Anda di halaman 1dari 1

Ang Singapore (pagbigkas: síng•ga•por), na may opisyal na pangalang Republika ng Singapore ay isang pulo, lungsod-

estado, na matatagpuan sa Timog-silangang Asya, sa timog ng estado ng Johor sa tangway ng Malaysia at hilaga ng
kapuluang Riau ng Indonesia.

Mga nilalaman
1Kasaysayan
2Politika
3Mga teritoryong pampangasiwaan
4Ekonomiya
5Mga sanggunian

Kasaysayan
Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Singapore
Ang pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa pangalang Singapura,
nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)” noong ika-16 siglo.
Noong 1819, napunta sa kontrol ni Thomas Stamford Raffles ang lungsod para hadlangan ang dominasyong
pangkalakalan (commercial) ng mga Olandes sa rehiyon. Noong 1826, ang mga kolonya ng istretso ay binubuo ng
Singapore, Malaka at Penang.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman, mula 15 Pebrero 1942, napasailalim ang pulo sa Imperyong Hapon,
Pagkatapos ng digmaan, napiling primer ministro si Lee Kuan Yew. Ang kanyang partido na People's Action Party ay
nagmungkahi para sa integrasyon nito sa pederasyon ng Malaysia, at napabilang ito sa Malaysia hanggang Setyembre ng
taong 1963. Taong 1964, pinahayag ang kagustuhan nitong humiwalay dahil sa mga pagkakaiba at noong 9 Agosto 1965
pinroklama ang kasarinlan ng Republika ng Singapur.

Politika
Pangunahing artikulo: Politika sa Singapore
Ang parlamentarismong ingles ang nagbigay-diwa sa konstitusyon ng Singapore. Ang People's Action Party (Partido ng
Aksiyong Popular) ang nagdo-domina sa politika ng bansa pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan. Ang sistema ng
gobyerno ay mas hawig sa autoritarianismo kaysa sa isang demokrasya multipartidista Subalit, sa kabaligtaran,
masasabing isang modelo ng transparency ang market economy ng Singapore at halos walang katiwalian o korupsiyong
nangyayari sa gobyerno. Ang Singapore ay isang myembro ng ASEAN.

Mga Primero ministro: Lee Kuan Yew, 1965-1990, Goh Chok Tong, 1990-2004, Lee Hsien Loong, (anak ni Lee Kuan Yew),
mula 12 Agosto 2004.
Mga teritoryong pampangasiwaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ekonomiya
Ang kadalasang atraksiyon panturista, ang Merlion
Pangunahing artikulo: Ekonomiya ng Singapore
Ang Singapore ay nagtataglay ng isang ekonomiyang pamilihan na malaya at masagana at may open environment
malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang GDPnito ay ang pinakamataas sa mundo. Nakadepende
ang ekonomiya sa pag-export, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.
Noong 2001, ang recession sa buong mundo pati ang pagbagsak ng sektor ng teklonohiya ay nakaapekto sa ekonomiya
ng bansa (ang GDP nito ay bumaba ng 2%). Ang epidemya ng SARS na nagsimula noong 2003 ay nakapagpabigat din
dito.Maliit lang ang bansang ito at limitado ang yamang likas.Subalit ang mga lider ay napakahusay na nag tuon ng
kanilang pansin sa kalakalan at masiglang nakikipag ugnayan sa mga bansang mauunlad,Bumuo ng patakarang
kapakipakinabangan isinaalang-alang ang kapakinabangan ng bansa na pinag tuonan ng pansin ng pamahalaan.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
Gabay sa Pagkain sa Singapore
↑ Isang lungsod-estado ang Singapore.
↑ "Singapore: History". Asian Studies Network Information Center. Hinango noong 2007-11-02.
↑ "Population - latest data". Singapore Department of Statistics Singapore. 2008-10-17. Hinango noong 2008-10-17.
↑ Jump up to:4.0 4.1 4.2 4.3 "Singapore". International Monetary Fund. Hinango noong 2008-10-09.

Anda mungkin juga menyukai