Anda di halaman 1dari 1

Iyuko natin ang ating ulo at damhin ang presensya ng Panginoon.

Amang makapangyarihan sa lahat, tunay na bukal ng liwanag at


karunungan, pinupuri ka namin at pinasasalamatan. Kami ay
nagpapasalamat sa makabuluhang na araw na ito na tinipon mo ang bawat
isa sa lugar na ito, kasama ng mga guro at kawani ng paaralan, mga
magulang, at mga mag-aaral.

Hinihiling po namin na inyong basbasan ang pagdiriwang namin sa hapong


ito. Ipadala po ninyo ang Banal na Espiritu upang gumabay sa bawat isa.

Kami ay nagpapasalamat sa isang taong nakalipas na puno ng kaalaman at


pagpapala. Salamat sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong ito upang
maparangalan ang mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng kanilang
natatanging kahusayan, katalinuhan at pagsisikap sa kanilang pag-aaral.

Ama, ipinagpapasalamat po namin sa iyo ng marami ang aming mga buhay,


sa mga kakayahan, sa mga talento at karunungang aming tinataglay ngayon
na naging susi upang mapagtagumpayan ng mga batang ito ang hamon ng
pag-aaral.

Patuloy ninyo silang gabayan sa pagtahak sa mga susunod pang yugto ng


kanilang buhay. Kayo po sana ang manguna sa kanilang mga naisin at mga
pangarap.

Ang lahat po ng aming samo at dalangin ay iniaalay namin sa iyo ng buong


puso, kasama ni Hesus na aming Panginoon. Amen.

Anda mungkin juga menyukai