po sila hanggang ngayon," pahayag ng receptionist.
Pinalo ni Balatbat ng kamay ang reception counter. "Hanapin niyo! Pilitin niyong
mailabas ang mga bagahe ni Mrs. Monteverde!" Nakangising namewang ang pulis. "Ahh
siguro hindi kayo natatakot ano?" sabay labas nito ng tsapa. "Nakikita niyo ba ito?
Pulis ako! Gusto niyo bang paimbestigahan ko ang mga anumalya sa serbisyo niyo?"
Sabay na napalunok ang dalawang empleyado nang makita ang tsapa ng pulis.
"At saka kilala niyo ba yang si Mrs. Monteverde?! Siya lang naman ang asawa ng may-
ari ng Golden Pacific Corporation! Kaya niyang kasuhan ang hotel na ito at
sisiguraduhin niyang matatanggal lahat ng mga empleyadong nagpapabaya!" matinding
pananakot pa ng pulis.
Tumikhim si Alex at kalmado na ang mukhang humarap sa hotel manager. "Tama na yan,
SPO2. Hindi ko palalakihin ang nangyari at hindi ko rin idadamay ang hotel na ito
sa pagkawala ng mga gamit ko."
Nagliwanag ang mukha ng manager. "Talaga ho Ma'am!"
"Sa isang kondisyon..." seryosong sambit ni Alex.
"Ano hong kondisyon?" Muling kinabahan ang manager.
"Dalhin mo ako sa CCTV room niyo. Ako mismo ang maghahanap sa salarin."
"Ho?" gulat na reaksiyon ng manager. "Huwag niyo na pong abalahin ang sarili niyo,
bahala na po ang mga security personnel namin na gumawa nun."
"No!" mariing tutol ni Alex. "Gusto ko ay ako mismo ang makakakita sa pagmumukha ng
salarin. Dati akong pulis at namimiss ko na ang ganitong challenge kaya ako na ang
bahalang maghanap sa kriminal na yan."
"Tama! Dati siyang matinik na pulis!" komento sa gilid ni Balatbat.
"K-Kung yan po ang gusto niyo. Sige po." Dali-daling sinamahan ng manager ang
dalawa patungong CCTV station. "Ma'am seryoso po ba kayong hindi niyo na
palalakihin ang bagay na ito?" paninigurado ng empleyado.
"Yes. Dahil sigurado akong kaya kong mahuli ang magnanakaw," taas-noong sagot ni
Alex.
Maya't mayang nagtitinginan ng makahulugan sina Alex at Melchor habang naglalakad
sa pasilyo.
"Oo nga pala Melchor. Kilala mo ba kung sino yung batang binabantayan niyo sa
school nina Cassandra?" ungkat ng babae na sinadyang mag-isip ng pwede nilang pag-
usapan upang lalong mapapaniwala ang makakarinig na konektado nga sila sa pulisya.
Napangiwi ang pulis sabay kamot sa ulo. "Hindi ko rin alam Madam Kap. Confidential
ata masyado. Basta ang trabaho ko lang ay dumikit kay Inspector Aldovar at
magmanman sa labas ng eskwelahan para sa may mgakahina-hinalang hitsura."
"Tchhh....hanggang ngayon talaga'y hindi ka pa rin pinagkakatiwalaan ng mga
importanteng impormasyon ng mga superior mo," napapailing na komento ni Alex.
"Ma'am andito na po tayo sa CCTV station," pagputol sa kanilang pag-uusap ng hotel
manager sabay muwestra sa nakasaradong sliding glass door.
Bumunot sa wallet si Alex at nag-abot ng pera kay Balatbat. "Bumili ka ng pagkain.
Matagal-tagal ang panonood na gagawin natin baka magutom ang mga nakaduty na
securities sa loob. Isama mo na rin si-" sabay tingin niya sa nametag ng manager ng
hotel. "Mr. Halnin."
"Huwag na Ma'am. Nakakahiya naman ho sa inyo, kayo na nga ho itong nagkaproblema sa
amin-"
"Maliit na bagay lang ito. Gusto ko lang magpasalamat sa pag-aasikasong ginagawa
mo," may makarismang ngiting wika ni Alex.
"Salamat ma'am. Sobra yung kaba ko kanina pero ang bait niyo naman pala."
Pumasok sina Alex at Mr. Halnin sa nasabing security room habang si Melchor ay
bumibili ng pagkain. Halos twenty square meter lamang ang laki ng silid. May
nakakabit ditong labintatlong monitor sa dingding na nakikitaan ng iba't ibang
parte ng hotel. Isa lamang ang nagbabantay dito na mukhang binata pa at nasa mga
bente singko hanggang bente nuwebe ang edad. Sa una'y medyo nananamlay ang hitsura
nito ngunit nang pumasok sina Alex at nakita ang magandang hitsura ng nasabing
babae ay biglang nagliwanag ang mukha nito. Dali-dali itong tumayo at nagbigay
galang.
"Madrigal this is Mrs. Monteverde. Siya yung guest sa executive suite na nawawalan
ng mga gamit. She's here to personally check the CCTV record. She wants to see the
entire film from the time she left yesterday which was around seven in the evening
hanggang sa oras na nadiskubreng nawawala ang mga bagahe niya," ani ng manager sa
bantay.
"Pero matagal ho yun." Tumingin ang bantay kay Alex. "Okay lang po ba na matagalan
kayo Ma'am? Kung gusto niyo ipapadala ko na lang sa inyo ang kopya kapag may nakita
na ho akong kahina-hinala."
Umayos ng tayo si Alex. "No. Okay lang na mag-stay ako dito. Sanay na akong
mangilatis ng galaw ng tao kaya mas gusto kong ako ang maghanap sa mga posibleng
suspect," determinadong sagot niya.
"K-Kayo po ang masusunod kung yan po ang gusto niyo," nakangiting sagot ng lalaki
na noo'y sa loob-loob naman ay natutuwa sapagkat makakasama niya ng matagal ang
magandang guest.
"Iwan mo na ako dito Mr. Halnin tutal pabalik na rin dito yung kasama ko. Alam kong
marami ka pang dapat asikasuhin," ani Alex sa manager.
"Sige ho Mrs. Monteverde. Maraming salamat ho sa pang-unawa ninyo. Kung may
kailangan pa ho kayo, huwag po kayong magdadalawang-isip na ipatawag ako."
Pagkaalis ng manager ay binuksan ng bantay ang file sa computer ng video ng
nirequest na araw at oras. Tinandaan ni Alex ang folder na pinagmulan ng nasabing
file habang tahimik na nagmamasid sa likuran.
"Gusto kong makita yung film sa lobby, elevator at hallway malapit sa kuwarto ko,"
hiling ni Alex.
"Yes Ma'am."
Nang mahanap ang video ay pinaupo ng lalaki sa tapat ng monitor si Alex. Ilang
saglit pa ng panonood ay dumating naman si Balatbat bitbit ang tatlong inumin at
dalawang box ng donuts. Inalok nito ng meryenda ang bantay at simpleng idinaan sa
masasayang kuwento upang malihis ang atensiyon kay Alex. Hanggang sa biglang
nakaramdam ng pagkulo ng tiyan ang bantay at nagpaalam pumuntang CR. Paglabas ng
lalaki, kumindat at napathumbs up si Melchor kay Alex.
"Ayos ba Madam Kap?!" mayabang na wika nito na ang tinutukoy ay ang paglalagay ng
pampasakit sa tiyan sa pagkain ng bantay.
Tinaasan ng kilay ni Alex ang pulis. "Ikaw din, ba't di ka pa lumalabas?"
"Huh?!Pati ako?"
"Problema namin tong mag-asawa kaya ako lang ang dapat makakita. Puntahan mo yung
hotel manager dalhin mo yung isang box ng donuts sa kanya."
Kakamot-kamot sa ulong lumabas si Melchor. At pagkaalis nito'y agad na binuksan ni
Alex ang file ng petsa kung kelan nagcheck-in si Blake. Tinantiya niya ang oras
base sa oras ng pagbabayad na nakalagay sa credit card bill ng mister. Una niyang
tiningnan ang video sa lobby. Mabilisan niya itong ini-scan bago pa man bumalik ang
bantay hanggang sa tumigil siya sa parte kung saan nakilala niya ang asawa. Akay-
akay ito ng isang lalaking nakaunipormeng pang-driver. Lasing na lasing nga ang
mister at tila nakatulog na ito. Base sa napapanood, ang umaakay na lalaki ang
nagcheck-in para kay Blake.
Napahawak si Alex sa dibdib sabay hugot ng isang malalim na buntong-hininga. Agad
siyang nakahinga ng maluwag nang makompirmang walang nangyaring hindi maganda sa
mister. Ngayon ay matatahimik na siya at titigil na sa kahibangang lihim na pag-
iimbestiga.
Hihinto na sana siya sa panonood subalit natukso siyang i-fast forward ang file.
Napakunot siya ng noo at tumigil sa pagpindot nang makitang naglalakad sa lobby ang
isang babaeng may pamilyar na tayo't pangangatawan. Bigla siyang kinutuban ngunit
hindi niya makumpirma ang hula sapagkat hindi gaanong kita sa camera ang mukha
nito. Dali-dali niyang binuksan ang film sa elevator at ifinorward sa parte ng di
nagkakalayong oras mula sa napanood sa lobby. Sumakay doon ang babae. Nanginginig
naman ang mga kamay habang papalakas ang pagkabog ng dibdib na binuksan niya ang
video sa hallway malapit sa executive suite. Bumaba doon ang babae at naglakad
patungo sa nasabing kuwarto. Pumasok ito sa hindi nakalock na pinto ng nasabing
silid. Finorward niya pa ang video at sa pagitan ng kwarenta y sinco minutos saka
muling lumabas ang babae. Nakaharap na ito sa camera at kitang-kita na ang mukha
nito.
Nanlaki ang mga mata ni Alex nang may nakaawang na bibig. Para siyang binagsakan ng
langit at lupa. Unti-unting binalot ng lamig ang kanyang pakiramdam. Ilang saglit
siyang naging tuod. Nanghihina lahat ng parte ng kanyang katawan.
Ano ang ginawa ni Isabelle Chan sa kuwarto ng asawa niya?!

===================

[15] Silence Means Wrong

****
Ibinubuhos ni Alex ang atensiyon kay Cassandra habang nasa bahay. Iniiwasan niya
ang asawa para makontrol ang sarili sa pagnanais na komprontahin ito. Kailangan
niya munang manahimik hanggang hindi niya natutuklasan ang buong katotohanan
tungkol sa insidente sa hotel. Kung magpapadala siya sa bugso ng damdamin, maaring
ikasira ito ng mga plano niya.
Pero kahit pilit niyang pinapaunawa sa sarili na pansamantalang huminahon muna,
normal pa rin sa isang asawa ang magkaroon ng inisyal na reaksiyon ng kagaya niya.
Ang mag-isip ng kung ano-ano, magselos at masaktan. Kaya naman hangga't maari ay
ayaw niyang harapin, kausapin at tingnan sa mga mata si Blake.
"Anak bakit naman ganito ang drawing mo? What's this big animal you want to own as
pet?"
Magkatabi sila ni Cassandra sa isang study table sa silid nilang mag-asawa.
Tinitingnan niya ang mga natapos nitong takdang-aralin. Hindi niya nilalayo sa tabi
ang bata para mailihis ang atensiyon sa mister na noon ay kadarating lamang at
naroroon sa kuwarto ng dating chairman. Hindi na nila ito nakasama sa hapunan
sapagkat may dinner meeting itong pinuntahan.
"That's a K-9 dog," dismayadong sagot ni Cassandra. "Mom you're a former police
officer, you should have recognized it easily....or maybe I drew it horribly."
Agad na nahalata ni Alex na nasaktan ang anak sa komento niya. "Of course I know
what it is!" biglang bawi niya. "But why did you draw this animal?" may ngiting
tanong niya.
"Because I really really want to own a pet like that!" biglang pangingislap ng mga
mata ni Cassandra.
"Ano?!" agad na nawala ang mga nag-aalong ngiti ni Alex kasabay ng pagsalubong ng
kanyang mga kilay. "Palitan mo yan!" matigas na utos niya.
"B-But why? I find this dog cute and awesome."
"Anong why? Sinong normal na bata ang nakukyutan sa K-9? Baka sabihin ng teacher mo
pinalaki ka ng pamilya ng mga monsters! Flip your sketch pad and draw a different
dog. The real cute ones. Chihuahua, shitzu or maltese!"
Dahan-dahang tumamlay ang mukha ng bata at bumaba ang tingin nito. "Mom the teacher
said to draw what's in our heart."
"Nasasabi mo yan dahil nasa imagination mo pa lang ang asong ito but when you see
real ones sigurado akong mas makukyutan ka sa mga maliliit or yung mga mahahaba't
makakapal ang mga balahibo. Kaya sige na palitan mo na yan," nakataas ang kilay na
utos ni Alex.
"Bakit po ba lagi niyo na lang pinapakialaman ang mga likes and dislikes ko?"
"Because you're still a child. Responsibilidad ng magulang na gabayan ang anak nila
sa mga bagay na dapat at hindi nila dapat magustuhan."
"Where's Dad? Hindi pa ba siya tapos makipag-usap kay Grandpa?" biglang paglihis ni
Cassandra sa paksa.
"I know what's running inside your head now. Magpapasaklolo ka na naman sa Daddy
mo." Pasimpleng umikot ang mga mata ni Alex. "Ngayon niya subukang kumampi," bulong
niya sa sarili.
"Are you saying something Mom?" inosenteng tanong ng bata.
"Wala, sabi ko huwag mo ng hintayin ang Dad mo para matapos na yang assignment mo."
"But I want to hear his opinion too. Since you said it's the parents job to guide
their children, isn't it important also to hear what Dad has to say about my
drawing?" apela pa rin ng anak.
Kunway pinadilatan ni Alex ang bata. "Cassandra! Are you trying to disobey your
mother now?"
Walang magawa ngunit lulugo-lugong binuklat ni Cassandra ang susunod na blangkong
pahina ng sketch pad. Subalit bago ito makapag-umpisang gumuhit ay siya namang
pasok ni Blake sa kuwarto. Pinigilan ni Alex na lumingon sa asawa samantalang agad
na sumigla ang mukha ng bata.
"Dad!"
Nakangiting lumapit si Blake sa kanyang mag-ina. "Mukhang busy ang magnanay ko ah."
"Mom is helping me with my homeworks!" masayang wika ni Cassandra sabay abot sa ama
ng drawings niya. "That's the animal I want to have as pet."
Napakunot ng noo si Blake habang tinitingnan ang drawing. "I-Is this a tiger? Or a
fox?"
Muling nadismaya ang bata sa komento. "I guess I really drew it poorly. You too
can't recognize the animal," malungkot na sabi nito.
Paulit-ulit na umiling ang tatay sabay ngiti. "No princess! You drew it
beautifully! I-It's just that Dad is really not very clever when it comes to
animals."
Nanumbalik ang sigla sa mukha ni Cassandra. "That's a K-9 dog Dad! A very cool
animal." Sabay simangot nito. "But Mom told me to replace it with some tiny and
fluffy dogs," sumbong nito.
Natigilan si Blake at agad na natunugang nagsusumbong sa kanya ang bata. Tiningnan
niya muna ang tahimik at seryosong misis na noo'y binabasa ang notebook ng anak.
"Ah-eh... your mother is right. These kind of dogs aren't suited yet for children
like your age." Ibinalik niya ang pad sa mesa. "You better draw a new one."
"See. Even your Dad said so. Ngayon naniniwala ka na kay Mommy?" ani Alex nang
hindi pa rin tumitingin sa mister na noo'y nasa tabi na ng kama't naghuhubad na ng
coat.
Bumuntong-hininga si Cassandra at kinabig ang sketch pad. "Eto na po, I'm going to
draw a new one," mahinang sambit nito.
"Do you need a picture of the real cute dogs so you can copy what they look like?"
wika ng ina.
Umiling ang bata. "No need. I'm going to change pet. I'll draw bird this time,"
matamlay na sagot nito.
"What kind of bird?"
"An eagle."
Napatapik sa noo si Alex. Subalit bago muling mapagsabihan ang anak ay umentra na
sa usapan ang tatay.
"Pagbigyan mo na. At least an eagle is far less shocking than a K-9 dogs," anito
habang tatawa-tawang nagtatanggal ng kurbata.
Walang sagot si Alex. Nanahimik na lamang siya at sumang-ayon para iwasang humaba
pa ang usapan.
"Hon, can you get my favorite cotton shirt?" ani Blake.
Nagtengang-kawali si Alex at kunway seryosong binabantayan ang pagguguhit ng anak.
"Mom, Dad is saying something to you." Mismong si Cassandra na ang nakapuna.
Patay malisyang nilingon ni Alex ang mister. "Yes, hon? May sinasabi ka?" walang
ganang ika niya.
"Can I have a cotton T-shirt?"
Tumayo si Alex at tahimik na pumuntang closet para ikuha ng damit ang mister.
Isinabay niya na rin ang walking short sapagkat alam niya namang ito ang susunod na
iuutos. Inilapag niya ang mga damit sa kama, sa tapat mismo ng nagbibihis na asawa
nang walang anumang binibitawang salita.
Napakunot ng noo si Blake sa reaksiyon ng misis. Nakakahalata na siya sa pananamlay
nito. Nang sinalubong siya nito kanina'y kinuha lamang nito ang kanyang briefcase,
ni hindi man lang ito humalik kahit sa pisngi. Hindi man lang kinumusta ang araw
niya. Kung tutuusin bilang na bilang pa lamang ang mga salitang binitawan nito.
Pati pagbibihis niya'y kailangan niya pang iutos samantalang lagi naman itong
nakahanda na para sa kanya. Nagtatakang hinabol niya ng tingin ang asawa. Tumabi
ulit ito sa anak nang hindi man lang siya tinitingnan. Napailing na lamang siya at
inakalang baka masyado lamang nitong sineseryoso ang pagtuturo sa bata.
Pagkabihis ay naghanap na lamang siya ng gagawin habang hindi pa tapos ang mag-ina.
"Hon, did you see my planner? I guess I left it here somewhere this morning,"
panandaliang pang-iistorbo niya.
Nagkunwari ulit si Alex na walang narinig.
Nagtatakang napatingin si Cassandra sa ina. "Mom is there something wrong with your
ears now? Dad is asking you something."
"Huh?" kunway gulat na reaksiyon ng ina sabay lingon sa asawang abalang naghahanap
sa planner. "A-Anong hinahanap mo hon?"
"Have you seen my planner?"
Tumayo si Alex at lumapit sa book shelves. Isiniksik niya ito doon kanina habang
nagliligpit ng mga gamit. Pagkakuha dito'y walang gana niya ulit itong iniabot sa
mister.
"Hon-"
"Yey! I'm done!" bulalas ni Cassandra.
Agad na ibinaling ni Alex ang atensiyon sa anak bago pa man maituloy ni Blake ang
sasabihin. Lumapit siya sa bata at tiningnan ang ginawa nito.
"Okay na po ba yan Mom?" sabik na tanong ni Cassandra nang may namimilog na mga
mata.
"Hmmmm...I think so,"sagot ng ina.
"This means I'm done with my assignments, right?"
"Y-Yes."
"Can I go to my room now?"
Malambing na ngumiti si Alex at hinaplos ang anak sa braso. "Hey, little girl do
you want to sleep here tonight?"
Natigilan ng ilang sandali si Cassandra. Gusto niyang makatabi ang mga magulang
pero sa sinapit niya ngayon sa ina na halos lagi na lang silang magkadikit kada
minuto at bawat kilos niya ay pinupuna, wala siyang ibang mas kinasasabikan kundi
ang mapag-isa sa kanyang kuwarto at malayang makapaglaro bago matulog.
"But Mom after this long hour of studying I need to be alone in my breathing room?"
katwiran niya.
Nagulat si Alex sa sagot ng anak. "What breathing room are you talking about?
Aren't you always glad to sleep with Mom and Dad?"
Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Cassandra at seryosong tumingin sa
ina. "Mom maybe you didn't notice it but you're in such a weird mood today. You
were choking me the whole day," kibit-balikat na sagot niya sabay ligpit sa mga
gamit at bitbit sa bag. "I'm going to sleep in my room now besides I made a promise
I won't sleep here for a while."
Sabay takbo niya sa amang nakaupo't nagbabasa ng planner sa kama. Humalik siya sa
pisngi. "Good night Dad! Love you!"
"Good night sweetheart."
Mabilis siyang tumungo sa pintuan ngunit bago tuluyang lumabas ay humarap muna siya
sa inang nakaawang lamang ang bibig habang di makapagsalitang nakatingin sa kanya.
"Good night mom! Don't worry I'll brush my teeth before I go to bed," sabay sarado
niya sa pintuan.
Napabuntong hininga si Alex hanggang sa unti-unting napangiti sa reaksiyon ng bata.
"Tsssh, anong pinagsasabi ng batang yun? May pasakal-sakal pang nalalaman,"
napapailing na bulong niya sa sarili.
Iniligpit niya ang mga nakakalat na papel. Pagkatapos ay ang mga pinaghubaran
naman ni Blake ang inayos niya habang iniiwasan pa ring tingnan ang lalaki.
"Did you have a nice dinner here at home?" tanong ni Blake habang tinitingnan ang
seryosong mukha ng misis.
"Oo. Ikaw kumusta ang dinner meeting mo?" matamlay na tugon ni Alex habang iwas pa
rin ang mga mata.
"It's fine."
"Sino bang mga ka-meeting mo?"
"Ms. Chan, some engineers and architects."
Natigilan si Alex pagkarinig sa pangalan ng dalagang CEO. Humigpit ang pagkakahawak
niya sa dinampot na mga damit at pairap na tumingin sa mister. "Halata namang nag-
enjoy ka eh. Kitang-kita sa mukha mo."
Di nakaligtas sa mga tenga ni Blake ang sarkastikong tono ng asawa ngunit
binalewala niya na lamang ito. "You know hon, di ba last time. I used to complain
to you about Ms. Chan being a work freak. Calling me even if it's about very small
matters and sometimes disturbing me during my day off. This time she changed a lot.
She's friendlier and she's comfortable to work with nowadays. She's not as
stressful as before."
"Eh di wow." Kumibit ng mga balikat si Alex sabay mabilis na tumalikod at mabibigat
ang mga yabag na tumungo sa banyo para ilagay ang bitbit sa lagayan ng maruruming
damit.
Napanganga ng ilang sandali si Blake. Hindi niya maintindihan ang pabalang na
reaksiyon ng asawa. Ang gusto niya lang naman ay ibahagi dito ang mga nangyayari sa
kanya sa trabaho at makakwentuhan ito. Paglabas ng misis sa banyo ay diretso itong
naupo sa dresser at nagpahid ng cream sa mukha. Nilapitan niya ito at malambing na
minasahe sa balikat habang tinitingnan ang iritable nitong hitsura sa salamin.
"Hon, Though I'm aware of your cycle...but perhaps napaaga ba ang period mo?"
"Bakit naman biglang naungkat ang period ko?" may katarayang sagot ni Alex.
"Kasi kanina ko pa napapansing aburido ka. Sometimes you behave this way kapag
meron ka," malumanay na pahayag ni Blake. Iwas na iwas siyang ma-offend ang babaeng
may mainit na ulo.
Pabulagsak na inilapag ni Alex ang lalagyan ng cream. "Kapag meron lang ba ako
pwedeng mairita?!"
"Then tell me what is this all about. Napagod ka ba dito sa bahay? Sa anak mo? Sa
pagdadrive? Sinabi ko naman sayo not to wear out yourself too much. Kaya nga tayo
merong maids, drivers at yayas para naman mabigyan mo ng break yang sarili mo."
"Hindi ako pagod," matigas na sagot ng babae.
Napaisip ng ilang saglit si Blake. Naguguluhan siyang tumingin sa repleksiyon ng
asawa. "H-Hon don't tell me galit ka sa akin. May nagawa ba akong kasalanan sayo?"
Inis na inalis ni Alex ang kamay sa balikat niya at tumayo. Hinarap niya ang asawa
at nginisian. "Ewan ko sayo. Ano sa palagay mo may ginawa ka bang kasalanan?
Alalahanin mo...ahhh, oo nga pala wala kang maalala dahil lasing ka!" sabay tungo
niya sa kama.
Tumaas ang kilay ni Blake sa tinuran ng babae.Muli siyang napaisip. Pagkuway
mabilis na sinundan niya ang asawa at hinawakan ito sa braso. "Hon let's talk about
it. Ano bang nagawa kong kasalanan?"
"Gusto ko ng matulog."
"May rule tayong hindi pwedeng matulog ng may tampuhan. D-Don't tell me yung
pagkakalasing ko pa rin last time ang ikinagagalit mo. Tapos na yun ah? Napag-
usapan na natin yun di ba?" nakikiusap na tono ni Blake.
Matapang na tiningnan ni Alex ang mister. " Napag-usapan na natin pero lahat ba ng
sinabi mo sa akin totoo?"
Bumuntong-hininga si Blake at napatingala sa kisame. Nakuha niya na kung ano ang
ikinagagalit ng asawa. Hanggang ngayon talaga ay wala pa ring bagay na pwedeng
ilihim dito.
"Okay. I admit I lied and I'm sorry. But before I tell you what really happened,
let me tell you first na mas pinili kong ilihim ito para huwag ka ng mag-isip ng
kung ano-ano at hindi dahil nagi-guilty ako over something. You trust me honey,
right?" maamong pahayag niya. "But since you already found out, sige aaminin ko
na... It wasn't true that I fell asleep in my car. Nakatulog ako sa isang hotel
because I passed out from drinking. Hinatid ako doon ng driver ng isa sa mga kasama
ko. But believe me wifey. I was completely alone in that room and I assure you I
didn't do anything wrong," lakas loob na pag-amin niya habang nakatingin ng diretso
sa mga mata ng asawa.
Unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Alex habang nakatitig rin sa mga mata ni
Blake. Eto lang naman ang hinihintay niya. Ang kusang aminin sa kanya ng mister ang
ginawang pagsisinungaling. Eto lang kasi ang natatanging dahilan para magduda
siyang may pinagtatakpan itong kasalanan.
"Paano ka nakasisiguradong wala kang ginawang mali. What if wala ka lang talagang
naalala?" kunway matigas pa ring salita niya.
"Ikinatakot ko rin yan but I talked to the receptionist and she said na driver daw
ang naghatid sa akin sa hotel. Maybe he was the driver of Mr.Collantes. Since they
couldn't drive me directly to my house so they decided to bring me to the hotel."
Ingat na ingat na lumapit si Blake sa asawa at niyakap ito. "I'm sorry for lying. I
promise not to commit this kind of mistake again."
Tiningnan ni Alex sa mga mata ang asawa habang napapaganti na rin ng yakap. "Wala
kang isinamang babae sa kuwarto?" medyo may lambing ng sabi niya.
"Wifey," natatawang sambit ni Blake. "Bakit naman ako magsasama ng babae. Aside
from being a loyal husband, takot ko na lang sa misis kong astig." Hinawi niya ang
nakaharang na buhok sa mukha ni Alex at unti-unting nagseryoso. "I'm sorry... and
stop thinking about silly things. I love you and Cassandra more than my life. The
last thing I'd do is to hurt the two of you." Binigyan niya ng isang malalim na
halik sa mga labi ang asawa at naramdaman niya ang mahigpit na rin nitong pagyakap
sa kanyang katawan. Tumigil siya sa paghalik at ngumiti. "Tulog na tayo," bulong
niya.
Mainit na nagtalik ang mag-asawa. Bawat isa ay bumawi dahil sa nangyaring tampuhan.
Sa bawat halik at haplos, ipinaramdam muli ni Blake sa babae kung gaano niya ito
kamahal. Ganun din si Alex, ipinamalas niya na sa kabila ng maiksing pagtatampo,
buong-buo pa rin ang tiwala niya sa pinakamamahal na asawa. Na pag-aari pa rin nito
ang buong pagkatao niya.
"I love you," bulong ni Blake sabay halik sa noo matapos nilang sabay na maabot ang
sukdulan.
"I love you too hon."
Yumakap si Alex sa asawa at nahiga sa dibdib nito. Nag-angat siya ng mga mata't
nagkatitigan sila. Pagkuway binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti. Ramdam pa
rin niya ang bilis ng tibok ng dibdib ng bawat isa. Bumuntong-hininga siya, umunan
sa braso ng asawa at tumingin sa kisame nang hindi inaalis ang nakapulupot na isang
kamay sa katawan ni Blake. Payapa na ang kanyang dibdib ngunit hindi ang kanyang
isip.
"Hon, tungkol dun sa pagkakadala nila sayo sa hotel... naungkat ba ulit ito sayo ng
mga nakasama mo sa inuman?" malambing nang pagtatanong niya.
Naniningkit ang mga matang tumingin si Blake sa misis. "Hindi pa ba tayo tapos
diyan?"
Tumawa ng bahagya si Alex. "Hindi na ako galit. Gusto ko lang malaman."
"Hindi na. I was busy and everyone was busy para pag-usapan pa ang tungkol diyan,"
kibit-balikat na sagot ng mister.
"Wala man lang nag-ungkat? Yung driver halimbawa na naghatid sayo?"
"I still don't know who's that person." Gumilid papaharap si Blake sa asawa at
marahang tinapik ito sa pisngi. " It wasn't really a big deal kaya kalimutan mo na
yun, okay?"
Kunway tumango si Alex at ngumiti. Mas lalo siyang napaisip tungkol sa motibo ni
Ms. Chan kung bakit hindi nito binanggit kay Blake na dumalaw ito sa kuwarto.
Nagtataka din siya na hindi na pinag-usapan pa ang nangyari o wala man ni isa sa
mga nakainumang empleyado ng asawa ang nagpaabot sa kanya ng despensa. Lalong-lalo
na ang architect na yun. Kilala siya nito at matapos ang nangyaring pagkalasing ni
Blake ay nagkasalubong na ulit sila ngunit wala man lang itong binigay na simpleng
paliwanag kung sakaling driver nga nito ang naghatid kay Blake. Pero driver nga ba
nito o baka naman driver iyun ni Ms. Chan?
Tumaas ang kanyang kilay sa naglalaro sa kanyang isipan. Parang mas lalo lamang
siyang itinutulak ng mga taong nakapaligid ngayon sa asawa para magkalkal pa ng mas
malalim.
"By the way how did you find out?" tanong ni Blake.
"Nakita ko sa credit card bill mo. Pinakialaman kasi ni Cassandra sa desk ng
secretary mo."
"Well, as expected nothing can be remained hidden from your agent's eyes," tatawa-
tawang komento ni Blake.
Nag-angat ng mukha si Alex at marahang pinisil-pisil ang matangos na ilong ng
mister. "Hon tutal schedule natin bukas sa ob-gyne, dumaan na rin kaya tayo kay Dr.
Claro sa neurologist mo. Nag-aalala ako eh na baka bumabalik na naman yang sakit
mo," aniya.
"But I'm busy tomorrow."
Sumimangot si Alex. "Bakit? Dahil na naman sa Ms. Chan na yun? Puro ka nalang
Ms.Chan, Ms. Chan!" kunway nagtatampong wika niya.
Natawa si Blake. "Ayun lumabas din sa bibig mo ang totoo. Nagseselos ka ba kay Ms.
Chan?" tanong niya sabay yakap ng mas mahigpit sa babae. "O sige na kung yan ang
gusto mo...pupunta tayo kay Dr. Claro. I'll tell my secretary to re-schedule all
the meetings. Alam mo namang hindi ko kayang suwayin ang gusto ng mahal ko."
Ngumiti si Alex ngunit maya-maya lamang ay naglalambing na ngumuso ito. "Hon,
tungkol kay Ms. Chan... iba kasi ang pakiramdam ko sa kanya. P-Parang naalala ko sa
kanya yung dati mong kaibigan na nasa Amerika na ngayon-"
"Who? D-Debbie?" kunot noong sagot ng mister.
Tumango si Alex at di naman napigilan ni Blake ang muling matawa.
"Wifey, don't tell me na pinagseselosan mo pa rin yung kaibigan kong yun hanggang
ngayon? Nasa ibang bansa na siya at may sarili ng pamilya."
"Alam ko. Pero hindi naman siya ang tinutukoy ko kundi si Ms. Chan. Ang ibig kong
sabihin magkaparehas silang dalawa na halos parang linta kung makadikit sayo,"
simangot na pahayag ni Alex.
"Ms. Chan came from a very decent family. She's an intelligent and a beautiful
single lady. I'm sure na maraming nagkakagusto sa kanyang mga lalaki. Sa tingin mo
magkakainteres siya sa isang may asawang gaya ko?" Tumikhim si Blake at ngumiti ng
pilyo. "I know your husband is still extremely handsome and irresistible but I
already announced to the world that my heart only belongs to a very lucky
woman...at sino kaya yun?"
Lumaki ang mga butas ng ilong ni Alex sa pagyayabang ng asawa at agad niyang
ipinaling ang ulo sa ibang direksiyon. "Hindi ko siya kilala."
Biglang hinigit ni Blake ang katawan ng misis. Pinupog niya ito ng halik sa leeg
kung saan naroroon ang pinakakiliti nito. "Halika ipapakilala kita."
"Eeei tama na hon! Sige na! Ako na! Ako na ang masuwerte!"
Tumigil sa paghalik ang lalaki ngunit muling binigyan nito nang nang-aakit na titig
at ngiti ang misis. "One more round."
=======================
[16] The Rebirth of A Gangster
****
Masayang nag-umpisa ang araw ng mag-anak ng Monteverde. Sama-sama silang nag-
almusal at umalis ng bahay. Kinansela ni Blake ang lahat ng appointments sa umaga
para pagbigyan ang hiling ng asawa na magpakunsulta sa kanyang doktor. Magkasama
nilang inihatid si Cassandra na tuwang-tuwa dahil sa bibihirang pagkakataong
pagsama ng ama sa paghahatid sa eskwelahan. Pagkahatid sa bata'y dumiretso ang mag-
asawa sa ob-gyne. At ang kanilang huling lakad ay ang pagpunta sa pinapasukang
hospital ni Dr. Claro, ang doktorang neurologist na may edad limampung taong
gulang. Isa ito sa mga pinakamagagagaling na espesyalista sa bansa at siya ring
doktor ni Blake umpisa nang madiskubre ang sakit ng lalaki kapag nalalasing.
"This is the result of your CT scan we just took today," sambit ng doktora habang
tinitingnan ang x-ray films kasama ang mag-asawa.
"May problema ho ba?" di makapag-antay at kabadong tanong ni Alex.
"Everything is normal," nakangiting pahayag ng doktor.
Agad na nakahinga ng maluwag si Alex sabay napahawak ito sa dibdib. Samantala,
kalmadong napapangiti lamang si Blake habang tinitingnan ang kanina pa di mapalagay
na misis habang naghihintay ng resulta. "I told you, hon. I'm fine. Nalasing lang
talaga ako't nakatulog and it has nothing to do with my former sickness,"
kumpiyansang wika niya.
Inalok sila ni Dr. Claro na maupo sa harap ng desk nito. "But Mr. Monteverde please
keep monitoring your level of alcohol intake. You're no longer a heavy drinker kaya
mas malaki ang chance na mablack-out ka kapag nasobrahan ka sa limit mo. Although
you're cured for years but please still don't forget that you're brain is very
delicate to substances that could trigger hallucination such as drugs and alcohol.
And also avoid drinking when you're tired or stressed because that is the moment in
which you're very prune to passing out even with just a little amount of alcohol
intake," mahabang payo't paliwanag ng doktora.
"Yes doc," tango ni Blake. "I think you're right. Because that day I was indeed too
busy and had also faced some stressful problems in the company."
"But aside from passing out, were there other things occured to you na kaparehas ng
mga palatandaan ng dati mong sakit?" tanong ni Dr. Claro.
Napalunok si Blake at panandaliang tumingin kay Alex. May isang bagay siyang
naalala at ito ay yung tila sinundo siya ng asawa sa karaoke lounge. Nag-atubili
muna siyang sabihin ang natatandaan dahil baka mag-alala na naman ang misis ngunit
alam niyang hindi siya pwedeng magsinungaling sa doktor.
"Well actually doc...t-there's one thing."
"And what is it?"
Muli niyang tiningnan ang asawa nang may mga matang nagpapahiwatig na wala itong
dapat ipag-alala. "A-Actually there was this one instance in which I thought Alex
arrived to fetch me from the venue..."
Nagulat si Alex sa narinig ngunit pinilit niyang magkunwaring hindi apektado upang
magtuloy-tuloy ang pagkukuwento ng asawa.
"Then what happened next?" usisa ng doktor.
"Nothing else. It only occured in a very quick span of time and after that I-I
actually don't remember anything. I think I already fell asleep."
Bumuntong-hininga si Dr. Claro at napapatangong tumingin sa kanyang pasyente.
"Normal ang resulta ng CT scan mo at ang mga sintomas na binanggit mo ay hindi
naman sapat para sabihing bumabalik ang pagkakaroon mo ng dissociative amnesia upon
excessive intake of alcohol. Maaring simpleng epekto lang talaga ang mga ito ng
alak. Lately ba ay madalas kang nahihilo o sinasakitan ng ulo?"
"No. I didn't feel anything. Right now, I feel fine and healthy," siguradong sagot
ni Blake.
"Kung ganun I won't prescribe your old medicines for now. If you keep experiencing
your old symptoms saka ka na lang ulit bumalik sa pagti-take ng gamot and maybe
you'll be taking again your therapy."
"Doktora, may chance po ba na anytime ay pwedeng bumalik yung sakit ng asawa ko?"
tanong ni Alex.
"Well... his disorder is one of the most unpredictable and uncertain illnesses so
there will always be a chance of recurrence. It might reoccured once in a while or
regularly. But as of now your husband's brain activity is very normal so I actually
don't see anything na dapat niyong ipagalala."
"I told you so," ngingiti-ngiting wika ni Blake sa asawa.
Palihim na nginusuan ni Alex ang mister upang ipahiwatig na manahimik ito at saka
niya muling hinarap ang doktor. "Pero dok possible bang yung huling pagkakalasing
niya ay isa ng recurrence ng dati niyang sakit?"
"Maybe yes, maybe not or maybe both. Pwedeng pansamantalang natrigger lang ito
dahil sa kondisyon niya ng araw na iyon. Tired, stressed and yet he drank beyond
his limit. But I don't think it will occur regularly because sabi ko nga normal
naman ang activity ng utak niya."
Nanahimik ng ilang saglit si Alex. Naramdaman niya ang bahagyang panlalamig ng
kanyang mga kamay. Ang huling sinabi ng doktora ang siyang pinakakinatatakutan
niyang sagot. Mas umigting ang konklusyon niyang umatake nga ang dati nitong sakit.
Siya ang may mas malawak na nalalaman sa totoong nangyari dahil sa napanood sa
CCTV. At ngayon ay mas lalo siyang kinabahan na baka may mga nagawa si Blake na
sadyang hindi lang nito maalala.
Lumabas sila ng clinic ni Dr. Claro na hindi pa rin niya pinapahalata ang totoong
nararamdaman. Nang mapadaan sila sa reception counter ay binati siya ng
sekretaryang nakalapit niya noong regular pag nagpapakonsulta si Blake.
"Hi Ma'am Alex! Kumusta po kayo?!"
"Oh hi Jesyl! Kumusta? Andidito ka pa rin pala, hindi kita nakita kanina nung
dumating kami," malugod na tugon niya.
"Pumunta po kasi ako kanina sa nurse station. May kinuha lang akong records. Ay oo
nga po pala! Speaking of records," sabay tingin ng babae kay Blake. "Mr.
Monteverde, natanggap niyo po ba yung copy ng records na nirerequest niyo?"
Natigilan ang mag-asawa. Naguluhan si Blake samantalang iba naman ang naging
reaksiyon ni Alex... unti-unti itong kinutuban.

"What records are you talking about?" kunot noong tanong ni Blake.
"Yun pong mga evaluation records niyo. Itinawag po ito ng secretary niyo. Sabi niya
pinapakuha niyo daw."
Mas lalong nagtaka si Blake. "Sinong secretary? I didn't ask anyone to do it for
me? Why would I be needing my medical record?!" Dahan-dahan siyang nakaramdam ng
galit nang mapagtanto ang pagkakamaling ginawa ng babae. "Did you just give my very
confidential file to anyone without getting any confirmation from me?"
Namutla ang sekretarya nang makita ang galit na reaksiyon ng chairman ng Golden
Pacific. "S-Sir k-kasi po si Ms. Miranda naman po yung kumuha eh. Di ba siya naman
po dati yung inuutusan niyong kumuha dito ng mga gamot niyo?" bahagyang nanginginig
sa takot na katwiran nito.
"Picking up my medicine is different from picking up my confidential records,"
madiin at tiim bagang sabi ni Blake.
"Calm down Hon. Ako ang nag-utos sa secretary mo," biglang sabat ni Alex nang may
seryosong mukha.
Biglang natigilan si Blake. Nakahinga naman ng maluwag ang sekretarya.
"Nagpahingi ulit ako dahil nawala yung kopya ko. Nagkamali ata ako at naitapon ko
nang minsan akong naglinis ng kuwarto. Sorry hon, nakalimutan kong banggitin sayo.
Naisip ko kasing kailangan kong basahin ulit yung mga bilin ng doktor dahil lately
medyo napapadalas ang mga gatherings na pinupuntahan mo," kusang paliwanag ni Alex
sa nagtatakang asawa at pagkuway ngingiti-ngiti siyang lumapit kay Jesyl. "May
isang bagay lang akong gustong malaman, kelan ko nga ba pinakuha yung records?"
Nagmamadaling dinampot ng secretary ang isang log book at mabilis itong binuklat.
"Eto po yung date kung kelan nireceive ni Ms. Miranda yung documents." Itinuro nito
ang petsa na nakasulat sa ilalim ng pirma ng tumanggap ng files.
Tatango-tango lamang si Alex habang pinagmamasdan ang nakasulat na petsa. Dalawang
linggo ito bago maganap ang pagkakalasing ng mister. May namuo agad na hinala sa
kanyang isipan. Kung napasakamay ang record ng asawa sa taong iniisip niya, ibig
sabihi'y maaring planado ang pagkakalasing ni Blake. Napangisi siya. Meron na naman
bang mga taong gustong makipagpatintero sa kanya?
"What's with the smirk?" taka ni Blake.
Mabilis na ibinalik ni Alex sa normal ang reaksiyon. "Huh? Wala. May naalala lang
ako." Pagkuway agad niyang itinuon ang atensiyon kay Jesyl. "Next time kahit sino
pa sa aming mag-asawa ang nag-utos dapat kinukumpirma mo pa rin. Hindi rin ako
nakatanggap ng tawag mula sayo tungkol dito. May karapatang magalit si Mr.
Monteverde dahil may kapabayaan ka pa ring ginawa. Sa susunod bago ka magbigay ng
kahit katiting na impormasyon o files sa kaninuman, kailangang marinig mo muna mula
sa aming mga bibig na kami nga ang nag-utos. Ayokong mangyari ulit ito or else baka
mawalan ka ng trabaho o kaya naman ay mademanda kayo ng wala sa oras," kalmado
ngunit may kataliman ang tonong pangaral niya.
Napalunok ang sekretarya na noo'y biglang naguluhan. Isinalba siya ni Alex mula sa
galit ng mister nito ngunit sa bandang huli'y tila pinagbantaan naman siya nito.
"S-Sorry po Ma'am Alex, Mr. Monteverde...Hinding-hindi ko na po ito uulitin."
"Aasahan ko yan," nakangiting wika ni Alex ngunit ramdam ng sekretarya na animo'y
may bahid pa rin ng pananakot sa tono nito.
"Yes Ma'am, magiging maingat na po ako ngayon."
"You should have stopped me sooner para hindi ko na napagtaasan ng boses si Ms.
Jesyl," ani Blake sa asawa nang makasakay sila ng kotse.
Bumuntong-hininga si Alex habang nakahalukipkip at kunot-noong nakatingin sa labas
ng bintana. " Dapat mo pa rin siyang pagsabihan dahil mali pa rin ang ginawa niya."
"Did you really asked for those records?" nakangiting tanong ng nagmamanehong
lalaki.
"Oo," matamlay at di makatinging sagot ni Alex.
Inilipat ni Blake ang kamay na nakahawak sa kambyo tungo sa palad ng asawa. "You
just made me a very happy man now. Ang sarap malaman kung gaano pa rin kalalim ang
pagmamahal sa akin ng asawa ko. I didn't expect na pati mga lumang evaluation
records ko ay pinagtatiyagaan mong basahin just to take care of my health."
Nilingon ni Alex ang lalaki at binigyan ito ng simpleng ngiti. " Bakit iniisip mo
bang darating ang araw na mababawasan ang pagmamahal ko sayo? Mr. Monteverde hindi
ako mapapagod mahalin ka at hinding-hindi ako mapapagod ibalik sayo ang mga bagay
na ipinararamdam mo sa akin... Higit sa lahat ako pa rin ang supergirl na asawa mo
na nakahandang buwagin ang anuman o sinumang mananakit sayo."
Napatanga ng ilang saglit si Blake hanggang sa dahan-dahan itong natawa. "Wow
wifey. You sound cheesy but a bit scary. What was that?"
Mabilis na ibinalik ni Alex sa natural ang reaksiyon. Malambing niyang inirapan ang
tatawa-tawang asawa. "Ninu-nuetralize ko lang yang kakornihan mo."
Pinisil ng lalaki ang pisngi ng misis. "I thought you'll be completely happy to
hear about my result pero bakit napapansin ko yatang sumisimple ka pa rin ng
simangot. May problema pa rin ba ang mahal ko?"
Kunway tumaas ang kilay ni Alex. "Yung napagkamalan mong babae bilang ako...Hindi
ba si Ms. Chan yun? Baka naman kinalantari mo yung babaeng yun ng hindi mo alam?"
dire-diretsong sabi niya.
Biglang naubo si Blake. "What?!" gulat na bulalas niya sabay tingin sa asawa nang
may nang-aasar na ngiti. "Hey jealous Mrs. Monteverde. If I did something
inappropriate to Ms. Chan, sa palagay mo ba with her righteous and uptight
personality mananahimik lang yun? I'll definitely hear about it on the next
morning-"
"Paano kung nag-enjoy," mahinang-hinang bulong ni Alex sa sarili.
"Ah and by the way, I remember now. Ms. Chan told me that it was her driver who
sent me to the hotel. See? Pinagseselosan mo ang taong gumawa ng pabor para sa
akin."
Unti-unting nagseryoso si Alex sa narinig. " Ibig mong sabihin kasama niyo si Ms.
Chan kahit sa for the boys niyong inuman?"
"No but according to her, she went there to pick-up our foreign investor."
Simpleng napangisi si Alex. Sa isip-isip niya'y ibang klase din namang magdesinyo
ng taktika ang dalagang CEO. Malinaw na sa kanya ngayon na may lihim na motibo nga
ang bawat galaw nito pagdating kay Blake.
"Hon, pwede bang simula ngayon ay huwag na nating ungkatin yung tungkol sa
pagkakalasing ko? Pinagbigyan ko na ang kagustuhan mong magpatingin ulit kay Dr.
Claro. And now that we learned na normal naman ang results ng exam ko,siguro naman
ay matatahimik ka na. Okay?"
Sumagot lamang ng pilit na ngiti si Alex.
"Hey why am I not receiving an answer?"
"Okay," di tiyak na kasagutan ng babae.
Ngumiti si Blake at muling hinawakan ang palad ng misis. "Kung may dapat man tayong
pag-usapan, that is none other than the suggestion of your ob-gyne na magbakasyon
muna tayo ng tayong dalawa lamang. I like the idea. Wifey, do you want to go on a
trip this coming valentines day? Saan mo gusto? Italy? Greece? France? How about in
Alaska? Didn't you say you want to witness the beauty of northern lights?"
masiglang sabi niya.
"Gustuhin ko man pero alam mo namang hindi natin pwedeng iwanan si Cassandra,"
matamlay na sagot ni Alex.
"Hon that's always your reason. If we are really sincere to have a second child,
gawin natin ang mga bagay na hindi pa natin nasusubukan."
"Papaano yung anak mo? Alam mo namang ni isang araw ay hindi pa yun napapahiwalay
sa akin."
"Pwede naman natin siyang iwan kay Mommy. Besides, Cassie never gets bored in your
parent's house kaya malamang na hindi niya rin tayo masyadong hahanapin."
Pansamantalang nanahimik si Alex at nag-isip. Ang tanging gusto niyang gawin ngayon
ay ang mailantad ang katotohanan tungkol sa sunod-sunod na natutuklasan niyang mga
nakakahinalang bagay. Hindi pa natataon ang planong pagbabakasyon sapagkat ayaw
niyang mamasyal silang mag-asawa nang hindi panatag ang kanyang kalooban.
"Hon pag-iisipan ko muna. Tatantiyahin ko yung anak mo. Hindi rin kasi ako sanay na
nahihiwalay sa kanya kaya baka hindi rin ako matahimik," maamong tugon niya sa
mister.
"Okay. Pero sabihin mo kaagad ha kapag nakapagdesisyon ka na para maayos ko rin
yung schedule ko sa kumpanya."
"Oo. Pero hon, sa tingin mo ba kailangan talaga natin yun?"
"Didn't you hear what the doctor said? We need to rekindle our passion in the most
romantic ways," nakangising pahayag ni Blake na may kapilyuhan na naman sa mga
mata.
Napangiwi't napailing si Alex sa reaksiyon ng mister. Tatawa-tawang tiningnan niya
ito mula ulo hanggang paa. "Tsk... may kailangan pa bang i-rekindle sayo? Ang bilis
mo ngang lumiyab eh. Kaunting kiskis lang lagablab agad."
Tumawa ng malakas si Blake sa natanggap na komento. "Kaya mahal na mahal kita eh.
You have such a unique way of delivering your compliments for your husband. Pa-kiss
nga." Nang-aakit na kinagat niya ang labi at kinindatan ang misis.
"Nagdadrive ka," kunway pagdadamot ni Alex ngunit sumunod din naman. Siya na mismo
ang kusang lumapit sa asawa upang bigyan ito ng isang madiing halik sa pisngi.
"Hon gusto mo bang dumaan muna tayo sa isang restaurant? Baka nagugutom ka na," ani
Blake.
"Huwag na. Diretso na tayo sa office mo. Saka kailangan ko na ring sunduin ang anak
natin. May appointment ka ba agad sa labas? Tatawagan ko na yung driver upang
tiyaking nasa opisina na yung sasakyan mo."
"No need. My first meeting will be at the office."
Pagdating sa parking lot ng Golden Pacific ay natutuksong sumama si Alex kay Blake
upang harapin ang sekretaryang nakialam sa record ng asawa. Subalit naisip niyang
mas makakabuting komprontahin niya ito kapag wala doon ang mister.
"It's still too early to fetch our daughter. Do you want to stay at my office for a
while?" alok ng lalaki bago bumaba ng kotse.
"Ano namang gagawin ko dun? As if naman ay may maitutulong ako sa trabaho," may
ngiting sambit niya.
"Just stay there and have coffee," sabay lapit ni Blake sa mukha ng babae at
nakangising tinitigan ito." You're asking kung ano ang maitutulong mo? Well, you
help by making me feel better by staying somewhere I can see you," nanunuksong
bulong niya.
Natatawang itinulak ni Alex papalayo ang asawa. "Pwede ba Blake huwag mo na muna
akong landiin! Sige na, pumasok ka na't pupuntahan ko na yung anak mo."
"Bye wifey," pagseseryoso nang paalam ni Blake sabay halik sa misis. "Drop by
somewhere else. At Margareth's bakery or at the mall. Huwag mong masyadong agahan
ang paghihintay sa labas ng school baka may mga nakatambay na naman dung unpleasing
personality," paalala nito bago lumabas.
Bumaba na rin si Alex upang lumipat sa driver's seat at nang magkasalubong silang
mag-asawa ay muli siyang ninakawan ni Blake ng halik sa mga labi.
"Bye sexy," bulong nito.
"Bye Mr. Irrisistible," kunway napapakagat sa labing sagot niya sabay bigay dito ng
pasimpleng tapik sa puwet.
Natatawang sinundan niya muna ng tingin ang papalayong asawa. Nang mawala ito sa
mga paningin ay saka siya pumasok ng kotse. Bubuhayin niya na sana ang makina
ngunit biglang nakuha ang atensiyon niya ng isang magarang sasakyang tumigil sa
harap niya. Bumaba ang pamilyar na mukha ng isang driver at nagmamadaling
pinagbuksan nito ang nakasakay sa likurang upuan. Lumabas si Ms. Chan. Agad na
kumulo ang dugo niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
"Ang lakas ng pang-amoy ng tsekwang ito. Minuto pa lang ang binibilang, alam agad
na naririto na si Blake," gigil na sambit niya sa sarili.
Ibinalik niya ang mga mata sa driver. Naalala niya ang sinabi ng asawa na ito daw
ang nagmaneho sa kanya papuntang hotel. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito.
Ito nga ang lalaking napanood niya sa CCTV ng hotel.
Nang makaalis ng parking lot si Ms. Chan, muling sumakay ang driver sa kotse upang
pumarada. Sinundan niya ito ng tingin. Nang makapag-park ito ay saka naman siya
lumabas ng kotse. Naglakad siya patungo sa nasabing sasakyan. Nang makalapit siya
ay siya namang baba ng driver. May kaangasang tiningnan siya nito ng mabilis.
Pagkuway nagsindi ng sigarilyo at humarap sa ibang direksiyon.
"Excuse me, pwede ba kitang makausap?" aniya sa lalaking nasa edad kwarenta pataas.
Matikas ang pangangatawan nito na batid mong pwede na ring magsilbi bilang
bodyguard ng mga mayayamang katulad ni Ms. Chan.
Lumingon ang driver at kinilatis mula ulo hanggang paa ang babaeng kumakausap sa
kanya. Nakasuot ng puting long sleeve, asul na hapit na pantalong maong at itim na
sapatos na may kataasang takong. Maganda ang mukha, may katangkaran ngunit
balingkinitan ang pangangatawan. Sa wari ng lalaki ay isa ito sa mga empleyada ng
Golden Pacific.
"Anong kailangan mo Miss?" Himihitit pa rin ng sigarilyo ang lalaki.
Tumaas ang kilay ni Alex nang mahalata ang kayabangan sa tono ng kinakausap.
Nilapitan niya ito at nakangising tiningnan ng diretso sa mga mata.
"Gusto ko lang matiyak kung ikaw nga ang driver na naghatid sa asawa ko sa Pan
Pacific Hotel."
Kumunot ang noo ng lalaki sabay tapon nito sa sigarilyo ngunit ibinuga naman nito
ang usok sa direksiyon ni Alex. "Asawa? Sinong asawa ang pinagsasabi mo?"
Humalukipkip si Alex at tumawa ng mahina. "Ang asawa ko? Well, bibigyan kita ng
hint. Siya ang nagmamay-ari ng lugar na kinatatayuan mo ngayon at siya rin ang
tanging dahilan kung bakit pumupunta dito ang amo."
Natahimik ng ilang saglit ang lalaki. Panandaliang nakita ni Alex ang pagkaalarma
sa mukha nito ngunit agad din itong ibinalik sa normal ang reaksiyon. Nakilatis na
agad ng babae na ang kanyang kausap ay hindi lang isang basta-bastang driver kundi
nabibilang ito sa isang security agency at may di pangkaraniwang training para
maqualified bilang bodyguard ng mga taong nabibilang sa matatatas na lipunan.
"K-Kayo ho ba si Mrs. Monteverde?"
"Mismo!" napapapitik ng daliri na sagot ni Alex nang may namimilog pang mga mata.
"Ngayon, naiintindihan mo na ba yung tanong ko kanina?"
"Wala ho akong alam sa tinutukoy niyo," matigas na sagot ng lalaki.
"Tsk,tsk,tsk," napapailing na sambit ni Alex sabay lakad paikot sa kausap. "Maaring
ngayon mo lang ako nakaharap pero siguro naman may mga naririnig-rinig ka na
tungkol sa akin. Tama ba ako? Lalo ka na galing ka sa isang security agency di ba?"
" Alam ko pong dati kayong pulis."
"Tama!" sabay ngisi't palakpak ni Alex. "At sa aming mga pulis. Kapag sa unang
tanong mo pa lang ay nagsinungaling na agad sayo ang tao, alam mo nang may baho
itong gustong itago...Ngayon kung wala kang tinatago, sasagutin mo ng maayos ang
tinatanong ko," ubod ng diing sabi niya.
"Bakit ho ba ako ang tinatanong niyo sa bagay na yan?" palabang sagot ng lalaki.
Napipikong tumawa si Alex. "Nabalitaan mo na ba kung anong klaseng pulis ako?"
"Alam ko ho dahil bago ako pumasok sa pagiging bodyguard, sumubok din akong
magtraining bilang pulis at nasa serbisyo pa ho kayo nun."
"Kung ganun alam mo bang ako yung tipo ng imbestigador na lumalapit lamang sa mga
taong alam kong may mapipiga akong kasagutan. Ikinalulungkot kong sabihin na kapag
nagtanong ako hindi ako pumayag na wala akong mahihitang impormasyon."
"Kahit pagbantaan o paandaran niyo ako ng kayamanan niyo. Hindi niyo ho ako
matatakot," matapang na sagot ng lalaki.
Nagpanting ang tenga ni Alex. Masyado yatang tapat sa amo ang kausap. Mahigpit na
hinawakan niya ito sa kuwelyo. "Sasagutin mo ba ang tanong ko o hindi?" gigil na
ika niya.
"Hindi ko ho kayo papatulan dahil babae kayo. Kahit anong gawin niyo ay wala ho
kayong mahihita sa akin dahil wala akong alam."
Nanggaliti sa galit si Alex sa muling pagsisinungaling ng kausap. "Babae pala ha?!"
Walang kagatul-gatol na sinikmuraan niya ang lalaki. Nang mapabaluktot ito ng
katawan ay mala-kidlat sa bilis na sinipa niya ito sa panga. "Gago! Hindi kita pag-
aaksayahan ng oras kung alam kong wala kang alam?!"
Tumilapon ang driver sa hood ng minamaneho nitong kotse ngunit hindi pa rin
nakuntento si Alex. Idiniin niya ang isang tuhod sa leeg ng lalaking nakandusay sa
kotse habang nanggigil na nakasabunot ang isang kamay sa buhok nito at pilit
pinatitingin sa kanya. "Sinong hindi mo papatulan? Ako? Hah! Bakit sa palagay mo ba
titindig ang balahibo ko sayo?!" Idiniin niya lalo ang tuhod sa leeg hanggang sa
namumula na ang lalaki at halatang nahihirapan ng huminga. "Mamili ka. Magsasalita
ka o ipapatanggal kita sa agency mo! Pulis akong kausap kaya marunong akong tumupad
sa usapan. At kung gugustuhin kong gamitin ang kayamanan ko na sinasabi mo, hindi
na ako magpapakapagod pang gumamit ng ganitong paraan!"
"G-Ga-Ganun din naman yun...p-pag sinagot ko ka-kayo ma-madadamay din ako..." hirap
na hirap na salita ng lalaki.
"Kayang-kaya kong ipakulong ang sinumang nanggagago sa akin. Sa tingin mo lalapit
ako sayo kung wala akong ebidensiya? Pero kong sasagutin mo ng maayos ang mga
tanong ko, palalampasin kita at kakalimutan natin pareho na nagkita tayo ngayon,"
namumula sa galit na pahayag ni Alex.
"M-Ma-magsasalita na ako," ani ng lalaking noon ay di lamang namumula kundi
lumalabas na rin pati mga ugat sa noo.
Saka lamang binitawan ni Alex ang lalaki at tinanggal ang pagkakadiin ng tuhod sa
leeg nito. Napaubo ang driver at pagkuway paulit-ulit na huminga ng malalim habang
hinahaplos-haplos ang leeg.
"Subukan mong gaguhin ako. Bago ka bumagsak ng kulungan ay madi-detain ka muna sa
hospital!" banta ni Alex.
"A-Ano po bang mga itatanong niyo?" hirap na bigkas ng lalaki.
Tumayo ng tuwid ang babae at nakahalukipkip na tumingin sa kausap na noo'y
napapaupo sa hood ng kotse dahil sa sinapit na sakit sa pangangatawan. Noon lamang
napagtanto ng driver na kahit patulan niya ang kaharap ay hindi siya tiyak kong
mananalo siya dito. Nagtataka siya kung saan nito hinugot mula sa balingkinitang
katawan ang kakaibang lakas.
"Ikaw ang naghatid sa asawa ko sa hotel hindi ba?"
"O-Oho. Ako nga."
"Kasama ba ang amo mong dalaga sa paghahatid?"
"Ma'am hindi ho ba problema niyo na yang mag-asawa?" apela ng lalaki.
"Kasasabi ko lang na huwag mo akong gagaguhin!" nangangalit ang mga pangang bigkas
ni Alex.
"Kasama ho."
"Anong nangyari sa kotse habang magkasama sila?"
"Ma'am naman..."
"Ano sabi?!"
"Medyo alam niyo na... "
Bumilis ang kabog ng dibdib ni Alex sa narinig. "Anong alam mo na! Linawin mo!"
"Y-Yung may kaunting lambingan...at....hindi ko na ho idedetalye dahil masasaktan
lang kayo. Pero ang pinagtataka ko lang ay ang pangalang Alex ang paulit-ulit
niyang tawag kay Ms. Chan... di ho ba kayo yung Alex?"
Napanganga si Alex. Parang mayuyupi ang mga tuhod niya sa biglang panghihina.
Ngayon, kompirmado niya ng may nakaambang ngang problema sa kanilang mag-asawa.
Nanginginig ang kanyang mga kalamnan sa pangamba sa mga susunod na mangyayari.
Matindi ang takot na nararamdaman niya sa mga naglalaro sa kanyang isipan. Kung may
nangyaring ganito sa kotse, ano pa kaya sa loob ng hotel?
"Bakit ikaw ang inutusang magcheck-in ng singkit mong amo?" nagtatapang-tapangang
tanong niya upang huwag ipahalata ang panghihina.
"Hindi ko rin ho alam. Pero sa tingin ko ay para maiwasan itong mapag-usapan lalo
na't may asawa si Mr. Monteverde at dalaga naman si Ms. Chan."
"Pero sumunod siya sa kuwarto di ba?"
Nagulat ang driver. Nagtaka ito kung paano nalaman ng kausap ang tungkol dito. "O-
Oho. Ang sabi niya'y titingnan niya lang daw ang kalagayan ni Mr. Monteverde."
"Bahagyang nagtagal siya dun hindi ba? Sa tingin mo ano ang nangyari sa kanila? May
narinig ka ba mula sa malandi mong amo?"
"Wala ho. Simula po nang bumalik siya sa kotse, tahimik na lang siya."
"Nung tinatawag siya sa pangalan ko ng aking asawa, hindi man lang ba nagtaka ang
amo mo?"
"Hindi ko po masabi kasi kahit hinahalik-halikan siya ni Mr. Monteverde at
tinatawag na Alex o di kaya'y honey, hindi naman po siya tumututol."
Nagngitngit sa galit ang mga ngipin ni Alex sa narinig. Napakuyom ulit siya ng mga
kamao dahilan upang muling mangamba ang lalaki nang makita ang mga ito.
"Anong oras kayo pumunta sa lugar kung saan nalasing ang asawa ko?"
"Mga ala-una ho."
"Sadya bang pumunta kayo doon dahil kay Blake o may iba pang rason?"
"Para sunduin ho ang asawa niyo. Tinawagan ho kasi ni Mr. Collantes si Ms. Chan na
lasing na lasing na si Mr. Monteverde."
Nahinto sa pagtatanong si Alex naalala niya ang sinabi ng asawa na pumunta doon ang
dalaga para sunduin ang investor. Kung ganu'y pati kay Blake ay sadyang
nagsisinungaling din ang babae. Agad niya ring pinagdudahan si Mr. Collantes. Bakit
kailangang si Ms. Chan ang tawagan nito kung nalasing man si Blake? Mas nakatataas
ang babae sa architect hindi ba medyo wala sa lugar na inuutusan ng empleyado ang
kanyang amo na sumundo ng isang lasing? Napangisi siya sa isipan sa mga
natutuklasan, mukhang habang dumadaan ang araw ay may sumusulpot na bagong galamay
na dapat niya munang putulin bago harapin ang pinakautak ng lahat.
"May itatanong pa ho ba kayo," tanong ng driver nang medyo manahimik si Alex ng
ilang saglit.
"Wala na."
"Ma'am aasahan ko po yung pangako niyong hindi niyo ako idadamay."
"Hindi ako marunong sumira sa pangako."
Bago umalis ay tiningnan muna ni Alex ang bahagyang nayuping hood ng kotse at ang
duguang gilid ng labi ng driver.
"Kapag nagtanong ang amo mo kung anong nangyari, huwag mong kakalimutang sabihing
kagagawan ito ng taong binabangga niya," madiing bilin niya bago tumalikod nang may
matatapang na mga paningin.

=======================

[17] Fear Awaits You

****
"One hundred ninety eight... one hundred ninety nine....two hundred!"
Tuwang-tuwa si Cassandra habang binibilangan ang inang nagsisit up. Nakaupo siya sa
mga paa nito at nakaakap sa mga hita.
"Two hundred-" nawala siya sa pagbibilang. "Mom, I can't count properly from two
hundred onwards. Can I start again at number one?"
"Okay," tipid na sagot ni Alex na may sariling bilang sa kanyang isipan.
"One...two...three.." Pinipindot-pindot ni Cassandra ang tiyan ng nanay. "Aw Mom!
Ang tigas ng tummy niyo...Four...five...six." Tumayo siya nang magsawa sa kakaakap
sa mga hita ng ina pero tuloy pa rin sa pagbibilang. "Seven...eight... Mom can I do
it too?"
"Sure."
Nahiga siya at kinopya ang ginagawa ng magulang. Inilagay niya rin ang mga kamay sa
ilalim ng ulo at sinubukang iangat ang katawan. "M-Mom this is too h-hard..."
Nakaangat siya ng isa at sumubok ulit. "Ouch! T-This is painful."
Huminto siya at bumangon. "This is hard I better try the one you did earlier."
Dumapa siya sa exercise mat at itinuon ang magkabilaang kamay. "This is what they
called push up Mom, right?" Sumubok siya ng isa ngunit hindi niya maiangat ang
balikat. "Ouch this is more difficult!"
Tumayo siya saka muling naupo't umakap sa mga hita ng nanay. Bumalik na lamang siya
sa pagbibilang. "One, two, three..."
Tumigil si Alex.
"Huh? Are you done Mom?" sabay alis ni Cassandra sa pagkakaupo sa paa ng ina.
"Yes," tumatayong sabi ni Alex sabay kuha sa tuwalyang nakasabit sa treadmill at
pinahiran ang pawisang katawan. "Let's go anak. It's time to prepare for school."
Masiglang sumunod si Cassandra na sa mga sandaling iyon ay punumpuno ng paghanga sa
ina dahil sa katatapos lang masaksihan na ginawa nito. Hawak kamay silang naglakad
habang maya't maya niyang tinitingala ang nanay. "Mom I didn't see you do those
kind of exercise before. Usually you just run on the treadmill."
"Mom used to do it regularly but not until I got pregnant with you," pag-amin ni
Alex.
"Wow! But Mom di po ba only tough men can do those difficult workouts?"
Ngumiti si Alex at tinapik sa ulo ang anak. "Women can do it too."
"Can I do it when I grow up?"
"Yes."
"Hindi kayo magagalit?" taka ng bata.
"Bakit naman magagalit si Mommy eh ang exercise ay ginagawa to have a healthy and
fit body," nakangiting sagot ni Alex.
"I just realized Mom that you're very strong," puri ng bata.
"Mom needs to be strong for you and for Dad," seryosong sagot ng ina.
Ngumiti si Cassandra. "I know that you really really love us. That's why Dad and I
love you too. Our love for you reaches up to the sky!"
Tumawa si Alex at ginusot ang buhok ng bata. "Asus ang aga-aga mambola ng anak kong
maganda!"
Pagdating sa kuwarto ay naabutan nila si Blake na kalalabas lamang ng shower.
Nakatapis ito ng tuwalya at nagpupunas ng basang buhok. Nagtaka ito nang makita ang
asawang nakasuot ng cycling shorts, midriff at rubber shoes habang nangingintab pa
sa pawis ang katawan.
"Dad! Mom is incredible! She did hundreds and hundreds and hundreds of sit ups and
push ups!" medyo eksaheradang balita ng bata nang may namimilog na mga mata habang
minumwestra paikot ang kanyang mga braso.
Nilingon ni Blake ang asawa. Napakunot siya ng noo. Nakakapanibago na harap-
harapang pinapanood nito kay Cassandra ang isang parte ng itinatago nitong
personalidad sa kanilang anak.
"Exercise lang to," malumanay na kusang sagot ng misis nang mabasa ang nagtataka
niyang hitsura.
"You can still do those things?"
"Oo pero hindi na gaya ng dati. Two fifty sit ups at one hundred push ups na lang,"
kaswal na sagot ng babae habang naghuhubad ng sapatos. "Sa palagay ko kailangan ko
ng bumalik sa regular kong workout dahil medyo bumibilis na ang pagsikip ng mga
damit ko. Kailangang maibalik ko yung four hundred at two hundred counts."
Napakibit na lamang ng mga balikat si Blake. Kunsabagay mas gusto niya ito dahil
bukod sa para na rin ito sa kalusugan ay mami-maintain pa rin ng asawa ang
kaseksihan nito.
"Kaya lang simula ngayon ay hindi ko na kayo regular na maipaghahanda ng breakfast.
Maids will do it instead," pahayag ni Alex sa magtatay.
"Well, that's not a problem to me," ani Blake. "How about to you Cassie?"
"Not a big deal! Basta para maging sexy at strong si Mommy. I'll go for it!"
napapathumbs up pang sagot ng bata at pagkuway sabay silang tumawang magtatay.
Nakitawa na rin si Alex pero unti-unti siyang nagseryoso habang pinagmamasdan ang
masayang mag-ama. Naalala niya ang mga nangyayaring siya pa lamang ang nakakaalam.
Hinding-hindi niya hahayaang may sisira sa masasayang ngiti ng kanyang pamilya. Sa
halip ay siya ang tatanggal sa mga ngiti ng taong nagbabantang sumira sa kanila.
"Let's take a bath now Cassie," aya niya sa anak. "By the way hon, may mga meetings
ka ba sa labas ngayon?" tanong niya sa asawa bago tumungong banyo.
"I think I have two to three meetings. Why? Are you planning to drop by?"
"Andoon ka ba ng lunch time? Magdadala kami ng pagkain sabay-sabay na tayong kumain
sa office mo." Nag-iisip si Alex ng dahilan para makapunta sa Golden Pacific
sapagkat batid niyang hindi rin naman siya makakatuntong doon nang hindi malalaman
ni Blake. Iniiwasan niyang magtaka ang asawa sa mga ikikilos niya.
"I'm not really sure but if that's what you want babalik ako ng office by twelve."
"Okay. Pupunta kami doon."
Pumasok ang magnanay sa banyo samantalang naiwan namang nagtataka si Blake.
Bibihira ang pagkakataong naiisipan ng asawa na mananghalian sila ng sabay-sabay sa
opisina. Ginagawa lang ito dati ng babae kapag may bago itong lutong recipe at di
makapaghintay na ipatikim sa kanya.
-----
Pasimpleng ni-lock ni Alex ang pinto ng CR pagkalabas ng isang empleyada.
Sinigurado niya munang sila na lang ng taong pakay ang naroroon sa loob ng banyo
bago ito isarado. Tinabihan niya ang sekretaryang si Kaye Miranda sa lababo na noon
ay nananalamin at nagre-retouch ng makeup. Kunway nagpahid din siya ng lipstick
habang patay malisyang pinagmamasdan ang babae. Dalaga pa ito at hindi ito nalalayo
sa edad ni Ms. Chan. Mahigit limang taon na ito bilang sekretarya ni Blake at di
niya lubos maisip na magagawa nitong ipagkanulo ang kanyang mister.
Nginitian siya ng babae at magalang na yumukod. Ginantihan niya rin ito ng tipid na
ngiti habang pasimpleng inoobserbahan mula ulo hanggang paa. Naka-bag ito ng bagong
labas na Gucci at batid niyang hindi ito immitation. Nakasuot ito ng sapatos na
hindi basta-basta at pati damit nito'y halatang branded.
"Ang ganda ng bag mo. Saan mo nabili yan? Matagal na akong naghahanap niyan kaya
lang laging out of stock ang mga pinupuntahan kong boutiques," nakangiting sabi
niya.
"Inorder ko po ito online. Medyo matagal-tagal rin ho bago ko ito natanggap dahil
limited nga po ito," proud na sagot ng sekretarya.
"Kung di ako nagkakamali'y umaabot ng more or less one hundred fifty thousand pesos
ang bag na iyan. Sa sweldo ng isang empleyadang gaya mo, mukhang masyado kang
matipid sa ibang bagay para lamang pagkagastusan ang isang bag na gaya niyan."
Natigilan ang empleyada at halatang nakuha nito ang laman ng sinabi niya.
"R-Regalo lang ho ito sa akin. S-Saka immitation lang ho ito," biglang pagbago nito
sa unang pahayag.
Ngumisi siya at kalmadong ibinalik ang lipstick sa kanyang bag. Pagkuway tiningnan
niya ng diretso sa salamin si Ms. Miranda. "May kinalaman ba ang mga mamahalin mong
gamit sa pagnakaw mo sa medical records ng asawa ko?" wala ng paliguy-ligoy pang
tanong niya.
Unti-unting namutla ang babae at agad nitong ibinalik ang nakalabas na makeup pouch
sa bag. "H-Hindi ko ho maintindihan ang sinasabi niyo. Sige po mauna na ako,"
nagmamadaling paalam nito.
Bago pa makahakbang ang sekretarya ay madiing hinawakan ni Alex ang braso nito.
"Saan ka pupunta?" gigil na sabi niya.
"Aray ko po Ma'am!" nakangiwing daing ng babae.
"Diin pa lang yan. Ngayon huwag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita kundi
dudurugin ko tong braso mo!"
Tinulak niya ang babae at tumama ito sa pinto ng cubicle. Nakangisi't naniningkit
ang mga matang lumapit siya sa takot na takot na hitsura nito.
"Ma'am Alex huwag po. Wala po akong alam sa sinasabi niyo!" pagmamakaawa nito.
"Hindi mo alam pero wala pa man akong gaanong sinasabi ay namumutla ka na!" sabay
sipa niya sa pinto ng cubicle. Napatili't napaiktad ang babae sa takot.
"Sino ang nag-utos sayong kunin ang records ni Blake sa hospital?" nanlalaki ang
mga matang tanong niya.
"W-Wala po akong kinukuhang records Ma'am Alex... g-gamot lang naman po ni S-Sir
Blake ang kinukuha ko dati sa hospital," nanginginig na tanggi ng babae.
Nagtitimping bumuntong-hininga si Alex. "Sige. Iibahin ko na lang ang tanong...
Kanino mo ibinigay ang medical records ng asawa ko?" kunway may lambing na tono
niya.
"W-Wa-wala po akong pinagbibigyan Ma'am..."
Biglang hinablot niya uli ang braso ng tumatanggi pa ring babae.
"Eeeeei! Huwag po Ma'am! Parang awa niyo na po, huwag niyo po akong sasaktan!"
Nagngingitngit ang mga ngiping pinandilatan niya ang sekretarya. "SAGUTIN MO ANG
TANONG KO KUNDI BAGO KO SIRAIN YANG CAREER MO AY SISIRAIN KO MUNA YANG PAGMUMUKHA
MO!" labas ang litid sa leeg na sigaw niya sabay amba niya ng kamao sa babae.
"Eeeeeeiii! Si Ms. Isabelle Chan po!" agad nitong pag-amin habang napapapikit sa
takot dahil sa inaakalang dadapong suntok sa kanyang mukha.
Ibinaba ni Alex ang kanyang kamay at binitawan ang empleyada. Tinitigan niya ito
nang may di makapaniwalang mukha. "Paano mo nagawa to? Sa kabila ng kabaitang
ipinakita ko sayo at pagtrato sayo ni Cassandra na parang isang Tita tapos nagawa
mo kaming traydurin! Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay pwedeng masaktan ang anak
ko!... Tandaan mo kapag nasira ang pamilya ko ng dahil sa kagagawan mo, sisirain ko
rin ang buhay mo!"
Dahan-dahang nangilid ang mga luha ng sekretarya. "Hindi ko po kayo maintindihan at
hindi ko rin po alam kung ano ang nangyayari pero kung anuman yun, humihingi po ako
ng tawad. Nagpadala po kasi ako sa pera at mga materyal na alok ni Ms. Chan,"
malumanay at mangiyak-ngiyak na salita nito.
"Bakit nauwi ang lahat sa pagnanakaw mo ng record ni Blake sa hospital?" matapang
pa rin pero kalmado ng tanong ni Alex.
"T-Tinanong po kasi ako ni Ma'am Isabelle tungkol sa mga tinatagong lihim ni Sir
Blake. N-Noong una'y wala po talaga akong balak pagbigyan siya at gusto ko pa nga
pong isumbong kay S-Sir Blake.K-Kaso inatake po sa puso ang nanay ko." Biglang
humaguhol ng iyak ang babae. "K-Kinailangan ko po ng malaking pera para sa
operasyon niya. A-At sinagot yun lahat ni Ma'am Isabelle kaya napilitan na akong
sundin ang gusto niya...."
"S-Sinabi ko po sa kanyang wala akong ibang alam na sekreto maliban sa dating
pagpapagamot ni Sir Blake na kahit ako nga rin po ay hindi alam kung ano nga bang
naging sakit niya. A-At dahil dito'y inutusan niya akong mag-isip ng paraan para
makuha ang medical records ni Sir. Simula noo'y nireregaluhan niya na po ako ng mga
mamahaling gamit para manatili akong tapat at sunud-sunuran sa kanya..."
"Bakit interesado ang babaeng yun na malaman ang mga sekreto ng asawa ko?"
Takot na tumingin si Ms. Miranda sa matatapang na mga mata ni Alex. "Hindi niya po
sinabi p-pero nauunawaan ko na po kahit di niya sabihin. Kagaya ng maraming mga
kababaihan, dama kong isa rin siya sa mga nagkakagusto kay Sir Blake."
"Alam mo ba kung saan niya planong gamitin ang medical records?"
Umiling ang sekretarya. "Pero ipinangako niya sa aking wala siyang balak na sirain
ang Golden Pacific at yun ang pinanghawakan ko."
"Nabasa mo ba ang files na kinuha mo?"
"Hindi po."
"Yung totoo!"
Muling nanginig sa takot si Ms. Miranda. "Hindi po ako nagsisinungaling. Ibinigay
ko po yung envelope sa kanya na nakaselyado pa," mabilis na paliwanag nito.
Bumuntong-hininga si Alex at nakahalukipkip na nagpalakad-lakad sa harap ng
ginigisang babae. "Natatandaan mo ba ang birthday ni Mr. Collantes?" tanong niya.
"Oho."
"May iniutos ba sayo ang singkit na higad nung araw na yun?"
Nag-isip muna ng ilang saglit si Ms. Miranda at inalala ang mga pangyayari. "May
iniutos po siya pero iniutos niya ito bago po dumating yung birthday ni architect.
Sabi niya siguraduhin ko daw na puno ang schedule ni Sir Blake sa mismong araw ng
birthday ni Mr. Collantes. Yung tipong pagod ito pagdating ng gabi at matutuksong
uminom at magrelax."
"May nabanggit ba siya na nangyari nung gabing yun?"
"Wala po." Biglang nanlaki ang mga mata ng sekretarya sa naisip. "M-Meron ho bang
nangyaring hindi maganda?" Agad na lumuhod ito sa harap ni Alex. "Patawarin niyo po
ako. Kahit alam kong may gusto si Ma'am Isabelle kay Sir Blake hindi ko po iniisip
na may mangyayaring mali dahil alam ko naman po kung gaano kayo kamahal ni Sir.
Sorry po."
Bumuntong-hininga si Alex at tiningnan ang empleyadang humihingi ng tawad.
"Mapapatawad kita sa paraang kakalimutan kong pwede kitang ipakulong dahil sa
nagawa mong kasalanan. Ililihim ko rin sa buong kumpanya na may isang taksil na
empleyadang nabibili ng pera at mga materyal na bagay.... Pero makinig ka sa
sasabihin ko at susundin mo ito. Gusto ko pagbalik na pagbalik mo ngayon sa mesa mo
ay gumawa ka ng resignation letter at ibibigay mo ito sa asawa ko. Huwag na huwag
ka na uling magpapakita sa akin dahil baka sa susunod hindi kita matantiya kapag
naalala ko ang ginawa mo. Naiintindihan mo?!"
Nagmamakaawang kumapit sa hita ni Alex ang babae. "Huwag naman po Ma'am Alex.
Kailangan ko ng trabaho.... inaasahan po ako ng pamilya ko."
"Malaya kang maghanap ng trabaho huwag lang dito. Ayokong may umaaligid-aligid na
traydor sa paligid ng asawa ko," matigas na salita ni Alex sabay tinanggal ang
pagkakahawak ng sekretarya sa hita niya.
"Parang awa niyo na po Ma'am...Maawa po kayo."
Ngumisi si Alex. "Isa akong dating pulis. Sa tingin mo nadadala ako sa
pagmamakaawa? Kung ganun naman pala'y sana lahat ng nahuhuling kriminal ay
nagmamakaawa na lang para mapalaya. Ang kasalanan ay kasalanan. Sa ayaw at gusto
mo'y dapat mo itong pagbayaran."
Dinampot niya ang dalang bag at iniwan sa banyo ang umiiyak at nakaluhod pa ring
empleyada. Nang makalayo'y inilabas niya ang itinagong recorder sa bulsa ng suot na
long sleeve. Ngingiti-ngiti niya itong pinakinggan. Nang makasiguradong malinaw ang
lahat ay inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Balatbat.
"May ibibigay ako sayong pangalan. Architect to ng ginagawang joint project ng
Hexagon at Golden Pacific. Kalkalin mo ang pagkatao nito. Pasundan mo at maghanap
ka ng anumang bahong pwedeng ipanakot," ngingisi-ngising utos niya. "Pag nakahanap
ka'y magkita agad tayo dahil meron tayong isang exciting na larong sasalihan."
Pagkababa niya ng telepono ay siya namang daan ng kadarating lamang na asawa kasama
ang mga ilang tauhan. "Hon what are you doing here in the hallway?" tanong nito.
"Ah... galing akong CR."
"Where's Cassie?"
"Andun naglalaro sa office mo." Ngumiti siya't malambing na kumapit sa braso ng
lalaki. "Nagugutom ka na ba? Halika, nakahanda na yung dinala kong mga pagkain,"
masiglang sabi niya nang may maaliwalas na mukha.

==============================
[18] The Need To Be Mean

*****
Sa labas ng eskwelahan ni Cassandra, nagsisenyasan sina Alex at Melchor sa
pamamagitan ng mga mata't nguso. Hindi kasi makaporma ang nasabing pulis dahil
kasama nito sina Inspector Aldovar at dalawa pang mga kabaro. Hindi ito makaalis sa
pwesto dahil may natanggap silang tip na magpapakita ang mga inaabangang kriminal.
Nagkataon namang hawak na ni Melchor ang balang ipantatapat nila kay Mr. Collantes
kung kaya't di na makapaghintay si Alex na makausap ito.
Maya't mayang nginungusuan ni Alex ang SP02 upang palapitin ito at kausapin sa loob
ng kanyang sasakyan subalit umiiling lamang ang pulis at inginunguso rin ang mga
kasamahan. Pinahihiwatig nito sa babaeng ipagpaalam siya sa inspektor.
Walang nagawa si Alex kundi ang lumapit kay Brandon na noon ay seryosong
nagmamanman at nakatayo sa labas ng kotse. Siya na lamang ang gagawa ng paraan para
makausap si Balatbat.
"Inspektor Aldovar," nakangiti't nakapamulsang tawag niya sa binata.
"Ma'am Alex-" lingon sa kanya ng inspektor.
"Mukhang seryosong-seryoso ka ata ngayon," komento niya.
"Code 35," maiksing sagot sa kanya ng lalaki nang may tipid na ngiti habang
palinga-linga sa paligid.
Naintindihan niya ang sinabi ng inspektor na ang ibig sabihi'y naka red alert ang
mga ito. Sa nalama'y batid niyang impossible nang makausap nang maayos si Balatbat
kung kaya't ang gusto niya'y makuha na lamang ang dapat nitong ibigay sa kanya.
"Pwede ko bang istorbohin saglit si SP02 Balatbat?" paalam niya.
Ilang saglit na nag-alinlangan si Brandon ngunit hindi niya rin natiis ang babaeng
may naglalambing na mga ngiti. "Go ahead... but we can't relax, you know."
"Alam ko. Mabilis lang ito."
Tumango ang binata at inginuso ang direksiyon ng SP02 na noo'y nakatayo malapit sa
katabing nakaparadang sasakyan.
"Salamat," ani Alex sabay lapit agad kay Melchor. Kung pangkariniwang sibilyan lang
siya ay diretso niya ng lalapitan si Balatbat kaso bilang dating pulis alam niya
ang protocol at kailangan niyang irespeto ang trabaho ng mga ito lalo pa't naka-red
alert.
"Akin na," lahad niya agad sa palad.
Dumukot si Melchor sa loob ng kanyang jacket at iniaabot sa kanya ang isang puting
sobre. "Madam Kap di pa tayo fully paid sa detective natin ha," paalala ng pulis.
"Oo na! Ikaw talaga pera na lang lagi ang unang lumalabas diyan sa bibig mo!"
nakita ni Alex na napalingon sa kanila si Brandon kung kaya't patay malisya niyang
isiniksik sa likurang bulsa ng pantalon ang envelope. "Sige na at mukhang istrikto
ang timpla ng boss mo ngayon," biglang hinang sabi niya. "Tawagan mo ako pag tapos
na kayo."
"Yes Madam Kap!" sumasaludo pang paalam ni Balatbat.
"Salamat Inspektor!" pahayag ni Alex sa opisyal bago bumalik sa pinagkakaparadahan
ng kanyang kotse. Sinagot lamang siya nito ng simpleng ngiti't tango.
Bumalik siya ng sasakyan at di makapaghintay na binuksan ang sobre. Napangisi siya
nang makita ang laman nito. Litrato ito ni Mr. Collantes na may kalampungan na
isang bata, maganda't seksing babae sa harap ng isang town house . Inisa-isa niya
ang mga larawan. Kuntento siya sa mga kuha sapagkat klaradong-klarado ang mukha ng
dalawang kinukunan.
"Kaya naman pala sinusuportahan mo ang kalandian ng amo mong singkit dahil malandi
ka rin," ngisi niya.
Tumigil siya sa pag-usisa sa mga litrato nang may kumatok sa bintana ng sasakyan.
Nagulat siya nang makita ang anak. Bigla siyang nakonsensiya na nakalimutan niya
ito. Dali-dali niyang inilagay sa bag ang mga larawan. Bumaba siya para alalayan
ang bata at isinakay ang mga gamit nito.
"Sorry anak. Naghintay ka ba sa gate?" wika niya nang muling makaupo sa manibela.
"A little, but it's okay Dominic stayed and chatted with me. I saw you here and
looks like you were reading something kaya ako na lang po ang lumapit," sagot ng
bata. "Ano po ba yung binabasa niyo?"
"Ah... yung mga prescriptions ng doktor kay Grandpa Henry."
"Are we going to drop by at the drugstore?" maaliwalas ang mukhang tanong ng bata.
"Bukas na lang pagkatapos kitang maihatid hindi pa naman ubos ang mga gamot ni
Lolo."
Napatingin si Alex sa gate. Natanaw niya ang kaibigan ng anak na inaakay ng yaya sa
pagtawid patungo sa nakaparadang sasakyan sa kabilang kalsada. Napansin niyang
nagsipasukan na sa kotse ang mga nagmaman na mga pulis at sinundan ng mga ito ang
sinasakyan ng bata. Dahil sa nasaksihan, kumpirmado na siyang si Dominic nga ang
pakay ng mga kidnappers. Napatingin siya sa anak hanggang sa unti-unti siyang nag-
alala. Plantsado kaya ang plano ng team ni Inspektor Aldovar? Paano pag magkagulo
at manlaban ang mga kriminal doon mismo sa harap ng eskwelahan? Paano pag madamay
ang anak niya?
Napakurap at napailing siya. Hindi siya makapaniwalang sa isang punto ng buhay niya
ay pinagdudahan niya ang kakayahan ng mga kabaro. Ano bang tumatakbo sa kanyang
isipan? Nawawalan na ba siya ng kumpiyansa sa trabahong kanyang pinagmulan?
Napatingin ulit siya sa anak. Siguro ay normal lang na mag-alala siya dahil maaring
nanalantay pa rin sa dugo niya ang pagiging pulis ngunit mas higit nang nanalantay
sa pagkatao niya ngayon ang paggiging isang ina.
"Mom hindi pa po ba tayo aalis?" wika ng bata.
Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip. "Eto na anak aalis na tayo," sabay
takbo ng kanilang sasakyan.
"Cassie simula ngayon ay iwasan mo muna si Dominic," diretsong utos niya sa
katabing anak na noo'y kumakanta-kanta pa.
Napatingin agad si Cassandra sa kanya at naglaho ang sigla sa mukha nito. "What are
you trying to say? Y-You mean he can't be my friend anymore?"
"Just temporarily. Don't play with him at lalong-lalong iwasan mong sumabay sa
kanya sa paglabas ng school."
Unti-unting dumungaw ang mga luha ng bata. "But why Mom? He didn't do any mistake?
Ang bait-bait nga po niya sa akin eh. We never fight."
"I can't tell you the reason at kahit sabihin ko pa hindi mo rin maiintindihan,"
napapabuntong-hiningang bigkas niya.
Biglang pumalahaw ng iyak si Cassandra.
"Cassandra stop crying! Mom is driving," tarantang wika niya.
"You're bad, Mommy! You want me to stay away from my only friend in school!"
patuloy na iyak ng bata.
Itinabi ni Alex ang sasakyan para magpaliwanag ng mabuti. Pinahid niya ang luha ng
anak at ngumiti. "I'm sorry Cassie. I know mom may sound cruel now but I'm just
thinking about your safety. Staying close to Dominic these days may put you in
danger."
Humina ang pag-iyak ni Cassandra at humihikbing tumingin sa kanya. "Dominic is not
dangerous. He didn't hurt me or tease me even once unlike other bully boys!"
"I'm not saying that he is the one who's dangerous. All I'm saying that maybe
because of him a dangerous situation will come unto you," mahinahong pagpapaliwanag
niya habang hinahaplos-haplos sa ulo ang anak.
"I still don't understand you," humihikbi pa ring sambit ng bata.
"Alam ko na hindi mo pa ako maiintindihan. That's why just listen to me, okay? Wala
namang ibang gusto si Mommy kundi maging masaya ka but most of all I want you to be
safe." Namilog ang mga mata ni Alex nang may maisip na solusyon para mabawasan ang
kalungkutan ng anak. "If you're worried na wala kang makakalaro then how about from
now on we'll regularly visit your Tita Margareth's place?" pahayag niya nang may
malaking ngiti.
Tumigil sa pag-iyak si Cassandra at ilang saglit na nanahimik. Halatang pinag-
iisipan nito ang sinabi ng ina. "But Harry doesn't like me," mahina't matamlay na
usal nito.
"Of course Harry likes you!" masiglang tugon ni Alex. "Yes you fight but that
doesn't mean you're not friends. Alam mo ba na minsan kung sino pa yung madalas
mong kaaway ay siya ang mas totoong kaibigan. Harry is like a big brother so I'm
sure he likes you being around," pampalubag-loob pang dagdag niya.
Hindi na sumagot pa ang bata. Humalukipkip ito at matamlay na ipinaling ang ulo sa
labas ng bintana. Hinayaan na lamang ni Alex ang pananahimik nito at muling
pinatakbo ang sasakyan. Ang mahalaga'y hindi na ito umiiyak.
Nanatiling malungkot at walang imik si Cassandra sa buong biyahe. Pagdating sa
kanilang garahe'y bumaba agad ito at diretso lakad papasok ng bahay nang hindi man
lang hinintay ang kanyang ina. Nang tinawag ito ni Alex ay hindi man lang ito
lumingon sa halip ay tumakbo pa ito.
"Aba't tingnan mo itong batang to!" nakapamewang na sambit ni Alex habang tinatanaw
ang papalayong anak. Susundan niya na sana ito ngunit siya namang tawag ni Balatbat
sa kanyang cellphone. Agad na nabuhay ang dugo niya at dali-daling kinalkal sa bag
ang itinagong mga larawan.
"O anong nangyari sa lakad niyo? Nagparamdam ba ang mga kriminal?"
"Wala Madam Kap! Negative mukhang peke na naman ang natanggap na tip!"
"Siguro naman alam mo na ngayon kung sino yung batang binabantayan niyo," asar niya
sa kausap.
Tumawa ng malutong ang pulis. "Siyempre naman. Naka-red alert na itatago pa ba nila
sa akin? Pero Madam Kap alam kong curious ka na naman kaya ngayon pa lang ay
pangungunahan na kita na kahit pitpitin mo ang dila ko, hindi ko sasabihin sayo
kung sino ang batang yun," may kaangasang tono nito.
"Ugok! Sa tingin mo ba hindi ko pa alam? Ikaw lang naman tong tutulog-tulog lagi sa
kangkongan!" nakaingus na wika niya.
"Huh? Paano niyo nalaman may nag-leak ba ng impormasyon sa isang outsider na gaya
niyo?"
"Kailangan pa bang may magsabi sa akin kung araw-araw naman ay nasa eskwelahan ako?
At saka anong outsider ang pinagsasabi mo?!" kunway galit na tono niya.
"Outsider naman talaga kayo...kung gusto niyong maging insider balik kayo sa
pagkapulis. Maganda yun...ang pagbabalik ni Alexandra The Great!"
"Ipagpaalam mo ako kay Blake," kaswal at mabilis na sabi niya.
"MADAM KAP!" biglang sigaw ng SPO2. "Ano ba talaga ang pag-uusapan natin yung
tungkol sa kaso nung bata o yung kay Mr. Collantes?" naggagalit-galitang wika nito.
Tiningnan muli ni Alex ang mga hawak na larawan at saka unti-unting nagseryoso.
"Anong background ng babaeng ito?"
"Kolehiyala yan. 4th year sa St. Paul. Ang bagsik ng Collantes na yan, bigatin! Pa-
tuiton na, pabahay pa at may pangkabuhayang showcase pa! Mayaman. Kunsabagay
architect naman eh lalo pa ng isang malaking kumpanya," komento ni Balatbat.
"Eh yung address nitong Mr. Collantes natunton mo ba?" nakataas ang kilay na tanong
ng babae.
"Naman! Address lang mahihirapan pa ba ako dun?"
"Yung social life nang babaeng ito?"
"Active. Halos gabi-gabi sa disco. Sagana sa allowance," walang hinga-hingang sagot
ng pulis.
Ngumiti ng nakakaloko si Alex. "Kung ganun dating plano pa rin. Maghanap ka ng
saksakan sa guwapong lalaking siguradong hindi matatanggihan ng babaeng ito.
Bayaran mo kahit magkano at siguraduhin mong magkikita sila sa bar na tinatambayan
ng babaeng to."
"Si Sir Blake pwede ba? Hindi tatanggihan ng sinumang babae yun?" hirit ni Melchor.
Agad na tumulis ang nguso ni Alex. "Pasalamat ka nasa telepono ka kundi may batok
ka na naman sa akin ngayon!"
"Kaya nga simula ngayon sa telepono na lang ako makikipag-usap sa inyo. Ang laki ng
advantage. No harmful effects!"
"Puro ka biro! Sige na't aasikasuhin ko pa yung nagtatampo kong anak. Bye!"
"Bye. Madam Kap! See you soon!"
Inabutan pa ni Blake ang pagtatampo ni Cassandra. Nang dumating ang ama'y wala ang
bata sa kuwarto ng mga magulang. Pagkadating galing eskwelahan ay tumabay na lamang
ito sa kuwarto ng kanyang Lolo Henry.
"Where's our daughter?" taka ni Blake habang hinuhubaran ng coat ng misis.
"Nasa lolo. Nagtatampo. Kanina pa ako iniiwasan," sagot ni Alex.
"What's the reason this time?" Nakakunot ang noong tanong ng lalaki.
"Sinabi ko kasing layuan niya muna ang kaibigang si Dominic dahil may nalaman akong
isang bagay na hindi makakabuti sa kanya."
"Anong nalaman mo?"
Natigilan si Alex at kunway agad na umarteng walang narinig. Nagseryoso siya sa
pagtatanggal ng necktie ng asawa. Kahit wala na siya sa serbisyo ay ginagalang niya
pa rin confidentiality ng bawat kaso. Isa pa'y kung nag-aalala siya, tiyak na mas
lalong mag-aalala si Blake. Baka atakehin na naman ito ng pagiging overprotective
at maisipan pang i-transfer sa ibang eskwelahan ang anak.
"I'm asking you. What did you learn para paiwasin yung anak mo dun sa kaibigan
niya?"
"Huh?" kunwari'y nagulat siya nang matauhang kinakausap pala siya ng asawa. "Wala.
Hindi magandang tsismis. Di ko pa naman sure, naririnig-rinig ko lang."
Bahagyang natawa ang mister. "Just because of a bad rumor pinapaiwas mo na yung
bata dun sa tao? Magtatampo nga sayo ang anak natin."
"Kaya nga hinahayaan ko na lang muna na lumipas yung sama ng loob. Hindi ka ba muna
pupunta sa kuwarto ni Lolo? Para makita mo na rin ang anak mo mukhang hindi pa yata
alam na dumating ka na," agad na pag-iba niya sa paksa.
Bumuntong-hininga ng malalim ang lalaki. "Hihiga lang muna ako ng kaunting oras."
Napansin ni Alex ang kanina pang lukot na noo nito. "May problema ba hon?"
"I'm tired. Medyo nagkasabay-sabay lang ang mga problema sa opisina tapos nag-
resign pa si Ms. Miranda," sabay tapon nito sa sarili sa kama.
"Si Ms. Miranda nag-resign? Bakit daw?" nagmamaang-maangang tanong niya. Napansin
niyang hindi na nagawang maghubad ng sapatos ng asawa kaya siya na ang gumawa nito.
"She said she decided to take care of her sick mother."
"Eh ganun naman pala kaya huwag mo ng pigilan."
Ipinasok niya sa walk in closet ang sapatos. Paglabas niya'y lumapit siya sa
dresser upang kumuha ng alcohol at oil.
"I accepted her resignation coz she really insisted. Mahirap lang talaga mag-adjust
although I have other secretaries. Sa kanya ko kasi pinagkakatiwala yung maraming
bagay kaya ayun medyo nagkakaroon lagi ngayon ng miscommunications sa office
especially about my meeting schedules," paliwanag ng mister.
"Sa umpisa lang yan. Minsan masyado ring mahirap pag nagtitiwala ka sa isang tao.
Kasi pag iniwan ka parang ramdam na ramdam mong napilayan ka. Kaya dapat hinahati
mo ng pantay-pantay ang trabaho sa lahat para mawala man ang isa, kaunting trabaho
na lang ang sasaluhin nung mga naiwan... Pero hon alam mo ba yung pinakamahirap
kung sobra-sobra ang pagtitiwala mo sa isang tao? Yun ay kapag nauwi ang lahat sa
pagtatraydor niya kasi hindi ka lang mapipilayan kundi masasaktan ka rin."
Napakunot ng noo si Blake. "Are you implying that Ms. Miranda is a traitor?"
Naupo sa kama si Alex at pinahiga sa kanyang kandungan ang asawa. "Gusto mo bang
masahein ko yang ulo mo?" nakangiting alok niya bago sagutin ang tanong nito.
"Yes please hon."
Nilagyan niya ng alcohol ang kanyang kamay at saka marahang hinaplos ang noo ni
Blake. Inuunti-unti niya ang asawa dahil gusto niyang ipagtapat dito ang ilang
bahagi ng katotohanan sa pag-alis ng sekretarya. Plano niyang sabihin na dito nang
pakonti-konti ang mga nalalaman hanggang sa dumating ang tamang oras na kailangan
na rin nitong malaman ang buong pangyayari. Hindi rin kasi tama na basta niya na
lang sabihin ng isang bagsakan ang lahat-lahat.
Matalino si Blake, dama niyang napapansin na rin nito ang mga malilit na pagbabago
sa kanya. Inaasahan niya rin na magagalit ito pagdating ng araw na nalaman nitong
inilihim at sinolo niya ang problema. Subalit kilala niya na ito at sa una lang
naman ang galit na yun. Sa bandang huli ay mauunawaan din siya nito.
"Hon-" sambit niya habang dinidiinan ang sintido ng mister.
"Why?" nakapikit na bigkas ng lalaki.
"Tungkol sa records mo kay Dr. Claro, hindi ako nag-utos para kunin yun," malumanay
na pag-amin niya kasabay ng marahang paghilot niya sa ulo ng asawa.
Biglang nagmulat si Blake. "Kung ganun sino ang nag-utos?"
"Hindi ko alam."
"Are you saying that Ms. Miranda do it on her own?"
"Yes."
Agad na napabangon ang lalaki at nakaupong humarap kay Alex. "You mean she stole
it? But why did you said at Dr. Claro's clinic na ikaw ang nag-utos nito?"
Kunway tinaasan ng kilay ni Alex ang mister. "Dahil alam kong iiral na naman yang
kasungitan mo. Pagagalitan mo na naman ng todo yung mga tao dun sa hospital. At sa
pagkashort-tempered mong amo, sigurado akong magiging kawawa sayo si Ms. Miranda!"
nagtatapang-tapangang depensa niya.
"Did you do something about it? Kaya ba nagresign si Ms. Miranda? What method did
you use? You worried about my temper but I know scaring people is your expertise,"
naguguluha't dire-diretsong sabi ni Blake.
Hinawakan ni Alex ang kamay ng asawa at binigyan ito ng kiming ngiti habang
nakatingin sa mga mata. "Hon, relax. Wala akong ginawang hindi maganda. Kinausap ko
lang ng maayos ang secretary mo. Kaya siya nagresign ay siguro'y nakonsensiya siya
at kasabay nito'y gusto niya nga talagang alagaan ang nanay niya."
Naghihinala't naniningkit ang mga matang tinitigan ni Blake ang misis. Inaaninag
niya sa mga mata nito kung nagsasabi nga ng totoo. Pero sa kasamaang palad, sa mga
sandaling iyon ay hindi niya ito mabasa. Ito ang kakayahang hindi pa rin nawawala
sa personalidad ng babae. Ang katangian ng pagiging magaling nitong undercover.
Kapag ginusto nito, walang sinumang makakabasa sa naglalaro sa isipan nito kahit
siya pa na isa nang asawa. Kaya naman paminsan-minsan ay walang siyang ibang
pagpipilian kundi ang magtiwala na lamang sa mga sinasabi nito.
"Then did she confess why she did it? Did she plan to leak it to my rival
companies?" mahinahon ngunit nag-aalala pa ring tanong niya.
"Inamin niyang ninakaw niya nga ito pero hindi para ibunyag sa mga kalaban mo."
"Kung ganun para saan?" taka niya.
"Sabi niya para may maipagmalaki siya sa mga babaeng nagkakagusto sayo na may alam
siyang sekreto mo," kibit-balikat na sagot ni Alex.
Natawa si Blake nang may di makapaniwalang mukha. "She committed a crime just
because of that petty reason? Dahil lamang sa mga babeng nagkakagusto sa akin? And
do you believe it?" Unti-unting tumigas ang mukha niya. "I'm sure she has other
plans. I should sue her so she'll be threatened bago pa man niya maipagkalat ang
mga nalaman niya!"
Lumapit sa kanya ang misis at tinitigan siya nito sa mga mata. "Wala ka bang tiwala
sa asawa mo na magpaamin? Sa tingin mo maitatago sa akin ng isang ordinaryong Ms.
Miranda ang katotohanan?" bahagyang nakangising sabi nito.
Bigla siyang napalunok sa tinuran ng asawa. Ramdam niya sa mga sandaling iyon ang
kakaibang awtoridad sa mga simpleng salita nito. Biglang nagbalik-tanaw sa kanyang
isipan ang pulis na Alex. Ang mga nasaksihan niyang sandali kung papaano ito mag-
interrogate ng mga kriminal. Nakakabilib ngunit sa kabilang banda ay nakakatakot.
Ngunit maging anuman ang ginawa nito'y mas gusto niyang isiping kinausap nito ang
sekretarya sa mahinahong paraan. Matagal ng nakabaon ang dati nitong pagkatao at
hinding-hindi ito mabubuhay nang dahil lamang sa simpleng pagnakaw sa medical
records niya ng isang sekretarya. Siguro ay dapat niya ring buksan ang possibilidad
na sa likod ng pagiging marahas nitong interrogator ay may kakayahan din itong
maging isang magaling na negosyador.
Ngumiti siya at minabuting paniwalaan na lamang ang asawa. Pinili man nitong maging
isang simpleng maybahay na lamang pero batid niyang hindi pa rin pwedeng maliitin
ang kakayahan nitong protektahan ang kapakanan niya. Bumalik siya sa pagkakahiga sa
mga hita nito. Kinuha niya ang nga kamay nito't ibinalik sa kanyang noo.
"If you said so... then I believe you. I feel sad though. Ms. Miranda had been a
good employee kaya ang hirap paniwalaan na magagawa niyang isaalang-alang ang
trabaho niya dahil lamang sa ganyan kababaw na rason," napapabuntong-hiningang sabi
niya. "Hon pressed my temple harder," lambing niya sa asawa.
"Bukod kay Ms. Miranda ano pa ang mga naging problema mo ngayong araw na to?" untag
ni Alex.
Napatingin si Blake sa nakatunghay na mukha ng misis. "Hon, what's gotten into you?
Bakit bigla-bigla atang nagiging interesado ka nang malaman ang mga nangyayari sa
akin sa kumpanya?" napapangiting taka niya.
"Naisip ko lang kasi na siguro wala namang masama kung paminsan-minsan ay hingahan
mo rin ako ng mga problema mo sa trabaho para naman mabawas-bawasan ang stress mo.
Hindi yung lagi mo na lang sinasarili dahil natatakot kang maii-stress din ako.
Honey huwag mo akong masyadong bini-baby dahil alam mo namang matatag tong asawa
mo. Magkuwento ka lang kesehodang may maitulong ako o wala basta ang importante
nailabas mo yung mga kinikimkim mo dyan sa dibdib mo."
Tumawa si Blake at pinisil ang pisngi ni Alex. "Hon makita ko lang kayo ni Cassie
ay nababawasan na ang stress ko but since you insist sige I'll try to open up to
you about my problems in work once in a while...Like right now, I have this heated
arguments with Mr. Collantes-"
Panandaliang nagseryoso ang mukha ni Alex pagkarinig sa pangalan ng architect.
"He's such a hard headed employee. In fact, I wasn't really very impressed by his
skill from the very start. But since he's a hardworking person and he was cherry
picked by Hexagon, I gave him a shot. But nowadays he keeps giving me headaches.
Ilang beses nang paulit-ulit na nirerevise yung blueprint that's why until now
nadedelay ang construction ng pinakamain building ng complex. We're wasting money
and time because of his incompetence. I don't understand why Ms. Chan can tolerate
this situation. She keeps buying in on his excuses! And you know what really
pissess me off? He doesn't listen to me. He acts as if he's just an employee of
Hexagon. Damn! I really want to fire that man!" gigil na kuwento ng lalaki.
Ngumiti ng malambing si Alex at hinagod ng kamay ang dibdib ng asawa. "Hon baka
naman kaya mas nakikinig siya kay Ms. Chan kasi medyo malumanay makipag-usap ang
isang babae...Gusto mo bang subukan kong kausapin siya?"
Tumaas ang kilay ni Blake at gulat na tumingin sa misis. "Bakit mo naman siya
kakausapin?"
"Malay mo mas open siya makipag-usap sa babae. Kung gusto mo ako ang magrerelay ng
mga messages mo sa kanya baka sakaling makinig siya't sumunod."
"No," mabilis na tutol ng lalaki.
"Bakit naman ayaw mo?" medyo dismayadong sabi ni Alex.
"Baka pag binastos ka ay masapak ko lang yun," gigil na sambit ni Blake.
Ngumiti si Alex at hinaplos pa ng mas malambing ang mister. "Hon, sa tingin mo ba
ay hahayaan ko siyang bastusin ako?"
Napaisip si Blake at muling tumitig sa maaliwalas na mga mata ng kausap. Sa mga
pagkakataong ito, kailangan niya na bang kilalanin ang galing ng kanyang asawa?
Bibihira lamang ang pagkakataong nagkainteres itong makialam sa trabaho niya at
nagkataong ang taong pinoproblema niya pa ang gusto nitong kausapin. Napangisi siya
sa isipan. Medyo masasagi ang ego niya bilang lalaki subalit natutukso siyang
iparanas kay Mr. Collantes ang itinatagong tapang ng babae.... Ngunit masarap
lamang itong isipin. Pinakaayaw niya pa ring mangyari sa lahat ay ang bigyan ng
dahilan ang misis para matukso itong gisingin ang dati nitong personalidad.
"Huwag na. I can handle him on my own."
"Sige na pleaseee. Gusto ko lang ma-test kung marunong pa rin ba akong kumumbinsi
ng tao," giit ng babae.
"You're not planning to do naughty things? I know you honey, you have an
underground way of pressuring people," dudang tanong ni Blake.
Tumawa si Alex. "Ano ka ba hon? Matagal na yun, limot ko na yung mga ganoong style.
Saka wala ka bang tiwala sa charisma ng misis mo? Sige naaa..." lambing pa niya.
"Kung gusto mo ganito na lang. Pwede mo kaming iset-up ng meeting sa isang
restaurant kung saan pwede mo kaming matanaw mula sa sasakyan. Bantayan mo ako para
makasigurado kang hindi mangyayari yang ikinakatakot mo," dagdag kumbinsi niya.
"Hon are you bored?" taka ni Blake.
Mabilis na tumango ang babae. "Oo, bored ako kaya pagbigyan mo na ako pleasee!"
Bumuntong-hininga ang lalaki. "Okay sige I'll set up a meeting for the two of you
pero I'll be watching you from the car."
"Yes! Thank you hon!" Tuwang-tuwa si Alex at nahalikan pa niya sa sobrang kagalakan
ang asawa. Pagkuway minasahe niya ulit ito ng seryoso.
"Hon-" sambit niya.
"Bakit?"
"Pangako...pagkatapos naming mag-usap ni Mr. Collantes, hinding-hindi mo na siya
poproblemahin," banggit niya habang napapangisi sa isipan.
"I hope so," simpleng sagot ni Blake na noo'y biglang nakuha ang atensiyon ng
dahan-dahang bumubukas na pinto ng kanilang kuwarto. Nahuli niya ang sumisilip na
si Cassandra. Nang makitang nakatingin siya'y bigla itong nagtago.
Siniko niya ng marahan ang misis. "Hon you're daughter is peeping and hiding
behind the door," bulong niya sabay nguso sa pinto.
Napatingin si Alex sa pintuan at nahuli ring sumisilip ang anak. "Ikaw na ang
tumawag," bulong niya kay Blake.
"Our princess is welcome to enter the room! His Daddy badly needs her kiss right
now!" malakas na bigkas ng ama.
Saka lamang pumasok ng kuwarto si Cassandra. Dahan-dahan itong humakbang nang may
matamlay na mukha habang umiiwas ng tingin sa kanyang ina. Umakyat ito ng kama para
yumakap at humalik sa tatay.
"Nagtatampo ka pa rin ba kay Mommy?" tanong ni Blake.
Umiling ang bata at nahihiyang tumingin sa kanyang nanay. "I guess it's harder not
to talk to a Mom than not talking to a friend," malumanay na malumanay na
pagkakabigkas nito. Lumapit ito sa ina at ipinulupot ang kamay sa leeg ng magulang.
"I'm sorry Mom. I won't feel bad about it anymore. Bati na po tayo."
==============================

19 messing with the wronh husband

****
Naghihintay si Alex sa azotea ng isang Spanish inspired restaurant. Napapakikis
siya ng mga palad habang hinihipan ang mga ito na animo'y kinakabahan. Kailangan
niyang papaniwalain ang asawang nagmamasid sa kanya sa loob ng sasakyang nakaparada
sa tapat ng restaurant. Pormal ang kanyang kasuotan na sadyang nababagay sa isang
business meeting. Brown overcoat, floral peach na panloob na blouse at brown slack
pants. Pulido ang pagkakapony tail ng kanyang buhok na nababagayan ng suot niyang
itim na hikaw na perlas. Nakasuot siya ng peach na stilletos at dala niya ang isang
Prada hand bag.
Pormal na pormal ang kanyang dating at napakadaling paniwalaang tungkol sa kumpanya
nga ang isinadya niya sa meeting nila ni Mr. Collantes. Pagkalipas ng sampung
minutong paghihintay ay dumating na ang lalaking kakausapin. Palihim na tumaas ang
sulok ng kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang papalapit na architect. Pati sa
oras ng dating ay pinamamalas na nito ang kayabangan. Siya pa talaga ang dapat na
maghintay.
"Good evening Mrs. Monteverde! Pasensiya na medyo natraffic ako. Kanina pa ho ba
kayo naghihintay?"
Naupo ito sa kanyang harapan.
"Hindi naman gaano," nakangiting sabi niya.
Tiningnan siya ng lalaki. Medyo hindi nagkakalayo ang edad nila at kitang
komportable ito sa pakikiharap sa kanya. "I can't believe that the distant Mrs.
Monteverde is having a dinner with a mere employee like me. I feel honored," bola
pa nito.
Sumagot siya ng kiming ngiti habang nakadekuwatro ng upo't tuwid na tuwid ang
likod. "Medyo masama kasi ang pakiramdam ng asawa ko kaya ako na lang ang pinapunta
niya. He doesn't want to cancel the meeting dahil importante daw ang bawat oras
mo," pormal ang tonong wika niya.
Tumawag siya ng waiter at omorder ng mamahaling wine. Kinuha ni Mr. Collantes ang
menu na halatang may balak ng omorder ng pagkain.
"Can we have wine first? Let's order food later. Tantiyahin natin kung gaganahan ka
pa bang kumain sa mga sasabihin ko," nakangiti't may kalambingang sabi niya.
Napamaang ng ilang saglit ang lalaki. Naguguluhan itong tumingin sa kanya na may
mukhang nagtataka kung tama ba ang narinig.
Tumawa siya ng mahina. "I mean... baka hindi ka rin makakain ng mabuti dahil sa
gagawin nating pag-uusap. Ako kasi I can't eat properly kapag may seryosong pinag-
uusapan," paliwanag niya.
Saka lamang ngumiti ang kausap. "Ah ganun ba. Okay lang kung yun ang gusto mo.
Maybe we can discuss first the things we need to discuss then let's have the
delicious dinner later," sabay tiklop nito sa menu.
Dumating ang inorder ni Alex na wine at poise na poise na nagsalin siya sa baso.
"Are you a hard drinker Mrs. Monteverde?" tanong ni Mr. Collantes.
"Hindi gaano pero bibihira akong malasing dahil alam ko kung kelan ako hihinto,"
sagot niya habang nakatingin sa sinasalinang baso. Nang mapuno ito ay saka siya
ngumiti sa kaharap. "Narinig ko kay Mr. Monteverde na birthday mo daw nung
nakaraang buwan. Actually tumatak sa akin ang araw na yun kasi after a very long
time noon lamang ulit hindi umuwi ng bahay ang asawa ko."
Yumuyugyog ang mga balikat na tumawa ang architect na tila bagang proud pa ito sa
nangyari sa kanyang selebrasyon ng kaarawan. "Pasensiya na Mrs. Monteverde baka
medyo masama ang loob mo dahil nalasing si chairman. Nagkasayahan kasi kami
kaunti."
"Well, sa totoo lang nagtatampo ako dahil hindi ako invited."
"Oh I'm sorry. I heard that you weren't that very sociable that's why I didn't get
the courage to invite you saka baka hindi ka rin mag-enjoy dahil mga lalaki lang
ang naroroon."
Ngumiti si Alex at uminom. "Pero balita ko ay naroroon si Ms. Isabelle Chan,"
madiing sambit niya sabay tingin sa mga mata ng kausap.
Napansin niyang pansamantalang naglaho ang sigla sa mga mata ng lalaki ngunit agad
din naman itong tumawa. "Ah yeah. Pero napadaan lang siya para bumati," sabay inom
nito ng wine.
"Nagustuhan mo ba ang lasa ng wine?" tanong niya.
"Yes. Magaling kayong pumili Mrs. Monteverde," ngingiti-ngiting sagot ng lalaki.
Inangat ni Alex ang kanyang glass wine. Itinapat niya ito sa lebel ng kanyang mga
mata. Tinitigan niya ang alak hanggang sa dahan-dahang umangat ang isa niyang kilay
at tumapang ang kanyang mga mata. "I wonder kung anong klaseng alak ang pinainom mo
para malasing ang asawa ko."
Natahimik ng ilang saglit si Mr. Collantes at muli itong napainom ng wine.
"Mukhang natense ka. Nakakanerbiyos bang alalahanin ang brand ng alak na iyon?"
nakangising dagdag niya.
"We drank brandy which is natural for men," napapakibit ng balikat na sagot ng
architect.
Uminom si Alex at pagkatapos ay saka niya lamang muling inilapag ang baso sa mesa.
"I think you did a very good effort to entertain my husband. Mr. Collantes may nag-
utos ba sayo na lasingin mo ang asawa ko?"
Tumawa lamang ang lalaki.
Nakitawa rin siya ngunit sa isang iglap lamang ay biglang tumigas ang kanyang
mukha. "Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong basagin ko ang bote ng wine na ito
sa ulo mo," magaspang na pagkakasabi niya.
Natigilan uli si Mr. Collantes ngunit muli itong humalakhak. "Mrs. Monteverde I
didn't know you love to deliver brutal jokes!" napapahawak pa sa tiyan na pagtawa
nito.
"Hindi mo ba natanggap ang memo? Kung anong klaseng bibig meron ako o kung anong
klaseng pagkatao meron ako? Ahhhh...ngayon naiintindihan ko na kung bakit
napakadali sayong gumawa ng desisyon na hindi inaalam kung sino ang masasagasaan
mo," puno ng kasarkastikuhang pahayag ni Alex.
Tumikhim si Mr. Collantes at nagseryoso. "Mrs. Monteverde mukhang kanina pa tayo
nagpapaligoy-ligoy. We set up a meeting to talk about the project. I hope you don't
mind na pag-usapan na lang natin kung ano ang dahilan ng ipinunta natin dito
ngayon."
Umayos ng upo si Alex at ngumiti. "Okay umpisahan na natin. Ako muna ang
magsasalita at pakinggan mong mabuti ang mga sasabihin ko." Tumikhim din siya at
kunway may namimilog na mga matang tumingin sa kausap. "Pinabuklat ko ang record mo
bilang isang architect at nadismaya ako na bago ka naging in charge sa joint
project na ito ng Hexagon at Golden Pacific.... wala ka man lang kahit anong
impressive achievements na nakamit," naglulungkot-lungkotang sabi niya.
"Why are you digging up my records? Anong kinalaman nito sa meeting natin ngayon
Mrs. Monteverde?!" medyo tumataas ng tono ni Mr. Collantes.
"Ah sandali...may ibibigay ako sayo." Inilabas ni Alex ang isang pirasong papel at
iniabot ito sa kausap.
"Ano to?" taka ng kausap.
"Pangalan at address ng presintong pinagtatrabahuan ko dati. Para maging patas tayo
kalkalin mo rin diyan ang lumang records ko."
Napainom ulit ang lalaki habang binabasa ang nakasulat sa papel. "Y-You were a
former police officer?"
Ngumisi lamang si Alex at pagkuway kumunot ang noo. "Ang ipinagtataka ko lamang na
sa kabila ng hindi naman kagandahang work experience mo, paano ka naging head
architect ng isang malaking project? Hulaan ko! Siguro may koneksiyon ka no?"
masiglang sabi niya sabay muling namilog ang kanyang mga mata. "At hulaan ko rin
kung sino? Si Isabelle Chan!" kunway napapalo pa sa mesang banggit niya. "Ang
kapalit ba ng lahat ng ito ay ang paggiging sunud-sunuran mo sa lahat ng gusto
niya..."
"Anong utos ang pinagsasabi niyo?" pikon ng sabi ni Mr. Collantes.
"Gaya halimbawa ng paggawa mo ng mga bagay-bagay para makadiskarte siya sa asawa
ko," nakataas ang kilay na turan ni Alex.
Natawa nang may di makapaniwalang mukha ang architect. "Now I get the whole picture
here. You're talking garbages now because of the mere fact that you're just being a
jealous wife," wala ng respetong tono nito. "Sige sabihin na nating medyo humihingi
ng pabor si Ms. Chan para mapalapit kay Mr. Monteverde but are you making such a
big deal out of it? Masyado ka naman yatang sensitive or insecure para palakihin pa
ng ganito ang bagay na iyan. Ano ba naman yang paminsan-minsan ay may magkagusto sa
asawa niyo. Magandang lalaki si Mr. Monteverde kaya natural lang na may mga babaeng
magkaka-interes sa kanya pero ang importante'y kayo pa rin ang asawa niya at sa
inyo pa rin siya umuuwi."
Umakyat sa ulo ang lahat ng dugo ni Alex. Gusto niyang baliktarin ang mesa at
ihampas ito sa pagmumukha ng kausap...ngunit hindi niya ito magawa dahil batid
niyang nakatingin lamang sa kanila ang asawa. Sa halip ay tumawa lamang siya sa
kagarapalan at kaangasan ng lalaki. Napapalakpak siya sa sinabi nito.
"Tama! Kunsabagay may punto ka. Masyado nga siguro akong nagiging sensitive. Eh ano
nga naman ngayon kung may gustong umagaw sa asawa ko at sumira sa pamilya ko? Para
yun lang! Sige tapusin na natin ang walang kuwentang topic na to. Mabuti pa pumunta
na tayo sa susunod nating agenda," tatawa-tawa pang sabi niya.
"Since na isa kang architect siguro may background ka na rin sa realty. This time
pag-usapan natin ang totoong business."
Inilabas niya ang isang folder at iniabot ito sa kausap.
Tinanggap ni Mr. Collantes ang folder at nang buklatin ito'y nanlaki ang mga mata
niya nang makita ang kanyang litrato kasama ang isang babae. "Anong ibig sabihin ng
mga larawang to?" kabadong tanong niya.
"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong ni Alex.
"Paano mo nakuha ang mga pictures na ito?"
Kumibit ng mga balikat si Alex. "Pinakuhanan ko. Nagustuhan mo ba yung mga town
houses na nasa likod. Interesado akong magtayo ng ganyan. Can you be the
architect?"
"Stop playing games with me Mrs. Monteverde. Diretsahin mo na ako. Bina-black mail
mo ba ako?"
"What do you think? Sa tingin mo pag nakita yan ng asawa mo magagalit siya? Malay
mo hindi naman dahil baka kabaliktaran ko siya. Hindi siya masyadong sensitive at
okay lang kahit na may ekstrang kalampungan ang asawa niya dahil ang importante sa
kanya ka naman umuuwi. Tama ba ako Mr. Collantes?"
Imbes na mangamba ay ngumisi lamang ang lalaki. "Hindi mo ako matatakot sa ganitong
paraan Mrs. Monteverde. Malaki ang tiwala sa akin ng aking asawa at kaya kong
ipaliwanag na set up lang ang mga litratong ito! Hindi yun basta-basta nakikinig sa
sulsol ng sinuman."
"Wow! Napakamaunawain naman pala ng misis mo. Pero alam mo ba kung nasaan ngayon
ang kabit mo Mr. Collantes?"
Medyo napaangat sa kinauupuan ang lalaki. "Anong ginawa mo sa kanya?"
"Oops huwag kang magpanic. Wala akong ginagawang masama sa girlfriend mo. Sa totoo
lang ay nag-ienjoy siya sa mga sandaling ito kasama ang isang gwapo't batang date.
At gusto mong malaman kung saan ang destinasyon ng date nila?"
"S-Saan?" napapalunok na tanong ni Mr. Collantes.
"Sa harap ng bahay niyo." matigas na salita ni Alex.
Napanganga ang architect at unti-unting nawalan ng kulay ang mukha nito. Ngunit
agad din itong nakabawi at muling nagmatigas. "Hindi ako naniniwala. Tinatakot niyo
lang ako!"
"Gusto mo bang masaksihan via phone patch ang pagkikita ng napakaganda mong
girlfriend at ng asawa mo?"
Ngumingising tinawagan ni Alex ang numero ni Balatbat. Ni-loud speaker niya ito
bago kinausap ang pulis. "Hello may kakausap lang sa magandang dilag na kasama
niyo-" inagaw sa kanya ni Mr. Collantes ang telepono.
"Hello!"
"Hello Babe si Fatima to..."
"Fatima nasaan ka?" tarantang tanong ng lalaki.
"Kasama ko ngayon ang isang pulis....at isang lalaking nakilala ko sa disco. Babe
hindi ko maintindihan pero andidito kami ngayon sa tapat ng bahay niyo..."
Nanghihinang inilapag ni Mr. Collantes ang telepono sa mesa at nakikiusap na
tumingin kay Alex. "Mrs. Monteverde huwag niyong ituloy kung anuman ang binabalak
niyo."
Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Alex. "Ow mukhang takot ka rin naman palang
masira ang pamilya mo," sabay dampot niya sa telepono upang putulin na ang tawag.
"Ano bang kailangan niyo sa akin?" maamo ng tono ng lalaki.
Agad na nabura ang mga ngisi ni Alex at seryoso niyang tiningnan ang kaharap.
"Gusto kong marinig mismo sa mga bibig mo kung papaano ka nakikipagsabwatan kay Ms.
Chan para guluhin ang pamilya ko?" diretso't maawtoridad na salita niya.
Nagsalin muna ng alak si Mr. Collantes sa baso at pagkatapos ay dire-diretso itong
ininom. Napapalunok na sinalubong nito ang mga nakakahiwang titig ng kaharap.
Bumuntong-hininga ito na tila walang kalaban-laban.
"She is using me to find excuses para makasama niya si Mr. Monteverde. Idinadahilan
niya ang trabaho ko para magkaroon sila ng meeting. May mga pagkakataon din na
magsi-set siya ng appoinment para sa aming tatlo pero hindi niya ako pinapapunta
para magkaroon siya ng solong oras kasama ang inyong asawa."
"Gusto kong idetalye mo ang nangyari nung birthday mo," utos ni Alex. "Pag
nakumbinsi mo ako saka ko lamang aalisin sa tapat ng pamamahay niyo ang kabit mo.
Mag-iingat ka sa mga sasabihin mo sapagkat mas matalas pa sa lie detector ang mga
pandama ko."
Muling uminom ng alak ang architect. "Tama kayo na inutusan niya akong lasingin si
Mr. Monteverde. Dahil dito'y mahigpit kong ibinilin sa mga waiters na bigyan ng
matatapang na alak ang inyong asawa. At nang nagbalak ng umuwi si Mr. Monteverde ay
siya namang dating ng isang importanteng investor na sadyang inilihim namin ang
pagdalo upang magkaroon ng dahilan para mapilitan ang inyong asawa na huwag munang
umuwi. Lumipat pa kami sa isang karaoke bar para mas lalong ganahang uminom si Mr.
Monteverde at nang tuluyan na itong malasing, itinawag ko ito kay Ms. Chan para
sunduin. Pagkatapos noon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari. At kahit
ngayo'y wala rin akong alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa."
"Yung pagdedelay niyo sa construction, pakana rin ba ito ni Ms. Chan para mas lalo
niya pang makasama ng matagal ang asawa ko?"
Tumango ang lalaki.
Dismayadong natawa si Alex. "Nauubusan na ba ng lalaki ang desperadang babaeng
yun?" bulong niya sa sarili.
Kinuha niya ulit ang folder at inilagay sa ibabaw nito ang nakapaloob ditong isang
blangkong papel. Binigyan niya ng ballpen ang kausap. "Pirmahan mo sa bandang
ibaba," matapang na utos niya.
"P-Para saan to?"
"Diyan isusulat lahat ng mga sinabi mo ngayon."
Nag-alinlangan ang lalaki.
Pinandilatan ni Alex ang kaharap. "Pipirmahan mo o magdodoorbell ang mga tao ko sa
bahay niyo?"
Napipilitang sumunod si Mr. Collantes. Mabigat sa loob na pinirmahan nito ang
blangkong papel.
Kinuha ni Alex ang pinirmahang papel at ibinato naman sa lalaki ang mga larawan.
"Kopya mo yan para may remembrance ka!"
"Mrs. Monteverde nagawa ko na lahat ng sinabi niyo. Baka pwede niyo ng paalisin
yung mga tao mo sa harap ng bahay ko."
Tumawag si Alex sa telepono at inutusan si Melchor na lisanin na ang bahay nang
architect. Pagkakababa niya sa telepono ay laking luwag ng inihinga ni Mr.
Collantes.
"Mrs. Monteverde you're good in doing dirty tricks," napapangising komento nito.
"Dirty tricks?" Tumawa si Alex sabay ngisi. "Pasalamat ka at yan lang ang ginamit
ko dahil mas may malala pa akong alam diyan. Alam mo kung ano?... Bloody tricks."
Poise na poise na isinukbit niya sa balikat ang hand bag. "Maswerte ka pa rin Mr.
Collantes. Dahil sa lahat ng naging galamay ng desperadang intsik na yun, ikaw lang
ang hindi ko pinagbuhatan ng kamay," ngingiti-ngiting pahayag niya. "Tapos na ang
pag-uusap natin at tapusin mo na rin ang pagbibigay mo ng problema sa asawa ko.
Papaalalahanan na kita. Huwag kang uulit dahil kung hindi ka natuwa sa ginawa ko
ngayon mas lalong hindi ka matutuwa sa gagawin ko sa susunod."
Pagtayo niya'y binigyan siya nang di makapaniwalang tingin ng lalaki. "You're
acting like a gangster boss. I didn't know Mr. Monteverde's wife has this kind of
scary personality," ngingiti-ngiting sabi nito.
"Ngayon alam mo na." Tiningnan niya ang inorder na wine. "Ikaw na ang magbayad
tutal marami ka namang napera sa paglalako sa asawa ko."
Taas-noo siyang humakbang papaalis ng mesa ngunit maya-maya lang ay bumalik siya
nang may maalala. "Ah sabihin mo sa babaeng singkit na abangan niya na ang
pagbisita ko. Huwag niyang kakalimutang magdagdag ng blush on para hindi masyadong
mahalata kung sakali mang mamutla siya."
Medyo inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng restaurant. Pagkasakay niya sa
naghihintay na sasakyan ng mister ay sabik siyang sinalubong nito ng mga tanong.
"What happened? Bakit parang ang bilis naman ata ng naging pag-uusap niyo?"
Ngumiti siya na parang walang anumang kakaibang naganap. "Maayos naman ang naging
pag-uusap namin. Madali naman palang kausap yan si Mr. Collantes. Nangako siyang
pagbubutihin niya pa lalo ang trabaho niya para wala ka ng maging sakit ng ulo."
Nagtatakang tinanaw ni Blake ang lalaking naiwan sa balkonahe ng restaurant. "Mr.
Collantes looks shocked," pansin niya.
"Baka may ibang bagay lang siyang iniisip. Actually, nauwi nga lang sa biruan ang
pagkukuwentuhan namin." Hinawakan ni Alex ang kamay ng asawa. "Hon, I didn't order
any food dahil alam kong hindi ka pa kumakain. Halika mag-dinner tayo sa ibang
restaurant," magiliw na aya niya.

================================

[20] Face Your Enemy

****
BLAG!
Napagitla si Isabelle mula sa tahimik na pagkakaupo sa kanyang mesa nang makita
kung sino ang walang pasabing sumulpot sa kanyang opisina.
"M-Mrs. Monteverde..."
"Kumusta ang business partner ng asawa ko?" nakangising bati ni Alex.
Takot na sumunod sa pagpasok ang sekretarya ng CEO. "Ma'am I know she has no
appointment...p-pero ayaw niya pong magpapigil sa pagpasok dito," paliwanag nito.
Tumingin si Isabelle sa bisitang ngingiti-ngiti subalit nakataas ang isang kilay.
"I-It's okay. Please bring her coffee or tea."
"Yes Ma'am."
Sinara ng sekretarya ang pinto. Tumayo si Isabelle at inalok ang bisita na maupo sa
couch set nang may nag-aalinlangang ngiti.
"Have a seat Mrs. Monteverde."
Binalewala ni Alex ang alok. Sa halip ay nakahalukipkip na iginala niya ang mga
mata sa opisina at nagpalakad-lakad.
"Hindi na kita inabisuhan sa pagbisita ko baka kasi paghandaan mo masyado. Magsabit
ka pa ng banderitas at maglatag ng carpet. Ayoko ng masyadong magarbo,"
sarkastikong salita niya.
Kunway walang narinig si Isabelle at mahinahong naupo siya sa sopa para pakiharapan
ng maayos ang asawa ng chairman ng Golden Pacific. Pumasok ulit ang kanyang
sekretarya bitbit ang tray ng dalawang tsaa at inilapag ang bawat tasa sa salaming
center table.
"Close the door," utos niya sa tauhan.
"Yes Ma'am."
Paglabas ng sekretarya ay saka naupo si Alex sa katapat na couch ng CEO. Tiningnan
niya ang dalaga mula taas hanggang baba nang may natural na mukha. "Maganda ka,
bata, mayaman. Wala ka bang ibang lalaking pagpipilian para isiksik yang sarili mo
sa isang may asawa?" kaswal na sabi niya sabay de kuwatro at inom ng tsaa.
Ngumiti ng pilit si Isabelle. "H-Hindi k-kita maintindihan..."
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Magaling ka ngang magplano sa maraming bagay eh
ano pa ang simpleng paghula sa dahilan ng ipinunta ko dito," nakangising wika ni
Alex habang diretso ang tingin sa kausap.
Napainom ng tsaa si Isabelle. Dama niya agad ang kakaibang taglay na tapang ng
kausap. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib pero hindi niya ito pinapakita. Nasa
teritoryo niya ang babae kaya't wala itong karapatang magtapang-tapangan.
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo Mrs. Monteverde. Pero sa tono ng pananalita mo
ay nahuhulaan kong pinagseselosan mo ang pagiging malapit ko kay Mr. Monteverde."
Ngumisi siya at tiningnan ang bisitang naturingang asawa ng isang bilyonaryo ngunit
kulang na kulang ang bahid ng kasosyalan sa katawan. "I understand your
insecurities. Pero bago ka mag-aksaya ng oras sa panunugod bakit di ka magpaganda
para huwag kang iwanan ng asawa mo."
Tumawa si Alex. "Ganda ba ang pinagmamalaki mo? Sa tingin mo lumamang ka? Isa lang
naman ang nilamang mo sa akin...yang kaputlaan mo." Nagseryoso siya ng mukha at
tinitigan ng matatalim ang kausap. "Busy kang tao kaya magdiretsahan na tayo.
Pinuntahan kita rito para sabihing itigil mo anuman ang mga binabalak mo sa asawa
ko dahil hinding-hindi ka magtatagumpay. Huwag kang umasang mauulit pa ang
lampungang nangyari sa inyo!"
Palabang tumitig ng diretso si Isabelle sa mga mata ng kaharap. "Did you hear it
from my driver? I learned na pinabugbog mo daw ang driver ko."
"Pinabugbog ko? Yan ba ang sinabi niya sayo?" ngisi ni Alex. "Tsk. Ang titigas
talaga ng bungo ng mga alipores mo. Kasing tigas ng pagmumukha ng amo nila!... Ang
ipinagtataka ko lang sayong babae ka, may pinag-aralan ka naman at alam kong lumaki
ka sa matinong pamilya pero bakit umaasta kang isang desperadang higad sa isang
lalaking may asawa't anak na. Nauubusan ka na ba ng matinong lalaki?"
Nagpanting ang tenga ni Isabelle sa narinig. Gigil na dinampot niya ang tasang may
lamang tsaa at tinapon ito sa mukha ng kausap. "Who are you to insult me that way?"
namumulang wika niya.
Nagulat si Alex ngunit mabilis din agad na humupa ang kanyang pagkabigla. Tatawa-
tawa at tila kalmadong pinunasan niya ng kamay ang basang mukha.
"..Yes. Something happened between me and your husband but it was not my fault. He
was drunk that time. He harassed me and seduced me. Dapat ka pa ngang magpasalamat
dahil pinili kong manahimik kesa ibunyag ang pananamantala sa akin ng asawa mo! I
chose to zip my mouth para lamang maging maayos ang pagtatrabaho namin. Hindi ko
ginusto ang nangyari so why the hell are putting your blame on me?!"
Galit na tumayo ang dalaga. "You can leave now. You chose the wrong venue to
confront me. I have more important things to do than talking to a shameless wife.
Tama nga ang mga sabi-sabi na unrefined ang asawa ng isang Blake Monteverde."
Napakuyom ng kamay si Alex habang dahan-dahang nagngingitngit ang kanyang mga
ngipin. Tumayo din siya at sinundan ang kausap bago pa man ito makabalik sa desk.
Walang pasabing dinaklot niya ang pulso nito't pinilipit patungong likuran.
Diniinan at may kalakasang pinisil ang kamay.
"A-Aray!"
"Paanong unrefined? Ganito ba?" ngisi niya sabay diin pa ng mas malakas sa kamay.
"Ibang klase din naman yang tabas ng dila mo ha. Sa tingin mo madadala mo ako sa
pagtataray? Sa totoo lang hindi ko alam kung saang lupalop ka ng mundo humugot ng
lakas ng loob na kalabanin ako."
"Aaaah! This is an assault! Idedemanda kita pati na rin ang asawa mo sa
pananamantala niya sa akin!"
"Ang asawa ko pa ang nanamantala? Itigil mo yang pagmamalinis mo makating singkit
kung ayaw mong mangitim yang naninilaw mong kulay. Sige magdemanda ka't kakasuhan
din kita ng patong patong! Iilalantad ko ang kahihiyang pinaggagawa mo. Yung
pagpapanakaw mo sa medical records ng asawa ko, sa pakikipagsabwatan mo sa bobo
mong architect, sa mga panunuhol mo para lamang makalantari ang isang lalaking may
asawa!"
Natigilan sa pagdaing si Isabelle at napatingin sa nanggigil na kausap.
"Nagulat ka dahil alam ko? Tsk. Wala pa sa kalingkingan yang hilaw mong plano
kumpara sa mga naimbestigahan kong kaso kaya huwag mo akong astahan ng katarayan mo
kung ayaw mong ikalat ko yang baho mo!" pahayag ni Alex habang pinandidilatan ng
mga mata ang kausap.
"What are you talking about? Pinagbibintangan mo ba ako?"
Nilakasan pa ni Alex ang pagkakapisil sa kamay ng babae. "Hindi ako marunong
mambintang! At lalong di ako nagsasayang ng pagod ng walang basehan! Gusto mong
isungalngal ko sayo lahat ng mga ebidensiyang hawak ko?"
Muling nanahimik si Isabelle habang tinitiis ang sakit ng napipilit na kamay.
Matapang ang mukhang tiningnan lamang nito si Alex ngunit naaninag din naman sa mga
matang kinakabahan ito.
Tinulak ni Alex papabalik ng couch ang dalaga. Muli itong napaupo. Nakahalukipkip
na umupo siya sa harap nito. "Makinig ka sa mga sasabihin ko kundi pati yang leeg
mo ay pipilipitin ko!"
Nanatiling walang imik si Isabelle habang tiim bagang nakatingin sa kausap.
"Unang-una hindi ka pinagsamantalahan ng asawa ko. Ikaw ang nagdala sa kanya sa
hotel at ikaw ang kusang pumasok sa kuwarto niya... Bakit alam ko? Napanood ko
mismo sa CCTV ng hotel at hindi ako magdadalawang-isip na isampal sayo ang video na
yun para umurong yang sinungaling mong dila.."
"Pangalawa, alam kong may pinaplano kang pang hindi maganda. Ang pagpasok mo sa
kuwarto ni Mr. Monteverde ay pwede mong i-claim na may nangyari sa inyo...kahit
pwede ko ring isiping wala. Pero ano nga naman ang magagawa ko pati ng asawa ko,
kung ikaw lang ang nakakaalam ng buong katotohanan kung ano ang nangyari sa loob ng
halos isang oras na pamamalagi mo sa isang private room kasama ang isang lasing?
Pero pangungunahan na kita... huwag na huwag kang gagawa ng kuwento para lamang may
maipamblack-mail ka sa asawa ko! At lalong huwag na huwag mong gagamitin ang
sitwasyon, na ikaw naman sa simula't sapul ang nagplano, para kaawaan ka ng asawa
ko..."
"Tandaan mo kahit bigyan mo kami ng problema, hinding-hindi ko iiwanan ang asawa
ko. Pigain mo man hanggang ang kahuli-hulihang patak ng pawis mo, hindi mo siya
maaagaw. At heto ang panghuli ngunit pinakaimportanteng sasabihin ko..makinig ka!"
Pinandilatan ni Alex ang kaharap. "Hindi ka na ulit makikipagkita kay Mr.
Monteverde kahit pa may kinalaman ito sa trabaho!.."
Tumututol ang mukhang tumingin si Isabelle kay Alex. "But how could you mixed the
personal issues to our jobs..."
"Ganun naman pala eh! Ayaw mo ng hinahalo ang personal issues sa trabaho dapat sa
umpisa pa lang hindi mo na ito sinamahan ng kalandian!"
Napatikom ng bibig si Isabelle at mabilis na umiwas ng tingin.
"Kapag nalaman kong nakipagkita ka ulit sa asawa ko, ipaparanas ko sayo ang tunay
na ibig sabihin ng assault na sinasabi mo. Yung habang wala kang malay sa hospital
ay iniisa-isang himayin ng tatay mong allergic sa kahihiyan ang ebidensiya ng
pagkadesperada ng anak niya!" matatalim ang mga matang banta ni Alex.
Nginisian niya ang babaeng tahimik ngunit punum-puno ng pinaghalong takot at
pagrerebelde ang mga mata. " Wala na akong sasabihin. Salamat sa oras mo, kagalang-
galang na CEO."
Tumayo siya ngunit bago makarating ng pinto'y muli siyang bumalik. "May nakalimutan
pa pala ako." Dinampot niya ang tsaang inihanda para sa kanya at walang pag-
aalinlangang ibinuhos ang laman nito nang dahan-dahan sa ulo ng babae.
"Bye," pagkuway nakangiting paalam niya.
Pagkalabas ng bisita ay unti-unting tumapang ang mukha ni Isabelle. Napakuyom siya
ng mga kamay habang nanginginig ang mga laman at nagngingitngit ang mga ngipin sa
galit. Nanliliit ang mga tumingin siya ng diretso sa dingding habang hindi alintana
ang pagtulo sa damit ng ibinuhos na tsaa sa ulo.
Tumayo siya at lumapit sa kanyang mesa. Pinindot niya ang intercom na nagkokonekta
sa departamento ng building security.
"Catch the woman who just left my office. She assaulted and threatened me. Teach
her a lesson!" ubod ng diing utos niya.
Ramdam ni Alex na may mga matang nakatingin sa kanya habang naglalakad patungong
parking lot. Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita ang tatlong mga
nakabarong na mga kalalakihang bumubuntot sa kanya. Patay-malisya at kalmado niyang
itinuloy ang paglalakad habang palihim na napapangisi.
Medyo binagalan niya ang paglalakad at pagkarating na pagkarating sa parking lot ay
kusa siyang huminto. Hinintay niyang makalapit ang mga sumusunod sa kanya.
Mahinahong hinarap niya ang mga ito.
"May problema ba?" tanong niya.
Pinalibutan siya ng mga kalalakihan. "Iimbitahan ka muna namin. Sinaktan mo daw si
Ms. Chan," sabi ng isang lalaki.
Bumuntong-hininga si Alex at ngumisi. "Paano kung ayoko?"
"Mapipilitan kaming hulihin ka."
Inikutan si Alex ng mga lalaki na para bang may huhulihing isang madulas na isda.
Ngunit nang makalapit ang mga ito ay nagpakawala ng isang mataas at paikot na sipa
ang babae. Sumayad ang paa niya sa bawat pisngi ng lalaki. Nawalan ang mga ito ng
balanse. Pagkuway mabilis na hinatak niya isa-isa ang braso ng mga ito at
pinambabalibag ang katawan sa lapag.
Namilipit sa sakit at hindi agad nakabangon ang mga lalaki. Nakangising tiningnan
ang mga ito ni Alex habang nagpapagpag ng kamay.
"Huwag kayong basta-basta sumusugod sa taong di niyo kilala," payo niya saka
kalmadong naglakad patungo sa kanyang sasakyan.
----
Natutulala't napapatanga si Blake habang pinapanood ang isang video kung saan
sinisipa at ibinabalibag ni Alex ang mga miyembro ng security personnel ng Hexagon
Realty.
Di makapaniwalang tiningnan niya ang malungkot at mangiyak-ngiyak na si Ms. Chan.
"W-What happened? B-Bakit nakipag-away ang asawa ko sa mga guwardiya niyo?"
Nanginginig ang mga kamay na tumingin si Isabelle sa lalaki. "Sumugod siya kanina
sa opisina at nagwala." Nangilid ang kanyang mga luha. "She hurt me and attacked
me. Pinagbantaan niya akong mas higit pang sasaktan kung makikipagkita ulit ako
sayo," malumanay na paliwanag niya.
Lalong nalito si Blake. "My wife is not that kind of a person. She wouldn't hurt
anyone without a reason."
"She's jealous because we're always together," ani Isabelle.
Pansamantalang hindi nakaimik ang naguguluhang lalaki hanggang sa muli itong
natawa't napailing. "Sanay na ang asawa ko na may nakakatrabaho akong mga babae and
some of them even became my friends. She doesn't attack anybody out of jealousy
especially women. Besides, walang dahilan para pagselosan niya tayo."
Pomormal ng ayos si Isabelle at napapalunok na nagsalita. "Mr. Monteverde...a-
actually there's something you need to know..."
Napakunot ng noo si Blake habang pinagmamasdan at hinihintay ang sasabihin ng
nininerbyos na kausap. Pinagsalikop ng babae ang mga kamay.
"..That time na sinabi kong inihatid ka ng driver ko sa hotel... I was together
with you in the car."
"And...ano naman kung magkasama tayo?" taka ng lalaki.
"That night... you kept calling me with your wife's name..."
Unti-unting umusbong ang kaba sa dibdib ni Blake. "Then?.."
"Napagkamalan mo akong asawa mo... Y-You kept on kissing and caressing me,"
nanginginig ang boses na siwalat ng dalaga.
Nanlamig ang kabuuan ni Blake. Unti-unting nawalan ng kulay ang kanyang mukha.
Hindi niya malaman kung papaano tatanggapin ang nalaman at kung paano
magpapaliwanag sa kaharap. " I-I'm sorry Ms. Chan...I was drunk that night. Wala
akong kaalam-alam o anumang naaalala sa mga nagawa ko. It must've been a big shock
for you...I'm sorry, believe me I'm not a pervert person."
Ngumiti ng mapait ang dalaga. "I know. Naiintindihan kong lasing ka. But...
everything didn't end in that car... I was uneasy pagkatapos kang maicheck-in ng
driver ko sa hotel. Pinuntahan kita sa kuwarto upang tingnan ang kalagayan mo..and
during that moment." Humaguhol ito ng iyak. "Something happened between us..."
Nanlaki ang mga mata ni Blake at parang nabingi siya sa narinig.
"You saw me as your wife and lured me to sleep with you. I know I should have
avoided the situation but I had weakened... I couldn't resist the temptation of
making love with a man I secretly long for a long time," lumuluhang pag-amin ni
Isabelle.
Hindi makagalaw si Blake. " Ms. Chan..."
"I know this is humiliating so I tried to forget about what happened. I was
thankful that you don't remember anything. I was planning to keep it within myself
until the day I die... Pero sa hindi ko alam na kadahilanan, your wife found out
about this..."
"You're wife is scary... and she threatened my life. That's why Mr. Monteverde,
today is the last time that I'm going to see you."
Natauhan si Blake sa matinding pagkabigla. Ang agad na pumasok sa isipan niya ay si
Alex. Wala siyang kamalay-malay na nasasaktan niya pala ito. Hindi siya
makapaniwalang sa likod ng masasayang mga ngiti ng asawa nitong mga huling araw ay
may sakit pala itong kinikimkim sa dibdib.
Nagmamadali siyang tumayo. "I'm sorry but I have to leave. I need to talk to my
wife."
============================

[21] Stand By You

Napalunok muna si Blake habang hirap na hirap sa pagbuka ng kanyang bibig. "N-
Nakausap ko si Ms. Chan. I-Ipinagtapat niya sa akin ang mga nangyari noong nalasing
ako... S-She mentioned things that I couldn't remember... I-I think I committed a
very big mistake, honey." Naluluhang niyakap niyang muli ng mahigpit ang asawa.
"I'm sorry Alex...hindi ko sinasadya... Forgive me."
Natigilan ng ilang saglit si Alex hanggang sa unti-unting nangilid ang kanyang mga
luha. Sa paraan ng pagkakayakap sa kanya ni Blake at sa nanginginig nitong boses,
dama-damang niya ang pagsisisi at sinseridad nito sa paghingi ng tawad. Batid
niyang tahimik na itong umiiyak sa kanyang balikat. Imbes na magtampo't magalit ay
parang tinutusok pa ang dibdib niya sa awa sa asawang biktima din lamang ng buong
pangyayari. Kumawala siya sa yakap ng lalaki at inangat ang mukha nito. Hinawakan
niya ito sa magkabilang pisngi, pinahid ng daliri ang dumudungaw nitong mga luha at
nginitian.
"Alam ko ang buong katotohanan, Blake. May pagkakamali ka pero wala kang kasalanan.
Naiintindihan kong hindi mo sinasadya ang mga nangyari. Huwag mong isiping ikaw ang
nanakit sa akin... Alam kong hindi mo ako magagawang saktan sa ganitong paraan.
Minsan may dumarating lang talagang mga taong mas iniisip ang sariling kapakanan
kapalit ng pagsira ng isang masayang pamilya.."
"Hon, w-what are you talking about?" litong sambit ni Blake.
Ngumiti ng matamlay si Alex. "Siguro ay hindi ipinagtapat sayo ni Ms. Chan ang
buong katotohanan. Sinabi niya lang sayo ang mga bagay na ikakabuti ng imahe
niya.." Hinigpitan niya ang pagkakaipit sa pisngi ng mister at inilapit pa ang
mukha dito. " Pinagplanuhan niya ang nangyari sa inyo. Alam niya ang tungkol sa
sakit mo dahil siya ang nag-utos kay Ms. Miranda na nakawin ang record mo sa
hospital. Kinasabwat niya si Mr. Collantes na lasingin ka at siya ang nagplanong
dalhin ka sa hotel...."
Pansamantalang napamaang si Blake sa mga nalaman. Ang kaninang nagmamakaawang mukha
ay biglang napuno ng pagtataka at pagkalito. Naguluhan din siya kung bakit alam ng
asawa ang mga bagay na ito.
"D-Did you investigate on these matters?"
Tumango si Alex. "Oo."
"B-But why did Ms. Chan resort into these kind of lowly things? She admitted that
she likes me but she's an educated woman and I don't think it's enough reason para
gumawa siya ng ganito kababaw na bagay," gulung-gulong sambit ng lalaki. "This is
an act of desperation and it's too unlikely for her personality."
"Hindi ko rin alam," seryosong sagot ni Alex. "Maliban sa gusto ka niyang agawin sa
akin ay wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng
ito." Muling nangilid ang kanyang mga luha hanggang sa dahan-dahan ang mga itong
pumatak habang diretsong nakatingin sa mga mata ng asawa. "Mahal na mahal kita
Blake. Mahal na mahal ko kayo ng anak mo kaya kahit simpleng banta ng paninira sa
pamilya natin ay hinding-hindi ko papayagang mangyari..."
Agad na niyakap at inalo ni Blake ang lumuluhang babae. "I love you too Hon. Pag
nawala ka sa buhay ko ay hindi lamang ako masasaktan kundi mamatay rin ako. I
should have been more careful. It's my fault again this time. Babawi ako
wifey...I'm sorry."
"Ang pagkakamali mo ay nagtiwala ka sa mga maling tao." Pinahid ni Alex ang mga
luha at muling tiningnan ang mister. "Pero magbunga man ito ng bagong pagsubok sa
ating dalawa... Blake, mangako tayo sa isa't isa na haharapin natin ito ng
magkasama. Napakadami na nating pinagdaan at kahit mga buhay natin ay pareho nating
isinugal dahil sa pagmamahal natin sa isa't isa. Hindi na dapat tayo matinag ng
kahit anupamang pagsubok na dumating sa atin."
Puno ng pagmamahal na tinitigian ni Blake ang asawa. Tumango siya at ngumiti nang
may mamasa-masang mga mata. "Yes, honey... Hindi na ako mangangako dahil yan naman
talaga ang balak kong gawin habambuhay. Ang ipaglaban ka sa kahit anuman at
sinuman." Marahang hinawakan at hinaplos niya ang pisngi ng misis. Kinuha niya ang
palad nito at tinitigan ang kamay na batid niyang muli na namang nagagamit sa isang
bagay na ayaw niya.
"It aches my heart that you were forced to return to your old self because of me.
It pains me more whenever I think that you're hurting not just emotionally but also
physically. Ayoko na ulit na masaksihan kang nakikipag-away at nakikipagbugbugan.
Nang magpakasal tayo, yan ang idinasal ko na sana'y huwag na uling mangyari..."
"...In order to protect you and to ease your doubts, hindi na ako muling
makikipagkita pa kay Ms. Chan. Ipagkakatiwala ko na sa aking mga tauhan ang pag-
aasikaso sa joint projects ng aming mga kumpanya."
Nag-aalinlangang tumingin si Alex sa asawa. "P-Pero Hon, kung hindi na ikaw ang
mag-aasikaso, baka malugi kayo sa project niyong yan?"
Ngumiti ang lalaki. "It's alright. I trust the ability of my employees. Besides,
ikaw at si Cassandra pa rin ang pinakamahalaga para sa akin."
------
"Why do you look sad?" tanong ni Harry sa matamlay na si Cassandra habang naglalaro
ang mga ito sa sala. "Minsan ka na nga lang pumunta dito sa bahay tapos sad ka pa,"
dagdag ng batang lalaki.
Kumukakoy ang mga paa at malungkot na yumuko si Cassandra. "I miss Dominic."
"Dominic? Who's that?" kunot noong tanong ni Harry.
"My only friend in school."
"Umalis na ba siya sa school niyo?"
"No. But Mom doesn't want me to play with him anymore."
"Why?"
"Because I'll be in danger if I keep getting close to him."
Nag-isip ng ilang saglit si Harry at pagkuway hinawakan nito ang braso ng batang
babae at niyakag itong tumayo. " I don't want you to feel sad because of other
friend. Come, let's play."
Sumimangot si Cassandra. "I don't want to play with you. Gusto mo ikaw lang ang
nasusunod sa mga games na lalaruin natin!"
"Okay. This time I'll follow what you want. You can decide what games to play," ika
ng batang lalaki.
Umaliwalas ang mukha ni Cassandra. "Really? Even the wrestling game?"
Napipilitang tumango ang batang lalaki. "Yeah. Whatever you like. Just don't be
sad, okay?"
"Okay!" biglang siglang wika ng batang babae sabay tayo nito at buntot sa kalaro.
Samantala naulinigan ni James ang pag-uusap ng dalawang bata. Napagtanto niyang
alam na ni Alex ang tungkol sa batang minamanmanan nila. Bigla siyang nag-alala na
baka nangangamba ang dating kasamahan tungkol sa kaligtasan ng kaisa-isa nitong
anak kaya agad itong pinalayo sa kaibigan.
Lumabas siya patungong hardin at lumapit sa masayang nagkukuwentuhanng sina Alex,
Blake at Margareth habang nag-iihaw ang mga ito para sa kanilang pananghalian.
"Alex can I talk to you in a minute."
"Okay," nakangiting tugon ng babae.
Lumayo ang dalawa sa kung saan hindi sila maririnig ng mga kasama.
"Alex, I think you already found out kung sino ang batang subject ng hinahawakang
kaso nina Inspector Aldovar," mahinahong wika ni James.
"Hmm..." napapatangong sambit ni Alex. "Huwag kang mag-alala, marunong pa naman
akong sumunod sa panuntunan tungkol sa confidentiality ng isang kaso."
"It's not about that. I know we can trust you. I'm only worried na baka nag-aalala
ka sa kaligtasan ni Cassandra."
Ngumiti ng tipid si Alex. "James, may tiwala ako sa mga operasyon niyo. Alam kong
hindi niyo hahayaang may mga inosenteng madadamay lalo pa't eskwelahan iyon ng mga
bata."
Nakapamulsang hinarap ni James ang kausap. "That's what I want to tell you.
Everything is well-planned kaya wala kang dapat ikatakot. We assure you of the
safety of the children."
Binigyan ni Alex ng isang ngiting pasasalamat ang dating kasamahan. "Thank you. At
nirereconsider mo pa rin ang nararamdaman ko."
Panaka-nakang tinatanaw ni Blake sina Alex at James. Bagama't nagtataka siya kung
ano ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit hindi sumasagi sa utak niyang may dapat
siyang ikabahala.
"Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila para dumistansiya sa atin?" kaswal na wika
niya kay Margareth na noo'y abala sa pagpaypay ng ihawan.
Kumibit lamang ng mga balikat ang babae. "Hindi ko alam. Pero tiyak na may
kinalaman yan sa trabaho. Ganyan naman yang dalawang yan eh. Wagas kong
makasekreto."
Napakunot ng noo si Blake. Kung tungkol ito sa trabaho, ano pang kinalaman ng asawa
niya dito? Napailing siya't mabilis na pinagpag sa utak ang naiisip. Marahil ay
tungkol ito sa ibang bagay, imposibleng kaladkarin pa ni James ang nanahimik niya
ng asawa.
"Buti naman at free ka ngayon. Matagal-tagal ko na ring hindi nasisilayan yang
mukha mo ah," biglang komento ni Margareth.
"Masyadong busy lately kaya heto medyo bumabawi sa mag-ina ko."
Tumunog ang cellphone ni Blake. Tiningnan niya ang tumatawag at bigla siyang
natigilan nang makitang si Ms. Chan ito. Ilang saglit siyang nagdalawang-isip kung
sasagutin ba ito o hindi.
"Go ahead answer your phone," ani Margareth sa pag-aakalang nahihiya lamang sumagot
ng tawag ang kausap.
Naasiwang ngumiti si Blake. "Excuse me," pasintabi niya.
Lumayo siya kay Margareth. Napilitan siyang sagutin ang tawag upang maiwasang
pagdudahan siya ng kaibigan ng asawa.
"Y-Yes Ms. Chan," may kahinaang sagot niya.
"Mr. Monteverde pwede ba tayong magkita kahit sandali lang."
Nagulat siya sa sinabi ng babae. Wala itong anumang bakas ng pag-aalinlangan. "I'm
sorry but I can't. I promised my wife not to meet you again. Kung tungkol ito sa
trabaho kindly contact my staff who's in charge of the project."
"I-It's not about work..."
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa.
Furthermore, I heard from your father that you're getting engage soon. So please
don't complicate your situation Ms. Chan."
"Walang mangyayaring engagement," diretsong sagot ng kausap.
Muli siyang natigilan at napakunot ng noo. "Why are you telling me that? It's your
personal issues and it's none of my concern."
" It does concern you.... I'm pregnant."
Biglang umurong ang kanyang dila at kasabay nito'y ang agarang paglakas ng kabog ng
kanyang dibdib.
"Mr. Monteverde....I'm carrying your child."
Nabitawan niya ang cellphone at natutulalang napatingin siya sa tila kawalan.
"Blake!"
Agad siyang natauhan pagkarinig sa boses ni Alex. Nilingon niya ang papalapit na
nakangiting asawa. Bahagyang natatarantang dinampot niya ang nabitawang telepono.
Pinutol niya ang naka-hang na tawag at pasimpleng pinatay ang cellphone.
"Hon, anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo?" puna ni Alex sa halatang
nababahalang mister.
Pinilit ngumiti ni Blake. Pagkuway napatingin din siya kina James at Margareth na
noo'y pareho ring nakatingin sa kanya't nag-aabang sa sasabihin niya.
"N-Nothing. M-May ini-report lang sa aking problema ang isa kong empleyado."

==============================

[22] Fate Intervention

*****
Nakipagkita si Blake sa isang restaurant kay Isabelle. Bago iparating kay Alex ang
natanggap na bagong problema, gusto niyang personal na alamin kung nagsasabi nga ng
totoo ang CEO ng Hexagon. At ngayon nga'y nanghihina siya habang tinititigan ang
isang resulta ng ultrasound na ibinigay sa kanya ng dalaga.
Nanlalaki ang kanyang mga mata at bahagyang nanginginig ang mga kamay habang
tinititigan ang larawan.
"I'm six weeks pregnant. Nagpatingin ako dahil mahigit isang linggo na akong
delay," ani Isabelle habang maya't mayang napapainom ng tubig. Kung tatantiyahin
eksakto nga ito sa araw nang pagkakalasing ng lalaki.
Napabuntong-hininga ng malalim si Blake. Nanghihinang inilapag niya ang hawak na
ultrasound result sa mesa. Napapikit siya at problemadong napasabunot ng marahan sa
sarili.
"How could you do this to me? May pamilya akong tao Ms. Chan," mahina ngunit ubod
ng diing sumbat niya.
Hindi makasagot ang dalaga.
"Sa tingin mo ba isang malaking biro lang ang lahat ng ito?" dagdag niya.
"It's not a joke for me. I like you and I want to be your woman, Mr. Monteverde.
And I don't care kong maging pangalawang babae mo lang ako. Mabigyan mo lang ako
ako ng kaunting atensiyon ay sapat na sa akin," matapang na pag-amin ng dalaga.
Napanganga si Blake sa tinuran ng kausap. Hindi siya makapaniwalang nanggaling ang
mga salitang ito sa bibig ng dating iginagalang niyang CEO. Dahan-dahan siyang
natawa nang may di makapaniwalang mukha.
"Wala akong magiging pangalawang babae dahil wala akong ibang mamahalin kundi ang
asawa ko," madiing sabi niya. "How could you be this selfish? Naisip mo man lamang
ba na hindi lamang asawa ko ang masasaktan mo kundi pati na rin ang anak ko?"
Maluha-luhang tumingin si Isabelle sa lalaki. " How about this child? Anak mo rin
naman ito... I was only longing for a portion of your attention pero hindi ko
ginustong umabot sa ganito. You're thinking about your family pero paano naman
ako?..."
"...Do you think my father will accept this? He will disown me. Tatanggalin niya
ako sa Hexagon. So help me Mr. Monteverde..." nagmamakaawang wika niya.
"You planned all of these and now you're dragging me into finding the solution.
You're being unbelievable Ms. Chan," nagtitimping sagot ng lalaki.
"Sapagkat anak mo ang pinagbubuntis ko."
Natigilan ng ilang saglit si Blake. Tiningnan niya ng diretso sa mga mata ang
kausap. May gusto siyang itanong ngunit nagdadalawang-isip siya sapagkat labag ito
sa kanyang prinsipyo bilang lalaki. Naghihinala man siya pero babae pa rin ang
kaharap niya.
"You're doubting me right?" kusang wika ng dalaga nang mabasa sa hilatsa ng mukha
ng lalaki ang pagdududa. "Para sa ikatatahimik mo, pwede mo akong samahang
magpatingin sa doktor. And right after I deliver this child hindi ako tututol kung
gusto mo itong ipa-DNA test agad," siguradong-siguradong pahayag nito.
Muling humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Blake. Hindi pa rin siya
makapaniwala sa mga nangyayari. Napakabilis. Tila pagmulat niya isang umaga ay
nalaman niya na lang na may nakasiping pala siyang ibang babae at nabuntis niya
ito. Gusto niyang isiping sana'y panaginip lang ang lahat. Isang napakalaking
bangungot ang masaktan niya ng hindi sinasadya ang kanyang pamilya.
"I'm sorry Ms. Chan... Hindi ko pa kayang magbitiw ng salita ngayon. I need to talk
to my wife first about it. Hindi ko ginusto ang nangyari sa atin kaya wala akong
dahilan para ilihim ang lahat ng ito sa asawa ko."
Tumigas ang mukha ni Isabelle. Nangingilid ang mga luhang tumingin siya kay Blake
nang halos hindi kumukurap.
"If you can't take responsibility of the child. Then, I'll not continue my
pregnancy."
Tila may sumabog sa tenga ni Blake. Napamaang siya sa narinig. "W-what did you just
say? What do you mean by that?"
"I'll abort it," buong tapang na wika ng dalaga.
Tila naging tuod siya sa walang kagatol-gatol na pagdedesisyon ng babae hanggang sa
dahan-dahan siyang natawa. "Ms. Chan hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?
Bakit kailangan mong idamay ang bata? Walang kasalanan yan sa mga maling desisyong
ginawa mo."
"I can't face this alone. Kung ayaw mong kilalanin ang dinadala ko then you left me
no choice."
Nanghihinang napasuklay ng kamay niya sa ulo si Blake. May ibang paraan para
harapin ang problema at hindi siya sumasang-ayon sa solusyon ng kausap.
"Look Ms. Chan," mahinahon na't tila may nag-aalong boses na ika niya. "I'm not
saying that I won't acknowledge the child. Kung talagang akin yan ay wala akong
magagawa kundi ang akuin ang responsibilidad ko bilang ama. Pero hayaan mo muna
akong kausapin ang asawa ko at pag-isipang mabuti kung papaano haharapin ang
problemang ito nang walang gaanong masasaktan," paliwanag niya.
Unti-unting lumambot ang mukha ni Isabelle hanggang sa dahan-dahan itong napangiti.
"Yan lang ang gusto kong marinig. Ipagpapalit ko ang lahat ng anumang meron ako
ngayon basta ipangako mong kikilalanin mo ang batang ipinagbubuntis ko."
Pansamantalang nanahimik ang lalaki hanggang sa wala rin itong nagawa kundi ang
tumango sa bandang huli. "I told you if it's mine I won't run away from my
responsibility."
Kalmado ngunit kita pa rin ang pagkabahala sa mga mukha na lumabas ang dalawa sa
restaurant lalong lalo na si Blake.
"Thank you for your time Blake... since you'll soon to be a father of my child
siguro naman ay okay lang na tawagin na kita sa pangalan mo," nakangiting pahayag
ng babae.
Sumagot lamang ng buntong-hinga si Blake sabay tiim bagang tiningnan ang kausap.
"Good bye," walang ganang paalam niya.
Walang ibang tumatakbo sa utak niya sa mga sandaling iyon kundi ang pag-iisip ng
tamang paraan kung paano ito sasabihin sa asawa. Matamlay siyang naglakad patungo
sa sasakyan. Hanggang sa may naulinigan siyang ingay.
Nagulat si Isabelle nang bigla na lang sumulpot si Alex malapit sa kanyang kotse.
Nangangalit ang mga panga at matatalim ang mga matang lumapit ito sa kanya.
Napaatras siya at napasandal sa kanyang sasakyan. Walang pasabing sinakal siya nito
ng isang kamay at halos umangat na sa lupa ang kanyang mga paa.
"Arrgh! I-I can't breath..."
"Anong sabi ko sayo? Di ba binalaan na kitang huwag ka na uling makikipagkita sa
asawa ko?! Akala mo ba hanggang salita lang ang pagbabanta ko!" paninindak ni Alex
na puno ng galit.
"N-Nasasaktan ako..."
Hinigpitan pa lalo ni Alex ang pagkakasakal at nang maramdamang hirap na hirap na
nga ang babaeng huminga ay saka lamang niya ito binitawan.
"Hindi ka ba talaga titigil?! UBOS NA ANG PASENSIYA KO SAYO?!"
Muli niya itong sinakal ng kaliwang kamay at iniangat niya ang kabilang nakakuyom
na kamao. Hindi na siya nagdalawang-isip na patikimin ng suntok ang babae. Subalit
akmang pakakawalan niya na ang kamao ay biglang may pumigil sa braso niya.
"Stop it hon."
"Blake-"
Napilitan siyang ibaba ang nakakuyom na kamay ngunit hindi ang kamay na sumasakal
kay Isabelle.
"Y-You can't do this to me..." hirap na salita ng dalaga.
"Bakit hindi? Kapag di mo pa kami tinigilan ng asawa ko mas matindi pa dito ang
aabutin mo!" nakangising sabi ni Alex habang pinandidilatan ang sinasakal pa ring
kaharap.
"B-Because...I-I'm pregnant with your husband's child."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Alex sa narinig. Nakangangang nilingon niya
ang asawa. "T-Totoo ba ang sinasabi ng babaeng to?" bakas ang kabang tanong niya.
"Hon-"
"TOTOO BAAA?!!!" sigaw niya kasabay ng pagdiin lalo sa pagkakasakal kay Isabelle.
Sumagot ng marahang tango si Blake. "Yes..."
Nanghihina't nanlalaki ang mga matang binitawan ni Alex ang babae. Natutulalang
nilingon niya ang mister nang may namumuong mga luha.
"Honey... I'm sorry," mangiyak-ngiyak na sambit ng lalaki.
------
Nakaupo sa kama si Blake habang maya't mayang napapasapo sa mukha at napapamasahe
sa sintido. Si Alex naman ay hindi mapakali sa pagpaparoo't parito habang paulit-
ulit na bumubuntong hininga.
"Hindi ako naniniwala! Nagsisinungaling ang babaeng yun! Malakas ang loob niyang
gumawa ng kuwento dahil alam niyang siya lang ang nakakalam sa totoong nangyari sa
inyo sa loob ng hotel na yun!" natataranta ngunit gigil na gigil na pahayag ni Alex
habang walang tigil sa pabalik-balik na paglalakad.
Tumingin si Blake sa asawa. "S-She has an ultrasound result..."
"Naniwala ka naman?! Kung nagawa niya ngang magnakaw ng medical records sa hospital
ano pa yung magpagawa ng pekeng ultrasound result."
"B-But she looks confident nang hinamon niya akong samahan ko siyang magpa check-up
sa doktor."
Muling nag-isip ng malalim si Alex. Napapakutkot na siya sa mga daliri sa kamay sa
matinding pangangamba. "Puwes baka buntis nga siya pero hindi totoong sayo to!"
"Matapang niyang sinabi sa aking pwedeng-pwede ko raw ipa-DNA test ang bata right
after giving birth," mahinang pahayag ng lalaki.
Tumigil sa paglalakad si Alex. Lumapit siya sa isang mesa at nanghihinang itinuon
dito ang mga kamay. "Hindi pwedeng mangyari ito... May naamoy akong mali. Malakas
ang kutob kong nagsisinungaling ang babaeng yun!"
Lumapit si Blake sa di mapakaling asawa at niyakap ito mula sa likuran. "Hon...
hayaan mong ako na lang muna ang humarap sa problema na ito. My most concern now is
to protect you and especially Cassandra. Kailangan kong pag-ingatan na huwag itong
makarating sa anak natin hangga't hindi ko napapatunayang ako nga ang ama ng batang
yun."
Kumawala sa yakap si Alex at paulit-ulit na umiling habang di malaman kung saan
titingin. "Hindi pwede. Hindi pwede... Di mo pwedeng harapin yan ng mag-isa.
Gagamitin ng higad na yun ang pagkakataon para lalong mapalapit sayo!.. At kung
totoo mang buntis siya, siguradong gagamitin niya ang bata para maagaw ka niya..."
unti-unting nanginig ang mga kamay ni Alex at nangilid ang kanyang mga luha.
"Hon, wala siyang aagawin at hinding-hindi ko siya pipiliin," pag-amo ni Blake sa
anumang oras ay tila sasabog nang asawa.
"Hindi imposibleng mangyari yan..mabilis lumambot ang puso mo lalo pa't may batang
pwedeng ipangsasangkalan..."
Lalong nagdagdagan ang kaba't pag-aalala ni Alex sa naiisip. Paano kung si Blake
nga ang ama ng batang yun? Paano kung lalaki pa ang magiging anak nito. Tiyak na
mas papaboran ito ni Don Henry at ng mga direktor ng Golden Pacific? Anong
mangyayari sa kanya na bukod sa hirap ng magkaanak ay may karibal pang mas bata't
maganda. Paano na si Cassandra?
"Hindi pwedeng mangyari to..." tila wala sa sariling sambit niya. Dinampot niya ang
isang libro at malakas na itinapon ito sa sahig. "Hindi pwede!!!"
Muling yumakap si Blake sa asawa. " Calm down honey... "
Itinulak ni Alex papalayo ang lalaki at ngumisi. " Calm down? Pinapakalma mo ako?
Magkakaanak sa iba ang asawa ko tapos ang gusto mo ay kumalma lang ako! HINDI AKO
ROBOT BLAKE!"
Napahaguhol siya sa sama ng loob. Naging mabuti siyang ina't asawa. Naging
responsable at mapagmahal na ama't kabiyak si Blake. May anak silang napapalaki
nila ng maayos at mahal na mahal pa rin nilang mag-asawa ang isa't isa... ngunit
bakit sa pamilya pa nila kailangang mangyari ang ganito?
Sinubukan uling yakapin ni Blake ang asawa at sa pagkakataong ito'y humagulhol na
ito sa kanyang dibdib. "Nangako tayong haharapin nating magkasama ang anumang
dumating na problema. Malalampasan din natin to basta wala lang susuko sa ating
dalawa. Ikaw na ang may sabing ngayon pa ba tayo matitinag sa dami na ng
pinagdaanan natin," amo niya.
Yumakap si Alex sa asawa habang nanatiling nakasubsob sa dibdib nito. "Natatakot
ako Blake..."
"Shhh... wala kang dapat ikatakot. Just remember that your husband will always be
beside you."
Tumigil sa pag-iyak si Alex at sumisinghot na pinahid ng kamay ang mga luha. Unti-
unting tumapang ang kanyang mukha at tumingin sa asawa. "Hindi ako titigil hangga't
hindi ko nahuhukay ang buong katotohanan. Ilalabas ko ang matagal ko nang itinagong
mga sungay at ako naman ang pagbibigyan mo ngayon Blake. Hindi ko hahayaang masira
ng babaeng yun ang pamilya natin ng walang kalaban-laban."
"Alex--"
"Pagbigyan mo na ako... ngayon lang."
Napipilitang tumango si Blake. Sa nakikitang pagdaramdam ng asawa, hindi niya ito
magagawang salungatin.
"Okay... but Hon. Please don't do anything dangerous," sagot niya sa kabila ng
matinding pag-aalinlangan. Kilalang-kilala niya si Alex. Kapag nasimulan ito, hindi
na nito alam ang ibig sabihin ng salitang limitasyon.
===================

[23] The Other Men

****
Seryoso't nakatiim bagang pinagmamasdan ni Alex ang gulat na gulat at naguguluhang
hitsura ni Mr. Chan habang iniisa-isa nitong tingnan ang mga ebidensiyang bitbit
niya. Sa pagkakataong ito ay kasama na dito pati CCTV file galing hotel na nakuha
niya sa pamamagitan ng paggamit ng koneksiyon bilang dating pulis.
"A-Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?" takang wika ng matanda.
"Nag-aalala ho ako baka may sakit kayo sa puso. Kaya dadahan-dahanin ko ho ang
pagpapaliwanag sa inyo," may kalambutang boses ni Alex. "Ang nakikita ho ninyo
ngayon ay mga katibayan ng pamimikot ng magaling mong anak sa asawa ko," may
ngiting sabi niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng chairman ng Hexagon at may bahid ng galit ang mukhang
tumingin sa kausap. "Anong pamimikot ang pinagsasabi mo?"
"Buntis ang anak niyo at itinuturo niya si Mr. Monteverde na ama ng dinadala niya.
Iginigiit niyang bunga daw ito ng nangyari kuno sa hotel na yan..."
Napanganga ang matanda at unti-unting nawalan ng kulay ang mukha nito. Napangiti
naman si Alex sa reaksiyong nakita.
"Actually Mr. Chan... hindi po ako natutuwa sa ginagawang pagsira ng anak niyo sa
pamilya ko. Pasensiya ka na kung pinapangunahan ko siya sa pagsabi ng problemang
ginawa niya. Gusto ko rin ho kasi kayong pangunahan na huwag na huwag kayong
magkakamaling kunsintihin ang kabaliwan ng anak niyo..."
"...Mag-ingat kayo sa mga desisyong gagawin niyo dahil hindi ako magdadalawang-isip
na idemanda ang anak niyo. Alam ko na parehong may pinag-iingatang reputasyon ang
Hexagon at Golden Pacific pero tandaan niyo, may pinanghahawakan akong mga
ebidensiya na maglilinis sa pangalan ng Golden pacific at ng asawa ko habang mas
lalo naman itong makakasira sa inyo."
Di pa rin makapagsalita si Mr. Chan na noon ay hindi pa natatauhan sa matinding
pagkabigla lalo pa't nadagdagan ng pagbabanta ni Alex.
"Iiwan ko na sa inyo ang mga katibayang yan. Kopya niyo yan na magsisilbing paalala
sa inyo upang huwag kayong gumawa ng anumang maling hakbang."
Ngingiti-ngiting tumayo si Alex at iniwan ang di pa rin makakibong matanda. Poise
na poise siyang naglakad papalabas ng opisina ng chairman. Napapalingon ang bawat
nadadaanang empelyado nang may nagtatakang mukha kung ano ang dahilan ng walang
pasabing pagbisita niya. Binibigyan niya lamang ng simpleng ngiti ang bawat
nahuhuling nakatingin.
Pagdating niya sa kotse ay napabuntong-hininga siya. Sa kabila ng matatapang na
bantang binitawan sa matandang chairman ay hindi pa rin siya kampante. Sa
pagsasaliksik na ginawa tungkol sa background ni Mr. Chan, nabatid niyang
nagtataglay ito ng napakatigas at napakalamig na puso.
Napahinto siya sa pagpapaandar ng sasakyan nang matanaw sa may di kalayuan si
Inspector Aldovar. Bababa sana siya upang batiin ito ngunit bigla siyang natigilan
nang makitang sinasalubong nito si Isabelle Chan. Dahan-dahang lumukot ang kanyang
noo.
Hinawakan ng binata ang braso ng babae. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga
ito at maya-maya lamang ay itinulak papalayo ni Isabelle ang lalaki, sinampal ito
at iniwang mag-isa. Gigil na gigil at halatang nagtitimpi ng galit ang inspektor.
Iritableng bumalik ito sa sasakyan. Nang umalis ay tahimik niyang sinundan ang
kotse nito.
-----
"Simberguenza!"
Nagtatakang napasapo sa pisngi si Isabelle matapos dumapo sa kanya ang malakas na
sampal ng ama.
"W-What did I do this time?" takot na wika niya.
Ibinato ni Mr. Chan sa anak ang mga ebidensiyang iniwan ni Alex.
"Pumunta dito si Mrs. Monteverde at isinampal niya sa pagmumukha ko ang mga
katibayan ng lahat ng mga katarantaduhang pinaggagawa mo! Anong pumasok diyan sa
kukute mo para gawin ito sa isang dating magaling na imbestigador?! What makes you
think that she won't find out about your stupid plan? Kahit kailan talaga ay puro
problema at kahihiyan ang ibinibigay mo sa akin!"
Lumapit ang ama sa di makapagsalitang dalaga. "You did all these to mess up my
plan, right? Is this your way of rebelling? Now tell me the truth about what Mrs.
Monteverde said, totoo bang buntis ka?!"
Nakatingin sa baba't nanginginig ang mga kamay na nanatiling tahimik si Isabelle.
"TOTOO BANG BUNTIS KA?!!!"
Nanatiling nakatikom ang bibig ni Isabelle hanggang sa may isang malakas na sampal
uling dumapo sa pisngi niya.
"TOTOO BA?!!!"
"Y-Yes..." nanginginig ang boses at nangingilid ang mga luhang wika ng babae.
Napahawak sa dibdib niya si Mr. Chan na animo'y nahihirapang huminga. At nang
makabawi'y muli nitong tiningnan nang matatalim ang anak.
"Magsabi ka ng totoo. Si Mr. Monteverde ba talaga ang ama ng pinagbubuntis mo o ang
hamak na Brandon na yun?"
Hindi sumagot ang babae sa halip ay napayuko ito habang tahimik na tumutulo ang
luha.
"SI BLAKE MONTEVERDE BA O SI BRANDON?!!!"
"S-S-Si M-Mr. Monteverde..."
Napangisi ang ama at kita sa mukha nitong hindi kumbinsido sa sagot ng anak.
"Ipalaglag mo yan," walang pag-aalinlangang utos nito.
Nanlalaki ang mga matang tumingin si Isabelle sa magulang. "I can't do that Dad!
This is my child!"
"Hindi ko hahayaang dungisan mo ang magandang reputasyon ng pamilya natin! Anong
klaseng kahihiyan ang ibibigay mo lalo na't naipangako na kita ng kasal sa isang
matinong pamilya! Ipalalaglag mo yan at magpapakasal ka sa lalaking gusto ko o
tatanggalin kita sa Hexagon at palalayasin sa poder ko?!"
Tumapang ang mukha ni Isabelle at palabang tumingin sa magulang. "This time I will
not follow your order. Itutuloy ko ang pagbubuntis ko. Wala akong pakialam kung
itakwil niyo man ako! This is all your fault... you pushed me to do it dahil gusto
kong patunayan sayong hindi ka makakahanap ng perpektong lalaki para sa akin. Not
even a man like Blake Monteverde because he's also capable of hurting his family!"
"Nagawa niya yun dahil pinagplanuhan mo ang lahat. At ngayong nabuko ka na...
kanino mabubunton ang kahihiyan? Walang iba kundi sa pamilya mo?!"
Ngumisi ang dalaga at ang kaninang lumuluhang mga mata ay unti-unting nagningning.
"But still I achieved something, right?... I'm having a child who could be a
legitimate heir of a multi-billion company..."
Natigilan si Mr. Chan at napapaisip na tumingin sa anak.
"Hindi ba ito ang gusto niyo? Ang makapag-asawa ako ng isang lalaking makakamerge
ng Hexagon Realty. Para lalong tumibay ang kapangyarihan at kayamanan niyo... Well,
I'm doing it now but I'm doing it without getting marriage.... Dad bibigyan kita ng
apo na magiging tagapagmana ng Golden Pacific."
Ilang saglit na hindi nakaimik ang matandang negosyante hanggang sa nanghihina
itong napayuko't napasapo sa noo.
"Get out of my sight... GET OUT!"
Matapang na tinalikuran ni Isabelle ang ama ngunit bago siya tuluyang makalabas ay
nagpahabol ang magulang.
"Ipagdasal mong lalaki yang magiging anak mo at kilalanin ka ni Mr. Monteverde na
babae niya. Kapag hindi nangyari alin man sa dalawang yan, hindi ako magdadalawang-
isip na tanggalin ka sa listahan ng pamilya natin."
------
Diretso si Brandon sa isang shooting range. Binubuhos niya lahat ng sama ng loob sa
pagbaril. Ayaw pa rin siyang pakinggan ni Isabelle. Tinatanggihan pa rin nito ang
alok niyang lumayo. Harap-harapang pinamumukha pa rin sa kanya ng babae na hindi
nito ipagpapalit ang lahat ng anumang meron siya dahil lamang sa lalaking gaya
niya. Paulit-ulit pa rin siyang pinagtutulakan nito papalayo.
Nangngingitngit ang mga ngipin at puno ng galit ang dibdib ang kanyang dibdib.
Walang humpay siya sa pagkalabit ng gatilyo. Hanggang sa natigilan siya nang
mapansin niya ang katabing target. Sunud-sunod ang pagputok at panay bulls eye ang
mga tama nito. Nagtatakang napatingin siya sa katabing bumabaril. Nagulat siya sa
nakita.
"M-Ma'am Alex..."
Tumingin sa kanya ang babae at ngumiti. Ibinaba nito ang baril at isiniksik sa
sukbitan. Naghubad ito ng ear protector. Mahinahon itong lumapit sa kanya ngunit
may kakaiba sa ngiti at mga mata nito. Dali-dali niya ring isinukbit ang baril at
hinubad ang ear protector.
"Anong ginagawa niyo dito?" taka niya.
Hindi siya sinagot ng kausap sa halip ay nagbitiw din ito ng katanungan.
"Ang babaeng tinutukoy mo na ipinagpalit ka sa materyal na bagay... Si Isabelle
Chan ba yun?"
Bagamat nalilito siya sa dahilang ng pagtatanong nito ay sumagot pa rin siya. "Y-
Yes..."
"Nung pinaalalahanan mo ako tungkol sa mga nagbabalak umagaw sa asawa ko... si
Isabelle Chan din ba ang tinutukoy mo?" madiing tanong nito.
Nag-alinlangan siyang sumagot. Mahal niya ang dalaga kaya't sa kabila ng nangyayari
sa kanilang dalawa hindi niya pa rin ito kayang ilaglag. Unti-unting nabakas niya
ang galit sa mukha ng kausap dahil sa pananahimik niya. Buong tapang siya nitong
hinawakan sa kuwelyo at tinitigan.
"MAGSALITA KA?!!"
Nagulat siya sa galit na ipinamamalas ng dating pulis. Ilang ulit siyang nag-
alinlangan habang nararamdaman ang unti-unting paghigpit ng pagkakakuwelyo sa kanya
ng babae. Wala siyang lakas ng loob na kalabanin ito kaya wala rin siyang nagawa
kundi sabihin ang totoo.
"Y-Yes..."
Walang pasabing sinuntok siya ng babae sa panga. Natumba siya sa lakas ng
pagkakasuntok nito. Napapahid siya sa bibig at nakita ang dugong kumapit sa kanyang
kamay. Nanlalaki ang mga mata at naguguluhang tumingin siya sa kaharap na may
nakakapanibagong asal.
"W-What's wrong Ma'am Alex?"
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!!!" namumula ang mukha at puno ng paninising
sumbat nito.
Dali-dali siyang tumayo para kausapin ng mahinahon ang tila nawawala sa sariling
kausap.
"Hindi ko sinabi dahil hindi ako naniniwalang seseryosohin niya ito," katwiran niya
hanggang sa unti-uti siyang kinabahan. "W-Why? Did something wrong happen?"
Muli siyang kinuwelyuhan ng babae at gigil na gigil na pinandilatan siya nito. "Oo!
Yung magaling at malandi mong babae ay nagtagumpay sa pamimikot sa asawa ko! Ngayon
ay buntis siya at ang itinuturo niyang ama ng bata ay si Blake!"
Napamaang si Brandon sa narinig. Natutulalang hinarap niya ang mga galit na titig
ni Alex. Dahan-dahang lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib nang mawaring hindi
nagsisinungaling ang mga mata nito. Wala sa sariling tinanggal niya ang mahigpit na
pagkakahawak sa kanya ng babae at patakbong nilisan ang shooting range.
]=======================

[24] Negotation

****
Walang takot na sumugod si Brandon sa Hexagon Realty. Wala na siyang anumang bahid
ng pag-aalinlangan. Kung dati'y iniisip niya pa ang reputasyon ng dalagang CEO
ngayo'y hindi na sapagkat ito na rin mismo ang sumisira sa sarili nitong pangalan.
Binuksan niya ang pinto ng opisina nito sa kabila ng pagpigil sa kanya ng
sekretarya sa kadahilanang nasa meeting daw ang dalaga. Napatingin sa kanya ang mga
naroroon sa silid ngunit binalewala niya ito sa halip ay agad na hinanap ng mga
mata niya si Isabelle. Para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa kanya.
"Let's talk," matigas na wika niya.
"C-Can't you see I'm in the middle of a meeting?" ani Isabelle habang pilit
itinatago ang kaba sa dibdib.
"Then fine. Let's talk in front of everybody," hamon ng lalaki.
Napalunok ang CEO at medyo napapahiyang tumingin sa mga kausap. "I'm sorry but can
we continue this meeting some other time."
Isa-isang lumabas ang mga ka-meeting. Nang masolo ng dalawa ang opisina agad na
hinarap ni Isabelle si Brandon nang may nanggagalaiting mukha.
"What is your problem?!"
"Ikaw ang may problema! Hindi ako!" sumbat ng binata.
"At anong problema ko? You are the one who can't accept rejection! Kahit paulit-
ulit mo akong sugurin dito, hindi na kita babalikan! Sige ibandera mo pa lalo ang
pagmumukha mo dito sa Hexagon! Wait until my father find out about it and ruin
you!"
"I'm not afraid of your father. Hindi ako katulad mo! Did you finally go crazy at
tinotoo mo ang plano mong pagsira sa pamilya ni Blake Monteverde?!"
Taas noong tiningnan ni Isabelle ang binata. "Yes. I told you I won't settle unless
I get what I want!"
Napangisi si Brandon nang may di makapaniwalang mukha. "And I'm no longer belong to
those things na kailangan mo, right?"
"Yes," madiing sagot ng dalaga.
Nagtitimping tumalikod si Brandon. Napatingin siya sa taas at napasuklay ng kamay
sa buhok habang napapapikit. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Nang
humarap siya sa babae ay napapangisi na lamang siya.
"I heard that you're pregnant," malumanay nang pagkakasabi niya.
"Yes."
"Totoo bang anak ni Blake Monteverde yan?"
"Oo," walang kakurap-kurap na sagot ni Isabelle.
"How is that even possible?" tanong ng binata nang may nakakalokong mga ngiti.
"It's possible because I slept with him."
"Sigurado ka ba sa sagot mo?"
"Katawan ko to kaya alam ko kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko." Ngumisi ang
babae. "Why? Kaya ka ba napasugod dahil dito? Iniisip mo bang sayo ang batang ito?
You're being delusional! Hinding-hindi ako papayag na mabuntis ng isang lalaking
kagaya mo!"
Gumanti ng ngisi si Brandon. "Bakit ano bang klase ang lalaking kagaya ko? Hindi
kasing yaman niyo? Na hindi ako sumasamba sa pera? Oo wala ako kung ano ang meron
kayo, but I'm happy living my life the way I want to live it!.. At higit sa lahat
alam ko ang kahulugan ng kahihiyan!.."
"...Hindi ko kayang sikmuraing manira ng buhay ng iba para lamang sa sariling
kapakanan. Ngayong unti-unti mo nang nagugulo ang tahimik na pamilya nina Blake
Monteverde, did you gain something from it aside from having new enemies?..."
Hindi makaimik ang dalaga ngunit matapang pa rin ang mukhang pinapakinggan nito ang
lahat ng sinasabi ng kausap.
"You were totally devoured by greed and selfishness, hindi na ikaw ang Isabelle na
minahal ko. Siguro nga ay tama ka na tigilan na kita. I agree that it's time for me
to give you up. I'm letting you go at buburahin ko hanggang ang kahuli-hulihang
natitirang pagmamahal ko sayo..." Itinuro ni Brandon ang tiyan ng dalaga. "Pero
itong tatandaan mo.... kapag anak ko yang pinagbubuntis mo at pinaako mo sa iba,
hinding-hindi kita mapapatawad!"
Lumabas si Brandon at pabalibag nitong isinara ang pinto.
Pagkaalis ng binata ay saka lamang nakaramdam ng panghihina si Isabelle.
Nanginginig ang mga tuhod na napaupo siya sa kanyang mesa. Hindi maalis-alis ang
mga mata niya sa pintong nilabasan ni Brandon. Unti-unting pumatak ang kanyang mga
pinipigilang luha hanggang sa humahagulhol na napasubsob siya sa mesa.
-----
Binisita ni Mr. Chan si Blake sa Golden Pacific. Bago pa man maging magulo ang
sitwasyon ay naisipan niya ng kausapin ito upang makaiwas sa malaking kahihiyan.
Bagama't tutol siya sa ginawa ng anak ay wala siyang mapagpipilian kundi ang lihim
na bigyan ng solusyon ang pagkakamaling ginawa nito alang-alang sa reputasyon ng
kanyang pangalan.
"Mr. Monteverde, I'm apologizing in behalf of my daughter. Nagpunta ako dito para
kausapin ka at ayusin ang sitwasyon niyo ng anak ko," mapagkumbabang bigkas ng
matandang negosyante.
Blangko ang mukha ni Blake habang nakatingin sa kaharap. Tinitimbang niya ang
senseridad ng bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Nag-aalangan siyang
paniwalaan ang mga naririnig. Kung nagawa siyang lokohin ng anak, posibleng gawin
din ito ng ama.
"You're daughter made an unforgivable sin. She hurt my wife and she made me feel
like a bad husband," matigas na sabi niya.
Napatango ang matanda bilang tanda ng pagsang-ayon. "Alam ko...alam ko na
napakabigat ng kasalanang ginawa niya. Kaya lang ay nangyari na ang hindi dapat
mangyari. Kung palalakihin pa natin ito, we'll both be on the losing end."
"I won't be on the losing end. Kung hahayaan ko ang anak niyo sa gusto niya... dun
may mawawala sa akin. Mawawala ang dignidad ko bilang lalaki, asawa at ama. Baka
mawala pati paggalang at pagmamahal sa akin ng pamilya ko at iyan ang hinding-hindi
ko hahayaang mangyari Mr. Chan!" madiing sagot ni Blake.
"Your getting me wrong Mr. Monteverde. I'm not saying na sundin mo ang kagustuhan
ng anak ko. Tinatanggap ko naman na maling-mali ang ginawa niya kaya lang sa
kasamaang palad ay kailangan nating harapin ang di inaasahang pagbunga ng
pagkakamaling iyon. Ang gusto ko lang ay pag-usapan natin kung papaano haharapin
ang pagbubuntis ng anak ko nang tahimik at malayo sa eskandalo," mahinahon pa ring
paliwanag ng matanda.
Napangisi si Blake. "I'm still not convinced that the child is mine," diretsong
sabi niya.
Muling tumango si Mr. Chan. "Naiintindihan kita. Mahirap itong tanggapin lalo na't
hindi mo ginusto ang nangyari at wala kang nararamdaman para sa anak ko. Pero kahit
huwag mo ng isipin ang kapakanan ni Isabelle, ang isipin mo na lang ay ang
kapakanan ng batang dinadala niya. Sa ayaw mo man at sa gusto, laman at dugo mo rin
ito."
"But I heard from my wife that your daughter was dating Inspector Aldovar,"
diretso't makahulugang sagot ni Blake sa kausap.
Natigilan ng ilang saglit si Mr. Chan. Pikit matang binura niya sa buong pangyayari
si Brandon. Pinili niyang paniwalaang si Blake Monteverde nga ang ama ng bata. Mas
tatanggapin pa niyang maging pangalawang babae ang anak niya ng isang bilyonaryong
negosyante kesa mauwi ito sa isang hamak na pulis.
"Si Brandon ay parang anak ko at magkapatid lamang ang turingan nila ni
Isabelle..."
"Hindi yan ang pagkakaalam ko. I learned that they were secretly seeing each other
behind your back because you strongly object in their relationship," matapang na
sagot ni Blake. "And I'm pretty sure that you're already aware of this."
Idinaan na lamang ng chairman ng Hexagon sa ngiti ang pagkakahuli sa kanya ng
lalaki. "Pero bakit naman gagawin to sayo ni Isabelle kung meron siyang karelasyon
na handang managot sa kanya?"
"It' s simple. Ikaw na mismo ang nagsabi sa aking ipapakasal mo siya sa anak ng
kaibigan mong Singaporean businessman. Your daughter detest the idea but she had no
courage to oppose you. Therefore she used me to stop the marriage. She couldn't use
that inspector because she indeed loves him and she's also protecting him. Maybe
she believes that compared to me, you can easily bully that young police officer."
Napamaang ng ilang saglit si Mr. Chan sa mga narinig.
"Did I just hit the spot?" ngingisi-ngising wika ni Blake nang makita ang reaksiyon
ng matanda. "Mr. Chan I won't be sitting at this position now kung basta-basta na
lamang akong mauuto ng sinuman."
Dahan-dahang uminit ang mga tenga ng matandang negosyante. Sa kabila ng pilit na
pagpapakumbaba niya ay nagmamatigas pa rin ang kausap.
"Pero ikaw ang tinuturo ni Isabelle na ama ng pinagbubuntis niya," may kadiinan ng
sabi niya.
"Madaling magturo but after what I discovered, do you still expect me to take the
bait?" napapakibit balikat na sagot ni Blake.
Nababakas na ang senyales ng pagkakapikon sa mukha ni Mr. Chan. "Sige, tatanggapin
at paniniwalaan kong hindi nga ikaw ang ama ng bata. Sa isang kondisyon, sagutin mo
ang tanong ko. Sa napanood kong kuha ng CCTV sa hotel, batid kong nagkasama kayo sa
iisang kuwarto ni Isabelle. Sa mga sandaling iyon, may nangyari ba o wala sa inyo
ng anak ko?!"
Biglang umurong ang dila ng chairman ng Golden Pacific.
Natawa si Mr. Chan sa pananahimik ng kausap. "Look at you. Wala kang maisagot dahil
hindi mo rin alam. At dahil wala kang alam, wala tayong magagawa kundi tanggapin
ang sinasabi ni Isabelle. Magpaikot-ikot man tayo hindi pa rin maitatanggi ang
katotohanang may posibilidad ngang ikaw nga ang ama ng bata!"
"Yes! I don't deny that fact pero hangga't wala akong pruweba, hindi ko aakuin ang
responsibilidad! Kapakanan ng pamilya ko ang nakataya dito Mr. Chan!" galit na ring
sagot ni Blake.
Si Mr. Chan ang kusang kumalma. "Mr. Monteverde, I came here to negotiate. Alam
kong pareho tayong ayaw na lumabas pa sa publiko ang pangyayaring ito... Alam kong
higit sa lahat ay ayaw mong makarating ito sa pinakamamahal mong anak..."
Agad na natahimik si Blake nang mabanggit ang anak.
"...Kung gaano mo pinakaiingatan ang damdamin ng anak mo ay ganun ko rin
pinakaiingatan ang pangalan ko."
"What is it that you want?" diretsong tanong niya nang maamoy na hindi man
diretsahan ngunit ipinambabanta sa kanya ng kausap ang kaisa-isang anak.
"Tatanggalin ko si Isabelle sa kanyang posisyon sa Hexagon bago pa man lumaki ang
kanyang tiyan. Itatago ko ang pagbubuntis niya alang-alang sa katahimikan natin.
Ang ipapakiusap ko lang ay sana patigilin mo na ang asawa mo sa pag-iimbestiga sa
nangyari. There's no need for her to dig for more dahil aminado na kaming nasa
parte ng anak ko ang pagkakamali."
Napaisip ng ilang saglit si Blake. Di rin siya gaanong komportable sa ginagawa ng
asawa dahil nag-aalala siya sa kaligtasan nito. Kung ito ang hihinging kapalit ng
kausap marahil ay pagbibigyan niya ito.
"I'll discuss it with my wife," tipid na sagot niya.
"At isa pa sa ipapakiusap ko.... sana'y masuportahan mo rin kahit papaano si
Isabelle sa pagbubuntis niya para sa kalusugan ng bata... Nakikiusap ako alang-
alang sa bata until such time na pwede na tayong magpa DNA test. It's a win-win
situation. Kung anak mo nga ito at least you'd be able to take care of it while
still in the womb pero kung hindi nama'y I'll be more than willing to let you go of
the responsibilty and sincerely thank you for the help you gave."

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Blake. "I don't think I'll submit on
your second request. Kung pagbibigyan ko kayo, it will look like I agree to be
manipulated by a big fat lie."
Nagseryoso ng mukha si Mr. Chan. "It is not a lie until it's proven as one.... Ang
dalawang bagay na yan lang Mr. Monteverde ang pinakasimpleng bagay na kaya kong
hilingin sayo. Let's both live harmoniously until such time na pwede na nating
alamin ang katotohan. I have swallowed my pride to beg for your cooperation pero
kung hindi mo kayang pagbigyan ang ipinapakiusap ko then I guess both of us should
be prepared for the worst. Haharapin ko ang lahat ng kahihiyan at tanggapin mo ring
masasaktan mo ang mga taong ayaw mong masaktan...especially your daughter ang your
grandfather."
Tumayo ang matanda. "Have a nice day Mr. Monteverde. Thank you for your precious
time."
Nang mapag-isa sa kanyang opisina, tiim bagang dinampot ni Blake ang isang ballpen.
Paulit-ulit niya itong pinipindot habang nakatitig ng diretso sa dingding at nag-
iisip ng malalim. Tinitimbang niya ang kondisyong hinihingi ng matandang Chan.
Hindi niya maikakailang malaki ang punto ng chairman ng Hexagon. Kung tutuusin kaya
niya itong pagbigyan alang-alang sa ikatatahimik ng kanyang pamilya... pero sasang-
ayon ba sa kanya si Alex?
===========================

[25] Bring Back The Harmony


****
Nakapatong sa noo ang kamay habang nakahiga't titig na titig si Alex sa kisame.
Pinag-iisipan niyang maiigi ang lahat ng mga sinabi ng katabing asawa tungkol sa
pinag-usapan nila ni Mr. Chan.
"Hon, don't you think we were consumed enough by the problem brought to us by
Isabelle? Masyado na tayong nagpapadala sa larong ginawa niya..." mahinang sambit
ni Blake.
Sumagot lamang ng malalim na buntong-hininga si Alex.
"You've gathered enough proof to clear our side. At ngayon ay pareho ng malinaw sa
atin kung bakit ginagawa ang lahat ng ito ni Isabelle. That woman's head is
distorted right now. She's just using me because of her fear against her father...
and maybe because of her love for that young inspector. D-Dont you think it's time
for us to take a break from this problem?"
Nanatili pa ring nakatitig si Alex sa kisame. Bukod sa mga sinabi ni Mr. Chan ay
naglalaro din sa isipan niya lahat ng mga inamin sa kanya ni Brandon. Humingi sa
kanya ng tawad ang binata. Pati mga kasalanang ginawa sa kanila ni Isabelle ay
inihingi na rin nito ng tawad. Malakas ang paniniwala nitong siya ang ama ng
pinagbubuntis ng dalaga. Isinalaysay nito ang buong katotohanan sa pagmamahalan
nila ng dalagang CEO. Naging mabuting girlfriend ito sa kanya sa kabila ng kaibahan
nila sa estado sa buhay. Nag-umpisa lamang magbago ang ugali ng babae nang
pinupwersa na ito ng ama na magpakasal sa iba. Hindi nga lang inaasahan na lahat ng
kinikimkim nitong takot sa magulang ay nauwi sa sariling kasakiman.
"We are almost sure about the truth... and this time huwag na nating hayaang
maapektuhan tayo ng problemang ito. Let's continue living the way we used to be...
let's believe what we want to believe..."
Nang dahil sa kabarong inspektor, di maikakaila ni Alex na unti-unting lumalambot
ang puso niya sa mga nangyayari. Dahan-dahang nagiging malinaw sa kanya na bukod sa
kanila ni Blake may isa palang taong higit na nasasaktan dahil sa kagagawan ng
babaeng iniibig nito.
Sa isang banda ay magkapareho sila ng kapalaran ni Aldovar ngunit sa kabilang banda
naman ay magkasalungat. Parehas silang nagmahal ng taong napakalayo sa estado ng
kanilang katayuan sa buhay. Ang pinagkaiba nga lang ay ipinaglaban siya ni Blake sa
lahat ng panahon samantalang ang inspektor naman ay inabandona sa oras ng pagsubok.
Dama niya ang sakit na nararanasan ng binata dahil kung ginawa ito sa kanya ni
Blake siguro'y hindi niya kakayanin ang sakit.
"...And ignore what we need to ignore hanggang sa dumating ang oras na lumabas rin
ang buong katotohanan..."
Iniharap siya ni Blake at iniunan sa kanya ang braso. Marahan nitong hinaplos ang
kanyang pisngi at tumitig. At habang tinititigan siya nito nang puno ng pagmamahal,
muli siyang napapaalalahan kung gaano siya kapalad sa asawa.
"Wifey our love is stronger than their greed and selfishness. I think sapat na ang
panahong sinayang natin para sa problemang kagagawan ng iba. Huwag na nating
hayaang nakawin nila ang mga sandaling dapat ay ibinubuhos natin para mahalin pa
lalo ang isa't isa..."
Nangilid ang kanyang mga luha sa tinuran ng mister. Kahit ano pa mang problema ang
dumaan sa kanila, hinding-hindi niya pa rin pagsisihan na ito ang kaisa-isang
lalaking minahal niya ng buong buhay.
"Nasasaktan ako na nakikitang unti-unting kinakain ng galit ang puso mo. Mabigat sa
dibdib na makita kang bibihira nang ngumiti. I missed my wife who has sweet smiles
whenever I open my eyes in the morning. Huwag nating pagdusahan ang isang
kasalanang hindi naman natin ginawa..."
"Blake-"
"Kung kaya pwede ba akong humiling na ibalik mo na ang asawa kong si Alex? Because
I'm starting to miss her already..."
Tahimik na tumulo ang kanyang luha. Nang ibubuka niya na ang bibig upang magbigay
ng kasagutan, siniil siya nito ng halik. Hinalikan siya nito ng malalim at puno ng
pananabik.
"I love you wifey and I miss making love with you..."
-----
Maya't mayang nililingon ni Cassandra ang inang nagmamaneho. Naninibago siya na ito
na ulit ang naghahatid sa kanya sa eskwelahan. Hindi na ang drayber at yaya.
"You're not busy anymore?" kunot noong tanong niya.
"Yes. Why? Aren't you happy na si Mommy na ulit ang naghahatid sayo," medyo
malambing na wika ni Alex.
"I'm happy," kibit-balikat na sagot ng bata.
Nilingon ni Alex ang anak at binigyan ito ng isang malambing na ngiti.
"Huh? You're smiling again! Does your nicer mood finally returned?" natutuwang
pahayag ng bata.
"Pasensiya ka na anak kung medyo hindi ka masyadong naasikaso ni Mommy lately.
Meron kasi kaming naging problema ni Daddy na dapat bigyan ng atensiyon," paliwanag
ng ina.
"What kind of problem? Did Dad finally had an affair?" walang kagatol-gatol na ika
ng bata.
"Cassandra Marlene!" bulalas ni Alex sabay preno. "How can you say such thing so
casually?!"
Muling napakibit ng mga balikat si Cassandra. "I just guessed it. Di ba dun sa mga
pinapanood mong drama kapag nagkakaroon ng ibang babae yung husband, the soft wife
starts to look stronger. She always look problematic and angry. That exactly what
happened to you."
"Hindi ganyang klase ng lalaki ang Daddy mo!"
Ngumuso ang bata. "Sabi ko nga I'm wrong. I'm just trying to exercise my
imagination. I know Dad can't do that. He can't make even a simple protest when
you say no, mambabae pa kaya."
"Mabuti naman at alam mo. Why do you want to imagine things like that?"
"Kasi I'm curious if what you'll do to Dad. He's dead, right?!"
"Ikaw, gusto mo ba na mambabae ang Daddy mo?"
Agad na lumukot ang hilatsa ng mukha ng bata "No!"
"What will you do to Daddy?"
"Nothing but I'll do something to the other woman!" Tumapang ang mga mata ng bata
at tumigas ang mukha nito. "I'll kick her butt and twist her neck!"
Humalakhak ng malakas si Alex sabay umapir sa anak.
"Huh? You're not objecting to my violent ideas," taka ni Cassandra.
Umiling ang nanay. "Bakit naman ako tututol eh kuwentuhan lang naman to."
Namimilog ang mga matang tumingin si Cassandra sa ina. "Whoah! Mom you're starting
to get cooler and cooler in my eyes!"
Kinindatan ni Alex ang anak sabay tingin sa kalsada at bulong sa sarili. "You have
no idea sweetheart."
Matapos ihatid ang anak ay walang ibang naging lakad si Alex maliban sa pagdalaw sa
headquarters. Hindi niya nakita si Inspector Aldovar sa labas ng eskwelahan nina
Cassandra kaya sinadya niya ito sa opisina subalit hindi niya pa rin doon naabutan
ang binata. Nasa drug entrapment daw ito. Gusto niya sana itong kumustahin at
kasabay nito'y makikibalita na rin kung may bago bang pangyayari sa kanila ni
Isabelle. Dahil wala doon ang sadya niya, minabuti niyang magpalipas na lamang ng
oras sa pamamagitan ng pakikipagbiruan sa mga dating kasamahan.
Bumalik siya ng eskwelahan ng anak mga trenta minutos bago maglabasan ang mga ito.
Kalmado siyang naghintay sa may gate hanggang matanaw niya si Isabelle na
naglalakad papalabas kasama si Cassandra.
Agad siyang kinabahan.
"Mom look who's here! It's Dad's business partner," ika ni Cassandra pagkakita sa
ina.
Dali-dali sinalubong ni Alex ang dalawa at agad na inagaw ang anak sa dalaga.
"Anong ginagawa mo dito," matigas na tanong niya habang pilit nagkukunwaring may
natural na reaksiyon sa harap ng bata.
Tumingin muna si Isabelle kay Cassandra at pagkuway ngumisi kay Alex. "I made a
donation in this school. Nagkataon lang na nakasalubong ko ang cute mong anak."
Niyakag niya ang anak patungong kotse.
"Diyan ka lang magtutuos pa tayo," mahinang pahabol niya sa CEO.
Nang maisakay ang bata ay muli niyang binalikan si Isabelle para komprontahin.
Pinandilatan niya ang dalaga. "Hindi ka ba talaga titigil? Pati anak ko ay gusto mo
na ring isali diyan sa kabaliwan mo?"
Humalukipkip si Isabelle sabay taas ng isang kilay. "Gusto ko lang namang makilala
ng maiigi at mapalapit sa magiging kapatid ng anak ko."
p-id="e20352dcf1ef247c4eab10ad874a0049">
Halos mapabuga ng isang malakas na tawa si Alex.
"Pwede ba tigil-tigilan mo na yang panggagamit sa asawa ko. Hindi mo na kami
mapapasakay diyan sa mga drama mo. Mag-imbento ka man ng sandamakmak na kuwento
pero alam ko kung kanino yang pinagbubuntis mo. At malinaw pa sa bilog na buwan na
siya nga ang ama ng bata kaya pakiusap bago pa muling sumapi sa akin ang ispiritu
ng dati kong sarili, lubayan mo na ang asawa ko. Itigil mo na ang panggagamit sa
kanya!"
"Hindi ko siya ginagamit. Mahal ko si Blake!" madiing sagot ni Isabelle.
Natawa ulit si Alex. "Sa totoo lang nakakaawa ka eh. Pero sige, panindigan mo pa
yang pagkasinungaling mo! Ituloy mo lang yang kabaliwan mo hangga't gusto mo,"
hamon niya. "Magplano ka pa ng magplano para sa ikasisira ng pamilya ko para lamang
mapanindigan diyan sa tatay mo na ang asawa ko nga ang ama ng pinagbubuntis mo at
hindi ang lalaking nagmamahal sayo pero hindi mo kayang ipaglaban..."
"Ubusin mo lahat ng lakas mo pero eto ang tatandaan mo... Hindi kayang gibain ng
kabaliwan mo ang pagsasama at pagmamahalan namin ni Blake. Hindi mo kami masisira
sa halip dahil sa kagagawan mo ay mas lalo pa naming minamahal ang isa't isa.
Ganyan kami... sa bawat pagsubok na dumadating sa relasyon namin ay mas lalo lamang
tumitibay ang aming pagmamahalan. Sapagkat handa kaming ipaglaban ang isa't isa sa
lahat ng oras... hindi kagaya ng iba diyan!..."
Napalunok si Isabelle habang nakatitig sa ngingisi-ngising kausap.
"...Di tulad ng iba na pinagtutulakan papalayo ang taong nagmamahal sa kanila. Mas
hinahayaang mangibabaw ang pagkamakasarili kesa sundin ang totoong sinisigaw ng
kalooban. At ang nakakalungkot magsisi man sila ay huli na. Nawala na at nagising
na rin ang taong nakahanda sanang umibig sa kanila ng totoo..."
"...Tama ang asawa ko na sayang lang ang pagod, galit at oras na ibinuhos ko sa
topak mo! Kaya ngayon Ms. Chan eto na lang ang masasabi ko sayo kasama ng lahat ng
kalokohang pinaggagawa mo...Manigas ka sa inggit!"
Tinalikuran ni Alex ang di makapagsalitang babae habang napapakuyom ito ng kamay sa
galit. Ngunit may naalala siya kaya muli niya itong hinarap.
"Ah alam mo bang madalas dito ang lalaking kinakawawa mo? Kaya imbes na ang anak ko
ang paggugulan mo ng oras ba't di siya ang puntahan mo dito. Baka sakaling mag-abot
kayo at tingnan ka niya ulit."
Namula lalo sa galit ang dalaga.
Itinuloy niya ang paglapit sa sasakyan at bago pumasok dito ay humugot muna siya ng
isang malalim na buntong-hininga saka ngingiti-ngiting sumakay.
"Mom anong pinag-usapan niyo ng business partner ni Dad? Both of your faces looked
serious," komento agad ni Cassandra.
"Nothing important," sabay tingin ni Alex sa anak. "Cassie don't ever approach that
woman again."
"But why? She's nice and she doesn't look like a bad person."
"Maybe she is but whenever she faced Mom and Dad... that woman goes crazy."
Napaisip ng ilang saglit ang bata. "Mom is she the problem you were talking about
earlier? Because Dad had a crazy business partner?" nakamulagat na tanong nito.
"Yes. Kaya pag lumapit ulit sayo ang babaeng yun, don't listen to whatever she
says. Ipasok mo sa isang tenga at ilabas mo sa kabila, understand?"
"Yes Mom, I will!" paulit-ulit na tango ni Cassandra nang may seryoso at
determinadong mukha.
-==================

[26] Someone Like Her

****
"WHERE ARE THE BAD GUYS?!!! I'm gonna put them in jail!" maangas na bungad ni
Cassandra pag-apak na pag-apak pa lamang sa pinakatanggapan ng headquarters.
Naglingunan ang mga pulis at agad ang mga itong napangiti pagkakita sa bata. "Wow!
May espesyal na bisita pala tayo ngayon!" hiyaw ng mga ito.
Sinaluduhan isa-isa ni Cassandra ang naroroon at natatawang sinagot naman siya ng
saludo ng bawat isa. Napalingon siya sa isang lalaking nakaposas habang
kinakapanayam ng isa sa mga pulis. Buong tapang na dinuro niya ito.
"YOU! Stop being a bad guy! Don't wait until I grow up or else you'll be dead!"
Napakamot sa ulo ang lalaki na halatang hindi naintindihan ang binitawang englis ng
bata.
"Tama na yang mga pasakalye mo Cassie," saway ni Alex. "Here." Inabot niya sa anak
ang bitbit nilang pasalubong na cake.
"Sino po ba kasi ang may birthday?" biglang malumanay na tugon ng bata habang
tinatanggap ang cake.
"Give it to Inspector Aldovar."
Agad na sumimangot ang bata. "I don't like him."
"Stop being hypocrite. I know you don't. Sige na ibigay mo na yan."
Walang ganang sumunod ang batang babae subalit napapaapir naman sa bawat mesang
madadaanan patungong opisina ng binatang inspektor. Nang makalapit ito sa pintuan
ay siya namang labas ni Melchor sa nasabing opisina.
"Oh, look who's here my super cute BFF. Hi Cassandra!" namimilog ang mga matang
bati nito.
"Hi," walang siglang sagot ng bata.
"Did you miss me? Kaya binibisita mo na ako ngayon."
Ngumuso si Cassandra. "I'm not here for you. My mom and I come to greet the
handsome policeman."
Kusang lumabas si Brandon sa opisina nang maulinigan ang boses ng bata. Tumabi siya
kay SPO2 Balatbat at nakangiting sinalubong ng bati ang bisita.
"Hi Cassandra! Finally, bati na ba tayo?"
Kunway nag-isip ng ilang saglit ang batang babae habang iniuugoy ang katawan.
"Hmmmm...maybe? Here," sabay abot sa dalang cake. "Happy birthday! I'll be nice to
you today because it's your birthday."
Tinanggap ng binata ang bigay. "Thank you sweetheart."
Nagpalinga-linga si Cassandra. "But... don't you have a party?" taka niya.
"No. It's inappropriate to have party on duty hours," sagot ni Brandon.
"Why? Ini-expect mo bang may children's party dito kaya ka sumama?" ani Melchor.
"Yes!" sabay muwestra ng bata sa kamay sa SPO2. "Because you already have a clown
here. Nyahaha!" Dinilaan nito ang kausap saka tumakbo.
Hinabol ni Melchor ang bata. "Ikaw talaga! Pati ba naman dito sa teritoryo ko,
niloloko mo ako!"
Natatawang sinundan ni Brandon ng tingin ang dalawang naghahabulan. Pumasok ulit
siya sa opisina. Ipinatong niya sa mesa ang cake at saka muling lumabas para
lapitan ang isa pang mahalagang bisita.
"Happy birthday!" nakangiting bati ni Alex.
"Salamat po Ma'am Alex."
Pasimpleng naglakad-lakad ang dalawa patungong labasan ng headquarters upang
makapag-usap ng sarilinan.
"Mukhang hindi na yata kita gaanong nakikita sa school nina Cassandra," pahayag ni
Alex.
"Ah oo nga ho.... medyo may nagbago kasi sa plano. Natunugan yata kami ng mga
kidnappers."
"Ibig bang sabihin hindi na sa school gagawin ang pangingidnap?"
"Ah-eh parang ganun na nga ho," nag-aalangang sagot ng inspector. "Pero may iniiwan
pa rin akong mga tao doon since hindi pa rin natin gaanong matitiyak ang laman ng
utak ng mga kriminal."
Tumango si Alex at pagkuway bumuntong-hininga. Naghahanap siya ng magandang tiyempo
para buksan ang usapan tungkol kay Isabelle. Gusto niyang malaman kung nagkaayos na
ba ang dalawa at kung unti-unti na bang nagsasalita ang dalaga tungkol sa
katotohanan ng pagbubuntis nito.
"Inspector nagkausap na ba ulit kayo ni Isa-"
Bigla siyang natigilan nang may humintong magarang sasakyan sa tapat ng
headquarters. Lumabas dito si Isabelle. Pareho silang pansamantalang di nakakibo ni
Brandon.
Lumapit sa kanila ang babae. Tumaas agad ang kilay nito pagkakita sa kanya ngunit
agad namang umamo ang mukha nang mailipat ang mga mata sa binatang inspector.
"What are you doing here?" matigas na salubong ni Brandon.
"I'm here to personally greet you on your birthday."
Tumawa ng nakakaloko ang binata. "I don't need your greetings. Besides bakit ka
nagsasayang ng oras sa lalaking walang kuwentang kagaya ko para sa mga kagaya mo?"
Napalunok si Isabelle at halatang pinipigilan nito ang panginginig ng mga labi.
"Look Brandon, maybe we were no longer romantically involve to each other but let
me still treat you as a friend. Ikaw pa rin ang taong lumaking parang itinuring na
ring pamilya ng pamilya namin," malumanay na pahayag niya.
Naasiwa si Alex sa tinatakbo ng usapan ng dalawa kaya siya na mismo ang kusang
nagpaalam para mabigyan ang mga ito ng pagkakataong magkausap ng sarilinan.
"Excuse me, babalik na muna ako sa loob."
Tatalikod na sana siya ngunit biglang hinawakan ni Brandon ang pulso niya. Gulat na
napatingin siya sa binata.
"Hindi niyo kami kailangang iwan Ma'am Alex. There's nothing going on here na hindi
mo dapat marinig," madiing sabi nito.
Muling tumaas ang isang kilay ni Isabelle nang makita kung papaano hinawakan ng
binata si Alex. Humalukipkip siya at ngumisi.
"Did you finally seduce this woman? Mukhang nangangamoy malansa yata na kusa kang
dinadalaw ni Mrs. Monteverde," tiningnan niya ang babae. "I can't believe that you
have a hidden cougar inside you."
"Don't talk to her that way!" galit na salita ni Brandon. "You have no right to
disrespect a person who's way too respectable compared to you.... And I don't need
to seduce a woman. I can love and be loved without using dirty tricks!"
makahulugang wika niya.
"Why do you keep taking the side of that woman?... Don't tell me you like her,"
ngisi ng dalaga.
Nagseryoso ng mukha si Brandon. "Yes I like her."
Napanganga si Alex, ganun din si Isabelle.
"I like woman like her. Kung kaya sa susunod na magmamahal ako titiyakin kong
kagaya niya ang babaeng iibigin ko."
Nakahinga ng maluwag si Alex at natawa naman si Isabelle.
"Poor you. You wasted your time and energy on me kung sa bandang huli ay mare-
realize mong mas gusto mo lang pala yung katipo ng basagulerang ito."
"I won't regret anything. Woman like her may be physically strong but they've got
soft hearts. Mas lalong nakakapagsising magmahal ng babaeng akala mo ay lalambot-
lambot pero napakatigas naman ng puso...Kaya kung wala ka ng sasabihin, pwede bang
umalis ka na? Hindi ikagaganda ng araw ko ang pagpunta mo dito sa halip ay lalo mo
lang itong sinisira. Leave now!" galit na taboy ng lalaki.
Nagngingitngit sa galit na bumalik sa sasakyan si Isabelle at bago ito sumakay,
binigyan muna nito ng matatalim na titig si Alex.
Binitawan ni Brandon si Alex sabay humugot siya ng isang napakalalim na buntong-
hininga.
"I'm sorry Ma'am Alex kung medyo ginamit ko kayo," paumanhin niya.
Ngumiti lamang ang babae. "Okay lang, naiintindihan ko."
-----
Bagamat nagulat sa biglaang pagsulpot ni Isabelle sa kanyang opisina, nanatiling
kalmado si Blake. Ayaw niyang ipakitang apektado siya sa presensiya ng nasabing
babae. Tiningnan niya ang bisitang may malalalim na paghinga at bakas ang galit sa
mukha.
"Your father personally delivered to me the news that you were no longer connected
to Hexagon. So I think you have no business anymore to be here, Ms. Chan," kaswal
na sabi niya.
"Samahan mo akong magpacheck-up sa obgyne," walang patumpik-tumpik na utos ng
babae.
Sumagot lamang ng mahinang tawa si Blake.
"I'm busy," tipid na tugon niya.
Lalong nagalit si Isabelle. "But you promised to my Dad that you'll do your duty as
a father of my child!"
Kunway kumunot ang noo ng lalaki. "Did I?" Bumuntong-hininga siya. "Yes, your
father requested that but as far as I remember I didn't agree on that one."
"You're a scam! How can you not follow the agreement? Tinanggal ako ng Daddy sa
posisyon ko tapos tatratuhin mo lang ako ng ganito!" sumbat ng dalaga.
"It was your father's decision to remove you from being a CEO dahil gusto niyang
makaiwas sa kahihiyan. Hindi ko yan hiniling so why put the blame on me? "
mahinahong tugon ni Blake.
"Kung yan ang rason mo, puwes hindi ako magdadalawang-isip na ipagkalat na nabuntis
mo ako!" gigil na banta ni Isabelle.
Napakibit lamang ng mga balikat si Blake. "Go ahead," walang takot na hamon niya.
"But can you handle the anger of your father if you gave him the embarrasment he's
trying to avoid?"
Natahimik ng ilang saglit si Isabelle hanggang sa idinaan na lamang niya sa
nakakalokong ngiti ang tila sasabog ng galit sa dibdib. "Tinitikis mo ba ang
kapakanan ng magiging anak mo dahil lamang naduduwag kang saktan ang pinakamamahal
mong asawa?"
"Uh-oh.. let me correct you Ms. Chan. Ayokong magpadalos-dalos ng desisyon at higit
na ayokong isaalang-alang ang mararamdaman ng asawa ko dahil sa isang batang hindi
pa ako nakakasigurado kung akin nga ba."
Tumawa ng malutong ang babae. "Look at you. You are being harsh to an innocent
child just to protect your dirty flirty wife!"
Tumaas ang kilay ni Blake sa narinig at agad na nagseryoso. "Lumalampas ka na sa
boundary mo Ms. Chan. You have no right to use that words on my wife."
"Ahhhh....Kawawa ka naman you have no idea what's going on right now. Wala kang
kaide-ideya na nakikipaglandian ang asawa mo sa isang gwapo at mas batang lalaki."
Nagsalubong ang mga kilay ni Blake. "What are you trying to instigate now? Hindi
ganyang uri babae ang asawa ko."
Humalukipkip si Isabelle at ngingiti-ngiting nagpalakad-lakad. "Oww ganun ba? So
ano ang ibig sabihin ng nasaksihan ng mga mata ko? You're wife visited Inspector
Aldovar on his special day at naabutan ko silang medyo intimate na nag-uusap."
Kumibit siya ng mga balikat. "Kunsabagay I understand Mrs. Monteverde. Who wouldn't
be smitten by the charm of a handsome and younger man like Brandon?" Lumapit siya
sa mesa at tinitigan nang may namimilog na mga mata ang kausap. "And do you know
what was the most amazing thing that happened? Brandon bravely declared his feeling
for Mrs. Monteverde right in front of me and your wife, like a handsome knight in
shining armor. How romantic, isn't it?"
Natawa lamang si Blake sa mga narinig. "I know the two of them are close pero
malayo sa kung ano ang mga pinagsasabi mo ngayon. Ms. Chan you're underestimating
the person you're talking with. Your eyes are screaming with jealousy right now.
Kung nagseselos ka dahil sa pulis na yun, huwag mong gawan ng kuwento ang pagiging
malapit nila ng asawa ko. Just leave... You were already tested as a liar so don't
expect me to believe what you just said."
"Really? Hmmm... let see. Bye Mr. Monteverde," nakangising paalam ng babae habang
nakatingin ng diretso sa mga mata ng kausap.
Pagkalabas ni Isabelle ay pansamantalang hindi nakakibo si Blake. Dinampot niya ang
isang papel sa mesa at pakuyom itong ginusot. Unti-unting umaalpas sa dibdib niya
ang selos na kanina'y pilit pinipigilan. Ibinato niya ang papel sa sahig at
pagkuway dali-dali niyang tinawagan ang asawa.
"Hello hon.." sagot ni Alex.
"Where are you?" agad niyang tanong.
"Andito sa headquarters. Birthday kasi ni Inspector Aldovar kaya dumaan muna ako
para bumati."
Mas lalong nagpanting ang mga tenga niya nang marinig ang pangalan ng binatang
pulis.
"Go home now," madiing utos niya.
"P-Pero Hon nagkukuwentuhan pa kami..."
"I SAID GO HOME NOW! Hindi ka ba uuwi o ako mismo ang pupunta diyan para sunduin
ka?!" nanggagalaiting wika niya.
"E-Eto na... U-Uuwi na. Huwag ka ng magalit... Anak halika na! Uwi na tayo!"
==================================

[27] Forsaken Danger

*****
"Mabuti naman at nandito ka na," seryosong sabi ng kadarating lamang sa bahay na si
Blake. Naabutan niya si Melchor na maganang kumakain sa kanilang hapag kainan.
Agad-agad na nilunok ng pulis ang laman ng bibig at tarantang tumayo pagkakita sa
chairman.
"Sir Blake!" May pagsaludo pang bati nito.
"Tell me what exactly happened," diretsong sabi ni Blake.
Ngumiti si Balatbat at pagkuway humagikhik na animo'y excited na excited sa kanyang
ibabalita. "Ganito po yun Sir Blake..." Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng
chairman at kunway may seryosong tinititigang kaharap. "Yes. I like her," bilog na
bilog ang boses na bigkas niya. Bumitiw siya sa kausap at saka muling tumawa.
"O di ba ang haba ng buhok ni Madam Kap?! May kasunod pa yan...."tumikhim ang pulis
at muling ginaya ang boses ni Inspector Aldovar. " I like woman like her. Sa
susunod na magmamahal ako titiyakin kong kagaya niya ang babaeng iibigin ko," sabay
pumalakpak ito at tumawa. "O di ba ang lupit?! Idol!"
Kung gaano ang ikinagalak ni Melchor sa binalita na para bang may malaking bagay
siyang nakamit sa pagiging spy ay siya namang pangangalit ng mga panga ni Blake.
"Hindi ba ang usapan natin ay huwag mong hahayaang basta-basta na makalapit ang
inspektor na yun sa asawa ko?!" iritableng singil ni Blake.
Agad na nabura ang mga ngiti ni Balatbat. Napakamot ito sa ulo. "Eh Sir Blake hindi
na kasi kayo masyadong nag-iingay tungkol kay inspector kaya akala ko okay na."
"Ehem!" boses ng babae.
"Ehem!" boses ng batang babae.
Napalingon ang dalawa sa magkasunod na tumikhim. Magkatabing nakatayo sina Alex at
Cassandra, parehong nakahalukipkip at naniningkit ang mga matang nakatingin kay
Balatbat.
Blangko ang mukhang tiningnan ni Blake ang kanyang misis. Walang pasabing iniwan
nito si Melchor at diretsong naglakad patungong kuwarto nang hindi man lamang
nagawang batiin ang kanyang magnanay.
"Hon-" maamong sambit ni Alex ng dumaan ang mister sa harap niya.
Binalewala ng lalaki ang narinig sa halip ay diretso lamang ito sa paglalakad.
Dali-daling nilapitan ni Alex si Melchor at gigil na pinandilatan ito ng mga mata.
"Ikaw! Hindi ko alam kung anong klaseng gatong ka! Silaban kaya kita para malaman
ko!"
"Peace Madam Kap! Sensya na nagrereport lang. Alam niyo namang may kanya-kanya
akong role sa buhay niyong mag-asawa. Hindi naman pwedeng sayo lang ako
magtatrabaho. Hindi naman yata fair yun," katwiran ng pulis.
"Pag lalong nag-init ang ulo ng asawa ko dahil diyan sa mga isinumbong mo, humanda
ka sa akin!" banta ni Alex sabay takbo para habulin ang mister.
Ngingiti-ngiting bumalik si Melchor sa pagkakaupo sa hapag kainan na hindi man
lamang naapektuhan sa reaksiyon ng mag-asawa. Lumapit naman si Cassandra sa pulis
at naupo sa harap nito.
"You have more talent as a tsismoso than being a policeman," komento ng bata.
Ngumiti si Melchor. "Ay andito pala ang bestfriend ko! Halika samahan mo dito si
Tito Melchor. Hayaan mo na lang muna sina Mommy at Daddy mo. Tiyak na may
mangyayaring malawakang debate sa kuwarto. Kausapin mo ako para lalo akong ganahang
kumain."
Napangiwi si Cassandra habang tinitingnan ang mga pagkaing nasa mesa. "You
ransacked again our ref."
Akmang aabutin ni Melchor ang isang jelly dessert ngunit bigla itong dinukwang at
inagaw ng bata.
"It's mine. This is my favorite!" sabay belat sa kaharap.
"Hindi talaga kumpleto ang pagbisita ko dito hangga't di mo ako naasar," sabay
belat din ng pulis.
"Why did you do it?" biglang tanong ni Cassandra.
"Ang alin?"
"I saw you hiding somewhere while secretly peeping and listening to Mom and that
handsome policeman."
"Usapan namin ni Daddy mo yun," tumigil sa pagsubo si Melchor at kunway kunsumidong
tumingin sa maliit na kausap. "Yan talagang tatay mo saksaaaaakan sa pagkaseloso!
Lahat na lang ng guwapong nakapaligid kay Madam Kap eh pinag-iinitan. Ako lang yata
ang bukod tanging maswerte na hindi niya pinag-iisipan ng masama!"
Mabilis na nagbago ang isip ni Cassandra muli niyang ibinigay sa kaharap ang inagaw
na pagkain. "Here. Eat more. I read somewhere that hunger could steal a person's
common sense. Tsk."
Samantala, pagdating sa kuwarto ay namumula sa selos na kinompronta ni Blake ang
asawa. Napaparoo't parito siya samantalang tahimik at maamong nakikinig lamang si
Alex habang nakaupo ito sa gilid ng kama.
"I forbid you to visit the headquarters again!" deklara niya.
Bahagyang napaangat sa pagkakaupo si Alex. "Pero Hon, bakit naman bigla-bigla kang
nagdidesisyon ng ganyan? Wala namang masama kung dumalaw ako sa presinto. Saka
malaki ang naitulong nila sa pag-iimbestiga ko kay Isabelle Chan," malumanay na
protesta niya.
"That exactly my point! You're slowly getting too attach to them again. And what is
next? Gusto mo na uling hilinging bumalik sa trabaho mo?"
"Oh bakit naman naungkat yang dati kong trabaho? Ni minsan ba sa buong pagsasama
natin ay nagpahiwatig akong gusto kong bumalik sa pagpupulis?" may lambing na boses
ng babae.
"I know you well. You're action speaks louder than your words. At nararamdaman kong
unti-unti na namang nagigising yang pagka-stubborn mo! And once it's awakened
you'll start to look for excitement again.... We agreed to return to our normal
life and therefore I'm bringing back my rule. You can't go to headquarters anymore
at lalong hinding hindi mo na pwedeng bitbitin dun si Cassandra!"
"Hon huwag naman. Alam mo namang marami akong kaibigan doon," pakiusap ni Alex.
Binigyan ni Blake ng sarkastikong ngiti ang misis. " Like who? That young
inspector?"
May nagpapaawang mukhang lumapit si Alex sa galit na kausap. "Hon, alam ko namang
nagseselos ka lang eh. Siguro kaya bigla ka na lang tumawag kanina nang mainit ang
ulo ay nagsumbong sayo ang Isabelle Chan na yun. I'm sure nag-imbento na naman yun
ng kwento para pag-awayin tayo. Huwag mong sabihing naniniwala ka sa kanya?" pag-
amo ng babae.
"No! I don't believe any word that comes out from that woman's mouth. But you know
my personality, jealousy is my weakness! I can't help not to get irritated just
even by hearing your name being linked to another man! So why the hell do you keep
doing things na alam mong ikaiirita ko?"
Nanahimik si Alex at tila maamong tupang ibinaba ang mga paningin. Totoo ang
tinuran ng mister. Batid niyang napakadaling kumulo ng dugo nito basta umandar na
ang pagkaseloso.
"O sige na... hindi na muna ulit ako pupunta dun," malumanay na pagsuko niya.
-----
Maagang pumunta si Alex sa eskwelahan ng anak. Balak niyang mag-abang lang sa labas
dahil inaalala niyang baka atakehin na naman si Isabelle ng sayad at maisipan uling
puntahan si Cassandra. Subalit pagdating niya doon ay napansin niyang tila may
kaguluhang nagaganap sa loob.
Tumingin siya sa paligid upang hanapin ang mga nagmamanmang mga pulis ngunit wala
siyang nakita. Dali-dali siyang lumapit sa guwardiya. "Manong anong nangyayari?
Bakit parang maingay ho yata sa loob?"
"Tumunog ho kasi yung fire alarm kaya akala may sunog. Yun pala may nagbiro lang."
"Sino naman ang gumawa ng ganyang klase ng biro?"
"Hindi nga po alam, wala naman pong mga umaamin sa mga empleyado at guro. Imposible
naman hong maabot ang alarm ng mga bata dahil nakakabit ito sa mataas," ika ng
guwardiya.
Biglang nag-alala si Alex. Pumasok siya loob upang kumustahin ang anak. Habang
patungo sa classroom ng bata'y may nakakasalubong na siyang mga estudyanteng tila
pauwi na. May nakita siyang teacher at nilapitan ito.
"Ma'am ano pong nangyari?"
Nakilala siya ng kausap. "Hello po Mrs. Monteverde. Mabuti naman at nandidito na
kayo. Pinapauwi na ho ang mga pupils dahil nga medyo nagkaroon ng pagpanic kanina.
Inadvise na po ito sa mga parents. "
"Ganun ba? Sige salamat."
Tiningnan ni Alex ang cellphone at nakatanggap nga siya ng text mula sa eskwelahan.
"MOMMYYY!" sigaw ni Cassandra sabay patakbo itong lumapit sa ina.
Bakas sa hitsura ng bata na natutuwa ito sa maagang pagka-dismiss ng klase. "Mom
since it's still early, can we go to a bookstore. I want to buy more coloring books
and pencils," ani Cassandra habang lumalabas sila ng eskwelahan.
"Okay. But how was you earlier? Hindi ka ba natakot nang narinig mo yung alarm?"
"Nope. I won't be afraid of simple things like that," nagmamalaking sagot ng anak.
Pagdating nila ng gate ay naabutan nila doon si Dominic. Agad na binati ng batang
lalaki si Cassandra at masiglang kinawayan.
"Hi Cassandra!"
Atubiling sumagot ng tipid na ngiti ang batang babae at matamlay na bumati.
"H-Hi."
Pagkuway hinawakan nito ang kamay ng ina at nagmamadaling niyakag ito patungo sa
sasakyan bilang tanda ng pag-iwas sa kalaro.
Subalit natigilan si Alex nang may lumapit na nakaunipormeng yaya sa batang
lalaking naghihintay ng sundo. Hindi pamilyar ang hitsura ng babae at ni minsan
hindi niya pa ito nakitang sumundo sa bata. Bigla siyang kinutuban kung kaya't
dali-dali siyang lumapit sa mga ito. Agad niyang pinigilan si Dominic sa kamay na
sa mga sandaling iyon ay akmang sasama na sa babae.
"Teka lang. Sigurado ka bang yaya ka ng batang to?" matigas na tanong niya sa
babae.
"Oo. Sino ba kayo?" may kagaspangang sagot ng yaya.
"Kaibigan to ng anak ko. At ngayon lang kita nakitang sumundo sa kanya." Tiningnan
ni Alex ang batang lalaki. "Do you know her?"
Umiling si Dominic. "She said she's my new nanny."
"You have a cellphone, right? Let's call your parents and confirm if you really
have a new yaya."
Biglang nagpaalam ang babae at nagdahilang may kukunin lang daw siya sa sasakyan.
Pumasok ito sa isang van na nakaparada sa kabilang side ng kalsada. Hindi rin ito
ang sasakyang nakikita ni Alex na ginagamit ng bata. Mas lalong umigting ang
pagdududa niya. Nang aktong inaabot sa kanya ng bata ang telepono para idayal niya
ang magulang nito, bigla namang umalis ang van. Noon niya nakompiramang malaki ang
posibilidad na tama ang hinala niya.
Sa halip na tawagan ang mga magulang ng bata, di na siya nag-aksaya pa ng panahon.
Nag-aalala siyang baka may alternatibong planong nakaabang ang mga kidnappers.
Isinakay niya sa kanyang kotse si Dominic.
"Mom, why is Dominic riding with us?" takang-takang ika ni Cassandra.
"Umalis na yung yayang sumusundo sa kanya kaya ako na lang ang maghahatid."
Nginitian ni Alex ang batang lalaki." Do you know where you live?"
"Yes, it's written here." Inabot ng batang lalaki ang cellphone at pinabasa ang
nakasulat sa isang notepad.
Pagkabasa sa address, agad na tinawagan ni Alex si Inspector Aldovar. "Bakit wala
kayong bantay sa eskwelahan?" iritableng bungad niya.
"We're in urgent meeting. Nakatanggap kami ng report tungkol sa hide out ng mga
kidnappers so now we're planning to attack."
"Ngayon ka pa talaga nagpull-out ng mga tao mo! Sa tingin ko naisahan kayo ng mga
kriminal na yan!"
"What are you talking about?" naalarmang tono ng kausap.
"Nagkaroon ng false alarm ng sunog sa eskwelahan at pinauwi ang mga bata ng mas
maaga. May sumundo kay Dominic na hindi kilalang yaya. Sa palagay ko tao ng mga
kriminal yun. Pero huwag kang mag-alala, pinigilan ko at kasama ko ngayon ang bata.
Ako na ang maghahatid pauwi."
"Where are you? Pupuntahan namin kayo."
"Bubuksan ko ang tracking application ng cellphone ko. Kayo nang bahalang mag-
locate sa sasakyan ko."
"Yes Ma'am Alex! Salamat sa pagtulong. We'll do it now."
Binaba ni Alex ang telepono. Maya't maya siyang napapatingin sa paligid hanggang sa
may napansin siyang nakakadudang sasakyan na mga ilang minuto nang nasa likod nila.
"Cassie," tawag niya sa anak na nakaupo kasama ni Dominic sa backseat.
"Yes Mom!" alertong sagot ng bata na noon ay nakakakutob na rin na may kakaibang
nangyayari.
"Silipin mo yung kotseng kulay itim na nasa likod ni Mommy."
Maingat na sumilip ang bata sa likuran. "Which one? The car behind the red one?"
"Yes. I'll change lanes, tell me if that car tries to follow our direction."
"Okay Mom!"
Kinabig ni Alex ang manibela patungo sa ibang linya.
"Mom, the car also changed lane."
Kumanan siya sa isang maliit na kalsada at binilisan ang takbo.
"Mom the car also turned right!"
Kumaliwa siya.
"Mom the car also turned left!"
"Okay that's enough. Wear your seat belts!" nagmamadaling sabi ni Alex. "Fuck!"
bigla siyang napapalo sa manibela. Parang napagtanto niyang mali ang desisyon
niyang isakay ang batang lalaki. Sana ay ipinasok niya na lang muna ito pabalik sa
eskwelahan at saka pinapunta sina Inspector Aldovar.
Pero magsisi man siya ay huli na. Hindi na siya pwedeng umatras. Kung kaya't
kasabay ng pagbilis ng takbo niya'y bigla niyang ikinabig ang manibela paliko sa
isang maluwag na daan kung saan pwede siyang makipaghabulan.
"Alex... isipin mo na lang na na-miss mo ng makipagkarera sa mga hudas," bulong
niya sa sarili sabay pinaharurot ng ubod ng bilis ang kotse.
"Whooooh! Mom we're flying!" tila tuwang-tuwa pang wika ni Cassandra.
"Be quiet and wear your seat belts tightly!"
"Yes Mom! Do it Dominic!"
============================

[28] My Supermom & My Hero

****
Tila lumilipad sa bilis ng takbo ang sasakyan ni Alex. Di sila maabutan ng mga
kriminal pero matiyaga ang mga ito sa pakikipaghabulan. Ngunit nang halos mahigit
isang oras na silang naghahabulan, inumpisahan nang paputukan ng mga kidnappers ang
gulong ng di maabut-abutang kotse.
BANG!
"Mom I guess their shooting guns!"
"Puta!" napamura si Alex matapos marinig ang putok. "Dapa kayo! Dapa!"
"Yes Mom! Dapa Dominic!"
Dumapa ang dalawa ngunit biglang umiyak ang batang lalaki sa takot.
"Shut up! Bakla ka ba?! I'm not even crying!" pagalit ni Cassandra sa kaibigan.
Umimpit ang iyak ni Dominic hanggang sa napilitan itong tumahan at sinarili na
lamang ang takot habang napapatakip ang mga kamay sa tenga.
"Mom don't you have a gun?!"
"I don't have one!"
"Haist what kind of ex-police officer are you?!"
"Shut up Cassandra! I'm concentrating!"
BANG!
Naisip ni Alex na mas malalagay sa peligro ang dalawang bata kung patuloy siyang
makikipaghabulan. Kailangan niyang maghanap ng pwedeng pagtaguan. Malayo na ang
nararating nila at nakalabas na sila ng Metro Manila.
Pamilyar siya sa lugar na kinaroroonan nila. Isa ito sa mga lugar na pinapatrolan
nila noong araw nang minsang may naganap na rape case dito. May alam siyang isang
lumang abandonadong gusaling nasa tabing kalsada lamang. May matataas itong mga
pader at katabi ito ng mga palayan.
Itinodo niya ang bilis ng kotse nang matantiya niyang malapit na sila sa nasabing
gusali. Lumaki ang distansiya niya sa mga kriminal at nang marating ang lumang
gusali bigla niyang kinabig ang manibela at binangga ang gawa sa marupok na kahoy
nitong gate. Pumasok sila sa loob. Ipinarada niya ang sasakyan sa likod ng gusali
at agad-agad na ibinaba ang mga bata.
"Where are we going mom?"
"Itatago ko kayo."
Patakbong inakay ni Alex papasok ng gusaling may tatlong palapag ang dalawa.
Umakyat sila sa ikalawang palapag.
"But they saw us. They know we're here!" komento ni Cassandra.
"I know what I'm doing! Be quiet. Just follow and trust Mom, okay?"
Tumahimik ang batang babae at alertong sumunod sa gusto ng magulang. Pumasok sila
sa isang silid na walang door knob o kahit anong lock. May nakita si Alex na isang
may kalakihang inaanay na na cabinet at doon itinago ang dalawang bata.
Ilang saglit pa ay may narinig silang dumarating na sasakyan.
"I guess it's the bad guys' car Mom."
"I know. Dito lang kayo huwag kayong maingay at walang aalis."
"Did you hear that. We have to be quiet," bulong ni Cassandra sa namumutlang
kaibigan sabay tapat ng daliri sa kanyang nguso. "But Mom, are you gonna be okay?"
biglang pag-alala nito.
"Yes. Don't worry about me, okay?"
"Be careful mom."
"Yes I will."
Isinara ni Alex ang pinto ng cabinet at dali-dali siyang nagkubli sa dingding
malapit sa pinto ng silid. Maya-maya lamang ay may naririnig na siyang mga yabag.
Papalapit ito ng papalapit sa kanya. Nang matantiya niyang nasa tapat na ito ng
pintuan ay bigla siyang lumabas sa pinagtataguan at buong tapang itong hinarap.
Nagulat ang isang lalaking may hawak na baril. Nakatutok ang armas nito sa ibang
direksiyon at bago pa man ito maitapat kay Alex, mabilis na sinipa ng babae kamay
nito. Tumilapon sa sahig ang baril. Sa pag-aakalang dadamputin ni Alex ang armas,
agad na sumugod ang lalaki sa babae.
Hindi umalis sa kanyang kinatatayuan si Alex. Mabilis lamang siyang yumuko upang
umiwas sa inaasahang suntok ng kalaban. Pagyuko niya ay eksaktong itinama niya ang
ulo sa sikmura ng lalaki at pagkuway binigyan ito ng patalikod na sipa. Tumama ang
paa niya sa mukha ng kalaban at agad itong nawalan ng balanse subalit bago ito
matumba ay nagpakawala siya ng isang malakas na suntok patungo sa panga nito na
sinundan pa ng isang malakas na paikot na sipa na sumapol naman sa leeg nito.
Walang ulirat na bumagsak ang kriminal. Dinampot niya ang nabitawang baril at
kinapa ang beywang ng lalaki para maghanap ng ekstrang bala. May nakuha siyang
isang magasin at agad niya itong isiniksik sa bulsa. Ang tantiya niya ay nasa apat
o lima ang sakay ng kotseng humahabol sa kanila.
Maingat siyang naglakad. Walang harang ang pasilyo maliban sa mga ilan-ilang mga
poste na siyang pinagtataguan niya. Dumungaw siya sa ibaba at nakita ang isang
palakad-lakad na lalaki na halatang naghahanap din sa kanila. Nang tumapat ito sa
kinatatayuan niya ay walang takot siyang tumalon. Sinadya niyang ang kalaban ang
eksaktong babagsakan niya. Napatingala ang lalaki at nanlaki ang mga mata nito
pagkakita ka kanya. Ngunit bago pa man ito makakilos ay mabilis na inipit niya ang
ulo nito ng mga paa at pinilipit ang leeg. Pagkuway saka lamang dumapo sa lupa ang
kanyang mga paa.
"Anong komosyon yan?!" dinig niyang sigaw ng isa pang lalaki.
Dali-dali siyang kumubli sa isang malapit na poste. Bago siya makapagtago ay nakita
na siya ng lalaking sumigaw.
"Matatago ka pa ha! Asan ang bata?!" sabay pinaputukan nito ang pinagtataguan niya.
Hindi na ito nag-aksaya pang magtago at walang tigil na lamang na pinagbabaril nito
ang poste. Ngunit nagulat ito nang makita ang nakahandusay at walang malay na
kasamahan. Pansamantala itong huminto sa pagbaril. Unti-unti intong naalarma nang
mapagtantong kagagawan ito ng babaeng inaaakala nilang ordinaryong ina lamang ng
isa sa mga kamag-aral ng kanilang target.
Muli nitong itinutok ang baril sa poste ngunit nagulat ito nang makita ang
nakatayo't nakalabas ng babae na noon ay nakatutok na rin sa kanya ang hawak na
baril.
Kinalabit ni Alex ang gatilyo at binaril niya sa balikat ang lalaki sanhi para
mabitawan nito ang hawak na armas. Binaril niya ulit ito sa kabilang balikat, sa
kanang hita at sa kaliwang hita. Ngingisi-ngising lumapit siya dito at inapakan
niya ito sa dibdib.
"Ugok! Ang lakas ng loob mong huwag magtago ha!" sabay sipa niya sa mukha nito.
Sinipa niya rin papalayo sa lalaking nabaril ang nabitawan nitong armas at
kinapkapan ito. Nang matiyak na wala na itong iba pang baril ay saka niya lamang
ito iniwan.
May narinig siyang mga papalapit na yabag kaya't agad siyang umalerto. Ngunit bago
pa man siya makapagtago ay nakita niya na ang isang lalaking umaasinta sa kanya.
Nagpaputok ito.
Mabilis siyang dumapa at nagpagulong-gulong sa lupa sabay tutok rin ng baril sa
lalaking noon ay muli na naman sanang magpapaputok. Binaril niya ito sa balikat
sabay gumulong ulit siya sapagkat batid niyang kahit natamaan ito ay hindi nito
nabitawan ang baril.
Muli ito nagpaputok ngunit hindi siya tinamaan. Inasinta niya ulit ito ngunit sa
pagkakataong iyon ay wala na siyang pagpipilian kundi ang barilin ito sa katawan.
Tinamaan niya ito sa tiyan at saka lamang natumba ang nasabing kalaban.
Nang matiyak na wala na itong malay ay noon lamang siya tumayo. "Pasensiya na,
kailangan eh," sambit niya habang naiisip na kung saka-sakali ay muli na naman
siyang nakapatay ng kriminal pagkatapos ng mahabang panahon.
Nilapitan niya ang unang nabaril na lalaki na noon ay napapangiwi sa sakit. "Ilan
kayo?" tanong niya.
Hindi sumagot ang kinakausap. Pinandilatan niya ito ng mga mata sabay tinutukan ng
baril. "Ilan kayo?! Sasagot ka o tutuluyan kita?!"
"L-Lima...."
Mabilis na iniwan ni Alex ang lalaki upang hanapin pa ang natitirang isa. Ginalugad
niya ang paligid ngunit wala siyang makita. Pumunta siya sa likod ng gusali ngunit
wala rin doon hanggang sa natigilan siya nang makita kung ano ang sumasalubong sa
kanya.
"M-Mom...."
Ang natitirang kalaban. Hawak nito si Cassandra habang tinututukan ng baril ang
anak sa ulo. Nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis na binalot ng takot ang kanyang
dibdib hanggang sa unti-unting nanginig ang kanyang mga tuhod.
"Utang na loob....H-Huwag mong sasaktan ang anak ko," nakikiusap na tono niya. "A-
Ako na lang ang barilin mo."
"Ibaba mo yang baril mo!" sigaw ng lalaki.
Tumango si Alex habang unti-unting nangingilid ang mga luha sa nakikita. Dahan-
dahan niyang inilapag sa lupa ang baril. "Pakawalan mo na siya," bigkas niya
matapos bitawan ang armas.
"Itaas mo ang mga kamay mo!"
Walang pagdadalawang-isip na itinaas niya ang mga kamay.
"Anong klase kang babae ha?! Paano mo nagawang patumbahin ang mga kasama ko? Pulis
ka ba ha?!"
Napapalunok na umiling si Alex.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mga kasamahan ko!"
Itinutok ng kriminal ang baril kay Alex. Ngunit biglang kinagat ni Cassandra ang
lalaki sa kamay. Inapakan ito sa paa at siniko ng malakas sa gitna ng mga hita.
"Cassandra no!" sigaw ni Alex.
Napahawak sa ari ang lalaki dahil sa sakit. Tumakbo ang bata patungo sa ina. Wala
ng pwedeng ibang gawin si Alex kundi makipagsabayan sa kriminal. Ngunit bago pa man
niya madampot ang baril at bago pa man makalapit sa kanya ang anak ay naunahan siya
ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang itutok nito ang baril sa tumatakbong
bata.
Tila tumigil ang mundo ni Alex at nanlamig ang lahat ng parte ng katawan niya.
"HUWAAAAAAGGGGG!!!" lumuluhang sigaw niya.
BANG!
Nagmistulang tuod si Alex. Kasabay ng putok ay tila sumabog din ang kanyang puso at
isipan. Nakanganga. Namumutla. Pinagpapawisan. At nanlalaki ang mga matang
tiningnan niya ang kriminal na hindi na nagawang kalabitin pa ang gatilyo.
BANG!
Duguang bumagsak ang lalaki. Saka tumambad mula sa likuran nito si Inspector
Aldovar.
"Mom are you okay?" yugyog ni Cassandra sa di pa rin makagalaw na ina.
"Mommy-"
Saka lamang natauhan si Alex. Umaagos ang luhang napatingin siya sa anak. Hinawakan
niya ito sa magkabilang pisngi at mahigpit na niyakap. "O-O-Okay k-ka lang ba?"
nanginginig ang mga labing bigkas niya.
"I'm fine Mommy. How about you?"
"O-Okay lang ako." Napahagulhol siya.
"I'm sorry anak."paulit-ulit niyang hinalikan ang bata.
"Dominic is still hiding in the cabinet," ani Cassandra na sa mga sandaling yun ay
wala man lamang kabakas-bakas ng takot kahit pa may mga duguang nakahandusay sa
paligid.
"Are you okay Ma'am Alex?" tapik ni Brandon sa balikat ng babae.
Napatingin si Alex sa inspektor at di mapigilang napayakap dito. "Salamat. Maraming
salamat," taos pusong sambit niya.
"Kami ang dapat magpasalamat. Kung hindi dahil sa inyo ay baka hindi pa rin
nahuhuli ang mga kriminal na ito at baka natangay pa nila si Dominic. Maraming
salamat din sayo Ma'am Alex."
Nagsidatingan ang iba pang mga pulis. Napuno ng ingay ng sirena ang buong lugar.
Binuhat ang mga nabaril na kidnappers at pinosasan naman ang mga nabugbog at
napilayan ni Alex.
Dahil sa panghihina ay hindi na nagawa pang magmaneho ni Alex. Sumakay na lamang
siya sa patrol car kasama ang dalawang bata. Diretso sila sa headquarters dahil
kailangan niya pang magbigay ng testimonya.
Maluha-luha pa rin siya habang iniisip ang mga sandaling nasa bingit ng kamatayan
ang kanilang kaisa-isang anak. Nanginginig pa rin siya sa takot. Maya't maya niyang
hinahaplos sa buhok, hinahalikan at niyayakap si Cassandra upang lubusang
mapaniwala ang sarili na maayos nga ang kalagayan nito.
Lumingon siya sa bintana at tahimik na tumingin sa mga nadadaanang palayan.
Napalunok siya't pinahid ng kamay ang mga namumuong luha. Mapapatawad pa kaya siya
ni Blake pagkatapos ng mga nangyari?
===============================

[29] The Huge Exposure


*****
Humahangos na pumasok ang secretary sa meeting room kung saan naroroon si Blake
kasama ang mga punong empleyado ng bawat departamento para sa kanilang monthly
reporting.
"Sir Blake!"
Napatingin ang lahat sa sekretarya. Samantalang napataas ng kilay si Blake dahil sa
pagputol ng empleyada sa kanyang sinasabi.
"What's your problem?" tanong ng chairman.
"S-Sir you need to watch this!" di magkandaugagang ika ng empleyada.
Dali-daling binuksan ng secretary ang telebisyon at inilipat ang channel. Tumambad
kay Blake ang isang nakakagimbal na balita.
"...Sinasabing hindi inakala ng mga kriminal na ang babaeng kanilang nakaharap ay
isang hindi pangkaraniwang ina lamang. Si Alexandra Valdemor Monteverde ay isang
dating matinik na pulis na nagbitiw lamang sa tungkulin matapos maikasal sa isang
business tycoon na si Mr. Blake Monteverde, ang chairman ng pinakamalaking oil
company sa bansa, ang Golden Pacific oil Corporation. Ayon sa pulisya, napatumba
ni Alexandra Monteverde ang apat na kriminal subalit kapalit nito'y na-hostage
naman ang anak niya ng isa sa mga kidnappers. Sa kabutihang palad ay dumating ang
mga rumespondeng pulis at napatay ng sharp shooter na si Inspector Brandon Aldovar
ang hostage taker. Buong puso naman ang pasasalamat ng pamilya ng batang si Dominic
na nailigtas ng magiting na dating pulis..."
Nanlamig ang buong katawan ni Blake sa napanood. Tumatanggi pa sana siyang maniwala
ngunit nang mapanood mismo ang asawa na pinagkakaguluhan ng mga reporters ay agad
siyang tumayo.
Tiim bagang tiningnan niya ang isa sa mga kanang kamay. "Use all our connections to
stop the media from covering my family," madiing utos niya sabay pitik ng mga
daliri sa sekretarya. "Call my driver tell him to prepare the car," nagmamadaling
sambit niya.
"Yes Sir."
"Follow me," utos niya sa isa pa sa mga naroroong tauhan.
Tarantang lumabas siya ng silid. Di niya maintindihan ang pakiramdam. Kinakabahan,
natatakot, nagugulat, nanghihina at sa kabilang banda ay nagpapakatatag para sa
mag-inang kasalukyang naiipit sa nakakasindak na sitwasyon. Tama ang hinala niyang
may kakaibang nangyayari sapagkat kanina pa siya tumatawag sa asawa ngunit hindi
ito sumasagot. Kinuha niya ang cellphone at nagpapanic na sinubukan uling tawagan
si Alex. Halos matapos na sa pag-ring ang telepono saka lamang may sumagot sa
kanya.
"H-Hon..." mahinang bigkas ng misis.
"Where are you?!" Sa kabila ng matinding pag-aalala di niya pa rin napigilang huwag
mapasinghal.
"A-Andito sa headquarters..." kabadong sagot nito. "...H-hindi kami makalabas ni
Cassandra. A-Ang dami kasing reporters sa labas.."
"Don't move an inch! I'm on my way there!" Nagmamadaling ibinaba niya ang telepono
at nilingon ang nakabuntot na tauhan. "I need at least twenty guards behind me!
We're heading to Manila Police District headquarters!"
Pagdating ng presinto ay patakbo siyang pumasok sa loob. Hinawi ng kanyang mga
guwardiya ang mga reporters na nagtangkang sumalubong sa kanya. Maya't mayang may
sumisigaw ng mga tanong subalit binalewala niya ang mga ito. Pagkapasok ng
tanggapan ay agad na hinanap niya ang mag-ina. Wala doon ang dalawa at tanging si
Balatbat lamang ang naroroong kakilala niya na noon ay agad na napatayo at namutla
pagkakita sa kanya. Nagmadali siyang pumasok sa opisina ni James at laking iniluwag
ng paghinga niya nang maabutan doon ang mag-ina.
"DADDYYY!!!" namimilog ang mga matang sigaw ni Cassandra. Agad siya nitong
sinalubong ng yakap.
Sobra- sobra ang pag-aalala niya na baka na-trauma ang bata sa nangyari. Niyakap
niya ito ng mahigpit at saka tinitigan ng maigi ang mukha. Inusisa kung meron ba
itong sugat o pasa. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa upang alamin kung
meron ba itong pilay o kahit pa maliit na sugat.
"Are you okay? Nasaktan ka ba? Are you shocked?" punung-puno ng nerbiyos na mga
tanong niya.
Umiling ang bata. "I'm fine Dad. But I'm starting to get bored. Kanina pa kami di
nakakalabas ni Mommy dahil marami daw mga reporters sa labas. Dominic and his
parents already left but how come Mom is still insisting to stay here?" nakangusong
sumbong nito.
Hinaplos ni Blake sa ulo ang anak. "It's alright. Everything will be okay now. Dad
is already here. We're leaving this place immediately."
Pagkatapos kumustahin ang anak ay idinako niya ang mga paningin sa tahimik na
asawa. Bahagyang napapayuko ito't pasimpleng umiiwas ng tingin. Nilapitan niya ito
at agad na napansin ang mga pasa at galos nito sa mukha. Nanariwa na naman sa
dibdib niya ang pakiramdam na parang unti-unti siyang nauupos. Ito ang imaheng
buong akala niya ay hindi niya na muling masisilayan.
Niyakap niya ang asawa. "Are you okay? May masakit ba sa katawan mo?" pabulong na
tanong niya sabay puno ng pag-aalalang hinagkan ito sa noo.
Umiling si Alex. "Wala Hon. Okay lang ako," napapalunok na sagot nito.
Binitawan ni Blake ang misis at pagkuway lumapit kay James. Kinausap niya ng ilang
saglit ang hepe para alamin ang buong detalye ng mga pangyayari. Pinipigilan niya
ang namumuong galit sa kanyang kaloob-looban dahil sa pagkakadamay ng mag-ina niya
sa mga bagay na dapat ay pinoproblema ng kapulisan. Humingi naman ng despensa sa
kanya ang hepe at inaming may naging pagkakamali sila sa nangyari.
Inilabas niya ang mag-ina sa headquarters. Kinarga niya ang anak habang nakakapit
naman sa kanyang braso si Alex. Itinalukbong niya ang suot na coat sa bata upang
itago ang mukha nito sa mga nag-aabang na reporters. Pag-apak na pag-apak pa lamang
nila sa bukana ng headquarters ay nagkagulo na ang mga mamahayag. Kung ano-ano ang
ipinupukol nitong mga katanungan lalo na para kay Alex. Halatang balak ng mga itong
palakihin at i-sensationalize ang kabayanihang ginawa ng babae.
Hinawi ng mga bodyguards ang mga reporters at hinarangan ang mga ito. Wala ni isa
mang hinayaang makalapit sa mag-anak. Binalewala rin ni Alex ang mga tanong.
Pagdating sa sasakyan ay magkakatabing naupo ang tatlo sa backseat. Napapagitnaan
ang mag-asawa ni Cassandra. Maya't mayang bumubuntong-hininga si Blake. Sa tuwing
kinukurap niya ang mga mata ay para siyang panandaliang binabangungot, di niya
kayang isipin na kung sakaling nahuli pa ng kaunting oras ang dating ng mga pulis
ay maaring wala na sa tabi niya ang kanyang mag-ina.
Nang makalayo ang sasakyan sa anino ng mga reporters, unti-unting nangibabaw sa
dibdib niya ang galit sa buong pangyayari. Napalingon siya kay Alex. At muling
napansin ang mga pasa nito.
"Let's drop by at the hospital," matigas at seryosong utos niya sa driver.
"Dad you should have seen Mom!" biglang pagbasag ni Cassandra sa namamagitang
katahimikan sa gitna ng mga magulang. "Whoah! She's amazingly awesome! She seemed
possessed by a martial arts expert spirit! She jumped from second floor to the
ground and twist the bad guy's neck with her legs-"
Dali-daling itinakip ni Alex ang kamay sa bibig ng anak. Nagtatakang napatingin sa
kanya ang bata. Inginuso niya ang tahimik at seryosong mister na noo'y nakatingin
lamang sa labas ng bintana at isinenyas niyang sungay ang mga daliri. Tumango si
Cassandra nang makuha ang ibig niyang sabihin at mabilis na nanahimik.
Dumaan sila sa hospital kung saan nakaduty ang kanilang family doctor. Gustong
makasigurado ni Blake na maayos nga ang lagay ng kanyang mag-ina at walang natamong
kahit maliit na pilay.
Sinuri ng doktor ang magnanay sa emergency ward. Napansin ni Blake na maya't mayang
may kumukuha ng litrato kay Alex. Napapatingin at nagbubulungan ang mga napapadaan
sa puwesto nila. Kumpirmadong kumalat na nga ang balita at mukha ng asawa sa
publiko. Naiiritang isinarado niya ang kurtina ng higaan kung saan ini-eksamen ang
misis. Natigilan ang doktor sa ginawa niya at napatingin sa kanya.
"My wife is not a celebrity," tiim-bagang at tipid na paliwanag niya.
Sumagot ng simpleng tango ang doktor at binigyan siya ng asiwang ngiti saka muli
nitong itinuloy ang pag-examine kay Alex.
------
"I'm sorry, Hon..." marahang sambit ni Alex pagkatapos ikuwento sa asawa ang buong
katotohanan.
Napaangat ang mga balikat niya sa pagkagulat nang biglang itinapon ni Blake sa
sahig ang isang nakadisplay na vase mula sa isang istante. Namumula sa galit na
tumingin ito sa kanya.
"Why the hell did you have to interfere in the police cases?! Do you still see
yourself as a police officer?! Naiintindihan ko na nag-aalala ka para dun sa bata
but you should have not make a decision on your own! Dapat hinintay mong ang mga
pulis ang magdesisyon tungkol sa kaligtasan niya! It's no longer your
responsibility and most importanly it's no longer your job!"
Napapalunok at napapakagat na lamang ng labi si Alex habang hinaharap ang matinding
galit ng asawa.
"A-Alam kong nagkamali ako ng desisyon. P-Pero... nung hinabol kasi kami ng mga
kidnappers... wala na akong choice kundi mag-isip ng paraan para iligtas ang mga
bata," maingat na paliwanag niya.
"That was all because of your stubborness! Why are you being like this? Is it
because your heroic instinct is calling you again?! For god sake Alex, you're a
mother and a wife now! Eto na nga ba ang kinatatakutan ko. Once your old spirit is
being awakened you're becoming unstoppable again! Ngayon, masaya ka na ba na
nangyayari ang lahat ng ito?! Now that your face was all over the news, are you
enjoying the spotlight? Masaya ka ba na anumang oras ay pwede kang balikan ng mga
kriminal na yun?!"
Umiling si Alex at naluluhang yumuko. "I'm sorry Hon... Alam kong maling-mali ako.
P-Patawarin mo ako..."
Nangangalit ang mga pangang humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Blake.
Napakuyom siya ng mga kamay at naniningkit ang mga matang tiningnan ang asawang
humihingi ng tawad.
"Hindi ko alam kung papaano ko matatanggap ang ginawa mo. It's unforgivable that
you put your life in danger again.... pero mas hindi ko kayang patawarin na PATI
BUHAY NG ANAK NATIN AY INILAGAY MO SA PANGANIB!!!"
Nag-angat ng mukha si Alex. Tumingin siya sa mister habang dahan-dahan nang
pumapatak ang kanyang mga luha. Hindi siya makasagot sapagkat naiintindihan niya
ang puno't dulo ng ikinagagalit ng asawa. Kahit siya mismo ay hindi kayang
patawarin ang sarili kapag may nangyaring masama kay Cassandra.
Humarap si Blake sa ibang direksiyon. Bumuntong-hininga ng paulit-ulit at nang
kumalma ng kaunti ay saka muling tumingin sa nanahimik na misis.
"I'll be hiring bodyguards for you and our daughter. From now on, you are not
allowed to leave the house unless it's emergency. Kahit ang paghatid sundo sa anak
natin ay hindi mo na gagawin. I'm teaching you a lesson! This house will be
sorrounded by guards," sabay dinuro ni Blake ang asawa. "YOU ARE GROUNDED ALEX!"
=-============================

[30] Desperate 'House' Wife

*****
Natanaw ni Alex ang papalapit at nakahanda ng pumasok na mister. Nagmamadaling
inayos niya ang hapag kainan. Maski na almusal pa lamang, talagang pinaganda niya
na ang presentasyon ng mga ulam. Naroong nilagyan niya pa ito ng mga maiistilong
garnishes. Sinalinan niya ng brewed coffee ang tasa ng asawa. Ginamit niya ang
kapeng kayang punuin ang kanilang buong dining hall ng mabangong aroma. Baka
sakaling gumanda ang mood ng lalaki.
"Mom you're wasting your efforts. This time, I think Daddy is really firm about his
decision to imprison you in this house," napapailing na komento ni Cassandra habang
nakaupo't naghihintay sa mesa. Kinausap din siya ng ina na suportahang kumbinsihin
ang matigas na ama.
Pasimpleng pinandilatan ni Alex ang anak. "Shhh... be quiet your Dad could hear
you." Mabilis siyang ngumiti nang makalapit sa mesa ang mister. "Hi Hon!" masayang
bati niya sabay iminuwestra ang upuan nito.
Binigyan lamang siya ng simpleng tango ng lalaki at pagkuway tumikhim ito saka
naupo. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit anong klase ng
paglalambing, panunuyo at pagbabait-baitan ang ipakita niya dito'y hindi pa rin ito
tinatablan. Desididong desidido ito sa pagbibigay sa kanya ng parusa. Gayunpaman,
hindi siya susuko sa pag-amo dito. Mababaliw siya kapag hindi siya nakalabas kahit
sa loob lamang ng isang linggo, isama pa rito ang pagkakaroon niya ng
nakakaalibadbad na mga guwardiya.
"Hon anong gusto mong ulam?"masayang tanong niya.
"Anything," tipid na sagot ng mister na halatang umiiwas ng tingin. "Lita!" tawag
nito sa isang katulong.
"Yes Sir!"
"Where's Grandpa's newspaper?"
"Ay oo nga po pala! Kukunin ko lang po sa guard house," tarantang sagot ng
katulong.
Masiglang nilagyan ni Alex ng pagkain ang plato ng asawa.
"Mom ako rin po," may tampong wika ng anak.
"Okay. Pagkatapos ni Daddy," malambing na sagot ni Alex.
Ngumuso ang bata sabay lingon sa ama. "Daddy hanggang kelan po ba makukulong si
Mommy dito sa bahay? Tsaka are those cool guys watching outside gonna stay here for
long?"
Ngumiti si Blake sa bata. "Sweetie that's something that only concerns adults so
stay out of it, okay?"
"Okay po," kibit balikat na sagot ni Cassandra. "Did your hear that Mommy?" Ngunit
ilang saglit lamang ay muling nagbago ang reaksiyon nito. Di kumbinsidong tumingin
ulit ito sa tatay. "But Dad... don't you think it's unfair to punish Mom just
because she did brave things?"
"I said stay out of it Cassandra," madiing sagot ng ama.
"O-Okay." Tiningnan ng batang babae ang ina at kunway patay malisyang inilapit dito
ang kanyang pinggan. "Mom my plate too."
Nilagyan ni Alex ng pagkain ang pinggan ni Cassandra habang panaka-nakang
ninanakawan ng sulyap ang asawa. Naisip niyang tutal naumpisahan na ng anak, gusto
niyang subukang kumbinsihin ito na pagaanin ng kaunti ang kanyang parusa.
"What?" matigas na tanong ni Blake nang mapansin ang napapamaang ngunit
nagpapaawang hitsura ng misis habang nakatitig sa kanya. "May sasabihin ka ba?"
Napagitla si Alex at agad na kumurap. Biglang umurong ang buntot niya nang makita
ang seryosong reaksiyon ng mister. "W-W-Wala...G-Gusto mo pa ng ulam?"
"How about you? Aren't you going to eat?" sabay tingin nito sa kanyang platong
walang kalaman-laman.
"Kakain!" bigla siglang sagot niya. "Eto na oh magsasandok na."
Pagkasubo ni Alex ay muli siyang nag-ipon ng lakas ng loob. Naisip niyang idaan na
lamang sa ibang paraan ang pakikipag-usap. Uminom siya ng tubig. Tumikhim muna at
saka ngumiti sa asawa. "Hon, paano pala sina Mama... tiyak na nag-aalala yun lalo
pa siguro kung napanood nila yung balita."
"They will visit today" kaswal na sagot ni Blake sabay inom ng kape. "I told Mom
that you can't leave the house for the meantime... and guess what? She totally
agreed on it."
"Eh...p-paano naman si Margareth?" hirit ng misis.
Bumuntong hininga si Blake at tiim bagang tumingin sa asawa. "She has same opinion
with your mother."
Napatikom ng bibig si Alex at tumitig ulit sa mister ng may nagpapaawang mga mata.
"Is there anything else you want to say?" matigas na tanong ng lalaki.
"W-Wala na," tugon ni Alex nang my sunod-sunod na iling saka lamang nagseryoso sa
pag-aalmusal.
"How about me Dad? Bakit hindi po ako papasok ng school today? Am I under
punishment too? Just say so I will accept it with open arms. You can even extend it
as long as you want," nakangiting pahayag ni Cassandra.
Napangiti si Blake. "No sweetie. I just want you to take a rest after what you've
gone through yesterday. Besides, dadalaw today ang Lola Sylvia, Lolo and Tito
Dennis ganun din sina Tita Margareth and the kids."
Ang totoo ay pupunta muna si Blake sa paaralan ng anak upang kausapin ang
administration tungkol sa pagpapaigting ng seguridad ng buong eskwelahan.
Ipapaliwanag niya rin ang plano niyang pag-assign ng mga bodyguards kay Cassandra
na kahit sa loob ng eskwelahan ay kailangan ang mga itong nakabantay. Kapag
nagkasundo sila ng administrasyon saka niya lamang pababalikin ang anak at kung
hindi naman ay ililipat niya ito sa ibang eskwelahan.
"Sir eto na po yung newspaper," singit ng inutusang katulong.
"Wait here," utos niya sa kasambahay.
Kinuha niya ang pahayagan at masusing nirebesa ang bawat pahina. Tiniyak na walang
anumang nasusulat tungkol sa kanyang asawa at sa insidente. Nagawa niya nang
harangin sa malalaking pahayagan ang paglabas ng mga artikulo tungkol sa nangyari o
kahit anumang sulatin na may kinalaman sa kanyang asawa.
Laking pasasalamat niya at hindi napanood ng matandang Monteverde ang balita. Kung
nagkataon ay baka inatake ito sa puso ng wala sa oras. Mabuti na lamang ay foreign
news o documentary channels ang hilig nitong panoorin. Kaya hangga't hindi pa
nakakasiguradong hupa na ang balita, kailangang salain muna ang newspaper na
binabasa nito araw-araw. Inihabilin niya rin sa lahat na ilihim sa matanda ang
buong pangyayari alang-alang sa kalusugan nito.
Nang makasiguradong walang nakasulat tungkol sa nangyari sa mag-ina, saka niya
iniabot ang pahayagan sa naghihintay na katulong upang dalhin na ito sa kuwarto ni
Don Henry. Sumubo siya ng isa sabay tingin sa relos.
"Kailangan ko nang umalis. Dadaan pa ako sa school ni Cassandra," mahinang wika
niya sa asawa sabay tayo.
Agad na tumayo si Alex para ihatid hanggang labasan ang mister. Sumunod din sa
kanila si Cassandra. Naglakad sila hanggang driveway at pagkaapak pa lamang sa
bakuran ni Alex ay may pumuwesto na agad na dalawang bodyguards sa kanyang likuran.
Bumuntot ito habang binabaybay nila ang driveway patungo sa sasakyang naghihintay
malapit sa gate.
Bago sumakay ay binigyan ni Blake ng tig-isang halik ang kanyang mag-ina. Pumasok
siya sa kotse nang wala man lamang binitawang ngiti para sa misis. Sa halip ay
binigyan niya ito ng isang seryoso't nagpapaalalang tingin. Gumanti ito ng isang
malambing na ngiti at masiglang kaway.
Pagkaalis ng ama ay ibinaling ni Cassandra ang atensiyon sa dalawang bodyguards na
nakatayo sa likuran nila. Tumaas ang kilay niya habang seryosong tinititigan ang
mga naka polo barong na lalaking may malalaking katawan. Seryoso ang mga mukha.
Nakatiim bagang habang diretso lamang ang mga tingin. Maliban sa pagiging matapang
wala ng ibang ekspresyon ang mga mukha nito.
Inikutan niya ang mga ito habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Pagdating niya
sa likuran ng isa ay bigla siyang tumakbo sa harapan nito. "BULAGA!"
Napangiwi siya nang wala man lamang naging reaksiyon ang ginulat na bantay. Patay
malisya ulit siyang naglakad patungo naman sa isa pa. Pagdating niya sa tagiliran
nito'y bigla ulit siyang humakbang patungong harapan. "BULAGA!"
Katulad ng nauna, wala ring naging pagbabago sa hilatsa ng mukha nito. "Hayss what
are you? Robots?" sabay dinutdot niya ng hintuturo ang katawan ng lalaki.
"That's enough Cassie. Bumalik na tayo sa loob ng bahay," aya ng ina.
Habang naglalakad sa bakuran, binilang ni Cassandra ang mga nakaabang doon na mga
bodyguards kasama na ang dalawa pang nakasunod sa kanila. May kanya-kanyang pwesto
ang mga ito.
"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven! Whoah Mom you
have eleven guards in the front yard! Of course there would be more in the back
yard and the pool area!"
"Don't mind them," may halong pait na bigkas ni Alex.
Pagdating sa pintuan ng bahay ay doon lamang tumigil sa pagbuntot ang dalawang
bantay. Nginusuan ang mga ito ni Cassandra. Nang makapasok sa loob ng bahay,
nagpahabol siya ng isa pang gulat nang may namimilog na mga mata. "BULAGA!"
Bumalik silang magnanay sa dining hall at itinuloy ang nahintong pag-aalmusal.
"Mom I'm gonna tell you a secret now," mahinang sambit ni Cassandra habang palinga-
linga sa paligid upang tiyaking walang nakikinig sa kanila.
"What secret?" kunot noong ika ni Alex.
"To be honest, eventhough I'm a bit scared with Dad now, I'm still on your side,"
mahinang mahinang bulong ng bata saka unti-unting ngumiti at nagningning ang mga
mata. "Because you're my idol now!" biglang lakas na wika nito. "I don't care about
those action movie heroines anymore. I'm very very very proud and happy to know
that I actually got an action queen mom....Were you always been that good Mommy?"
namimilog ang mga matang tanong nito.
Sumagot lamang ng simpleng ngiti si Alex at nilagyan ulit ng pagkain ang pinggan ng
anak.
"Mom I know what you're thinking now. You are only afraid of Dad pero ang totoo ay
hindi naman po talaga kayo natatakot sa ibang bagay kahit pa lagyan kayo ng
maraming bodyguards," nangungusisang sambit ng bata. "Hey mom! I've got an idea why
don't you escape and climb over the walls? I guess you can also beat those
bodyguards," may kapilyahang suhestiyon nito.
"Cassandra Marlene!" singhal ni Alex sabay lapag sa hawak na mga kubyertos. "Who
taught you to think that way?!" pagalit niya.
"N-No one. I'm just stating what I think..." biglang kambyo nito ngunit agad din
namang bumalik ang kasiglahan. "I think I do think the same way as you. Now I
understand why I'm like this...it's all because I got it from you Mom! And when I
grow up I also want to be a like you!
"No! That's not going to happen! Never!" madiing tutol ng ina.
Biglang lumungkot ang mukha ng bata at bakas na bakas ang pagkadismaya sa itinugon
ng iniidolong magulang. "B-But why?" may nginig na boses nito.
"Because this is not the kind of life you deserve."
"T-That's not fair. Y-You could do it but why can't I?" mangiyak-ngiyak nang bigkas
ng bata.
Bumuntong-hininga si Alex at maamong tiningnan ang nagtatampong kausap. "Because I
don't want you to hurt the people you love... Look at Mommy, now I'm hurting your
Dad and later you'll see the reaction of Lola, Lolo and Tito Dennis... Makikita mo
sa kanila ang pag-aalala at alam ko na nasaktan ko na naman sila dahil sa
nangyari...."
May ngiting tinitigan ni Alex ang nakikinig na anak.
"...When Mommy was younger all I gave to your grandparents were worries and pains.
They were afraid most of the time na baka isang araw ay mabalitaan na lang nila
that their daughter is no longer alive. Walang ginawa noon si Lola Sylvia kundi ang
umiyak at mag-alala kapag alam niyang nasa mapanganib na mission si Mommy..."
"...And when I met your Dad I learned how to love pero hindi pa rin naging sapat
ito para ipagpalit ni Mommy ang kapusukan sa trabaho. Because of me, your Dad
encountered a lot of dangers too. Your Dad was secretly hurting while he was trying
to be patient with my stubborness. Mom got shot at one point and almost died. It
was a horror to the whole family including your Dad. Everyone was crying and
hurting....Kaya kahit gaano pa kagalit ang Daddy ngayon sa Mommy, Mom will always
understand him because I know he just doesn't want to experience those old
terrifying feelings anymore. Lalo pa ngayong nadamay na ang pinakamamahal naming
anak.."
"....When I had you...you are the only angel who made Mommy decide to completely
give up her old life. All I dreamed from that day onwards was to raise you well and
to love Daddy more. But now that I keep seeing myself on you, it reminds me of how
Lola Sylvia felt for me. Ayokong matulad ka sa akin anak dahil kapag nasimulan mo
na ito, kahit ginusto mo pang talikuran... may pagkakataong tatawagin at tatawagin
ka pa rin at wala kang magagawa kundi ang lumingon na lamang."
Kukurap-kurap na nanahimik si Cassandra habang itinatanim sa isipan ang isinalaysay
ng ina.
"But Mom... di ba nakakagawa rin kayo ng kabutihan. I'm sure you saved lives too
and caught a lot of bad guys who could harm innocent people. You were a hero on the
other hand."
Ngumiti si Alex. "You can be a hero in different ways. Look at Dad. He's a hero in
his own way. He's working hard para manatiling matatag ang kumpanyang nagbibigay ng
trabaho at bumubuhay ng libo-libong mga pamilya. Instead of aiming the path that
Mom took, bakit hindi na lang ang mga yapak ng Daddy mo ang sundan mo?"
Muling nanahimik si Cassandra at hindi na dumugtong pa. Matamlay na itinuloy niya
na lamang ang pagkain. Naliwanagan ang isipan niya dahil sa mga sinabi ng ina pero
sa kabila nito'y may di siya maipaliwanag na lungkot sa bahagi ng puso niya.
------
Nagbababad si Alex sa bathtub. Naliligo siya sa gatas na sinabuyan niya pa ng mga
rose petals. Mabuti na lamang at maagang nakatulog ang anak dahil sa pagod sa
kalalaro nang dumating ang kanyang buong pamilya tapos sinundan pa nina Margareth
kaya nagkaroon pa siya ng panahong asikasuhin ang sarili.
Kailangang maging mabango siya at maganda ngayong gabi. Gagamitin niya na ang
huling alas para mapaamo ang asawa. Huminga siya ng malalim at kalmadong pumikit
habang ninanamnam ang pagbababad. Ngunit nagulat at napamulat siya nang bigla na
lamang pumasok si Blake ng banyo. Tahimik itong naghubad ng damit at kumuha ng
tuwalya saka dumiretso sa shower room.
Natagalan siya sa banyo kaya di na siguro ito nakapaghintay sa ritwal nitong pagsa-
shower bago matulog. Panaka-naka niyang sinusulyapan nang may nanunulis na nguso
ang seryoso lamang na naliligong asawa. Klarado ang salaming nagi-enclose sa shower
kaya kitang-kita niya ang magandang likurang tanawin ng mister.
Patulis na itinaas niya ang isang paa at kunway nang-aakit na kinuskos ito ng
loofah. Umayos din siya sa pagkakasandal upang umangat ng bahagya ang bahagi ng
kanyang dibdib. Nagbabakasakali siyang mapapalingon sa kanya ang lalaki. Subalit
pagkatapos nitong mag-shower ay nagtapis lamang ito at agad nang lumabas ng banyo.
Ni hindi man lang siya binigyan kahit isang sulyap.
Naiinis na iningusan niya ang pintuan subalit muli itong nagbukas at agad siyang
ngumiti. Bumalik ang asawa ngunit tumayo lamang ito sa pintuan habang nakatingin sa
kanya nang may blangkong mukha.
"Yes Hon?" malambing na sambit niya.
"My clothes," tipid nitong sabi sabay alis ulit.
Nagmadali siyang tumayo nang maalalang hindi niya pa nga pala naihanda ang susuotin
nito. Mabilis niyang binanlawan ang sarili at pagkuway dali-daling nagtapis.
Dumiretso siya sa closet at kumuha ng damit nilang mag-asawa.
Sinabayan niyang magbihis si Blake. Pasimple niyang kinukuha ang atensiyon nito...
pero kahit anong pagpa-fashion show ang gawin niya sa harap ng lalaki, tila hindi
pa rin ito apektado.
Naglotion siya ng may paborito nitong amoy. Nag-spray ng perfume at isinuot ang
pinakaseksi niyang silk nighties. Kahit matutulog na'y nagpahid pa rin siya ng
kaunting lipstick. Subalit sa halip na pansinin siya ay naupo si Blake sa kanyang
working table at nagbukas ng laptop.
Hindi pa rin siya sumuko. Nahiga siya sa kama at humarap sa direksiyon ng mister
nang may nang-aakit na posisyon. "Hon.."
"Uhm," tipid na tugon ng lalaki habang nakatingin sa laptop.
"Hindi pa ba tayo matutulog?"
"Matulog ka na. Marami pa akong gagawin," sagot nito nang di pa rin tumitingin.
"Bukas na yan," lambing niya.
"'Can't be. This is something that needs my decision until tomorrow."
Ngumiti siya. "Okay. Pero hihintayin pa rin kita. Alam mo namang hindi ako
nakakatulog nang mabuti pag hindi ka katabi."
"Alright."
Seryoso sa ginagawa si Blake subalit maya-maya lamang ay napansin niya ang
pananahimik ng paligid. Lumingon siya sa kama at agad na tumaas ang sulok ng
kanyang mga labi nang makita ang hitsura ng asawa. Nakanganga't tulog na tulog na
ito. Napapailing na lumapit siya at narinig ang mahinang paghilik nito.
"Tsk...hindi ka nga makatulog nang hindi ako katabi ," ngingiti-ngiting bulong
niya.
Maingat na kinumutan niya ang misis, marahang hinalikan sa pisngi at saka siya
bumalik sa ginagawa.
============================
[31] Husband's Takeover

****
Bumisita si Blake sa headquarters upang personal na kausapin ng masinsinan si
James. Galing na siya sa NBI at nakipag-ugnayan na tungkol sa kalagayan ng
seguridad ng kanyang asawa. Buhat nang malagay sa panganib ang mag-ina wala na
siyang higit na pinagkaabalahan kundi bigyan ng aksiyon ang mga bagay na
bumabagabag sa kanyang dibdib.
"I'm hiring private investigators. NBI agreed to my offer of coordination. Now it's
time to ask the approval of your jurisdiction," seryosong pahayag niya sa hepe.
Naiiling na bumuntong hininga si James. "Kailangan mo ba talagang gawin ito? Kaya
ko namang patutukan ang imbestigasyon sa sindikato."
"Hinding-hindi ako mapapakali hangga't hindi nabubuwag ang sindikatong iyan. I'm
willing to spend any amount for the investigations. I'm offering you private funds
para masuportuhan din ang team niyo. I learned na malaking grupo ang nakabangga ng
asawa ko. At malakas ang pakiramdam ko na anumang oras ay pwede nilang balikan si
Alex... and I'm sure you're aware of that probability too James," determinadong
pahayag ni Blake.
Hindi nakaimik si James. Tama ang kinatatakutan ni Blake lalo pa't kapatid ng lider
ng grupo ang napatay ni Aldovar. Di rin masama ang alok nitong tulong at
koordinasyon subalit ang higit na inirerekonsidera niya ay ang magiging reaksiyon
ng dating kasamahan.
"But do you think Alex will stay out of it kapag nalaman niyang may nangyayaring
imbestigasyon? If this would be the case, you're piquing more the aggressiveness of
your wife," komento ng opisyal.
Tumango si Blake. "Yeah I know that possibility but I'm doing my best to tame my
wife right now. Gusto kong makipagtulungan sa inyo para mabuwag na ang grupo the
soonest possible, hangga't kaya ko pang kontrolin si Alex and stay her out of it."
Tinitikis ni Blake ang lahat ng paglalambing ng asawa para mapanindigan ang
kagustuhang pansamantalang mailihis ang atensiyon nito sa ibang bagay maliban sa
pagbawi sa naging kasalanan. Matapos nitong makabangga ang mga kidnappers,agad
siyang nagpaimbestiga. Nang madiskubreng isa palang malaking sindikato ang
nakalaban ng misis, naamoy niya agad ang mga panganib na maaring naghihintay sa
asawa.
Mas lalo niyang dapat higpitan ang seguridad ng kanyang pamilya. Lalong-lalo na si
Alex. Dapat ay mabuwag na ang sindikato bago pa man magising ang kuryosidad ng
babae.
"You know my wife very well. Kapag nalaman niyang may nakaambang na panganib, siya
na mismo ang lalapit dito at hindi na kusang hihintayin pang dumating ito. Kaya
kailangan ko siyang unahan," dagdag paliwanag niya.
Hindi pa rin kumbinsidong bumuntong-hininga si James. "I understand your points.
But I'm not very comfortable teaming up with private investigators."
"Cmon James. I'm not hiring an ordinary guys," tatawa-tawang wika ni Blake. "I've
done this before. These guys did something big in saving Alex and I at alam mo yan.
The only difference is that this time I'm coordinating with the authorities."
Nanatiling walang imik ang hepe. Hinimas nito ang baba at ilang saglit na nag-isip
ng malalim.
"I hope you understand my intention at alam ko namang gusto mo ring proteksiyonan
si Alex so please accept my offer. I know you'll do the same kung si Margareth ang
nasa katayuan ng asawa ko," pakiusap ni Blake.
Nauwi sa pagpayag ng hepe ang naging pag-uusap ng dalawa. Tinalakay nila ang
detalye ng mga plano. Inalok ni Blake na tatrabahuin ng mga imbestigador niya ang
paghahanap sa mga miyembro at hideouts ng sindikato. Ipapaalam nila sa awtoridad
ang bawat importanteng impormasyong makukuha.
Masiglang lumabas si Blake ng opisina nang hepe. Ngunit pansamantalang pomormal
siya nang makasalubong si Inspector Aldovar. Ganoon din ang binatang pulis,
bahagyang natigilan din ito pagkakita sa kanya.
Ilang sandali silang nagkaasiwaan hanggang sa unti-unti niya itong binigyan ng
tipid na ngiti. Inalok niya dito ang kanang kamay. Ngumiti't nakipagkamay naman sa
kanya ang inspektor.
"Thank you for saving my wife and my daughter," bukal sa kaloobang pasasalamat
niya.
"It's part of my duty Mr. Monteverde... I hope everything is going well with you
now," tugon ng binata.
"I'm doing my best to handle everything well." Tumango siya at saka itinuloy ang
paglabas ng headquarters. "See you next time."
Pagkaupo sa sasakyan, nakaramdam siya ng kaunting kaluwagan sa dibdib matapos
pasalamatan ang taong nagligtas sa kanyang mag-ina. Tuluyan niya nang tinanggal ang
anumang natitirang bahid ng pagseselos para sa binatang inspektor. Sa halip ay
kinikilala niya na itong isang taong pinagkakautangan niya ng loob.
Inayos niya ang kurbata at bumuntong-hininga. "Let's go back to the office," utos
niya sa driver.
Pagdaging ng opisina ay biglang naglaho ang kanyang magandang timpla nang maabutan
doon ang di inaasahang bisitang naghihintay sa kanya. Tumayo agad ito nang makita
siya at sinalubong siya ng ngiti.
Binalewala niya ang masayang salubong nito. Naupo muna siya sa kanyang mesa saka
niya ito pinakiharapan nang may seryosong mukha.
"What are you doing here Ms. Chan? Hindi pa rin ba malinaw sayo ang naging huling
pag-uusap natin?"
Maamong ngumiti ang babae at lumapit sa kanya. "Gusto lang kitang kumustahin. I
heard about what happened to your wife and daughter. I'm worried about you. Are you
okay?" nag-aalalang sambit nito.
Ngumisi si Blake. "If you're really worried about me dapat hindi mo na dinadagdagan
ang problema ko."
"Hindi naman ako pumunta dito para problemahin mo. I came here to comfort you,"
malumanay na salita ni Isabelle.
Sumandal si Blake sa upuan at napapailing na tiningnan ang kausap. "Ms. Chan if you
keep coming to my office unannounced. Ano sa palagay mo ang maaring isipin ng mga
empleyado ko?"
"Wala akong masamang intensiyon gusto ko lang namang malaman kung okay ka or if
maybe you need someone to talk to," maamo pa ring paliwanag ng dalaga.
"This is an office. I come here to work and not to be comforted by any other
woman," diretsong sagot ng lalaki.
Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Isabelle. "Bakit ba lagi mo na lang akong
pinagtutulakan papalayo? Masama ba kung isipin ko rin ang kapakanan mo? I'm part of
your life now and why can't you just accept that!" napipikon ng pahayag nito.
Napamasahe sa noo ang lalaki at humingang malalim nang nakapikit. "Can I not deal
with you for the meantime? Please give me a break kahit kaunting panahon lang. Ikaw
na mismo ang nagsabing namomoroblema ako ngayon kaya pwede ba Ms. Chan lubayan mo
muna ako," mahinahong pakiusap niya.
"Why am I the one to be pushed away? Hindi ako ang gumawa ng problema mo kundi ang
basagulera mong asawa! I'm here para i-comfort ka dahil sa kagagawan ng asawa mo
tapos ako ang ipagtatabuyan mo!"
Napapalo sa mesa si Blake at agad na tumayo nang may galit na reaksiyon. Tiningnan
niya muna ang pintuan at tiniyak na nakasarado ito't walang makakarinig sa kanila.
"I warned you before not to give any opinion about my wife! Kung may problema kami
labas ka na dun. At higit sa lahat I don't need you to console me. Kung ano man ang
motibo mo, ngayon pa lang sasabihin ko na sayo Ms. Chan na hindi mo pwedeng gamitin
ang sitwasyon namin ngayon para sa personal na kapakanan mo. Stop intruding because
you are nobody to me!"
"I am not a nobody! I'm a mother of your child. Stop mistreating me or else-"
"Or else what?" ngisi ng lalaki "May bago ka na naman bang pamblack mail?"
Bumuntong-hininga ito at muling naupo. "Hindi na ako tatalaban ng mga pananakot mo
kaya pwede ba itigil mo na lang yang pagsisinungaling mo."
Napakuyom ng mga kamay si Isabelle at tiim bagang tinitigan ang lalaki. "This time
it's not just a threat. I'm really going to do it. I'll go to your house to meet
Don Henry. Kung ayaw mong kilalanin ang pinagbubuntis ko pwes sa kanya ako
magpapakilala. I'm going to tell him I'm giving him a grandson! And I'm going to
show him that I'm more deserving to be your woman than your low class wife!"
Natigilan si Blake sa banta ng kausap hanggang sa unti-unti siyang natawa. "You're
planning to go to our house?" may pagkasarkastikong tono niya.
"Don't laugh! I'm being serious!"
Tumigil siya sa pagtawa pero ngingiti-ngiti pa ring tiningnan niya ang kaharap.
"Ms. Chan since you knew about the news I also assumed na nabalitaan mo kung ano
ang ginawa ng misis ko sa mga kidnappers..."
Hindi makaimik ang babae habang matapang pa ring nakatingin sa kanya..
"...I'm giving you a piece of advise. With my wife's mental state right now, I
wouldn't dare go near her. If you care about your safety, don't provoke her
nowadays," ganting panakot niya.
"Dare me!" ngisi ni Isabelle pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik.
-----
Masiglang ginagayak ni Alex ang anak sa pagpasok nito sa eskwela. "Tiis-tiis muna
ng konti ha. Pagtiyagaan mo munang kasama yung mga bodyguards. Konting alo na lang
kay Daddy ako na ulit maghahatid sayo," nakangiting pahayag niya habang tinatali
ang sintas ng bata.
Tahimik na tumango si Cassandra. Hinaplos nito ang buhok ng nakaluhod sa sahig na
ina. "Don't worry Mom. I understand you very well. Huwag niyo na pong isipin
masyado ang paghahatid sa akin and just focus on finishing your sentence. Who knows
maybe one of these days, you'll receive your parole," seryosong seryosong sambit
nito.
Napatingin si Alex kay Cassandra at nahalata ang bahagyang paglaki ng butas ng mga
ilong nito. Tumaas ang isa niyang kilay. "Teka nga muna... Nagi-enjoy ka ba na
hindi ako ang naghahatid-sundo sayo?"
Patay malisyang tumingin sa ibang direksiyon ang bata.
"Cassandra Marlene!"
"Mom?"
"Yung totoo. Mas natutuwa ka bang kasama sa school yung mga bodyguards kesa kay
Mommy?"
Kumibit ng mga balikat ang bata ngunit halatang hirap itong mag-isip ng paliwanag.
"W-Well...uhmmm...you know....m-maybe I'm just enjoying the short moment when no
one is saying 'don't do this and don't do that'..."
Napatiim ng mga labi si Alex at naggagalit-galitang tiningnan ang maliit na kausap.
"But definitely I'll miss you very soon! I'm soooo sure of it!" biglang bawi ng
bata nang may namimilog na mga mata.
Natatawang ginusot na lamang ni Alex ang buhok ng anak.
"Mom my hair! You already fixed it."
"Hey little girl. I've got a good news for you," may kislap ang mga matang sabi ng
ina.
"What is it Mom?" sabik na ika ni Cassandra.
"I'm allowing you to play with Dominic again."
Sa halip na matuwa ay unti-unting tumamlay ang mukha ng bata.
"O ba't parang di ka masaya?"
Bumuntong-hininga ito sabay bagsak ng mga balikat. "Wala na po siya sa school.
Teachers said his family brought him to States because of what happened."
Natigilan ng ilang sandali si Alex at pagkuway niyakap ang nalulungkot na anak.
"Don't be sad. I'm sure the parents did it for his safety. Huwag kang mag-alala,
makakahanap ka ulit ng kaibigang kagaya niya o di kaya'y magkikita ulit kayo
pagdating ng araw," alo niya habang tinatapik-tapik ang likod ng bata.
Kumawala si Cassandra sa yakap. Sa umpisa'y medyo pilit ang mga ngiti ngunit
paglao'y bumalik din naman ang sigla ng mukha. "It's okay Mom. I still have
friends. Nandiyan pa naman sina Harry and Chloe tapos magkakaroon pa ng bagong baby
si Tita Margareth!"
"Ayan dapat ganyan lagi! Think positive," malugod na payo ni Alex habang inaayos
ulit ang bahagyang nagusot na buhok ng bata.
"Eh Mommy kelan po ba talaga ako magkakaroon ng baby brother?" biglang hirit ni
Cassandra. "Sabi po ninyo if I sleep in my own room magkakaroon na ako ng baby
brother pero bakit wala pa rin po hanggang ngayon?"
Dali-daling inakay ni Alex ang bata at dinampot ang bag nito. "Halika na anak,
mali-late ka na sa school. O yung mga bilin ko ha tatandaan lagi. Huwag lalayo sa
mga bodyguards. Huwag dudumihan ang uniform. Don't approach any unfamiliar face."
Napapabuntong-hiningang sumagot ng sunud-sunod na tango ang bata hanggang sa
nakalimutan na nito ang huling tanong.
Nang makaalis si Cassandra ay si Don Henry naman ang inasikaso ni Alex. Matapos
itong pag-almusalin at painumin ng gamot ay ipinasyal niya ito sa hardin. Payapa
niyang itinutulak ito sa wheelchair habang pinagmamasdan nila ang mga malalago't
namumulaklak na mga halaman. May nakabuntot sa kanilang isang katulong na bitbit
ang nakahandang first aid kit sakaling biglang may idaing ang matanda.
"What have you done this time?" biglang ungkat ni Don Henry.
"Ho?" litong sambit ni Alex.
"Napapansin kong parang hindi ka na gaanong lumalabas ng bahay. At bakit maraming
mga nakapaligid na bantay dito?"
Ngumiti ng asiwa si Alex. "Ahhh..eh kasi ano po. Nabalitaan ho kasi ni Blake na
mabilis na naman ang pagtaas ng crime rate dito sa Metro Manila lalong-lalo na yung
kidnapping. Alam niyo naman po yung apo niyo may pagkaparanoid pagdating sa
kaligtasan na ni Cassandra."
Umiling si Don Henry at isenenyas sa babae na tumayo ito sa harap niya. Sumunod
naman si Alex at maamong hinarap ang matanda.
"Hindi ako naniniwala. Nakakapanibago na you're not even driving Cassandra to
school. What's going on between you and your husband? I know he's paranoid when it
comes to her daughter's safety but he's more paranoid when it comes to yours. Did
you do something dangerous again?"
Napalunok si Alex. Sa pagkakatitig sa kanya ni Don Henry ay batid niyang hindi
maaring manatiling tikom ang kanyang bibig. Nag-isip siya ng mas katanggap-tanggap
at mas ligtas na sagot. Maamong tumingin siya sa matanda at ngumiti.
"Totoo nga pong may ginawa ako," mahinahong pag-amin niya. "Muntik na kasing
makidnap yung isang schoolmate ni Cassandra at tumulong ako."
Tumawa ng mahina si Don Henry nang may kasamang pagyugyog ng mga balikat. "Sabi ko
na nga ba't nabuhay na naman yang pagkawonder woman mo. Tsk," iling nito sabay
tingin sa mga bodyguards. "But nevertheless, I guess your husband is a little bit
overreacting again...kunsabagay noon pa man ay ganyan na talaga yang apo ko sayo."
Muling itinulak ni Alex ang matanda ngunit natigilan siya nang biglang lumapit sa
kanila ang isa sa mga guwardiya sa gate.
"Ma'am Alex, Don Henry may bisita po kayo."
"Sino daw?" tanong niya.
"Si Mr. Chan ng Hexagon Realty kasama po ang anak niya."
Biglang nanlamig ang mga kamay niya sa sa narinig. Di siya makapalag sapagkat kung
ano ang ikinagulat niya ay siya namang ikinatuwa ni Don Henry.
"Let's meet them iha," masayang aya nito sa kanya.
Tumango siya at pinilit ngumiti. "S-Sige ho."
Sinalubong nila ang sasakyan ng mga bisita. Nang bumaba ang chairman ng Hexagon ay
agad na gumuhit ang malaking ngiti ni Don Henry at ganun din ang negosyanteng
intsik.
"How are you Don Henry? It's been a while since the last time we met," ani Mr. Chan
habang kinakamayan ang dating chairman.
"Thank you. My health is getting better. What's with this surprise visit?" masayang
salita ng matanda.
Bumaba ng sasakyan si Isabelle at sabay na napatingin sina Alex at Don Henry sa
dalaga.
"Is that your youngest daughter?" salita ng matandang Monteverde.
"Yes."
"Tingnan mo nga naman ang bilis ng panahon. Look how she turned into a pretty
lady."
Yumukod si Isabelle sa matanda at pagkuway tumingin kay Alex nang may
mapagkunwaring ngiti.
Gumanti si Alex nang makahulugang mga titig habang papahigpit ng papahigpit ang
pagkakahawak sa wheelchair. Di niya pinahahalata ang kabang nararamdaman pero kung
anuman ang binabalak ng mag-amang ito ay dapat niyang pigilan. Pasimpleng tinaasan
niya ng kilay si Isabelle at binigyan ng isang nangungutyang ngisi.
Tinawag niya ang katulong at inutos dito ang pagtutulak sa wheelchair. "Dalhin mo
sa loob si Lolo para makapag-usap silang maiigi ni Mr. Chan. "
Nakangiting lumapit siya Kay Isabelle at ikinawit ang braso sa braso nito. "Kilala
ko ho si Isabelle, lolo," masayang wika niya. "Medyo nagkalapit na ho kami dahil
madalas kaming nagkikita sa opisina ni Blake. Sige mag-usap na ho muna kayo ni Mr.
Chan at magba-bonding lang kaming dalawa. Medyo ilang araw na akong di nakakalabas
kaya namimiss ko nang makipag-usap sa isang kaibigan."
"Go ahead iha. Entertain her," ani Don Henry.
Niyakag niya ang di makapalag na dalaga. "Subukan mong gumawa ng eksena... di kita
palalabasin ng buo dito," pabulong na banta niya at bago humakbang papalayo
binigyan niya muna ang ama nito ng makahuluga't matatalim na tingin.

==========================

[32] Bloody Guilt

****
Binitbit ni Alex si Isabelle sa pool area at doon gigil na kinausap. "Ang tapang mo
rin naman ano? Talagang ikaw pa mismo ang kusang pumunta sa lungga ko at nagsama ka
pa ng reinforcement! Anong plano niyo? Ang gulatin yung matanda sa kasinungalingan
mo't hayaan itong atakehin?! Sa tingin mo pag nangyari yun, magsasawalang kibo lang
ako?!" namumulang wika niya.
Humalukipkip si Isabelle at kalmadong ngumiti. "I'm not here to make a scene.
Nandito ako dahil pinasama ako ni Daddy and I couldn't say no."
"Huwag kang maghugas ng kamay dahil kahit sabunin mo man yan ng paulit-ulit
umaalingasaw pa rin ang baho ng budhi mo!"
"Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala. But I'm telling you the truth,"
naninindigang wika ng dalaga.
Ngumisi si Isabelle habang pilit tinatakpan ang kabang nararamdaman. Naapektuhan
siya sa pananakot ni Blake lalo pa't nakarating din sa kanya ang ilan sa mga
detalye ng ginawa ng babae sa mga kidnappers. Subalit wala siyang magawa dahil ang
kanyang ama ang nagdesisyon na dalawin ang dating chairman ng Golden Pacific.
Kagustuhan nitong sumama siya upang unti-unti na rin siyang mapalapit kay Don
Henry. Bagamat nakatanggap na ito ng banta mula sa matapang na asawa ni Blake
Monteverde may bago naman itong mas mabigat na panakot. Kutob nitong hindi pa alam
ng matandang Monteverde ang tungkol sa nangyari sa apo nito. Tiyak nitong mas higit
na ayaw itong ipaalam ng mag-asawa.
"Kung hindi ito dahil sa sulsol mo , ano naman ang dahilan ng tatay mo para
bumisita dito?"
Kumibit siya ng mga balikat. "I guess he just want to talk about the old
days...Tsaka bakit ka ba masyadong natataranta? Are you sure you're worried na baka
atakehin si Don Henry? O baka naman alam mong may possibilidad na matuwa pa siya
kapag nalamang magkakaroon siya ng bagong apo na possibleng magtuloy sa lahi
niya....ang isang bagay na hindi mo kayang ibigay."
"Hah! Ang lawak din naman ng imahinasyon mo ano? Sigurado ka bang galing ka sa
pamilya ng mga negosyante? Eh mas may talent kang writer at artista!"
Nakita ni Isabelle na napakuyom ng mga kamay si Alex. Agad siyang kinabahan pero
ganunpaman malakas ang kutob niyang wala sa prinsipyo nitong pumatol sa isang
mahinang kagaya niya sapagkat dapat sana'y matagal na itong ginawa ng babae. Alam
niyang puro salita at pananakot lamang ang kaya nitong gawin sa isang tulad niya.
Umayos siya ng tayo't ngumisi. Sa nakikita niyang pagpipigil ng babae tila mas
ginaganahan siyang galitin ito. "Chill out. Akala ko ba hindi ka na mag-aaksaya ng
galit sa isang desperadang katulad ko pero bakit para yatang apektadong-apektado ka
ngayon?"
Nagpalinga-linga siya at napansin niya ang ilan sa mga bodyguards na nakaantabay sa
paligid. "Hmmm...It looks like you're under house arrest. I understand Blake,
nakakahiya nga naman kung hahayaan niyang pakalat-kalat ang gangster niyang asawa."
"Huwag mong bigyan ng ibang interpretasyon ang iniisip ng asawa ko. Oo hindi ako
lumalabas ng bahay at alam mo bang bored na bored na ako kaya kung ako sayo aalis
na ako dito dahil baka maghanap ako ng excitement eh ikaw ang mapagdiskitahan ko!"
"Really? Ang celebrated hero kailan lang ay kayang manakit ng isang buntis at
mahinang babae."
"Correction. Buntis, makati, sinungaling, malandi at desperadang babae. Hindi ka
mahina. Ikaw nga ang pinakamatatag eh. Pinakamatatag sa kakapalan ng mukha!"
Tumingin ulit si Isabelle sa paligid at kunway namamangha siya sa mga nakikita.
"You're living in a castle. Don't you think you're very inappropriate to live in a
place like this?"
"At sino ang gusto mong tumira dito. Ikaw?" Tumawa ng nakakaloko si Alex.
"Maputlang higad gising! Tirik na tirik pa ang araw para managinip ka!"
"Kung higad ako, ano ka? Huwag ka ngang magmalinis. Aren't you capable of flirting
with other guys too? Didn't I hear it and saw it with my own eyes?"
Natigilan si Alex at biglang pumasok sa isipan niya si Inspector Aldovar. Naalala
niya kung gaano kabakas ang selos sa pagmumukha ng dalaga nang magkaharap-harap
silang tatlo.

Humalukipkip siya't tinaasan ng kilay ang kausap. "Si Brandon ba ang tinutukoy mo?"
may landing sambit niya. "Magkaiba pa rin tayo. Dahil ikaw ipinipilit mo ang sarili
mo sa lalaking may asawa at ayaw sayo. Eh ako? Narinig mo naman siguro kong paano
niya harap-harapang inamin sayo na gusto niya ang babaeng katulad ko. Partida pa
lang yan ha, wala pa akong ginagawa. Ano kaya ang mangyayari kung landiin at
patulan ko rin siya? Siguro tuluyan niya nang makakalimutan ang mga babaeng minahal
niya."
Biglang nabura ang anumang takot na nararamdaman ni Isabelle sa kausap. Nag-init
ang mga tenga niya sa narinig at walang pagdadalawang-isip na sinampal niya si
Alex. "Huwag na huwag mong idadamay si Brandon!"
Nakangangang napahawak si Alex sa kanyang nasampal na pisngi. Di siya nakapagsalita
subalit bahagyang natawa siya sa reaksiyon ng babae.
"May asawa ka ng tao tapos ipagsisiksikan mo pa yang sarili mo sa isang binata!"
namumula sa galit na paratang ni Isabelle.
"Hah!" Tumawa si Alex. "Mukhang masyado kang apektado. Ganyan ka ba kalandi? Marami
kang inaangking lalaki? Kung pinagsisiksikan mo ang sarili mo kay Blake, abangan
mong ipagsiksikan ko rin ang sarili ko kay Brandon tingnan ko lang kung di ka
mangisay pag walang napunta sayo ni isa man sa kanila," nang-iirita pa lalong
sambit niya.
Mas lalong nagdilim ang mga paningin ni Isabelle. Matatalim ang mga matang sinugod
at sinabunutan niya si Alex. "YOU BITCH!"
"A-Aray!" Kunway daing ni Alex subalit sa loob-loob ay natatawa siya dahil sa
pagtatagumpay na galitin lalo ang kausap. May lalapit sanang isang bodyguard
subalit sinenyasan niya itong huwag makialam.
"Selos na selos ka ba?! Kung ganun dapat dun ka sa headquarters nagsasayang ng
oras! Samantalahin mo na habang di pa ako makakadalaw," dagdag niya.
"You filthy whore!"
Mas lalong lumakas ang pananakit ng babae sa kanya. Sinasampal, sinasabunutan at
sinusuntok siya nito hanggang sa unti-unti na rin siyang napipikon. "Tumigil ka
na!" saway niya.
"Ano? Gaganti ka? Then do it! I'm not afraid of you anymore!" sabay sabunot ulit
nito sa kanya.
"Tumigil ka na sabi!" Sinangga niya ng kamay ang dadapo na naman sanang sampal nito
sabay tulak dito. Di sinasadyang napalakassiya ng puwersa. Natumba ang babae at
bumagsak ang puwetan nito sa lapag.
"A-Aray..." napapangiwing daing nito.
Unti-unti siyang kinabahan at napapalunok na tiningnan niya ito habang napapahawak
sa balakang. Ilang saglit siyang nag-alinlangan kung tutulungan ba itong tumayo...
hanggang sa dahan-dahang nanlamig ang kanyang mga palad nang makita ang kulay
pulang likidong dumadaloy sa paa ng dalaga.
Naramdaman ni Isabelle ang tila maiinit na bagay na gumagapang sa hita niya. Kinapa
niya ito at agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dugong sumama sa
kamay niya.
"A-Ang anak ko..." dumudungaw ang mga luhang sambit niya. Tumingin siya kay Alex na
noo'y natutulala rin ang hitsura. "M-My baby...Help me...Save my child please."
Tumindi ang pangangalay at pagsakit ng kanyang balakang. Tumingin siya sa kanyang
paanan at nakita ang patuloy na pag-agos ng dugo. Binalot ng kaba ang kanyang
kabuuan. Nanghihinang tumingin ulit siya kay Alex.
"S-Save my baby.."
Natauhan si Alex mula sa matinding pagkabigla nang mawalan ng malay si Isabelle.
Natatarantang tumingin siya sa paligid. Tinawag niya ang guwardiya. Nanginginig ang
mga kamay na lumapit siya at binuhat ang namumutlang babae.
"Tu-tulong!"
------
Pabalik-balik na naglalakad si Alex sa labas ng kuwarto kung saan naka-confine si
Isabelle. Maya't maya siyang napapakutkot sa mga kuko. Puno ng takot ang dibdib
niya at inuusig siya ng konsensiya. Tinatanggihan siyang kausapin ng sinuman at
ayaw din siyang papasukin sa loob ni Mr. Chan. Hindi niya alam kung nailigtas ba o
hindi ang bata.
Natanaw niya ang paparating na si Blake. Puno ng pag-aalala ang hitsura nito. Lalo
siyang kinabahan na baka madagdagan ang galit nito sa kanya. Hindi niya alam kung
papaano tatanggapin na nagawa niyang saktan ang batang possible pa ring anak ng
kanyang asawa. Tumigil ang lalaki sa patakbong paglapit sa kuwarto at napapalunok
na tumingin sa kanya.
Dahan-dahang dumungaw ang kanyang mga luha. "I-I'm sorry hon... Hindi ko
sinasadya."
Tila binabarena ang dibdib ni Blake habang tinititigan ang hitsura ni Alex. Pagod
na pagod ang mukha at bakas na bakas ang paninisi nito sa sarili. Batid niyang
kahit maaring aksidente lamang ang nangyari, aakuin pa rin nito lahat ng kasalanan.
Niyakap niya ito ng mahigpit at saka ito tahimik na umiyak sa kanyang dibdib.
Hinaplos niya ito sa buhok.
"Stop blaming yourself. I know you can't hurt an innocent child."
"I'm sorry..."
"Ssshh.. that's enough honey. I'm here, ako na ang bahalang humarap sa lahat. I
heard that the baby is saved,' alo niya at saka lamang unti-unting nabuhayan ng
loob si Alex nang marinig na ligtas ang bata.
Pumasok siya sa silid at doon ay naabutan niya si Mr. Chan at ang doktor. Wala pa
ring malay si Isabelle. Nakatanggap agad siya ng naninising mga tingin mula sa ama
ng dalaga.
"How is she?" mahina't napapalunok na tanong niya habang nakatingin sa nakaswerong
babae.
"Are you the father of the child?" kaswal na tanong ng doktor.
Hindi siya umimik at pinanindigang huwag sagutin ang tanong.
"She's okay now," kusa nang salita ng doktor. "The baby is saved pero masyadong
mahina ang kapit ng bata. Isa sa mga dahilan nito ay possibleng nakakaranas ng
sobra-sobrang stress at problema ang nanay. I advise everyone na huwag na muna
ninyong bigyan ng problema ang nagbubuntis or else anytime ay maari ulit siyang
duguin. By that time possibleng hindi na natin mailigtas ang bata. Give her a more
relaxing environment habang buntis pa siya," seryosong paliwanag nito sa kanya.
Tumango siya.
"Treat her well," pahabol na payo ng doktor saka ito lumabas.
"I'm going to sue your wife!" galit na duro agad sa kanya ni Mr. Chan nang tanging
sila na lamang ang naiwan sa silid.
Bumuntong-hininga siya at kalmadong hinarap ang matanda. "Pag-usapan natin ito ng
mahinahon Mr. Chan."
"Sa tingin mo kakalma ako pagkatapos ng ginawa ng asawa mo sa magiging apo ko?!
Idedemanda ko siya. Tamang-tama tingnan ko na lang kung ano ang mangyayari sa
mabangong pangalan niya ngayon sa publiko kapag ibinunyag ko ang pagtangka niyang
pagpatay sa isang inosenteng bata. Wala na akong pakialam sa kahihiyan ko dahil
buhay na ng apo ko ang nakasalalay dito!"
"Let's put down our voices. Your daughter is still sleeping." Bumuntong-hininga si
Blake at naupo sa kabilang banda ng higaan. Seryoso ngunit may bahid ng
pagpapakumbabang tiningnan niya ng diretso sa mga mata ang katapat. "Kung anuman
ang nangyari alam kong hindi iyon ginusto ng asawa ko. Of all people siya ang hindi
mananakit ng isang inosente... At sana hindi na lang kayo pumunta ng bahay dahil
kahit wala kayong masamang intensiyon hindi niyo pa rin maiaalis na mag-isip ng
hindi maganda ang asawa ko. Matagal na siyang nagtitimpi at pilit niyang
nilalawakan ang kanyang pang-unawa. But, my wife is human too. May hangganan din
ang pasensiya niya, " mahinahong pangangatwiran niya.
"Whatever the case is, your wife has still no right to hurt my daughter! Naturingan
pa naman siyang isang dating pulis pero nakakayanan niyang manakit ng isang
nagdadalantao. Barbaric!..."
Nag-init ang mga pisngi ni Blake sa tinuran ng matanda subalit hindi niya ito
maipamalas sapagkat mas higit niyang iniisip ang kapakanan ni Alex. Hindi pa
tuluyang humuhupa ang ingay ng nangyari tungkol sa kidnapping kung kaya't hindi
niya hahayaang makaladkad ulit ang pangalan ng asawa sa isang eskandalo. Di bale
nang siya ang malagay sa kahihiyan huwag lang ang magandang reputasyon ng babae.
"My wife is willing to apologize at ako na rin ay humihingi ng despensa. Walang may
gusto nito pero nangyari na ang nangyari... therefore Mr. Chan," napalunok siya at
tila may bumara sa kanyang lalamunan. Nahihirapan siyang pakawalan ang mga susunod
na salita mula sa bibig. "...l-I'm ready to compromise."
Natigilan ang matandang negosyante at unti-unting nabawasan ang galit sa mukha
nito. Nag-isip muna ito ng ilang sandali hanggang sa tuluyan na itong kumalma.
"You heard what the doctor said. She needs care at hindi siya pwedeng ma-stress.
This is the chance for you to fulfill your responsibility. And that chance starts
now... kapag nagawa mo yun. Kakalimutan ko ang kasalanan ng asawa mo," madiing
salita nito.
Tumayo si Mr. Chan at walang paalam na nilisan ang kuwarto.
Nang makaalis ang matanda ay siya namang maingat na pagpasok ni Alex sa silid.
Naabutan niya ang mister na sapo ng mga palad ang mukha.
"Hon-" Maingat siyang tumayo sa tabi nito at tahimik na tiningnan ang natutulog na
pasyente. Nag-angat ng mukha ang lalaki at binigyan siya ng mapait na ngiti. "K-
Kumusta siya?" kabadong tanong niya.
"She's fine now."Humawak ito sa kanyang palad. "Don't blame yourself. Hindi mo
kasalanan ang nangyari."
"P-Pero naitulak ko siya," nakokonsensiyang sambit niya.
"Ikaw na ang may sabing hindi mo iyon sinadya. I know may dahilan kung bakit mo yun
nagawa."
Nabakas niya sa mister ang pagod at pamomoroblema. " A-Anong sabi ni Mr. Chan?"
Muling ngumiti ng matamlay si Blake. "Nag-usap na kami and I've settled everything.
He agreed to remain silent about what happened..." hinawakan niya ng mas mahigpit
pa ang palad ng misis. "Hon, you look tired umuwi ka na't magpahatid sa mga
bodyguards mo."
"P-Papaano ka? Magpapaiwan ka ba dito?" taka ni Alex.
Napapalunok na tumango si Blake sabay iwas ng tingin sa misis.
Nakakutob si Alex at nanghihinang tumingin sa mister. "I-Ito ba ang kapalit ng
pananahimik ni Mr. Chan?"
"Hon-"
"Blake magsabi ka ng totoo," nangingilid ang mga luhang wika ng babae.
Tumayo't yumakap ng mahigpit si Blake sa asawa. "I'm sorry hon...but for now, this
is my only choice."
===================
[33] The Abducted
****
"Trust me and trust my reasons. My whole being only belongs to you and Cassandra.
Yan lang ang lagi mong tatandaan."
Paulit-ulit na iniisip ni Alex ang mga salita ni Blake tungkol sa desisyon nitong
pansamantalang sakyan ang kagustuhan ni Isabelle at ng ama nito. Hindi niya
magawang tumutol. Masakit pero kailangan niyang intindihin dahil kagagawan niya
kung bakit lumala ang problema. At kung bakit naiipit ngayon ang asawa sa isang
alanganing sitwasyon. Higit na pinapairal niya ang tiwala kay Blake at naniniwala
siya sa intensiyon nito.
Pero.... sa kabila ng lahat ay di niya pa rin maiwasang huwag matakot. Dinudurog
ang puso niya sa tuwing naiisip na may ibang babaeng inaasikaso ang asawa. Sumasagi
pa rin sa isipan niya ang mga bagay na kinatatakutan niya. Paano kung mahulog ang
loob nito? Paano kung mapalapit ito sa ipinagbubuntis ni Isabelle at ang
pansamantalang pag-ako ay mauwi sa totohanan? Hindi niya kakayanin. Ni sa panaginip
ay di niya kayang tanggapin na mawawala sa kanya si Blake.
Nasasaktan siya pero bakit wala siyang magawa?
Tahimik na tumulo ang kanyang luha.
"Mom are you crying?" puna ni Cassandra na noon ay pinapatulog at tinatapik-tapik
niya.
Mabilis niyang pinunasan ang mga mata at ngumiti. "Wala ito anak. May naisip lang
na malungkot si Mommy."
"Hmmm... let me guess. Siguro malungkot na malungkot na kayo dahil nandidito lang
talaga kayo lagi sa bahay."
Hinaplos siya nito sa pisngi. Bahagyang lumungkot din ang mukha nito. "Mom I will
help you this time. I'll beg Dad to lift his punishment. I'll tell him that you're
very lonely to a point that you're already crying....Don't cry Mom because it
breaks my heart."
Umiling siya. "No sweetie. Please don't tell Dad that Mommy cried."
"Bakit po?"
"Baka kasi mag-worry siya masyado tapos maapektuhan yung pagtatrabaho niya. There's
a lot of things going on inside your Daddy's head right now kaya huwag na nating
dagdagan, okay?"
"But how about you Mommy? Is it okay for you to be lonely?"
Sumagot ng matamlay na tango si Alex. "I'm fine sweetie. These things happen
because of my fault therefore I need to accept the consequence, madali man o
mahirap. Ganun naman dapat di ba para matuto tayo sa mga naging pagkakamali natin."
Tumagilid si Cassandra papaharap sa ina. Isiniksik niya ang sarili sa magulang at
siya naman ang marahang tumapik-tapik dito.
"Don't worry Mom. I'm here. Ako na lang po ang magko-comfort sa inyo."
"Salamat anak," sabay halik ni Alex sa noo ng bata.
"But where is Dad? Bakit po these past few days parang lagi na naman siyang late
umuwi?"

Napalunok si Alex at muling nangilid ang kanyang mga luha pero sa pagkakataong ito
tiniyak niyang hindi ito tutulo. "N-Nasa work pa si Daddy... s-sinabi niya naman
kay Mommy na magiging busy siya pansamantala pero pag wala ng masyadong work, b-
babawi daw siya sa atin."
Ngumiti si Cassandra. "I believe Dad. He's always true to his words. Actually my
most favorite days are his makeup days. He always follows what I want." Bakas na
agad ang excitement sa mukha nito.
Marahang nagbukas ang pintuan at bumungad si Blake.
"Daddy!" masiglang sambit ng bata at agad na nawala ang anumang antok nito sa
katawan. Dali-dali itong bumangon at nang makalapit ang ama sa kama ay agad itong
yumakap ng mahigpit. "We were just talking about you!"
Ngumiti si Blake at humalik sa anak. Pagkuway kay Alex naman siya lumapit at
humalik.
Naupo siya sa gilid ng kama at masiglang tiningnan ang mag-ina. "Anong pinag-usapan
niyo tungkol sa akin?" kunway naniningkit ang mga matang tinitigan niya si
Cassandra. "Don't tell me you're saying bad things about Daddy."
Mabilis na umiling ng sunud-sunod si Cassandra. "No Dad! It's because Mom-" sabay
tingin nito sa ina ngunit pasimple siyang sinenyasan nito na huwag na huwag
magkakamaling banggitin ang tungkol sa pag-iyak nito. "I-It's because Mom... said
na babawi daw po kayo sa amin pag hindi na kayo busy," biglang kabig niya.
Tumawa si Blake. "Kelan ba naman hindi bumawi si Daddy kapag alam niyang nagkulang
siya ng oras sa prinsesa niya?"
Namilog ang mga mata ni Cassandra. "I'm already excited for that day. Kelan po ba
yan? This weekend? Next weekend or next next weekend?"
"Hmmm... basta matapos na ni Daddy lahat ng mabibigat niyang trabaho, okay?"
Bumuntong-hininga si Blake at tumingin sa tahimik na misis. "I'll go to our room
now. Marami akong mga inuwing trabaho," pahayag niya.
Tatayo sana si Alex para asikasuhin ang mister ngunit pinigilan siya nito. "It's
okay hon. Patulugin mo na lang muna yang anak mo. I'll take care of myself."
Bigla siyang natigilan at muling may kumurot sa kanyang puso. Nanlalamig na ba sa
kanya ang asawa? Umiling siya at pinagpagpag sa isipan ang hindi magandang
itinatakbo ng utak.
Nilisan ni Blake ang kuwarto ng anak. Pagkapasok sa kuwarto nilang mag-asawa ay
naligo agad siya't nagbihis. Sinamantala niya ang pagkakataong tawagan si James
habang wala pa doon ang asawa.
"What's the final update?" tanong niya sa hepe.
"Tuloy ang operasyon bukas. Aldovar will head the team."
"Okay. I'll give you more information. Nagpadala ng report sa akin ang mga tao ko
ngayon."

Pagkababa niya ng telepono ay naupo siya sa kanyang working table. Binuksan niya
ang laptop upang basahin at pag-aralan ang report na ipinadala ng kanyang mga
imbestigador. Natunton na nila ang tatlong hideouts ng sindikato. Isa sa Manila,
isa sa Bulacan at isa sa Batangas. Bukas ay papasukin ng mga pulis ang hideout dito
sa Manila.
Ito ang lihim na pinaggugugulan niya ng panahon ngayon. Dito halos nauubos ang oras
niya sapagkat priyoridad niya higit sa lahat ang seguridad ng asawa. Batid niyang
nasasaktan ngayon si Alex dahil sa naging desisyon niya tungkol sa problema kina
Isabelle subalit kailangan niya itong tikisin. Sapagkat ang lahat ng ito ay
pansamantala lang. Hindi niya lamang maipaliwanag sa asawa ang buong katotohanan na
hindi niya muna kayang makipagsabayan sa pagbabanta at demandahan kay Mr. Chan sa
kadahilanang gusto niyang ibuhos ang atensiyon sa pakikipagtulungan sa mga pulis sa
pagsupil sa sindikato. Hindi pwedeng mahati ang atensiyon niya sa isa pang
masalimuot na sitwasyon sapagkat kaligtasan ni Alex ang nakataya dito.
Subalit sa oras mismo na malutas ang problema niya sa seguridad ng asawa, babalikan
niya ang chairman ng Hexagon. Lalabanan niya ito kahit saang korte. Babanggain niya
ang anumang plano nitong paninira sa kanila. Iipunin niya lahat ng ebidensiyang
magpapatunay na walang kasalanan ang asawa niya. Masyado nang nasasaktan si Alex
dahil sa panggigiit sa kanila ng mag-ama. Kung dati ay nag-aalinlangan pa siyang
umalma dahil umiiwas siya sa gulo pero sa pagkakataong ito ay hindi na. Ibabalik
niya sa mga ito ang pananakit at pang-aagrabyadong ginawa nila kay Alex.
Sisiguraduhin niyang ibibigay niya kay Mr. Chan ang bangungot nitong kahihiyan
hanggang umabot sa puntong pati siya ay hindi na nito kayang pakiharapan.
-----
Papalubog na ang araw subalit wala pa ring natatanggap na update si Blake tungkol
sa ginagawang paglusob ng mga pulis sa hideout ng mga sindikato. Maghapon na siyang
di mapakali. Inaasam niya na sana sa operasyong ito ay mahuli na mismo ang
pinakaliderato ng grupo.
Nag-ring ang kanyang cellphone at dali-dali niya itong dinampot. Ngunit nadismaya
siya nang makitang si Isabelle ang tumatawag. Kinansel niya ang tawag subalit muli
na naman itong nag-ring. Napilitan siyang sagutin na lamang ito pagkatapos ng ilang
ring sa pag-aalalang baka hindi makapasok ang hinihintay niyang tawag kung maya't
mayang tumatawag ang babae.
"C-Can you pick me up at my place. I need to see the doctor," sabi agad nito sa
kanya.
"I can't. May importante akong bagay na inaasikaso ngayon," diretso at madiing
tugon niya.
"My waist is numbing and I have spotting."
"Magpasama ka na lang sa mga maids mo."
"But my father told me to ask you."
Gigil na pinutol ni Blake ang tawag at napapamurang ibinato ang cellphone sa mesa.
Napamasahe siya sa noo ngunit maya-maya lang ay wala rin siyang nagawa kundi
puntahan ang babae dahil ayaw nitong lubayan ang pagtawag sa kanya.
Pagdating niya sa tinitirhang penthouse ni Isabelle ay nagulat siya nang maabutang
naghahain ang babae ng pagkain sa mesa. Masiglang-masigla ang hitsura nito at tila
wala namang masamang nararamdaman. Napatingin siya sa mesang may nakahaing maraming
pagkain at may magandang pagkakaayos.

"What is this all about? Did you just play a prank on me?" pikong sabi niya.
"If I told you I'm inviting you for dinner, pupunta ka ba?" ngingiti-ngiti pang
sabi ng babae.
"This is not funny Ms. Chan!"
Iritableng tumalikod si Blake para lisanin ang lugar subalit mabilis siyang
pinigilan ni Isabelle. Hinawakan nito ang braso niya at tumingin sa kanya ng may
nakikiusap na hitsura.
"Please just for tonight Mr. Monteverde. My father is coming here and he is the one
who requested for this dinner," maamong sabi nito nang may seryosong mga mata.
Ngumisi siya. "I guess we have a misunderstanding here. I agree to take care of
things that has something to do with your pregnancy but let me clarify to you that
we're not in a kind of relationship where I can have dinner at your house. And to
remind you once again, Ms. Chan, ginagawa ko ito dahil sa asawa ko. Sapagkat alam
kong mas lalo niyang sisisihin ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa
ipinagbubuntis mo. Although it's not her fault but simply because it's her
personality."
"N-Naiintidihan ko...pero pwede bang humingi ako sayo ng pabor ngayon lang-"
Nag-ring ang telepono ni Blake at dali-dali niya itong sinagot nang makitang si
James ang tumatawag. Binalewala niya anuman ang sinasabi sa kanya ng kausap.
"How did it go?" sabik na tanong niya sa hepe.
"W-We infiltrated the place. We captured eleven members and two were killed. No
casualties from the team but we had wounded..."
"Did you catch the leaders?" di makapag-antay na wika niya.
"No. Nakatakas sila... and there's one bad thing happened."
"Anong masamang nangyari?" Bigla siyang kinabahan.
"Inspector Aldovar was captured. Nasa kamay siya ngayon ng mga nakatakas na lider."
Nagulantang siya sa balita. "How could they captured Inspector Aldovar? He's
supposed to be good. Isn't he the best shooter and fighter in the team?" Di
makapaniwalang pahayag niya.
"Niligtas niya ang isang kasamahan at doon nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalaban
na pagtulung-tulungan siya. Wala pa kaming natatanggap na balita kung buhay pa ba
siya o patay na."
Nanghihinang pinutol niya ang tawag. Pansamatalang binalot ng kaba ang dibdib niya
hanggang sa napansin niya ang namumutla at natutulalang mukha ni Isabelle habang
nakatingin ito sa kanya.
"W-What was that call about? I-I heard something about Inspector Aldovar..."
nanginginig ang boses na sambit nito.
Humugot muna ng isang malalim na buntong-hininga si Blake saka seryosong tiningnan
ang kausap. Nag-alinlangan siyang sabihin dito ang natanggap na balita ngunit batid
niyang dapat itong malaman ng babae.
"M-May nilusob ang mga pulis na hideout ng sindikato ng mga kidnappers. U-
Unfortunately, Inspector Aldovar h-has been captured by the criminals," malumanay
na pahayag niya.
Nanlaki ang mga mata ni Isabelle at nanghihinang napakapit siya sa dingding.
Nanlamig ang kanyang buong katawan hanggang sa maramdaman niya ang pananakit ng
tiyan. Napapangiwing napahawak siya sa kanyang sikmura.
"Ms. Chan are you alright?" biglang pag-alala ni Blake nang mapansin ang matinding
pamumutla ng babae.
"M-My belly is painful.." wika nito nang may namumuong mga luha sa mata.
Inakay niya ito patungo sa sopa at pinaupo. Dali-dali niya itong ikinuha ng tubig.
Uminom ito ngunit ilang saglit lamang ay bigla itong humagulhol. Sa pagkakataong
iyon, wala man sinasabi si Isabelle, damang-dama niya kung gaano ito naapektuhan sa
narinig na balita.
Sinamahan niya ang di matigil-tigil sa pag-iyak na babae hanggang sa muling tumawag
sa kanya si James.
"Kailangan mong pumunta dito sa headquarters," utos nito sa kanya.
"About what? Can you just tell it to me over the phone. I'm with a sick person
right now," ika niya habang nakatingin sa umiiyak pa ring kasama.
"It's something you need to see."
"Can I go there tomorrow?" kalmadong wika niya.
"No. It's very important.... because it concerns Inspector Aldovar and your wife."
Parang binuhusan ng mainit na tubig si Blake matapos bigyan ng kaunting detalye ng
hepe tungkol sa dapat niyang makita. Dali-dali niyang tinapos ang tawag at
kumaripas ng alis nang di na nagawang magpaalam pa kay Isabelle.

[34] On One's Knees

*****
Humahangos na dumating si Blake sa opisina ni James. Naabutan niya doon ang
naaalarmang hepe kasama ang anim pang mga kapulisan. dumating din ang tatlo sa mga
namumuno sa private investigations niya. Nagpadala ang mga kriminal ng mensahe sa
pamamagitan ng isang uploaded video. Ayon sa hepe hinahamon ng mga ito si Alex na
iligtas ang inspektor.
"Where's the video?" di makapaghintay na wika niya.
Binuhay ni James ang monitor ngunit nang bubuksan niya na ang video biglang
natigilan ang lahat. Napansin nila ang walang ingay na pagsulpot ni Isabelle.
Nagtatakang napatingin si Blake sa babae.
"What are you doing here?" kunot noong sabi niya.
"I followed you," mahina't nanginginig na boses nito.
"Who is she?" taka ni James.
"She's someone close to Inspector Aldovar." Naisip ni Blake ang kalagayan ng
kalusugan ng babae. Delikado dito ang direktang masaksihan kung anuman ang nasa
video. "You can't stay here, Ms. Chan."
Umiling ng pagtutol ang babae.
"Ma'am alam kong nag-aalala kayo pero sa ngayon ho ay tanging pamilya at awtoridad
lang ang pwede sa silid na ito," wika ng hepe.
"I-I'm his family too..." ani Isabelle.
"I'm sorry Ma'am pero hindi po kayo pwede dito. Direktang pamilya lang po ang pwede
naming payagan," saway ng isang pulis sabay hawak nito sa braso ng babae upang
yakagin ito papalabas.
"Kailangan kong malaman ang kalagayan ni Brandon. I-Is he still alive? N-Nakatakas
ba siya? L-Ligtas na ba siya?" wika ni Isabelle habang tinatanggal ang kamay na
nakahawak sa kanya at tumatangging humakbang.
"Sorry po Ma'am pero kailangan niyo na po munang lumabas," giit ng pulis.
Tumulo ang luha ng babae at binigyan nito ng nagmamakaawang tingin ang pulis. "I
need to know. I'm his family too..."
"Sorry po talaga-"
Nagpumiglas si Isabelle hanggang sa unti-unti itong naghisterya. "I need to hear it
now! I'M HIS FAMILY! HE'S THE FATHER OF MY CHILD! KARAPATAN KONG MALAMAN KUNG
LIGTAS ANG AMA NG ANAK KO!!!"
Natigilan ang lahat lalo na si Blake. Ni ang kumurap ay pansamantalang di niya
nagawa. Ito na ang pinakakaaasam niyang sandali, ang lumabas mismo sa sariling
bibig ni Isabelle ang katotohanan. At nasabi na rin ito sa wakas ng babae...Ngunit
sa kabila ng narinig na pag-amin, wala siyang iba pang naging reaksiyon maliban sa
pagkagulat. Sa mga oras na iyon ay walang puwang ang kahit kaunting katiting ng
galak sa kanyang dibdib.
"TELL ME HIS SAFE!"
Tiningnan niya ang tila nawawala sa sariling babae. Di niya maintindihan kung bakit
sa kabila ng mga kasalanan at pasakit na idinulot nito sa kanilang mag-asawa ay
nakakaramdam pa rin siya ng kaunting awa. Nilingon niya si James.
"It's true that she's pregnant... and it's Inspector Aldovar's child," napapalunok
na pagkompirma niya. "Maybe you can allow her to stay for that reason," unti-unting
pagsimpatiya niya sa babae.
Pinayagan ni James na manatili si Isabelle ngunit binalaan itong huwag masyadong
maging emosyonal dahil baka makasama ito sa kondisyon niya. Nangako naman ang babae
na magpapakatatag anuman ang malaman at mapanood. Nanahimik ito sa tabi ni Blake
habang walang humpay na kinukutkot ang mga kuko sa nanginginig na kamay.
Seryosong pinanood nila ang pinadalang video ng sindikato matapos ang ilang oras ng
pagkakatangay kay Brandon. Pinakita dito ang bugbog saradong inspektor na nakaupo't
nakatali sa isang silya. Nakayuko't walang malay ito. Duguan, halos puno ng sugat
ang mukha at gula-gulanit ang damit. Napapalunok ang mga nanonood maliban kay
Isabelle na panaka-nakang may kumakawalang impit na iyak. Batid ng lahat na
nakaranas ng isang matinding torture ang binatang pulis.
Walang ibang makikita sa video maliban sa inspektor at sa itim na tabing sa likuran
nito. Subalit may nagsasalitang tampered voice habang pinapakita ang walang malay
na pulis.
"Para kay Alexandra Monteverde... binibigyan kita ng pagkakataong iligtas ang taong
nakasama mo sa pagpaslang sa kapatid ko. Ngayon mo ipagmalaki ang tapang at galing
mo. Bibigyan kita ng pitumpu't dalawang oras para iligtas siya at ang oras na yun
ay magsisimula ngayon. Magpapadala ako ng palaisipan kung saan at kelan mo siya
pwedeng matagpuan. Huwag na huwag kang magkakamaling magsama ng mga pulis. Makinig
kayong lahat na mga nanonood nito. Kakabitan namin ng bomba ang taong ito at sa
oras na maamoy naming may back-up ang mapagmagaling na babaeng yan, hindi kami
magdadalawang isip na pasabugin itong kasamahan niyo."
Natapos ang video.
Dumaan ang katahimikan at tanging malalalim na buntong-hininga ang nangibabaw sa
silid. Tiningnan ni Blake si James at halatang hinihintay nito ang sasabihin niya.
Ngunit bago pa man siya makapagbigay ng opinyon ay inagaw ni Isabelle ang atensiyon
niya. Tiningnan siya nito ng may nagmamakaawang mga mata. Tiim bagang ginantihan
niya ito ng tingin. Bago pa man nito maibuka ang bibig, inunahan niya na ito ng
salita.
"It's the job of police to save Inspector Aldovar. Huwag kang mag-alala hindi nila
pababayaan ang kanilang kasamahan," walang paligoy-ligoy na sabi niya.
"M-Mr. Monteverde..."
"Go home and take a rest. Your presence here will not do any help. Give the
officers a chance to concentrate on planning the rescue. And don't open your mouth
about this to anyone...kung ayaw mong masira ang diskarte ng mga pulis," madiing
babala niya sa kausap.
Napipilitang umalis si Isabelle. Samantalang nag-closed door meeting naman si James
at Blake. Inilahad ni Blake ang desisyon niyang ilabas ang asawa sa problema.
Pinagbawalan niya ang sinuman na ipaabot ang problema kay Alex at kapalit nito'y
ang pakikipagtulungan pa rin sa mga pulis ng mga tao niya. Bibigyan niya ng mas
malawak na resources ang investigation team ng pulisya para ma-meet ang deadline na
ibinigay ng mga kriminal. Ibibigay niya ang lahat ng pwede niyang maitulong para
mailigtas ang taong pinagkakautangan niya ng loob.
"Tighten the security of my wife and don't let her leave the house at any cost,"
madiing bilin niya sa mga bodyguards ng asawa bago lisanin ang headquarters.
-------
Nababakas ni Alex ang tensiyon sa mukha ng asawa simula pa nang dumating ito sa
bahay. Maya't maya itong bumubuntong-hininga't napapakunot ng noo na halatang nag-
iisip ng malalim. Kadalasan kapag nakaligo na ito't nakalambingan na ng ilang
saglit ang anak ay gumaganda na ang mood nito. Pero sa mga sandaling iyon ay halata
pa rin sa hitsura nito ang pagod at problema. Nakaupo ito sa working table at
seryosong nakatitig lamang sa laptop habang wala sa sariling kinakatok ng mga
daliri ang mesa.
"Hon, may malaking problema ka ba sa trabaho? Gusto mo ba akong hingahan?" wika
niya sa asawa.
Lumingon ito sa kanya at ngumiti nang alam niya namang pilit. "Wala hon. I'm fine."
"Gusto mo ba ng masahe?" alok niya.
"Later. Tatapusin ko lang itong binabasa ko."
Gusto nang sabihin ni Blake ang ginawang pag-amin ni Isabelle ngunit nag-
aalinlangan siya. Tiyak na uusisain ng asawa kung ano ang naging dahilan ng
pagsasabi nito ng katotohanan.
"Hon kanina pa ako di maka-connect sa internet. Tsaka di rin ako makatawag. May
problema kaya itong line ko?" kunot noong sambit ng babae habang pumipindot sa
kanyang cellphone.
"May problema yung provider natin," simpleng sagot niya.
"Paano ka nakakapagtrabaho?" taka nito.
"I'm using my other cellphone line's connection," katwiran niya.
"Ah ganun ba?" tugon ng misis sabay iling.
Pansamantala niyang pinatanggalan ng linya ng telepono at internet ang bahay.
Pinangangambahan niyang baka magkaroon ng daan para makontak ng mga kriminal ang
asawa. Siya lamang at ang kanyang mga tauhan ang pwedeng magkaroon ng komunikasyon
sa labas sa loob ng tatlong araw. Ang intercom lamang ang linyang hinayaan niyang
gumana.
Eksaktong tumunog ang intercom. Sasagutan sana ito ng misis ngunit inunahan niya
ito.
Tawag ito mula sa guardhouse.
"What's going on?" tanong niya.
"Sir Blake may bisita po. Andito po si Ms. Isabelle Chan..."
Bigla siyang kinabahan.
"Sir papasukin ko po ba?"
"No. I'm the one who'll go down there."
Pagkababa niya sa tawag ay agad siyang tinanong ni Alex.
"Ano daw yun honey?" nakangiti pang ika nito.
"Nothing serious. May naghahanap lang sa akin. I'll go down to check it out."
"Samahan na kita!" excited na sabi ng babae.
"No!" biglang diing sabi niya. "Stay here at huwag na huwag kang lalabas."
"O-Okay..."
Napakunot ng noo si Alex pagkalabas ng mister. Takang-taka na siya sa ikinikilos
nito. Pakiramdam niya ay may hindi ito sinasabi sa kanya. Bagamat matigas ang utos
nitong huwag siyang lalabas, pinalitan niya ang suot na pantulog. Bababa siya
sapagkat nag-uumapaw sa katawan niya ang kuryosidad.
Pagdating niya sa living room, nagulat siya nang may humarang sa kanyang dalawang
bodyguards. Basa na agad ng mga ito kung saan siya papunta.
"Di po kayo pwedeng lumabas."
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Mas lalong lumakas ang kutob niyang may
itinatago ang asawa.
Nagpumilit siya tumuloy sa paglalakad pero ayaw siyang pagbigyan ng mga bantay.
Habang hinaharangan siya, mas lalo lamang umiigting ang kagustuhan niyang
makalabas..hanggang sa unti-unti siyang napikon.
"Kanina pa ako nagtitimpi sa inyo ha!"
Isa-isa niyang binalibag ang mga ito sa sahig at pagkuway mabilis siyang tumakbo
papalabas. Pag-apak niya ng bakuran ay natanaw niya kaagad ang iba pang mga
papalapit na bodyguards. Uunahan niya na sana ito ng pag-ilag ngunit bigla siyang
natigilan nang mapalingon siya sa kanilang gate. Natatanaw niya sa labas si
Isabelle habang kausap nito ang nasa loob pa rin ng bakurang asawa.
Unti-unting namuo ang selos sa kanyang dibdib.
Hinahawaka't pinipigilan siya ng mga bodyguards at hindi hinayaang makahakbang pa
papalabas.
"BLAKEEEE!" galit na sigaw niya.
Nagulat si Blake at nabuhayan naman ng loob ang nagmamakaawang si Isabelle na
papasukin siya.
"BLAKE AWATIN MO ITONG MGA TAUHAN MO KUNG AYAW MONG MAKIPAGBUGBUGAN AKO SA KANILA
SA HARAP MO!"
Ilang sandaling nag-atubili si Blake. Ngunit matatalim ang mga tingin sa kanya ni
Alex at batid niyang galit nga ito. Wala siyang nagawa kundi ang senyasan ang mga
bodyguards na pakawalan ang asawa.
"MRS. MONTEVERDE! TULUNGAN MO AKO! PARANG AWA NIYO NA!" sigaw ni Isabelle.
Nagtatakang lumapit patungong gate si Alex.
"I told you to stay in our room!" pikong wika ng mister.
"Bakit? Dahil nandidito ang babaeng ito?! Kailangan mong isekreto na nakikipagkita
ka sa kanya!" galit na sagot niya.
Dire-diretsong pinagbuksan niya ng gate si Isabelle at nakita niyang problemadong
napahawak sa noo ang asawa. Nagulat siya nang biglang lumuhod ang babae sa harap
niya at umiiyak na humawak ito sa kanyang hita.
"Mrs. Monteverde, tulungan mo ako..." nagmamakaawang bigkas nito.
Nalilitong napatingin siya kay Blake. "Anong tulong ang pinagsasabi nito?"
"Shut up Isabelle! Walang magagawa si Alex at hindi mangyayari ang kagustuhan mo!"
di napigilang singhal ni Blake sa umiiyak na babae.
Binalewala ni Isabelle ang sigaw at nanatiling nakatingala kay Alex. "Tulungan mo
si Brandon, parang awa mo na..."
"Blake anong pinagsasabi ng babaeng ito?" litong-litong tanong ni Alex.
Napapabuntong hiningang tiningnan ni Blake ang asawa. "Inspector Aldovar is in the
hands of criminals right now," napipilitang sagot niya.
Humigpit ang pagkakahawak ni Isabelle kay Alex at ilang saglit pa'y kumapit naman
ito sa kamay. "Iligtas mo siya parang awa mo na..."
"That's not my wife's job! Responsibilidad at trabaho ng mga pulis na iligtas si
Inspector Aldovar!" mabilis na pagtutol ni Blake.
"P-Pero si Mrs. Monteverde lang ang pinapayagan ng mga kriminal na magligtas kay
Brandon..." lumuluhang sambit ni Isabelle.
"Stop acting dumb Ms. Chan! You know that they want Alex in exchange of Inspector
Aldovar and I WON'T ALLOW THAT TO HAPPEN!" namumulang bigkas ng lalaki.
Nagulantang si Alex sa mga narinig. "Blake ano bang nangyayari? Wala akong
maintindihan sa mga pinagsasabi niyo?!"
Seryoso siyang tiningnan ng mister at dagling huminga muna ito ng malalim.
"Tinangay si Inspector ng grupo ng mga kidnappers na nakalaban mo. Ngayon ay
hinahamon ka nilang iligtas siya nang mag-isa," may panlulumong boses nito.
Nasindak siya sa sinabi ng asawa. Hindi siya nakapagsalita ng ilang sandali.
Hanggang sa nalilitong tiningnan niya ang babaeng nakaluhod sa harapan niya. Alam
niyang may nararamdaman pa rin ito para sa inspektor pero hindi niya sukat akalaing
magagawa nitong magmakaawa para sa binata.
"Si Inspector Aldovar ang ama ng pinagbubuntis niya. She admitted it earlier at the
headquarters," kusang bigkas ni Blake.
Nanlalaki ang mga matang napatingin si Alex sa mister. Napanganga siya habang
nararamdaman ang naghahalo-halong mga emosyong umaatake sa kanyang dibdib.
"She said it in front of everyone," dagdag pa ng asawa.
"Iligtas mo ang ama ng anak ko..."
Ang pagkabigla ay unti-unting pinangibabawan ng namumuong galit. Isa-isang
bumabalik sa isipan niya ang mga sakit na naranasan niya at ng kanyang pamilya
dahil sa kasinungalingan ng babae. Ang mga gabing di siya makatulog at mga araw na
puno ng pangangamba't pag-aalala. Matapang ang mukha at napapangising tiningnan
niya ang nagmamakaawang babae.
"Ang lakas ng loob mong lumapit sa akin. Sa lahat-lahat ng problemang ibinigay mo
sa amin, sa tingin mo tutulungan kita?" matigas na salita niya.
Lumakas ang pag-iyak ni Isabelle. "Patawarin niyo ako. Nagawa ko lang yun para
protektahan si Brandon at ang pinagbubuntis ko mula sa aking ama..."
"At para protektahan ang mga taong importante sayo mas pinili mong saktan at
guluhin ang nanahimik na pamilya? Gaano ba kalawak ang saklaw ng pagkamakasarili
mo?" sarkastikong sumbat niya.
"A-Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko... K-Kahit wag mo na lang gawin ito
para sa akin... Gawin mo na lang ito para sa taong minsang nagligtas sa buhay ng
anak niyo... A-At para sa magiging anak namin. Ayokong lumaki siya na hindi man
lamang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang kanyang ama... Parang awa mo na Mrs.
Monteverde...."
"Then how about our daughter? Naisip mo rin ba na pwede siyang mawalan ng ina?"
singit ni Blake.
Nanahimik ng ilang sandali si Alex. Blangko ang mga matang tinitigan niya si
Isabelle. Tiim bagang inalis niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang
kamay.
"Tama ang asawa ko. Hindi ko trabaho at responsibilidad ang magligtas ng isang
bihag. Hindi ka dapat dito nagmamakaawa kundi sa mga pulis... Tandaan mo may anak
din ako at pamilyang nagbibigay halaga sa buhay ko."
Tinabig niya ang kamay ng babae at walang reaksiyong tumalikod. Ni ang asawa ay
hindi niya na nagawang tingnan. Naglakad siya papabalik ng bahay habang patuloy ang
papalakas na paghagulhol at pagmamakaawa ni Isabelle.
Wala siyang dapat marinig. Wala siyang dapat maramdaman.
Sinundan ni Blake ang asawa. Nang madaanan ang isang bodyguard ay agad niyang
hiniram ang cellphone nito upang tawagan si James.
"Alex found out. I think we need to proceed to our plan B."
[35] It's Just Her Personality
*****

Diretso sa kusina si Alex. Uminom siya ng dalawang magkasunod na baso ng tubig.


Humawak siya sa dibdib at paulit-ulit na huminga ng malalim. Noon lamang unti-
unting tumatanim sa utak niya ang nakakagimbal na mga rebelasyon. Isa-isa niya
itong hinimay sa isipan lalong-lalo na ang nangyari kay Aldovar.

"Hon-"

Nilingon niya si Blake.

"I'm sorry kung binalak kong itago sayo ang nangyari," malumanay na paghingi nito
ng despensa.

Ngumiti siya. "Naiintindihan ko. Alam kong nag-aalala ka lang sa akin. Hindi ko
naman maiaalis na matakot ka matapos ang nangyari sa amin ni Cassandra."

Lumapit siya sa mister at ipinulupot ang kamay sa beywang nito. "At least tapos na
ang problema natin kay Isabelle."

"Yeah. It's a huge relief," tumatango ngunit wala sa loob na sagot ni Blake habang
nakatingin sa mga mata ng misis. "What's running inside your head now? Gusto kong
marinig ang opinyon mo tungkol sa nangyari kay Inspektor Aldovar. Any plan?"

Bumuntong-hininga si Alex at binigyan ng matamlay na ngiti ang asawa. Bumitaw siya


sa pagkakayakap at muling uminom ng tubig.

"Nalulungkot ako at puno ng tensiyon ang dibdib. Wala akong higit na inaasam kundi
ang kaligtasan ni inspector. Pero sa posisyon ko ngayon, siguro'y ang magdasal na
lamang ang pwede kong gawin."

"He saved you and Cassandra and this is my chance to repay him," ani Blake habang
nakatingin pa rin sa mga mata ng misis.

Kumunot ang noo ni Alex. "Sa paanong paraan?"

"I hired private investigators para makipagtulungan sa pulis."

Napalunok si Alex sabay iwas ng tingin at inom ulit ng tubig. "Pwede ko bang
mapanood ang video?" medyo may kaseryosohang hiling niya. "Kung may mga tao kang
tumutulong sa imbestigasyon, okay lang ba na kahit papaano ay mag-contribute ako?"

Seryosong nanahimik si Blake habang tinitimbang ang laman ng sinabi ng asawa.

"Don't worry hon. Hindi ibig sabihin ng pagtulong ko ay kailangan kong lumabas.
Dito pa rin ako sa bahay. Pagbigyan mo lang akong makita ang mga reports ng mga
imbestigador. Makakapagbigay ako ng sariling interpretasyon at opinyon na maari
kong ibahagi kay James," malumanay na dagdag paliwanag ng babae.

Patay malisyang tinitigan ni Blake ang misis na may nangungumbinsing ngiti. Walang
anumang bakas ng katapangan sa mga mata nito. Hindi niya na naman mabasa kung ano
ang totoong tinatakbo ng isipan.

Isiniksik niya ang mga kamay sa bulsa ng walking short at sumasang-ayong tumango.
"You have a point. I guess you can help better in that field since you're the more
experienced one.... About the video, I'll ask James to send the link."

"Salamat," bukal sa kaloobang sambit ni Alex dahil sa pagtitiwala ng mister.

Lumapit si Blake sa asawa at mahinahong kinuha ang palad nito. "It's already late.
Let's go back to our room," kaswal na aya niya.

Hawak-kamay silang naglakad papabalik ng kuwarto ngunit pagdating sa kalagitnaan


pansamantalang huminto si Alex at tumingin sa mister. "Pwede mo na bang ibalik ang
linya ng telepono at internet?"

Dagling natigilan si Blake ngunit hindi niya na ipinagtaka kung alam ng babae na
sinadya niyang tanggalan ng komunikasyon sa labas ang buong kabahayan.

"Yeah, I will do that," walang pag-aalinlangang tugon niya.


Pinadala ni James ang video at sabay na pinanood ito ng mag-asawa. Inoobserbahan ni
Blake ang misis habang tutok na tutok ito sa pinapanood. Paulit-ulit pa itong
nirereplay ng babae. Walang anumang bakas ng galit o matinding emosyon sa mukha
ngunit di nakaligtas sa mga mata niya ang napapakuyom nitong mga kamao.

"What can you say?" usisa niya.

Saka lamang naalis ang atensiyon ng asawa sa panonood at lumingon sa kanya.


"Did you find any clues?" dagdag niya.

Sumagot ito ng iling at tipid na ngiti. "Hon, pwede ko bang mabasa ngayon yung mga
report ng private investigators?" maamong hiling nito.

"Must you do it now? I think there's no need to rush since I already forwarded to
James everything." Tumingin siya sa oras. "It's late, bukas mo na lang tingnan.
Matulog na tayo."

"Sige bukas na lang."

Walang pag-aatubiling sumunod si Alex sa mister. Nahiga sila at magkaakap na


natulog.

Makalipas ang mahigit isang oras sa naturang posisyon, unti-unting nagmulat si


Alex. Tinitigan at pinakiramdaman niyang maigi ang asawa. Nang matiyak na malalim
na ang tulog nito, maingat na maingat na kumawala siya sa yakap at walang kaingay-
ingay na bumangon.

Lumapit siya sa working table ng mister at dinampot ang laptop. Pumasok siya sa
banyo at doon ay tahimik na binasa lahat ng reports ng private investigators. Sa
mga sandaling iyon niya rin nadiskubre na matapos pala ng pakikipagsagupaan niya sa
mga kidnappers ay agad nang nagpaimbestiga si Blake tungkol sa sindikatong
kinabibilangan ng mga ito.

Inabot siya ng tatlong oras sa pagbabasa. Nang mamalayan niya ang oras ay agad
siyang lumabas ng banyo. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang mahimbing pa rin
ang tulog ng asawa. Bumalik siya sa kama at maingat na muling yumakap sa lalaki.

-------

Humihikab na tiningnan ni Balatbat ang nagkakapeng kausap.

"Wala pa akong tulog Madam Kap. Ano na naman bang meron para papuntahin mo ako dito
ng ganito kaaga? Di pa nga sumisikat ang araw eh. Muntik pa akong mapagkamalang
magnanakaw ng mga guwardiya niyo." Tumitig siya sa mukha ng babae. " Madam Kap
huwag niyong sanayin ang sarili niyong gumising ng ganitong oras. Tatanda agad
kayo, tingnan niyo lumalaki na yang mga eyebags mo."

Sa halip na matawa sa nakikipagbiruan na namang kaharap, seryosong tiningnan ni


Alex ang SPO2. "Anong plano niyo tungkol kay Aldovar?"

Napatuwid ng upo ang pulis. "Huh? Alam mo na? Akala ko ba ililihim ito sa inyo?"
sabay kamot nito sa ulo. "Kunsabagay posible ba namang maitago sa inyo ang ganito
kaseryosong bagay," iiling-iling na sambit nito sa sarili.

"May ibinigay na bang clue ang sindikato?"

"Madam Kap huwag niyo akong tanungin tungkol diyan. Alam niyo namang pagdating sa
mga ganyang bagay ay itsipuwera lagi ako ng departamento," ngingiti-ngiting sagot
ni Melchor.

Tumaas ang isang kilay ni Alex. "Hindi mo ba ginagamit yang mga tenga mo?"

"Ginagamit ako pa ba?!" Tumingin sa itaas si Melchor at humawak sa baba. "Hmmm...


ang dinig ko ay may rescue operation, baka mamaya o bukas. Basta bago lumampas sa
ibinigay na deadline ng mga kidnappers...Teka Madam Kap bakit di na lang si hepe
ang diretsong tanungin niyo tutal close naman kayo nun di ba?"
Ngumisi lamang si Alex sabay inom ng kape. "Para may magawa ka naman. Eto ang
pagkaabalahan mo maghapon," sabay abot niya ng isang pirasong papel sa pulis.

Kunot-noong tinanggap ni Melchor ang papel at binasa ang mga nakasulat dito. "Ano
to? Lubid...karayom..para saan to mag-aacupuncture ka ba? Ganyan na ba kayo ka-
stress?" Itinuloy niya ang pagbabasa. "M-Mo-motor-"
Nakangangang tumingin siya sa kausap. "M-Madam Kap...h-huwag niyong sabihing
tatakas kayo at susugod kayong mag-isa sa lungga ng mga kriminal?"

Yumugyog ang mga balikat na tumawa si Alex. "Ipaliwanag mo nga kung papaano ako
makakatakas? Napapaligiran ng mga bantay itong bahay. Isa pa bakit naman ako
susugod mag-isa? Ibubuwis ko ang buhay ko samantalang alam ko namang may hakbang
namang gagawin ang mga pulis."

Nagdududang tiningnan ni Balatbat ang dating kasamahan. "Paano kung umandar na


naman yang pagiging bayani mo? Saniban ka at sumugod kang mag-isa."

"Hindi pa ako nawawala sa katinuan para sirain ang diskarte ng mga pulis," tatawa-
tawang sagot ni Alex. "Kaya ko hinihingi sayo ang mga bagay na iyan para sa
proteksiyon namin. Malay natin sa tindi ng galit sa akin ng sindikato ay sumugod
sila pati dito. Mabuti na yung handa rin ako."

"Sigurado kayo? Parang may naamoy akong kakaiba eh? Tsaka bakit kailangan mo pa
tong mga ito eh ang dami niyo ngang bantay oh! Sa tingin mo makakalapit pa sa inyo
yung mga kriminal na yun?"

"Impossible ba? Kung ganoon dapat hindi rin nila nagawang dukutin ang isang
magaling na pulis na tulad ni Aldovar."

Napaisip ng iang saglit si Balatbat at napagtantong may punto ang babae.

"Akin na nga!" pikong wika ni Alex sabay bawi sa papel. "Kung ayaw mo, sabihin mo
lang! Ang dami mo pang hinihinging paliwanag. Puro ka satsat!"

Mabilis na inagaw ulit ng pulis ang papel. "Oh huwag masyadong highblood.
Verification lang. Mahirap na baka may malabag na naman akong batas ng asawa mo."

"Dapat madala mo lahat yan dito mamaya, bago lumubog ang araw," diretsong bilin ni
Alex.

Napaaangat sa upuan si Melchor. "Agad-agad! Aba naman Madam Kap baka pwedeng
patulugin niyo muna ako. Hagas na hagas na nga itong hitsura ko!"

"May magbabago ba sa mukha mo kung makatulog ka? Anong mas importante, ang
kaligtasan namin o yang pagtulog mo?"

"Ayan ka na naman. Dinadaan mo na naman ako sa pangungonsensiya," napapakamot sa


ulong sambit ng pulis.

Pinaalis ni Alex si Melchor bago pa man magising ang mag-ama. Nagluto siya ng
almusal. Nang magkasama-sama sila sa hapag kainan ay maaliwalas ang mukhang hinarap
niya ang asawa't anak. Ganoon din si Blake. Hindi nila pinapahalata sa batang may
nagaganap na nakakatensiyong pangyayari.

Pagkatapos mag-almusal ay dumating ang tatlong leaders ng private investigation


team ni Blake. Naalerto agad si Alex. Kahit nag-aayos pa sa kusina ay agad niyang
itinigil ang ginagawa. Mabilis siyang lumapit sa mister na noon ay sinasalubong ang
mga bagong dating.
"Hon, pwede ba akong sumama sa meeting niyo?" tanong niya.

Tumaas ang kilay ni Blake at pagkuway panandaliang nag-isip. "Sure."

Nagtungo sila sa pribadong opisina ng bahay. Doon ay hindi makapaghintay na


ibinalita ng mga imbestigador ang bagong update tungkol sa sindikato. Magkatabing
naupo sa mahabang mesa ang mag-asawa habang seryosong nakikinig sa mga kaharap.

"Nagpadala ulit ng bagong e-mail ang sindikato kay Chief Corpuz," wika ng isang
imbestigador. "Eto na ang clue na sinasabi nila kung saan dadalhin si Inspector
Aldovar."

Inilabas nito ang larawan ng isang magandang tanawin ng magkadugtong na bundok at


dagat. Kasama rin sa e-mail ang isang kuha mula sa satellite map. Tanging maliit na
bahagi lamang ng mapa ang ipinakita kung kaya't kailangan pang hulaan kung saang
parte ito ng bansa. May nakalagay na marka dito kung saan pwedeng matagpuan ang
bihag.
"Mamayang alas-tres ng madaling araw ang umpisa ng rescue at alas singko ng
madaling araw naman kinabukasan ang deadline." Tumingin ang imbestigador kay Alex.
"Madiing ibinilin nila nila na kapag hindi sumipot ang taong gusto nilang makita ay
pasasabugin nila si Inspektor Aldovar."

Sabay na napalunok ang mag-asawa.

"Na-track niyo ba ang IP address na ginamit nila this time?" ani Blake.

"Yes. Nanggaling ito sa Hagonoy, Bulacan. Malapit sa kanilang hideout."

"Does it mean na possibleng nasa Bulacan pa ngayon si Inspector Aldovar?" tanong


ulit ng lalaki.

"Malaki ang possibilidad."

"Na-trace na ba kung saan ang lugar na ito," nguso ni Alex sa mga litrato.

"Yes. Sa Laiya, San Juan Batangas. Isa sa mga masukal na lugar kung saan nasa dulo
na ng kahabaan ng mga resorts doon. Hindi rin ito nalalayo sa hideout nila sa
Batangas."

"What's the plan of the police?" tanong ni Blake.

"Kung manggagaling pa mula hideout sa Bulacan ay tama lang ang oras na ibinigay ng
mga kriminal. Plano ng pulis na imbes na puntahan ang tinutukoy na lokasyon sa
Batangas, ay aabangan nila ang lahat ng posibleng daang tatahakin sa paglipat kay
Aldovar. At kung lalagyan man ng bomba ang bihag, tiyak na hindi pa ito ikakabit sa
oras ng biyahe lalo't kasama pa nila ito sa sasakyan," paliwanag ng imbestigador.

Napaisip si Alex. Hindi siya kumbinsidong itinatago ng mga kriminal si Aldovar sa


hideout sa Bulacan. Mas malakas ang kutob niyang nasa hideout ito sa Batangas.
Sinadya lamang ipadala ang mga mensahe mula sa Bulacan upang iligaw ang mga pulis.

Gusto niyang tumutol sa magiging diskarte ng mga awtoridad. Subalit imbes na


isaboses ang mga haka-haka mas pinili niyang manahimik.

"What can you say about it? Did you find some flaws? Any doubts?" biglang tanong sa
kanya ng mister.

Sumagot siya ng simpleng ngiti at umiling.


"That's rare. Usually, you're very opinionated when it comes to this kind of
things," taka ni Blake.

"Naiintindihan ko ang plano ng mga pulis. Sang-ayon din ako na ito na nga ang
paraan na may pinakamaliit na panganib para kay Inspector Aldovar," paliwanag niya.

Pagkatapos ng pakikipag-usap sa mga imbestigador ay pumasok na rin ng opisina si


Blake. Sinamantala naman ni Alex ang pagkakataon habang nasa eskwelahan pa ang
anak. Pinuntahan niya ang bodega at hinalukay lahat ng mga naitabi niyang gamit
pampulis. Maliban sa baril, pumili siya ng mga pwede niya pang gamitin. Inilagay
niya ang mga ito sa isang itim na backpack at itinago ang nasabing bag sa isa sa
mga bakanteng silid ng mansiyon.

Gumawa siya ng gamot na ilalagay niya sa mga karayom. Nakahanap din siya ng mga
mahahabang lubid ngunit medyo may karupukan na ang mga ito kaya wala siyang magawa
kundi umasang susundin siya ni Balatbat. Hinintay niya maghapon ang nasabing pulis
at sa kabutihang palad ay sumipot nga ito bago lumubog ang araw, bitbit ang
ibinilin niyang mga gamit.

"Ano hindi mo man lang ba ako pakakainin, pagkatapos ng paghihirap ko maghapon para
sayo? Wala man lang bang pakuwensulo?!" reklamo nito nang agad niya rin itong
pinaalis.

"Saka na. Huwag muna ngayon, babawi ako sa susunod. Pupunuin ko itong lamesa namin
para lang sayo!" salita niya habang itinutulak ito papalabas.

"Sinabi mo yan ha! Iti-text ko sayo ang mga pagkaing gusto ko!"

Pagkaalis ng pulis, tumungo si Alex sa silid kung saan niya itinago ang backpack.
Isa-isang nilagyan niya ng gamot ang mga karayom. Kinabitan ng kawit ang dulo ng
lubid at saka kampanteng lumabas ng kuwarto para asikasuhin naman ang anak.
Pagsapit ng dilim ay tinawagan siya ni Blake. Batid niyang gusto nitong tiyaking
nasa bahay lang siya. Kinausap pa nito ang anak upang kumustahin sila.

"Mom is teaching me my assignments right now," balita ni Cassandra sa ama. "Where


are you Dad pauwi na po ba kayo?"

Iniabot sa kanya ng bata ang telepono. " Mom, Daddy wants to talk to you again."

"Yes Hon?" masiglang tanong niya.

"Hindi ako makakauwi tonight."

"Ha? Bakit?" gulat na ika niya.

"May emergency problem sa city complex and I need to visit the place urgently."

Nanahimik siya ng ilang saglit. "G-Ganun ba?"

"Stay home at huwag na huwag kayong lalabas ni Cassandra nang walang kasamang
bodyguards," madiing paalala nito.

"Y-Yes hon."

"Bye. I love you."

"I-I love you too. Mag-iingat ka sa biyahe," napapalunok na wika niya.

Matamlay na ibinalik niya ang atensiyon sa anak pagkababa ng telepono. Maya't maya
niyang tinititigan ang bata habang pinapanood itong tahimik na nagbabasa at
nagsusulat. Hinaplos niya ito sa buhok.

"Cassie hindi uuwi ngayong gabi ang Daddy kaya maaga tayong matutulog ha?"

Tumango ang bata. "Tabihan niyo po ako ngayon Mommy tutal wala naman si
Daddy!"excited na pahayag nito.

"O-Okay..."

Matapos ang paggawa ng takdang aralin, pinatulog agad ni Alex ang anak. Maya't maya
siyang napapatingin sa orasan. Nang humimbing ang tulog ng bata ay marahan siyang
bumangon. Pumunta siya sa silid kung saan naroon ang mga itinagong gamit. Nagbihis
siya ng itim na leggings, purong itim na long sleeve turtle neck at itim na
sneakers. Ipinuyod niya ang mahabang buhok at nagsuot ng itim ding sumbrero.
Pinatungan niya ang pantaas ng itim na jacket saka sinukbit ang backpack.

Maingat siyang lumabas ng silid at walang ingay na naglakad sa pasilyo. Bumalik


siya sa kuwarto ng anak. Ilang saglit niyang pinagmasdan ang tulog na bata. Marahan
niyang hinaplos ang buhok nito at hinalikan sa noo.

"Babalik din agad si Mommy," bulong niya dito habang pinipigilang mangilid ang
kanyang mga luha.

May dalawang bahagi pa rin sa puso niya na nagtatalo. Subalit ganunpama'y hindi
niya kayang magsawalang kibo at manahimik lamang habang may isang buhay na nakataya
alang-alang sa kanya. Kapag wala siyang ginawa, hindi niya na makakayanang harapin
lahat ng mga kabaro niya at maging sarili niya sa salamin. Hindi siya patatahimikin
ng konsensiya. Kung nagawa niyang iligtas ang iba, bakit hindi ang taong
pinagkakautangan niya ng buhay ng anak?

Naupo siya sa gilid ng kama at muling hinagkan sa pisngi si Cassandra. "Pinili kong
pangalagaan ang sarili ko para sa inyo ng Daddy mo ngunit sana maintindihan niyo na
hindi ibig sabihin nito ay mabubuhay na ako sa karuwagan...Alam kong maghihintay
kayo kaya ipinapangako kong babalik ng ligtas at buo si Mommy," huling wika niya
bago tuluyang lisanin ang silid ng anak.

Chapter 36

******

Lumulusot si Alex sa bintana ng isang silid kung saan ang bagsak niya ay sa
likurang bahagi ng mansiyon. May tig-isang bantay sa magkabilaang kanto ng mataas
na pader ngunit dahil madilim ang bahagi ng bintanang lalabasan niya, hindi
namamalayan ng mga ito ang ginagawa niyang pagtakas. Mabilis niyang tinalon ang
halos may dalawampung talampakang taas. Walang kaingay-ingay ang paglapag niya sa
bakuran. Tumakbo siya patungo sa mayabong na halamanan at nagkubli doon.

Maingat siyang gumapang. Napalingon sa direksiyon niya ang isang bodyguard kung
kaya't agad siyang tumigil sa pagkilos. Pati halos paghinga ay pinigilan niya. Nang
lumingon sa ibang bahagi ng bakuran ang bantay saka siya mabilis na tumakbo patungo
sa isang puno malapit sa pader. Hindi niya basta-basta kayang akyatin at laktawan
ang bakod dahil bukod sa ubod ng taas nito ay may patusok pa itong mga grills sa
ibabaw.
Mabilisang inakyat niya ang mayabong na puno. Dahan-dahan niyang tinulay ang mga
sanga patungo sa bahaging kadikit ng pader. Maingat na maingat at animoy walang
timbang siyang gumalaw upang iwasang may yumugyog. Pagdating sa medyo dulo ng
sangang tinutulayan, lumundag siya ng mataas at saka tagumpay na nakatawid sa
bakod.

Paglapag niya ay agad siyang nagpalinga-linga. Tumaas ang isang sulok ng kanyang
bibig nang makita ang isang nakaabang na motorsiklo. Hindi niya ito inaasahan.
Sadyang di pa rin siya natiis ni Balatbat.

"Sino yan?!" dinig niyang sigaw ng mga bantay sa kabilang bakod nang nagkaroon ng
di maiwasang pagpagaspas ng mga dahon dulot ng mapuwersang pagtalon niya.

Nagmadali siyang sumakay sa motor na may nakabaon ng susi. Isunuot niya ang helmet
na nakasabit dito at saka paharurot itong pinatakbo. Tinahak niya ang mga alam
niyang shortcut na daan. Bagamat halos paliparin niya na ang motor ngunit agad din
naman siyang nagmimenor kapag alam niyang may mga traffic enforcer.
Nakikipaghabulan siya sa oras kaya iniwasan niya rin ang anumang sitwasyon na
magdudulot ng pagkaantala.

Sa loob ng dalawang oras, nakarating siya ng San Juan, Batangas. Panandalian niyang
itinabi ang motorsiklo at kinuha sa backpack ang isang mapa. Pinag-aralan niya ang
eksaktong lokasyon ng hideout ng mga kidnappers. Nang masaulo ang daan saka niya
muling pinaandar ang motor.

Tumigil siya sa isang madilim na lugar na may layong mga isang kilometro mula sa
pinagkukutaan ng mga kriminal. Ipinarada niya sa tabi ng isang puno ang motorsiklo
at maingat na lamang na binaybay ang daan patungong hideout. Palinga-linga siya sa
paligid. Naaamoy niya ang simoy ng hanging nagmumula sa dagat at nadidinig na din
ng sensitibo niyang mga tenga pati mga alon. Pailan-ilang resorts na rin ang
kanyang nadaanan. Maaring buhay na buhay sa mga baybayin subalit tahimik lamang ang
kahabaan ng kalsada. May kadiliman. Bibihira ang mga bahay. Mga puno ng niyog at
saging ang marami dito.

Natanaw niya ang kuta ngunit hindi agad siya lumapit. Mistula itong pribadong
resort. Matataas ang pader at may mga nakaikot na alambre sa ibabaw. May nakasulat
na 'warning w/ electricity'.

Hinubad niya ang jacket at backpack. Nagsuot siya ng climbing belt at inakyat ang
isang puno ng niyog bitbit ang teleskopyo. Huminto siya sa kalagitnaan at sinurvey
ang buong lugar. May laki itong halos isa't kalahating hektarya. Pati bahaging
nakaharap sa dagat ay nababakuran din ng mataas na pader. May malaking up and down
na bahay sa gitna. May tatlong nipa hut sa bawat side ng pader maliban sa kanang
bahagi na bukod sa mga kubo ay may nakatayong isang may munting sementadong bahay
ngunit gawa sa pawid ang bubong. Matatagpuan ito sa unahang sulok malapit sa
bukana.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang sumisilip sa teleskopyo. Pinag-iisipang


mabuti kung saan pwedeng itago si Aldovar. Mas malamang na itatago ito sa malaking
bahay dahil iyon ang mas higit na mahirap pasukin. Ngunit pwede ring nasa maliit
itong bahay at ang lider ang nasa malaking bahay para sa proteksiyon ng pinuno. Ang
mga ganitong lider na nanghahamon ng babae at tinataya ang kapakanan ng buong
samahan para lamang sa paghihiganti ay tiyak na may itinitagong karuwagan o
pagkamakasarili. Mas inuuna nito ang pansariling proteksiyon at ipinapanangga ang
mga tauhan.
Nadagdagan ang hinala niyang nasa maliit na bahay ang bihag nang may naglakad
patungo rito na isang tauhang bitbit ang isang tray ng pagkain. Itinutok niya sa
tray ang teleskopyo at itinodo niya ang pagkaka-zoom. Tanging kanin at tubig ang
laman nito.

Iginala niyang muli ang mga paningin. Sa bawat nipa hut ay may mga nakabantay na
tatlong armadong mga kalalakihan. Nasa dalawampung metro ang pagitan ng bawat kubo
at may mangilan-ngilang nakahanay na puno sa distansiyang iyon. Naghanap siya ng
ligtas na parte ng bakuran na pwede niyang pasukin. Nakakita siya sa kaliwang
banda. Medyo nasa gitnang bahagi ito at may kadiliman.

May dumating na isang maliit na trak at pumarada ito sa tapat ng payak na bahay.
Lumakas ang kutob niyang naghahanda na ang mga kriminal sa paglipat sa inspektor.
Nagmadali siyang bumaba. Hinubad niya ang climbing belt at ibinalik ito sa backpack
kasama ang teleskopyo. Dinala niya ang bag ngunit iniwan na ang jacket.

Hindi uubra ang dala niyang lubid para pasukin ang di kuryenteng bakod. Nag-isip
siya ng ibang paraan. Hanggang sa nakakita siya ng isang kawayan na pinagkakabitan
ng maliit na signage ng isang resort. Lampas tao ang taas nito ngunit may
kapayatan. Hinawakan niya ito at sinubukang baluktutin. Nang makasiguradong
matibay, binunot niya ito sa pagkakabaon sa lupa at tinanggal ang nakakabit na
karatula.

Bitbit ang kawayan, maingat at palinga-linga siyang lumapit sa papasuking bahagi ng


pader. Dumistansiya siya ng mga sampung metro para bumuwelo. Tumakbo siya
papalapit sa pader sabay tusok sa lupa ng kawayan. Sumabay siya sa paliyad na pag-
arko nito saka bumitiw at tumalon ng mataas. Tumambling siya ng dalawang ikot sa
ere at tagumpay na nakatawid sa bakod.

Tahimik ang paglapag niya. Nagtago agad siya sa isang puno at saka dahan-dahang
gumapang habang maya't mayang nagkukubli sa mga halaman. Nang makapuwesto siya sa
puno malapit sa kubong dadaanan patungong maliit na bahay, maingat niyang inilabas
ang sumpit. Tinantiya niya ang layo at posisyon ng tatlong bantay saka niya hinipan
ang sumpit.

"Huh?" Napahawak ang isang lalaki sa kanyang batok nang maramdaman ang karayom na
bumaon dito.

Napalinga ang dalawang kasamahan ngunit may magkasunod ding dumapong maliliit na
kirot sa kani-kanilang leeg. Naalarma ang mga ito. Ipinorma agad nito ang mga
baril ngunit bago pa man makakasa ay isa-isa na itong nagbagsakan.

Nang matiyak na nakatulog na ang tatlong kalalakihan, maingat na lumapit sa kubo si


Alex. Dumampot siya ng baril at isiniksik ito sa kanyang tagiliran. Dadaan siya sa
bandang gate at may isang nakabantay doon ngunit nakatalikod sa direksiyon niya.
Walang paligoy-ligoy na tinakbo niya ito at pinilipit ang leeg sa loob lamang isang
iglap. Diretso siya sa pagtakbo upang samantalahing walang mga matang nakatingin at
di na nilingon pa ang bantay na batid niyang nawalan na ng malay.

Nagtago siya sa harap ng trak na nakaparada sa tapat ng maliit na bahay. Sumuot


siya sa ilalim nito at maingat na gumapang. Pagtapat niya sa pinto ay nakakita siya
ng tatlong pares ng mga paa at dulo ng isang armalite. Wala sa mga paang iyon ang
nabibilang sa inspektor. Lumusot siya sa kabilang dulo ng sasakyan at gumulong
patungo sa gilid ng bahay na natatakpan ng isang makapal na halaman. Walang bintana
ang bahay at wala siyang pwedeng pagsilipan maliban sa awang na namamagitan sa
dingding at bubong.

"Sa tingin mo pare susulpot kaya ang babaeng iyon?"


"Ang katapangan niya ang maghahatid sa kanya kay kamatayan."

"Pare balita ko sobrang yaman ng pamilya nun. Sa tingin mo hahayaan yung lumusob
mag-isa sa lokasyon nang hindi gagamitin ang pera nila? Baka naman bata-batalyong
mga pulis ang bumulaga sa atin doon?"

"May mga nakatanim na bomba doon. Kapag nagkamali siyang magbibit ng mga pulis.
Sasabog ang lalaking ito kasama ng mga hambog na kabaro niya."

Napangisi si Alex sa narinig. Dahi dito'y nakumpirma niyang nasa loob nga si
Inspektor Aldovar. Inilabas niya ang lubid sa bag at maingat itong ikinawit sa taas
ng dingding. Walang ingay siyang kumunyapit dito at inakyat ang dingding. Sumilip
siya sa awang at naroroon nga sa isang gilid si Aldovar. Nakaupo ito sa lapag
habang nakatali ang mga kamay at paa. Katabi nito ang tray ng pagkain. May matalim
na bagay na bumaon sa dibdib niya habang nakatingin sa nakakaawang kalagayan ng
binata. Humigpit ang pagkakakapit siya sa dingding at unti-unting nangalit ang
kanyang mga panga.

May apat na miyembro sa loob. Tatlong naguusap-usap sa tapat ng pintuan at isang


nakatayo sa tabi ni Aldovar.

Kinapa ni Alex ang kanyang sumpit at sunud-sunod na pinatamaan ang bawat leeg ng
tatlong nag-uusap.

"Ano yun? Ang lakas ng kagat ng lamok ah!"

"K-Karayom pare!"

Tumalon si Alex at kasabay ng paglapag niya ay ang narinig niyang pagbulagta ng


katawan ng mga lalaki.

"Anong nangyayari sa inyo?!" dinig niyang sigaw ng isang nagbabantay malapit sa


bihag.

Iniwan niya ang sukbit na bag at binunot ang baril sa kanyang tagiliran. Walang
pagdadalawang-isip na pinasok niya ang bahay. Naabutan niyang inuusisa ng lalaki
ang tatlong kasamahan. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya. Agad niya
itong tinutukan ng baril.

"Suprise!" ngingisi-ngising wika niya sabay binigyan niya ito ng dalawang


magkasunod na sipa sa panga.

Bumagsak ang ulo nito sa sahig at agad na nawalan ng malay. Dali-dali niyang
nilapitan si Brandon na noon ay tila di makapaniwala sa nakikita.

"M-M-Ma'am A-Alex..."

Nanunuyo ang mga labi ng lalaki at bakas sa mukha ang panghihina nito. Dinampot
niya ang baso sa tabi at pinainom muna ito ng tubig saka niya kinalas ang tali nito
sa kamay.

"Okay ka lang ba? Meron ka bang major injury?" nag-aalalang tanong niya.

"I'm fine. I can still handle a fight," diretsong sagot ni Brandon. "Sinong mga
kasama niyo?"
"Mag-isa lang ako."

Napatanga ang binata.

"Bilisan mo. Baka makatunog na ang grupo," pahayag ni Alex.

Nagmamadaling tinanggal ni Brandon ang mga tali niya sa paa. Dali-dali siyang
tumayo at kumuha ng armas mula sa mga nakatulog na mga kriminal. Inakay siya ng
babae papalabas at nagmamadali silang tumakbo patungong gate.

"SAAN KAYO PUPUNTA?!"

Natigilan sila sa pagtakbo nang matanaw ang grupo ng mga armadong kalalakihan.
Papalapit ang mga ito sa kanila habang nakatutok ang mga baril. Pinalibutan sila ng
mga ito.

"IBABA NIYO YUNG BARIL NIYO!"

Napapalunok na nagkatinginan sina Alex at Brandon. Hanggang sa magkasabay nilang


binaba ng dahan-dahan ang mga armas. Humakbang sila papalapit sa isa't isa at
magkadikit na nagtalikuran habang pinapaikutan ng mga kalaban.

"Matapang ka lang pero kulang ka sa utak! Akala mo walang CCTV itong compound?"
ngingisi-ngising komento kay Alex ng isa sa mga kalaban. "Ibalik niyo ang bihag sa
hawla niya at dalhin niyo kay boss itong babae!"
May tigdadalawang lalaking lumapit sa kanila at pinagtig-isahan ang braso nila.
Patulak sila nitong pinaglakad habang ang iba'y nanatiling nakatutok sa kanila ang
mga baril. Pasimpleng binibigyan nila ng makahulugang tingin ang isa't isa.
Nagsenyasan ang kanilang mga mata tungkol sa na balak na pang-aagaw ng baril.
Ngunit bago pa man nila maisagawa ang balak biglang may naganap na sunud-sunod na
pagputok.

Panandaliang nagulat sina Alex at Brandon nang sabay-sabay na duguang bumagsak ang
mga lalaking tumututok ng baril sa kanila. Subalit agad din naman silang natauhan.
Mabilis nilang inagawan ng armas ang isa sa mga nakahawak sa braso nila.
Pinaputukan ni Alex ang mga bantay ni Brandon at ganun din ang binata sa mga bantay
ng babae.

Hindi tumigil ang pagputok. Nagpagulong gulong ang dalawa at magkasabay na namaril
sa mga pailan-ilang nakikitang tumatakbong kalaban. Tumigil sila nang marating ang
trak. Sumandal sila sa gulong at magkatabing kumubli. Pareho nilang hinanap ang
pinanggalingan ng mga pamamaril. Natanaw nila ang mga nakaitim na nasa tuktok ng
puno ng matatayog na niyog.

"Snipers...I guess our rescue team is here," napapangiting wika ni Brandon.

Napanganga si Alex.

"You don't know about it?" taka ng binata.

Umiling ang babae.

Natigilan sila nang biglang may mga lumipad na mga tali at tumusok sa bubong ng
malaking bahay. Mula sa mga puno ng niyog ay magkakasunod na may pumadausdos dito
papasok sa compound habang panaka-naka pa ring bumabaril. Ilang sandali pa ay
biglang may naganap na pagsabog sa gate. Nawasak ang gate at ng bahagyang humupa
ang usok at apoy, sunod-sunod na pumasok ang mga nakacamouflage na awtoridad.
Mas lalong nagulat si Alex.

"Stay here. Ako na ang bahala sa lider nila. I know his face," sabi ng inspektor.

Tumakbo si Brandon sa loob ng malaking bahay. Hinanap niya ang pinuno ngunit pawang
mga kakampi na lamang ang naroroon. Wala rin ito sa mga natiklong kriminal. Mula sa
veranda natanaw niya ang tatlong kalalakihang tumatakbo sa baybayin. Isa ang lider
sa mga tumatakas. Tinalon niya ang veranda at mabilis siyang dumaan sa maliit na
labasan sa likurang pader.

Hinabol niya ang mga kriminal ngunit nang mapagtantong nakasunod siya ay panaka-
naka siyang pinapaputukan ng mga ito. Nagsipagtilian at nagtakbuhan ang mga nasa
tabing dagat. Bagamat gabi na'y puno pa rin ng ilaw ang kahabaan ng baybayin at
marami pa ring nagsisipagliguang mga bakasyonista. Hindi niya magawang gumanti ng
putok dahil may mga sibilyan ngunit hindi siya tumigil sa paghabol. Nang mawala ang
mga tao sa paligid ay saka siya bumaril. Nagpaputok siya ng dalawang sunod at
magkasunod ring bumagsak ang dalawang kasama ng lider. Walang mintis na natamaan
niya ang mga ito sa katawan.

Sinadya niyang itira ang lider. Pahihirapan niya muna ito kagaya ng pagpapahirap na
ginawa nito sa kanya. Aasintahin niya na sana ang kamay nitong may hawak na baril
ngunit bigla nitong hinaltak ang isang bagong ahon sa dagat na babae at tinutukan
ng baril sa ulo. Tumili ang walang kamalay-malay na sibilyan.

"Pag di ka tumigil sa paghabol, pasasabugin ko ang utak nito!" banta ng lider.

Ngumisi siya. "Sumuko ka na lang dahil wala ka nang matatakbuhan. The police are
everywhere."

"Huwag mo akong diktahan!"

Humakbang siya ng isa subalit kinalabit ng kalaban ang gatilyo. Saka lamang siya
natigilan at naalarma.

"IBABA MO YANG BARIL MO!" utos nito.


Ilang saglit siyang nag-isip. Batid niyang kapag ibinaba niya ang baril ay tiyak na
babarilin din siya ng lalaki.

"Isa!" nag-umpisa itong magbilang.

Wala siyang ibang pagpipilian kundi bitawan ang armas. Idadaan niya na lamang sa
bilis at sapalaran ang pag-iwas sa baril ng kalaban. Dahan-dahan niyang inilapag sa
buhangin ang baril nang hindi inaalis ang tingin sa lider.

"Bitawan mo ang babaeng yan! Ako ang kailangan mo di ba?!"

Ngingisi-ngising lumapit si Alex. Agad na humulma ang galit sa mukha ng pinuno ng


sindikato pagkakita sa babae.

"Alam mo, hindi ko matiis na hindi ka makaharap ngayon. Gusto kong makita ng
personal ang taong nagbigay sa akin ng rason para pansamantala kong talikuran ang
aking asawa't anak. Kaya heto na ang mayabang na babaeng hinahamon mo." Tinapon ni
Alex ang hawak na baril at matapang na nakipagtitigan sa lider. "Binibigyan kita ng
pagkakataong ipaghiganti ang kapwa kriminal mong kapatid. Bitawan mo ang baril mo
at one on one tayo. Walang makikialam hanggang sa may bumagsak isa man sa atin."

Pinakawalan ng lider ang hostage ngunit agad namang itinutok nito ang baril kay
Alex. Alertong dinampot ulit ni Brandon ang bibitawan na sanang armas at tinutukan
din ang kalaban habang nasa gitna nila si Alex.
Tiningnan ni Alex ang inspektor at sinenyasan itong iwan sila. Ayaw pumayag ni
Brandon subalit binigyan siya ng matatapang na tingin ng babae na tila
nakakasiguradong kayang-kaya nito ang kalaban. Napilitan siyang umatras at lumayo.

Mabilisang sinuri ni Alex mula ulo hanggang paa ang kalaban. Wala pang singkuwenta
ang edad. Katamtaman lamang ang taas at hindi rin gaanong kalakihan ang katawan.
Tiningnan niya ang dulo ng baril na nanatiling nakatutok sa kanya.

"Tayong dalawa na lang ang naririto. Ikaw ang nanghamon di ba? Nakakahiya naman
siguro kung pati babae ay kaduduwagan mo pa," nakangising pang-uudyok niya. "Eto na
ang chance para pahirapan mo ako."

Nanginginig ang kamay sa panggigigil na itinapon ng lalaki ang baril sa buhanginan.


"MAMATAY KA SA BUGBOG KO!!!"

Galit na galit itong sumugod kay Alex ngunit bago ito makapagpakawala ng suntok,
biglang may pumutok.

Duguan ang hita ng lalaki at napasubsob ito sa buhangin. Nanlaki ang mga mata ni
Alex nang tumambad mula sa likuran ng lider si Blake bitbit ang isang kwarenta y
singko.

"Not my wife!" gigil na sigaw nito sa lider habang inaapaka't tinututukan ng baril.

"H-Hon..." di makapaniwalang sambit ni Alex. Nakanganga lamang siya habang


naguguluhan sa biglang pagsulpot ng asawa.

Ilang saglit pa ay lumapit naman si James. Kinuha nito ang baril kay Blake at
tinapik ito sa balikat. "I didn't know you can shoot well," ngingiti-ngiting
komento nito at pagkuway pinosasan ang sugatang kriminal.

Lumapit din si Inspektor Aldovar at tinulungan ang hepe sa pagbubuhat ng lider ng


sindikato.

Samantala, unti-unting umaapaw ang kaba sa dibdib ni Alex lalo na nang lumapit sa
kanya si Blake nang may seryosong mukha. Hindi niya alam kung papaano uumpisahang
magpaliwanag.

"H-Hon... A-Anong ginagawa mo dito?" natutulalang sambit niya na lamang.

"Sinusundo ka na. Hindi ka pwedeng magtagal dito baka hanapin ka na ng anak mo,"
kaswal na sagot nito sabay inikot siya at sinuri. "Are you hurt?"

Maamo siyang umiling.

"Except for that crazy leader, meron bang nagtangkang magbuhat ng kamay sayo? Tell
me, I will make them suffer in jail for a lifetime."
Sumagot ulit siya ng kiming iling.

"Sigurado ka?"

Maamo ulit siyang tumango.

Hinawakan ni Blake ang kanyang palad at niyakag siya paalis. "Let's go home."

Dinaanan na lamang ng sasakyan nila ang kuta ng mga kriminal. Hindi pa tapos ang
operasyon. Maingay at nagkakagulo pa rin ang paligid habang isinasakay ang mga
nahuling kriminal. May mga nakaparadang ambulansiya, military tracks at patrol
cars. Walang magawang pinanood na lamang ito ni Alex mula sa bintana ng kotse.
Inaasam-asam niya na sana ay naroon pa rin siya at tumutulong sa mga awtoridad.
Puno ng panghihinayang na bumuntong-hininga siya.

"What's with the sigh?" tanong ni Blake.

Nagulat si Alex at agad siyang umayos ng upo. "Wala..m-medyo nakahinga lang kasi
ako nang maluwag ngayong ligtas na si Inspector Aldovar."

Nakita niya ang kanyang ipinaradang motor. "Huh?! Yung motor-"

"The police will bring it back," diretsong sabi ni Blake.

Muling nanahimik si Alex. Hinihintay niyang pagalitan siya ng asawa ngunit


nakakatakbo na sila nang malayo'y wala pa rin itong binibitawang salita.

"H-Hon... paano mo nalamang andidito ako?" kusa niya na.

"It's our plan B," walang pag-aalinlangang wika ng mister habang nakatingin ito sa
daan.

"P-Plan B?" napakunot siya ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"

"It's having no other choice but to attack by trusting and using your moves and
abilities."

"Ibig mong sabihin nakaplano ang lahat?" salubong ang mga kilay na tugon niya.

"Everything."

Muling sumagi sa isip niya ang motorsiklo. "P-Pati si Balatbat?" di makapaniwalang


wika niya.

"Yes. The stuff he brought you has tracking devices."

"Ano?!" Di mapigilang bulalas niya nang may nagrereklamong tono. "Pinaniwala niyo
akong sa Bulacan lulusob para isipin kong mag-isa lang ako dito?!"

"Yes."

"Bakit ka nakipagsabwatan?!"

Istriktong tumingin sa kanya si Blake. "Tell me honestly. On the night you learn
the truth about Inspector Aldovar, right there and then you already had a plan to
save him, right?"

Bigla siyang napipi. Napalunok siya't patay malisyang tumingin sa ibang direksiyon.

"Kapag pinigilan kita sa plano mo, magpapaawat ka ba?" dagdag pa ng asawa.

Hindi ulit siya nakaimik.

"It was actually James who convinced me to agree on this plan. Sa tingin ko, ito
rin yung pinakamagandang paraan para maprotektahan ka at mailigtas si Inspector
Aldovar... Now, tell me if why are you raising your voice on me? Shouldn't it be
the other way around?"

Maamong binigyan niya ng ngiti ang mister. "H-Hindi ko naman sinasadyang magtaas ng
boses honey. Nagulat lang ako..." may lambing na paliwanag niya. "Ang totoo ay
masaya ako na tanggap at naiintindihan mo pa rin ang pagkatao ko."

Tumango si Blake sabay itinabi at inihinto ang kotse. Nilingon niya ang misis at
kunway matigas ang mukhang tinitigan ito. "But mind you Mrs. Alexandra Monteverde.
This is the last! Next time, I will never ever ever tolerate such death defying
actions anymore!"

Pinigilan ni Alex ang matawa at tila batang sumagot ng sunud-sunod na tango. Sabi
lang ito ng asawa pero alam niyang kahit ano pa man ang dumating hindi rin siya
nito magagawang tiisin at pabayaan.
"Pangako sa susunod ay mag-iingat na ako sa mga magiging desisyon ko upang hindi na
ulit malagay sa ganitong sitwasyon...para sayo at para sa anak natin."

Binigyan niya ng isang mahigpit na yakap ang mister. "Salamat... I love you honey."

Niyakap din siya ni Blake at hinalikan sa noo. "Kailangan ko pa bang sagutin yan?"
bulong nito.

Nginusuan niya ang nagbibirong asawa. "Tara na. Kailangan nasa bahay na tayo bago
pa man magising ang anak mo," masiglang aya niya.

"Daan muna tayo ng hospital," maiksing tugon ng lalaki.

"O-Okay." Pinagbigyan niya ang gusto nito kahit wala naman siyang anumang
nararamdamang sakit sa katawan.

"Hon, oo nga pala. Hindi ko akalain na asintado ka rin palang bumaril ha," biglang
ungkat niya.

"Thanks to your grandpa. Nakalimutan mo na bang pansamantalang nabunton sa akin ng


lolo mo ang mga frustrations niya kay Dennis? Tapos ikaw naman you quit your job,
got married and had a baby. Ako ang sumalo ng mga dati mong ginagawa para sa kanya.
You didn't know that?"

"Ahh ganun ba.." napapatangong bigkas niya. "Hindi ko masyadong napapansin. Siguro
kasi masyado akong busy ng mga panahong iyon sa pag-aalaga kay Cassie."

Chapter 37

[37] Of Love And Other Reasons (1)

****

Dumalaw si Blake kay Brandon sa hospital. Mula sa na-raid na kuta ng sindikato,


idiniretso ang nasabing inspektor sa pagamutan upang suriin kung may natamo itong
mga pinsala sa katawan mula sa ilang araw na pagkakabihag. Nagpapalakas ito kasabay
ng paghihintay ng mga resulta ng iba't ibang eksaminasyon isinagawa ng mga doktor.

"How's your condition now?" tanong ni Blake habang nakaupo sa tabi ng hinihigan ng
pulis.
Inangat ni Brandon ang higaan upang maupo't umayos ng sandal. "I'm okay except for
being a bit dehydrated. Still waiting for other test pero palagay ko maayos naman
ang lahat sapagkat wala naman akong nararamdamang kakaiba sa anumang parte ng
katawan ko. How about Ma'am Alex? Kumusta ang kondisyon niya?"

"She's fine. Idiniretso ko rin siya sa hospital. Nothing serious maliban sa


kaunting mga pasa't sugat."

Nakahinga ng maluwag ang binatang inspektor sabay nahihiyang ngumiti sa kausap.


"Mabuti naman kung ganun.... Maraming salamat Mr. Monteverde sa mga naitulong niyo.
Pasensiya na rin kayo kung nalagay sa panganib ang asawa niyo nang dahil sa akin."

Ngumiti ng tipid si Blake at umiling. "Wala kang dapat ihingi ng pasensiya dahil
hindi mo naman ginusto ang nangyari. Knowing my wife, hinding-hindi niya kayang
abandonahin ang taong pinagkakautangan niya ng loob." Bumuntong-hininga siya't
unti-unting nagseryoso. "She's on her way now to visit you but I decided to come
here first because I needed to discuss something with you...."

Dahan-dahan ring nagseryoso ang maaliwalas na mukha ni Brandon.

"....Gusto kitang kausapin tungkol kay Isabelle."

"Go ahead. Don't hesitate to tell me what's on your mind. Ang totoo'y matagal ko
nang hinihintay na kausapin mo ako tungkol sa kanya," walang pag-aatubiling pahayag
ng pulis.

Tumikhim si Blake. Ilang saglit muna siya nag-isip ng tamang salitang gagamitin.
"Uhm... I don't know if you heard about it... I-Inamin na ni Ms. Chan na hindi ako
ang ama ng pinagbubuntis niya..."

Nanahimik siya ng ilang segundo sabay bigay ng makahulugang tingin sa kausap.


"... at ako ang tunay na ama ng bata," kusang dugtong ng inspektor.

Napalunok si Blake at saka dahan-dahang tumango. Idinaan naman sa ngisi ni Brandon


ang bahagyang pagkabigla. Noon din lamang nakarating sa kanya ang balita. Natatawa
siya habang mahigpit na napapakuyom ng mga kamay.

"Well, it wasn't a big blow anymore. Sa umpisa pa lang ay malakas na ang paniniwala
kong ako ang ama ng bata and there was no way that it was yours," ngingiti-ngiting
pahayag ng inspektor sabay tingin ng seryoso sa chairman ng Golden Pacific. "Now
that she finally admitted it, sisiguraduhin kong hindi na ulit magugulo ang pamilya
niyo.... And I apologize for my incapacity to control my woman."

Binigyan ng tipid na ngiti ni Blake ang kausap. "She actually begged Alex to save
you... I know that inspite of all those turmoils, the two of you are still
emotionally conn

Umiwas ng tingin si Brandon at tiim bagang tumitig sa dingding.

"... Gusto kitang kausapin ngayon....upang ipaalam sayo na ididemanda ko si Ms.


Chan laban sa mga panggugulong ginawa niya sa amin ng asawa ko. I know I should
take you into consideration... but I hope you understand that a mistake is a
mistake."

Biglang natigilan ang binatang inspektor. Napatingin ito kay Blake. Ilang saglit na
nanahimik at pansamantalang nag-isip hanggang sa unti-unti itong ngumiti ng mapait.

"Wala akong magagawa kung yan ang desisyon niyo Mr. Monteverde. Naiintindihan ko na
karapatan mong ipagtanggol ang katahimikan ng pamilya mo... Isabelle commited an
unforgivable mistake kaya nararapat lang na harapin niya ang kaparusahan ng ginawa
niyang kasalanan."

Binigyan ng tipid na ngiti ni Blake ang kausap na bagamat tanggap ang sinabi niya
ay bakas pa rin sa mukha na nasasaktan ito.

"Thank you for telling me first," taos pusong sambit ng binata sa kabila ng pilit
na mga ngiti.

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang may kumatok. Nagbukas ang pintuan at agad na
bumungad ang maaliwalas na mukha ni Cassandra bitbit ang isang bungkos ng makukulay
na mga bulaklak. Kasunod naman ng bata ay ang nakangiting si Alex. Umayos ang
dalawang lalaki at mabilis na binago ang mood ng kwarto na animoy walang naganap na
seryosong pag-uusap. Sinalubong ng mga ito ng masiglang ngiti ang dalawang bagong
dating.

"Daddy!" Ang ama agad ang pinagtuunan ng bata ng atensiyon. "Whoah you won't
believe this. Mom is like a superstar again! People were looking at her, asking for
autographs, taking pictures with her and calling her hero and all!" di
magkadaugaga't namimilog ang mga matang balita nito.

"You know why we're a bit late.... because they're consuming Mom's time. Mom
couldn't say no to them!" dagdag pa nito na kunway nagrereklamo nguniy bakas naman
sa tonong ipinagmamalaki ang kanyang nanay.

Natatawang tumango lamang si Blake.

"Huh? You're not upset anymore na pinagkakaguluhan si Mommy. Hindi po ba ayaw niyo
ng iniistorbo nila yung privacy natin?" takang komento ng bata.

"I can't blame them if they admire your mom because she is really an adorable
person," pahayag ni Blake sabay bigay ng kiming ngiti sa tahimik at bahagyan
nahihiyang misis. "But I know everything will be temporary, magsu-subside din yan
pagtagal-tagal. It's still hot now since the news is still fresh."

Kunot noong tumingin si Cassandra sa ina. "What did you do this time Mommy?"

"She saved me from bunches of bad guys," nakangiting sabat ni Brandon.

Natigilan ang bata at saka lamang napagtantong nagpunta sila doon upang bisitahin
ang inspektor. Tumingin ito sa pulis at iniugoy ang katawan saka ngumuso't
tinitigan ang mga dalang bulaklak habang nag-iisip kung ano ba ang dapat gawin sa
mga ito.

"Enough with being talkative Cassie. We're here to visit inspector," paalala ni
Alex.
ni Alex.

Lumapit sa Cassandra sa pulis at nahihiyang iniabot ang mga bulaklak. "For you...
G-Get well soon," sabay iwas nito ng tingin nang may bahagyang lumalaking mga butas
sa ilong.

"Thank you. Are we totally friends now?" ngingiti-ngiting tanong ni Brandon habang
tinatanggap ang mga bulaklak. Ipinatong niya ito sa side table. "Me and your Dad
are okay now, does it mean na okay na rin tayo?"

"Hmmmm," nakangiwing sambit ng bata sabay ikot ng bilog ng mga mata at pagkuway
papalit-palit na tiningnan ang ama at ang inspektor. Unti-unti itong ngumiti ng
malaki.
"I can clearly see that my Daddy is still way more handsome than you. Now that I
really confirmed it okay na po sa akin na maging close tayo or maging friend kayo
ni Mommy."

Tumawa ng malakas si Brandon sabay tingin kay Blake. "She's definitely your
daughter!"

Kumibit ng mga balikat ang tatay. "Honesty is one of her best traits."

Unti-unting nagseryoso ng mukha si Cassandra. Umakyat ito sa higaan at


komportableng umupo sa tabi ni Brandon. May pag-aalalang tinitigan nito ang mukha
ng lalaki.

"Are you still hurt?" mabait na wika nito sabay haplos sa pisngi ng binata. "Sa
totoo lang po... hindi naman talaga ako galit sa inyo. In fact, I know I owe you a
lot for saving me from bad guys that's why Mommy saved you too from them. And when
I grow up, I'll return the favor by protecting other people. Gusto ko rin pong
maging katulad niyo ni Mommy paglaki."

Magre-react sana si Alex ngunit sinenyasan ito ng mister na hayaan lamang ang anak
na magsalita.

"You're really a sweet little girl. You just made me feel much better and stronger
now. Your Mom and Dad are very lucky to have a daughter like you," natutuwang
sambit ni Brandon.

"Don't worry you'll have one too and I'm sure you'll be a great Dad too. You can
find a good wife like my Mom too!" Matamis na ngumiti ang bata sabay nagpapakyut na
kumurap nang paulit-ulit. "Now that we're friends for real, pwede niyo po bang
ikuwento kung papaano kayo niligtas ni Mommy? Did she jump again from a very high
building? Did she punched the bad guys? Shoot them and rolled over to the ground?!"
puno ng excitement na sunod-sunod nitong mga tanong.

"Cassandra Marlene!" di nakatiis ng saway ni Alex.

Pansamantalang itinikom ni Cassandra ang bibig. Pagkuway lumapit ito sa tenga ng


kausap at bumulong. "See. Everything is a secret for her. Mom won't do it for me,
so can you teach me instead Uncle Inspector?"

Napakunot ng noo si Brandon. "Teach you about what?"

"To fight! And to do all those stunts!" nakamulagat at biglang siglang sagot ng
bata.

Tumayo na si Alex at binuhat ang anak mula sa pagkakatabi kay Brandon. "Tama na yan
Cassie."
ee349c3">

"It's okay Ma'am Alex."

"Naku kung pagbibigyan mo ang kadaldalan nito, hindi ito mauubusan ng mga tanong at
sasabihin. Baka imbes na makapagpahinga ka ay maistress ka lang sa paghahanap ng
isasagot," katwiran ni Alex.

Si Blake na ang kusang nagpaliwanag sa naging reaksiyon ng asawa. "My wife is


allergic talking about her aggressive side in front of the kid." Nilingon niya ang
misis. "But hon, what's the use of avoiding it now. Your daughter even witnessed it
with her own eyes."

Naupo si Alex at kinandong ang anak. Pasimpleng tinakpan niya ng kamay ang mga
tenga nito. "Hindi pa rin dahilan yun para kunsintihin ko siya. Naniniwala akong
may iba pa rin siyang mga bagay na pwedeng makahiligan," depensa niya.

Tumingin si Blake kay Brandon. "A mother will always be a mother," kibit balikat
niyang komento.

Bahagyang natawa ang binatang pulis at sumagot na rin lamang ng pagkibit ng mga
balikat. Di na ito dumugtong pa't medyo magkasalubong ang mga kilay ni Alex.

"Bawal ang mangunsinti," babala ng babae.

"Yes Ma'am," sumasaludo pang sagot ng binata.

Saka lamang tinanggal ni Alex ang mga kamay sa tenga ng anak. Mabilis na umalis sa
pagkakandong niya ang bata. Tumakbo ito at muling umakyat sa higaan ng inspektor.

"Cassie! Stop being makulit!" saway niya.

"But mom..." nakasimangot na sambit ng bata. "Hindi ko po kinukulit si Uncle


Inspector. Didn't you hear what he said earlier. He felt better and stronger kaya
kakausapin ko siya ng kakausapin para gumaling agad siya," pangangatwiran pa nito.

Lalapitan ulit sana ni Alex ang anak ngunit dahan-dahang nagbukas ang pintuan.
Bumungad dito si Isabelle. Natigilan ang lahat maliban kay Cassandra.

Namilog ang mga mata ng batang babae nang makita kung sino ang bisitang dumating.
"Huh? Isn't she your crazy business partner Dad? The one who gave Mom problems!"
walang kagatol-gatol na wika nito habang tinuturo ang babae.

Nagkatinginan ang mag-asawa samantalang nakatiim bagang sinalubong lamang ng


malalim na buntong-hininga ni Brandon ang bisita.
"We'll go ahead. I'll find time to visit again in case you won't be out any
sooner," pahayag ni Blake.

Ibinaba ni Alex si Cassandra sa higaan. "Tara na anak."

"What's with the rush? I'm still enjoying your daughter's company," pahayag ni
Brandon na tila binabalewala ang bisitang tahimik na nakatayo lamang sa pintuan.

"Sige na... next time na lang ulit kayo magkulitan ni Cassie," wika ni Alex na
batid na dapat nilang bigyan ng pribadong oras ang dalawa para makapag-usap.

Kinarga ni Blake ang bata. "Let's go sweetie."

8f2bc73">

"Put me down Daddy. I want to say something first to Uncle Inspector. Mabilis lang
po ito."

Pinagbigyan si Cassandra ng ama. Nagmadali siyang lumapit at muling bumulong sa


tenga ng binata. "She's a bad woman. If she gives you trouble just tell me."

Natatawang tumango si Brandon. "Yeah I will," sabay ginusot nito ang buhok ng
maliit na kausap.

"Bye Uncle Inspector! Get well soon!" masayang kaway ng bata.

"Bye little girl." Tumingin ang pulis sa mga magulang nito. "Maraming salamat Mr.
Monteverde. Thank you Ma'am Alex."

Tumugon ng tipid na ngiti at tango ang mag-asawa.

Umiwas ng tingin si Blake kay Isabelle. Maamo't mapagkumbaba ang reaksiyon ng


dalaga. Di niya ito magawang tingnan lalo pa't desidido siya sa pagsasampa ng kaso
laban sa mga kasinungalingang ginawa nito. Diretso lamang ang tingin niya hanggang
sa makalabas ng kuwarto.

Tumigil naman si Cassandra sa tapat ni Isabelle. Bumelat ito sa babae sabay ingus.
"Don't give troubles to my new friend or else you're dead!" matapang na babala
nito.

Ngumiti at tumango ang dalaga sabay maamong tumingin kay Alex. "Thank you for
saving him," mahinang wika nito.

Muling tinakpan ni Alex ng kamay ang mga tenga ni Cassandra at sarkastikong


ngumiti. "Wala kang karapatang magpasalamat dahil hindi ko yun ginawa para sayo.
Nagkataon lang na mabuting tao ang ama ng magiging anak mo," madiing sabi niya
sabay yakag sa anak papalabas ng silid.

Nang makaalis ang mag-anak, blangko ang mukhang hinintay ni Brandon ang mga unang
salitang lalabas sa bibig ng bisita. Napapalunok itong lumapit sa kanya nang may
kiming ngiti.

"K-Kumusta ka na?" magkumbabang tono ni Isabelle na noo'y nag-aalinlangan kung


hahawak ba sa binata o hindi.

"You saw me smiling earlier... so I guess I'm okay," pormal at medyo sarkastikong
sagot ng lalaki. "Why are you here? Hindi ka ba natatakot na malaman ito ng tatay
mo?"

Napakagat sa labi si Isabelle at unti-unting nangilid ang mga luha. Hinawakan niya
ang kamay ng binata at nanginginig ang boses na nagsalita. "I-I'm sorry..."

Ilang saglit na nanahimik si Brandon. Tinitigan niya ang nagsisising mukha ng


kaharap hanggang sa dahan-dahan siyang napangisi. "I told you na kapag pinaako mo
sa iba ang anak ko... I will never forgive you," madiing salita niya.

Humigpit ang pagkakahawak ng babae sa kanyang kamay. "I-I know... pero alam ko ring
hindi mo kami kayang tiisin ng magiging anak mo sa bandang huli. I hope you'll
understand na mas pinili kong kamuhian mo ako para sa kaligtasan mo at ng anak
natin..."

Patabig na tinanggal ni Brandon ang kamay ng kausap. Tumayo siya nang namumula sa
galit na mukha. Natatawang hinagod niya ng kamay ang buhok. "Don't make me and that
child as your excuse! You're selfish! Mas matimbang pa rin sayo ang mga materyal na
bagay na pwedeng mawala sayo! Hindi mo pa rin kayang tanggapin na may mga
mawawalang bagay sayo kapag ako ang pinili mo. You chose to hurt me instead! Pinili
mong manggulo ng isang tahimik na pamilya! Pinili mong ikaila sa akin ang anak
natin because you were trying to find a more comfortable escape sa problemang
pinasok mo!"mataas ang boses na sum
bat niya.

"Hindi totoo yan!" lumuluhang tanggi ni Isabelle. "Nagawa ko lang lahat ng ito
dahil mahal na mahal kita at mahal ko ang magiging anak natin!"

Dahan-dahang napaluhod sa sahig ang umiiyak na babae. "BELIEVE ME BRANDON! Walang


araw na hindi ako nahihirapan at nasasaktan!"

Napabuntong-hininga si Brandon habang tinitingnan ang kausap. "Kung mahal mo ako,


you should have trusted me wholeheartedly. Na kaya kitang ipaglaban at
panindigan.... What you did only proves kung gaano ako kaliit sa mga paningin mo.
Wala kang pinagkaiba sa tatay mo!"

Tumayo si Isabelle at nagmamakaawang yumakap sa lalaki. "I know I'm wrong pero
hindi ko sinasadyang maliitin ka. Mahal kita... Forgive me Brandon. Tanggapin mo
lang ulit ako I promise na ipasasakamay ko na saiyo ang lahat. We're going to have
a baby. Magsimula ulit tayo bilang isa ng pamilya. Let's run away. Lumayo tayo sa
anino ng Daddy!"

Tinanggal ni Brandon ang mga nakayakap na braso ng babae. Napapangiting hinawakan


niya ito sa magkabilaanh balikat at tinitigan sa mga mata.

"I'm not going anywhere. Wala akong dapat katakutan at layuan. Kaya kong
ipagsigawan na ako ang ama ng batang pinagbubuntis mo... I'll be a responsible
father to our child at mamahalin ko siya ng buong-buo..." Bumuntong-hininga siya ng
malalim at mabilisang umiwas ng tingin. "B-But that's the only thing I can give now
Isabelle," napapalunok na pahayag niya.

Napanganga si Isabelle. Ilang sandali itong di nakapagsalita hanggang sa muling


dumaloy sa pisngi ang mga luha.

"H-How about me Brandon?"

"Give me time to think... Nakakatakot ka na uling mahalin Isabelle."

chapter 37 Of Love And other reasns 2

"...Can we meet at my house tonight? I'll give all the details and evidences. I
want you to file the case as soon as possible. We can also start discussing about
witnesses. Send the subpoena to all possible addresses in which the chairman could
see it first hand..."

Tiningnan muna ni Blake sa rearview mirror ang anak na nasa backseat. Nang makitang
abala ito sa paglalaro ng eroplanong gawa sa papel, saka nagbanggit ng pangalan
ngunit bahagyang hininaan ang pagsasalita.

"...to Ms. Chan's penthouse, to their family house and even to Hexagon Realty.....
Thank you attorney. Bye."

Tahimik lamang na nakikinig sa tabi ng nagmamanehong mister si Alex. Noon lamang


siya nagkaideya kung ano ang sunod na plano ng asawa. Alam niyang dapat niya itong
ikatuwa pero may dulot na kabigatan sa dibdib ang narinig niyang pakikipag-usap ni
Blake.
"You look serious," puna agad ng asawa.

Ngumiti siya ngunit bakas ang katamlayan dito. "M-Medyo nagulat lang ako. Hindi ko
alam na may plano ka palang ganyan."

"Honey after all what we've been through ini-expect mo bang mananahimik lang ako?
Kung tatanggapin at palalampasin na lang natin ang ganito kalaking kasalanan ay
para na rin nating binigyan ng karapatan ang sinuman na guluhin at saktan tayo,"
tiim bagang paliwanag nito.

"N-Naiintindihan ko. K-Kaya lang parang masyadong mabilis at sana sinabi mo muna sa
akin," malumanay na pahayag niya.

"I don't want to preoccupy you anymore. Marami ka ng pinagdaanan," paliwanag ni


Blake sabay tutok ng atensiyon sa daan. Ngayon niya lang pinarinig ang plano sa
asawa sapagkat batid niyang malaki ang posibilidad na lalambot na ang puso nito
dahil sa mga nangyayari.

Nanahimik ng ilang minuto si Alex ngunit maya-maya lang ay muli niyang tinanong ang
mister nang may kahinaan at maamong tono. "Papaano na si Inspector Aldovar?"

"I talked to him about it. He understands and respects my decision. He was a victim
too of this web of lies, kaya hindi mahirap para sa kanya na pumayag sa gagawin
ko."

"Mom! Dad! Are you sure Uncle Inspector will be okay?" Biglang singit ni Cassandra
matapos mabanggit ng ina ang pangalan ng binatang pulis. "I'm worried. How could we
leave him alone with that bad woman? Baka saktan niya si Uncle Inspector."

Nginitian ni Blake sa salamin ang anak. "Stop worrying sweetie. Inspector can take
care of himself. Besides, Ms. Chan is a woman. She couldn't hurt a strong guy like
Inspector Aldovar."

Tumayo ang bata sa awang na nasa pagitan ng upuan ng mga magulang. "Mom is a woman
too but she could kick the asses of the bad guys and they were strong men. I'm a
girl too but I'm stronger than a lot of guys in our school..."

Napatanga si Blake at biglang nahirapan sa paghagilap ng isasagot. Nagpapasaklolong


tumingin siya kay Alex.

"...Aish! I'm really worried Mom, Dad. Nasa hospital pa naman si Uncle Inspector
which means he's weaker now," napapakamot sa ulong dagdag pa ng bata.

"Cassie that woman is Inspector Aldovar's friend. She also cares for him and wishes
for his recovery," mahinahong paliwanag ng ina.

Ilang saglit na napakunot ng noo si Cassandra. "T-That bad woman is h-his friend?"
Bigla itong nalungkot sabay pulupot ng kamay sa leeg ng ina. "I pity him. His Mom
might haven't guided him in choosing his friends, right Mom?"

Tila naubusan din ng isasagot si Alex. "Ah-eh.... grown ups can choose friend even
without their Mom's permission.... Maupo ka na nga lang anak baka matumba ka diyan.
Tumatakbo ang sasakyan!" Kunway biglang pagsusungit niya upang manahimik ang bata.
Sumunod naman ito at saka naman nagkaroon ng kakaibang katahimikan sa sasakyan.
Panay buntong-hininga lamang niya habang pinag-iisipan ng malalim ang desisyon ng
asawa.

Hanggang bahay ay nanatiling walang imik si Alex. Idinaan niya sa pagsasawalang


kibo at pananahimik ang pag-aalinlangan sa planong pagdedemanda ng mister. Matamlay
na inasikaso niya ang pagbibihis ng asawa. Hinubaran niya ito ng necktie nang hindi
tumitingin sa mga mata nito. Niligpit niya ang mga pinaghubarang damit nang walang
anumangf salitang binibitawan.
Maraming tumatakbo sa kanyang isipan. Isa na rito ang totoong nararamdaman ni
Inspector Aldovar. Maaring naiintindihan nito ang pasya ni Blake pero batid niyang
nasasaktan at nag-aalala pa rin ito. Anak nito ang pinagbubuntis ng babaeng
idedemanda nila. Kahit pa hindi ito gaanong mag-alala sa ina ng bata pero tiyak na
masasaktan ito para sa bata.

Paano kung di makayanan ni Isabelle ang stress at may mangyaring masama sa


ipinagbubuntis nito? Masyado ng maraming sakit na pinagdaanan ang binatang
inspektor at hindi niya na hinahangad pang madagdagan ito. Inaamin niya sa sariling
malaki ang naging pagbabago tungkol sa pananaw niya sa mga naging kasalanan sa
kanila ni Isabelle. Nabawasan ang paghahangad niyang mapaghigantihan ito matapos
makumpirmang si Brandon nga ang ama ng bata.

Pakiramdam niya ay tadhana na ang kusang nagbibigay ng parusa kay Isabelle. Sa


muntik nang pagkalaglag ng ipinagbubuntis nito, sa mga sakit na itinago nito
kapalit ng pagsisinungaling, sa takot at desperasyon na naranasan nito nang mabihag
si Brandon. Ngayon, dama niyang pati kapatawaran ng binata ay hindi rin nito agad-
agad na makukuha.

Nauunawaan niyang magkaiba sila ni Blake ng nararamdamang lalim ng pasasalamat kay


Inspector Aldovar kaya may katigasan pa rin hanggang ngayon ang mister. Hindi nito
naranasang madama ang di masukat at nakakamatay na takot habang nasasaksihan ng
sariling mga mata kung papaanong segundo na lamang ang ibinibilang ay may tatamang
bala na sa katawan ng kanilang anak. Na halos maghiwalay na ang kanyang kaluluwa sa
katawan sa kawalan ng pag-asa at kung papaano sa isang iglap lamang ay ibinalik ni
Inspector Aldovar ang isang buhay na mas mahalaga pa sa buhay nilang mag-asawa.

Walang kapantay na kabayaran ang nagawang iyun ni Brandon kaya hindi siya
magdadalawang-isip na ibigay ang anumang bagay na hilingin nito.... o kahit pa
bagay na hindi nito hilingin.

"What's wrong with you? Kanina ka pa walang imik. May problema ka ba?" puna ni
Blake.

"Wala," may kahinaang sagot niya habang itinatabi ang hinubad na sapatos ng lalaki.

"I know you're not fine. Masama ba ang loob mo dahil hindi muna kita kinunsulta
tungkol sa isasampa kong demanda?" diretsong tanong ng mister.

Napapalunok na umiling siya.


"C'mon, I don't want seeing your face like that. Tell me. Alam ko may gusto kang
sabihin," giit ng lalaki.

Saka lamang siya tumingin sa mister. "T-Tungkol dun sa demanda. S-Sigurado ka na


ba? Hindi ba pwedeng pag-isipan muna natin to nang maigi?"

"What's there to think about? Eto na ang pinakihihintay kong pagkakataon to fight
back. There's no more person to be rescued, wala ng mga pambablack mails and
finally we've got witnesses about Isabelle's admission."

"P-Pero Honey..."

Nadismaya si Blake sa tono ng misis. "Are you hesitating?" Napabuntong hiningang


lumingon siya sa ibang direksiyon at hinagod ng kamay ang ulo. "I knew it! kaya
hindi ko masabi-sabi sayo ang tungkol dito dahil alam kong mangyayari ito. Bakit ka
nagkakaganito dahil ba kay Inspector aldovar? I told you! He understands!"
iritableng wika niya.

"Pero Hon, I'm sure sinabi niya lang yun dahil yun ang alam niyang tama at dapat
niyang maintindihan... pero tiyak na nasasaktan pa rin siya. Nag-aalala para sa
magiging anak nila," maamong paliwanang ng babae.

"Stop beating around the bush diretsahin mo na ako. You want me to drop the case?"

Di nakaimik si Alex.

"So, ganun-ganun na lang yun? Kakalimutan natin ang lahat-lahat alang-alang kay
Inspector Aldovar! Yung muntik ng pagkasira ng pamilya natin. Ang lahat ng mga
iniyak at sakit na naramdaman mo! Ang halos pagsabog ng utak ko sa pamomroblema
kung paano haharapin ang isang napakagulong sitwasyon. Ang paglunok ko sa pride ko
at pagtanggap sa lahat ng pagbabanta ni Mr. Chan! Balewala ang lahat ng iyon dahil
lamang masasaktan si Inspector Aldovar!" Di na napigilan ni Blake ang pagtaas ng
boses.

"Bakit ka ba nagagalit?" mahinahong tanong ng babae. "Di ba gusto mong magsalita


ako... ngayong sinabi ko na ang gusto kong sabihin nagagalit ka naman."
"Nagagalit ako because of the way you think! We should be heading towards the same
direction until the end. When you requested to conduct an investigation by
yourself, I agreed and supported you. When you secretly made a rescue plan, I still
followed you. Kung nasaan ka, I make sure na nandodoon din ako... pero bakit ngayon
bigla-bigla ka na lamang lumilihis ng direksiyon!"

Napakagat ng mga labi si Alex. Naiintindihan niya ring kung bakit nadidismaya ang
asawa sa unti-unti niyang panlalambot pero iyon ang totoong nararamdaman niya.
"Hindi naman sa lumilihis ako.... k-kaya lang ang hirap kasi kapag alam mong may
tao kang masasaktan." Tumingin siya sa asawa nang may maamo ngunit nangungumbinsing
mukha. "Blake hindi naman kasi kung sinong tao na lang ang masasaktan natin, ang
taong yun ang nagligtas sa anak natin."

Tumahimik ng ilang saglit si Blake. Natatawang tiningnan niya ang asawang di


makatingin ng diretso. Hindi siya lubos makapaniwala sa katwiran nito. "Are you
sure you used to be a police officer?" ngingisi-ngising wika niya. "You know why
Inspector Aldovar understands me? Because that is supposed to be the mindset of a
policeman! Pinapalaya mo ba ang bawat kriminal na nahuhuli niyo dahil lamang may
masasaktan sa pagkakakulong niya?"

Napatungo si Alex. Tama naman ang rason ng mister pero ganunpaman ay bahagyang
nasaktan siya sa pagkwestiyon nito sa integridad niya bilang dating pulis.

"This is one of the things I hate about you. ANG TAPANG-TAPANG MO SA UMPISA PERO
PAGDATING SA DULO NAPAKABILIS MONG MAGPATALO SA EMOSYON!"

Di na nakapagtimpi si Alex sa panenermon ng asawa. Matigas ang mukhang tiningnan


niya ito ng diretso at tinaasan ng isang kilay. "Sorry ha! Nagpapadala kasi ako sa
emosyon ko lalo na kapag pamilya ko ang nakataya. Ang importante lang naman kasi sa
akin ang maging masaya tayo! Pero sino kaya sa atin ang mas inuuna ang emosyon?
Kahit hindi mo sabihin, alam ko naman kung ano ang pinakadahilan kung bakit atat na
atat ka sa pagdedemanda. Dahil sa lintik na pride mong yan! Gusto mong ipamukha sa
Mr. Chan na yan na nagkakamali siya ng kinakalaban!"

Mas lalong nagalit si Blake sa narinig. "THAT'S NOT TRUE! Wala akong ibang gusto
kundi ang bumalik ang katahimikan sa pamilya natin!"

"Katahimikan?" nakangising sambit ni Alex habang hinahabol ang mabilis na paghinga.


"Paano tayo matatahimik kung ngayon pa nga lang ay nagtatalo na tayo?! Hangga't
hindi tayo kumakawala sa anino ng mga kalokohan ng Isabelle na yan, paulit-ulit na
mangyayari ito! Tama na Blake. Ayoko ng pag-aksayahan ng oras pa ang babaeng yun!
Hayaan mo ng maparusahan siya ng diyos sa mga pinaggagawa niya. Nakakarma na siya
at may darating pang karma sa kanya! Ang importante ay buo pa rin tayo, tahimik at
masaya... Pero ngayon pa lang sasabihin ko na sayo, makuha mo man ang hustisyang
hinihingi mo, hindi tayo magiging masaya ng buong-buo dahil alam natin na meron
tayong taong nasasaktan!"
Galit na tumalikod si Alex at mabilis na naglakad patungong banyo.

"Hey! Where are you going?!" tawag ng mister.

"Maliligo! Baka sakaling lumamig ang ulo ko!" sigaw niya nang di lumilingon.

"Come back here! We're not done talking yet!"

"Makipag-usap ka sa abogado mo! Antay na antay ka na sa kanya di ba?!"

"ALEX!"

Pabalibag na isinara ni Alex ang pinto ng banyo. Sumandal siya sa lababo at


paulit-ulit na huminga ng malalim. Minasahe niya ang dibdib para ikalma ang sarili.

"Tatanungin ka ng opinyon tapos pag di nagustuhan ang sasabihin mo, magagalit,"


nakanguso't mahinang sambit niya sa sarili.

Naghintay siya ng ilang minuto habang nakaabang ang mga mata sa pintuan. Inaasahan
niyang susundan siya ng asawa subalit walang Blake na dumating. Napilitan siyang
panindigan ang idinahilang paliligo. Nakasimangot na naghubad siya't inis na
pumasok ng shower room. Itinodo niya ang lakas ng shower at itinapat ang sarili.
Tahimik niyang ninamnam ang tubig. Ilang saglit lamang ng pagbababad ay gumaan din
ang kanyang pakiramdam at kumalma ang dibdib. Pumikit siya habang pinapatama ang
malamig na tubig sa kanyang mukha hanggang sa napaigtad siya nang biglang may
yumakap sa kanya sa likuran.

Pinatay niya ang shower. "Anong ginagawa mo dito?" pairap na wika niya nang di
nililingon ang asawa.

"Let's take a shower together," malumanay na nitong salita.

"May meeting ka kay attorney di ba?" may tampo pa ring sabi niya.
"I cancelled it," mahina't maamong bigkas nito malapit sa kanyang tenga. "I gave
some thought to your words."

Marahang dumampi ang mga labi nito sa kanyang batok. "Sorry na," bulong nito
kasabay ng paghipit ng yakap. "You know how precious you are to me..."

Unti-unting napangiti si Alex. Ang simpleng paghingi ng tawad ng lalaki ay sapat na


para lumambot ang kanyang puso. Naramdaman niya ang mainit na paghalik ng asawa
mula sa leeg patungo sa kanyang tenga... sanhi para unti-unti ring lumambot pati
ang kanyang mga tuhod.

Pumaling siya para tingnan ito at di pa man siya lubusang nakakalingon, sinalubong
na agad nito ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Gumanti siya ng halik at
matamis na naglapat ang kanilang mga dila. Pinakamasarap humalik ang asawa sa mga
ganitong sandali kung kailan katatapos lamang nilang magtalo o mag-away. Tumigil si
Blake at lumipat ang mga labi nito sa kanyang tenga.

"I love you wifey... You are my world. There are no better things in life than
loving you," bulong nito nang may nang-aakit na boses.

"I love you too, honey," pabulong na sagot niya. "Sorry din."

Haharap sana siya upang gantihan ng yakap ang asawa ngunit pinigilan siya nitong
gumalaw. Nanatiling nakayakap ito mula sa kanyang likuran at patuloy sa paghalik sa
kanyang batok. Ilang saglit pa ay marahang hinaplos na nito ang kanyang dibdib
habang ang isang kamay ay dahang-dahang bumababa sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Ahhh hon..." ungol niya.

Minamasahe ng asawa ang kanyang dibdib habang nagdudulot ng sukdulang kaligayahan


ang isang kamay nito na nasa kanyang pagkababae.

"Tell me what you want hon..." bulong nito. "You like it?"

Tumango siya nang napapakagat sa mga labi. Tanging mabibigat na paghinga ang
lumalabas sa kanyang bibig. Mainit na tinititigan siya sa mga mata ng mister.
Patuloy ito sa pagbibigay sa kanya ng nakakabaliw na kaligayahan habang tila
natutuwang panoorin ang kanyang nanghihinang reaksiyon.

"Ahhh B-Blake.."

Tumigil ang kamay nito nang malapit niya nang maabot ang sukdulan. Hinawakan siya
nito sa beywang at muling siniil ng halik sa mga labi. Bumaba ang halik nito
patungo sa kanyang leeg, balikat hanggang sa kanyang likuran. Halos lakbayin ng
mga labi nito ang kabuuan ng kanyang likod. Maingat, marahan at napakalambot na mga
halik na nagdudulot ng mga kiliting mas lalong nagpapainit sa kanyang kabuuan.

Iniharap siya ng lalaki. Lumipat ang mga halik nito sa kanyang dibdib at uhaw na
naglaro ang dila. Napapikit siya't mariing napakagat sa labi. Sabik na yumakap siya
sa leeg ng asawa habang bahagyang napapasabunot sa ulo nito.

Tinanggal ni Blake ang nakapulupot niyang kamay sa leeg at dahan-dahang bumaba.


Naglakbay ang mga labi nito sa kanyang tiyan hanggang sa napaluhod ito sa kanyang
harapan. Maingat na pinaghiwalay nito ang kanyang mga paa at isinampay ang isang
hita niya sa balikat.

Namumungay ang mga matang tiningnan niya ito. Dahan-dahang lumalapit ang halik nito
patungo sa pinakamaselang bahagi ng kanyang katawan. Nang maramdaman ang basang
labi ng mister sa kanyang pagkababae, agad siyang napatingala't madiing napahawak
ng isang kamay sa dingding

"Hon..."

Hindi tumigil sa pagtuklas ang bibig ng lalaki hangga't hindi niya nararanasan ang
kaligayahang gusto nitong ibigay.

"Ahhhh!" di niya napigilang huwag mapasigaw nang maabot ang sukdulan.

Pinagmasdan siya ng asawa habang hinahabol niya ang kanyang paghinga. Pagkuway
tumayo ito. Binuksan ang shower at muli siyang niyakap ng mahigpit. Sa gitna ng mga
maliliit na patak ng tubig ay malalim na hinagkan siya nito sa mga labi. Naglapat
ang kanilang mga katawan at naramdaman niya ang naninigas nitong pagkalalaki.

Binuhat siya nito nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Pinulupot niya ang
kamay sa leeg nito at ang hita sa beywang. Isinandal siya nito sa dingding. Bumaba
ang halik nito sa kanyang dibdib hanggang sa dahan-dahang pinasok nito ang kanyang
pagkababae.
"Wifey.."

Inilagi nito ang mga kamay sa kanyang beywang na siyang nagsasaad ng bilis at
kumpas ng pag-indayog niya. Sumasabay ang mga halinghing nila sa tunog ng maliliit
ng patak ng tubig sa sahig.

"Hon..." ungol niya habang di malaman kung saan ihahaplos ang kamay sa likod ng
asawa.

Bumilis ang galaw ng mister at unti-unti niya na namang nararamdaman ang nalalapit
na pagdating sa rurok ng kaligayahan. Humigpit ang pagkakapit ng mga hita niya sa
beywang lalaki.

"A-Alex..."

"B-Blake.."

"I'm coming, wifey. Come with me..."

Tumango siya nang hindi alam kung saan ipapaling ang ulo.

"Alex...Ahhhh!"

Nakapikit, nakatingala at halos bumaon ang kuko niya sa balikat ng asawa nang
maramdaman ang muling paglutang sa kalangitan. Nabibingi siya sa kaligayahang dulot
ng pagsabog ng mister sa kanyang kaloob-looban.

Nang humupa ang nakakaubos ng lakas na pakiramdam ay nanghihinang napasubsob siya


sa balikat ni Blake.

"I love you honey," hinihingal na bulong ng lalaki habang marahan siyang hinahaplos
sa likuran.
"I love you too..."

"Let's have second round in bed," pilyong dagdag nito.

chp. 38 Happiness IS A Choice

****

Kaunti na lang ay didikit na ang mukha ni Alex sa laptop. Malapitang tinititigan


niya ang larawang taglay ang magandang tanawin na matatagpuan sa bansang binabalak
nilang puntahang mag-asawa.

May pinagpipilian na silang mga bansang pagbabakasyunan ngunit hindi pa rin


nakakapagbigay ng huling desisyon si Alex. Maiigi niya munang sinasala ang bawat
lugar na pwede nilang bisitahin.

"Ayoko dito. Hindi masyado maganda yung view ng mga bundok. May ganyan din sa
Pilipinas, bakit pa tayo pupunta diyan?" umiiling na wika niya.

"Rejected again? Paano mo naman nasabing pangit ang view ng mga bundok na iyan.
Wala niyan sa Pilipinas. Is there something wrong with your eyes? Look at that ang
ganda nga eh... half of it is still covered with snow. Sabi mo gusto mo ng sight ng
bundok na may snow pa sa tuktok. Here it is!" medyo napapagod nang pahayag ni
Blake.

Ang dami-dami niya ng pinakitang mga lugar sa misis na pwede nilang puntahan pero
wala ni isa mang pumapasa pa sa panlasa nito. Halos maubos na ngang i-research ng
kanyang sekretarya ang mga magagandang mountain ranges sa mundo. Ang hiling ng
asawa ay makapamasyal sa lugar kung saan maraming makikitang mga bundok kaya't ano
pa bang magagawa niya kundi pagbigyan ang kagustuhan nito. Pero hindi niya akalaing
ganito ito magiging kapihikan. Sa mga naunang pagbabakasyon nila sa ibang bansa ay
hindi naman ito naging maselan.

"Oo nasabi kong maganda yung may snow pero yung mga nagyeyellow at namumulang mga
puno talaga ang gusto kong makita. Mas maganda yun eh," napapangusong katwiran ng
babae.

Palihim na umikot ang mga mata ni Blake sabay buntong-hininga. Malapit niya ng
hindi maintindihan ang asawa sa pabago-bago nito ng desisyon. "Hon tell me the
truth. Ayaw mo talagang magbakasyon tayo that's why you're acting this way, right?"
prangka niya sa misis.

"Gusto!" mabilis na sagot ng babae. "Bakit ano bang mali sa kilos ko? Tinitiyak ko
lang naman na pareho tayong mag-eenjoy sa pupuntahan natin."

Napailing si Blake. "Sige na. Sige na. Just think about the place kung saan ka mag-
eenjoy. Don't worry about me, kahit saan okay ako."

Lukot ang mukhang napalingon si Alex sa mister. "Pwede ba naman yun? Imposible
namang wala kang lugar na gustong puntahan," di kumbinsidong pahayag niya.

Nakataas ang kilay na tumitig si Blake sa asawa. "Kahit saan basta kasama ka mag-
eenjoy ako. Okay na?"

Agad na naantig si Alex sa tinuran ng mister. "Awww! Ang sweet naman ng hubby ko!"
Ngumiti siya ng abot tenga at naglalambing na naupo sa kandungan nito. Pinulupot
niya ang mga kamay sa leeg nito at binigyan ng isang madiing halik sa pisngi.

"Hon, matagal na akong sweet. Sige na pumili ka na ng lugar. Kailangan na nating


mafinalize yung itinerary natin. Mahigit isang linggo na tayong hinihintay ng
travel agency," inip nang wika ng lalaki.

"Okay," biglang siglang tugon ni Alex. Sabik na tumingin ulit ito sa mga larawan
nang hindi na umaalis sa pagkakaupo sa kandungan ng mister.

"Hon, I think you gain some weight. You're heavier now," puna ng lalaki.

Mabilis na nilingon ni Alex ang asawa. Tiningnan niya ito nang may magkasalubong na
mga kilay.

"Kanina ka pa ha. Yan ba ang kapalit ng paglalambing ko? Pipintasan mo lang ako!"
sabay tayo niya.

Kinabig naman agad ni Blake ang beywang ng nagtatampong babae at muli itong pinaupo
sa mga hita niya. "Hindi kita pinipintasan. I'm just stating an honest opinion,"
natatawang paliwanag niya.

"Anong hindi? Kasasabi mo lang na mataba ako!"

"Wala akong sinabing mataba ka. What I said was you got a bit heavier."

"Ganun na rin yun!"

"Magkaiba."

"Parehas nga!"
"Hon, it's different."

"Yun na rin yun, ayaw mo lang akong diretsahin."

"Okay fine," taas-kamay na wika ng lalaki. "Sorry na. You didn't gain anything. I
guess I had a miscalculation."

Nakasimangot pa ring nilingon ni Alex ang mister. "Bakit mo binabawi? Napipilitan


ka lang dahil nagtampo ako!"

"Hon ano ba talaga ang dapat kong sabihin? You're acting weird lately. Masyado ka
na naman atang nagiging sensitive."

Tuluyang lumipat sa katabing upuan ang babae. "Ako pa ngayon ang weird? Eh ikaw nga
itong maya't mayang may napapansin sa akin."

"Sige na, kasalanan ko na. Let's stop arguing, okay?"

Nagbukas ang pintuan ng kuwarto at bumungad si Cassandra. Napansin ng bata ang


nakasimangot na ina. Naniningkit ang mga matang tinitigan nito ng papalit-palit ang
mga magulang habang akap-akap ang kanyang teddy bear.

"Nag-aaway po ba kayo?"

Nangalumbaba ang nanay sabay irap sa asawa. "Tanong mo diyan sa Daddy mo!"

Sunod agad ang anak. "Dad inaaway mo ba si Mommy?" kunway may pangangampi nang tono
nito.

"No. May na-comment lang si Daddy na hindi nagustuhan ni Mommy," madiing tanggi ng
ama.

Humawak sa baba si Cassandra at tumingin sa taas sabay isip ng malalim. "Hmmm let
me guess.... You told Mom she had wrinkles. Hmmm... or maybe she's fatter!"
Muntik nang bumuga si Blake ng isang malakas na tawa ngunit pinigilan niya ang
sarili. Kinagat niya na lamang ang mga labi nang mapansin ang matatalim na mga
titig ng asawa ngunit di niya napigilan ang bahagyang pagyugyog ng kanyang mga
balikat.

Biglang naexcite si Cassandra nang mapansin ang reaksiyon ng ama. "Am I right Dad?
Sabi ko na nga ba eh!" Umapir ito sa tatay. "Women at her age easily sulk in that
kind of remarks," napapahagikhik pang komento nito. "I saw it in the dramas!"

Tumaas ang isang kilay ni Alex. "Hmp! magsama kayong magtatay!" sabay tayo nito at
walk out sa kuwarto.

Nagkatinginan ang mag-ama. Magkasabay ang mga itong napakibit ng mga balikat at
pagkuway bumuntong-hininga.

"Hayaan niyo na po yan si Mommy I'm sure okay na ulit yan mamaya. Ganyan naman po
siya lately ang bilis-bilis lagi mairita but after how many minutes masaya na
ulit." Lumapit ang bata sa tenga ng tatay at bumulong. "The drama says it's the
middle age syndrome," hagikhik ulit nito.

Magyaya sana si Cassandra ng car racing game upang samantalahin ang panandaliang
pagmumukmok ng nanay subalit nakuha ang atensiyon niya ng larawan sa laptop na
siyang kanina'y tinitingnan ng mga magulang.

"What's that Dad?" nguso niya sa larawan.

Medyo nataranta si Blake. Hindi pa nila nasasabing mag-asawa ang tungkol sa balak
nilang pagbabakasyon sa ibang bansa na silang dalawa lamang. Isasarado niya sana
ang laptop ngunit tiyak na mahahalata siya ng anak.

"That place is beautiful. Are we going there?" may kislap ang mga matang tanong ni
Cassandra.

"Ah..errr... Mom and I were just checking for some place but it's not final yet."

"Kelan po tayo aalis?" sabik na tanong ng bata.


"Ahh..." Napahimas sa batok si Blake. "Well... Actually sweetie one of the reason
why we haven't finalized it yet dahil hihingi pa kami ng permission mo..."

Agad na nawala ang ningning sa mga mata ng bata na mistulang alam na ang sasabihin
ng ama.

"Is it okay kung si Mommy at Daddy lang ang magtatravel abroad this time?"
malumanay na malumanay na tanong ni Blake habang hinahaplos sa buhok ang kausap.

Malungkot na ngumuso si Cassandra. "Bakit hindi ako kasama? Ayaw niyo na po ba sa


akin? Hindi niyo na po ba ako love?"

Agad na nabahala si Blake sa naging reaksiyon ng maliit na kausap. " No! Don't
think that way sweetie. We love you very much. You will always be first in Mom and
Dad's heart."

"Kung ganun ba't hindi niyo ako isasama," ani Cassandra nang may mamasa-masa ng mga
mata.

"Ah... because... because... you know it's all about that little brother thing,"
hirap na paliwanag ng ama.

Mabilis na umatras ang dudungaw na sanang mga luha ni Cassandra. "Y-You mean...
hahanapin niyo sa mga mountains na iyan ang magiging baby brother ko?"

Napapitik ng daliri ang tatay. "Right! Maghahanap si Daddy't Mommy ng magiging


kapatid mo!"

"Kaya di niyo ako isasama dahil mapapagod ako?"

"Hmm... yeah.. kind of..." tumatangong sambit ni Blake.

"But what will happen to me when you're gone?"

"Okay lang ba na mag-stay ka muna kina Lola Sylvia?" ingat na ingat na tanong ng
ama.

Muling nabuhay ang kislap sa mga mata ng bata. "I'm going to live with Lola and
Lolo for a while?"

"Yes."

"With Tito Dennis too?"

"Right."

"With Lolo General too?!" sabik ng tono nito.

"Yeah."

Napasuntok ito sa hangin nang may abot tengang ngiti. "YES!" sumasayaw pang sigaw
nito. "Kelan po kayo aalis?" di maitago ang kasabikang tanong nito.

Bahagyang natawa si Blake sa di-inaasahang magiging reaksiyon ng anak. "You look so


happy. Hindi ko alam sa Mommy since she keeps on changing her mind."

"Dad... sabihin mo na kay Mommy bilisan niya mag-decide. Baka di niyo makita yung
magiging baby brother ko," apuradang wika ng bata.

Natigil ang pag-uusap ng mag-ama nang bumungad sa pintuan si Alex. Wala ng bahid ng
pagtatampo ngunit bakas naman sa mukha nito ang pagkabahala.

"Hon, you need to see this!" tarantang sabi nito.

Kunot-noong tumayo si Blake. Susunod sana si Cassandra ngunit pinigilan ito ng ina.

"Just stay here, sweetie. May pag-uusapan lang kaming importante ni Daddy," ani
Alex.
"Alright," kampanteng sagot ng anak na ang hinuha'y tungkol sa napipintong pag-alis
ang pag-uusapan ng dalawa.

Sumunod si Blake sa kuwarto kung saan pansamantalang nagmukmok ang misis. Pagdating
doo'y natigilan agad siya nang nabungaran sa telebisyon ang balitang pinapanood
nito.

Pinapalabas dito ang eksena kung saan may mga sumisigaw, nagmumura at may bumato pa
ng itlog sa chairman ng Hexagon Realty habang naglalakad ang matandang negosyante
papalabas ng nasabing kumpanya.

Napatingin siya kay Alex. Akmang ibubuka niya na ang bibig upang magtanong ngunit
siya namang pahayag ng newscaster tungkol sa mga kasagutang nais niyang marinig.

"...Pinagbubuntunan ngayon ng galit ng mga tagahanga ni former Captain Alexandra


Valdemor-Monteverde ang Hexagon Realty. Sumugod ang mga ito sa kumpanya na
pagmamay-ari ng mga Chan. Maging si Mr. Chan, ang ama ni Isabelle Chan na siyang
nagtangkang manggulo sa tahimik na pamilya nina Mr. and Mrs. Monteverde, ay nadamay
sa galit ng mga tao..."

"... ayon sa isang source. Sinubukang ipaako ni Isabelle ang ipinagbubuntis nito sa
Chairman ng Golden Pacific na si Mr. Blake Marlon Monteverde, ang mister ng
magiting at dating policewoman na si Alexandra Valdemor-Monteverde. Inamin ni
Isabelle na nagawa lamang niyang magsinungaling dahil sa takot sa chairman ng
Hexagon Realty na may gawin itong hindi maganda laban sa totong ama ng kanyang
ipinagbubuntis na tanging isang ordinaryong pulis lamang. Bumuhos ang simpatiya ng
mga tao kay Mrs. Monteverde. Hindi nila lubos maisip na sa kabila ng mga
kagitinga't kabutihang ipinamalas nito'y may mga tao pa ring nais sumira sa
katahimikan ng kanyang pamilya..."

Tumigil sa pagsasalita ang newscaster at lumabas ang sunod na eksena kung saan
nagsasalita si Isabelle nang may mapagkumbabang reaksiyon habang pinagkakaguluhan
ng mga reporters.

"To Mr. and Mrs. Monteverde... Alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong
panggugulo sa inyong pamilya... But nevertheless, here I am asking for your
understanding and forgiveness. I'm still trying and I won't get tired trying
hanggang sa matutunan niyo akong patawarin.I'm also rendering a public apology kung
nasaktan ko ang taong hinahangaan ng marami...."

"I'm willing to do everything to lessen the guilt I'm bearing and most importantly
para muli kong makuha ang tiwala ng taong mahal ko. Gusto kong magsimula ulit ng
tama kasama sana ng kapatawarang maibibigay niyo sa akin..."

Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na napabuntong-hininga ng malalim.

"Paano lumabas ang ganitong balita? Mga tao mo ba ang nasa likod nito? Akala ko ba
nagkasundo na tayong hindi na uungkatin pa ang tungkol dito?" sunud-sunod agad na
tanong ni Alex.

"Slow down Hon. It's not me. I also gave instruction to everyone to close this
matter already," depensa ni Blake.

"Kung ganun sino?"

Isa-isang tinawagan ni Blake ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan ngunit lahat
ng mga ito'y nagpahayag na wala silang kinalaman tungkol sa paglabas ng balita.
Hanggang sa may tumawag sa cellphone niya at lumitaw dito ang pangalan ni Inspector
Aldovar.

Sinagot niya ito ngunit bumilang ang ilang segundo na pawang malalalim na paghinga
lamang ang kanyang naririnig.

"We saw the news. Eto ba ang itinawag mo?" kusa nang tanong niya.

"Yes."

"Are you the one behind it?"

"Yes."

"Why did you do it?" salubong ang mga kilay na tanong niya.

"I'm sorry if I didn't consult you first. I knew you won't pursue the case. Knowing
Ma'am Alex personality I already had a feeling that she'd choose to forget
everything. But I believe it wasn't completely a right decision. People has to pay
the price of their mistakes and people has to get the justice they deserve to
get...."

"I might have offended your privacy and I'm deeply apologizing for it but I want
Isabelle to get the chance to redeem herself."

"What do you mean by that?" seryosong sambit ni Blake.

"I'm accepting her again. After all, she's carrying my child and she's the woman I
still love. Pero bago kami bumalik sa dati ay hiniling kong itama niya muna ang
lahat. I want to start right and free from hatred or guilt. I'm sorry ipinapangako
ko na ito na ang huling pagkakataong madadawit ang pangalan niyo sa problema
namin."

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Blake sabay tingin sa misis na noo'y


halatang sabik ng malaman ang tungkol sa kanilang pinag-uusapan. Gusto niyang
kunsultahin muna ito bago magbigay ng opinyon subalit sa kanyang kalooban-looban ay
nauunawaan niya si Brandon. Hindi rin masama sa loob niya na tinanggap nitong muli
si Isabelle sapagkat naiintindihan niya ang pakiramdam ng isang lalaking
nagmamahal. Kung nakayanan niyang unawain ang sitwasyon ng inspektor, ano pa kaya
ang misis na nagtataglay ng mas malambot na puso kesa kanya?

"I understand... but you just touched the pride of Mr. Chan. Siguradong hindi iyon
mananahimik lamang sa isang sulok matapos ang kahihiyang natanggap niya," nag-
aalalang pahayag niya.

"I know but I assure you that you won't get involve in this again. From now on, the
battle is between me and him hanggang sa matutunan niyang tanggapin na ako ang
lalaking mahal ng anak niya," determinadong sagot ni Brandon.

Natahimik ng ilang saglit si Blake. Bagamat may naging pagkakamali ang kausap ay di
niya maikakaila sa sarili na may bahagi sa kaloob-looban niya na natutuwa sa ginawa
nito. Kaya naman sarado ang isipan niya sa paghahanap ng dahilan para magalit pa
dito.

"I guess we have no choice now but to avoid media for the mean time. I'm wishing
you a good luck in the situation you'll about to enter. Handle everything properly
and if you need some help, nandito lang kami para sayo."

"Maraming salamat po, Mr. Monteverde. Again, I'm sorry. Kayo na po ang bahalang
magpaliwanag kay Ma'am Alex."
"I will. And I'm holding on to what you say that it will be the last public
frenzy."

"Pangako ho," sabay mapagkumbabang nagpaalam ang pulis.

"Ano daw? Siya ba ang nasa likod ng lahat ng ito? Anong nangyayari?" namimilog ang
mga mata't di makapaghintay na mga katanungan ni Alex.

"Yes," sagot ni Blake kasabay ng isang malaim na buntong-hininga. "He apologized


and explained his motives for doing it. Isabelle and him are back in each other
again. Sabi niya gusto niyang itama ang lahat para makapag-umpisa sila ng
tahimik... But I have this feeling that this is just his way of triggering Mr.
Chan. Ito ang unang hakbang niya upang ipakita kung papaano niya ipaglalaban si
Isabelle."

Ngumiti si Alex. "Sabi ko na nga ba kahit ano pa ang mga nangyari ay mahal niya pa
rin si Isabelle." Napakibit siya ng mga balikat. "Well, kunsabagay pareho naman
talaga nilang mahal ang isa't isa. Kung malampasan nila lahat ng mga pagsubok na
ito, tiyak na totoong magiging masaya sila sa piling ng bawat isa."

"But are you fine na pansamantala munang umiwas sa publiko?" pag-aalala ni Blake.

Sumagot si Alex ng tangong may kasamang bukal sa loob na ngiti. "Maliit na


sakripisyo lamang yan para sa taong mahalaga sa buhay natin." Lumapit siya sa asawa
at niyakap ito ng malambing. "See, what I mean? Hindi natin kailangang idaan sa mga
kamay natin ang pagpaparusa. Laging may paraan ang diyos para matuto at marealize
ng sinuman ang pagkakamaling nagawa niya."

"I know kaya nga ikaw lang ang pinapakinggan ko di ba?" ngisi ni Blake sabay kabig
niya sa beywang ng misis at matamis na hinagkan ito ng malalim sa mga labi.

"Yieeee... bati na sila!"

Mabilis na naghiwalay ang mga labi ng dalawa at lumayo sa isa't isa nang marinig
ang boses ng anak. Natatarantang pinatay ni Alex ang TV.
"Cassie what are you doing here? I told you na may pinag-uusapan kaming importante
ng Daddy mo."

Biglang nagseryoso si Cassandra. "May pag-uusapan din tayong importante."

Kunot noong nagkatinginan ang mag-asawa habang nakahalukipkip na naglakad ang anak
patungo sa kama at naupo dito.

"Sit down. Let's have a meeting about your plan of travelling abroad," seryosong
utos nito.

Walang reklamong sumunod ang mga magulang.

"How did you find out about it?" taka ni Alex.

"I already told her," sagot ni Blake.

"Don't worry Mom. I'm giving you my full permission. Kaya dapat po mag-decide ka na
kaagad. So now, let start... When are you leaving?" taas noong tanong ng anak.

"Teka lang. Why would you care kung kelan kami magbabakasyon?" pahayag ng ina.

"Of course I care! I need to prepare myself. I want to start counting the days kung
kelan ako mag-iistay kina Lolo General."

"Ayun naman pala eh!" ingus ng nanay.


"Sige kayo baka magbago ang isip ko. Sasama na lang po ako sa inyo!"

"Honey give her an answer now!" biglang utos ni Blake.

"O-Okay, maybe in two weeks or a month," napipilitang sagot ni Alex.

"I give you two days to give me the final date."

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Any objection?" tanong ng bata.

"Ah-eh wala po Ma'am. Sige po pag-iisipan na po namin yan," malumanay na sagot ng


nanay.

"Good! Then let's move on to the next agenda. Where are your destinations?" ani
Cassandra.

Napatingala si Alex at pansamantalang nag-isip hanggang sa unti-unti itong


napangiti. "Hmmm... Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon eh. I'm happy at parang may
kakaibang hatid ang sayang ito." Nakangiting inilukot niya ang mukha. "Hon, parang
ayoko na ng mountain views. This time gusto ko naman ng mga white sands and
beaches."

Mabilis na nagtagpo ang mga kilay ng magtatay.


"Honey, what is your problem?!" "Mommy, what is your problem?!"

Magkasabay na protesta ng dalawa sa di matimplang kausap.

Next Page...

chapter 39

39] The Greatest Gift of All (Final)

*****

May kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang pamilya Monteverde sa kanilang master


bedroom. Si Alex ay maya't mayang nagdadampot ng mga kalat. Si Blake ay tutok na
tutok sa pagbabasa sa kanyang laptop at si Cassandra ay nakadapang nagsusulat sa
kanyang maliit na kuwaderno sa ibabaw ng kama.

"Cassandra Marlene! How many times do I have to tell you that everytime you finish
playing dapat ay nililigpit mo ang mga toys mo!" sermon ng ina habang nakatingin sa
nagkalat na mga laruan sa sahig.

Problemadong napakamot sa ulo si Cassandra. "Mom, I'm not done playing. May naisip
lang akong dapat isulat before I forget it."
Inusisa ng ina ang kwaderno ngunit agad itong tiniklop ng anak.

"Why are you hiding it?" nakapamewang na duda ni Alex.

"Because these are my personal notes."

Lumapit at naupo si Alex sa tabi ng bata. "Aba at kelan ka pa natutong maglihim kay
Mommy ha?" wika niya nang may lumalaking mga butas ng ilong.

"It's not a secret. It's just something that's not advisable to tell you," katwiran
ni Cassandra.

Inilahad ng ina ang palad. "Let me see it."

Naupo si Cassandra at itinago sa kanyang likuran ang notebook. "Mommy naman eh."

"Patingin sabi."

"Mom don't you know that a person has her right to a thing called privacy?" apela
pa rin ng bata.

"That's only applicable for grown ups and not for kids like you," sagot ng nanay.
Nagpapasaklolong lumingon ang bata sa nanahimik na ama. "Daddy si Mommy oh!"
sumbong nito.

"Just listen to your mother," maiksing tugon ni Blake nang hindi inaalis ang mga
mata sa laptop.

"Kitam. Akin na sabi," ani Alex.

Walang nagawang inabot ni Cassandra ang kuwaderno. "Here," lulugo-lugong sambit


nito.

Kunot noong nagbasa si Alex.

Fifteen days to go before Mom and Dad leave me to Lola's house. EXCITEEEEED!!!!
YEHEY! YEHEY! YEHEY! :):):):):)

My plans.

1. Ask Lolo Lauro to play soccer with me.

2. Practice cartwheel on the lawns.

3. Watch war movies with Lolo General.


4. Ask Tito Dennis to go biking with me.
5. Everyday dancing lesson with Tito Dennis.

6. Tell Lola Sylvia to bring me to fast foods everyday.

7. Unlimited video games

8.

9.

10.

11.

12.

13.

14.

15.

"So you're secretly counting the days because of these? Dahil sa pag-aakalang
karamihan sa mga bawal ay magagawa mo?" Nakataas ang kilay na pahayag ni Alex.

Umiwas ng tingin si Cassandra sa ina. "W-Well... Am I not allowed even when you're
not around?"

"No. What makes you think you can do whatever you want? Kahit nasa abroad kami ay
maya't maya pa rin akong magvivideo call."

"Mommy! You're being too much!" agad na protesta ng anak. "Can't I enjoy my freedom
while you and Dad are enjoying your travel too?"

"You can enjoy it but not by doing the things I forbid you to do," rason ng ina.

Sumimangot si Cassandra at muling dumapa nang nakasubsob sa kanyang mga braso na


animoy tahimik na umiiyak.

Tumayo si Alex at muling pinamaywangan ang maliit na kausap. "Hey Cassandra! Are
you showing some tantrums now? Hindi mo ako madadala sa mga paganyan-ganyan mo. Ang
mabuti pa ay ituloy mo na ang paglalaro at kung hindi naman ay iligpit mo na lang
itong mga laruan mo."
"Let the maids do it!" nakasubsob pa ring sagot ng anak.

"Cassandra Marlene stop acting like a brat!" pagtaas ng boses ni Alex.

Saka lamang nag-angat ng mukha ang bata at walang luhang umiyak ito. "If you won't
allow me to enjoy my stay in Lola's house, sasama na lang ako sa inyo. Kapag hindi
niyo ako isinama, I'd cry the whole day. Everyday. Gusto niyo po ba yun?!"

"Aba't-" Natigilan si Alex at biglang napaisip. Ang masungit niyang mukha'y unti-
unting umamo. Medyo tinablan siya ng pananakot ng anak.

"Okay ganito na lang..." medyo nang-aalo niya ng tono. "Punuan mo na yang mga
blangko mo pang spots diyan sa listahan mo then Dad and I will decide kung ano yung
pwede at kung ano yung hindi."

"Really?"

"Yes."

"Baka po tanggalin niyo lang lahat?" duda ng bata.

"We'll only remove the big NO. Like that unlimited video games and fastfood thing."

Bumalik ang ningning sa mga mata ng bata. "Alright," sabay dukwang nito sa
kuwaderno upang ituloy ang pagsusulat. "I'll make it up to twenty para kahit po may
tinanggal kayo, madami pa rin akong pwedeng gawin."

"Hon, do you want to hear some news?" singit ni Blake upang mailihis ang atensiyon
ng asawa mula sa pakikipagtalo sa anak.

"Anong news?" kunot noong tugon ng misis.

"Hexagon Realty's stock is drastically dropping," napapahimas sa gilid ng bibig na


pahayag niya. Masaya siya sa mga nababasa pero hindi niya ito maipahayag ng diretso
dahil baka madamay siya sa panenermon ng misis. Nangako siya ritong ititigil na ng
tuluyan ang pag-iisip ng anumang masasamang bagay laban sa mga Chan.

"Talaga?" nagmadaling lumapit sa kanya si Alex at napatingin sa laptop. "Di nga?


Paanong nangyari yun?"

"Uhm... nagsimula ito nang mabunyag sa media ang ginawa ni Isabelle. At dahil
naging hot eyes ang isang katulad nilang malaking kumpanya, it caught the attention
of some government agencies. Naungkat na hindi pala sila nagbabayad ng tamang buwis
and they owe the BIR multi million tax. They also committed tons of bribery. Pati
mga malalaking opisyal sa gobyerno ay nadadawit. Now things were blown out of
proportion kaya bumaba ang tiwala sa kanila ng mga investors."

"Ahh..." napapatangong sambit ni Alex na animo'y naiintindihan ang paliwanag ng


mister. Nakatingin siya sa graph na nasa laptop. Wala siyang ideya kung ano ang
ibig sabihin nito basta ang naiintindihan niya'y ang guhit na mula sa pagkataas-
taas ay bigla na lang bumagsak sa pagkababa-babang level ng naturang talaguhitan.
"Balitang-balita ba yan ngayon? Ba't di ko alam?" taka niya.

"How would you know eh panay soap operas lang naman ang paborito mong panoorin,"
ani Blake.

"Buti na lang pala natapos na ang city project niyo kundi baka nadamay pa ang
Golden Pacific sa mga pag-iimbestiga na yan ng tax office," komento ni Alex.

May kayabangang tumawa si Blake. " Kahit pa gawin nila yun, wala silang makikitang
butas sa amin. We're paying proper tax. All of our transactions and contracts are
fair and clean. Your husband is not a dirty businessman you know."

"Aba dapat lang. May anak tayong maapektuhan kapag nasira ang pangalan natin,"
pahayag ng babae.

"But hon, alam mo ba kung ano ang epekto sa kumpanya namin ng nangyayaring ito sa
Hexagon? Most of their clients approached to Golden Pacific Realty. We're gaining
the clients they lost."

Lumukot ang mukha ni Alex. "Hindi ba para namang sinasamantala niyo yung pagbagsak
nila?"
Natawa ulit ang lalaki. "Of course not. The clients were the one who voluntarily
came to us. Hindi pananamantala yun. Kung tatanggihan namin, tiyak na mapupunta din
lang yun sa iba pang realty corporation. Business is business."

Tumingin sa kisame si Alex at napanguso. May pumasok din sa kanyang isipan na dapat
sabihin sa mister.

"May ibabalita rin ako sayo," aniya sa asawa.

"Ano yun?"

"Nag-file ng Leave of Absence si Inspector Aldovar at ngayo'y di siya mahagilap.


I'm sure nagpakalayo-layo muna yun kasama si Isabelle."

"ANO PO?!!!" gulat na gulat na sabat ni Cassandra. Bigla itong napatayo sa narinig.
"Totoo po ba yun?"

"Yes. But why are you butting in in adults' conversation?" ani Alex.

"Eh kasi I was planning to include Uncle Inspector in my plans," dismayadong sagot
ng bata.

"What kind of plan?" tanong ng ama.

"I want to invite him at Lola's house. I'll ask him to teach me some stunts."

Napansin ni Cassandra ang panlalaki ng mga butas ng ilong ng ina kaya agad siyang
bumawi. "B-But since Mom's said that he's away, I guess I have to forget it then,"
napapakibit balikat na lamang na pahayag niya.

Pansamantalang nagpaalam si Alex sa mag-ama.

"I'll go down to the kitchen now to check the food I marinated. Mamaya pagbalik ko
gusto ko wala na itong mga nakakalat mong laruan," turo ni Alex sa mga gamit ng
anak nang mapadaan siya dito.
"Yes Mom..." mahinang-mahinang sagot ng bata.

Pagkalabas ng ina ay mabilis na bumaba ng kama si Cassandra. Lumapit siya sa


kanyang Daddy nang tila may napakakawawang mukha. Nagpakandong siya at isiniksik
ang sarili sa dibdib ng tatay.

"Dad why Mom is so strict lately? The 'don't do this and don't do that' is becoming
her favorite line again," malungkot na sumbong nito.

Tinapik ni Blake ng marahan sa bandang puwetan ang anak. "Your mother is always
been moody during this time of month. I think her period is on it's way already."

"What period?"

"You know... that menstruation thing."

"Haist! Why do they even referred to it as period? It's more of an exclamation


point!" malakas na bigkas ni Cassandra. Pagkuway umalis ito sa kandungan ng ama at
napipilitang iniligpit ang kanyang mga laruan.

"Dad are you working?" lingon nito sa seryosong magulang pagkatapos ayusin ang
kanyang mga kalat.

"Not really. Just reading some articles."

"Can I watch TV? Hihinaan ko lang po yung sound."

"Okay."

"Yey! Thank you po!"

Mabilis na kinuha ng bata ang remote at sabik na umakyat ng kama. Namimilog ang mga
matang binuksan niya ang TV at inilipat sa paboritong cartoon channel.
Wala pang sampung minuto sa panonood si Cassandra ay saka namang balik ni Alex.
Nagmamadali itong pumasok bitbit ang isang bowl ng potato chips. Naupo ito sa tabi
ng anak. Kinuha ang remote at tarantang nilipat ang channel.

"Anak si Mommy muna. Umpisa na ng dramang inaabangan ko."

Tumayo ang bata at agad na nagpipiksi. "Daddy!!! Si Mommy na naman oh!!!"

"Pagbigyan mo na si Mommy. The drama only takes thirty minutes," sagot ng ama nang
may blangkong reaksiyon habang nakatitig pa rin sa laptop.

"But the cartoons I'm watching is nice! Matatapos na po yun," problemadong-


problemadong ika ni Cassandra.

Nang magpatalastas ay saka lamang inalo ni Alex ang nag-aalburotong anak sa kanyang
gilid. " Ganito na lang anak. Habang nanonood si Mommy nang drama, ituloy mo yung
pagsusulat sa listahan ng mga plans mo. After this drama, I'll already decide kung
ano yung approve at kung ano yung hindi."

Napaisip ang bata at unti-unting nagbago ang nakabusangot na mukha nito "Talaga
po?"

"Yes."

"Okay."

Muling dumapa sa kama si Cassandra at nagsulat. Habang nag-iisip ng isusulat,


inabot niya ng kamay ang bowl ng potato chips na nasa mga hita ng ina. Nanatiling
nakatuon ang mga mata niya sa notebook. Nagtaka siya nang wala ng makapang potato
chips. Napatingin siya sa bowl at nagulat nang makitang wala na itong laman.

"Mom naubos niyo po yung chips nang ganun kabilis?" namimilog ang mga matang tanong
niya.

"I'm hungry," diretsong sagot ng ina habang titig na titig sa pinapanood.


"Do you have a pet inside your stomach? You've been eating like monster lately.
Tapos ayaw niyo nang masasabihan kayo ni Daddy ng mataba."

"Don't worry madadaan to ni Mommy sa sit ups. Mamaya mo na ako kausapin anak...
marereveal na yung sekreto ng bida," nakamulagat na wika ng ina habang tutok na
tutok pa rin sa telebisyon.

Nanahimik ang bata at itinuloy ang pagsusulat. Nang magpatalastas ay muli niyang
binalak kausapin ang nanay ngunit may tinawagan naman ito sa telepono. Gumuhit ang
ngiti sa kanyang mga labi nang marinig itong umoorder ng pizza. Sa unang
pagkakataon magpapadeliver ito ng pagkain mula sa isang fast food chain.

"Mom did you just order pizza?" nakangiting pagkumpirma niya.

"Yes. Mukhang ang sarap sa advertisement eh."

Lumapit siya sa nanay at malambing na pinulupot ang kamay sa mga balikat nito. "Can
I have a slice?" nakangiti't kumukurap-kurap ang mga matang sabi niya.

"No. You know you're not allowed to eat foods outside your nutritional diet,
magagalit si Daddy."

"Then why you order it?"

"I'll eat it where you can't see me."

"Mauubos niyo yun lahat?" nanlalaki ang mga matang sabi ng bata.

"Yes si Mommy pa."

"Can I have at least a bite?" lambing ulit ng bata.

Pansamantalang natigilan si Alex nang mapalingon sa commercial ng isang spaghetti.


Nakaramdam siya ng biglang pag-asim ng sikmura at animong nakakadiri ang tingin
niya sa nasabing pagkain na noo'y kunway nananakam na pinupulupot sa isang tinidor.
Nasusukang tumakbo siya patungong banyo.

Mabilis na bumaba ng higaan si Cassandra at sinundan ang ina. "Mom! What's going
on?"

Nagmamadaling binuksan ni Alex ang takip ng inidoro. Lumuhod siya sa harapan nito
at agad na nagsuka.

"Mommy are you sick?" Di magkandaugaga ang anak sa paghaplos sa likod ng ina. "Kasi
naman po ang takaw-takaw niyo baka na-food poison na kayo."

Nagpakawala ulit si Alex ng isang malakas na pagduwal. Napansin ni Cassandra na


tila nanghihina't namumutla na ang nanay. Natatarantang lumabas siya ng CR at
tumatakbong lumapit sa kanyang Daddy.

"Daddy help! Na food poison po si Mommy! She's vomiting!" hinahabol ang paghingang
anunsiyo ng bata habang nakaturo sa direksiyon ng banyo.

"What?!"

Nagmadaling tumayo si Blake at alalang-alalang pinuntahan ang asawa. Naabutan niya


ang misis na tumigila na sa pagsusuka ngunit nanghihinang napapakapit sa lababo.

"What happened to you Hon?" kabadong tanong niya.

Napahawak si Alex sa kanyang sikmura at kumapit sa braso ng mister. "H-Hindi ko


alam... M-May nakain yata akong masama," walang siglang sagot nito.

Bago akayin papalabas ang asawa, unti-unting may napagtanto si Blake. Napalitan ng
pangingislap ng mga mata ang kanyang pag-aalala. "Hon, could it be that you're p-"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin, biglang nahimatay si Alex. Mabilis niya
itong sinalo.
"Honey!"

Agad na pumalahaw ng iyak si Cassandra nang masilayan ang walang malay na ina.
"MOMMMMYYYY!!!!"

�-

Kukurap-kurap na nagmulat ng mga mata si Alex. Batid niya na agad na nasa hospital
siya nang makita si Dennis na nakatayo sa tabi niya't abala sa pag-aayos ng
dextrose. Si Blake ay nakaupo sa tabi ng higaan at hawak-hawak ang kanyang palad
ngunit ang isang kamay nito'y abalang-abala sa pagti-text. Si Cassandra naman ay
payapang natutulog sa kanyang tabi habang nakadantay ang isang kamay sa kanyang
dibdib.

Kinabahan siya nang makita ang ina na nakaupo sa isang sulok. Nakapikit na
nagdarasal hawak ang isang rosaryo. Inalala niya ang mga pangyayari. Ang huling
natatandaan niya'y nagsuka siya at bigla na lamang nakaramdamdam ng matinding
panghihina. Hindi kaya may malubhang sakit siya kaya ganun na lang mistula
kataimtim ang pagdarasal ng ina?

"H-Hon," mahinang tawag niya kay Blake sabay yugyog sa kamay nito.

Nagliwanag agad ang mukha ng mister nang masilayang gising na siya.

"How's you're feeling now?" nakangiting tanong nito sabay haplos sa kanya sa buhok.

"Ano bang nangyari?" taka niya.

Nagising si Cassandra nang maramdaman ang paggalaw ng ina at nang maulinigan ang
boses nito.

"Mom!" masigla na agad na salita nito. "Mom! You're p-"

Mabilis na tinakpan ni Blake ang bibig ng anak. "Si Daddy na ang magsasabi
sweetheart."
Tumango ang bata at saka tinanggal ng tatay ang kamay sa bibig na noo'y halatang
pilit na pilit sa pagkakatikom.

"Sabihin mo na. Ano ba talaga?" di makapaghintay na wika ni Alex.

Ibinalik ni Blake ang mga kamay sa palad ng misis at hinawakan ito ng mahigpit.

"Hon, we are finally having a new baby."

Naihiyaw niya na nang malakas ang sayang nararamdaman matapos marinig mula sa
doktor ang magandang balita. Kaya naman bahagyang kontrolado niya na ang sarili.
Ang kinasasabikan niya na lang ay ang makita ang magiging reaksiyon ng misis.

Napanganga si Alex. "A-Anong ibig mong sabihin," hirap maniwalang sambit nito
habang unti-unting nangingilid ang mga luha. "B-B-Buntis ako?" dagdag pa nito nang
di malaman kung iiyak o tatawa.

Umayos ng upo si Cassandra at seryosong hinarap ang di makapaniwalang ina. "Yes


Mom! Your egg and Daddy's tadpole finally found each other!"

Napaigtad si Aling Sylvia sa narinig. Tumigil ito sa pagdarasal at nilingon ang


apo. "Ay diyaskeng bata ito saan mo natutunan yan?!"

"Sabi po ni Tito Dennis."

"Kapatid, you're four weeks preggy," pagkompirma ni Dennis.

Lumapit si Aling Sylvia sa naguguluhan pa ring anak. "Alex sa wakas dininig na rin
ang mga novena ko. Magkakaroon na ulit kami ng bagong apo!" Nakabukas ang mga braso
at nakatingalang wika ng ginang.

Unti-unting napangiti si Alex. Saka lamang siya naniwalang maaring totoo nga ang
lahat. Maluha-luha sa kaligayahang tumingin siya kay Blake.

"Honey magkaka-baby na ba ulit talaga tayo?" malambing na paninigurado niya.


"Yes hon."

Mahigpit siyang niyakap ng mister. "May bago na naman tayong rason para mas mahalin
pa bawat araw ang isa't isa," bulong nito.

Di niya napigilan ang pagluha. Ito ang totoong napakasarap na panaginip. Yung
pagmulat niya ng mga mata'y nalaman niya na lang na mabibigyan niya na ulit ng anak
ang asawa at ng pinakahihintay na kapatid ang anak. May bago na uling magiging
anghel ang kanilang tahanan. Napakatagal niya itong hinintay at halos malapit na
siyang mawalan ng pag-asa.

"I love you Honey," sambit niya habang napapahigpit ang pagkakayakap sa mister.

"I love you too."

"Ako rin love ko kayo!" singit ni Cassandra at yumakap din ito sa kanila.

Kumalas sa kanilang mahigpit na yakapan ang mag-anak nang tumunog ang cellphone ni
Aling Sylvia. Sobrang lakas ng ringtone nito kaya naman napalingon ang lahat.

"Oh Honey! Natanggap mo ba yung mga mensahe ko?" malakas at di matago ang galak sa
boses ng ginang. "Oo! Magkakaapo na ulit tayo! Si Alex buntis na ulit! Andito nga
kami sa hospital ngayon dahil nahimatay siya.... Okay na siya gising na. Maayos na
ang lagay!... Yung mag-asawa, si Dennis at ang apo mo. Hindi na namin naisama si
Papa sa pagmamadali nang malamang sinugod nga dito si Alex!...O sige! Bilisan mo!"

Pagkatapos makipag-usap ay hinarap agad ni Aling Sylvia ang pamilya. "Uuwi din
ngayon ang Daddy niyo mula Singapore."

"P-Pero Mom di ba may business meeting siya doon," ani Dennis.

"Hays! Mas importante pa ba yun kesa sa magiging apo niya!"

"Mommy sabi ni Daddy hindi na daw po kayo tuloy sa pagtatravel," wika ni Cassandra.
Ginusot ni Alex ang buhok ng anak. "O eh di malulungkot ka kasi di matutuloy yung
mga planong pinaghirapan mong ilista."

"No. To be honest, deep in my heart I know I will miss you. Kaya masaya po ako na
hindi na kayo matutuloy! I'll do those plans kasama na po yung magiging kapatid
ko."

Natigil ang mga pag-uusap nang dumating ang buong mag-anak nina Margareth.

"HARRY! CHLOE!!" tuwang tuwang hiyaw ni Casssandra sabay nagmadali itong bumaba ng
higaan upang salubungin ang mga kalaro. "Magkakaroon na ako ng kapatid!" sabik na
sabik na balita niya.

Hirap na lumapit si Margareth sa kaibigan. Malapit na ito sa kanyang kabuwanan.


Inabot nito ang mga pasalubong na tinapay. Ipinatong naman ni James ang mga bitbit
na bulaklak at kinamayan si Blake.

"Bakit ka pa nag-abalang pumunta dito? Kung makareact naman kayo para namang
nanganak na ako. Ikaw itong bilog na bilog na ang tiyan at hirap ng kumilos. Tapos
pati si hepe, isinama mo pa!" ani Alex sa kaibigan.

"Alex sa loob ng halos walong taon ngayon lang ulit ito nangyari, palalampasin ko
pa ba ang pagkakataong makita ang reaksiyon mo tungkol sa magandang balitang ito,"
rason ni Margareth.

"MADAM KAAAAP!!!" nagulat ang lahat sa biglang pagsulpot ni Balatbat sa pintuan.

"O ba't pati ikaw nandito?" taka ni Alex.

Mayabang na pumasok sa loob ng silid ang pulis. "Hah! Ako pa Madam Kap walang
nakakaligtas sa radar ko!" Ibinigay nito kay Alex ang dalang paper bag. "Eto marami
akong dala para sa naglilihi. Pinaghirapan kong hanapin ang mga ito. Manggang
hilaw, dalanghita, kamias, sampalok, santol, kalamansi. Lahat ng maasim nandito na,
pati sinigang mix idinamay ko na!"

Nag-aalalang lumapit si Sylvia sa anak. "Alex huwag ka munang masyadong titingin sa


mga di magagandang tanawin ha," kunway malumanay na sabi niya.
"Mommy ako po ang pinatatamaan niyo? Sinasabi niyo po bang hindi ako magandang
tanawin?" kunway matapang na pamamarangka ng pulis.

Ngumiti si Alex habang unti-unting nangingislap ang mga mata sa pagkakatitig kay
Balatbat. "Oo nga naman Mommy. Wala namang mali sa mukha ni Melchor ah," tila
nangangarap pang sabi niya. "Buti na lang dumalaw ka parang mas lalong gumanda ang
pakiramdam ko."

"O kita niyo naman si Madam Kap na ang nagsabi niyan!" napapakibalikat na
pagmamayabang ni Melchor.

Tumayo si Blake. Ngingiti-ngiting inakbayan niya ang maingay na bisita at tumikhim.

"Sensiya na bro. But this is a bad sign. I guess I won't allow you to see my wife
for the meantime... but don't feel bad. Ipinapangako ko sayong ninong ka."

"NINONG SIYA???" sabay na sabay na bulalas ng lahat maliban kina Blake at Alex.

"Yes," siguradong sagot ng mag-asawa.

Walang nagawa ang lahat. Si Cassandra ay idinaan na lamang sa palihim na pagbelat


sa pulis ang pagtutol.

"Bye! Alis na ko! Madam Kap titigan niyo na ang mukha ko habang may oras pa,"
pahayag ni Melchor.

"Teka mamaya na! Kadarating mo lang ah!" tutol ni Alex.

"Hindi pwede Madam Kap. Gustuhin ko man pero mas gusto ko ang kapalit nito, ang
pagiging ninong ko. Goodbye everybody!" may paflying-flying kiss pang paalam ng
pulis.

"GOOD-BYE!!!"
epilogue

"WAAAAAAAAHHHHHH!"

Agad na tumigil si Alex sa pag-aayos ng mga damit. Nagmamadaling lumabas siya ng


walk-in closet.

Naabutan niya ang dalawang anak na parehong nakasalampak sa sahig habang


napapaligiran ng nagkalat na mga laruan.

"Cassandra what have you done to your brother?!"

Mabilis na tumayo si Cassandra hawak ang isang robot at hinarap ang ina. "Why me? I
didn't do anything wrong," depensa nito.

Humihikbing tumayo si Gavin Marlon, ang kanilang dalawang taong gulang na bunso.
May katabaan ito. Maputi na may napakapinong kutis. Mapupula ang mga labi at may
animong mansanas na mga pisngi. Bilugang mga mata at maiitim na mga pilikmata. May
ilong na kawangis na kawangis ng ama. Itim na itim ang medyo maalong buhok.

Lumuluhang itinuro ng batang lalaki ang laruang hawak-hawak ng kanyang ate.

"Waaah! Mommy... Ate don't give baby his robot," utal na sumbong nito.
Pinamaywangan ni Alex ang panganay. "See? Ilang taon ka na ba Cassandra Marlene?"

"I'm ten. What kind of mother are you? You don't know the age of your own
daughter."

Napatapik si Alex sa kanyang noo. "That's not what I meant. All I'm saying na sa
edad mong yan kailangan ba ay nakikipag-agawan ka pa ng laruan diyan sa kapatid
mo?"

"Mommy hindi ko po siya inaagawan. I'm just teaching him how to play with it
properly," namimilog ang mga matang depensa ng batang babae.

"That's always been your excuse! Akala mo hindi ko napapansin na kunwari'y


tinuturuan mo siya but at the end you were the one playing with the toys. I thought
you fully understand your responsibility as her 'ate'. You said you'll protect your
little brother pero bakit ikaw ang laging nagpapaiyak sa kanya?"

Tumahimik si Cassandra at nakokonsensiyang napayuko ito.

"If you really want to become an officer like Mom someday, you should already start
applying to yourself the right attitude. Anong sabi ko sayo tungkol sa tamang pag-
uugali ng isang responsableng pulis para sa mga taong walang kalaban-laban?"

"Protect the helpless. Don't be a bully. 'Must not be driven by pride. Maintain
humility at all time..." mahinang sagot ng panganay habang nanatiling nakatingin sa
sahig.
Napataas ng noo si Alex at lihim na napangiti sa tinuran ng anak. Ngayong tanggap
niya nang dugo at katapangan niya ang nanalantay sa panganay, walang kasing sarap
sa pakiramdam na seryosong itinatanim nito sa isipan ang bawat mahahalagang bagay
na itinuturo niya dito. Ipinagmamalaki niyang may anak siyang maagang mangarap na
lumaki bilang isang mabuti at responsableng tao. Dama niyang kung sakaling tahakin
nito ang landas na dati'y kanyang tinahak, tiyak niyang kayang kaya nitong higitan
ang mga bagay na nagawa niya.

Maamong hinarap ni Cassandra ang kapatid. Inabot dito ang laruan at pagkuway
niyakap ito.

"Ate loves you baby Gavin. What do you want? Just say it and Ate Cassie will give
it you," puno nang lambing na alo ng batang babae.

Tumigil sa pag-iyak ang bunso at agad din itong napangiti ng lambing ng kanyang
ate. "G-Gavin w-want t-toys.."

Mabilis na nilingon ni Cassandra ang ina. "Mommy more toys pa daw. Bili niyo pa po
siya!"

Natatawang napailing na lamang si Alex. "Your Dad will be arriving shortly kaya in
few minutes iligpit niyo na yang mga kalat niyo," paalala niya bago balikan ang
ginagawa sa closet.

"Mommy is it okay if I ask the help of maids? Pero tutulong din po ako sa
pagliligpit?" paalam ni Cassandra.

"Okay."

Bumalik si Alex sa pag-aayos ng mga damit ng mister. Kahit dalawang bata na ang
inaalagaan niya, wala pa ring pwedeng mag-asikaso ng mga gamit ni Blake maliban sa
kanya. Kung ano ang pag-aalaga't pagmamahal na ibinibigay niya sa mga anak, ganun
pa din ang ibinibigay niya para sa asawa.

Ang mister naman ay lalong nagsumikap sa pagpapaunlad ng kumpanya. Simula ng


isinilang niya si Gavin ay mas lalo itong ginanahang magtrabaho. Ngunit hindi rin
naman ito naging dahilan para mabawasan ang oras nito para sa kanila bagkus ay tila
lagi pa nga itong nagmamadaling umuwi.

"DADDDDYYYY!!!" Napangiti siya nang madinig ang sigaw ng mga bata.

Sa pinto pa lamang ay nakangiting inilahad na ni Blake ang kanyang mga braso para
sa mga anak. Sabik na tumakbo patungo sa kanya ang dalawang bata. Nagpakarga agad
si Gavin samantalang si Cassandra naman ay humalik lamang sa pisngi niya.
Nakangusong inuugoy nito ang katawan habang pinapanood siyang karga-karga ang
bunso.

"Sweetie bakit hindi ka na yata nagpapakarga sa Daddy ngayon?" puna niya.

"M-Malaki na po kasi ako. My classmates said ang mga babies na lang daw po ang
nagpapakarga sa kanilang parents," halatang pilit na sagot nito.

Natawa siya. Nilambing niya ng ilang saglit ang bunso. Pagkuway walang pasabing
kinarga niya ang panganay.

"Who said you're no longer a baby? Para kay Daddy you will be always be a baby and
a little princess."

Pigil ang ngiting tumingin si Cassandra sa ama. "Really?" Tuwang-tuwang yumakap


siya sa leeg ng kanyang Daddy at humahagikhik na sumubsob sa balikat nito. "Ay Dad
yung slippers niyo po!" bigla niyang naalala saka nagmadaling bumaba.

Nag-unahan ang magkapatid sa pagkuha ng tsinelas ng ama. Nauna ang panganay ngunit
ibinigay din naman nito ang isang kapares sa bunso. Sabay nilang iniabot ang
tsinelas sa tatay habang naghuhubad ito ng sapatos.

"My little son is learning fast," tuwang-tuwang komento ni Blake habang


pinagmamasdan ang matabang bata na hirap sa pagyuko upang ilapag ang tsinelas sa
sahig.

"Because her Ate is teaching him well, right Baby Gavin?" ani Cassandra sabay pisil
sa malusog na pisngi ng kapatid.

"Y-Yes.. A-Ate.."
Iniligpit ni Cassandra ang hinubad na sapatos ng ama. Si Gavin naman ay gumapang na
papaakyat ng kama at nag-umpisa na ulit ito sa hilig nitong pagtatatalon.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Blake nang mapansin si Alex na nakasandal sa may
pintuan ng closet. Nakahalukipkip ito at tahimik silang pinagmamasdan. Paglapit
nito sa kanya'y agad niya itong hinigit sa beywang at sabik na hinalikan ng mariin
sa mga labi.

"How's the day of my hottie wifey?" bulong niya.

Hinubaran siya ng misis ng neck tie. "Eto pumunta kami ni Gavin sa pedia kaninang
umaga tapos sa hapon naman umattend ng PTA meeting nina Cassandra." Biglang namilog
ang mga mata ng asawa. "Ay hon! Ibinulong sa akin ng teacher. Running for first
honor daw yang anak mo."

"Really? Mana talaga sa tatay," mayabang na komento niya.

"Kaso ang problema lang daw talaga, masyadong malikot!"

"Mana talaga sayo," napapailing na dagdag komento niya.

Pagkabihis ni Blake ay pinahanda na ni Alex sa mga kasambahay ang hapunan. Simula


nang madagdagan ng isa, ang dating masayang hapunan ngayo'y naging masaya't magulo
na.

Mahirap kasing pakainin si Gavin. Hindi dahil sa ayaw nitong kumain kundi dahil sa
napakalikot nito sa mesa. Madalas ay umaakyat ito sa ibabaw at paboritong
pakalansingin ang mga kubyertos hanggang minsan ay may nababasag pa itong mga baso
dahil sa kakapalo nito ng kutsara't tinidor. Ayaw nito sa baby chair at ayaw na
ayaw nitong tinatalian siya. Hindi naman sang-ayon si Blake na huwag muna itong
pasabayin sa hapag-kainan. Gusto niyang maaga pa lamang ay maitanim na sa isipan ng
mga anak na sama-sama sila sa lahat ng bagay.

Pagkatapos ng hapunan, nilinisan at binihisan ni Alex ang bunso. Tinimplahan ito ng


gatas sa bote at payapa nang inihiga sa kama. Si Cassandra naman ay kaya nang mag-
ayos ng sarili ngunit lagi pa rin itong nagpapasuklay sa kanya sa gabi.
"Mommy can I sleep her tonight?" paalam ng panganay habang nakaharap sila sa
salami't sinusuklayan niya.

Napatingin siya kay Blake na noo'y kahit may ginagawa sa kanyang working table ay
bigla ring napatingin sa kanya nang marinig ang sinabi ng anak. Sumenyas ito ng
iling.

" Aren't you comfortable in your bedroom? Mas gusto mo bang yung masikip tayo sa
kama?" malumanay na sabi niya.

"Eh gusto ko po kasing makatabi si Gavin. If you want, he can sleep in my room,"
suhestiyon ng bata.

"Hindi pwede. Alam mo namang umiiyak yan kapag hindi ako katabi."

"So kaya dito na lang po ako matutulog!" masiglang pahayag ng panganay.

"W-Well...ask your Dad."

"Dad can I sleep here tonight?" malambing na paalam ni Cassandra.

"Sweetheart you're no longer a baby to sleep beside your parents," kunway


determinadong sagot ni Blake.

Napakunot ng noo ang batang babae. "You said I will always be a baby to you,"
biglang singil nito.

Natameme ng ilang saglit ang ama. "O-Okay but just for tonight," walang nagawang
pagpayag nito.

"Yey!" Mabilis na umakyat sa kama si Cassandra at nilapitan ang dumededeng kapatid.


"Gavin, Ate is sleeping here tonight!"

Pansamatalang tumigil sa pagsipsip ng gatas ang bunso at sumagot ng ngiti sa


kanyang tuwang-tuwang ate.
Pagdating ng oras nang tulugan, tahimik na nagtititigan sina Blake at Alex habang
nakahiga sa magkabilaang gilid ng kama. Napapagitnaan sila ng dalawang anak.
Nakayakap at nakadantay si Cassandra sa ama samantalang nakasiksik sa nanay ang
bunso. Mahimbing nang natutulog ang mga bata.

Napangiti si Alex nang maramdaman ang gumagapang na paa ng asawa. Maingat na


pinaglapit nila ang kanilang mga mukha upang magnakaw ng halik subalit nang malapit
ng maglapat ang kanilang mga labi ay bigla kumilos ang dalawang bata. Humigpit ang
pagkakayakap ni Cassandra sa ama at si Gavin naman ay napadantay at napayakap na
rin sa ina.

Napapabuntong-hiningang bumalik sa dating pwesto si Blake.

"Bukas na lang ..." natatawang bulong ni Alex.

"Do I have a choice?" walang magawang sagot ng lalaki.

Binigyan ni Blake ng tig-isang halik ang mga anak. Idinantay niya ang isang paa sa
paa ng misis at saka pinatay ang lampshade sa tabi.

Binalot ng dilim ang buong paligid.

"Goodnight honey."

"Goodnight hon."

��THE END��

A/N
Maraming salamat sa suporta mula AAKA, ASKA hanggang dito sa AMKA. Yung interest na
binigay niyo sa Astig Series made me realized that you guys truly love Alex and
Blake. And I feel honored that I was able to create characters that could touch
your hearts. I was hoping that in this third book hindi lamang ang mag-asawa ang
tumatak sa puso niyo kundi ang buong Pamilya Monteverde. :)

Thank you very much everyone.

?,

SWEETMAGNOLIA

P.S.

CASSANDRA MARLENE remains in my heart.

Anda mungkin juga menyukai