Anda di halaman 1dari 20

Department Of Education

P Region VI – Western Visayas


SDO - Bacolod City
A
ARALING PANLIPUNAN
G
K
A N
LESSON
K G EXEMPLAR IN
A ARALING ASYANO
I P (IKALAWANG MARKAHAN)
S A
A G
K Localized and Indigenized Teacher’s Guide

S A Level: GRADE 7 Araling Asyano


Topic: Sinaunang Kabihasnan sa Asya
A K (Ilog San Sebastian de Magsungay: Lunduyan ng
Sibilisasyong Bacolod)
A Cultural Icon: Ilog ng San Sebastian de
Magsungay
K I Writer & Ilustrator: Farlene T. Pretta
Photo Credits: Farlene T. Pretta &
A B Rommel C. Pretta Jr.
B A
I
L
A
Published by the
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)
Department of Education
Region VI – Western Visayas
SDO - Bacolod City
Bacolod City

Copyright 2018

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the
Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed by the Curriculum and Instruction Division (CID) of the
Department of Education, Division of Bacolod City. It can be reproduced for educational
purposes only. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement
or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the
copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes
and profit.

Written by: FARLENE T. PRETTA


Illustrator: FARLENE T. PRETTA
Photo Credits: FARLENE T. PRETTA & ROMMEL C. PRETTA JR.

Quality Assured by:


DepEd-Bacolod City LRMDS TEAM
JOY A. RULLAN, MT II, BSANHS
PINKY PAMELA S. GUANZON, EPSVR – SOCIAL STUDIES
ELLEN G. DE LA CRUZ, PhD. EPSVR-LRMDS

Recommending Approval:
JANALYN B. NAVARRO, Ph.D. – CID Chief

Approved by:
CYNTHIA G. DEMAVIVAS, CESO V
Schools Division Superintendent

This first digital edition has been produced for print and online distribution within the
Department of Education, Philippines via the Learning Resources (LR) Portal by the Division
of Bacolod City, https://depedbacolodcity.info

Page 2 of 20
LESSON GUIDE IN ARALING ASYANO

I. Layunin

Page 3 of 20
A. Pamantayan ng Nilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang
Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

C. Pamantayan sa Pagkatuto: AP7 KSA – IIc – 1.4


Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer,
Indus, Shang).

D. Layuning Pagkatuto para sa Tatlong (3) Araw


1. Natatalakay ang maikling kasaysayan ng Ilog Magsungay at
nasusuri ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan sa
kasalukuyan.

2. Nabibigyan nang pagpapahalaga ang kasaysayan ng Lambak


Ilog Magsungay sa pamamagitan ng paggawa ng campaign
poster-slogan.

3. Nailalahad at naipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang


gawang campaign poster-slogan at nabibigyan sila ng
pagkakataong maipakita ito sa mga taga-Magsungay.
II. Nilalaman/Paksa: SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
Paksang Panglokalisasyon:
Ilog ng San Sebastian de Magsungay: Lunduyan ng Sibilisasyong
Bacolod

III. Kagamitang Panturo: mga larawan ng pamayanan ng sinaunang


Bacolod, mga larawan ng Bacolod ngayon, mga larawan ng Ilog
Magsungay, Led TV, pentel, pen, manila paper, mga larawan ng bola na may
teksto, graphic organizer, mga puting cartolina, coloring materials, meta strips
ng mga sumusunod: Buglas, Sum-ag, Piratang Moro, Kamingawan, .
Bakulud, San Sebastian, 1829, Bacolod, Binalbagan, Fr. Julian Gonzaga, San
Sebastian de Magsungay.
.
Mga Sanggunian:
DEPEd Modyul para sa Mag-aaral ng Grade 7. ASYA: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba, pahina 112-115, 2004.

Sa-onoy, Modesto P.History of Negros Occidental. pahina 61-62, 1992.

IV. Pamamaraan: Tatlong Araw


UNANG ARAW:
A. Balik-Aral: (10 minuto)
I-Shoot sa Basket
Page 4 of 20
Panuto para sa Guro: Idikit sa pisara ang mga nagawang basket ng bola
na may nakasulat na pangalan ng tatlong sinaunang kabihasnan ng Asya
(Sumer, Indus at Shang) at sa ibaba nito ay mga larawan ng bola na may
nakasulat na mga kontribusyon ng tatlong kabihasnan (Tingnan ang
halimbawa sa ibaba at dapat ay hindi magkasunod-sunod). Pagkatapos na
i-shoot ng mga mag-aaral ang larawang bola ay idikit ito sa tabi ng tamang
basket.

Sabihin sa mga mag-aaral: Gamit ang mga bola na may nakasulat na mga
konsepto tungkol sa tatlong (3) sinaunang kabihasnan ay i-shoot at idikit sa
basket kung saang kabihasnan napapabilang ang mga ambag o
kontribusyong ito at magbigay ng maikling paliwanag.

SUMER

SUMER INDUS SHANG

Halimbawa:

CUNEIFORM GREAT WALL


M

INDUS CALLIGRAPHY

HARAPPA ZIGGURAT

Page 5 of 20
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (5 minuto)
ZIGGURAT
CALLIGRAPHY
Larawan Ko Kilalanin Mo:
Panuto para sa Guro: Ipakita ang mga larawan at hayaan ang mga
mag-aaral na magbigay ng kanilang sariling opinyon tungkol sa larawan
gamit ang mga pamprosesong tanong.

Sabihin sa mga mag-aaral: Tingnan ninyo ang mga larawang ito


at magbigay ng inyong sariling opinyon tungkol sa larawan. Maaari ninyong
gamitin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa inyong
pagpapaliwanag.

Pamayanan ng Bacolod taong 2018

Page 6 of 20
Araneta St., Bacolod (November 17, 2018)

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Pamilyar ba sa inyo ang lugar sa mga larawang ito? Ano
ang lugar ito? Saan ito matatagpuan?
Posibleng Sagot: Pamilyar po ang larawan at iyan ay malapit sa Gaisano
City sa Araneta St. ng Bacolod.

2. Ano ang masasabi mo tungkol sa lugar na ito?


Posibleng Sagot: Maraming tao sa lugar na iyan at maunlad na, at nasa
sentro ng lungsod.

3. Ang lugar ba na ito ay maituturing natin bilang isang


kabihasnan? Kung Oo, bakit mo nasabi na ito ay isang kabihasnan?
Posibleng sagot: Opo, isa po iyang kabihasnan dahil sa maunlad na at
maraming tao.

4. Ano ba ang kahulugan ng kabihasnan? Ano naman ang


kahulugan ng sibilisasyon? Ano ang kaibahan ng dalawang salita?
Posibleng Sagot: Ang kabihasnan ay lugar sa rural samantala ang
sibilisasyon ay matatagpuan sa urban o sentrong lungsod.

Tandaan: Kung halimbawang hindi maibigay ng mga mag-aaral


ang tamang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon ay nararapat
lamang na ipaliwanag ito ng tama.

Sabihin Mo:
Ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa
lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon.
Samantala ang sibilisasyon ay tumutugon sa pamumuhay ng
mga lipunang umusbong sa lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus
at Shang.
Page 7 of 20
C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (5 Minuto)

Larawan, Ano ang Ipinahihiwatig Mo?

Sabihin sa mga mag-aaral: Ang mga larawan na ipinakita ay


nagpapahiwatig na ang Bacolod ay isang maunlad na kabihasnang
nagkatatak hindi lamang sa mga taga-rito sa ating lungsod kundi kilala rin ito
sa buong daigdig. Ito ay may makulay na kasaysayan.

Panuto para sa Guro:


1. Dagdagan ang mga larawang ipinakita at hayaan ang mga mag-aaral
na makapagbigay ng kanilang opinyon gamit ang mga larawan. Gamiting
gabay sa pagsagot ang mga pamprosesong tanong.

2. Maaaring idikit na sa kartolina o manila paper ang mga larawan ng


Magsungay para direktang maipakita sa mga mag-aaral upang sila ay
makapagbigay ng opinyon at mga paliwanag.

Mga Larawan ng Magsungay na ipapakita sa mga mag-aaral.

Ilog Magsungay (September 8, 2017)

Page 8 of 20
Lambak ng Ilog Magsungay, November 17, 2018

Ilog Magsungay (November 17, 2018)

Kasalukuyang Pamayanan sa Lambak -Ilog Magsungay (2018).

Page 9 of 20
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Alam ba ninyo kung paano nagsimula ang kabihasnan ng Bacolod?
Posibleng sagot: Opo/Hindi, po. (Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay
ng alam nilang kwento tungkol sa kasaysayan ng Bacolod.)

2. Alam ba ninyo kung saan matatagpuan ang larawang ito?


Posibleng sagot: Opo/Hindi, po.

3. Ano ang kaugnayan ng larawang ito sa pag-usbong ng kabihasnang


Bacolod?
Posibleng Sagot: Dito matatagpuan ang ilog na naging lunduyan o
pinagmulan ng kabihasnang Bacolod.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan (30 Minuto)
Bacolod Kong Mahal!
Panuto para sa Guro:
1. Idikit ang mga metastrips ng mga salita sa pisara at hayaan ang mga
mag-aaral na talakayin ang kasaysayan ng Bacolod gamit ang mga ito ayon
sa pagkasunod-sunod ng mga salita.

Mga Susing Salita sa Pagtalakay ng Kasaysayan ng Bacolod


1. Buglas – ang lumang pangalan ng Negros na ang ibig sabihin
ay “mula sa” o “pinutol mula sa”.
2. Sum-ag – isa sa unang lugar na naging lungsod (1803) sa
Negros na matatagpuan sa gitna ng Bago at Bacolod.
3. Piratang Moro – mga mananalakay ng Magsungay mula 1763 –
1765 na nagtaboy sa mga katutubo papuntang bakulud na kinilala
ngayong Kamingawan.
4. Kamingawan – ang lugar kung saan lumikas ang mga tao mula
sa Magsungay. Nangangahulugang “lugar ng kalungkutan” o “place
of loneliness”. Ito ay isang barangay sa gitna ng Bacolod City at
Barangay Granada.
5. Bakulud – lugar na tinirhan ng mga takas mula sa Magsungay
mula 1765 hanggang Setyembre 15, 1766.
6. San Sebastian – ang ibinigay ng Rome bilang patron saint ng
Magsungay dahil dito ang lugar ay kinilala bilang San Sebastian
de Magsungay.
7. Bacolod – ang pangalan na ginamit ng Rome para sa mga
dokumento sa Vatican na nanatili na hanggang sa kasalukuyan.
8. Binalbagan – tagapangalagang espiritwal ng Bacolod noon
1765 ngunit napasa-ilalim sa Bacolod nang ito ay sinalakay noong
1785.
9. Fr. Julian Gonzaga – ang kura-paroko ng Bacolod taong 1818-
1863.
10. 1829 – muling pag-atake ng mga Muslim sa Bacolod, Talisay, at
Silay na humantong sa pagkabihag ng isang daan (100) katutubo.

Page 10 of 20
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling kasaysayan
ng Bacolod sa loob ng labinlimang minuto (15 minuto) kung saan ay
makikita nila na sa Lambak-ilog Magsungay unang nanirahan ang
sinaunang mamamayan rito.

3. Gawing gabay ang mga pamprosesong tanong upang


higit na maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kasaysayan ng Bacolod at
mailahad ang kahalagahan ng Ilog Magsungay.

Sabihin sa mga mag-aaral: Ngayong nabasa na ninyo ang kasaysayan ng


Bacolod ay ipaliwanag ninyo ito gamit ang mga sumusunod na salita sa
metastrips. Sasabihin ninyo ang kaugnayan ng mga salitang ito sa
kasaysayan ng Bacolod.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Anong barangay sa Bacolod ang unang naging bayan kasabay Talisay
noong 1803? Ano kaya ang nangyari at hindi ang lugar na ito ang naging
sentro o lungsod ng Negros Occidental.
Posibleng sagot: Ang Sum-ag ang isa sa unang naging bayan ng Negros.
Hindi ito naging lungsod tulad ng Bacolod dahil sa Bacolod mismo nalinang
ang kabihasnan ng lugar. Dito naitayo ang katedral ng siyang naging
tagapangalagang espiritwal ng ilang parokya sa karatig bayan tulad ng
Binalbagan at ito din ang naging sentro ng politikal ng lugar.

2. Ano ang nangyari sa Magsungay noong taong 1763-1765.


Posibleng sagot; Sinalakay sila ng mga Morong Muslim at karamihan sa
mga tao rito ay naitaboy sa “bakulud” at nang ito ay lisanin ay nakilala
bilang “Kamingawan” o ”lugar ng kalungkutan.”

3. Ano sa tingin ninyo, tama ba ang naging desisyon ng mga taga-


Magsungay na nilisan nila ang kanilang lugar?
Posibleng sagot: Oo, dahil sa nanganib ang kanilang buhay at kailangang
maghanap na lang ng bagong tirahan.

4. Ano kaya ang nangyari sa kanila pagkatapos ng kaganapang ito?


Posibleng sagot: Maaaring sila ay nagbago ng kabuhayan tulad ng
pagsasaka, pagtotroso, pangangaso o pagmimina upang matugunan ang
kanilang mga pangangailangan.

E. Paglinang ng Kabihasaan
Magsungay, Anong Nangyari?:
Panuto para sa Guro: Ipakita ang mga larawan (dapat ay nakadikit na
ang ito sa Kartolina/ manila paper at ipaskil sa pisara) ng kasalukuyang
pamayanan ng Magsungay. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng
kanilang sariling opinion tungkol sa kalagayan ng Magsungay sa
kasalukuyan. Gawing gabay ang mga tanong upang maproseso ng tama
ang aralin.

Page 11 of 20
Sabihin sa mga mag-aaral: Ang sunod na mga larawan na inyong
makikita ay mga kasalukuyang larawan ng pamayanang Magsungay. Ano
ngayon ang inyong masasabi tungkol sa mga sumusunod na larawan?

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Basi sa larawang inyong nakita, kabihasnan bang maituturing ang
Magsungay? Ipaliwanag?
Posibleng Sagot: Oo, isang kabihasnan na maituturing ang pamayanan ng
Magsungay dahil ang mga tao dito ay naging bihasa sa kanilang
hanapbuhay tulad ng pangingisda, pagtatalaba, pagtitinda, at marami pang
iba para matugunan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.

2. Bakit sa lugar na ito unang umusbong ang kabihasnan ng Bacolod?


Ipaliwanang.

Posibleng Sagot: Sa lugar na ito unang nabuo ang pamayanan mula sa


buong lugar sa Bacolod dahil sa matabang lupa sa lambak ng ilog at
malapit sa tubig na pangangailangan ng tao sa araw-araw gayon din sa
kanilang kabuhayan na pangingisda.

3. Ano ang uri ng hanapbuhay meron ang mga tao dito sa kasalukuhan?
Posibleng Sagot: Ang mga tao rito ay nangingisda, nagtatalaba, naglalako
ng kanilang mga paninda, mga tatrisikad, nagmamaniho ng jeep, maramin
ding kainan sa lugar at mga tindahan.

4. Kung pagbabasihan ang nakaraan ng lugar, naging maunlad ba ang


buhay ng mga tao rito? Bakit?
Posibleng Sagot: Marahil ay hindi alam ng mga taga-Magsungay ang
kanilang Makulay na nakaraan kung kaya’t hindi nila ito nabibigyan ng
pagpapahalaga at hindi naalagaan ang paligid.

5. Ano ang masasabi mo tungkol sa Magsungay sa kasalukuyan at sa


mga mamamayang naninirahan dito?
Posibleng Sagot: Karamihan sa mga naninirahan sa lugar ay mga
eskwater, marahil ito ay dahilan kung bakit hindi nila napangalagaan ang
kanilang lugar at kumakalat lamang kung saan-saan ang mga basura na
nagpaparumi dito gayon din sa dagat at ilog na nagbigay sa kanila ng
kabuhayan.

6. Mahalaga bang malaman ng mga mamamayan ng Magsungay ang


kanilang nakaraan? Paano ito makakatulong sa kanilang pag-unlad?
Posibleng Sagot: Dapat lamang na malaman ng mga taga-Magsungay
kung ano ang kanilang nakaraan para mapahalagahan nila na sa lugar na
iyan unang sumibol ang pamayanan ng Bacolod at kanilang
mapangalagaan ito.

7. Sino pa sa tingin ninyo ang dapat na makaalam ng kasaysayan ng


Magsungay?

Page 12 of 20
Posibleng Sagot: Dapat din itong malaman ng lokal na pamahalaan upang
magkaroon ng suporta ang mga mamamayan sa pagpapanatili ng kanilang
lugar at maaari pa itong maging isang tourist spot kung mapaganda ang
lugar.

Ilog Magsungay (low tide) September 17, 2018

Talabahan sa Magsungay

Page 13 of 20
Barangay Magsungay

Mga trisikad sa Magsungay. Isa sa kabuhayan ng mga taga-rito.

Page 14 of 20
Panuto para sa Guro:
Bago ibigay ang takdang aralin para sa susunod na araw ay hahatiin
ang klase sa limang pangkat na maaaring binubuo ng walo hanggang 10 na
mga mag-aaral.

Takdang Aralin:
Sabihin sa mga mag-aaral: Bawat pangkat ay magdadala ng mga
sumusunod dahil gagawa tayo ng Poster-Slogan na naglalaman ng inyong
kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Magsungay at kung paano ninyo
mapapakita ang kahalagahan nito sa mga Magsungay.
Dalhin ang mga sumusunod:
1. Mga pangkulay (coloring materials)
2. 1 buong puting cartolina
3. Ruler

IKALAWANG ARAW:
Layunin: Nabibigyan nang pagpapahalaga ang kasaysayan ng Lambak
Ilog Magsungay sa pamamagitan ng paggawa ng campaign poster-

Page 15 of 20
slogan. AP7 KSA – IIc – 1.4

A. Balik-aral: (5 min)
Panuto para sa Guro: Sa bahaging ito ay huhugutin mo ang natutunan
ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang natutunan sa Kasaysayan ng
Bacolod.

Sabihin sa mga mag-aaral: Ilahad ang mga mahahalagang bagay na


inyong natutunan tungkol sa kasaysayan ng Bacolod at ang kuwento ng
Magsungay. Ano ang inyong naramdaman ng malaman ninyo na ang ating
Magsungay ay may mayaman at makulay pala na kasaysayan?

B. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay


I-Practice Mo Nga:
Panuto para sa Guro: Sa bahaging ito ay bigyan ng pagkakataon ang
mag-aaral na ipahayag ang kanilang saluubin sa nangyari sa lambak ng ilog
Magsungay. Gamitin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa
kanilang pagpapahayag.

Sabihin sa mga mag-aaral: Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataong


makausap ang isa sa mga mamamayan ng Magsungay, ano ang iyong
sasabihin sa kanya? I-practice mo ngayon.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Alam ba ninyo ang kasaysayan ng Lambak-ilog Magsungay?
Posibleng Sagot: Hindi po.

2. Ano ang masasabi mo tungkol sa inyong lugar ngayon?


Posibleng Sagot: Napakarami nang squatters ang naninirahan dito at
napakarumi pa ng paligid.

3. Bakit kaya nangyari ito sa Magsungay?


Posibleng Sagot: Nangyari ito sa Magsungay dahil sa kapabayaan mismo
ng mga taong naninirahan dito. Hindi nila pinahahalagahan ang kalikasan
na siya mismo ang nagbibigay ng kabuhayan sa mga tao dito.

4. May pag-asa pa kaya na maisaayos ang lugar? Paano?


Posibleng Sagot: Malaki ang pag-asang manumbalik ang kagandahan at
sigla ng Lambak-ilog Magsungay kung magtutulungan ang bawat
mamamayan na linisin ito lalo na kung ito ay may suporta sa lokal na
pamahalaan mismo ng Bacolod.

C. Paglalagom: (40 minutos)


Magsungay… Tingnan Mo!
Panuto para sa Guro: Ihanda ang mga mag-aaral para sa pag-gawa ng
Campaing Poster Slogan. Hayaan silang maghanap ng lugar sa paligid ng
silid-aralan kung saan sila komportableng makagawa ng kanilang mga
gawain.

Page 16 of 20
Sabihin sa mga mag-aaral: Ngayong natapos na nating talakayin ang
paksang ito ay gagawa naman kayo ng Campaign Poster Slogan gamit ang
isang buong kartolina na makapaglalahad ng kabuuan ng inyong natutunan
sa araling ito at iguguhit ang inyong mensahe tungkol sa pagbibigay ng
kahalagahan sa kasaysayan ng lambak-ilog Magsungay.

RUBRIK SA PAGDISENYO NG CAMPAIGN POSTER-SLOGAN

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NAKUHAN


G PUNTOS
Kaangkupan Sa Pagpapahalaga sa pagiging
Tema matalinong gawa ng mga 25
mag-aaral na angkop sa tema
Detalye ng Akma sa tema ang mga
Disenyo aspekto ng disenyo tungkol 25
sa pagpapahalaga ng mga
mag-aaral sa San Sebastian
de Magsungay
Orihinalidad at Pagpapakita ng natatanging
Pagkamalikhain disenyo gamit ang pagiging
25
malikhain ng mga mag-aaral
at angkop na mga kagamitan.
Pagpapaliwanag Mahusay na pagpapaliwanag 25
ng Output
Kabuuang Puntos 100

IKATLONG ARAW
Layunin: (AP7 KSA – IIc – 1.4) Nailalahad at naipapaliwanag ng mga
mag-aaral ang kanilang gawang campaign poster-slogan sa klase at
nabibigyan sila ng pagkakataong maipakita ito sa mga taga-Magsungay.

V. Paglalahad ng Campaign Poster-Slogan


Alin Ang Kompleto?

Page 17 of 20
Panuto para sa Guro: Ipadikit sa bawat pangkat ang mga Campaign
Poster-Slogan sa pisara na bibigyan nila ng paliwanag gamit ang mga
pamprosesong tanong. Mula sa mga nailahad na Poster-Slogan ay pipili
ang mga mag-aaral ng isang poster-slogan na naglalaman ng lahat
maraming mensahe at maaaring hirangin bilang pinakamagaling na poster-
slogan.

Sabihin sa mga mag-aaral: Ngayong natapos na ang inyong mga


Campaign Poster Slogan ay ipapahayag ninyo ngayon sa klase ang
mensahe ng inyong mga gawa at aalamin natin kung alin sa mga poster-
slogan na ito ang naglalaman ng kabuuang mensahe at hihirangin bilang
pinakamagaling na poster-slogan. Gamitin ang mga pamprosesong tanong
bilang gabay sa inyong pagpapahayag.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging inspirasyon ninyo o basihan sa paggawa ng inyong
Campaign Poster-Slogan?
2. Anong mensahe ang gusto ninyong iparating sa mga makakakita ng
inyong poster slogan?
3. Alin sa mga poster-slogan na inyo nagawa ang naglalaman ng lahat
ng mensahe mula sa inyong mga ginawa?

VI. Pagtataya ng Aralin: (Formative Test) (20 minuto) (1-10 items):


Panuto para sa Guro: Ang pagtataya na ito ay isang formative na
pagsusulit para malaman ang natutunan ng mga mag-aaral sa aralin. Ito ay
binubuo ng walong (8) tanong at maaaring sagutin sa loob ng 15 minuto.

Sabihin sa mga mag-aaral: Sagutan ninyo ang pagsusulit na ito upang


malaman natin ang inyong natutunan sa ating aralin. Basahin ng husto ang
panuto at mga pangungusap.

I. Kilalanin: Basahin ng mabuti ang mga tanong at ilagay ang sagot o


patlang pagkatapos ng pangungusap.

1. Ang lambak ilog na ito ay kilala bilang lunduyan ng unang kabihasnan


sa Bacolod. Tahimik na namuhay ang mga tao dito ngunit bigla na
lamang silang sinalakay ng mga Moros at pinalayas papuntang bundok.
Ano ang tawag sa lambak- ilog na ito?
Sagot: lambak-ilog Magsungay

2. Tahimik na namuhay ang mga Taga-ilog sa magandang lugar ng


Magsungay ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay sinalakay sila at
naitaboy sa kanilang lugar. Anong pwersa ang umatake sa mga taga-ilog
na naging dahilan ng kanilang paglipat tirahan sa buklod?
Sagot: Moros

3. Sa lugar ng bakulod lumikas ilan sa mga tao ng Magsungay matapos


itong salakayin ng mga Moros. Ipinakilala sa kanila ang kanilang naging

Page 18 of 20
patron saint na si San Sebastian at tagapagligtas. Dahil dito ano ang
ipinangalang ng mga Espanyol sa Magsungay?
Sagot: San Sebastian de Magsungay

4. Paano ibinaybay ng mga Kastila ang salitang bakulud na siyang


ginamit ng mga Espanyol sa mga dokumento sa Vatican na hanggang sa
kasalukuyan ay naging permanente nang pangalang nito.
Sagot: Bacolod

5. Saan nagmula ang salitang Bacolod at bakit tinawag ang lugar na ito
na Bacolod?
Sagot:Mula ito sa salitang buklod na ang ibig sabihin ay lugar na
binubuo ng mga maraming burol o maliit na bundok. (2puntos)

6. Habang inaayos ng mga dating residente ang Magsungay, saang


lugar pa napili ng mga taong nakaligtas sa pananalakay ng mga Muslim
manirahan ?
Sagot: sa mga lugar na kilala ngayong Mandalagan at Banago.

7. Sino ang kura-paroko ng Bacolod na namamahala sa mga parokya


nito noong 1818 hanggang 1836 nag nagpatayo ng simbahan sa
pagitang ng dalawang nayon?
Sagot: Fr. Julian Gonzaga

8. Anong grupo ang huling sumalakay hindi lang sa lungsod ng Bacolod


kundi pati na rin sa Silay at Talisay? Ano ang kinahinatnan ng
pagsalakay na ito?
Sagot: Noong 1829, ay biglaang sinalakay ng mga Muslim ang tatlong
bayan na humantong sa pagkabihag ng 100 residente ngunit hindi nito
napigilan ang pag-asenso ng mga lugar. (2 puntos)

VII. Takdang-Aralin:
Panuto para sa Guro
A. Para sa Poster Slogan:
Magtala ng isang araw upang dalhin sa Barangay Hall ng Magsungay
ang mga Campaign Poster-Slogan at bigyan ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na sila mismo ang magdidikit ng kanilang mga gawa sa
itinakdang lugar. Siguraduhing ito ay may patnugot mula sa Punong
Guro at Kapitan ng Barangay.

B. Bilang paghahanda para sa sunod na aralin:


Gawain 9: Likumin ang Datos (Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
pahina 115)

Sabihin sa Mag-aaral: Ngayong nalaman mo na ang lahat ng


impormasyon sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sagot
ang talahanayan ng mga naging mahalagang ambag o kontribusyon ng mga
kabihasnan sa sangkatauhan. Maaari mong isulat ang iyong kasagutan o di
kaya naman ay maaari ding gumamit ng mga larawan upang mas higit na
Page 19 of 20
maunawaan at makita ng ibang kamag-aral ang hitsura/larawan ng mga
ambag na ito ng kabihasnan. Ipaliwanag mo at ibahagi sa klase ang mga
kasagutan mo.

Mga Kabihasnan Mahahalagang Ambag / Kontribusyon


SUMER
INDUS
SHANG

Pamprosesong Mga Tanong:


1. Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang sa palagay mo ang mga
pinakamahalang kontribusyon sa sangkatauhan? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
2. Paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan?

Note: Ang Teacher’s Guide na ito ay may kaukulang


Learner’s Activity Sheet

Page 20 of 20

Anda mungkin juga menyukai