Anda di halaman 1dari 4
ST PAULS MEDIA FE GS ANBUHAY Ika‘ Linggo ng Adbiyento (k) — Rosas/Lila JUNDAY © TV MARIA © FOLLOW US ON fiacenook © EBVoilibe OAM « [sselciane Disyembre 16, 2018 Maging Maligaya sa Panginoon! ‘lala ang ikatlong Linggo ng Adbiyento bilang Gaudete o Linggo ng Pagsasaya. Katunayan, maaring magbihis ang pari ng kasulyang kulay rosas sa Misa, sagisag ng malaking kagalakang nadarama ng mga tao dahil malapit na malapitna ang Pasko. Ngunit alam nating hindilahat ng tao ay maaaring nagsasaya sa panahong ito kahit malapit na ang Pasko. Maaari ngang ang Pasko ay isa sa pinakamasayang araw sa buong taon, ngunit maaari ring magdulot ito ng mabigat na kalungkutan sa ibang tao. Katunayan, sa mga kanluraning bansa, malaking bilang ng pagpapakamatay ang naitatala sa panahong ito. Hindi lahat ng tao ay may masaya at kumpletong pamilyang mauuwian katulad ng palaging ipinakita sa mga patalastas sa telebisyon. Hindi rin lahat ay may pagkaing handa sa Pasko, o bagong damit at sapatos. Maaari pa-nga bang magalak sa Pasko kahit wala ang mga mahal mo sa buhay sa piling mo, 0 kung wala kang matanggap na regalo? Ang tatlong pagbasa sa Misa ngayong Linggo ay magkakatulad ang isinasaad: ‘Magalak kayo sa Panginoon! Sa Lumang Tipan, pinalalakas ni propeta Sofonias ang kalooban ng bayang Israel. Lulupigin ng Diyos ang kanilang kalaban at sasamahan sila ng Diyos bilang hari at makikiisa sa pagdiriwang! Hinihikayat naman ni San Pablo sa kanyang sulat ang mga taga-Filipos na huwag magpatalo sa mga hamon sa buhay. Sa halip, aniya, taimtim na humiling sa Diyos na may kapayapaan at pasasalamat. Sa ebanghelyo ni San Lucas, nananabik ang mga tao sa pagdating ng Mesiyas. Akala ng marami si Juan Bautista ang malaon na nilang hinihintay na Manunubos ngunit maliwanag para kay Juan kung sino siya at kailanmaly hindi siya nangahas magpanggap bilang Mesiyas. *Siya'y makapangyarihan kaysa akin, atnihindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak,” patotoo ni Juan. Nais din malaman ng mga tao mula kay Juan kung paano sila maghihintay sa pagdating ng Mesiyas. Hindi magarbong piging ang hiniling ni Juan sa mga tao. Bukod sa pagsisis! sa mga kasalanan, tinuruan niya ang mga tao na magbahagi ng kanilang damit 0 pagkain sa mga kapus-palad. Tinuruan niya ang mga publikano na maging matapatat maningil lamang kung ano ang nararapat. Samga kawal na naglilingkod sa bandila ng bansang mananakop, nagsalita si Juan laban sa panghihingi na may pamimilit, at gayon din sa maling pagpaparatang sa mga mamamayan. "Masiyahan kayo saiinyong sahod,"dagdag ni Juan Kadalasan, iniisip natin na magiging masaya tayo kung makakatanggap ng regalong matagal na nating inaasam, 0 kung mabibili natin ang isang gamit na pinaglaanan natin ng pawis at oras sa pagtatrabaho. Sa mensahe nina Apostol Pablo, propeta Sofonias, at Juan Bautista, ipinapakita sa atin na ang inaalok ng Kaharian ng Diyos ay hindi pansariling layaw o kasiyahan, na agad nawawala, kundi ang malalim na kaligayahang bumubukal sa puso ng taong marunong magpatawad, makiramay at maabigay sa kapwa tao. Kung titingnan natin ang buhay ng mga banal, ganap ang kanilang kaligayahan sa kabila ng kanilang simpleng buhay, at sa kabila ng hirap na kanilang dinanas, Matutunan nawa nating maging tunay na maligaya sa Panginoon at huwag tayo magpalinlang samga huwad na kasiyahang iiwan tayong talunan at luhaan. — Padre Paul J. Marquez, SSP Pambungad [Fil 4:4, 5] ‘Basin ung walang pamburgad na cuit) Magalak nang palagian sa Poon nating marangal. Darating ang hinihintay, ating pinananabikan Panginoon nating mahal. Pagsisindi ng Kandila (Sisindihan ang pangatlong kandila na ‘eudlay rosas.) P - Dakilang Ama, sa patuloy naming paglalakbay sa panahon ng Adbiyento, sinisindihan namin itong kandila ng pag-asa at kapayapaan, at ang kandilang galak. Pagkalooban mo kami ng lakasng loob na maranasan ang tunay na galak na dulot ng pagdating ng iyong Anak: galak sa gitna ng kawalan ng pagrese, galak sa panahon ng abiguan, at galak sa harap ng pag-2alinlangan B-Amen. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P - Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring. basahin ito 0 isang ba- halintulad na pahayag) P - Ngayon ay Linggo ng Gaudete. Inaanyayahan tayong magalak sapagkat naririto na ang ating kaligtasan. Sa pagsisimula rin'ng Taon ng Kabataan, inaanyayahan ang kabataan na maging misyonerong naghahatid ng kagalakang dulot ng pagdating ni Jesus sa kanilang buhay. Ipanalangin nating sila’y maging Kagalakan ng Ama sa lahat ng taong kanilang makasasalamuha. B-Amen. Pagsisist P -Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat sa banal na pagdiriwang. (Lumahimik) P - Panginoon, kami‘y nagkasala sa iyo. B-Panginoon, kaawaanmokami. P - Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas. B - Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas. P - Kaawaan tayo ng maka- Pangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B-Amen. (Hindi aawitin ang Papusi sa Diyos sa ‘Misa ng Lingo ng Adbiyento. Aawitin la- ‘mang ito sa Misa para sa Simbang Gabi) Pambungad na Panalangin P - Manalangin tayo. (Tumahimit) Ama naming maka- pangyarihan, tunghayan mo ang pananabik ng iyong sambayanan sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon naming mahal. Pasapitin mo kami sa kagalakang dulot ng kanyang pagtubos at pasiglahin mo kami sa ppcpepe=slaines sa iyong aloob sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawelang hanggan. B-Amen, Unang Pagbasa [Sof 3:14-18a] (Umupo) Inaanyayahan ni propeta Sofonias ang bayan ng Diyos na buong galak na umawit at magdiwang sapagkat pinatawad na ng Diyos ang kasalanan ng kanyang bayan at pauuwiin na sila sa kanilang tahanan mula sa pagkakatapon. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias UMAWIT ka nang malakas, Lungsod ng Sion; sumigaw ka, Israel! Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem! Ang mga nagpaparusa sa iyo ay inalis na ng Panginoon, at itinapon niya ang inyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo ang Hari ng Israel, ang Panginoon; wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na yaon ay sasabihin se Jerusalem: "Huwag kang matakot, Sion; huwag manghina ang iyong loob. Nasa piling mo ang Panginoong iyong Diyos, parang bayaning fagtagumpay; makikigalak siya sa iyong katuwaan, babaguhin ka ng kanyang pag-ibig; at siya'y masayang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang sa pista.” — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Satmong Tugunan (Is 12) T-D’yos na kapiling ng bayan ay masayang papurihan. EC. Marfori D GD Diyos na ka-prling ng ba - yan Em D — Ss ay ma-sa-yang pa- pu-rihan. 4. Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,/ tiwalang- tiwala ako at wala munti mang pangamba./ Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,/ Siya ang aking awit, ang aking kaligtasan./ Malugod kayong sasalok ng tubig/ sa batis ng kaligtasan. (T) 2. "Umawit kayo ng papuri Poon,/ sapagkat kahanga- hanga ang kanyang mga ginawa,/ ipinahayag ninyo ito sa buong daigdig./ Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,/sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal ng Israel.” (T) Ikalawang Pagbasa (Fil 4:4-7) Puno ng pagsubok at paghihirap ang buhay Kristiyano. Ngunit nana- nawagan si San Pablo sa mga taga-Filipos na mabuhay sa kapayapaan at kagalakan sapagkat kasama nila ang Panginoon. Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos MGA KAPATID: Magalak kayong lagi sa Panginoon. inuulit ko, magalak kayo. lpadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Kristo Jesus. — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Aleluya [Is 61:1] (Twmayo) B - Aleluya! Aleluya! Espiritu ng Maykapal nasa akin upang hat’dan ang mga dukha ng aral. Aleluya! Aleluyal Mabuting Balita (Lc 3-10-18) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas B- Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon: Tinanong si Juan Bautista ng mga tao, “Kung gayun, ano po ang dapat naming gawin?” “Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain,” tugon niya. Dumating din ang mga publikano upang pabinyag at itinanong nila sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?” Sumagot siya, "Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat singilin.” Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami, ano naman ang dapat naming gawin?” "Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit © ng pagpaparatang ng di totoo; masiyahan kayo sa inyong sahod,” sagot niya. Naghahari sa mga tao ang pananabik sa pagdating ng Mesiyas at ang akala ng marami'y si Juan ang kanilang hinihintay. Kaya’t sinabi ni Juan sa kanila, “Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya'y makapangyarihan kaysa akin, arnt bindtsko karaoeedapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya ang trigo sa kanyang kamalig, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.” Marami pang bagay ang ipinangaral ni Juan sa mga tao sa kanyang paghahayag ng Mabuting Balita. — Ang Mabuting Balita ng Pangincon. B - Pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo. Homiliya (Unupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo) B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amangmakapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit atlupa. Sumasampalataya ako kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, anganak ni Santa Mariang hen, Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat salangit, Nalulukloksa kananng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga- bubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaranngmgakasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan P- Buong galak at pagtitiwala nating idalangin sa Diyos Ama na sa pagdating ng kanyang Anak at Panginoon natin ay mas mapatibay pa ang ating pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Sabihin natin: T - Panginoon, dinggin mo kami. L - Upang ang mga namumuno sa. Santa Iglesya Katolika ay mapuno ng pag- asa at kagalakan, at may lubos na*sigasig sa pagbabahagi ng kaligtasan ni Jesukristo, manalangin tayo: (T) L- Upang ang mga pinuno sa pamahalaan ay maglingkod sa diwa ng katotohanan, katapatan, at katarungan, at talikuran ang anumang uri ng katiwalian at di-makataong Pagtrato sa mga mamamayan, manalangin tayo: (T) L - Upang ang sambayanang Pilipino ay laging magsikap para sa pagkakaisa, kepayapaan, at kaunlaran sa ating bayan, manalangin tayo: (1) L - Upang ang mga maysakit, mga nawawalan ng pag-asa, mga pinabayaan, at mga biktima ng karahasan at kahirapan ay makstsgpe ng kalinga at pagmamahal sa Diyos sa tulong ng kanilang pamilya at komunidad, manalangin tayo: (T) (Maaaring banggitin dito ang iba pang Rahilingan ng pamayanan) P - Dakilang Diyos Ama, dinggin mo ang aming mga kahilingan upang mapuspos kami ng kagalakan sa pagdating ng iyong Anak na si Jesukristong aming Panginoon. B- Amen. Paghahain ng Alay (Tumayo) P - Manalangin kayo... B- Tanggapin nawa ng Pangi- noon itong paghahain saiyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapaki- nabanganatsa buong Samba- yanan niyang banal. Panalangin ukol sa Mga Alay P - Ama naming Lumikha, maihain nawang lubos ang matapat naming paglilingkod sa pagganap sa itinatag ng iyong Anak at sa pakikinabang sa iyong pagtubos sa aming lahat sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B-Amen,

Anda mungkin juga menyukai